Khiane Courtney's POV
"H-Haha, D-Dean, ano 'to, road to heaven?" Pagak kong tawa habang papalapit sa table ni Tito-Dean pala.
Hala, nadulas.
Natawa naman si Dean, "Courtney, hija..." tawag niya na ikinanguso ko.
"KC nga po, Dean," pagtatama ko.
Gosh, dalawa ang pangalan ko pero Courtney pa ang itinawag sa akin ng Tito ko! He knows I hate being called in my second name! Saka, ang iksi na nga ng KC, gusto pa niya Courtney!
'To talaga si Tito, e! Pinapahirapan ang sarili niya. Okay na 'yong Khiane o KC, 'wag lang Courtney kasi baka magkaro'n ng World War III.
"Miss Adelstein," Tito decided to call me in a formal way instead, "You see, right in front of you is Miss Lourn and Miss Alyona,"
"Kita ko nga po-" sasagot pa sana ako kaso sinamaan niya ako ng tingin. Napailing naman si Miss Alyona sa akin.
"Mayroong upcoming event this month. It is a math and science quiz bee, and most of your professors chose the 3 of you." Paliwanag ni Dean.
Quiz bee? May gano'n pa pala sa college? 'Di ako aware.
Ay, oo nga pala. Isinali na nila ako noong first and second year ko pero hindi ako pumayag kasi hindi kaya ng schedule ko.
"Three naman po pala ang options, Dean, sila na lang-" nagsasalita pa ako nang putulin ni Dean ang sasabihin ko.
"You are the most suggested student, Miss Adelstein, and you see, you'll receive incentives if you join-what more if you win, right? You'll probably receive more incentive," naka-ngisi pang sabi ni Dean na proud na proud sa sinasabi niya.
Well, magandang offer 'yon... nakakatulong din talaga ang incentives, kaso ang concern ko kasi rito, e baka hindi kaya ng schedule ko.
"Kaya 'to ng schedule mo, Courtney, kakasimula lang ng semester niyo, and I suppose, you're free from schoolworks to do this."
Ano ba 'to? Mind-reader ba si Dean?
Iniisip ko kasi, kung sasali ako ng Quiz Bee, malamang sa malamang, may review na magaganap, or training something.
Bukod sa pag-aaral, nagtatrabaho rin ako. My time's divided, so I don't know how to divide my time more kung idadagdag ko 'yong preparation for Quiz Bee.
Kahit naman kasi may kaya kami, I want to provide for myself, lalo na't hindi naman kami araw-araw magkasama ni Dad. Most of the time, he's out of the country for his business.
Hindi naman ako nanghihingi ng pera sa kaniya. Hindi rin naman siya magbibigay unless magsabi ako.
He's busy at work... kaya siguro minsan ay hindi na niya ako naiisip.
Okay lang naman dahil kadalasan, iniiwan niya ang black card niya sa akin. Isa pa, may trabaho naman ako.
"E paano po ba 'yon, Dean? Tatlo kami rito, oh? Lahat kami, kasali?" Tanong ko sa kaniya.
'Yong isang student ay third year pero hindi ko ka-block. 'Yong isa naman, senior ko.
Matalino ang mga 'to, sila 'yong sinasabi nilang top student ng bawat department sa school namin.
If I could remember it right, the other girl-Catalina Mejes, was the top 1 in Architecture Department.
'Yong senior ko naman, she topped their department before, noong third year pa sila. Med din.
"Miss Lourn prepared a 100 items quiz. It's about Math and Science, of course." Paliwanag ni Tito. "Am I correct, Miss Lourn?"
"Yes, Dean." Sagot ni Miss Lourn.
Bait, ah? Akala mo 'di ako pinag-initan noong second year.
Tse! Mas maganda naman ako sa kaniya!
Sabi niya, overrated lang daw ako, hindi naman daw talaga ako magaling. Hinamon ako, e. Pinerfect ko tuloy midterms niya.
"Siya lang magchecheck, Dean?" Tanong ko. Kung oo, tatawa ako! Serves you right!
Ba't ako lang nagsasalita rito?
"No. We have Miss Alyona to help Miss Lourn check the papers." Sagot ulit ni Dean.
Oh? I thought Miss Aly's into medicine lang kasi... siya nga nagtuturo sa amin, 'di ba? BS Nursing nga kami, e?
"Why do you look surprised, Miss Adelstein?" I gulped when Miss Aly suddenly asked me.
I smiled awkwardly. "Wala po."
"Oh, dear, you don't know Miss Estrella yet. She isn't just a doctor." Tawa ni Dean kaya napakunot ang noo ko.
"Ano po? Human calculator din po ba siya-" natigil ako nang samaan ako ng tingin ni Dean at Miss Aly kaya nanahimik na ako. Sabi ko nga ititikom ko na bunganga ko.
Miss Aly isn't just a doctor? Huh? Ano raw?
"Anyway, since today's Monday, I'll let the three of you have some time to ready yourselves for the quiz. You'll answer the quiz on Wednesday next week, is that okay?"
"Yes, Dean," sabay-sabay naming sagot kasama si Miss Mejes at 'yong senior ko.
"Alright, the three of you are excused for your remaining subjects, you can now go home." Ani Dean kaya mabilis akong nag-mano sa kaniya at nagpaalam.
Wow, free cut.
Nang makalabas ng office ni Dean ay binuksan ko ang phone ko para i-text sina Ash sa GC namin na maghihintay ako sa kanila sa library. Ayaw ko pang umuwi, mag-isa lang naman ako sa bahay, e, walang maghahanap sa akin doon.
Maliban sa mga multo sa banyo ko na nakakarinig ng free concert ko araw-araw.
bading bading bading
Khiane ganda lang ambag:
Pst beh, free cut ko hahaha maiinggit kayo pls
Wala pang isang minuto ay nag-reply na ito. Aba, mukhang wala silang ginagawa ah.
migRAEne:
'di ako naiinggit ako
wala na akong pera:
ge kung saan ka masaya
Si Ash 'yon.
Khiane ganda lang ambag:
Epal. Pero anyw, sa lib muna ako, wait niyo na lang me there kasi wala naman kayong choice
wala na akong pera:
ozg beh, bye, nandiyan na prof
Nang i-chat niya iyon ay pinatay ko na rin ang phone ko at agad na pumunta ng library. Wala akong babasahin, matutulog lang ako.
Nakakapagod kaya.
Ang angas ng araw na 'to, may nakilala akong dragona tapos mukhang mapapasali pa sa quiz bee nang wala sa oras.
Nang makapasok sa library ay nginitian ko ang librarian doon, si Miss Mika iyon, 3 years na rin siyang librarian dito sa EU, parang kasabayan ko lang noong first year college ko.
Bookworm siya, kaya nga siya librarian, e.
"Tutulog ka na naman rito, Khiane," natatawang umiiling ito.
"Sorry na, free cut ko kasi, e." Sabi ko naman.
Inaayos nito 'yong mga naibalik na books at saka ako sinenyasan na matulog na. Naglakad naman ako papunta doon sa favorite spot ko-'yong malapit sa aircon.
Favorite spot ko 'to kasi malamig. Comfy rin ang pwesto ng mesa kasi nakatapat nga 'yon sa aircon. Tapos, malayo pa sa ibang mesa kaya safe matulog. Hindi nakakaguilty matulog sa spot na 'to.
Ideal spot 'to kung tawagin nila.
Dahil wala nga pala ang bag ko sa akin, hindi ko na inabala iyon at agad na nag-heads down sa table.
Hay, ang lamig.
Hindi naman nagtagal ay naramdaman ko rin ang pagod at ang pagbigat ng talukap ng mata ko, pagkatapos ay tuluyan na akong nakatulog.
"Miss Adelstein." Tawag sa akin ng kung sino.
"Hmm..." ungot ko. Ang sarap-sarap ng tulog ko rito, e. Biruin mo na lahat, 'wag lang ang taong kulang ang tulog.
"Miss Adelstein." Tawag muli nito sa akin.
Kumunot naman ang noo ko habang nakapikit pa rin, "Ano ba..."
"Adelstein, class hours are done, you should go home." Napamulat naman ako nang marinig ko iyon. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita kong 5 o'clock na nga!
Gago, hindi ako pinuntahan ng mga kaibigan ko?!
Napalingon ako sa gilid at doon, nakita ko na naman si Miss Aly. Ilang beses na kaming nagkikita ngayong araw, ah?!
"Shit..." mahinang bulong ko pero mukhang narinig iyon ni Miss Alyona dahil sinamaan niya ako ng tingin at padabog na inilagay ang mga librong kinuha niya sa lamesa.
Wala na atang ibang ginawa si Miss Aly ngayon kung hindi ang samaan ako ng tingin o irapan ako.
Saktong pagtayo ko naman ay ang pagdating ni Miss Mika.
"Pinuntahan ka kanina nila Ash pero tulog ka pa, kaya lumabas muna sila para makapag-pahinga ka pa," sabi ni Miss Mika nang makita ang hitsura ko. "Bag mo, oh,"
Inabot naman niya sa akin ang bag ko at 'yong mga gamit ko na bitbit ko lang. Gawain ng mga kaibigan ko na iwan ang gamit ko kay Miss Mika kapag natutulog ako rito sa library. Okay lang naman daw sa kaniya.
"Thank you, Miss-" magpapasalamat na sana ako nang may magsalita-hindi 'yon si Miss Mika.
"Miss Mika, next time, don't let the students sleep in here." I stiffened when Miss Aly said that. Shit, Estrella siya, of course, she could make rules whenever she wants!
"Ah, Miss Alyona, hinahayaan po namin ang students kapag free cut lang naman po nila. Nililibot ko naman po ang library palagi to check." Sagot naman ni Miss Mika. She saved me!
Instead of answering, Miss Aly only stared at Miss Mika. Ako kinakabahan kay Miss Mika sa paraan ng pagtitig ni Miss Aly! Para kasing jinujudge ni Miss Aly buong pagkatao mo kapag tinitignan ka niya, lalo na kapag straight face!
Pero in fairness, ang ganda ng mata ni Miss. Color brown siya. Mas nakikita ang color kapag tumatama ang sinag ng araw sa mata niya.
"C-Copy, Miss." tanging sagot na lang ni Miss Mika.
Miss Aly kasi, binigyan ng makuha-ka-sa-tingin look si Miss Mika. Wala na! Paano na ako makakatulog sa library n'yan?!
"You, Adelstein," tawag niya na ikinagulat ko.
"A-ako?" Tanong ko at itinuro pa ang sarili ko.
"Are there any Adelstein in here?" She sarcastically said and crossed her arms. "Go home." Aniya.
Uuwi na talaga 'ko! Kahit hindi naman sabihin ni Miss, antok na kasi ako ulit, e. Nakakaantok ang boses ni Miss. Alam mo 'yon? Authoritative ang boses niya pero ang soft pakinggan.
Kung hindi nga lang intimidating ang features ni Miss, I would assume na soft spoken siya.
"Hoy, KC-" napalingon ako sa likod ko nang marinig ang boses nila Ash. 'Yan, tama 'yan, hindi lang dapat ako ang kabahan sa presensya ni Miss Alyona.
Professor Alyona "nakakakaba ang presensya" Estrella.
"Gosh, what's wrong with these students?" Rinig kong iritableng tanong ni Miss Aly sa sarili niya.
Bulong-bulong pa siya, rinig ko naman.
"Hi po, mga Miss, pero kunin ko na po kaibigan ko, ah?" Ngumiti pa ng alanganin si Ash bago ako hatakin. "Bye po!" Aniya bago kami lumabas ng library.
Patakbo akong hinatak ni Ash, kaya naman parang nakasunod lang ako sa kaniya. Hinihingal pa ako mula sa pagtakbo nang makita ko si Rae. Busy siya sa phone niya, mukhang hinihintay kami.
"Gago ka, KC, anong ginawa mo't parang pinagalitan ni Professor Estrella si Miss Mika?" Tanong sa akin ni Ash nang mahimasmasan siya.
Tumingin ako sa kaniya, "Natulog lang ako, aba!" I said, umamba pa ng palo.
"Tulog-tulog ka pa kasi, nahuli ka tuloy," tumawa pa siya nang malakas.
"Okay lang, ang mahalaga nakatulog." Proud ko pang sabi at nag-thumbs up. Si Rae naman ay walang pake kahit na nagbabangayan na kami sa harapan niya.
"Tapos na kayo?" Tinaasan kami ng kilay ni Rae. "Labas na tayo, nandiyan na ata sundo ni KC." Yaya niya na sinang-ayunan naman namin ni Ash.
Yes! Makakahiga na ako!
"Uwi agad?" Reklamo ni Ash nang makalabas kami. 'Di ba? Um-oo pa siya kanina pero nung nakita niya na driver ko, nag-iinarte na siya.
Ngayon niya lang narealize na mamimiss niya ako. Sino ba namang hindi makakamiss sa akin? Ako na 'to, e! Si KC na 'to kaya dapat mamiss nila ako!
"Ngisi-ngisi mo d'yan?" Pagsusungit niya sa akin. "Hindi kita mamimiss!"
"Weh?" I grinned mischievously and started teasing her by poking her hips—kiliti niya iyon.
"Ay, pota-" ang swerte ni gaga dahil nakatakbo pa siya. Hinabol ko siya pero nagtago siya sa poste ng ilaw na akala mo hindi ko siya nakikita, e.
"That's Ash hiding her feelings for someone," ani Rae na agad ko namang tinawanan.
True! No lies! Walang halong biro! 100% accurate!
"Ampota, kung maka-smirk e mala description sa stories! She smirked mishivously-" maktol pa ni Ash nang makalapit siya sa amin pero lalo lang siyang nagmaktok nang marinig ang mapang-asar na tawa namin ni Rae.
Mishivously daw!
"Mishivously, ampucha!" Humalakhak si Rae, nakita ko namang napatingin 'yong school guard at 'yong driver ko sa gawi namin. "Mischievously kasi!"
"Tama naman, ah?! Mishivously!" Inulit niya pa kaya muli kaming natawa ni Rae.
Halos bumulagta na nga kami sa tiles sa kakatawa. Mas lalo pa akong natawa dahil nakakatawa 'yong tawa ni Rae.
"Che! Mga pangit!" Sigaw ni Ash bago kami tulungan na tumayo.
Word of the day: Mishivously.
"Pero seryoso, uwi agad?" Tanong niya pa ulit.
"Oo nga, beh, ayaw mo ba umuwi?" Tanong naman pabalik ni Rae.
"Boring sa bahay... Wala naman si Ate tapos si Amy naman, nasa sleepover." Aniya.
"Wala sila Tita?" I asked while walking towards our car. I smiled at Kuya Mikee and let him put my bag and things inside the car.
Honestly speaking, sa ilang taon naming pagkakaibigan, never pa namin nakita ang parents ng isa't isa, kahit na madalas kaming mag-sleepover.
Ako kasi, wala naman talaga si Daddy palagi. Kung nandoon man sa bahay, 2 to 3 times lang umuuwi tapos hindi pa sila nagkakasalisihan ng mga kaibigan ko kapag pumupunta sila sa bahay.
Si Rae naman, kapag sleepover, gusto niya sa dorm niya.
At si Ash, rarely lang siyang pumayag mag sleepover sa bahay nila. Tinatamad daw siyang maglinis after.
Gago rin e.
Sabi pa niya, gusto daw ng privacy ng parents niya kaya she never showed us any pictures of her parents.
"Nasa China. Gagi, sila masaya tapos ako malungcoat," she pouted but later on cringed on herself.
Baliw.
"Sleepover na lang din kayo bukas sa bahay, how about that?" Yaya ko sa kanila.
Mag-isa lang naman kasi ako sa bahay ngayon kasi wala si Dad. Hindi ko alam kung nasaang lugar siya ngayon, alam ko lang may business trip siya.
"Ay, true! Tapos bake tayo ng brookies!" Excited na tumili si Rae.
Isa pa 'to, bipolar, e. Kanina seryoso, biglang nang-aasar, tapos ngayon excited na siya.
"Broo- what?"
"Brookies." She clarified. "It's a combination of brownies and cookies. Kumbaga, it's a brownie and a chocolate chip cookie in one." Paliwanag niya.
"Huh?" Ani Ash.
"Huh?" Rae copied her. "Itulog mo 'yan, Sis." She said and patted Ash's shoulder, then, kissed me on the cheek. "Uwi na." Taboy niya.
Nag-wave naman ako sa kanila at bumeso. I turned around and Kuya Mikee immediately opened the door for me. I smiled at my friends for the last time before I heard the engine starting.
The ride went smooth, it was normal. Nagpho-phone lang ako at nakita ko naman ang pang-aasar ni Rae kay Ash through chat.
bading bading bading
migRAEne set the nickname for Elorica Ashly to mishivously.
mishivously:
INAMO
migRAEne:
nasa bahay namin, beh.
mishivously:
sana masira charger mo tapos sa isang angle lang gumana
migRAEne:
k.
migRAEne:
mischievously <<< mishivously
HAHAHAHAHAHAH
mishivously:
ganiyan siyaaaa
migRAEne:
oo, gani2 🖕🖕🖕
Ganda ng convo namin palagi, sarap i-leak—kaso 'wag na lang pala kasi baka malaman nila gaano kabasher si Rae ng kung sinong maisipan niya.
Khiane ganda lang ambag:
jgh, walang nag-tanong, gusto ko lang kayo iupdate kasi wala namang maguupdate sa inyo:)))
migRAEne:
syempre, 'di naman ako updater e
Nag-haha react naman ako roon. Kahit kailan talaga!
mishivously:
anong sinasabi mong walang naguupdate sa akin??? para namang minamaliit mo si globe na walang sawang nag-uupdate sa akin
:(((
Ay, shuta. Hindi ko na kaya ang isang 'to iuwi niyo na!
Gracelyn Sein removed Elorica Ashly to the group.
migRAEne:
ay sorry napindot
Gracelyn Sein added Elorica Ashly to the group.
Elorica:
GRACELYN, ISA KANG LAPASTANGAN.
migRAEne:
what's lapastangan?
Elorica:
i-gmg mo
migRAEne:
katamad. bye.
Nang makarating naman ako sa bahay, ginawa ko lang ang usual routine ko. I showered again because I felt sticky. I also started reviewing the next lesson for tomorrow's subjects.
Nga lang, dahil adviser ko si Miss Aly for now, kahit wala siyang subject bukas, makikita ko pa rin siya. Pero kahit naman gano'n ay wala akong takas dahil everyday ang subject niya sa amin.
Feeling ko tuloy pumapasok ako sa kaharian ni Satanas.
Charot.
Ang harsh!
Pero seryoso, talagang kung makatingin si Miss ay nakakatakot. Naiintimidate na ako marinig ko lang ang pangalan niya.
There's something I can't explain when I hear Miss Alyona's name.
Alyona Desteen Estrella screams power and authority.
Pero bakit kaya ngayon lang namin siya naging professor? I mean, oo, siya naging substitute nang mag-resign 'yong dati naming prof sa med. ethics... Pero, 'di ba? She can teach her whenever she wants, pero ba't ngayon lang?
Siguro trip niya lang. Ewan ko, kahit naman magpuyat ako ngayon, hindi pa rin masasagot ang tanong ko kasi si Miss Aly lang nakakaalam noon.
Speaking of Miss, may social medias kaya siya?
With the thought of Miss Aly having social medias, I started finding her account.
Una kong app na inopen ay Instagram. Hindi ko alam kung bakit Instagram. Gusto ko lang makita kung may post ba siya.
Pwede kayang model si Miss!
Sa search bar ay kita roon ang possible usernames na naiisip kong gagamitin niya.
a_alyona
alyestrella
alydesteen
alyona_
Nakailang usernames na ako pero wala talagang lumalabas! Grabe, sobrang private person ata si Miss? Ayaw pahanap, e, langya.
Napakamot naman ako sa kilay nang hindi ko pa rin ito mahanap after 15 minutes.
I should be reviewing right now! Why am I trying to find her account?!
To satisfy your curiosity.
Huh?! Hindi, ah! Issue ka.
Dahil wala talaga si IG, sa Facebook na lang. Kapag ito, wala pa rin, sinasabi ko talaga!
Teka, ba't ko ba inaaway sarili ko?
Tao laban sa sarili, ampucha.
Dahil wala naman akong kakilala na ka-close ni Miss Aly sa University, 'yong account na lang ni Director Estrella ang sinearch ko.
Callisto Estrella
Taray, may FB si tanders.
Napangiti naman ako nang makita agad ang account niya. Sa profile niya ay siya at ang asawa niya. Nakalagay ang kamay niya sa bewang ng asawa habang may malaking ngiti sa labi. Si Mrs. Estrella naman ay nakayakap sa asawa at may ngiti rin sa labi.
May kamukha nga sila, e, hindi ko lang makilala kung sino.
Nang marealize ay natawa ako sa sarili ko. Syempre, may kamukha sila, si Miss Aly iyon. Pinaghalong mukha nila ang mukha ni Miss Aly.
Cute nila!
Nag-simula akong istalk ang friend list ni Director. Hindi naman kasi naka-private iyon.
Mula sa search bar ay sinearch ko ang apelyido nila.
'Yon na lang sinearch ko para mabilis.
Ngiting tagumpay naman ako nang makita ang Facebook account ni Ma'am!
Desteen Estrella
⚖️
'Yon ang bio niya. 'Yong parang sa mga lawyer?
Weird lang. Bakit kaya iyon ang bio niya? Does she like to be a lawyer?
May mga gano'n kasi. Sa puso nila gusto nila maging doctor o kung ano pa pero sa utak nila, iba ang gusto nila.
When I was a child, I used to dream of being a fashion designer... pero gusto ko rin noon maging doctor.
I don't have a permanent dream back then.
It depends on what I see everyday. One day, I like to be a fashion designer, then the next day, an architect, then the next day, I'd like to be a psychologist.
Gano'n ako dati.
But when I became older, more like when I became a teen, I realized that those job does not suit me. I don't know how to draw. I don't know how to do the things a psychologist do.
And that's when I started to dream of being a doctor.
Sabi ko, I think I was capable of being a doctor. I am not afraid of blood or whatsoever.
Sabi ko, kaya ko naman.
And there, it all started.
Sinimulan kong i-stalk si Miss Aly.
In her profile was her in a white long gown. She was leaning on the balcony while holding a wine glass. Kita roon ang city lights. May slit pa ang long gown kaya kita ang maputi niyang binti.
She looked sophisticated. As always.
She was looking straight to me—no, to the camera.
Ang daya, bakit ang ganda ni Miss?!
There was more than 15 thousand reactions. Famous pala 'to, e.
"Gagi, out of my league," aniko sa sarili at tumawa pa. "City lights." Basa ko sa caption niya sa profile niya.
Busy ako sa pags-stalk kaya hindi ko muna pinansin ang mga libro ko na nasa harap ko.
Her posts were all about law—which is wala akong naintindihan. Extortion lang ang nagets ko!
"Tangina, wala ako magets," bulong ko na naman at kinamot ang kilay ko.
"Ma'am Khiane-"
"Cybersex, ah!" Napasigaw ako at napatalon pa sa inuupuan ko nang marinig ang boses na iyon.
Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko habang nakahawak sa dibdib ko. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makita roon ang isang helper namin.
Akala ko kung sino!
Masyado na ata akong invested sa pangso-stalk kaya hindi ko na napansin ang nasa paligid ko!
Ang interesting kasi ng wall ni Ma'am!
"P-Po?"
"Ready na po ang dinner, Ma'am." Sagot niya sa akin.
Tumango naman ako bago inayos ang upuan ko na natumba. Inayos ko pa ang buhok kong nagulo na pala pero hindi alintana kanina.
"Bababa po ako maya-maya saglit," I said, smiling at her. She nodded at me and closed my door again.
"Pucha," bulong ko habang nakahawak muli sa dibdib ko. Anong oras na ba?
Chineck ko ang phone ko at napanganga nang makitang quarter to eight na! Gano'n katagal ko siyang iniistalk?!
What the hell.
Hindi niya ako stalker, ah... Ano lang, napadaan lang ako sa feed niya!
Syempre para ano... para tignan kasi... hindi ko alam kung bakit. Basta para tignan. 'Yon na 'yon. No more question. Refrain from asking.
I do not allow anyone to ask me why am I looking through her feed. Hindi ako 'yon! It was my clone.
Lumabas naman din ako agad nang tuluyan nang maayos ang sarili.
Mag-isa akong kakain kasi wala naman si Dad. Okay lang din, ayaw ko naman siya kasabay, e.
"Sabay kayo sa 'kin, Ate." Yaya ko sa mga helpers namin na agad naman nilang sinunod.
I told them to eat with me kapag wala si Dad. Ang lungkot kasi kapag mag-isa kumain. Wala akong kakwentuhan.
But still, if I would have a choice between eating with my dad and eating alone, I would choose to eat alone.
"Kamusta po ang bahay kanina, Ate?" Tanong ko sa kanila nang mailapag na ang juice. Blue lemonade iyon.
"Ayos lang, Ma'am, wala naman pong bago." Sagot sa akin ni Ate Ana.
"Tumawag po ba siya?" Tanong ko ulit.
Siya. Si ano. Kilala niyo na 'yon.
"Hindi po tumawag ang daddy niyo, pero may pinadala po siyang mga pagkain."
"What food po?" Takang tanong ko. Buti pa 'yong pagkain, nakakauwi rito sa bahay, pero 'yong tatay ko, animo'y pinsan ni Dora sa pagka-explorer.
"Dried mangoes, Ma'am." Sagot ni Ate. "Mukhang galing Cebu."
"Ah," maikling turan ko. "Buhay pa pala siya..." Bulong ko na ako lang nakarinig.
Nasa Cebu pala si Dad. Hindi ko alam. Wala na akong update tungkol kay Daddy. Nalalaman ko lang kapag tumatawag siya o nagpapadala ng pagkain.
"Gusto niyo po bang tawagan ko?"
Umiling ako. "'Wag na po. Tatawag siya kung gugustuhin niya, pero hindi po e, so hayaan natin siya."
"Okay lang sa inyo, Ma'am, na halos hindi na umuwi ang Dad niyo?"
Umiling ulit ako. "Okay nang ganito, alam niyo naman po kung bakit."
Nakita ko namang natikom ni Ate Ana ang bunganga niya. Mukhang narealize ang sinabi ko.
Alam naman nila kung bakit. Hindi na dapat nila tinatanong iyon.
"Tapos na po ako. Akyat na po ako, Ate." Paalam ko.
"Kami na po bahala rito." Sabi niya naman kaya tinanguan ko siya bago ako umakyat muli sa kwarto ko.
Ang phone ko ay nagchacharge na sa side table ko. Inilayo ko na ito sa akin dahil mag-aaral na ako.
Ayoko kasing may distraction kapag nag-aaral ako. Hindi ako makapagfocus.
At saka, once na hinawakan ko iyon, hindi ko na bibitawan. Kaya nga kanina ay halos dalawang oras ko na palang tinitignan ang feed ni Ma'am.
Sorry, nawili.
Hindi ko na rin naman gustong mag-phone dahil nananakit na naman ang mata ko.
Okay na siguro 'yong magbasa na lang ako.
At least, may masasagot ako sa mga possible recitation or quiz bukas.
Mahirap nang bumagsak.