Alpha Rowan (COMPLETED)

By Nov5456

61.4K 2.9K 142

#THIRD RANK ALPHA ROWAN MEJIA One hour before the wedding, Nez caught her fiancé cheating with her sister. So... More

Author's Note
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
EPILOGUE

CHAPTER 21

1.2K 63 1
By Nov5456


"I LIKE YOU. I really do."

Nawalan ng imik si Nez at napatitig na lang kay Rowan pagkatapos nitong sabihin ang mga katagang 'yon. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya kaya nakatitig na lang siya kay Rowan pero ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso.

"Ro..."

"Love, c-can you like me too?" Rowan asked as he started to become sleepy.

Nez just stared at Rowan.

"Nez, y-you like me too, right?"

"I... Ro – " Nez' words was cut off when suddenly Rowan fell onto her. Tinignan niya ang lalaki na natumba ang katawan sa kaniya, tulog na ito.

Napailing si Nez saka inayos ang pagkakahiga ni Rowan sa sofa. Pinagkatitigan niya ang binata. "I never expect this, Ro." Natawa siya ng mahina saka hinalikan si Rowan sa nuo. "I think I like you too." She confessed but she will never confess if Rowan was awake.

Wala pang isang taon mula ng break up niya, baka isipan pa ni Rowan na ginagawa niya itong rebound. Mabait si Rowan kaya ayaw niya itong pagsamantalahan. She doesn't want to disappoint him. "But I wonder, gusto mo na ba ako noon? You're too kind to me even we just met each other." Aniya.

Rowan just groaned and snored.

Natawa ng mahina si Nez saka napailing. Pumunta siya sa kwarto ni Rowan at kinuha ang kumot nito. Bumalik siya sa sofa at ikinumot ang hawak niyang kumot rito.

But since Rowan's confession, naramdaman ng dalawa na may nagbago sa kanila. Nez could feel that she and Rowan became closer. Iyon bang parang alam nila at nararamdaman nila ang nararamdaman ng bawat isa sa kanila kahit pa walang malinaw na usapan sa pagitan nila.

Para silang isang normal lang na mag-asawa.

Rowan cooked for his wife and take care of her. Just like what a husband would do to his wife.

Nez also started to like Tyler. Unti-unti na rin niyang nararamdaman na nawawala na ang takot niya sa mga lobo o di kaya sa mga aso. Kapag may nakikita siyang aso sa kalsada, hindi na katulad noon na nanginginig siya sa takot. Parang normal na sa kaniya na makakita ng mga alagang aso sa kalsada.

Parang ngayon, she was jogging and a dog crossed her way. Nilagpasan niya lang ito at nagpatuloy siya sa pagjo-jogging. Nez felt proud to herself because she's faced her fear.

Nang makabalik siya sa bahay nila, naamoy niya agad ang mabangong aroma ng pagkain pagpasok pa lang niya sa pinto.

"Ro, where's Tyler?" Tanong niya sa asawa at nilakasan niya ang kaniyang boses para marinig siya nito.

Pero wala siyang narinig na sagot mula rito kaya naman habang nagpupunas siya ng pawis, naglakad siya patungo sa kusina.

"Ro – " natigilan siya nang makita si Rowan na nakahawak sa counter at nakayuko. Lalapitan niya sana ito pero pinigilan siya nito.

"Don't come!"

Kumunot ang nuo ni Nez dahil parang iba ang timbre ng boses ni Rowan. Parang ang lalim ng boses nito at mapanganib.

"Ro..."

Biglang humarap sa kaniya si Rowan kaya nagulat siya. "Ro?"

Kitang-kita ni Nez ang itim na mata ni Rowan. "A-anong nangyayari sa 'yo?" Nakaramdam siya ng kaba.

Rowan didn't answer her, suddenly, he run outside. "Don't follow me!"

Nagtaka si Nez kung ano ang nangyayari kay Rowan. Tumingin siya sa labas pero hindi niya ito nakita, ang tanging nakita niya lang ay si Tyler na tumatakbo palayo sa bahay.

"Mag-amo nga ang dalawa." Sabi na lang ni Nez sa kaniyang sarili.

Umalis siya ng kusina at pumunta sa kaniyang kwarto. Naligo siya at nagbihis. Lumabas siya ng kwarto at saka siya bumalik sa kusina, umaasa siyang bumalik na si Rowan. Hindi nga siya nagkamali dahil nakabalik na si Rowan pero pinagpapawisan ito.

"Ro, anong nangyayari sa 'yo?" Tanong ni Nez nang makalapit siya sa lalaki.

Rowan just smiled. "Nothing."

Napansin ni Nez na kakaiba ang mata ni Rowan. Parang ibang tao ito kung tumingin sa kaniya. Though he felt the stares of his eyes was familiar.

"Bakit parang kakaiba ka ngayon?" Hindi mapigilang sabihin ni Nez ang napapansin niya rito. "You looked different and your eyes..."

Napakurap si Rowan.

Kumunot ang nuo ni Nez. Para kasing nakita niyang kumislap ang mata ni Rowan. I could feel it, something weird is happening to him.

"Nez?" Parang nagtaka pa si Rowan na nasa harapan siya nito.

Doon na talaga nagtaka si Nez. Sinalat niya ang nuo ni Rowan. "Ano ba talagang nangyayari sa 'yo? Bakit parang nawawala ka sa sarili mo?"

"Kanina ka pa?" Tanong ni Rowan.

"Kanina pa ako rito." Tugon ni Nez.

Napakurap si Rowan. "Damn that wolf." He muttered.

"May sinasabi ka?" Nez asked.

Agad na umiling si Rowan. "Nothing." Pinunasan niya ang sariling pawis. Tyler took over my body without my permission again. This wolf...

Umalis si Rowan sa kusina ng walang imik. Sinundan naman siya ni Nez ng tingin. Nagtataka si Nez kung ano ang nangyayari kay Rowan.

Tinignan niya ang mga niluto ni Rowan. They all look delicious. "Huwag mong sabihin na hindi siya kakain." Naningkit ang mata ni Nez. "Hindi pwede. Kailangan niyang kumain." Kaya naman hinintay niya si Rowan.

Usapan nila kahapon na maggo-grocery sila ngayon dahil naubusan na sila ng grocery. Noong mga nakaraan kasi si Harry ang naggo-grocery para sa kanila. Nahiya naman siya kaya kinausap niya si Rowan na sila na lang ang mag-grocery tutal sila rin lang ang gagamit. Pumayag naman ito pero hindi niya alam kung ano ang nangyayari rito.

"Love, let's eat."

Napaigtad pa si Nez nang biglang magsalita si Rowan. Hindi niya namalayan na nasa likuran niya pala ito. Mabilis niya itong nilingon. "Kanina ka pa ba diyan?"

Tumango si Rowan. "Oo. Kumain na tayo. Kailangan pa nating mag-grocery." Then naamoy niyang iba ang amoy ng buhok ni Nez kaya naman inilapit niya ang ilong sa ulo nito saka ito inamoy. "Nagpalit ka ba ng shampoo?"

"Yeah..." Pasimpleng lumayo si Nez kay Rowan. "Kumain na tayo."

While eating, Nez was sure that Rowan looks weird today. Parang kung kumilos ito ay hindi ito si Rowan. Pasimpleng inobserbahan ni Nez ang asawa at talagang parang ibang tao ito.

"Ro?"

Mabilis na nag-angat ng tingin si Rowan at ngumiti. "Ano 'yon?"

"Are you really, okay?" Kunot ang nuong tanong ni Nez. "Para kasing may kakaiba sa 'yo ngayon. You act weird. Parang hindi ikaw 'yan."

Rowan chuckled. "Naninibago ka lang. Anyway, I'm finished. Maliligo lang ako then let's go." Tumayo na siya saka iniwan si Nez sa kusina.

Napatitig si Nez sa pinagkainan ni Rowan. "He really acts weird."

The Rowan she knew won't leave his dish on the table. Lagi nitong nilalagay sa lababo ang pinagkainan nito sa tuwing matapos itong kumain. Sinundan niya ng tingin si Rowan. I'm sure, may problema siya.

Sighing, Nez continued eating and after she was finished, she washed the dishes. Inayos niya ang kusina bago siya lumabas. She went to the living room and waited for Rowan. Hindi pa man lumilipas ang limang minuto, nakita niyang pababa na ng hagdan si Rowan.

"Love, let's go."

Doon natigilan si Nez at tinitigan ng maigi si Rowan.

"What's the matter?" Rowan asked.

Umangat ang kamay ni Nez saka inabot ang pisngi ni Rowan. Pinisil niya ito saka bigla niya itong sinampal.

Nagulat naman si Rowan dahil sa biglang pagsampal sa kaniya ni Nez. Napahawak siya sa sariling pisngi at gulat na napatingin sa asawa. "What did I do?"

"Si Rowan ka hindi ba?" Seryosong tanong ni Nez.

Tumango si Rowan. "Of course, I am Rowan. Bakit?"

Ngumiti si Nez saka hinawakan ang kamay ni Rowan. "Sinisiguro ko lang. Halika na."

Magkahawak sila ng kamay na lumabas ng bahay. Rowan locked the house while Nez went to the garage. Inilabas niya ang kotse sa gate.

"Get in." Sabi ni Nez nang makita niyang nai-lock na ni Rowan ang gate.

Rowan sighed when he saw his wife behind the wheel. "Love, let me drive."

Agad na umiling si Nez. "I'll be your driver."

Umiling si Rowan. "I'm the husband so I should drive."

"No." Matigas na sabi ni Nez. "I'll drive."

Napabuga ng hangin si Rowan saka wala ng nagawa kung hindi ang sumakay sa passenger seat.

Nez smiled satisfyingly and drove the car towards the supermarket.

Arriving at the supermarket, sabay silang bumaba ng kotse at pumasok sa loob. Rowan took a push cart while Nez was the one holding the list of what they should buy. Kahit naman hindi siya marunong na magluto, alam naman niya ang mga gamit pangkusina.

Then nagpaalam lang saglit si Rowan na may bibilhin at iniwan saglit si Nez. Habang hinihintay ni Nez si Rowan, hindi niya inaasahan na makikita niya ang taong nanloko sa kaniya.

"Nez, thank god! I found you."

"Tommy..."

Continue Reading

You'll Also Like

10.9K 504 33
Keller Romanov | Smite Book Cover credits to: @HOE4YAGO
72.3K 2K 33
Simula: A girl with regal beauty like a goddess will capture the heart of every human .. Or not. Clea Seraphine Gloom. A girl with a majestic beauty...
7.1K 296 12
Four one shot stories of Alpha's meeting their mates.
598K 13K 35
My Ruthless Alpha A shy and loner girl, Hazel, has been abused and bullied since her parents died in the car accident. But she has a good heart despi...