Filay (one shots)

By Trois24

8K 249 172

Compilation lang ito ng iba't-ibang kantang narinig ko at ayun, bigla nalang nabuo sa utak ko itong mga kwent... More

Umuwi ka na baby
Naliwanagan
Mga babae nga naman
Lahat gagawin para saiyo
Nahuhulog na ako, pero bakit? (part 1)
Nahuhulog na ako, pero bakit? (part2)
Mahiwaga
Nahuhulog na ako, pero bakit? (part3, sa wakas!!)
Sa'yong sa'yo at laging ikaw
Mga Paandar at pasabog
SeΓ±orita
Binibini
Mga kaganapan at kaguluhan
Pahabol na kilig
Hawak kamay
Paadd Po ng extra 2k
A date in NeverLand
Nahuhulog na ako, pero bakit? (supposedly another ending)
Peter losing Wendy
Kailan mo naramdaman?
Ngayon, ako naman

Mga pag-aalinlangan ng puso

314 10 7
By Trois24

"Magandang umaga sayo aking binibining Klay. Handa ka na ba sa ating pamamasyal?"

"Good morning din sayo Fidel. Maka akin ha? Excited ka ah. Easy ka lang sir. Ready na ako!"

Parang ready na akong sagutin ka Fidel.
Sa isip na lang iyan ni Klay.

Ngayon araw ay napag-usapan nila ni Fidel na magkikita at mamasyal silang dalawa, pambawi raw ito ni Fidel sa kanya sa dalawang araw na absent ito sa pagdalaw sa kanya sa Casa Ibarra. Nagtungo daw ito sa kabilang bayan dahil may negosyong inasikaso.
Naiintindihan naman niya ito dahil alam nyang importante ito at syempre, negosyo niya ito.

Speaking of Ibarra.
Nagpaalam at humingi ng pahintulot naman si Klay kay Crisostomo na siya namang pumayag sa kanilang kahilingan at ngayon, ito na nga, ay sinundo siya ni Fidel ngayon dito sa casa ng mga Ibarra.

"Halika kana binibini at simulan na natin ang ating pamamasyal."

Wika ni Fidel na may kasamang matamis na ngiti.

"Arat!"

Sagot naman ni Klay.

"A-arat? Anong ibig mong sabihin noon Klay?"

"Binaligtad na tara lang yun. Haha . Tara. Arat. Oh di ba?"

"Ahh!"

Tatango tangong saad nito.

"Tama, arat na Binibining Klay."

Akmang lalakad na sana patungong kalesa si Fidel ng pinigilan niya ito.

"Ah, Fidel, pwede bang wag na tayong magkalesa? Pwede bang maglakad na lang tayo?"

"Bakit Klay? Nahihilo ka ba sa kalesa?"

"Ah hindi naman sa ganon...para kasing mas ok kung maglalakad na lang tayo para mas matagal tayong magkapag. .usap ba? Mas matagal tayong magkasama? Di ba? Para mas madaming moments."

Kitang kita ni Klay ang biglaang pamumula ng mga pisngi ng binata na sa kanya ay nakapagpangiti.

Cute.
Bulong niya sa sarili.

"Si..sige ba! Kung iyan ang iyong nais aking Binibini."

So ayun na nga..Mula casa ay nilakad nila ang daan papunta sa may parke kung saan nila balak mag-usap at magkabonding bondingan.

Sa kanilang paglalakbay ay paminsan minsang napapahawak si Klay sa mga braso ni Fidel.
Alam niya na napapansin ito ng binata.
Well, sinasadya naman nya talaga kasi iyon.
Unti-unti ay ipinaparamdam na ni Klay na gusto na niya si Fidel at handa na syang pumasok sa isang relasyon kaya may mga paunti unting hint na sya para sa binata.

Nang nasa parke na ay inayos ni Fidel ang kanilang kagamitan at pumuwesto sila isang malilim na puno.
Doon ay masaya silang magkwentuhan at nag-asaran.





Pero may kailangang itanong at sabihin si Klay bago sya umoo at pumasok sa relasyon inihahandog sa kanya ni Fidel.



"Ah, Fidel.."

"Yes my dearest Klay?"

"Gaano katagal yung tinatagal mo sa relasyon?"

"H-ha?"

"Kasi di ba? If ever na sagutin kita. . if ever ha. Gaano katagal sa tingin mo itatagal ng relasyon natin?"

Nagkunot noo ito sa mga narinig.

"Bini..bigyan mo ba ng taning ang ating magiging relasyon?"

"Ha? Hindi naman sa ganoon! what I'm just trying to say is that di ba hindi naman lahat ng relasyon eh. . nauuwi sa kasalan.."

"Hindi ko mawari ang mga nais mong ipahiwatig Klay. Bakit ganiyan ang mga namumutawi saiyong bibig. Nangangamba ka ba sa pag-ibig ko? . . Klay, I courted you with the intention of marrying you."

Napalunok si Klay sa mga salitang binitawan ni Fidel.

"Fidel, hindi ba pwedeng jowa jowa lang ang peg natin?"

"Jo..wa? Ha?"

"I mean . .in a relationship lang yung status. Walang marriage na involved. Hindi ba pwede sayo yun?"

"Ngunit Klay, hindi naman kita minamadali kung ayaw mo pang magpakasal. . naiintindihan ko naman iyon."

"Alam ko din naman yun Fidel, kaso kasi. . .paano kapag mawala nako?"

"Mawala? Klay ano ibig mong sabihin sa mawala?"

"Hindi kasi ano eh. .tsk pano ko ba sasabihin to?"

"May malala ka bang karamdaman na itinatago saamin at maaari kang mawala ng dahil dito? Iyon ba ang nais mong tukuyin?"

"Hindi! Ano ka ba! Grabe naman sa may malalang sakit! Wala akong sakit! Baluga ka! What I mean is kapag umuwi na ko samin. Yun yung gusto kong sabihin."

"O kung ganoon, anong problema? Maaari naman kitang puntahan sainyo."

"Kaso Fidel. . Hindi ako. . hindi ako taga rito."


Natahimik si Fidel.
Tinignan lang niya ito. Sigurado naguguluhan ito sa mga pinagsasabi nya. Paano ba kasi niya ieexplain na hindi sya taga rito sa lugar nato at isa lang silang mga tauhan sa isang libro. Hindi ba pwedeng ibitaw lang nya ng ganun kasimple yun?



As if.


Edi napagkamalang baliw at nasisiraan na naman sya ng ulo..


"Klay, maaari naman ako lumipat ng aking tahanan, handa kong iwanan ang lugar na aking kinalakhan-"

"Fidel, hindi mo ko maintindihan hindi nga ako taga rito sa mundo nyo!"

Napahinto si Fidel sa mga narinig at kumunot ang mga noo. Bakas ang kaguluhan sa mga mata.

"Klay.." Mapait itong ngumiti sa kanya.

"...Isa na naman ba ito sa iyong mga pagsubok mo saakin bilang isang manliligaw?"

Napatayo na ngayon si Klay sa kanyang uupuan.

"Fidel, hindi to pagsubok o kung ano-"

Napabuntong hininga siya.

"...Ang gusto ko lang naman, kung maging tayo... hindi mo ko kailangang pakasalan or whatever. Simple as that?"

"Ngunit bakit Klay? Bakit wala sa isip mo ang salitang kasal?"

Napatayo narin si Fidel sa kinauupuan nito at hinarap siya.

"..Pero bakit ganoon na lamang ang iyong pagpupursigi na makasal si Crisostomo at Maria Clara? Kung wala kang konsepto ng kasal?!"

"Fidel, iba sila Sir Ibarra at Maria Clara. Importante na makasal sila dahil yun yung pinupush kong mangyare!"

"Push? Hindi ko maintindihan ang iyong nais ipabatid sa terminolohiyang ginamit mo. At. .at bakit importanteng makasal sila? Ikaw? Ang nararamdaman mo? Hindi ba iyon importante? Ako? Hindi ba ako importante sayo Klay?"

Hindi agad nakasagot si Klay sa mga sinabing salita ni Fidel. Pano nya uunahin ang sarili nyang nararamdaman eh, hindi naman sya ang main goal dito. Ang main goal ay magkaroon ng happy ever after ang magjowang Crisostomo at Maria Clara and never din naman nyang naisip na may mabibighani sa kanyang kagandahan na isang Fidel Maglipol na kilalang yayamaning negosyante at nakapagtapos pa ng abogasya sa Europe. Apakabongga di ba? Pero bakit hindi nya magawang ayusin ang lahat? Yung pati sya malayang pedeng umibig?-

Napangisi ito na sya namang ikinasimangot ni Klay.

"Hindi ka man lang nakasagot. .Bakit ko pa kasi naitanong...gayung alam ko naman ang sagot."

Mapait nitong sabi.

"Anong-?"

"Husto na Klay."

Walang emosyong saad nito.

"Halika ka na. Makulimlim na ang kalangitan at magbabadya ang pag-ulan. Ihahatid na kita sa inyong tahanan."

"Pero Fidel.."

Hindi na ito nagsalita at inisa isang niligpit na lamang ang kanilang mga kagamitan. Hindi narin siya nakapagsalita after nyang makita ang pait at sakit sa mga mata nito.
Napatingala si Klay sa kalangitan.
Ang maaliwalas na panahon kanina lamang ay bigla na lang napalitan ng makulimlim na langit.

Tinignan niya si Fidel.

Bakit ganun? Bat nasasaktan syang makitang si Fidel sa ganoong kalagayan?


Hanggang sa makarating sa Casa Ibarra ay hindi na sila nagkibuan pa. Hindi nya alam panong gagawin . . naguguluhan siya.
Siguro kapag sinagot na niya ito ay mawawala ang lungkot sa mga mukha nito.
Oo tama!
Sasabihin nyang mahal nya narin ang lalaki!

"Fidel, may sasabihin ako!"

"ahh.. sa tingin ko ay sa susunod mo na lang sabihin iyan saakin Binibining Klay. Ako'y. . . mauuna na. Sige . . .Babu."

Hindi na nito hinintay pa ang kanyang tugon at tumalikod saka lumakad na lang.

Pinanuod na lamang ni Klay ito papalayo.

Nais pa sana niya itong pigilan pero ano naman ang sasabihin nya? Baka  may masabi na naman syang hindi nito maintindihan at mas ikasama ng loob.


"Hayy..ano ba yan?"

Bat naging ganun yung ending ng pamamasyal?
Bat naging malungkot ang naging pagpapaalam nito?
Ang saya nung umpisa eh, tas naging ganito.
Bakit ba nauwi na naman sa samaan ng loob?

Umakyat siya sa kanyang silid na may mabigat na damdamin. Nang makaupo sa gilid ng kama ay doon bumagsak ang mga luha.

Natawa sya ng maisip yung lyrics sa isang kanta.


"Totoo pala yung lyrics na 'only love can hurt like this'."

Muli siyang naiyak nang maisip na nasaktan na naman niya ang damdamin ni Fidel, na wala namang ibang hinangad kundi pasayahin siya at ang ibigin sya.

"Importante ka sakin Fidel..."

"...kaya nga natatakot akong masaktan ka.."

Notes:
So ayun..another misunderstanding naman 😢 Sorry na 😣

Continue Reading

You'll Also Like

669K 33.2K 24
↳ ❝ [ ILLUSION ] ❞ ━ yandere hazbin hotel x fem! reader ━ yandere helluva boss x fem! reader β”• 𝐈𝐧 𝐰𝐑𝐒𝐜𝐑, a powerful d...
12.5K 220 23
WARNING: OLD!!! CRINGY!!! BAD GRAMMAR!!! In this book you are a girl that have some problems let's say. In one day you enter Slender forest and you d...
72.4K 2.9K 37
Hanabi, the wielder of the demonic Higanbana, stepped out from their small village to seek vengeance over the assassination of her father. However...
305K 6.8K 35
"That better not be a sticky fingers poster." "And if it is ." "I think I'm the luckiest bloke at Hartley." Heartbreak High season 1-2 Spider x oc