AMONG US I

By exoleyxion

354 143 0

The killer... Is Among Us. More

AMONG US
CHAPTER 1: ABOUT TO BEGIN
CHAPTER 2: SIGNS
CHAPTER 3: AS RED AS BLOOD
CHAPTER 4: FAME SCANDAL
CHAPTER 5: FLAMES CANDLE
CHAPTER 6: CUTS
CHAPTER 7: THE FORENSIC
CHAPTER 8: TRUST
CHAPTER 9: WHO COULD IT BE?
CHAPTER 11: ENDEAVOR
CHAPTER 12: THE DISAPPEARANCE
CHAPTER 13: CONNECTED BY BLOOD
CHAPTER 14: ABDUCTED
CHAPTER 15: FAMILY LOVE
CHAPTER 16: MIX AND MATCH (SELECTION PART)
CHAPTER 17: MIX AND MATCH (MIXING PART)
CHAPTER 18: THE SECRET RELATIVE
CHAPTER 19: GOODBYE KISS
CHAPTER 20: HER DEADLY ADMIRER
CHAPTER 21: THE STRANGE FALL I
CHAPTER 22: THE STRANGE FALL II
CHAPTER 23: NO SECRETS

CHAPTER 10: D IS FOR?

5 3 0
By exoleyxion


Helloooo! Long time no updateee hehehe! Sorry po sa paghihintay. Update na po tayo nowww...

◖⁠⚆⁠ᴥ⁠⚆⁠◗

I uttered a prayer while waiting for this man to kill me but he stopped inches away from me which made me look at him. Itinapat niya sa’kin ang hawak niyang flashlight kaya napapikit ako. I heard him cursed before he kneeled in front of me.

“Zivienne.” I opened my eyes when I familiarized his voice. It’s Wave! “Zivienne, why are you here? Why are you crying?” Bakas sa mukha at boses niya ang matinding pag-aalala kaya mas lalo akong naiyak. Niyakap niya ako nang mahigpit at hinaplos ang buhok ko.

“N-Natatakot ako…” umiiyak kong sumbong sa kaniya. “Akala ko ako na ang susunod. Wave…”

“Shh… I’m here,” pagpapatahan nito sa’kin. “I shouldn’t have left you there. I’m so sorry.” Naramdaman ko ang malambot nitong labi sa noo ko. “I won’t let them touch you, hmm?”

Pinatayo ako ni Wave at inalalayan palabas. Nangangatog pa ang tuhod ko dahil sa kaba at takot. Nang makalapit kami sa sasakyan ay agad akong sinalubong ni Shaun ng yakap. Sumunod din sina Donna at Hazel kaya naiyak na naman ako.

“Are you okay, Zivienne?” nag-aalalang tanong ni Sir Villejo na tinanguan ko naman. “Get inside! Hurry!”

Sir Villejo cleared our way first before driving to the nearest hospital. Tumabi ako kay Dior habang ginagamot siya ng Nurse. Naaawa ako sa kanya. Nanghihina pa ang katawan niya dahil sa sinapit.

“Ano ba talaga ang nangyari, Dior? Why did they brought you there? Do you know them? Were they familiar? Do you—“ he cut me off.

“Zivienne, I’m fine.” I pouted. “One at a time, okay?” Tumango-tango ako. “I was heading home when a car stopped in front of me. Unfamiliar guys suddenly dragged me inside that car and knocked me off.”

“When I woke up, I was already inside the room where you found me,” he continued. “Tied in a chair.” Napadaing ito nang diniinan ng nurse ang bulak sa sugat niya sa kamay. “Binugbog ako ng mga pangit na ‘yon at basta nalang akong iniwan do’n sa madilim na kwarto.”

“Do you know them?” I asked.

Umiling ito. “Bukod sa hindi ko sila kilala ay hindi ko rin natandaan ang mga mukha nila,” nanghihinayang sagot nito. “Kapag talaga nagkataon na namukhaan ko ang isa sa kanila, hahanapin ko siya at bubugbugin din.” Hinampas ko siya kaya napa-aray ito. Ayy, nahampas ko ang isang sugat niya hehehe.

“Isang kaladkad ka nga lang papasok sa sasakyan nila tapos maghihigante ka pa?!” bulyaw ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako kaya kinurot ko ang tagiliran nito. Dumaing na naman siya na ikina-kunot ng noo ko. “Pati dito, mayroon kang sugat?”

Napakamot siya sa ulo niya. “Hindi ko naman kasalanan ‘to, Zivienne.”

“Sinisi ba kita?”

Tumawa ito at tinaas ang dalawang kamay niya tanda ng pagsuko. “Don’t worry, okay lang talaga ako.”

“I reported it to the police already,” singit ni Sir Villejo. “Hinahanap na nila ang mga iyon.”

Dumiretso kaming lahat sa Jollibee pagkatapos magamot ng mga sugat ni Dior. Tahimik lamang si Wave hanggang sa makauwi kami sa bahay. Bumati lang ito kina Mom at agad na umakyat sa kwarto ko. Sumunod ako sa kanya at dumiretso sa banyo para mag-half bath. Nang matapos ako ay siya naman ang pumalit sa’kin sa loob.

Humiga na ako sa pwesto ko at humarap sa bintana. Pumapasok sa bintana ang liwanag ng buwan kaya pinatay ko nalang ang ilaw. Maliwanag naman na. Kailangang magtipid sa kuryente ngayon.

Naramdaman kong humiga na si Wave sa tabi ko kaya humarap ako sa kanya pero tinalikuran ako nito! Bumangon ako at tinusok-tusok ang likod niya. “Wave, may problema ba? Bakit hindi mo ako pinapansin?” Walang emosyon ako nitong nilingon bago tumalikod ulit.

Ah gano’n? Ayaw mo akong pansinin? Edi, hindi rin kita papansinin.

Kinuha ko ang dalawang hotdog na unan at nilagay ‘yon sa gitna namin ni Wave. Pinatungan ko pa ng isa pang mahabang unan kaya nagmukha itong pader sa gitna namin. Kinuha ko rin ang extra kong kumot na nasa uluhan dahil ayaw kong maki-share ng kumot kay Wave. Tumalikod ako ng higa sa kanya at nagkumot na hanggang balikat. Para kaming magjowang nagkatampuhan sa lagay namin ngayon.

Narinig ko itong bumuntong-hininga bago ko naramdamang inaalis niya ang mga unan na nilagay ko sa gitna namin. Umusog ito palapit sa akin at niyakap ako mula sa likod. Ibinaon din niya ang kaniyang mukha sa batok ko. Sinubukan kong tanggalin ang kamay niyang nakapulupot sa bewang ko pero mas hinigpitan niya lang ang pagyapos sa akin.

“I’m sorry,” he said in a soft voice. Humarap ako sa kaniya at ngumuso.

“Bakit ka ba kasi nagtatampo?” I asked.

“N-nothing,” sagot nito.

“What?” I chuckled. “Alright. So you mean, hindi mo ako pinapansin dahil trip mo lang or wala ka lang talaga sa mood?”

“Not in the mood.” Humikab ito. “And sleepy.”

SOMEONE’S POV

Kakalabas lang namin sa Jollibee at pauwi na. Hindi na ako sumabay sa kotse ni Sir dahil may dadaanan pa ako. Binilisan ko na ang lakad dahil parang may sumusunod sa akin. Wala pa namang tao sa paligid at madilim na.

Pagliko ko sa isang eskinita ay may pumalo sa ulo ko kaya nawalan ako ng malay. Pagkagising ko ay nasa isang puting kwarto na ako, nakatali sa silya. Sinubukan kong kumawala pero sobrang higpit ng pagkakatali sa’kin.

Bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki at babaeng naka-maskara. May dala silang container at may mga suot silang gloves. Lumapit sila sa’kin at tumigil sa harap ko.

“Sino kayo? Pakwalan niyo ako!”

“Tsk tsk, it’s your turn now,” wika ng babae at bumaling sa lalaki. “Simulan mo na, Kuya.”

“Wala ka bang sasabihin muna sa babaeng ‘yan?” tanong ‘nung lalaki. Kumunot ang noo ko at pinabalik-balik ang tingin ko sa kanila. Ano ba ang sinasabi nila? Bakit ako nandito? Kilala ba nila ako? Anong gagawin nila sa’kin?

“Wala na, Kuya. Nangangati na akong dispatyahin ‘to eh,” naiinip niyang sagot. Teka, dispatyahin ako? Papatayin nila ako? “Ilang linggo na rin akong hindi nakakakita ng dugo.”

“Sige, hindi ko na muna gagalawin ang isang ‘to,” wika ng lalaki. “Ang susunod na biktima nalang. Marami pa naman akong pwedeng magalaw sa school.”

Ano? B-biktima? Pumapatay sila? At nangre-rape?

Lumapit sa akin ang babae at nag-squat sa harap ko. “Kilala mo ba ako?” she asked. Umiling naman ako bilang tugon. “Ako… si kamatayan. At sinusundo na kita.”

Nagsimula na akong magwala nang makitang dumukot ito ng gunting sa kanyang bulsa. “A-anong gagawin mo? HUWAG MO AKONG PATAYIN!!” Nagmamakaawa ako sa kanya pero para lang itong bingi. “Maawa ka sa’kin!”

Pumunta ito sa likod ko at hinila ang buhok ko. Napadaing ako dahil parang mapuputol ang ulo ko sa lakas ng pagkakahatak niya. “Sorry but I show no mercy to my victims.” Napahiyaw ako sa sakit nang gupitin niya ang buhok ko. Nagugupit din ang anit ko kaya mas dumoble pa ang sakit na nararamdaman ko.

“Please… please… stop…”

ZIVIENNE

Tumingin ako kay Wave nang maalala ko ang lalaki kanina sa poultry. Bakit niya ako dinala sa kwartong ‘yon at iniwan? He has a familiar scent and a familiar body type but even my mind can’t tell who. Who is he?

“Dinala ako ng isang lalaki sa kwartong ‘yon,” I said. “Hindi niya ako sinaktan o kung ano man. Dinala niya lang ako roon at iniwan.”

“I guess he’s not the killer but I think he’s someone I know,” saad ko. “If he is the killer, he must’ve killed me in that room. But he didn’t.”

“Hindi rin nila pinatay si Dior, binugbog lang nila,” patuloy ko. “Kung ‘yon talaga ang pumapatay, edi si Dior na ang sinunod niya. I think that it was only a random kidnapping.”

“But if not Dior, not Donna, and not Danica, then who could it be?”

SOMEONE’S POV

Tuwang-tuwa ako habang nilalaslas ang anit nito. Napangiti ako nang malawak nang makita ang dugong umaagos mula sa ulo niya, pababa sa malinis na tiles. I really love blood lalo na kung galing sa mga kagaya ng babaeng ito.

Nang maubos na ang buhok nito ay tumigil na ako at bumalik sa tabi ni Kuya. Nakangiti naming pinagmasdan ang babae habang unti-unti itong nanghihina.

“Sayang Kuya, ang sexy pa naman ng babaeng ‘yan,” I said. “Ba’t ayaw mong galawin?”

“Marami pa nga sa school,” sagot nito. “Bakit ang tagal niyang mamatay?” Lumapit ito sa babae at ibinaon ang gunting sa ulo nito. Napatawa nalang ako dahil sa ginawa niya. Gusto niya talagang madaliin lahat.

“Ilagay mo na ang note sa bulsa niya,” utos nito na agad ko namang sinunod. Pagkatapos no’n ay kinalagan na namin ang babae at pinagtulungang ipasok sa likod ng kotse. Itinapon namin ito malapit sa Maple High. Gabi na kaya wala nang makakakita sa’min dito.

Tiningnan ko naman ang listahan ko at nilagyan ng x ang pangalan ng babae. Donna. Apat pa lang ang naligpit namin. Marami-rami pa pala ang kailangan naming singilin.

ZIVIENNE

Nagising ako dahil sa lamig. Kumalas ako sa pagkakayakap kay Wave at nagtalukbong ng kumot. Nilalamig talaga ako, para akong niyayakap ng patay. Madaling araw pa lang at talagang napakalamig tuwing ganitong oras pero bakit ako nagising? Hindi naman kasi talaga ako nagigising ng madaling araw kahit malamig.

Naramdaman kong ipinulupot ni Wave ang braso nito sa tiyan ko at isiniksik ako sa katawan niya. Dahil sa init na ipinapasa ng katawan niya sa’kin ay muli akong nakatulog. Pagsapit ng alas sinko ay ginising na ako ni Wave. Inaantok pa ako huhuhu.

“Napakalamig kaninang madaling araw, ano?” ani Hazel habang naglalakad kami papunta sa school. “Para akong niyayakap ng patay.”

“Mhm.” Kumapit ako sa braso ni Shaun. “Nagising din ako dahil sa matinding lamig. Parang kakaiba ang lamig kanina, diba? Nanggigising.”

“Nag-chat pala si Danica sa group chat kagabi na aabsent siya ngayon kasi pupunta silang Batangas,” wika ni Paris.

“Ano nga pala ang emergency na nangyari kahapon, Paris?” I asked. Ngayon ko lang naalala na wala siya kahapon dahil nagpasama raw si Tita Penny sa check-up niya. What’s weird is that, hindi naman nagpapasama si Tita sa hospital eh. Naalala ko pa nga na pinilit namin siya ni Paris na sasamahan siya namin kaya lang ay ayaw niya talaga.

“Nagpasama si Mom sa hospital for her check-up,” sagot nito.

“Really?” naninigurado kong tanong. “Diba, ayaw ni Tita na samahan siyang pumunta sa hospital for her check-ups? Did she happen to change her mind?”

Ramdam kong natigilan si Paris sa naging tanong ko. I caught him off guard. He’s lying. Too obvious for me.

“Yeah, she changed her mind. She asked me to come with her.”

I secretly smiled when I heard his response and the way he responded. Magaling talaga si Paris sa pagtatago. He can play with his expressions, pero hindi siya makakatago sa’kin.

Tumango-tango nalang ako at hindi na nagsalita hanggang sa makarating kami sa school. I can sense that he’s hiding something from us, but I trust that it won’t harm us. Sila ni Shaun. I will trust them.

“Anong meron diyan?” Tinuro ni Donna ang mga nagkukumpulan na estudyante sa gilid ng daan.

“May patay na naman daw,” rinig kong bulong ng isang Ale. “Estudyante ng Maple High. Napaka-brutal, jusko!”

Nagkatinginan kaming pito at dali-daling pumunta roon. Napakapit nalang ako kay Shaun nang makita ang katawan ng isang babae na nakahandusay sa tabing kalsada at naliligo sa sarili nitong dugo. Wala na itong buhok at may nakatarak pang kutsilyo sa ulo nito.

Nanlumo ako nang makilala ito ngunit bago pa ako maka-react ay hinila na ako ni Wave paalis doon. Hinayaan ko lang siya na hilahin ako hanggang sa makarating kami sa classroom. Siya na mismo ang naghila sa upuan ko at pinaupo ako roon.

“I… I thought she’s in Batangas?” I asked. “B-bakit—“

Hindi ko na natuloy ang dapat sana na sasabihin ko dahil biglang humagulgol si Shaina at Vivian. Tahimik lamang kami sa loob ng classroom habang nakikinig sa mga hagulgol nila. Even Hillary fell in silence.

It is true. Danica would be next but why? Why her?

“S-Sabi niya… p-pupunta siyang B-Batangas? B-bakit siya n-nakahandusay doon sa kalsada?” Sa sahig na nakaupo si Vivian at gulo-gulo na rin ang buhok nito.

Hindi rin namin… alam.

Napatingin kami sa harap nang pumasok si Sir Villejo. Malungkot itong ngumiti sa amin. Ramdam ko rin ang kalungkutan niya pero nagawa niya pa rin kaming batiin. He’s trying his best to look fine in front of us.

“Okay class, we have lost another one,” malungkot nitong wika sa amin. “Let’s offer a minute of silence for Danica.”

***

“Alyana… Bridgette… Camille… Danica…” Bumuntong-hininga si Hazel at humilig sa balikat ni Donna. “Possible bang si Enara na ang sunod?” she asked.

“Possible kaya kailangan natin siyang bantayan,” Donna said. “Kahit naman maldita ‘yang si Enara eh may good side pa rin siya.”

“Hindi ko siya nakita ngayong araw,” Paris said. “Kahit kahapon.”

“Nakita ko siya kahapon sa tindahan. May binili siya sa pharmacy,” Hazel said. “Nakakaawa nga ‘yung itsura niya eh. Ang putla niya tapos para siyang nanghihina.”

Napatingin ako sa kanya. “Talaga?” I asked. Kung nanghihina siya, I think ngayon niya kami mas kailangan. “Kung gano’n, kailangan natin siyang bantayan. Baka kung ano pa ang mangyari sa kanya.”

“Zivienne’s right,” sang-ayon ni Paris. “It’s an advantage for the killer because Enara is sick.”

“Bakit pa? Bahala siya.”  Hazel rolled her eyes. “I think deserve niya kung ano man ang mangyayari sa kanya.”

“Hazie, don’t be like that,” mahina kong saway sa kanya. Nagiging bitchy kasi si Hazel kung ayaw niya sa tao lalo na’t may nagawang malaking kasalanan si Enara sa kanya. “I totally understand kung bakit ganiyan ang nararamdaman mo sa kanya, Hazel, but we can’t just let her die.”

“I agree.” Inakbayan ni Shaun si Hazel at ginulo ang buhok nito. “Isipin mo nalang na gagawin natin ‘to para kay Zivienne,” pang-aalo nito. “You can’t say no to her, right?”

Tumingin sa’kin si Hazel at bumuntong-hininga. “I don’t want to do this, but okay, fine. For Zivienne.” Ngumiting parang aso si Shaun sa sinabi ng katabi. “Tiyaka, sandali lang naman ‘to eh at kasama ko naman kayo. Hindi lang naman ako ang magbabantay roon.”

“Kung sakali man na si Enara nga ang sunod, posible bang si France pagkatapos niya?” Donna asked. “Pansin ko kasi na puro babae ‘yung biktima tiyaka halos rape pa lahat. May posibilidad kaya na babae lang ang mga binibiktima ng killer?”

Tobias shrugged. “We’ll know about that once we reach the letter F… victim F,” he said and leaned his back on the sofa.

Kagaya nga ng napag-usapan, dumiretso kami sa bahay nina Enara pagkatapos ng klase, pero kaming apat lang nina Hazel, Shaun, at Tobias ang pumunta. Kapag kasi lahat kami pumunta roon, baka may maghinala. Gusto sanang sumama ni Wave kaso lang ay may kailangan silang puntahan nina Paris at Sir Villejo. Si Donna naman ay sinundo ng mommy niya dahil may pupuntahan din daw sila.

“Shaun, ikaw na mag-doorbell,” utos ni Hazel sa isa.

“Magdo-doorbell na nga lang, ipapagawa pa sa’kin,” Shaun mumbled before pressing the doorbell.

We waited for a few minutes before the door swung open. Bumungad sa’min ang matamlay at walang kulay na mukha ni Enara na siyang nagbukas ng pinto. Nagulat pa ito na makita kami sa harap ng bahay nila.

“What are you guys doing here?” tanong nito nang makabawi na sa pagkabigla.

“We’re here to check on you,” I replied. “May sakit ka raw kasi.”

“Why do you care?” pagmamaldita nito at pinasadahan kami ng tingin. “Pwede bang umalis na kayo? Pabayaan niyo na ako.”

Isasara niya na sana ang pinto pero naharangan iyon ni Tobias. Dahil nanghihina si Enara at mas malakas si Tobias ay wala na siyang magawa ‘nung itulak ni Tobias ang pinto at pumasok sa loob.

“This is trespassing, Tobias! I will report you to the police!” pagbabanta nito at kinalikot ang kaniyang cellphone. Inagaw naman iyon ni Hazel at pinasa kay Tobias nang tangkain itong bawiin ni Enara. “Akin na ‘yan!”

“Pwede bang kumalma ka, Enara? Hindi naman kami pumunta rito para manggulo,” ani Shaun. “We’re trying to save you! So, please, kumalma ka muna at makinig ka sa’min.”

“Save me from what?!” Umupo siya sa sofa at kinalma ang sarili niya.

“Narinig mo naman na siguro ang patayan na nagaganap, hindi ba?” Hazel asked. “Alyana first, Bridgette second, Camille third, Danica fourth, at ikaw na ang sunod.”

“Wai-wait, what?” Kinakabahan siyang tumawa. “You got to be kidding me. How could I be the next to be killed? Wala naman akong kasalanan. Ginagago niyo ba ako?”

“Enara, may order ang pagpatay… by alphabet,” I said. “And you are the next in line.”

“Bigyan niyo ako ng rason kung bakit ako papatayin!” anito. “If the case is bullying, then labas ako riyan! Yes, I am a bitch, but bullying is not my thing.”

“Talaga ba?” Hazel mocked while her arms are crossed on her chest. “Admit it already, Enara, you’re a bully! Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mong pambu-bully sa’kin noon!”

“How many times do I have to tell you it wasn’t me!?” rebat ni Enara. “It was Neon!”

“Wow! Binibintang sa iba ang kasalanang ginawa,” Hazel sarcastically said. “Feeling innocent ka, sis?”

“Hazel, I’m telling the truth! Ano ba?” pagpupumilit ni Enara. “Kung ayaw mong maniwala, edi ‘wag! Pero huwag na huwag mo akong pagbintangan!”

“Paano kita hindi pagbibintangan kung nandoon ka? Sabihin mo, kung hindi ikaw ang gumawa nun sa’kin, eh bakit ka nandoon? Anong ginagawa mo roon?” Hazel asked. Trauma is visible on her physical appearance.

“You won’t believe me if I tell you,” mahinang sagot ni Enara at yumuko. Unti-unti nang umaamo ang kaninang parang tigreng gutom niyang mukha.

“Tell me.”

Napatingin si Enara sa kanya bago umiwas ng tingin. “I was there to… t-to save you,” nahihiyang sagot nito.

“What?!” Umupo si Hazel sa tabi nito. “A-anong? Bakit?”

“Mukhang may mamumuong pagkakaibigan sa pagitan nila ah,” Shaun whispered.

“This can be a good distraction so that Enara won’t go anywhere,” Tobias said in a low voice. “Her parents will be back home at 6 pm. We need to distract her until 6.”

“I-I’m sorry, napagbintangan kita,” paumanhin ni Hazel at niyakap si Enara na ikinagulat naman ng huli. “And, thank you for trying to save me.”

Nang makabawi ay niyakap din siya pabalik ni Enara. “I’m not as selfish as you thought.”

“But you’re just a bitch,” tugon ni Hazel na sabay nilang tinawanan.

“Looks like you’re friends now, huh?” Shaun commented which made Hazel roll her eyes. “Anyway, I remembered, you used to call Zivienne a snake because of Wave.”

Mahinang natawa si Enara. “Oh that? Yes, I’m so sorry, Zivienne,” she sincerely apologized while looking at me. “I like Wave, but I realized he’s not for me and I can’t force it.”

“You sound like a different person now,” Tobias pointed out. “You must’ve realized a lot.”

“Not really,” Enara replied. “By the way, kung ako na nga ang sunod na papatayin, I would be glad.”

“Gago?” bulalas ni Hazel.

Tumawa si Enara. “Baka nga karma ko na yun pag nagkata—“

Nagulat kami nang tumakbo si Enara sa kusina nila. Sinundan naman namin ito at naabutan namin siyang sumusuka sa sink. Hinimas ko ang kaniyang likod habang sumusuka siya. Nagsalin naman ng maligamgam na tubig si Hazel sa baso at inabot ito sa kanya.

“Enara, nakapagpa-check up ka na ba sa hospital?” I asked.

“Hindi ka naman siguro buntis ano?” Hazel joked. Sandaling napatigil si Enara na agad din namang umiling-iling.

“H-hindi ako buntis, acid daw eh,” sagot nito. “Nagpa-check up kami kahapon.”

Hindi ko alam kung bakit pero nagdududa ako eh. My senses are telling me that Enara is pregnant huhuhu.

“Basta Enara, huwag na huwag kang lalabas ha lalo na kung gabi at kung lalabas ka man, magpasama ka,” bilin ni Shaun habang naglalakad kami palabas ng bahay nina Enara. “But I prefer na huwag ka nalang talaga lumabas. Huwag ka ring magpapasok ng mga bisita lalo na kung taga-Maple High.”

“Taga-Maple High ang suspect niyo?” tanong niya na tinanguan namin. “Kung ganun, mag-ingat din kayo. Nag-eembestiga pala kayo kaya kayo ang dapat na mag-ingat.”

“Mag-iingat kami,” I said.

“We hope to see you being a bitch at school again, Enara,” Hazel said.

Enara chuckled. “This bitch is going to kick that bastard’s ass away,” she joked before waving us goodbye.

Medyo malayo ang lugar nina Enara sa amin kaya mahaba-haba pang lakaran ‘to. Pwede naman kaming sumakay sa tricycle, pero mas gusto naming maglakad. Mas mahaba-haba ang usapan namin kung maglalakad kami.

“Kinakabahan ako para kay Enara,” I said.

“Same, pero nandoon naman na ang parents tiyaka kapatid niya eh. She will be safe,” pagpapagaan ni Hazel sa loob ko.

“Sana lang ay buhay pa siya pagbalik nantin bukas…”

ENARA

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong napabuntong-hininga ngayong araw. Hindi ko alam kung maniniwala ako kina Zivienne na ako na ang sunod na papatayin. Wala naman kasing rason ang kung sino mang killer na yan na patayin ako dahil wala naman akong atraso sa kahit na sino. Kung pagmamaldita ang rason niya para patayin ako, ang babaw naman niya.

Ilang araw na rin akong hindi pumasok sa school kung kaya’t wala na akong balita sa mga nangyayari roon. Kung hindi pa pumunta rito sina Zivienne ay hindi ko pa malalamang patay na pala si Danica. Call me a bitch, pero I think deserve niya yun. She’s a bully.

“Oh, Kuya Jhared, diba sabi mo may pupuntahan ka? Ba’t ka bumalik?” tanong ko nang makita ko siyang pumasok sa entrance door ng bahay.

“May naghahanap kasi sa’yo sa labas,” anito. “Mukhang teacher mo yata. Uniform ng Maple High ang suot niya eh.”

Teacher ng Maple High? Sino naman? Tiyaka, gabi na ah.

“Good evening, Miss Cabales,” bati ni Sir. Villejo nang makapasok ito sa loob ng bahay. Kasunod nitong pumasok sina Paris at Wave.

“G-Good evening po,” nag-aalinlangan kong bati at iginaya sila paupo sa sofa. “Ano pong ginagawa niyo rito?”

“We just passed by to drop this.” Pinatong niya ang isang basket sa coffee table. “Mga tea ‘yan, para madali kang gumaling. Nabanggit kasi ni Hazel na may sakit ka raw.”

“Thank you for your concern, Sir,” awkward kong sagot.

“Magpagaling ka, Enara,” bilin ni Paris. “Tiyaka, mag-iingat ka.”

Tumango-tango ako sa kanya bago tumingin kay Wave na tahimik lamang na nagce-cellphone sa tabi ni Sir Villejo. Naiinggit ako sa kung sino man ang ka-chat niya dahil nagagawa nitong pangitiin si Wave na kailanman ay hindi ko nagawa.

“We’re going now, Enara,” paalam ni Sir. Villejo sabay tayo. “Take care.”

Nang maihatid ko na sila sa labas ay bumalik ako sa loob at nagtimpla ng tsaa. Kumuha ako roon sa basket na binigay ni Sir. Mayroong tsaa roon na may bukas na kaya iyon nalang ang tinimpla ko, sayang naman kasi.

Nakakagaan sa pakiramdam ng tsaa pero bakit ganito? Bakit parang hindi ako makahinga?

“K-Kuya…” nanghihina kong tawag. Napahawak ako sa dibdib ko habang sinusubukan kong kumuha ng hangin. Napahiga na ako sa sahig at unti-unti nang  lumalabo ang paningin ko.

“Nara?”

Ito na ba ang sinasabi nila? Mukhang ako na nga talaga ang sunod na mamamatay. Pero sino? Sino ang may intensyong gawin ito? ‘Yung tsaa. Posible bang…

“ENARA!”

S-si Sir Villejo ang pumapatay?

|•|end of chapter 10|•|
◍exoleyxion◍

Continue Reading

You'll Also Like

21.6M 752K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
14K 197 45
Spoken Words Poetry.💕💔 Collection ng mga isinulat kung tula . Collection ng mga hugot . Collection ng mga Quotes . English and Tagalog poetry . c...
3.2K 80 51
NANG-HILAKBOT KAMI SA ILANG ENTRIES NG VIRAL NGAYONG HASHTAG SA TWITTER AT MAGING SA FACEBOOK - MANILA ENCOUNTERS. NARITO ANG ILAN SA MGA NAKALAP NAM...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...