Isla Haraya

By TheLadyInBlack09

7.2K 551 47

Different personalities... Different stories... One island. Six individuals went to a secluded island to move... More

PROLOGUE
Chapter I - Signos
Chapter II - Isla Hiraya
Chapter III - Hukay
Chapter IV - Hide and Seek
Chapter V - Alingasaw
Chapter VII - Bulong
Chapter VIII - Akin Ka Lang!
Chapter IX - Inutil
Chapter X - Mood Disorder
Chapter XI - Diskette
Chapter XII - Kawad
Chapter XIII - Last Supper
Chapter XIV - Bloody Night
Chapter XV - Impyerno
Chapter XVI - Wake Up, Karina!
Chapter XVII - Anak ng Pusa
Chapter XVIII - Trophy
Chapter XIX - Paglaya
Chapter XX - The Proposal

Chapter VI - Happiness

265 32 0
By TheLadyInBlack09



Pamilya ang nagbibigay sa atin ng totoong kaligayan. Pero pwedeng sila rin ang maging dahilan ng ating kabaliwan.

****

****

20 years ago

"Lola!" masayang bati ng 8 years old na Karina kay Lola Betty. Yumakap at halik pa siya dito nang makalapit. Kakauwi niya lang noon galing sa school.

"Nakauwi na pala ang apo ko," tugon naman ni Lola Betty bago sumagot ng yakap sa apo. "Maupo ka muna d'yan sa sofa at ipaghahanda kita ng mirienda mo."

Umupo na si Karina sa sofa at binuksan ang kaharap na malaking TV gamit ang inabot na remote. Anime ang palabas noon na palagi niyang inaabangan sa hapon.

"Uy, nand'yan ka na pala, pango," wika ni Andrei – ang kuya ni Karina na pitong taon ang tanda sa kanya. Nakasuot pa ito ng jersey at magkahalong amoy ng pabango at pawis na ang nakakapit sa katawan. Hinawakan pa nito ang maliit na ilong ni Karina at pinisil.

"Kuya, bitawan mo ang ilong ko!" wika naman ni Karina bago hinampas ang kamay ng kuya niya.

"Andrei, magpalit ka muna ng damit mob ago mo kulitin 'yang kapatid mo," nakangiting saway naman ni Mica, ang Mama nina Karina at Andrei. Naupo ito sa sofa habang hawak ang mga photo album na nabili no'ng isang araw.

Tumalima naman si Andrei pero ginulo muna ang buhok ng kapatid bago ito tuluyang binitawan.

"Kuya, naman eh! Ginulo pa ang buhok ko!" singhal ni Karina sa kapatid na naupo na sa kabilang sofa.

"Eto na ang mirienda ng apo ko," nakangiting wika ni Lola Betty. Saktong pangdalawahan na ang ginawa nito kaya meron na rin para kay Andrei. Dalawang baso ng juice, tuna sandwich at macaroni salad ang laman ng tray na nilapag nito sa lamesa.

"Salamat, Lola!" nakangitin sabi ni Karina.

"'Ma, ano po 'yang ginagawa ninyo?" tanong ni Andrei bago kumagat sa hawak na sandwich.

"Inaayos ko lang 'tong mga picture dito sa bagong photo album na binili ko," tugon ni Mama.

Tumayo si Karina at umupo sa tabi ng Mama niya, gano'n din ang ginawa ni Andrei.

"Mama, ikaw po ba 'yan?" tanong ni Karina na may itinurong picture. Tumango naman ang Mama niya.

"Ang ganda niyo po lalo d'yan, Mama," sabi ni Andrei.

"Kaya nga marami talagang manliligaw 'yang Mama ninyo. Maswerte ang Papa ninyo at siya ang pinili ng Mama ninyo na pakasalan," sabi ni Lola Betty.

"Maswerte rin naman po ako kay Anthony, kasi hindi niya kami pinabayaan ng mga anak niya, Mommy," nakangiti namang wika ni Mica.

"Bakit naririnig ko ang pangalan ko?"

Sabay-sabay na napalingon ang mga tao sa sala sa nagsalitang lalaki.

"Papa!" masayang wika ni Karina bago sumugod ng yakap sa Papa niyang si Anthony. Yumakap siya dito at tumuloy naman itong buhatin siya.

"Napagkwentuhan lang namin kung paano mo napasagot ang anak ko," nakangiting tugon ni Lola Betty.

Naglakad si Anthony palapit kay Lolay Betty, nagmano dito bago nag-fist bump sa panganay na si Andrei. Humalik naman muna ito sa pisngi ni Mica bago tumabi dito habang nakaupo si Karina sa isang hita nito. "Tinitingan mo pala 'yang mga bagets na picture nating dalawa."

"Oo, inaayos ko dito sa bagong photo album na binili ko," nakangiting sabi naman ni Mica.

"Mama, tingnan mo 'to oh, kung makatingin sa 'yo si Papa sa picture na 'to, halatang inlove na inlove," sabi ni Andrei.

"Hanggang ngayon naman, inlove na inlove pa rin ako sa Mama ninyo. Siya lang ang nag-iisang reyna ng puso ko," tugon ni Anthony.

"At siyempre, ako naman ang prinsesa!" singit ni Karina na ikinatawa ng mga taong kasama niya.

Lumaki si Karina sa masayang pamilya. Sa opisina nagta-trabaho ang Papa niya, at housewife ang Mama niya. Minsan din ay nagbe-bake ito ng cupcakes kapag may natatanggap na order mula sa mga kaibigan o ibang kakilala. Mabait talaga ang mga magulang niya pati na ang Lola Betty at kuya Andrei niya.

Sa malaking bahay nila na tinuturing niyang palasyo, ramdam niya na siya ang prinsensa ng buong pamilya. Spoiled siya ng mga taong nakapaligid sa kanya. Kaya nga kahit bata pa lang siya noon, wala na siyang ibang mahihiling pa na kahit na ano.

***

"Karina,. H'wag masyadong malapit sa TV at baka lumabo kaagad ang mga mata mo," wika ni Lola Betty nang maabutan si Karina na nakaupo sa may harapan ng telebisyon.

Tumayo naman si Karina at sa may sofa na umupo. Si Lola Betty ay naupo na rin sa sofa habang hawak ang buburadahing tuwalya para sa apo. Magic Knight Rayearth ang anime na pinapanood ni Karina. Paborito niya 'yon kaya madalas na hindi niya mapigilan ang sarili niya na mapaupo na malapit sa TV nila. Maya-maya lang ay umuwi na rin ang Papa niya galing sa trabaho nito. Masaya siyang binati ito pero ngumiti lang ito sa kanya. Dumiretso ang Papa niya sa kusina kung nasaan ang Mama niya na busy sa pagbe-bake ng cookies para sa mirienda.

Patapos na si Mica sa ginagawa nang makita si Anthony na pumasok sa kusina. Malaki ang kusina nila na kadikit nan g komedor. Mahaba ang lamesa kung saan sila sabay-sabay na kumakain, at madalas ay do'n na rin siya nag-aayos ng mga bine-bake niya na sweets. Pinagtimpla na rin ni Mica ng kape ang asawang naupo na hindi kalayuan mula sa kanya.

"Eto ang kape," wika ni Mica nang maiabot ang kape sa asawa niya.

Inabot ni Anthony ang kape, saglit itong tinitigan pero hindi humigop kagaya ng nakagawian niyang gawin. Mahilig siya sa mapait at mainit na kape. Madalas nga, hindi niya na nagagawa pang hintayin na medyo lumamig iyon at nauubos niya kaagad. Pero ng mga oras na 'yon, parang gusto na lang niyang titigan ang kape.

"May problema ba?" tanong ni Mica na kaagad na napansin ang kakaibang kinikilos ng asawa.

"Mukhang maba-bunkrupt na ang company namin," malungkot at seryosong tugon ni Anthony. Nakatitig pa rin siya sa umuusok na tasa ng kape.

"Akala ko ba, naayos na ang problema sa company niyo?" tanong pa ni Mica. Nakwento na i Anthony ang tungkol sa pagkalugi ng kompanyang pinagta-trabahuhan. Pero naisip niya na imposibleng mawala ng trabaho ang asawa niya lalo na at isa ito sa pinakamatagal ng empleyado.

"Ang sabi ni Ricky, kapag raw nagtuluy-tuloy ang pagkalugi ng kompanya, isa-isa na raw silang magbabawas ng staff," tugon naman ni Anthony na ang tinutukoy ay ang katrabaho niya.

"Paano nga kapag nangyari 'yon? Paano na tayo? Paano na ang mga anak natin?" sunud-sunod na tanong ni Mica. Hindi pa kasi fully-paid ang malaking bahay na tinitirhan nila, pati na ang Toyota Innova nila, tapos bukod sa tuition fee ng mga bata, may mga insurance din silang binabayaran at kung ano-ano pa. May maliit naman siyang negosyo, nagbe-bake siya ng mga cup cake at iba pang sweets na pinapa-deliver niya sa umoorder sa kanya. Pero hindi sasapat 'yon para sa lahat ng gastusin dito sa bahay kapag minalas na mawalan nga ng trabaho si Anthony.

Bumuntong hininga si Anthony. Hindi siya nagtataas ng tingin para salubungin ang tingin ng asawa niya dahil sa totoo lang, nakakaramdam siya ng hiya dito. Siya ang padre de familia, kaya responsibilidad niya ang pamilya niya. Nabaling ang tingin niya sa kamay ni Mica na humawak sa kamay niya.

"Magiging maayos din ang lahat," ani Mica.

Pilit na ngiti ang tinugon ni Anthony sa asawa niya. Sa isip niya, sana nga... sana maging maayos rin ang lahat.

"Saglit lang, ha? Ihahatid ko lang sa sala 'tong mirienda ng anak natin," paalam ni Mica. Dala ang tray na may lamang tasa ng mainit na tsokolate, kape at isang plato ng cookies, pumunta na si Mica sa sala. Nilagay niya sa lamesa ang mirienda para kayna Lola Betty at Karina.

"Mama, okay lang po ba si Papa?" tanong ni Karina.

"Oo naman. Bakit naman hindi magiging okay ang Papa mo?" nakangiting turan ni Mica.

"Hindi niya po kasi ako kiniss kanina," nakalabing wika pa ni Karina.

"Naku, baka pagod lang sa trabaho ang Papa mo. Makikita mo mamaya, babalik 'yon dito at lalambingin ka na," turan naman ni Lola Betty.

"Kainin mo na 'tong cookies nan i-request mo, Karina," sabi ni Mica.

Tumalima si Karina at kumuha ng cookie.

Tumingin si Mica kay Lola Betty na tila naghihintay ng susunod niyang sasabihin. Alam niyang ramdam nito na may problema ang asawa niya. Ngumiti siya sa mommy niya para ipaalam na ayos lang ang lahat.

***

Pasado ala-una nang madaling araw.

Nasa garden si Anthony at mag-isang umiinom ng alak. Bukas ang ilaw sa pwesto niya pero nakatingin siya sa malayo at madilim na parte ng garden. Maraming laman ang isip niya. Naghahalo ang iba't-ibang bagay kagaya ng pamilya niya, mga bilss na kailangan bayaran at ang trabaho na pwedeng mawala sa kanya anumang oras. May edad na siya at mahihirapan na siyang maghanap ng trabaho na kagaya ng position niya ngayon sa kompanya. Kung makalipat man siya ng ibang kompanya, siguradong hindi na kasing laki ng sweldo ang makukuha niya. Mahihirapan siyang bayaran lahat ng mga kailangan nilang pagkagastusan at iyon ang ayaw niyang mangyari.

"Inutil."

Napatayo siya sa boses na bigla niyang narinig pero hindi niya alam kung saan nanggaling.

"Inutil ka."

Muli niyang narinig ang boses. Mas malinaw sa pagkakataon na 'yon pero hindi niya pa rin alam kung saan nagmumula.

"S-Sino 'yan?" kinakabahang tanong niya. Baka kasi may masamang tao nang nakapasok sa kanilang bakuran at planong gawan ng masama ang pamilya niya. Napaikot na siya sa kanyang kinatatayuan.

"Wala kang kwentang asawa. Wala kang kwentang Tatay sa mga anak mo. Inutil ka!"

Nagpanting ang tainga niya sa narinig. "Nasa'n ka! Magpakita ka sa akin!" halos sigaw niya.

Nakarinig siya ng mahihinang tawa. Mapang-asar na tawa na para bang minamalaiit siya.

"Magpakitaka sa akin, gago! Nasa'n ka!" halos muling sigaw niya. Hawak niya ngayon angbote ng alak na handa niyang ihampas sa ulo ng nangungutya sa kanya. Babasagin niya talaga ang ulo nito at dudurugin ang utak. Nakatayo na lamang siya peropakiramdam niya, umiikot ang paligid niya.

Nahihilo ba siya? Hindi niya maintindihan. Pero nanggigigil siya sa galit na nararamdaman niya. Hindi totoong inutil siya dahil ginagawa niya ang lahat para sa pamilya niya. Handang siyang makipagpatayan para lang mabuhay ang mga ito. Kaya hindi siya papayag na maliitin lang siya ng ibang tao.

"Honey?"

Nabaling ang tingin niya sa may pinto kung saan nakatayo si Mica.

"A-Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Mica.

Napatingin si Anthony sa hawak niyang bote ng alak. Ang laman noon ay natapon na sa kamay niya. Ibinaba niya muli ang bote sa maliit na lamesa. Pasimpleng nilibot ang tingin sa paligid pero wala siyang kahit na ano o ibang tao na nakita. Nagbitaw siya ng malalim na buntong hininga.

"O-Oo, ayos lang ako," tugon niya kahit hindi siya sigurado sa sinabi niyang iyon. 

Continue Reading

You'll Also Like

6.9M 347K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
Psycho next door By bambi

Mystery / Thriller

4.3M 204K 51
Cosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them is a psychopath, all hell breaks loose...
25.9M 642K 64
[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black sheep of the society and their families...
56.1M 990K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...