Chasing Series #1: OUR YESTER...

Da vexarin

89.2K 2.2K 283

Maria Acacia Dela Paz is a simple girl whose only dream is to be acknowledged by her crush, Deron Wesley Esco... Altro

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
AUTHOR'S NOTE!
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
EPILOGUE
ANNOUNCEMENT!!!

CHAPTER 11

1.8K 33 0
Da vexarin

"Tikman mo nga ito, hija" inabutan ako ni Tita Denice ng isang piraso ng cookie na binake niya. Kinuha ko naman 'yon at kinain

"Masarap po, Tita" I said then smiled. Napangiti rin naman siya


Ngayon ay Araw ng Sabado. Narito ako sa Mansion ng mga Escoffier dahil sinundo ako ni Tita Denice sa apartment ko kaninang umaga. Gusto daw kasi nito na subukan naming dalawa yung na-discover niyang bagong recipe ng cookies. We both love baking. Naging bonding namin itong dalawa kaya madalas akong narito sa bahay nila noon. Madali ko lang din siyang naging close dahil mabait siya unlike sa ibang mayayaman na katulad niyang matapobre.

"Really? Subukan naman natin 'yung pistachio flavor" masayang sambit nito at excited na kinuha ang iba pang ingredients sa walk in pantry nila. Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng biglang pagkahilo. These past few days, mas lumalala ang paghilo at pagsusuka ko, lalo na sa umaga. Mabuti na nga lang at sa apartment ko na nanunuluyan pansamantala si Asi. Ang hirap din palang mag-isa kapag buntis ka at nasa stage ka palang ng paglilihi. Ang dami kong cravings na mabuti na lang at naibibigay ni Asi.

“May problema ba, Hija? Parang ang tamlay mo, maputla din ang lips mo? Are you not feeling well?” may pag-aalala sa tono nito. Ibinaba nito ang hawak nitong bowl sa counter bago inabot ang noo ko at hinipo.

“Hindi ka naman mainit” sambit niya. Tipid akong ngumiti “Okay lang po ako, Tita. Huwag niyo na po akong intindihin. Mag-bake na po tayo” saad ko. Tumango lang naman ito at naging tahimik na.


Nasa kalagitnaan kami ng pag-
mi-mix ng mga ingredients ng bigla na lang dumilim ang paningin ko, kasunod 'nun ay ang pagkawala ng balanse ng katawan ko hanggang sa tuluyan na akong bumagsak. Narinig ko pa ang pagsigaw ni Tita Denice bago ako tuluyang nilamon ng dilim.


Nagising ako ng makaramdam ako ng marahang pag-haplos sa aking Mukha. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at agad na bumungad sa paningin ko ang nag-aalalang mukha ni Tita Denice.


“Thanks god you're awake! Masiyado mo akong pinag-alala, hija” Saad nito. Tipid naman akong ngumiti sa kaniya.

“A-ano pong nangyari?” I asked

“You fainted” sagot nito. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan ng biglang sumeryoso ang Mukha niya

“You didn't tell me, Hija..” Sandali itong tumigil at mas lalo pang naging seryoso. I'm nervous. Hindi kaya..


“A-ang alin po?” I stammer

“That you're pregnant. The Doctor said that you're 4 weeks pregnant” aniya. Napalunok ako. Nakagat ko din ang sariling labi. Nilukob ng matinding kaba ang buong sistema ko. Eto ang pinaka-iiwasan ko, ang malaman ni Tita ang tungkol sa pagbubuntis ko.

“Akala ko ba no secrets tayo, Hija. Hindi ba't lahat ng sekreto mo ay sinasabi mo sa akin noon? What happened? Nagtatampo ka ba sa akin because of what happened noon sa party? Are you mad at me?” may pagtatampong wika nito. Sunod-sunod naman akong umiling

“Hindi po Tita. Hindi po ako galit o nagtatampo sa inyo. Ano lang kasi.. uhm,” I don't know what to say. I don't what to do. Should I tell her the truth? Mapagkakatiwalaan ko naman siya.


“Yung Fiancé mo ba ang ama ng baby mo?” Her voice is calm, but I sense something else in it


Hindi ako umimik at nanatili lang na nakatingin sa kaniya. She heaved a sigh and hold my left hand

“It's okay. I won't force you if you're not yet ready to tell me about it. Take some rest, sabi ng Doctor ay huwag mo daw masiyadong pinapagod ang sarili mo. I will just go downstairs, papupuntahin ko na lang si Manang Selia dito para may kasama ka, okay?” Saad nito bago siya tumayo at tumalikod na. Maglalakad na sana ito paalis pero pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak sa kamay niya


“Sandali lang po tita” Lumingon naman ito sa akin. Bumangon ako at dahan-dahan na umupo.


Tita Denice and Tito Waze are like my second parents. Bukod kay Mamila na Mama ni Papa at kay Tita Anissa na Mommy ni Asi ay isa din si Tita Denice sa itinuturing kong Mama. Sa kanila ni Tito ko naranasan magkaroon ng kompletong magulang. Ni minsan ay hindi nila ako itinuring na iba, kaya nage-guilty ako ngayon dahil nagawa kong maglihim sa kanilang mag-asawa.

No secrets. Iyon ang pangako namin sa isa't isa


“Why Hija? Is there anything you need?” Mahinahon nitong tanong bago bumalik at umupo sa side ng kama. Umiling naman ako


“I just want to tell you something po. But promise me Tita na you won't tell it kahit kanino” Saad ko. Kumunot naman ang noo niya

“Is it too confidential?”


“Parang gano'n na rin po”

“Okay. I promise” She said then flashes a smile

“Ang totoo po niyan...Hindi po talaga kami mag-fiance ni Asi. Pinsan ko po siya” Diretsong sabi ko. Gulat naman ang naging reaksiyon niya

“Really?.....Then bakit nagpapanggap kayong mag-fiance?” Kumunot ang noo niya. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga bago sumagot “Dahil po kay Deron”

“Kay Deron? Why?”

“Alam niyo naman po kung gaano ko siya kamahal, hindi ba? Pero pagod na po ako Tita. Pagod na po akong maghabol at manlimos ng atensiyon niya. I started to ignore him, kaya lang ayaw po nilang maniwala na nagmo-move on na ako. Kaya po nakiusap po ako kay Asi na tulungan niya ako sa pag-papanggap ng sa gano'n ay maniwala talaga si Deron na hindi ko na siya gusto” paliwanag ko. Napansin kong biglang lumungkot ang mga mata niya

“Maglilimang taon na po akong parang aso na laging naka-buntot sa kaniya. Masiyado ko na pong ibinaba ang sarili ko dahil lang sa paghahangad na mahalin niya rin ako pabalik. Hanggang sa isang araw, na-realized ko na lang na hindi siya worth it sa paghahabol ko, hindi niya ako deserve lalo na ang pagmamahal ko. Siguro hindi lang po talaga kami ang para sa isa't isa” Dagdag ko pa. Tipid naman itong ngumiti saka hinawakan ang Mukha ko at marahan 'yong hinaplos


“I understand you, Hija. Kung ako rin siguro ang nasa sitwasyon mo ay baka ganiyan din ang gagawin ko. Hindi ko nga maintindihan ang batang 'yon kung bakit binabalewala ka niya. Ang ganda ganda mo kaya, tapos ang bait bait mo pa. Pero don't worry, kahit ano pa man ang maging desisyon mo, always remember na nandito lang ako. I will support you sa lahat ng gagawin mo. I'm your second Mom remember” Saad nito na puno ng sensiridad. Napangiti ako. Niyakap niya ako kaya niyakap ko din siya pabalik “Thank you, Tita”


“I want you for my Son. Ikaw lang 'yung nakikita kong babae na fit para sa kaniya, pero kung ayaw mo na at sumusuko ka na, I understand. I want you to be happy, at gusto ko rin na mahanap mo yung lalaking tatanggap at magmahal sa'yo ng totoo at buo” dagdag pa nito na siyang ikinangiti ko. The reason why I love her more than my real Mom is because of this. She's too kind and caring. She's the real defeni

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi

“Napaka-swerte ng susunod na lalaking mamahalin mo, 'cause you have a pure and genuine heart. Napaka-gago lang ng anak ko dahil pinalampas ka pa. Tsk!” Aniya. Natawa naman ako dahil sa huli nitong sinabi. Mas kinakampihan niya kasi ako kaysa sa anak niyang jerk

“Siya nga pala, kung pinsan mo 'yung lalaking kasama mo last time then.... Who is the fa—”

“Si Deron po” Pagputol ko sa sasabihin niya. Saglit naman siyang natigilan

“Deron? Nasaan yung Deron na 'yan at kailangan ka niyang panag—wait....DERON?”

Nagulat ako ng bigla niyang isigaw ang pangalan ni Deron with matching pagtayo pa. Nanlalaki ang kaniyang mga mata at gulat na gulat ang ekspresyon ng kaniyang Mukha. Mukhang hndi niya kaagad na-gets na ang Deron na tinutukoy ko ay ang Anak niyang jerk

“OH.MY.GOD! You mean....my son?” mas lumaki pa lalo ang mga mata nito. I giggled. I never thought her reaction would be like this. I nod my head twice

“OH MY GOD! I am going to be a Lola? Gosh! Really?”

“Gosh! I can't..oh my god! You made me so happy, Hija. Gosh!”

Napangiti na lang ako. Kung halimbawa bang sabihin ko rin kay Deron ang tungkol sa pagbubuntis ko, ganito rin kaya ang magiging reaksiyon niya? Nah, baka nga mas lalo niya lang akong pandirihan.

Nabigla ako ng muli akong niyakap ni Tita Denice ng mahigpit.


“I'm very happy, Hija. You made me so happy” Anito. Nangunot ang noo ko dahil narinig ko siyang humikbi. Humiwalay ako sa kaniya at hinarap ko siya sa akin. I saw her teary eyes. Mabilis ko namang pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi niya

“Bakit po kayo umiiyak, Tita?” I asked. Magkasunod naman siyang umiling.


“I-im just happy, Hija” Nabigla ako ng hawakan niya ang tiyan ko at hinaplos “Hi apo! Ako ang pinaka-maganda mong Lola” Pagkausap nito sa tiyan ko. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang nagbabadyang pagtulo ng mga luha ko. Ang swerte ko dahil nakilala ko ang babaeng 'to. Ang babaeng masasabi kong totoong naging Ina sa akin.


AFTER magdrama ni Tita ay iniwan niya na rin ako para daw makapag-pahinga pa ako pati na ang baby ko. Nangako siya sa akin na wala siyang ibang pagsasabihan ng mga nalaman niya ,especially kay Deron. Sinabi niya pa nga sa akin na tutulungan niya akong i-torture ang Anak niya na hindi ko naman na-gets kung balit at kung ano ang ibig niyang sabihin.


Nagtaka din ako dahil wala itong naging tanong ukol sa kung paanong may nangyari sa amin ni Deron gayong ayaw nito sa akin. Siguro ay sobra lang ang naging excitement niya kanina ng malamang magiging Lola na siya. Matagal na din kasi nilang gusto na magka-apo ni Tito Waze. Hindi naman sila mabigyan pa ng apo nila Kuya Drace at Ate Fierre dahil ayaw pa ni Ate Fierre magbuntis. Nakakatuwa lang dahil napaka-sarap sanang maging parte ng pamilya nila kung sakali man.


Saglit akong napatitig sa malaking portrait na nakasabit sa dingding. Picture namin 'yon ni Deron noong nasa 9th grade kami. Nakasimangot siya habang ako ay nakayapos sa kaniya. Pinilit lang namin siya ni Tita that time na magpa-picture. That's also our first picture together.


“Ang choosy mo naman kasing lalaki ka! Ang ganda ganda ko na nga ayaw mo pa sa akin. Kapag dumating ang araw na muli akong magmahal, sana ay hindi na yung kagaya mo. Ayoko na sa katulad mo. Sana hindi na lang ikaw yung minahal ko” mapait kong sambit.


Ng medyo okay na ang pakiramdam ko ay naisipan ko ng lumabas ng kwarto. Actually kwarto ko ito dito. Pinagawan ako nila Tita noon para daw kapag gusto kong matulog dito ay may kwarto ako.

Paglabas ko ng kwarto ay sakto rin ang paglabas ni Deron sa katapat na silid. Hindi ko siya pinansin at nilampasan ko na lang. Mabuti na lang at sound proof ang mga wall ng bawat kwarto dito kaya panatag ako na walang nakarinig ng mga pinag-uusapan namin ni Tita kanina.

“Acacia”

Napatigil ako sa pagbaba ko sana ng hagdan ng tawagin niya ang pangalan ko. Hindi ako lumingon pero nanatili ako sa pwesto ko upang hintayin kung may sasabihin ba siya. Pero para namang wala kaya itinuloy ko na lang ang pagbaba. Dati-rati kumakabog ng sobrang lakas ang dibdib ko everytime na tatawagin or babanggitin niya ang pangalan ko, but now wala na siyang epekto. Siguro ay paunti-unti na siyang nakakalimutan ng sistema ko.


Pagbaba ko ay naabutan ko si Asi sa leaving room na naka-upo sa sofa. Katabi niya si Tita Denice at mukhang nag-uusap sila. Nahalata ko na napaka-aliwalas ng Mukha ni Tita ngayon kay Asi unlike last time. Pansin ko kasi noong nakaraan ng nag-dinner kami rito ay ang talim ng tingin niya kay Asi.

Naglakad ako palapit sa kanila. Napansin naman kaagad ako ni Tita Denice

“Oh Hija, gising ka na pala” anito saka tumayo at lumapit sa akin “Kamusta na pakiramdam mo?” she asked

“Okay na po ako Tita. Narito na ho pala si Asi, mauna na rin po siguro kami” Saad ko.

“Ah no. I told him na dito na kayo mag-dinner. Tapos dito na rin muna kayo magpalipas ng gabi” Dagdag pa nito na mukhang excited din dahil todo ang pagkakangiti niya na umabot pa sa mga mata niya

“Po? Magpalipas po ng gabi dito?” Hindi naman sa gulat ako. Gaya nga ng sabi ko, madalas akong matulog dito noon, pero iba na 'yung sitwasyon ngayon. Umiiwas na nga ako e,

“Yup! Right, hijo?” bumaling siya kay Asi. Alanganin namang tumango si Asi bago tumingin sa akin

“I didn't bring my car. Nag-commute lang ako papunta rito. Tita asked me na dito na tayo magpalipas ng gabi. I agreed ” Ani Asi sabay nagkamot ng batok. Lihim na lang akong napairap


“Dito na kayo magpalipas ng gabi. Ipapahatid ko na lang kayo kay Deron bukas ng umaga, okay?” ani Tita. Kay Deron na naman? Alanganin na lang akong tango sa kaniya. Feeling ko tuloy may pinaplano siya. Kakaiba kasi siya kung ngumiti. Kabisado ko pa naman 'yang ganiyang klaseng mga pag-ngiti niya.

Continua a leggere

Ti piacerà anche

45.5K 958 43
Ekaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyant...
159K 9.5K 21
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
103K 3.1K 19
Dylan had only three goals: beat Yno, crush Yno, and surpass Yno. It was always about Yno. Ever since high school, Dylan had a strong dislike for him...
364K 9.2K 69
☆ ALMAREZ's GENERATION SERIES #1 A story about a girl who named Princess Mafionne Perez. What's her story all about? Let's all find out! First...