dedicated kay pusakath- salamat:)
umpisahan ng kumapit
#unedited
***
TPS 48:
Malapad ang ngiti na ibinigay sa kanya ni Yuan pagsapit ng Lunes, sinadya n'yang bagalan ang kanyang kilos kahit sinabi pa ng kasambahay na naghihintay na ito sa kanilang living room.
She's still mad at him. Nagpapabawas pa siya ng galit nito kahapon, Sunday. She was busy hiding from him all day, she ignored his calls and didn't reply in his messages. Nag-iwan lamang siya ng isang mensahe na may importante siyang gagawin, kahit na pagtulog at pagbabasa lamang ang kaniyang pinagkaabalahan sa kanyang kwarto.
"I told you 'wag mo na akong sunduin." Kinuha niya ang boquet na bigay nito, hindi kasi ito titigil hangga't hindi niya iyon kukunin. Napanguso naman ito sa kanyang sagot.
"Pinagtaguan mo na nga ako kahapon, hindi ka sumagot sa tawag ko pati mga text ko , inis nab mo tapos hindi pa kita susunduin ngayon?" umiwas siya ng tingin dahil guilty siya sa sinabi nito.
"I told you my reason."
"Hindi pa pwedeng araw araw parang Sabado lang din? Yung magkasama tayong dalawa lagi?" tinignan niya ito. Clueless ito sa kung ano ang nasa loob niya.
"Nagbreakfast ka na?" tanong niya dito para maiba ang kanilang usapan.
"Hindi pa, kasi mas inuna kong pumunta dito." That's what she hates and love about him, madalas itong hindi kumakain para masundo lamang siya agad.
Lumingon siya sa dining room at niyaya ito na kumain na sila, may oras pa naman. Tahimik lamang sila sa hapag, nauna na ang daddy niya at si Ren, yung dalawa nyang kapatid at ang kaniyang mommy ang kasabay nila sa pagkain. Ikinuwento ni Yuan kung ano ang nangyari sa birthday ng daddy nito.
Minus the Bryan part.
***
"Bakit mo ako iniwan? I told you sasabay ako diba?" pagbukas ni Yuan ng kanyang kotse , si Bryan ang bumungad sa kanya. Nasa school nila ito, nakalimutan niya ang dahilan kung bakit sasama ito, abala kasi siya sa pagtawag kay Ran na hindi naman sinasagot. Something was off, noong ihatid niya ay tahimik na ito, hindi nagtataray masyado, kakaibang katahimikan ang ibinigay nito sa kanya. Sumunod nga ang mga tawag na hindi nito sinagot. He understand na baka pagod lamang ito, namimiss niya nga lamang nab ago matulog, makausap man lamang ito kahit saglit. Then Sunday came, mas naging malala pa ang pagbabalewala nito sa kanya.
Nakakapag alala.
Humarang si Bryan sa kanyang daanan kaya hindi niya napagbuksan si Ran ng pinto.
"I told you mage enroll ako sa culinary dito, I want to be a good cook like tita mommy, samahan mo ako!" masiglang wika nito. Nakataas ang kilay ni Ran dito.
"Hindi ko rin alam, kay Topher ka na nalang paturo, saka sasamahan ko pa si Ran." Pagdadahilan ni Yuan, gusto niya kasing makausap si Ran, kung mayroon silang problema. Sa dami ng topic na gusto niyang pag-usapan nila kanina habang nasa biyahe, wala man lamang naging interesante para dito. Para lamang siyang nakikipagusapan sa hangin.
"Boring kasama si Topher." Nagtawanan ang tatlo na nandoon din sa tabi nila, "ikaw na lamang please?" kumapit pa ito sa braso ni Yuan na lalong nagpataas sa kanyang kilay. Inaalis naman iyon ni Yuan, ng maalis ay mabalis na lumapit sa kanya at umakbay sa kanyang balikat.
"Ayoko nga, sasamahan ko pa girlfriend ko." Tumingin naman ang dismayadong si Bryan sa kanya.
"Okey lang ba Ran na hiramin ko muna si Yuan, I just badly need her help, pretty please with cherry on top?" pinagdaop pa nito ang palad. Kakatwa na tahimik din ang mga kaibigan ni Yuan habang naghihintay sa kanyang sagot.
The truth is, she never like cherries.
"No. You have your two feet and hands, I think you're not so stupid, you can follow instructions, but if you are, better seek help from these three." Napawi ang ngiti nito sa kanyang sinabi, kumalas din ang akbay ni Yuan sa kanya, malinaw na napahiya si Bryan.
But that's her, that was her mouth talking, no pretention, just the truth.
"Ran-" hindi niya na hinintay na magsalita si Yuan, iniwan niya na ang mga ito. She will not say sorry even though they will, or Yuan ask her too. Alam niya kung ano ang ginagawa ni Bryan. She;s secretly pissing her off as she tries her way to get Yuan.
Kung talagang sa kanya si Yuan, kung talagang tama ang sinabi ni Topher, babalik at susunod sa kanya si Yuan.
"Ran!" mabilis nitong nahawakan ang kanyang braso. Napigil siya sa paglalakad, lumipat ito sa kanyang harapan at sinusuri ang kanyang mga mata.
"May problema ba tayo? May mali ba akong nagawa? Ayaw mo ba kay Bryan?" sunod sunod na tanong nito, pumikit siya at huminga ng malalim.
"Yes. Not really and Yes." Sagot niya sa mga tanong nito na lalong nagpagulo sa isip nito, Pumasok na siya sa kanilang first subject, umupo na rin si Yuan sa kanyang tabi.
"Pagpasensyahan mo na si Bryan, ganoon lamang talaga 'yun, pero mabait naman yung bruha na 'yun eh,may sapak lamang talaga minsan," binunggo pa nito ang kanyang braso ng marahan, patuloy kasi siya sa pagbabalewala dito.
"I don't think she's nice."
"Mabait siya, juts give her a chance."
"No."
"Please for me?"
"No means no!"matigas na sabi ni Ran dito. Yes, Bryan can be so persistent at times, pero noon pa man excited na itong makilala si Ran, bata pa lamang kasi ay makailang beses na niyang nakwento si Ran dito. Kaya naman kasama niyang nabuo na rin sa imahinasyon ni Bryan si Ran, kaya ngayon nga na nagkatotoo na ang kanyang pangarap, gusto nyang magkakilala ang dalawa. Malaki rin kasi ang naiambag ni Bryan sa kanyang childhood, ito ang nagpalakas sa kanyang loob kapag inaasar siya ng ibang bata sa kanyang katabaan.
Mataba rin kasi ito pero hindi ito kagaya niya na laging nagdadamdam kapag natutukso ng baboy. Hanggang sa isang araw, sabay silang nagdesisyon na magpapayat, kumain lamang ng tama pero masusustanya, umiwas sa mga junk foods.
Isa pa, malaking motivation niya noon si Ran, ang pag-asa na kapag nakita niya itong muli, mag kaka crush na rin ito sa kanya.
"Nag aaway ba kayo?" singit ni Grace na kanina pa pala nakikinig sa kanila. Palihim na tinitignan ni Ran ang frustrated na hitsura ni Yuan, hindi nga ito na ka concentrate sa kanilang klase.
Bago pa man maglunch ay nakaabang na ito sa kanya, wala na siyang nagawa ng hinila na nito ang kanyang kamay papunta sa kanilang pwesto sa canteen. Ang nakakaasar na parte, nandoon din si Bryan, katabi ni Topher na siya ngayong katapat ng kanyang katabi na si Yuan.
Gaya ng una nilang tagpo, bumabangka na naman ito, ito yung klase ng babae na hindi nauubusan ng kwento, tatawa kahit hindi naman nakakatawa ang sitwasyon o ang pangyayari. Malikot din ang mga kamay nito, mahilig mangahampas, mangurot at mangyakap, bagay na mas lalong nakakairita, ang ngiti nito, mukhang hindi napapagod.
"Yuu, enrolled na ako, para naman productive ang pagpunta ko dito, saka nakakainip sa bahay dito, makakasama ko pa kayo, marami pa akong makikilala,saka alam mo Yuu, masarap din pala yung mga pagkain dito no?" ngumunguya ito habang nagkukwento, nawawalan tuloy ng gana si Ran sa pagkain.kung titignan mukang okey lamang ito sa kanyang presensya, pero hinuhuli niya ang pagsulyap nito sa kanya, hindi nito ginagawa, ang mga mata at atensyon nito ay na kay Yuan na sa kanya naman abala.
Pilit nitong inaagaw ang atensyon na binibigay ni Yuan sa kanya, bumabaling naman sandali ang walang malay na si Yuan tapos muling babalik sa kanya ang atensyon.
"Yuan try these," pinagtaasan niya ng kilay ang paglalagay nito ng ulam sa plato ni Yuan.
"Ah, Bryan ako din gusto ko nyan, lagyan mo rin yung sa akin, please?" tumikhim pa si Bono para makasingit. Kanina pa kasi nila napapansin na mukhang sasabog na si Ran at ang walang pakiramdam na boyfriend ay hindi man lamang aware sa tension na nagaganap.
Kahit di naman na kasi nila pag-usapan iyon, alam nila na may gusto noon pa si Bryan kay Yuan, sinasakyan lamang nito ang pagkahumaling ni Yuan sa babaeng si Ran na nakilala niya lamang sa mga litrato na iniipon ni Yuan, hanggang sa isang araw muling nagtagpo ang landas ng mga ito.
Aksidente kasing nasabi ni Bono na may relasyon na ang dalawa, nagulat na lamang sila isang araw na darating ito and the rest, heto nga at nasa tabi na nila. Nakikipag kumpetesnsya sa masungit na prinsesa na kinababaliwan ng kanilang manhid na kaibigan.
Napadako ang mata ni Ran sa table ng kanyang kakambal, nag-uusap ang kanilang mga mata. Tinatanong nito kung sino ang babae sa kanilang table. Nagtatawanan na ang mga ito sa sinabi ni Bryan, maging si Yuan ay nakikitawa na rin, nawalan na rin talaga siya ng gana.
"Excuse me." Tumayo siyang bigla, hindi nakaligtas sa kanya ang matagumpay na ngiti ni Bryan, she pissed her off, big time!
"Ran?" napatayo rin bigla si Yuan. She ignored him and went to his twin. Tumayo naman din ito at humarang kay Yuan.
"May problema ba si Ran?" tanong ni Yuan kay Ren, humarang kasi sa kanya ito, gustong gusto niyang sundan si Ran, hindi kasi ito sumagot kung saan pupunta.
"Her problem is how to break up with you." Nakangising sabi nito, hindi nagustuhan ni Yuan ang sinabi nito, may nagawa ba siya?.Totoo ba ang sinasabi nito?
"That's not true! Okey pa kami noong Sabado." He clench his fist. He will never like this joke!
"Sabado yun, today is Monday." Hindi na sumagot pa si Yuan, sinangga niya ito at sinundan si Ran, pero wala na ito sa kanyang paningin.
***
"Class dismissed!"
Hanggang sa huling klase, nasa isip pa rin ni Ran ang napag-usapan nila ni Ali, dito siya pumunta kanina matapos siyang umalis sa canteen.
Tama ito sa sinabi nito sa kanyang nararamdaman.
Jealousy and Insecurity.
Sabay nyang nararamdaman.
Nagseselos siya sa kaalaman na matagal itong nakasama ni Yuan, marami itong alam kay Yuan na hindi niya alam, tanggap ito ng buong pamilya ni Yuan.
Insecure siya dahil, taliwas ito ng kanyang pagkatao, kung papipiliin , maraming pipili dito kumpara sa kanya.
Mas pinipili niyang umiwas , this is the only way para hindi siya makagawa ng maling desisyon o makapagsabi ng masasakit na salita. Mas makikita kung ano ang mga kulang sa kanya.
She touch her head, nararamdaman niya na naman ang kakaibang antok. Kinuha niya ang phone at binuksan, pinatay niya ito kanina dahil maya't maya ang tawan ni Yuan.
Pero ngayon, walang siyang ibang naiisip tawagan kung hindi ito, pawala na ang tao sa room.
She pressed the key 1..nag riing lamang ito at namatay, inulit nyang muli, pero gaya ng una, mabilis itong namatay.
Unang beses na hindi ito sumagot sa kanyang tawag, posible kanyang gumaganti ito. She was wrong but she badly needs his help right now.
Pero wala, ginugupo na talaga siya ng antok, nakarinig siya ng mga yabag, hindi mabibigat at nagmamadali gaya ng dati.
Sa huling pagkakataon dinilat nya ang kanyang mata. Nasilip niya ang pares ng sapatos.
Itim na sapatos na hindi pag-aari ni Yuan.