Memories Of The Wind (Passion...

By marxxter

17.6K 552 24

PASSION SERIES #3: THE WIND Someday, all the wounds and pains I felt will be healed, and even all the scratch... More

Prologue
Disclaimer
Marxxter
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57

Chapter 32

181 10 0
By marxxter

Kinabukasan ay dumating si Elizabeth kasama ang ibang tauhan nina Sir Rayven. Pagkarating nila sa lugar ay rito kaagad sila dumiretso sa bahay nina Jaxx, si Frith daw ang nagturo sa kanila ng bahay, ayon sa kay Eliz. Sinalubong kaagad ako ni Eliz ng isang mahigpit na yakap nang makita niya 'ko.



"Kumusta ang first day mo rito, Miss Zani?" she asked after kissing me on my cheeks. "Maganda ang simoy ng hangin dito sa lugar at sobrang mapayapa rito," she voiced out her opinion.



Tumango ako, sumang-ayon sa sinabi niya. "Tama ka, maganda nga rito at mapayapa. Nga pala.. hanggang kailan ka rito?" I asked instead.



She chuckled. "Grabe ka sa 'kin, miss, ha. Kararating ko nga lang po, parang gusto n'yo agad akong umalis."



"It's not like that!" agap ko at mabilis na umiling. "Gusto ko lang naman malaman kung hanggang kailan ka lang dito. Baka isang buwan ka lang dito, eh, at sa susunod baka tutulak ka na ng Manila."



"Kung hanggang kailan po kayo rito, miss, ganoon din po ako." Ngumiti siya sa akin. "Nabalitaan ko kasi na may bago kayong PA kasi wala si Miss Marandaque. Bakit po pala, miss?"



Kumibit-balikat ako. "Aywan ko sa kaniya pero aniya'y bibisita raw siya rito."



Tumango na lang si Eliz, mukhang kumbinsido naman sa sinagot ko. Hindi na rin siya nagtanong pa tungkol kay Aki at sa halip iniba niya ang usapan. Ang usapan namin ay napadpad na lang sa kung saan-saan. Marami siyang ikinuwento sa akin at nakinig lamang ako sa kaniya, sumasagot din paminsan-minsan kung magtanong siya sa gitna ng kaniyang pagkukuwento.



"Oh, I almost forgot!" Napatampal ako sa aking noo nang may pumasok sa isipan ko.



Oo nga pala! I have to catch-up with Vixen today! Matagal na kasi kaming hindi nag-usap niyon, baka nagtampo na iyon sa akin. Kahit saglit man lang ay kakausapin ko muna ang isang iyon o 'di kaya'y kumustahin ang buhay niyon. Pareho rin naman kaming abala sa buhay namin. May trabaho siya, at ganoon din ako kaya patas lang kaming dalawa.



Saktong kararating din ni Frith, nakasunod sa kaniyang likuran si Vixen na malawak ang ngiti at kumakaway sa akin. Kumaway rin ako pabalik at ngumiti. He's friendly and easily to deal with. Hindi siya katulad ng ibang lalaki na mahirap pakisamahan.



Sa dami ng tao rito sa loob, dagdag pa ang mga tauhan ni Sir Rayven ay nandito, lumiit pa lalo tignan ang bahay. Masikip ang bahay para sa maraming tao dahil ang bahay na ito ay sakto lamang sa apat o limang tao, hindi na maaaring humigit pa roon.



"Naku, pasensya na kayo sa liit ng bahay namin, ha," si Lola Aurelia na lumapit sa amin habang tulak-tulak ang kaniyang wheelchair. "Heto tuloy.. nagkakadikit-dikit kayong lahat dito."



Ngumiti ang mga tauhan at sabay sabi, "Ayos lang naman po, lola."



"Si Jaxx po, lola?" tanong ko sa ginang nang mapansin na wala sa paligid si Jaxx.



"Pinabili ko muna ng lulutuin dahil magluluto ako para sa inyo," nakangiting sambit ng matanda.



"Lola, huwag na po," tanggi ko kaagad. "Baka pagod na po kayo, lola. Si Jaxx na lang po ang magluluto, tutulungan ko naman din po siya," prisinta ko pa.



"Hindi naman ako pagod, hija," she said. "Kaya ko na rin kaya ako na muna ang bahala at asikasuhin n'yo muna ang mga bisita. Minsan lang ako magluto kaya pagbigyan n'yo na ako, hija. Masarap akong magluto."



Napangiti ako sa pagmamalaki niya sa kaniyang kakayahan. Tumango na lang ako at hindi na giniit pa ang kagustuhan kong si Jaxx ang magluto. Gusto ko ring tikman ang luto ni lola at ayaw ko rin siyang pilitin na huwag magluto kahit gusto niya naman, para kahit papaano naman mayroon siyang pagkaabalahan.



"Tutulungan ko siyang magluto, hija, kaya huwag kang magkabahala," si Lolo Zeus naman nang lapitan ako. "Kaya na naming magluto, kayo naman ni Jayjay ang bahalang umasikaso ng mga bisita."



"Opo, lolo, salamat po," tanging masabi ko lang.



Umalis ang dalawang matanda at iniwanan kami. Tulak-tulak ni lolo ang wheelchair ni lola nang tumungo sila sa kanilang silid. Binaling ko na lang ang buong atensyon ko sa mga kasama rito. Natagpuan ko pang nakatingin sa akin si Vixen at ngumiti kaagad siya nang lumingon ako sa kaniya.



"Kumusta na kayo ni CJ, princess?" tanong ni Vixen sa akin.



Ngumiti ako. "Ayos naman kami ni kuya, nag-usap naman kami at nagkaunawaan.. w-wait.. paano mo pala nalaman ang tungkol sa amin ni kuya?"



Tumawa siya at umiling. "We're friends, princess, don't you remember?"



Umirap ako. "Syempre alam ko, pero ang ibig kong sabihin ay kinuwento ba ni kuya sa 'yo kung bakit nag-away kami? Hindi ugali ni kuya na magkuwento, eh."



Kumibit-balikat lang siya sa huling sinabi ko. "Base sa kuwento niya, hindi naman daw kayo nag-away. Ikaw lang yata ang umaway sa kaniya. Kayo lamang daw ni Shekainah Michelle ang nag-away pero dinamay mo pa raw siya."



"Wow, ha!" Sumalubong ang kilay ko sa narinig. "Natural na magalit ako kay kuya kasi involved din siya sa ginawa nina Shekainah at Drake sa akin. Isipin mo nga, kapatid ko siya pero kinunsinti niya iyong panloloko ng dalawa sa akin. Gawain ba iyon ng isang kapatid?"



Bumuntonghininga si Vixen. "I am not on anyone sides here but.. princess, alamin mo ang situwasyon ng kapatid mo. CJ is torn between telling you the truth or covering up the two. I am his friend for a long time at marami na akong alam, lalo na rito."



"It's all in the past anyway, we shouldn't get back to it," sabi ko na lang.



"Pag-uusapan lang naman natin iyon, princess, kailangan lang natin linawin kung ano ba talaga ang nangyari sa nakaraan," paliwanag niya.



"Fine," I surrendered. "Clear to me everything. Ipaintindi mo nga sa 'kin lahat. Kuya CJ and I are already in good terms but until now.. I don't understand why did he cover up the two," I added. "Gusto ko marinig mismo kay kuya ang lahat pero tutal nandito ka naman at alam mo naman ang totoo.. sabihin mo na sa akin ngayon din nang walang pag-aalinlangan dahil handa naman akong pakinggan ka."



Sina Eliz, Frith, at ang ibang tauhan ay nakinig lamang sa usapan namin ni Vixen, hindi sila makasali sa usapan namin dahil wala naman silang kaalam-alam.



Frith is on his phone although I know that he can hear my conversation with Vixen. Naranasan ko rin 'yan, nagse-cellphone kunwari pero nakikinig pala sa usapan ng iba.



I don't know that Frith is friends with Vixen, napansin ko kasi ang closeness nila.. magkaibigan talaga at halatang matagal nang magkakilala. I wonder.. kung kilala ni Frith si Vixen, kilala niya rin kaya si kuya? O kung kilala niya man si kuya, eh 'di kilala niya rin ang pagkatao ko bago ko siya naging PA? Ah bahala na nga! 'Di naman 'yon mahalaga, eh! Dadag lang 'yon sa mga iniisip ko!



"Princess.." bulong ni Vixen at hinawakan ang siko ko kaya bumalik ang atensyon ko sa kaniya. "Your brother loves you so much. He cares for you and he really adores you. Magkaibigan kami ni CJ kaya alam ko kung paano siya mag-alala."



Tumango ako at hindi nagsalita. I just keep my mouth shut and hear everything what he tells me. Magkaibigan naman sila ni kuya at may ideya rin siya sa mga nangyari, lalo na sa amin ni kuya.



"Hindi naman sa naghihimasok ako sa inyong dalawa, princess, pero gusto kong maging maayos talaga kayong dalawa na wala nang iba pang iniisip," pahayag pa ni Vixen.



"Alam ko at naintindihan kita dahil isa rin akong kaibigan," wika ko. "Sige na, ipagpatuloy mo lang.. nakikinig ako."



"You and Drake Michael Suazon were in a relationship and you are friends with Shekainah Michelle Alatraca," he started the topic. "She's single so you decided to ship her with your brother, CJ, but you did not satisfy. Inutusan mo si CJ na ligawan si Shekainah at dahil mahal ka ng kapatid mo at sa panahong iyon ay wala pang nagugustuhan na babae si CJ kaya pumayag siya sa kagustuhan mo. He tried to be friends with Shekainah at first, just like what you wanted. Eventually, he courted the girl and got rejected. That time.. he was doubtful about Shekainah and Drake, princess. Ilang beses na niya kasi nakita ang dalawa pero inisip niya na nagsasama lamang ang dalawang iyon dahil lamang sa trabaho. Hanggang sa nasaksihan niya na hindi talaga dahil sa trabaho kung bakit iba ang closeness nina Shekainah at Drake kundi dahil alam niyang may nararamdaman na ang dalawa sa isa't isa. He felt pity for you but Shekainah is also his friend. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin kaya mas pinili niyang ilihim ang lahat kahit may alam siya. He doesn't want to hurt you, at ayaw niya rin na sa kaniya mo mismo marinig na niloloko ka.. gusto niyang si Drake mismo ang aamin niyon at si Shekainah o ikaw mismo ang makasaksi. I know CJ well, princess, he's patient. Alam niya kasi na ang lahat ng bagay ay hindi naman inuunahan, ayaw niyang pangunahan ang nalaman niya dahil gusto niyang ikaw mismo ang makasaksi na pinagtataksilan ka. But despite of that thoughts of him, he couldn't hold his patience, he planned to set up the two.. he was the reason why you caught Shekainah and Drake cheating on you. Ayaw niyang sabihin dahil gusto niyang makita mo mismo. He did it for you, he can set up everything.. just for you. He's friends with Shekainah but he loves you more than her because you are his sister, princess. He's bad when it comes to you. Kaya niya rin manlinlang at kaya niyang mag-set up ng isang bagay para sa 'yo. Sana.. maintindihan mo ang kuya mo. Matagal ko nang gustong sabihin ito pero.. ngayon lang talaga ang tamang panahon."



Napatulala ako dahil sa mga narinig. I remembered how I caught my ex and my best friend cheated on me. Matagal na iyon at halos buo pa sa isipan ko ang eksenang iyon pero hindi kailanman pumasok sa isipan ko na sinet-up pala ni kuya ang lahat. That was so cruel. I thought I was the one who got betrayed but no.. it was Shekainah. Alam na kaya ni Shekainah ang lahat ng ito? Should I confirm this with my brother? Should I tell this to Shekainah?



"Shekainah and CJ already talked about this," si Vixen sa gitna ng pag-iisip ko. "Sinabi na ni CJ ito kay Shekainah kaya wala ka nang dapat isipin pa. Shekainah is a soft hearted kind of woman so she forgave your brother that fast. Maayos na rin silang dalawa at magkaibigan pa rin kaya huwag mo na isipin pa iyon. Sinabi ko lang ito sa 'yo dahil karapatan mo rin itong malaman. Alam ko kasing ayaw sabihin ito ni CJ sa 'yo, eh."



Hindi na muna nasundan ang usapan namin ni Vixen nang dumating si Jaxx na mayroong pinamili. Puro seafood ang lahat ng binili niya at mayroon din siyang pinamiling sangkap na wala sa mga pinamili kong groceries. He immediately went to me after he handed the plastic bags to his grandfather.



Humiling ako sa balikat niya nang makaupo siya sa 'king tabi. "I missed my brother.." I whispered.



Bumaba ang tingin niya sa akin habang nakatingala naman ako sa kaniya. Umangat ang gilid ng labi niya, napanguso naman ako. Kapag titigan pa lalo si Jaxx ay mas lalo akong naaliw imbes na magsawa. Ang guwapo niya talaga. Saan ba pinaglihi ito kung bakit ganito ito kaguwapo?



"Sino sa dalawa?" he asked with brows furrowed. "Hindi mo ba sila kinausap o tinawagan bago ka tumulak dito?"



Hindi ako sumagot at sa halip ay tumuwid ako ng upo. Nilingon ko si Vixen na nakamasid sa amin ni Jaxx. Umiwas kaagad siya ng tingin nang binalingan ko siya. I noticed that there's something on him that I couldn't even figure out. Parang may mali sa kaniya sa tuwing nagkakasalubungan ang titig naming dalawa.



"Tatawagan ko kaya muna sina kuya?" pagpaalam ko kay Jaxx. "I wanted to talk to them, miss ko na rin sila. Ang hirap lang kasi wala na kami masyadong oras sa isa't isa kasi.. sila may mga sariling pamilya.. at sa susunod.. baka tayo." Humagikhik pa 'ko sa huling sinabi.



Kinagat ni Jaxx ang kaniyang labi, nagpigil ng ngiti. Hinaplos niya lang ang ulo ko bago tumango sa akin. Ngumisi ako sa kaniya at nilabas ang cellphone ko. Binuksan ko ito nang nakangiti subalit napawi na lang ito nang makitang walang signal ang cellphone ko. Ngumuso ako at pinakita kaagad iyon kay Jaxx.



"You can use my phone to call your brothers," he suggested. "I have signal here.." aniya at inabot ang cellphone niya sa akin.



"Thank you, I love you," bulong ko sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi bago kinuha ang cellphone niya.



Lumayo ako habang tinitipa ang numero ni Kuya CJ sa cellphone ni Jaxx. While I was typing my brother's number, a message popped on Jaxxon's cellphone screen. Mabilis kong binasa ang mensahe at halos umalyab ang galit ko nang makita kung kanino galing ang text.



Cynthxia:

Salamat pala sa pagtulong sa 'kin sa pagbuhat ng mga dala ko kanina. Sino nga pala ang bagong dating diyan na mga bisita? Nakita kong may mga bagong sasakyan sa labas ng bahay ninyo. Bisita mo ba? O bisita niyong babaeng kasama mo kahapon?



Tumaas ang kilay ko sa mensahe niya. The first sentence of her text is fine with me. Pero itong mga tanong niya? Ano 'to? Hindi ko talaga alam kung bakit naiinis ako sa babaeng ito. Basta, kapag marinig o mabasa ko ang pangalan niya ay naiinis ako! Bakit ba kasi kailangan niyang alamin ang mga bisita ni Jaxx? At hindi niya ba alam na girlfriend ako ni Jaxx? Babaeng kasama kahapon, huh?



Hindi ko muna pinansin ang text niya, pinagpatuloy ko lang ang pagtitipa ng numero ni Kuya CJ at mabilis itong tinawagan. Dalawang beses lang nag-ring ay kaagad na sumagot si kuya. Ngumiti kaagad ako at tinapat ang cellphone sa aking tainga.



"Hello? Who's this?" tanong niya sa matigas na Ingles.



"May tumawag, Rence? Sino 'yan? Babae na naman ba?" I heard Ellai's voice on the background.



"I don't know, babe." I heard my brother calm voice. "Tinatanong ko kung sino, bigla-bigla na lang tumatawag, eh."



"Uhm.." I cleared my throat. "It's me, kuya," I voiced out.



"Aliz?" he asked to make sure, his voice became sweet after knowing that I was the one who called. "Is this your new number, baby?" he added.



"Sino 'yan, Rence, at bakit bini-baby mo 'yan? Buwesit!" I heard Ellai, cussing on the background.



I chuckled. "Selosa naman iyang kaibigan ko, kuya. Can you give her the phone for a minute?" I favored my brother.



"No problem," he answered and I heard on the line that he handed the phone to his wife. "Babe, she wants to talk to you," he told that to my friend.



"Hello? Sino 'to? Ano kailangan mo sa aking asawa?" tanong ni Ellai at diniinan ang huling salitang sinabi.



Humagalpak ako ng tawa. "Hey, bitch! It's me, alright? Si Zani ito! Akala mo naman aagawin ko iyang kapatid ko sa 'yo, eh!"



"Siraulo!" sigaw niya sa kabilang linya. "Akala ko malanding babae na naman, ikaw lang pala.. medyo malandi lang."



"Mas malandi ka!" Humalaklak ako at sinakyan ang biro niya. "War freak ka talaga! Parang aawayin mo pa 'ko!"



"Akala ko kasi kung sinong babae, eh. Ang dami kasing naghuhumaling na babae rito sa kapatid mo, Zani. Kahit may asawa at anak na itong kapatid mo ay hindi pa rin talaga tinatantanan ng mga babae!" Tumaas naman ang tono ng kaniyang boses.



"Ikaw naman ang mahal ni kuya, Ellai, kaya ano'ng pinuputok ng butchi mo riyan?"



"Naiinis lang kasi ako sa mga ganoong klaseng babae! Hindi marunong rumespeto sa taong may asawa't anak na!" Ellai hissed. "Sarap sabunutan! Nakakapikon talaga!"



"Huwag kang magpa-stress diyan, papangit ka niyan," I joked. "Kuya is contented having you so you don't have to worry about. Kapag may babae pa riyang lumalandi kay kuya, sabihin mo rin sa 'kin para sabay nating resbakan," dugtong ko pa.



"At kapag may babae rin diyan na lumalandi sa boyfriend mo, sabihin mo rin sa 'kin nang sabay rin nating masabunutan," she talked back.



Tumawa ako. "Sige, sige na nga. Bigay mo na 'to kay kuya, gusto ko lang siyang kausapin sandali."



Nakarinig pa ako ng ilang kaluskos sa kabilang linya, hudyat na inabot na ni Ellai pabalik kay kuya ang cellphone nito.



"Hi, baby," my brother on the other line. "I heard you left Manila and you're currently in.. Cajo Viediz?"



Napatawa ako sa sinabi ng kapatid. Cajo Viediz? Saan niya nakuha ang lugar na 'yon? Umupo ako sa may malaking bato habang natatawa pa rin. May iilan namang estudyante na napalingon sa akin, kaharap lang kasi ng bahay nina Jaxx ang paaralan dito. Ngumiti ang iba sa akin at kumaway, mukhang kilala yata ako kaya ngumiti rin ako pabalik sa kanila.



"What's funny, Aliz?" si kuya sa mahinahong boses.



"It's Cadiz Viejo, kuya," I corrected him. "I am with Jaxxon right now. Dito rin ako pansamantalang nananatili sa bahay ng lolo't lola niya. Nga pala, kuya, kumusta na kayo riyan? Si Neil Euro? I missed that boy.. hindi na 'ko nakakabantay sa pamangkin ko dahil maraming ginagawa at maraming inaasikaso."



"Bakit? Marami ba si Doctor Jaxxon Reyes?" si kuya sa nanunuyang tono.



"Kuya, naman!" saway ko sa kaniya at namula.



Mabuti na lang ay wala siya rito sa harapan ko kundi mapahiya pa 'ko sa kaniya. Baka ano na itong iniisip nito, eh. Totoo naman kasi, masyado akong abala sa sarili ko at pati na rin sa career ko kaya wala na ako masyadong panahon para mabantayan si Nero, ang pamangkin ko na anak nila. Ako pa naman ang nagbabantay niyon noong baby pa iyon.



"Gusto mo bang bisitahin ka riyan namin, Aliz?" ani kuya.



"Huwag na, kuya,"  maagap kong tanggi. "Marami pa naman kayong ginagawa riyan. You are busy with your family life there tapos may mga trabaho pa kayo ni Ellai at anak. Magkikita rin naman tayo kahit papaano, saka na lang kapag hindi na tayo parehong busy."



"Nga pala.. bakit ka napatawag?" he asked, sounded curious.



"Wala lang," simple kong sagot. "I just wanna tell you that I missed you so bad. I love you and I am so very lucky to have you as my brother," I did not hesitate to tell those things to him.



"You're weird, baby, I am not use to this kind of sister." He chuckled on his line. "Ano kaya ang kinain mo? May pinakain ba si Jaxxon sa 'yo kung bakit nagkakaganito ka ngayon?"



"Kuya naman! Wala lang, deserve mo kasing pagsabihan ng ganoon," baliwala kong sabi. "I love you, kuya."



"I love you, too," he whispered back playfully. "You should take care of yourself there always, okay?"



"Hindi ko na kailangang alagaan ang sarili ko dahil may nag-aalaga na naman sa 'kin," I joked and laughed a little.



"By the way.. same," pakikipagsakayan ni kuya sa biro ko. "Bakit kailangan pa nating alagaan ang sarili natin kung may nag-aalaga naman sa atin---what the fuck?! R-Rai! W-What are you doing?" Nag-iba bigla ang sinasabi ni kuya, bigla-bigla na lang nataranta.



Mukhang si Ellai yata ang kausap niya. Bulong lamang ang pagkakatanong niya pero rinig na rinig ko pa rin kahit papaano. I was about to open my mouth to tell him something pero inunahan niya kaagad ako.



"I will hung the phone up now, baby, I love you," si kuya at mabilis na binaba ang tawag.



Napaawang na lang ang bibig ko at umirap sa hangin dahil sa pagmamadali ng kapatid. Ni hindi man lang hinintay na sumagot ako! Bigla na lang ako binabaan ng tawag! What's wrong with that man? Bakit ba nagmamadali iyon? At ano'ng problema niyon? May nangyari ba? O 'di kaya'y.. nilandi naman siya no'ng kaibigan ko na 'yon? Panira talaga si Ellai kahit kailan!



Bumalik na lang ako sa loob at hindi na magawang tawagan pa ang isang kapatid, baka abala rin iyong si Kuya Trevon kay Steris kaya hindi bale na nga lang.



Pagbalik ko sa loob ay nahagip ko kaagad ang titig ng lahat, ngumiti ako sa kanila bago dumiretso sa gawi ni Jaxx na tahimik sa tabi at nakahalukipkip. Mukha yatang may iniisip?



"Jaxxon," I called him and smiled.



He turned his attention to me. "Zani.. are you done talking with your brothers?"



"Yeah," tipid kong sagot at biglang pumasok na naman sa isipan ko ang text niyong Cynthxia na iyon. "Anyway, nagkita ba kayo kanina ni Cynthxia?"



Kumunot ang noo ni Jaxx pero tumango rin kaagad siya. "Yeah, why? Did she call? Ano'ng sinabi niya sa 'yo?"



"Wala naman," maiksi kong sabi at kumibit-balikat. "Nagpasalamat lamang siya sa ginawa mong pagtulong sa kaniya sa mga dala niya. So.. you were really with her earlier?"



"Yeah, may iba ba siyang sinabi sa 'yo?" he asked.



"Wala, bakit? May dapat ba siyang sabihin sa 'kin?" Nagtaas ako ng kilay.



Bumuntonghininga si Jaxx. "Zani.. ayaw ko lang na mag-away tayo at baka may nasabi na siyang kung ano-ano sa 'yo... Please, huwag tayong mag-away dahil lang sa kaniya. Yeah, I was with her earlier. At hindi lang kami ang magkasamang dalawa, may kasama rin kaming dalawang matanda at pati na rin si Chyro ay kasama rin namin.. we're not alone. I just helped her with her things kasi alam kong mabibigat ang mga dala niya, ganoon din ang ginawa ko sa dalawang matanda na kasama namin.. tinulungan ko rin sa kanilang mga dala," mahabang paliwanag niya.



Hindi ako umimik. Should I be proud that I have a gentleman boyfriend? Hindi ko alam kung gusto ko bang gentleman si Jaxx o bad boy na lang kasi.. paano kapag bigyan malisya niyong Cynthxia na 'yon ang pagiging gentleman ni Jaxx sa kaniya?



"Zani---"



"It's okay," putol ko kay Jaxx at ngumiti sa kaniya. "It doesn't matter if girls are flirting with you, Jaxx.. the only matter to me is your response."



Ngumiti siya. "I don't flirt back if it's not you the one who's flirting with me, bombshell."



I turned taciturn when I heard what he said. Ngumuso ako para pigilan ang ngiti ko. Inabot niya ang kamay ko at hinawakan ito. Hinatak niya ako at umupo naman ako sa tabi niya. He intertwined our fingers and I placed my head on his shoulders while staring at our hands. Nakalapag na ngayon sa kaniyang hita ang kamay naming magkahawak at ang mga daliring nakasalikop.



"Miss Zani.."



I almost jumped on my seat because of startled. Tumingin ako kay Frith sa harapan dahil tinawag niya ako. He looks hesitant and he couldn't even mutter what he was going to say when he gazed the man beside me. Ba't parang naiilang o parang natitiklop siya kay Jaxx? Hindi ko lang pinansin ang pangangamba niya ngayon, ngumiti lang ako sa kaniya.



"Yes, Mr. Contreras? What is it?" I asked.



"Tumawag po pala sa akin si Miss Marandaque, hindi n'yo raw po sinasagot ang tawag niya," he informed me.



"My phone is out of coverage because I don't have any signals here," maiksing paliwanag ko. "Hindi ko alam na tumatawag siya kasi hindi naman pumapasok ang tawag niya rito sa phone ko. Can you please tell her that I have no signal here? She can call or message Jaxx's number instead," I favored.



Tumango si Frith sa akin. "Sige po, miss."



"Thanks," I thanked him and smiled genuinely. "Ikaw na muna bahala kay Aki, Frith."



"Wala pong problema, Miss Zani." Tumango at ngumiti rin siya sa akin pabalik bago binaba ang tingin sa kaniyang cellphone.



"Anyway.. kailan pala magsisimula ang taping ko here?" I asked him, changing the topic.



"Actually po, miss, bukas po sabi ni Mr. Montenegro. There are also changes, Miss Zani. You won't do a marketing product through making a music video. Hindi po kasi qualified itong lugar na sinuhestiyon ninyo para sa isang music video."



"What do you mean? The place is beautiful here and scenic---"



"Don't misinterpret me, miss, pero iyon po ang sabi sa akin kaya binago po ang takbo ng proyektong gagawin ninyo at nakalagay rin naman po iyon sa kontratang pinirmahan ninyo na maaaring magbago ang proyekto na ito," he carried-on.



I sighed and slowly nodded. "Okay.. okay.."



"Your co-models and some actors and actresses are already here, miss. Sila raw ang makakasama ninyo sa taping. Your co-models will be the extra characters and you will be the leading lady, that's what Mr. Montenegro told me, Miss Zani," he discussed. "Nabanggit po kasi na kailangan ninyong gumawa ng isang movie na kasama ang ibang artista, naroon din po iyan sa kontratang pinirmahan ninyo dalawang taon ang nakalipas. Sa pamamagitan din nito ay iindorsuhin ninyo ang mga produkto ng kompaniya," mahabang paliwanag ni Frith.



Napasentido ako sa narinig. I am not an actress! I am not really that good at acting! Marunong ako sa drama pero hindi ako ganoon kagaling doon dahil hindi naman talaga ako artista. I don't know what's on my mind why I signed that kind of contract and I don't know why I was offered that kind of contract even though I am not an actress. Pero ayos lang, I know that it was a good opportunity and it will be a good experience for me. Isang malaking karangalan iyon sa akin dahil mayroon akong mga artista na makakasalamuha. And wait a minute.. I will be the leading lady?!



"What?" bulaslas ko dahil ngayon lang sumagi sa isipan ko iyon. "I will be the leading lady?"



Like I said, I am not an actress and this is my first time 'tapos gawin pa 'kong leading lady? Do they want to hear some boos from the viewers? I am not actually good at acting when it comes to this! Paano kung mapalpak ang proyekto nang dahil sa akin? I don't want to disappoint anyone here! And it did not even state on the contract that I will be the leading lady! Sa pagkakaalala ko, ang kontratang pinirmahan ko ay nagsasabing makikipag-unite raw kami sa kanila. I did not expect this! Well, I should really expect the unexpected next time!



Nag-aalinlangang tumango si Frith, mas lalong kinabahan dahil sa reaksyon ko. He looks uncomfortable with us, that's what I noticed in him no matter how much he tried to hide it. Mabilis naman siyang pakisamahan kaso kapansin-pansin na medyo hindi pa siya sanay sa akin.. o sa amin.



"Opo, miss, iyon po ang sabi ni Mr. Montenegro pero hindi pa raw talaga kumpirmado." Medyo nakahinga naman ako nang maluwag sa huling sinabi niya. "May ideya naman po ako sa mga gaganapin na mga karakter kaso hindi pa po kumpirmado. Bukas pa po kasi ang casts reveal talaga kaya bukas din malalaman ang mga gaganap. The director, the other managers, the PA's, other staffs, and other actors and actresses are already arrived here also, mas nauna sila kaysa sa inyo. Noong isang araw pa raw sila rito, miss."



"Do you have any idea who will be the leading man?" I asked curiously. Malay ko bang baka mahirap pakisamahan iyon? "Bagong artista raw ba?"



"Hindi po, miss," he answered immediately. "Pero sa pagkakarinig ko po raw ay iyong si Christof Cruz."



"What?!" My ears filled with my deafening voice when I heard that familiar name. I turned my eyes to Jaxx and gave him an apologetic look. "Christof Cruz," I echoed that familiar name and gritted my teeth.



"What's wrong?" Jaxxon asked and looked at me weirdly.



"Oh my God, Frith, you must be kidding, right?" Nanginig ang boses ko sa sinabi.



I still remember that man. He was one of my classmates and he bullied me! At dahil sa kaniya ay nagkaroon pa 'ko ng warning sa guidance noon!



It was a small world, wasn't it? What if everything is true? Paano nga kung ako ang leading lady at siya naman ang leading man? Fuck! Malaki pa ang atraso at kasalanan ng lalaking iyon sa akin! Paano kaya kung hindi pa rin kami magkakasundo ng lalaking iyon kapag magkatrabaho nga kami?

Continue Reading

You'll Also Like

1M 26K 44
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
1.7M 131K 61
"ရှင်သန်ခြင်းနဲ့သေဆုံးခြင်းကြား အလွှာပါးပါးလေးကိုဖြတ်ကျော်ခါနီးမှာမှ ငါမောင့်ကိုစွန့်လွှတ်တတ်ဖို့ သင်ယူနိုင်ခဲ့တယ်၊ လူတွေက သံသရာမှာ ရေစက်ရယ်၊ဝဋ်ကြွေး...
708K 43K 49
𝐈𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐓𝐚𝐧𝐠𝐥𝐞𝐝 𝐰𝐞𝐛𝐬 𝐨𝐟 𝐇𝐞𝐚𝐫𝐭𝐬, 𝐚𝐧𝐝 𝐩𝐮𝐫𝐬𝐮𝐢𝐭 𝐨𝐟 𝐓𝐫𝐮𝐭𝐡𝐬, 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐰𝐞𝐚𝐯𝐞𝐬 𝐢𝐭𝐬 𝐦𝐞𝐬𝐦𝐞𝐫𝐢𝐳𝐢𝐧𝐠 �...
1.6M 90.5K 86
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...