"Zemiragh: The Unwanted Princ...

By SsweetySakura

376K 16.9K 3K

"Isang babaeng lumaki at namuhay sa mundo ng mga Mortal kung saan tinatawag ito na mundo ng mga tao o planeta... More

ZTUP S1 - I N T R O D U C T I O N :
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 6
ZTUP S1 - C H A P T E R: 1 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 4
ZTUP S1 - C H A P T E R: 2 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 37
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 4
ZTUP - C H A P T E R : 6 5
ZTUP - AUTHOR'S NOTE.

ZTUP S1: SPECIAL CHAPTER 1

5.8K 212 137
By SsweetySakura

[= Miragh =] :

"Mmmmm." Ungol ko habang nakapikit parin at pilit na inaalis sa aking tiyan ang mabigat na bagay na naka dagan.

Ano bayan! Bwesit naman oh.

Gusto ko pa matulog pero sino ba ang langyang abnormal ang lagyan ng mabigat na bagay ang aking tiyan tapos kumakapit pa.

"Letse naman oh, gusto ko pa matulog. Kaya umalis ka sa aking tiyan kung sino kamang kumag ka." Kahit nakapikit ay patuloy parin ako sa pag rereklamo dahil parang hindi ko kayang buhatin ang talukap ng aking mata upang idilat.

Isa pa, alam kong walang klase ngayon kaya mas gusto ko munang makipag honeymoon sa aking higaan hanggang mag hapon.

Pagod na pagod ang katawang langit ko dahil sa nangyari kahapon kaya wala silang pakialam kung wala akong pakialam upang bumangon.

"Hehehehe." Hindi ko mapigilang mapahagikhik kahit nakapikit ng makiliti ako malapit sa aking tenga.

Ano ba yan, ang init naman ng hangin na dumadampi sa aking pisngi at tenga. Nakakakilabot sa kiliti.

"Ano ba. Tigilan mo nga ang kakasinghot sa akin at baka pumasok ako sa loob ng ilong mo." Abnormal din kasi eh, dahil parang hindi pa nakuntento sa aking tenga at pisngi at sinali pa ang aking leeg sa pag singhot.

"Pffftt." Hindi ko mapigilang mapakunot noo ng may marinig akong isang mahinang tawa habang naka dikit parin ang kanyang ilong sa aking leeg.

"Kung sino ka mang adik ka pwes lumayas ka sa aking higaan dahil hindi ako shabu para singhotin mo ng husto." Inis akong tumagilid upang talikuran ang adik na sumisinghot sa akin at hindi na ako nag abala pang dumilat dahil wala naman siyang mapapala sa akin sapagkat inaantok pa ako isa pa baka pinag tripan lang ako ni Radya at Navah.

Ayaw ko munang manapak sa araw na ito kaya bahala sila sa buhay nila.

Makalipas ang ilang segundo ay tila nahimasmasan na ang adik at tumigil na sa kakasinghot sa akin kaya malaki ang nginiti ko upang bumalik ulit sa pag tulog pero ang hayop ay naging aswang na yata.

"Araayyy!!!!punyet#a&@gfr!?*~ Ano ba? kung ayaw mong mag patulog pwes ikaw ang matulog hindi yung nangangagat ka ng leeg."

Inis na inis akong bumangon sa aking higaan at tinignan ng masama ang adik na aswang na kumagat sa aking leeg habang ang isang kamay ko ay naka hawak kung saan niya kinagat.

Subalit ganon nalang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ko ang damuhong ninja sa aking harapan habang nakatagilid na naka higa paharap sa akin.

"Good morning beautifu-... Oucchhhh."

Dahil sa gulat at inis ko sa kanya ay hindi ako ng dalawang isip na tadyakan siya kaya ayon nahulog siya sahigaan at hindi na natuloy ang kanyang sasabihin.

"Matagal ko ng alam na maganda ako at alam ko din na maaga pa kaya bakit ka  nandito at nangngaggat?"

Akala niya siguro abnormal ako at hindi ko alam ang nangyari sa paligid kahit ang sikat ng araw.

Kakainis talaga, pwede naman siya kumagat basta magpa alam muna sa akin upang makaganti man lang ako.

"Pffftt.. hahaha." Ang damuho, tinawanan lamang ako at hindi sinagot ang mga tanong ko at parang wala lang sa kanya ang pagka hulog niya dahil tumayo lamang siya ng matuwid habang sinusuklay ang kanyang may kahabaang buhok.

Hindi ko mapigilang mapalunok ng aking laway dahil ngayon ko lang napagmasdan ang kabuoan niya.

Wala siyang talukbong at ang tela lamang na maliit ang nakatakip sa ibabang bahagi ng kanyang mukha.

Medyo hapit rin ang kanyang suot mula pang itaas hanggang pang ibaba at kahit may manggas ang kanyang damit pang itaas ay tila naging katuwang pa ito upang makita ko kung gaano ka laki at katigas ang kanyang braso habang hinahagod niya ang kanyang buhok.

Para siyang nag momodelo ng ice water na mas gustuhin mong siya nalang ka agad ang iinumin mo para ma ibsan ang nararamdaman mong uhaw.

Napakagat ako sa aking pang ibabang labi ng bumaba ang aking paningin mula sa kanyang matipuno at malaking dibdib hanggang sa kanyang tiyan na bakat ang walong pandesal na siyang nag papagutom sa aking buong laman.

Bababa na sana ang aking paningin para sa kahuli-huling nakapanabik na tanawin pero bigla nalang siya nag salita at kumuha ng kumot upang takpan ang ibabang bahagi ng kanyang katawan.

"Eyes up on here, baby. Don't stare too much on that view at baka mawalan ako ng control."

Agad ko siya sinamaan ng tingin hindi dahil sa kanyang sinabi na hindi ko naman na intindihan.

"Huwag ka madamot, alisin mo yang kumot na yan."

Walangjoooo din kasi eh.

Nag e-enjoy pa ako sa kapapanood at excited pa naman ako sa pinaka last part tapos ipagdadamot lang niya.

Sarap niya gawing suman.

"No and this isn't the right time."

Mas lalo lamang sumama ang pagkakatingin ko sa kanya dahil ayan na naman siya sa linyahan niyang iyan.

Nong una yung mukha at pangalan niya tapos ngayon yung pang ibabang bahagi ng kanyang katawan ay isinali pa niya sa kadamutan niya.

"Huwag mo ako galitin damuho ka."

Pero ang bwesit sumingkit lamang ang kanyang mga mata na alam kong nginitian lang ako ng malaki na tila tuwang tuwa ito habang pinagmasdan ako.

"Even though you're cute and irresistible but I wanted to respect you at papakasalan muna kita bago natin gagawin ang gusto mo."

"Ginagago mo ba ako?"

Hindi ko mapigilang murahin siya ng malutong dahil sa kanyang pinagsasabi.

Ano ba ang gusto kong gawin para pakasalan niya muna.

Nag aadik yata ang isang to eh. Kahit ano nalang ang pumapasok na kababalaghan sa kanyang isipan.

Pansin ko ang pagsingkit ng kanyang mga mata pagkatapos ay umiiling.

Nababaliw na yata talaga ang damuhong ito.

"I really wanted to punish that lips of yours for cursing but I'm evading temptation for now. So I'll list that first as one of your debts."

Naningkit ang mga mata ko dahil sa mga pinagsasabi niyang wala sa planetang ito.

Aba'y umaabuso na siya ah.

Ako pa talaga ang nagkakautang sa aming dalawa, eh siya nga yong maraming pinagdadamot sa akin.

Dahan-dahan akong gumapang papunta sa kanyang pwesto habang naniningkit parin ang aking mga matang naka tingin sa kanya.

Kita ko ang pag taas baba sa kanyang lalamunan habang sinasalubong ang aking mga matang nakatingin sa kanya.

Kung ayaw niyang alisin ang kumot na ginawa niyang pangtakip sa kanyang ibabang bahagi ng kanyang katawan pwes ako nalang ang gagawa.

Nang malapit na sa aking mukha ang tanawing tinakpan niya ay mabilis kong inangat ang aking kamay upang hablutin sana ang kumot kaso may kalahi yata siyang multo na bigla nalang agad na wala at isinama pa ang kumot ko.

"NAKAKAINIS KANG DAMUHO KA!!"

Inis akong bumaba sa aking kinahihigaan at pinag tatapon ang mga unan sa sahig.

Gusto ko mag wala pero ayaw kong mabasag ang aking mga gamit dito sa loob ng aking silid kaya mas lalo lang talaga nakaka bwesit pag ganun.

"PAG MAKITA LANG KITA ULIT AY SUSUNUGIN KO TALAGA ANG LAHAT NG KUMOT PARA WALA KANANG PANTAKIP SA ANO MO!!!!"

Sigaw ako ng sigaw habang sinakyan ko ang isang unan na nasa sahig pagkatapos ay hinawakan ko ang kaliwa't kana na dulong bahagi ng unan tapos ini-untog sa sahig na parang isang ulo ng tao.

Iniisip ko na siya ang unan na pinanggigilan ko kaya pagkatapos ko ito i-untog sa sahig ay tumayo ako at kinuha ang unan sa sahig upang i-angat kapantay sa aking mukha.

"Dahil nabubwesit ko sa isang tulad mo ay gagawin kitang gummy bear."

Mabilis kong ningatngat ang unan mula taas pababa at iniisip na ang damuhong ninja parin ang kinakagat ko.

"Jusskooo!! Mahal na Prinsesa Zemiragh, ano ang nangyari sayo?"

Mabilis naman akong napaikot paharap sa pintuan ng aking silid ng marinig ko ang boses ni Navah na nag alala habang naka tingin sa akin na kagat-kagat parin ang unan sa aking bibig.

"Hmmhshhmmn dhbmmajhmm mhhmmm mmhhhhhffsm."(walang nangyari dahil madamot ang bwesit na ninja na iyon.)

Sagot ko habang nasa aking bibig parin ang unan na aking kinakagat.

Kita ko ang pagkunot ng mukha ni Navah dahil sa aking sinabi at mas lalo lamang akong nainis dahil hindi niya naintindihan kaya inis kong ningatngat ulit ang aking unan.

"Wahhhhh!! Prinsesa Zemiragh pahingi po."

Sing bilis ng kidlat na hinawi ni Radya si Navah sa may pintuan at patakbong lumapit sa akin at nakikagat sa aking unan.

Kagat-kagat niya ang kabilang dulo ng aking unan habang ako naman ay sa kabilang dulo.

Agad kong sinamaan ng tingin si Radya dahil wala siyang karapatang kumagat sa damuhong ninja kahit isa pa siyang unan.

Ako at ako lamang ang kakagat sa damuhong iyon kahit maging isang itlog pa siya ng kabayo.

"Mmmhhmmmm mmmhhmmm."(Bitaw dahil baka mangamoy imburnal ang damuhong ninjang unan dahil sa iyong laway.)

Sabi ko sa abnormal na Radya habang hindi ko parin binitawan ang pagkagat sa unan.

"Hmmhh mm?" (Ano po?)

Napakunot noo ako dahil hindi ko maintindihan ang pinagsasabi nitong baliw na babae na kumakagat parin sa unan at parang sarap-sarap pa yata siya dahil parang nginunguya pa niya ito.

"Hmmm mmm? Hhmm yymmhhmm mmhh?" (Adik ka ba? Bumitaw ka nanga at baka ma ubos mo na si damuhong ninja.)

Sarap na sarap eh dapat ako lang ang masarapan.

"Hhhmmm-...."

"Ano po ba ang nangyari sa inyong dalawa?"

Mabilis kong sinamaan ng tingin si Navah na hinablut ang unan mula sa aming pagka kagat ni Radya pero ang bruha ay naka kunot noo lamang na inilipat ang paningin sa aming dalawa ni Radya na parang may ninanamnam naman ang isa na naka tingin sa kisami.

Bigwasan ko kaya itong Radya na ito ng magising sa kanyang ka abnormalan.

"Aba'y malay ko dito kay Radya dahil parang may saltik."

Nakita ko namang nagtatakang bumaling si Radya sa akin na binilatan ko lamang.

"Hala, Anong ako po eh ikaw po yung gutom na gutom habang kinakain ang unan kaya akala ko po ay masarap pero wala naman pong lasa eh."

Mabilis akong humarap sa babaeng abnormal at sinamaan siya ng tingin.

Siya na nga yung nakingat-ngat siya pa yung may ganang mang insulto kay damuhong ninja.

"Anong walang lasa, ang tamis-tamis kaya ng mga labi niyang sobrang lambot tapos ang bango pa ng hininga niya at sobrang sarap pa ng mga haplos niya."

Sabay naman silang napatingin sa unan at iniikot ito na parang may hinahanap.

Mga baliw talaga.

Ano ba ang gusto nilang makita sa unan maliban sa tela at bulak na nasa loob nito.

"Ahmm, gising na po ba talaga kayo Prinsesa Zemiragh?"

Ibalibag ko kaya itong si Navah.

Anong tingin niya sa akin, tulog?

Si Radya naman ay inangat pa pataas sa kanyang ulo ang unan at binusisi ang bawat dulo nito.

"Mga adik ba kayo? Anong tingin niyo sa akin nag halusinasyon? At ikaw naman Radya tigilan mo ang kakasinghot mo sa panty mong di pa nalalabhan dahil nababaliw kana."

Mabilis ko silang iniwan at pumasok sa loob ng aking banyo para maligo nalang at pumunta sa Cantena para kumain dahil baka ma tadyakan ko pa si Radya ng marinig ko ang kanyang sinabi na baka mas lumala pa ang sakit ko sa utak sapagkat wala naman daw labi ang unan kahit anong hanap niya.

Bwesit talaga.

Ako pa talaga ang ginawa niyang baliw sa aming dalawa, eh siya nga yong naghahanap ng labi sa unan na wala naman talaga doon.

Mabilis ko agad tinapos ang pagligo ko dahil nakaramdam na ako ng gutom at nakahinga ako ng maluwag ng walang Radya at Navah ang nadatnan ko pagka labas ko sa banyo.

Nag bihis lang ako ng isang hindi medyo makapal na mahabang damit at hinayaan ko lang ang aking buhok na naka lugay.

Pagkalabas ko sa aking silid ay nadatnan ko sa salas si Navah at Radya na nag bubulungan ng kung ano-ano na inirapan ko lang dahil agang-aga nag mamarites na agad sila.

Pagkalabas ko sa aking dormitoryo ay nagtataka ako kung bakit parang kakaiba ang kinikilos ng mga mag aaral sa aking paligid.

Sobrang normal nila pagmasdan na nag uusap at nagtatatawan sa tabi-tabi.

Ang buong inaasahan ko ay yung matatakot sila sa akin at mag iiyakan habang mag sumisigaw na "Mama, bakit ang pangit ko pero si Miragh sobrang ganda."

Pwera biro, diko lang kasi inaasahan na maging ganito sila pagkatapos sa nangyari kahapon doon sa Cantena kung saan binugbog namin ni Miragh si Quinta, Quinara at Ahrimita.

Para silang walang nalalaman o naalala at hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako o mainis dahil mas gusto ko yung sobrang siga ako sa paningin nila.

Yung sa unang tingin pa lang sa akin ay mag aalay na agad sila ng pera para pang negosyo ko.

Hayysssttt!! Ka stress naman to. Gusto ko pa naman sana mangutong para mapadali ang pagyaman ko.

Tahimik nalang akong naglalakad patungong Cantena ng may sumalubong sa akin na mga itlog.

"Magandang umaga Prinsesa Xhandria."

"Mas maganda pa ako sa umaga."
Bagot na sagot ko kay Prinsipe Ermell sabay hawi ng buhok habang siya naman ay kumakamot sa kanyang batok.

May garapata siguro sa batok.
Yackkkk kadiri, ang gwapo pa naman sana niya.

Ang dugyot!!

Kita ko naman ang pag iwas tingin sa akin ng ibang mga Prinsipeng itlog habang yung hari nila ay lumapit pa talaga sa akin kasama ang kapatid niyang parang may kunti sa utak dahil ang laki ng ngisi sa kanyang mga labi habang ang kuya niya ay naka kunot noong pinagmasdan ako.

Problema nitong mga baliw na magkakapatid.

"Hehehehe. Ang ganda talaga ng ate Xhandria ko."

Ayyy binabawi ko na.

Wala pa siyang kunti sa utak.

"Ang bait mo naman Zia, sana araw-arawin mo ha." Agad kong hinihimas himas ang kanyang ulo ng maka lapit siya sa akin pero agad ko namang itinulak ang kanyang noo ng gusto pa yata niya akong yakapin.

Ano ba yan, sapat na ang purihin ang kagandahang taglay ko pero huwag naman sana niya pa akong yakapin. Naalibadbaran ako.

"Saan ka pupunta?"

Napakunot noo naman ako sa katimangang tanong nong Hari ng mga itlog habang naka kunot noo rin itong dumungaw sa akin.

"Sa Cantena upang lumapang, saan pa ba ako pupunta?"

Bulag yata ang itlog na ito eh, hindi ba niya alam na papuntang Cantena itong nilalakaran ko?

"Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng lumapang na pinag sasabi mo pero hindi naman ito ang daan papuntang Cantena dahil papunta na ito sa malaking trangkahan ng Akademya palabas at lumagpas kana sa Cantena."

Agad naman ako napalingon sa dinaanan ko kanina at totoo nga dahil naiwan ko sa daan yung malaking Cantena.

"Aba'y kasalanan ko ba kung hindi ako tinawag ng Cantena?" Abnormal din eh, nadaanan ko na pala si Cantena tapos tatahimik lang sa gilid yan tuloy nadaldalan pa ako ng itlog pero buti nalang maganda ako.

"Aba't sinisisi mo pa sa Cantena ang ka kabaliwan m-...." Agad kong hinawakan ang laylayan ng aking damit at inangat haggang tuhod pagkatapos ay agad akong kumaripas ng takbo pabalik sa Cantena at hindi na hinintay pa na tapusin ang sasabihin nong itlog....  "Hoy!! Bumalik ka dito. ZIA HUWAG KANG TUMAKBO!!"

"HINTAYIN MO AKO ATE XHANDRIA!!!"

Hindi ko na pinansin pa ang sigawan nila at ang pagsunod sa akin ni Zia.
Bahala kayo sa buhay niyo basta ako gutom na.

"Tabi kung ayaw niyong masagasaan!!!"

Mabalis naman ka agad tumabi ang mga mag aaral na pinagsisigawan ko habang patuloy parin ako sa pagtakbo.

"Bakit nag hahabulan ang mga Prinsipe at ang mga Prinsesa?"

"May kasalanan bang nagawa si Prinsesa Zemiragh at hinahabol siya ng ibang mga maharlika?"

"Grabe kahit tumatakbo ay ang popogi at ang kikisig parin ng mga Prinsipe."

"Pakasalan mo ako Prinsipe Ermell."

"Lahian mo ako Prinsipe Larson."

"Hoyyyy!! Huwag mo nga gayahin si Prinsesa Zemiragh na walang hiya."

Sipain ko kaya ang huling nag sabi non.

Bwesit ahh!!

Alam kong maganda ako at hindi nahihiya pero hindi ako wala akong hiya.

Ayyy??? Bat parang ganun na rin iyon.

Ahhh!! Basta hindi lang ako nahihiya.

Napatigil ako sa pag takbo at nilingon ko nalang ang aking likuran dahil sa samot-saring bulungan ng mga mag aaral sa gilid at kita ko ang pag sunod sa akin nong mga itlog at nong ibang mga Prinsesa.

Naka angat din ang laylayan ng mga damit nila habang tumatakbong sinunundan ang naunang mga Prinsipe at yung mga Prinsipe naman ay kumakaway sa ibang na dadaan na mga mag aaral na halos maputol na ang litid sa kakatili.

Yung totoo ano ba ang pinaggagawa nitong mga baliw na ito.

Halos manlaki naman ang mga mata ko ng naunahan pa ni Zeus si Zia sa pagtakbo at sobrang lapit na sa akin.

Wowww!! Naol ang haba ng mga binti.

Napangiti nalang ako ng palihim at agad kumaripas ng takbo hindi papuntang Cantena kundi papunta malaking bulwagan sa gitna ng Akademya at tama nga ako dahil sumunod sila sa akin habang galit na galit na nag sisigaw si Zeus.

Mga baliw din eh.

Sino ba ang may sabing sundan nila ako.

"Hoyyy!! Sabi nong Hari ng mga itlog este ni Prinsipe Lawrence ay kung sino daw ang unang umabot sa Cantena na dadaan muna sa gitna ng Akademya paikot sa gusali ng punong guro ay bibigyan niya ng gantimpala."

Sabi ko sa bawat nadadaan kong mga mag aaral na agad nag titili na parang mga may saltik sa utak.

"Totoo po?"

Inikutan ko sila ng aking mga mata dahil parang ginawa pa nila akong sinungaling.

"Kailan pa ako nag biro? Bahala kayo basta una na ako. Ipakalat niyo nalang sa iba para lahat tayo masaya."

Mas binilisan ko agad ang aking pag takbo ng makita kong dumadami narin ang tumatakbo sunod sa akin.

Hindi ko narin makita pa sina Zia,Zeus at ibang mga Prinsipe at Prinsesa dahil sa daming mga mag aaral na tumatakbo.

Ganyan nga, sulitin niyo ang kabaliwan niyo.

Nang malapit na akong lumiko sa likod ng gusali sa punong guro ay agas kong ginamit ang aking mahika upang mag laho at para makarating ka agad sa loob ng Cantena at ang masasabi ko lang ay.....

"Wowwwwww!! Walang tao."

Haneppp ahh!! Ang galing naman nila.

Agad akong pumunta sa lagayan ng mga pagkain at kumuha ng iba't ibang mga pagkain at pumunta sa isang mesa.

Agad kong nilantakan ang mga pagkain dahil sa gutom at sobrang aliwalas ng aking paligid.

Walang ibang mag aaral maliban lamang sa mga tauhan na nangangasiwa dito sa Cantena.

Alam kung matatagalan pa sila dahil sobrang layo nong iikutan nila dahil sa laki ng gusali ng punong guro tapos malayo pa dito sa Cantena.

"Ohh, Prinsesa Zemiragh. Hindi po ba kayo sumali sa palarong takbuhin ni Prinsipe Lawrence? Aba'y may malaking gantimpala daw siyang ibinigay sa mga mananalo."

Agad akong napa angat ng tingin sa taong lumapit sa aking mesa at kita ko na isa ito sa tagapag luto dito sa loob ng Cantena.

"Ahhh, hindi na po dahil hindi po ako mahilig sa takbuhan isa pa mahina po ang katawan ko kaya kakain nalang ako."

Kita ko sa kanyang mga mata ang pakikisimpatya sa aking sinabi at binigyan ako ng isang magaan na ngiti.

"Ayos lang yan Prinsesa Zemiragh dahil lalakas ka din. Oh, sigi kain ka lang ng marami. Ano pa ang gusto mo at daldahin ko dito."

Agad naman nag ning-ning ang aking mga dahil sa sinabi niya kaya mabilis kong itinuro ang iba't ibang mga pagkain na hindi ko madala kanina.

Agad naman niya itong ipinakuha sa ibang mga tauhan dito sa Cantena at binabaliwa lamang ang naka ngiwi nilang mga pagmumukha.

May mga manggagamot naman dito kaya bahala na sila mag pa ayos sa kanilang mga mukha na may deperinsya.

Pagkatapos ko kumain ay bumalik agad ako sa aking dormitoryo dahil nakikita kong may iilan nang malapit ng umabot sa Cantena habang tumatakbo.

Wowww!!! Halos mag isang oras din yun ahh!!

Ang galing -galing.

Bahala na kayo sa buhay niyo.

.

--------

Continue Reading

You'll Also Like

29.5K 1.2K 37
| COMPLETED | | UNEDITED | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenl...
80.4K 2.2K 58
Pinaniwala, niloko, sinaktan, ibinugaw, inilapusta, at pinatay. Ganyan ang ginawa nila sakin noong ako ay nabubuhay pa. Magbabalik, maghihiganti sa'...
270K 7.8K 43
Namuhay ng mag-isa. Hindi alam kung saan nagmula. Pangalan, kaarawan at edad lang ang nalalaman. Ngunit buhay ay magbabago sa pagdating niya sa lugar...
40K 5.2K 118
Kenni and Snow died together by felling from a rooftop building while fighting with each other. At the same time they both were reincarnated in a dif...