Empress of the Gangsters.! (C...

By Dr_Key

7.5M 129K 9.9K

Romance-Gangster/Action and Mystery..( Filipino ) I am a Gangster. Specifically a QUEEN GANGSTER.! I'm not li... More

PROLOGUE.!Empress of the Gangsters.!
Chapter 1.!GOOD BYE JAPAN.!
Chapter 2.!I'm Back to Phillipines.!
Chapter 3.!1st Day of School?-__-
Chapter 3.5.! PART 2 OF 1st Day of School
Chapter 4.!Calculus! A piece of cake-.-
Chapter 5.!When you're gone.!
Chapter 6.! Secret Identity.!
Chapter 7.!Confession?
Chapter 8.! Part 1..First Game!
Chapter 8.5.!Part 2...First Game.!
Chapter 9.!It's all about soccer.!
Chapter 10.!Idol Sky.!Skateboarding.!
Chapter 10.5.!Idol Sky.!Ice skating.!
Chapter 11.!Archery.!
Chapter 11.5.!Equestrianism, saving trixie.!
Chapter 12.!Car Racing.!
Chapter 13.! BAGAY DAW TAYO.!
Chapter 14.! Awarding and the Last Day.!
Chapter 15.! Unknown
Chapter 16.!Pamalican Island.!
Chapter 17.! Color Couple.!<3
Chapter 18.! Pick-up Lines.!
Chapter 19.! Fame.!
Chapter 20.! Astro Loud Bar.!
Chapter 21.! Mall, Queen of Arcades.!
Chapter 22.! Words of Wisdom from Sky
Chapter 23.!PressCon
Chapter 24.!Teaching the JERKS & BRATS Lesson 101.!
Chapter 25.! Kamoteng nakaka-utot!Dami kong tawa lagpas 20!
Chapter 26.!Boodle Fight!
Chapter 27.!Sa ayaw at sa Gusto mo-_-
Chapter 28.!Chrizzy!^__^
Chapter 29.! One Missed Call.!
Chapter 30.!RGE vs. BKE.!-__-
Chapter 31.!ROYAL HIGHNESS?!
chapter 32.! Memories Part 1.!
Chapter 33.! Memories Part 2.!
Chapter 34.!Kidnapped.!
Chapter 35.!TZone.!
Chapter 36.! Ocsillon's true color.!
Chapter 37.! TRUTH BEHIND THE STORY.!
Chapter 38.! RED MEETS VIOLET.!
Chapter 39.! THE HISTORY.!
Chapter 40.!Pendant and the Box.!
Chapter 41.! Forever!
Chapter 42.!First kiss and Assurance.
Chapter 43.! BloodSucker Gang!
Chapter 44.! I killed him.
Chapter 45.!
Chapter 46.!
Chapter 47.!
Chapter 48.!
Chapter 49.!
Chapter 50.!
Chapter 51.!
Chapter 52.!
Chapter 53.!
Author's Note!
SPECIAL CHAPTER!

EPILOGUE

96.3K 2.2K 454
By Dr_Key

I would like to dedicate this EPILOGUE to the following:

MomLiza, DadNoel, EngineerKim, Kelvin, JeannaMaePlacido, CassidyGaetos(My buddy!), xxx_101, aifos_02, ezrrruhhhhh_o7, jez_07, chriztineeJoy, setterempillo29, JennicaCabioMaquilan, ZhardetStyles, IAmKielAyalgam, ICEonAeyesofAFISH, IrishPerez14, xoxoBangskie, soo_sun, ChibiFreakEmpress, bluelight_mystique, KarymeAshley, principessa101_, PaulineCutie, Chuffyhan, cruzfei_13, debbiefei, _maddle_, Ms_Cristelleee, riulyncarvajal, Ms_Par, kryllecagara, darkaquarius, MixyGirl, PlusFraserEyes01, wanna_die02, cinderella0312, MissyJeanny15, LiliaJean, Nezaya_XD, yannie_Empress7, Steambaozi, NhaigelMin, valeriejoymacapagal, innocent_maldita, ColdDerpPrincess, one4threee, aLeKzhAndraPARK, misskheyta11, whitemare26, jeninesalvador73, Kylenggg852, lian_27, imkristineeeeee, htebahsirk, GirliePiqueBernal, AbegailTorres4, EksdiFlirt and to all of Eotg Readers! Kung hindi ko man na-banggit ang un nyo, i'm sorry po. Paki-message ako at i-eedit ko na lang.

Lab 'ya all BABY.!! \\(>_^)//♡♥

Mwahh..!!:-*

TOODLES..!!!

************************************************************************

Epilogue

I am here at the cemetery, once again.Bringing her favorite flowers, talking to her. Visiting her tombstone everyday, walang palya, 1 week na akong ganito, pabalik-balik dito sa puntod nya, pupunta ng maaga tapos uuwi pag gabi. Naka-upo lang ako sa harapan ng puntod nya at pinag-mamasdan ang pangalang naka-ukit sa lapida.

'Skyzzer Blue Lee Cole' Date of birth: December 7, 1997

Dide last: November **,20** .

Hanggang ngayon ay hindi parin ako maka-paniwala, na iniwan na nya ako. Ang akala ko kasi 'Walang Iwanan' at 'Walang bibitaw' ang sabi nya kasi hindi nya ako hahayaang mag-isa. Na lagi lang syang nasa tabi ko. Pero Pucha! Ang sakit pala! Para akong sinaksak at binaril ng ilang ulit! Tagus-tagusan hanggang buto at kaluluwa! Edi sana, namatay na lang din ako kung ganito rin lang naman ang mangyayari! Bakit pa ako nabuhay, kung wala rin lang naman sya?! Sana namatay na lang din ako! Edi sana, mag-kasama na kami ngayon! Ayaw ko ng mabuhay pa, kung  parang patay na rin naman ako dahil wala sya.

Isang linggo na rin ang nakaka-lipas ng mangyari ang Gang War at ng isugod namin sya sa hospital. Ng makita ko syang sumuka ng dugo, umiyak, mag-paalam sa akin at sabihing mahal na mahal nya ako habang nasa sasakyan palang kami papunta ng hospital ay sobrang nadurog na ako dahil sa sakit na naramdaman ko, parang biglang nanikip yung dibdib ko at hindi ako maka-hinga lalo na ng makita ko kung paano sya mahirapan at pilit na binubuksan na lamang ang kanyang mga mata at bibig para sa akin, para akong nanlamig at nanigas ng makita kong ipinipikit nya ang mga mata nya. Ang sabi ko sa sarili ko, ' Hindi, hindi nya ako iiwan. Ok lang yan, pipikit lang sya at matutulog. Magpa-pahinga sandali tapos gigising na ulit sya para sa akin. Lalaban sya at hindi magpapatalo.' pero parang iba. Iba ang pakiramdam ko ng panahong yon, parang alam ko na.

Umiiyak ako at kabadong-kabado, natatakot akong hawakan sya dahil baka masaktan ko sya o kaya naman ay natatakot akong malaman na nawala na pala sya sa akin. Ayaw ko syang mawala, hindi ko kakayanin. Nilunok ko ang lahat ng takot ko at hinawakan ang pulso nya, napa-buntong hininga ako ng maramdamang pumipintig pa ito, na hindi pa sya nawawala sa akin, na nahimatay lang sya, na lumalaban pa sya kasama ko, pero ang problema ay mahinang-mahina na ang pulso niya at muli ay binalot ako ng takot,natatakot ako. Paano kung mawala sya? Paano na ako? Kakayanin ko ba? Hindi ko kaya, baka masiraan ako ng bait! Paulit-ulit na tinatanong ko sa utak at sarili ko. Maka-sarili mang ituring pero gusto kong mabuhay sya. Ano pang silbi ko sa mundong ito kung mawawala din naman sya sa piling ko?

Abot-abot ang panalangin ko sa Diyos na huwag nya munang kunin yung pinaka-mamahal ko. Puno ng kaba at takot ang dibdib ko, naka-tingin lang ako sa kanya na nasa bisig ko at puno ng dugo. 'Huwag ka munang bibitaw' paulit-ulit na bigkas ko sa mga salita hanggang makarating kami ng hospital. Kinuha sya sa amin ng mga Doctor at Nurse ng isugod namin sya sa loob. Dinala sya sa emergency room agad-agad para ma-lunasan at ma-obserbahan. Nasa labas lang kami ng Emergency Room at nag-hihintay. Ako, ang Gang, ang mga Royalties, at ang Bloodsuckers na sumama sa amin dito. Nasabihan ko na rin sina trixie na pumunta na dito, hindi ko na sinabi ang totoong nangyari basta pinapunta ko lang sila. Nandito rin si Buttler Choi, ang matagal ng Buttler ng pamilya Cole at ang nag-alaga kay blue simula ng bata pa sya. Ilang sandali pa ay dumating sina trixie kasama ang sina thalia, summer, athena at ang mga magulang namin, nandoon din ang parents ni shin na sina Aunt. Cammeron at Uncle Blake. Dinaluhan nila kami, at umiiyak din ang mga ito sa nangyayari, si shin ang nag-sabi ng lahat sa kanila, sya ang nag-paliwanag dahil hindi nila ako maka-usa ng matino. Dinig ko ang panaghoy nila, ang pagpatak ng maalat na tubig mula sa mata. Walang humpay ang kanilang mga luha sa pag-daloy, at gayun din ako. Mainit, pulang-pula, namamaga, hindi kumukurap at nakatulala lang, ganun na ganun ang mga mata ko ngayon.

Hindi maka-paniwala sa nalaman at natuklasan ang lahat. Umiiyak kaming lahat at mataimtim na nag-hihintay, nag-darasal na sana ay makaligtas sya. Sa bawat Doctor o Nurse na lumalabas ay tinatanong namin kung kamusta na ba sya, ngunit wala kahit ni isa ang sumasagot sa amin.  Nag-aalala na kami, baka kung ano na ang nangyari, Ilang oras inabot ang operasyon nya, walang umaalis. Hinihintay namin ito, yung mga babae, kasama ang Royal Queen at ang anak na babae nya ay pumunta ng chapel para doon manalangin ng taimtim. Habang kami ay naiwang mag-bantay. Alas-dose na ng hapon pero wala paring lumalabas mula sa loob, mag-aalas-dose y media ng hapon ng sa wakas ay may lumabas mula dito.

" Where's the family of the patient?"-tanong sa amin ng Doctor.

" A-ako! I am her Uncle!"-sabay na sabi ni Uncle Blake at ang Royal Highness na si Uncle Mac.

He breathed first bago nya sabihin ang kalagayan ni blue," Well, hindi na po ako magpapa-ligoy-ligoy pa. The patient is getting worst. She's having an Internal Bleeding, the blood vessels inside her body were torn and damage. Marahil ito ay dahil sa kanyang mga natamong tama ng baril at hiwa ng matatalas na bagay. Nakita naming may hiwa ng matalas na bagay sa kanyang kamay, hita, balikat at tiyan, may tama rin sya ng baril sa hita at kanang braso. She has a fracture on her right foot and on her ribs. At may malaki syang sugat sa ulo that causes her to have an intracranial hemorrhage, that's why she lose consciousness. Ayon sa test na isinagawa namin ay nakita naming may Intra-abdominal bleeding din sya, kung kaya naman nanghihina, nahihilo, at parang hindi gaanong maka-hinga, ito rin ang dahilan kung bakit sumusuka sya ng dugo kanina. Due to her severe internal bleeding, we decided to undergo her on a surgery and blood transfusion immediately. As of now, she's unstable, I'm advising everyone of you to pray for her. But seriously speaking, sa mga ganitong kaso, it's either the patient will die or stay in a comatose state. Ngayon palang ay pinapa-alalahanan ko na po kayong ihanda ang inyong mga sarili sa posibleng mangyari kay Ms. Cole. Mauna na po ako, we still need to monitor her state."- sabi ng Doctor at umalis na sa harapan namin.

Para akong nauupos na kandila na basta na lang napa-upo sa sahig habang tumutulo ang balde-baldeng luha sa aking mga mata. Pinag-susuntok ko yung sahig hanggang sa dumugo yung mga kamay ko, pinipigilan na ako nina nathaniel at kyohei pero tinataboy ko lang sila. Alam ko hindi lang ako ang nasasaktan dito, lahat kami nasasaktan at natatakot sa pwedeng mangyari. Is this really the end for us?

" Hindi totoo yun! Hindi pwede! Nag-bibiro lang sya diba? Hahaha! Sabi nya hindi nya ako iiwan eh! Nangako sya sa akin! Hahahaha! Mahal nya ako kaya hindi nya ako iiwan! Blue will never leave me!"-sabi ko na tumatawa habang umiiyak at hindi maka-paniwala.

Niyakap ako ni trixie mula sa likod, umiiyak din sya gaya ko, lahat kami ay umiiyak na. Pinipigilan na nya ako sa pamamagitan ng pag-yakap sa akin.

" Kuya, tama na...Tama na please? Kapag nakita ka ni sky na ganyan ka, baka...baka..."

" Ano tricks? Bakit hindi mo ituloy?! Baka hindi na nya piliing gumising pa? Yun ba yung gusto mong sabihin?! Huh?!"-sigaw ko sa kanya.

" Grey! Don't talk to your sister like that!"-sabi ni Dad sa akin.

" Hindi kuya...hindi yun yung gusto kong sabihin..."-sabi nyang umiiyak at umiiling.

" Tricks...paano pag hindi na sya gumising? Ano ng mangyayari sa akin? Ang dami-dami kong pangarap para sa aming dalawa eh...Mag-pro-propose ako sa kanya hanggang sa pumayag syang magpa-kasal kami balang araw...Tapos sa isang iglap lang, mawawala na lang bigla?"-sabi ko sa kanya.

" Shhh...tama na kuya...hindi ka nya iiwan. Maniwala ka lang sa kanya...Hindi sya susuko. Tumahan ka na kuya, baka mamaya gumising na sya, hinihintay ka lang nyang tumigil sa pag-iyak at pag-aalala sa kanya."-sabi nya sa akin na umiiyak at pagpapa-tahan nya.

" Tama ka...baka ganun nga, sinsubukan nya lang ako. Ang sabi nya huwag daw akong iiyak dahil ayaw nyang nakikita akong umiiyak. Tama, hindi na ako iiyak, dapat maging matapang ako, kailangan kong magpaka-tatag para sa aming dalawa."-salita ko at pinunasan ang luha at uhog ko.

" Trixie, Dad, Mom...Alis muna ako, bibili lang ako ng pagkain para sa atin at para kay azul. Baka pag nagising na sya magutom yun, alam mo naman yun...nag-wawala pag nagugutom. Sandali lang ako, alis muna ako."-sabi ko at tumayo tsaka madaliang umalis para bumili ng pagkain. Hindi ko na sila hinintay na mag-salita basta na lang ako umalis.

Lumabas ako ng hospital at pumunta sa iba't-ibang restaurant. May korean, japanese, italian at filipino cuisine. Bumili din ako ng desserts at mga prutas. Lahat ng paborito nyang pagkain ay binili ko. Ng mabili ko na lahat ng kailangan ko ay masaya akong bumalik ng hospital. Mga 1:39 ay sakto akong naka-balik sa hospital. Pero iba ang eksenang nadatnan ko.

Nagkaka-gulo ang lahat ng mga nurse at Doctor na nakaka-salubong ko at papunta sila sa Emergency Room kung nasaan si Blue. Tumakbo ako papunta sa E.R at doon nadatnan ko ang lahat na nasa labas at umiiyak.

" What happen? Shin! What happen to blue?!"-hindi sya nag-salita kaya pinilit kong pumasok sa loob pero hindi ako pinayagan.

" WHAT'S HAPPENING?! BLUE! LET ME IN!"-nag-sisisigaw na ako at nag-wawala.

Lumabas mula sa loob ang isang Doctor at mula sa siwang na iniwan nya ay nakita ng mismong mata ko ang flat line sa monitor ni blue habang sinusubukan syang irevive. Nabitawan ko ang mga dala kong pagkain sa sobrang gulat ko.

" No...No...No! This isn't happening! Panaginip lang ito! Magigising din ako! And then, pag-gising ko nandito na si blue at katabi ko!"-sabi ko atsaka ako pumikit at pinag-tatampal yung sarili ko.

Natigil lang ako ng may humawak sa balikat ko, tiningnan ko ito at ang Royal Highness ang nakita ko, " Stop it Grey...Tumigil ka na hijo. Mas lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo."

" No...No, hindi naman ako nasasaktan eh...Because this is just a dream! At paggising ko, ok na ulit lahat!"-sabi ko.

Sinuntok ako ni shin sa panga ng malakas na agad namang pinigilan ng apat, dinaluhan din ako ng pamilya ko," Grey ano ba?! Tumigil ka na nga! Alam mo at nating lahat na hindi ka lang nananaginip! Nandoon si blue ngayon sa loob at nakikipag-laban para sa buhay nya at anumang-oras ay pwede nya tayong iwanan! Pero ikaw, nandito ka at nag-duduwag-duwagan? I NEVER EXPECTED YOU TO ACT LIKE THIS!"-sigaw ni shin sa akin atsaka nya sinuntok ng malakas yung pader.

" ANO BANG GUSTO MONG GAWIN KO?! PUTANGINANG BUHAY ITO! GUSTO MONG TANGGAPIN KO NA LANG NA WALA NG PAG-ASA?! NA NAG-BUBULAG-BULAGAN AKO SA NAKIKITA KO?!  TANGINA SHIN! MAHAL NA MAHAL KO YUNG TAONG NASA LOOB NYANG KWARTONG YAN! MAHAL NA MAHAL KO SYA! AYAW KONG MAKITA NA NAWAWALA NA SYA SA AKIN! MASAKIT KASI! MASAKIT DITO! TANGA NA KUNG TANGA, PERO MAS GUGUSTUHIN KO PANG MAGING DUWAG KUNG SA PAG-IISIP KO AY ALAM KONG BUHAY SYA AT HUMIHINGA!"tsaka ko tinuro yung puso ko, umiiyak at naka-luhod sa lapag. Walang nag-sasalita, tanging mga hikbi at panaghoy lang ang mababanaad.

Tumigil lang kami sa pag-sisigawang dalawa ng lumabas yung Doctor mula sa loob ng Emergency Room.

Umiiling-iling ito at malungkot, "I'm sorry, we've done everything we could. But her body is so weak that she just choose to give up her will to live. I'm sorry..."-sabi nya, hindi ako maka-kibo at maka-galaw.

" Wh-what did you say?"-tanong ko, nagbabaka-sakaling namali lang ako ng pagkaka-dinig.

" I'm very sorry...the time of death of the patient is 1:43. You may now see her, I'm sorry."-sabi nya sa amin.

" 1:43?"-bigkas ko sa tatlong numero, napatawa ako ng pagak.Bakit hanggang sa kahuli-hulihan ng hininga nya ay nagawa pa nya akong sabihan ng I Love you? Lokohan ba ito? Kasi kung joke ito, hindi sya nakakatawa.

Napa-kurap-kurap ako ng aking mata ng parang may nakatayo sa harapan ko, naputol tuloy yung pag-babalik-tanaw ko. Nasa sementeryo parin naman ako eh, at naka-upo sa may harapan ng lapida nya. Ng tingnan ko ay parang si...blue. Namamalikmata ba ako? O si blue talaga ang nakikita kong nakatayo sa harap ko? Minumulto na ba nya ako?

" Blue..."-tawag ko sa kanya.

" Grey...Baby, kamusta ka na? Maayos lang ba ang lagay nyo jan? Miss na miss na kita at ang barkada. Bakit parang pumayat ka? Hindi ka ba kumakain? Grey, alam mo masaya na ako kung nasaan ako ngayon. Kasama ko na sina Mommy, Daddy at yung kapatid ko sana. Huwag ka nang mag-alala para sa akin, ok lang naman ako eh."-posible bang marinig, makita at maramdaman kong humahaplos ang kamay nya sa mukha ko?

" Blue...miss na miss na rin kita, buti naman at masaya ka dyan. Ako kasi nalulungkot ako dahil wala ka na. Pero dahil nakita na kita, narecharge na ako. Alam mo, mahal na mahal kita."-sabi ko sa kanya tsaka hinawakan yung malamig nyang kamay na nasa mukha ko at hinalikan.

Nakita ko namang ngumiti ito sa ginawa ko," Grey...Fall in love again, try to love someone. Huwag mong paikutin sa akin yung buong buhay mo, mag-saya ka, mabuhay ka ng walang iniisip. Mag-mahal ka ng iba, don't be afraid to fall in love. Hindi ako magagalit kung magkaka-gusto ka man sa iba, I'll be happy too, if I saw you happy. Be brave grey and remember, I will always love you from above."-at biglang nawala si blue sa harapan ko kasabay ng paggising ko mula sa isang bangungot! Shit! I am having a nightmare again! Lagi na lang ganito ang napapanaginipan ko mag-mula ng sabihin ng Doctor na patay na si blue 3 months ago. Tumingin ako sa tabi ko at nakita si blue na naka-pikit parin at walang kagalaw-galaw. Nasa hospital parin kami, at ang dami paring naka-saksak na tubo sa kanya. Maputla sya dahil hindi ko man lang sya mailabas para mapa-arawan at maipasyal.

3 months na ng dalhin namin sya dito, agad-agaran syang isina-ilalim sa operasyon dahil sa tinamong mga tama at internal bleeding. Para syang lantang gulay na walang kagalaw-galaw at ka-buhay-buhay. Ng mga panahong sinabi sa amin ng Doctor na patay na sya at ginawa nila ang lahat ng makakaya nila pero sya na mismo ang sumuko sa laban para sa buhay nya. Hindi ako makapag-salita, nakaka-panigas ng katawan, sari-saring emosyon, nakaka-manhid dahil sa sakit na nararamdaman ko, parang ako yung tinaningan ang buhay. Parang ako yung sinabihan na patay na. Gulat na gulat, takot na takot, at nasasaktan ako ng panahong yon.

Umupo ako sa kama ko,mag-mula ng mai-admit dito si blue ay nagpa-dagdag ako ng isa pang kama para dito na lang ako matulog. Nandito din ang mga damit at gamit ko. Dito na nga ako naka-tira eh, pumapasok ako sa umaga, pero pag hapon na ay dito ako umuuwi para maalagaan ko sya, tapos sa umaga ulit, papasok ako. Ganun lang ang routine ko, paulit-ulit lang.

Tumingin ako sa picture frame na nasa gitna ng kama naming dalawa, ito yung larawan na kinunan nya sa phone nya at pinost nya sa internet dahil nag-seselos ako kay silver that time. Kinuha ko ito at tinitigan atsaka napa-ngiti.

" Blue, I'm sorry kung hindi kita mapag-bibigyan..."

"How am I supposed to fall in love, if my heart is just beating for you? If my soul and body is just asking for you? Mukhang isinama mo na yata yung puso ko sa pag-tulog mo eh. Kapag kasi nag-hanap ako ng iba, pakiramdam ko nagtataksil ako saiyo kaya hindi ko magawa. Ikaw lang kasi talaga yung itinitibok ng puso kong ito eh. I can't love another woman, unless it's you I'm loving. Ikaw lang, di baling di na ako mag-mamahal pa, if hindi lang rin naman ikaw ang makaka-sama ko habang-buhay. Kaya lumaban ka huh? Nandito lang ako sa tabi mo, hindi kita iiwan. Peksman! Mamatay man si Superman at si Batman, o kung sino pa mang superhero."-tsaka ko muling ibinaba yung picture at tumingin sa naka-himlay paring si blue na hanggang ngayon ay hindi pa gumigising. Naalala ko tuloy yung panaginip ko kung saan namatay sya, oo totoo lahat ng mga yon, yung mga pangyayaring yon. Yung sinabihan kami ng Doctor na namatay sya ng 1:43 at yung isa pang panaginip ko na kinakamusta nya ako at sinasabihang mag-mahal ulit. Pero yung talagang patay na sya? Yung nasa sementeryo ako at dinadalaw sya? The hell! Yun yung hindi totoo! At kailanman ay hindi magiging totoo. Bakit? Dahil heto ang kasunod na nangyari ng sabihin ng Doctor na wala na sya...

————————-

Continuation of the hospital scene.

" Hahaha! Joke ba yun?! Doc. ano ba ang pinag—-"-naputol yung sasabihin ko ng mula sa loob ay lumabas yung isang nurse.

" Doc.! Yung flatline ni Ms. Cole! Nag-beat ulit!"-sigaw ng isang nurse.

" What?"-tanong ng Doctor," Excuse me." at muling bumalik sa loob ng E.R.

GOD! Hindi pa sya sumuko! She is still fighting! She is still alive! Thank God! Thank you Lord. Nanlalaki man ang mata naming lahat, ay walang mapag-sadlakan ng tuwa ang sayang nararamdaman namin ngayon. Napalitan ng saya ang kaninang hinagpis at sakit na naramdaman namin sa magandang balita. Para akong nawalan ng dinaramdam sa narinig ko.

After few minutes of waiting ay muling lumabas mula sa E.R ang Doctor.

" Doc. How is she?"-tanong at salubong ko.

" Sa ngayon po ay, out of dangered na sya. To be honest, we don't know what really happen. Bigla na lang muling tumibok yung puso nya, and most especially mabilis na nakakapag-cope up yung body nya sa natamong pinsala. She is slowly healing, and we don't know how and why. She is stable for now, but she's in coma. But I suggest you to pray for her, because Miracles do happen. You just have to believe on it. I need to go, pwede na po kayong maka-hinga ng maluwag."-sabi nya at ngumiti tsaka umalis.

" She is alive."-sabi ko ng wala sa sarili, " Hahaha! Buhay sya! You heard that? She is alive! Hahaha!"-sabi ko at masayang tumatawa habang inaalog ang bawat isa.

Nag-yakapan lang kaming lahat dahil sa magandang balitang natanggap namin. I can't believe it! Tinupad nga niya ang sinabi nya, 'Hindi kita iiwan.' God! Thank you so much for bringing her back to me, to us.

That what really happens, I don't know what's with the cemetery dream but I am sure, hindi ako pupunta doon dahil walang Skyzzer Blue Lee Cole na lapida ang makikita ko doon.

************

Skyzzer Blue's Pov

Where am I? Saang lugar ba ito? Para akong nasa isang puting open field, puti lahat at ako lang mag-isa. Nasaan ang mga tao? Bakit wala akong ibang kasama? Nasa hospital ba ako? Pero bakit ganito?

" Hello? May tao po ba rito?!"-sigaw ko sa kawalan.

" Hello?! May tao ba dyan?! Sagutin nyo ako!" I keep on calling and shouting at the top of my lungs. I continued walking ng may makita akong isang batang lalaki na naka-upo at umiiyak. I think he is 2-3 yrs. old?

" Hey little boy, are you okay? What happen? Why are you crying?"-tanong ko sa kanya.

" I am lost, I can't find my Mom, Dad and Ate Blue."-sabi naman nya. He is so cute, gaya ko ay kulay violet din ang mga mata nya at may matambok syang pisngi.

" Blue? Is that the name of your sister? What's your name?"-tanong ko ulit. I am enjoying talking to him.

" I am Greene. And yes, My ate's name is Blue. I can't find them."-he said then starts to cry again.

" Hey little boy, don't cry na. I will help you find your Mom, Dad and your Ate. What's the name of your Parents?"-tanong ko at binuhat sya.

" My Mom's name is, Violet and my Dad's name is Red. You, what's your name?"-tanong naman nya sa akin.

Hindi ako makapag-salita dahil sa sinabi nya, I was dumbfounded! What's happening? Sino ba talaga ang batang ito? I was about to talk to him when suddenly a girl came rushing in. But what is surprising the most is when I saw the little girl's face and what the little boy call her after.

" Ate blue! That's my sister, ate ganda."-he call her sister's name while pointing at the little girl coming on our way. Now, I'm really confused! Why am I seeing myself in this little girl when I was 5 years old? Bakit ako sya ng bata pa ako?! What's going on?

" Greene! Where have you been? Kanina ka pa namin hinahanap nina Mommy at Daddy. Pinag-alala mo kami!"-sabi ng batang babae na naka-nguso. She really looks like me, when I was 5! Jesus! What is this?!

Bumaba mula sa pagkaka-buhat ko si Greene.

" Ate, I'm sorry. I was lost, huwag ka na magalit kay greene. Love na love kita, hinahanap ko kayo kaso I can't find you atsaka si Mommy at Daddy. Sorry na, love kita ate. Huwag ka na galit kay greene huh? Bati na tayo?"-he said then hug and kiss the little girls cheek.

" Oh sige na nga! Love din kita! Ate ganda, salamat sa pag-tulong mo sa kapatid ko huh?"-and I don't know why but a tear suddenly escape my eyes. Then realization hit me! The little girl is me when I was 5 kaya nakikita ko yung sarili ko sa kanya and the little boy is my supposed to be brother, if Mom didn't die! Now, I get it! But why? Why am I seeing them?

Suddenly, the white backgroud change little by little. I was on our mansion! I saw my house and it's as good as new! Buttler Choi was there! Even the thousands of maid were there! Everything was back to normal.

" Buttler Choi! Where's Mom and Dad?"-I ask him but he isn't replying. Is he deaf? Maybe, he didn't heard me. I was about to touch him but he walks toward meat nilabasan ako, bakit hindi ko sya nahawakan? Paano sya lumusot? We were about to collide with each other! Dapat ay mag-sasapungan kami, pero lumusot lang ako! I try to called him but he isn't hearing me. Now, this is weird and impossible! Am I in a gag show?

Nilibot ko ang bahay at napadpad sa swimming pool, there I saw Dad and myself when I was 2. My dad is in the pool holding me, teaching me on how to swim. We were giggling and laughing. We are happy, I smiled looking at them, lumapit ako and try to touch him but once again, I failed. Pinag-kasya ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa kanila when my Mom came in. She brought snacks for us. May hawak syang tray of food tapos may naka-sunod pang ibang maids na may bibit ding merienda.

" Hon! Blue! Tama na muna yan, mag-mi-merienda na! Come!"-sabi nya kaya naman umalis muna kami ni Dad sa pool, i mean the little me and Dad.

They ate peacefully while chatting and laughing. I was like watching a movie on a film house, where the leading stars are Me, Mom and Dad. It's like a one-big happy family...

Then suddenly, the background change again and I was back on the white blank open field. The little girl, which is me is still there with the little boy which is my brother, but it's not just us. Because I can see my Mom and Dad playing with them. Is this real? Am I really seeing them? I called them and this time, I think they heard me because they look at my way and smiled warmly.

" Blue..."-Mom said while smiling full ears at me. And with that I burst into tears.

" Blue...how are you sweetie? Kamusta na ang anak ko?"-she asked still looking at me.

I don't know kung ako ba talaga ang kausap nya but I replied.

" Mom...Ayos lang po ako. I'm strong na, huwag po kayong mag-alala, malaki na po ako. Mahirap man ang bawat pag-subok na ibinibigay nya, but I can handle it."

" That's good. Masaya ako at nakikita ka naming masaya ng Mama mo, princess."-si Dad naman ang nag-salita ngayon.

" I miss you Mom and Dad...Nakaka-lungkot na iniwan nyo ako but that's okay. I'm fine, I understand naman po. You don't know how happy I am right now."

" Kami din anak, masaya kami ng Mama mo. Hindi ka man namin nakitang lumaki, pero palagi ka naming binabantayan, alam naming lumaki kang isang mabuting bata. Mahal na mahal ka namin anak, hindi na namin kakayaning mawalay ka pa sa amin ng Mommy at kapatid mo."-Dad said to me.

" Mahal ko rin pa kayo to the moon and back. Miss na miss ko na po kayo, hindi ko na rin po kakayaning mawalay pa sa inyo."umiiyak na sabi ko.

" Blue...anak, gusto mo na bang sumama sa amin?"-Mom ask me the question and I was shock.

" Where are we going?"-tanong ko sa kanya.

" Pupunta tayo doon sa lugar na mapayapa, tahimik, at walang mananakit sa'yo at higit sa lahat sa lugar kung saan magkaka-sama tayo at masaya. Sumama ka na sa amin?"-Mom said smiling while handing her hand to me.

Sa wakas, magkakasama na din kami nina Mommy at Daddy. Ang tagal kong hinintay ito, ngumiti ako sa kanya," Sige po Mommy, sasama na ako..."-sabi ko at itinaas ang kamay para abutin sya.

I was about to hand my hand on her but then a memory came back to me, gaya kanina na parang nanonood lang ako ng sine, nasa mismong pinangyarihan ako pero hindi ko sila maka-usap o mahawakan, a certain view came flashing in.

I saw myself talking with the Royals where they ask a favor to me. They want me to come back at the philippines and rule the R.G.E there, then comes another memory where I studied at my own university and pretended to be a nerd. I even saw my first encounter with the Gang the first day when I catch the paddle. Then when I met people, like the Fabuloussa that keeps bullying me...and there was a scene when I met my friends. The Melody! At kung paano ko sila naging kaibigan at ang Gang when they knew I am the SCHOOL OWNER and shin's cousin. Then there goes my encounter at every Professor that are smalling me but ends up as a laughing stock. Tapos yung Annual Sports Game where ace confessed his love for summer and where we participated and won the over all championship. I even remember when I save trixie from the horse and when I beat grey at the race. Then the 1 week vacation to my island where grey starts to show that he likes me. Nakita ko rin ng bumalik na kami sa school, then we went to a bar and have fun but ends up in trouble because of the mens pestering us. I also remember when we went to the mall and play at the arcades and won several items! Then yung presscon, yung camping sa bundok at yung first date namin where he gave me a teddy bear and I name it

Chrizzy, combining our names na ginamit namin sa concert ng bigbang. Then yung unang pag-sugod nila ocsillon tapos yung pag-kidnapped kay nathalia ng mga TZONE, and there comes when I learn what really happens, yung totong nangyari at puno't dulo ng lahat ng ito. Hindi ko rin makaka-limutan yung first kiss namin na ako ang nag-initiate at yung pagkakatalo ko sa BloodSucker Gang, yung nangyari sa C.U that causes us para lumipat muna ng L.I.S, there we met the Alvendia siblings and then when I came back at japan hanggang sa maganap ang Gang War, yung laban namin ni Cronus at yung pag-kumbinsi ko sa kanya na sumama sya sa amin at ang mga kahuli-hulihang mga salitang binitiwan ko bago ako balutin ng dilim. I remember it all, lahat-lahat ng maiiwan ko kung sasama ako sa kanila. At napa-iyak na lang ako.

" Mom..."-sabi ko ng umiiyak. Ngumiti sya at binawi nya ang kamay nya.

" I guess, it's a no? Anak, alam ko. You can't leave your friends, you can't leave them. You are happy to be with them, you are happy to be with him, right?"-she ask, hindi ako kumikibo because I was guily. Lahat ng sinabi nya ay tama at totoo, may mga tao akong maiiwan kung sasama ako sa kanila.

" Mom...I'm sorry, I can't go with you. I am sorry po."-sabi kong humihikbi at humihingi ng tawad.

" We understand 'nak. You don't need to say sorry. We love you and we want you to be happy. If they are making you happy, then be with them."-sabi ni Daddy na lalong nagpa-iyak sa akin.

" Mom, thank you. Thank you po. Dad, thank you po."-sabi ko sa kanila.

" Anak, basta maging matapang ka lang. Be good and be happy. Babantayan ka namin mula dito, we love you."-Sabi pa ni Dad sa akin.

" Someday, we will meet again at magkaka-sama na ulit tayo. But for now, bumalik ka na muna doon. They still need you, marami ka pang kailangan gawin. Now, come back to him. Ang tagal ka na nyang hinihintay, that guy loves you so much."-Mom said at tumango ako.

" Ate, I love you. Kahit na hindi kita nakilala, mahal na mahal kita. Ingat ka lagi huh? Huwag ka na cry, ako na ang bahala kina Mommy at Daddy! I will protect them! Greene loves Ate Blue so much.!"-sabi ni greene sa akin at niyakap at hinalikan din ako sa pisngi habang naka-ngiti. Lumabas tuloy yung dalawang biloy nya sa magka-bilang pisngi.

" And Ate Blue loves Greene so much..."-sabi ko at niyakap sya at pinag-hahalikan sa mukha kaya naman napa-hagikgik ito.

" Alis na po ako. Paalam na po, mahal ko kayo. To the moon and back."-sabi kong kumakaway.

Unti-unti na silang nawawala sa paningin ko pero nakita kong kumakaway pa sila sa akin at sabay-sabay na sinabing," To the moon and back..."

**********

" Blue...gising na. Di ka pa ba nag-sasawa sa kaka-higa at kaka-tulog mo? 3 months ka ng naka-hilata dyan. Di ka pa ba nagugutom? Sayang naman yung mga pagkain dito, natatambak lang. Alam mo ba, araw-araw dumadalaw yung gang at sina trixie. Pati sina silver, nandito din lagi yung mga Royals at si Aunt. Cammy at Uncle Blake, wala nga lang sina Taylor at Tyler dahil hindi pa sila pwedeng pumunta dito. Mahal na mahal ka nila at mahal na mahal kita. Kaso lagi ka namang tulog kapag dumadalaw sila dito! Hahaha! Kaya gumising ka na ok? I love you."-dinig kong sabi ng isang boses na sa tingin ko ay kay grey at naramdaman ko na lang na may humalik sa buhok ko at humawak ng kamay ko. Mag-mumulat na sana ako ng mata ng maramdaman kong may pumapatak na likido sa aking kamay, at doon ko lang napansing mga luha pala yon, umiiyak si grey dahil sa akin. Pinag-alala ko rin ba sya, gaya ng ginawa ni greene?

Pinisil ko ang kamay nya ng mahigpit para patahanin sya sa pag-iyak atsaka ako dahan-dahang nag-mulat ng mata, noong una ay nasilaw pa ako sa liwanag dahil matagal-tagal din akong naka-pikit. Pero ng masanay ay ok na, nakita ko sya na nakaupo sa gilid ko habang umiiyak at tumutulo ang uhog.

" Kadiri ka, kagigising ko lang at uhog mo ang unang makikita ko..."-sabi ko ng dahan-dahan sa kanya," Bakit ka ba nangigising? Alam mo namang napagod ako."-sabi ko parin ng dahan-dahan.

Gulat na gulat parin sya at di maka-paniwala na gising na ako at kinakausap ko sya.

" Blue! Gising ka na!"

" Ay hinde! Tulog pa ako, makaka-usap mo ba ako kung tulog ako? Sa ingay mo ba naman ay hindi ako magising?"

" Natulog ka lang, naging mas pilosopo ka na. Pero hahaha! Gising ka na nga! Sandali! Tatawag lang ako ng Doctor."-sabi nya, masayang-masaya sya at tatayo na sana ng pigilan ko.

" Mamaya na lang, nagugutom at nauuhaw na ako. Pakainin mo muna ako."-sabi ko kaya natawa naman sya.

" Gutumin ka parin."

****

" Ms. Cole is perfectly fine and completely healed. She is 100% healthy. Pwede na syang maka-labas ngayong araw na ito."-the Doctor said.

" Thank you Doc."-sabi ko.

" Yes!"-sigaw ng Melody. Nandito kaming lahat ngayon sa hospital at ilang sandali pa ay makaka-labas na ako ng hospital. Malakas na ulit ako gaya ng dati, lahat din ng nasira sa katawan ko ay completely healed na, I'm good as new!

" Buti naman at magaling ka na! Alam mo bang pinag-alala mo kaming lahat? Lalo na itong si abo."-shin said.

" I know, and thank you sa lahat. Dahil hindi nyo ako iniwan. Salamat dahil lagi kayong nandyan para sa akin."

" Aww...tama na yan. May welcome party kaming inihanda sa bahay para sa iyo. Ang mabuti pa ayusin na natin ang lahat at ng maka-uwi tayo."-Aunt. Cammy said.

" Ay oo tama! Nag-luto kami ni Cammy ng mga favorite foods mo! Sure akong magugustuhan mo yun!"-segunda naman ni Aunt. Louise.

Ngumiti lang ako at hindi na sumagot. Masaya ako at nagkaka-sundo na ang lahat. Oo nga pala, nakausap ko na si Agustus, humingi na sya ng tawad at nangakong mag-babago. Nasa Downtown sya ngayon at naka-rehab. Yung nakita ko namang Death sa Royal Field ay kapatid pala nya, more on kakambal pala nya.

Inayos na nila ang paglabas ko kaya umalis na rin kami. Katabi ko si grey sa buong biyahe, hindi nya ako binibitawan, mukhang tinakot ko nga sya.

Pagdating namin sa bahay ay sinalubong ako ng lahat ng mga taong mahahalaga para sa akin.

" WELCOME BACK SKYZZER!"-sigaw nila at may pinaputukan na bagay at nahulog yung mga makukulay na papel, parang sa mga kids party. Ang saya, buo kami ngayon at magkaka-sama.

Nag-pasalamat lang ako sandali para sa hinanda nilang mga pagkain para sa akin, pagkatapos ay kumain na kami at nag-kwentuhan pagkatapos.

Inabot na nga kami ng gabi bago sila maka-alis lahat, ang natira lang ay ang mga maid, si Buttler Choi, ako at si grey. Kasalukuyan akong nasa balcony at nag-mumuni-muni ng may mag-salita sa likod ko.

"Blue...What are you doing?"-grey ask then hug me from behind.

" Nothing, just breathing some fresh air. You know, sa dami ng nangyari sa atin ay nakaka-suffocate na but I'm glad, all is well."-sabi ko at tumingin sa mga bituwin and buwan.

" Yeah...And that means, tuloy na yung pangako mo sa akin na pag natapos na itong lahat ay sasagutin mo na ako. So technically, boyfriend mo na ako."-sabi nyang may pilyong ngisi kaya napa-tingin ako sa kanya atsaka ko sya tinaasan ng kilay.

" Anong tinataas-taas ng kilay mo huh?!"-sabi nya at basta na lang ako hinalikan sa labi.

" Magnanakaw..."-sabi ko na lang kaya natawa kami pareho.

We just hug each other when he suddenly breaks the ice that is luring us.

" Come, I'll show you something."sabi nya at hinila at dinala ako sa may likod ng mansyon. Ok? What's with him? He is weird.

Teka, at kailan pa kami nagkaroon ng maliit na bahay dito? Tanong ko sa sarili ko.

" Saan ba tayo pupunta?"-tanong ko.

Hindi nya ako sinagot at basta na lang ako hinila sa may maliit na bahay, binuksan nya ang pintuan atsaka binuksan ang mga ilaw, pumasok kami at isinara nya ang pintuan. Pag-pasok ko ay napa-nganga ako at napa-wow sa nakita, dahil ang buong kwarto na ito ay puno ng mga portrait ko. Walang sulok ng kwarto ang walang hindi nakaka-bitan ng canvass ng mukha ko. Para akong nasa isang mini gallery, I've always love arts, mahilig akong pumunta sa mga museum at gallery para tumingin ng mga paintings and artworks.

Sa may pinaka-harap ng kwarto ay isang pader na naka-drawing ang mukha naming dalawa habang magka-yakap. Doon sa drawing ay pareho kaming naka-ngiti, naka-tingin ako sa mata nya at gayundin sya. Makikita ang kislap sa aming mga mata.

" Who made this?"-tanong ko, admiration is written on my face.

" I made it..."-he said, doesn't sounding boastful.

" I didn't know you can paint and draw like this..."-sabi ko at inilibot ang buong paningin sa kwarto. Lalapitan ko sana yung wall ng napa-tingin ako sa kinatatayuan ko at nanlaki ang mata ko dahil ang buong sahig na kinatatayuan ko ay nababalutan ng makukulay na post-it notes. Hindi mo sila mahahawakan dahil may harang na napaka-kapal na salamin dito, salamin kung saan ako naka-tapak.

" Wait, is this a palladium glass?"Wow! The hardest glass that was ever made! Cool!

" Yes..."-sabi nya na naka-masid sa bawat galaw ko.

" Wow! How did you get this?"-I ask and he just shrug his shoulders.

" You like the place?"-he ask me.

Lumuhod ako sa ilalim and look at the post-it notes below, reading them randomly.

'I have like you since the very first time I saw you'

'You were like an angel sent from above to lure and guide me'

'You give color to my life, and light to my world'

'You are my everything, so don't leave me'

'You completed me'

'I love you Skyzzer Blue Lee Cole, my baby'

" Gaano mo katagal ginawa ito?"-tanong ko at hinawakan ang glass.

"Mula ng ma-commatose ko ay pinagawa ko na itong bahay, dahil maliit lang naman ay agad natapos. Yung mga portraits, matagal ko ng drinawing yan, kapag kasi na-bobored ako o namimiss kita ay drino-drawing kita, since madalas akong ma-board kaya naka-tambak na sa kwarto ko yung mga portraits mo.  Everyday, after school pupunta ako ng hospital tapos pupunta dito para gawin yung mga post-it notes and then babalik ng hospital para bantayan ka tapos papasok ulit."

" Wow..."-wala akong masabi, I am speechless! Ginawa nya itong lahat para sa akin?

" I love it...This is so romantic and cool, never did I think someone will do this for me. Thank you grey, thank you baby."-I said then hug him tightly. I was moved into tears with the effort he exerted!

" We are not yet done..."-sabi nya kaya napakunot-noo ako.

" Meron pa ba? Grabeng surpresa naman yata ito?"-sabi kong natatawa habang umiiyak. Ang corny mang sabihin pero Fudge! Kinikilig ako!

" Lay down and close your eyes, don't open it until I say so..."-sabi pa nya.

" What? Why? You mean here?"-sabi ko at tinuro yung glass.

" Yeah, just lay down. Come on, close your eyes."-kahit na nalilito man sa nangyayari at pinapagawa nya sa akin ay sumunod ako.

Ano na naman kaya ito? Humiga ako habang naka-pikit, naramdaman kong humiga din sya at tumabi sa akin, "Now...open your eyes slowly."-utos nya kaya binuksan ko ang mga mata ko at pag-bukas ko ay basta na lang ako na-luha.

Bakit?

Dahil sa mismong ceiling ay may mga naka-dikit na glow-in-the-dark stars and they were form as ' BLUE, WILL YOU MARRY ME?' I was so shocked, umiiyak lang ako.

" Hey, bakit ka umiiyak? A-ayaw mo ba? Masyado ba akong mabilis? I-Im sorry, naisip ko lang kasi na paano pag nawala ka ulit sa akin. Baka, hindi ko na kayanin kaya..."-sabi nya.

" Pero hindi ba at masyado pa tayong bata para magpakasal?"-tanong ko naman, though I'm considering it.

" Hindi naman ako nagmamadali, alam ko namang nag-aaral pa tayo at masyado pa tayong bata para magpa-kasal. Handa naman akong mag-hintay ng tamang panahon, kahit after graduation natin, mag-propro-pose na lang ulit ako o kaya pag handa ka na. Basta ipangako mo lang na ikaw at ako lang ang para sa isa't-isa. Na handa kang maging isang Park balang araw."

Matagal bago ako nag-salita, pinag-iisipan ang bawat sasabihin. And I have decided!

" Hey...say something please?"-sabi nya.

" Ayaw mo ba talaga?"-tanong pa nya.

" Sinong may sabing ayaw ko?"-sabi kong naka-ngiti.

" So gusto mo?"-tanong naman nya na naka-ngiti at masaya.

" Sinong may sabing gusto ko?"-biglang bawi ko naman, muntik pa akong matama ng makita ko syang naguguluhan.

" Huh?! Ang gulo naman."-hindi maka-tiis na sabi nya. Napatawa tuloy ako.

" Binibiro lang kita! Syempre gusto ko, pero after graduation na lang, kung okay lang sa'yo!"-sabi ko na pinipigilang tumawa.

" Oo naman! Okay na okay!"-sigaw nya at niyakap ako habang naka-higa kami. Masayang-masaya sya, ramdam na ramdam ko at ako rin, masaya akong makatagpo ng gaya nya. Limited Edition na lang kaya sya.

" Sandali lang..."sabi nya at may kinuhang remote at itinutok sa ceiling kaya bumukas yung itaas at lumitaw ang mga bituin at buwan sa langit.

" Ang ganda..."-sabi ko habang naka-tingin sa langit at magka-yakap.

" Pero mas maganda ka, wala pa akong nakitang mas gaganda sa'yo at kung meron man. Ikaw at ikaw parin ang titingnan ko."-sabi nya at mas lalo akong niyakap tsaka hinalikan sa ulo.

" I love you my blue, my fiancee, my Empress, my soon to be Mrs. Park."-bigkas nya sa may tenga ko atsaka iyon kinagat ng marahan.

" I love you too my grey,my boyfriend, and my soon to be husband."-sabi ko at nilapirot yung ilong nya.

Then with the stars, moon and the milky way as our witness, we sealed our promise with a long passionate and never ending kiss.

This maybe the ending for all of you, but for me and grey, this is just our beginning to the journey of our never ending ETERNITY. As I repeat, I don't believe in Forever, but I do believe in Everlasting love we have for each other.

Our book may have been finished and ready to closed. But I believe the author of this book has something more on her sleeves for you. Just stay updated and watch for the good news people!(wink!)

This is SKYZZER BLUE LEE COLE, soon to be PARK, the EMPRESS OF THE GANGSTERS, officially signing off.!

Good bye!

The End

************************************************************************

OMG! First book na ginawa at natapos ko. It indeed a very successful book dahil ang pinakamataas na ranking na naabot ng EOTG ay #1. Opo! Nag-number 1 po tayo at dalhin iyon sa inyo, THANK YOU PO SA LAHAT NG SUMUBAYBAY SA EMPRESS OF THE GANGSTERS! Simula umpisa hanggang wakas! I enjoyed writing this story since 4th yr. High school ako hanggang ngayong in-coming 2nd yr. College na ako! Kahit na minsan ay nade-depress ako dahil sa iba dyan. Hahaha! Still, thankful ako! MARAMING-MARAMING SALAMAT PO!^_^

SEE YOU AT MAY NEXT STORIES!

OFFICIAL GROUP PAGE FOR EOTG(bagong gawa!)———>>https://www.facebook.com/groups/829404843808507/

Add me on facebook for more updates about my soon to be works!——>>https://www.facebook.com/profile.php?id=100007182705083

GUYS UNEDITED ITO, SO MARAMING ERRORS..PAKI-INTINDI NALANG THANK YOU..^—^

I LOVE U GUYS!! )//♡♥

PLS. VOTE>COMMENT>

AND BE A FAN>>..

Thank you.!

LET'S SPREAD LOVE EVERYONE..!!

Ciao BABY..!!!:-*

# sImPlY_mE07

Continue Reading

You'll Also Like

234K 6.2K 25
We got married. We separated. Iniisip ko,bakit napaka-unfair ng buhay? Sya,naka-move on na.. Ako,heto...nagtitiis parin at nangangarap na sana balika...
7.2M 343K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
1.7M 48.1K 56
She is Akane Rei Lee Yamazaki--A certified childish. She was also a Yakuza Princess. She forced her family to let her experienced how to lived NORMAL...
20.9M 709K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...