Alpha Rowan (COMPLETED)

By Nov5456

61.1K 2.9K 142

#THIRD RANK ALPHA ROWAN MEJIA One hour before the wedding, Nez caught her fiancé cheating with her sister. So... More

Author's Note
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
EPILOGUE

CHAPTER 19

1.3K 75 2
By Nov5456

NEZ has nothing to do. Even if it's weekend, may biglaang lakad si Rowan. Titignan nito ang hotel na pinapatayo malapit sa Shadow Town. Hanggang ngayon hindi pa niya natatanong si Rowan kung bakit Shadow Town ang pangalan ng lugar na 'to. Baka sakaling alam nito, dito ito nakatira, eh.

Sumandal si Nez sa kinauupuang sofa, tapos na niya ang lahat ng gawaing bahay at wala na talaga siyang maisip na gawin. Tapos naman na niya ang lesson plan niya kagabi. Kapagkuwan, nasulyapan niya ang kusina. Naalala niya si Rowan.

He always cooks for me. What if I will cook for him? But I know that I'm not a good cook but it's still edible.

Kusang gumalaw ang katawan ni Nez. Tumayo siya at nagtungo sa kusina pero pagpasok niya sa kusina hindi niya alam kung ano ang lulutuin niya. Napabuntong hininga siya saka kinuha ang apron at isinuot. Then she took her phone from her pocket and search simple dishes that she should cook.

"Pork Adobo? Chicken Curry? Sandwiches? Ang dami namang klaseng sandwiches 'to." Kausap niya sa kaniyang sarili. Ang dami pa niyang mga nakitang klase ng pagkain na hindi niya alam na nag-e-exist pala sa mundo.

Napailing na lang si Nez sa sarili saka pumili na lang ng kaya niyang gawin at lutuin. Kahit papaano kaya naman niyang magluto ng rice. Then she prepared the ingredients for the pork adobo and then she cut the pork meat. Madali lang niyang nagawa ang pagluto ng kanin at pork adobo pero sa Chicken Salad Sandwich siya nahirapan. Ang daming ingredients eh kaya naman ang 30 minutes less na dapat pag-prepare dito ay naging isang oras pero ayos lang dahil natapos din niya.

Now, she's texting her husband and asking where is he. Agad naman itong nag-reply sa kaniya.

'I'm still at the construction site, Love. Why? Do you want to come?'

Automatikong gumuhit ang ngiti sa labi ni Nez nang mabasa ang endearment sa kaniya ni Rowan. Hindi niya alam pero kapag tinatawag siya nitong ganun, sumasaya ang puso niya. Wait, he's been calling me that since we live on the same roof. Though not all the time. Gusto ba ako ni Rowan?

Kinuha ni Nez ang cellphone na nakapatong sa lamesa. 'I cooked lunch for you. Wait for me.'

'Really? Okay, I'll wait for you, love.'

Patakbong lumabas si Nez ng kusina saka umakyat ng hagdan. Nagtungo siya sa sarili niyang kwarto saka naligo at nagbihis. Nagsuot lang siya ng simpleng red shirt at jeans saka niya ito pinaresan ng pulang sneakers.

Nginitian niya ang sarili habang nakaharap siya sa salamin.

Nang masigurong maayos na ang kaniyang sarili, kinuha niya ang sling bag at inilagay doon ang wallet at cellphone niya. Kumuha rin siya ng panyo saka siya lumabas ng kwarto. Bumalik siya sa kusina saka inilagay ang mga niluto niya sa lunch box.

She took her car keys. Lumabas siya ng bahay saka ini-lock ito. Tinungo niya ang garahe at inilabas ang sasakyan na pinapagamit sa kaniya ng asawa niya.

Nang makalabas siya ng gate, ini-lock niya rin ito saka siya sumakay sa kotse. She drove the car towards her husband's place. Actually, kase-send lang nito ng address pero sana huwag siyang maligaw. Minsan kasi baliktad ang mapa niya, eh.

Kaya naman para hindi siya maligaw, tinawagan niya si Rowan.

"Malapit lang ang kinaroroonan ko sa Shadow Town, Love." Sabi ni Rowan habang nakikipag-usap siya sa tatlong engineer kasama si Harry. Natigilan ang babaeng inhenyera nang marinig ang 'love' na sinabi ng kliyente nila. Hindi niya ito mapigilang pagmasdan, ito na yata ang pinakagwapong lalaki na nakilala niya. "Love, kapag may nakita kang under construction na building ay 'yon na. Yes. Makikita mo agad."

"Okay. Sige. Hintayin mo na lang ako diyan." Tugon ni Nez sa asawa.

Ngumiti si Rowan saka ibinalik sa bulsa ang cellphone matapos patayin ni Nez ang tawag. Humarap siya sa tatlong Engineer na nakakontrata sa pinapatayong hotel. "Sorry about that."

"You're married, Mr. Mejia?" Tanong ni Miss Olivia.

Tumango si Rowan. "Yeah. Anyway, let's go back to business." Aniya saka sumeryoso.

Nagpatuloy sila sa pag-uusap tungkol sa construction ng hotel. Patapos na silang mag-usap nang maramdamn ni Rowan ang presensiya ni Nez kasabay nito na narinig nila ang pagbusina ng sasakyan.

Lahat sila ay napatingin sa bagong dating ng kotse.

Automatikong gumuhit ang ngiti sa labi ni Rowan nang makita niya ang asawa na bumaba mula sa kotse.

"Excuse me." Ani Rowan. Agad niyang pinuntahan ang kaniyang asawa.

"I didn't know that Mr. Mejia was already married." Anang isang sa mga Engineer.

"Huwag ka ng magtaka. Pribado ang buhay ng isang Rowan Mejia at hindi siya masyadong naglalabas ng kahit na anong impormasyon tungkol sa kaniya."

Ngumiti lang si Harry saka tinignan si Alpha Rowan at Luna Nez. Though Miss Nez haven't formally received her title as the Luna but she is the Luna of Shadow Pack and no one could change that.

"Can you wait for me a little bit? Kakausapin ko lang ang tatlong engineer na kasama ko." Sabi ni Rowan kay Nez.

Tumango si Nez. "Sige. Hintayin na lang kita rito."

"You should wait for me at the cottage." Itinuro ni Rowan ang cottage na nasa malapit.

"Okay." Ngumiti siya.

Bumalik si Rowan upang kausapin ang mga Engineer.

Pumunta si Nez sa cottage saka inilapag doon ang hawak na dalawang lunch box. Tinignan niya ang kinaroroonan ni Rowan. Nawala ang ngiti sa labi niya nang makita niyang hinawakan ng babaeng inhinyera ang braso ni Rowan. Biglang nakaramdam ng inis si Nez at naningkit ang kaniyang mata. Halata kasi na gustong makipaglandian ang babae kay Rowan pero nawala ang inis na nararamdaman niya nang lumayo si Rowan sa babae.

Sinulyapan siya ng babaeng inhinyera kaya tinaasan niya ito ng kilay. Nag-iwas naman agad ng tingin ang babae.

Nez tsked. "Kaya ang daming relasyon ang nasisira dahil ang daming sumisira."

Lumingon si Rowan kay Nez nang marinig niya ang sinabi nito. Medyo malayo ito sa kaniya pero dahil matalas ang pandinig niya, narinig niya ang sinabi nito. Napansin niya ang ekspresyon sa mukha ng asawa niya, para itong naiinis.

Nang matapos ang pag-uusap nila, agad na bumalik si Rowan sa kinaroroonan ni Nez. Nakasimangot ang mukha nito. "Bakit ka nakasimangot?" Tanong niya.

Umiling si Nez. "Wala naman. May nakita lang akong hindi kaaya-aya sa paningin kaya naman nakasimangot ako."

Kumunot ang nuo ni Rowan. Sinapo niya ang mukha ng asawa niya. He used his two thumbs to flatten his wife's forehead. "There. Mas maganda ka kung hindi nakakunot ang nuo mo." Aniya.

Hinampas naman ni Nez ang braso ni Rowan. "Tumigil ka nga. May gana ka pa talagang mang-asar."

"Ano ba kasing nakita mo at nag-iba ang mood mo?" Tanong ni Rowan saka umupo.

Nez just tsked. "Huwag mo ng pansinin dahil kapag sinabi ko baka pagtawanan mo lang ako."

Ngumiti si Rowan.

"Oh, kita mo." Itinuro ni Nez si Rowan. "Nakangiti ka na. How much more pa kung sabihin ko sa 'yo ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito?"

Hinawakan ni Rowan ang nakaturo sa kaniyang daliri ni Nez. "Ano nga 'yon?"

"Wala." Umirap si Nez. "Kalimutan mo na." Binuksan niya ang dalawang lunch box. "Kumain na lang tayo."

Rowan sighed. Sinulyapan niya lang ang pagkain. Ibinalik rin niya agad ang atensiyon niya kay Nez. "Paano ako makakakain kung ganiyan ka? Tell me, what is it?"

Nag-iwas ng tingin si Nez. "Wala. Nakakahiya."

Hinawakan ni Rowan ang mukha ni Nez saka pinaharap ito sa kaniya. "Tell me." Naging masuyo ang boses niya.

Nagbaba ng tingin si Nez. "That woman was trying to flirt with you." Aniya sa mahinang boses.

"Woman?" Agad na pumasok sa isipan ni Rowan ang babaeng inhinyera. Malamang nakita kanina ni Nez ang paghawak nito sa braso niya. "Mas maganda ka doon." Pinisil niya ang pisngi ng asawa. "Huwag kang magselos. Sa 'yo lang naman ako." Pagbibiro niya pero totoo ang biro niyang 'yon.

Tinignan ni Nez si Rowan ng masama. "Hindi ako nagseselos. At bakit naman ako magseselos?" Tumaas ang kilay niya.

Natawa ng mahina si Rowan saka napailing. "Sige na. Hindi na kung hindi. Kumain na tayo. Gutom na ako."

"Si Harry?"

Rowan pouted. "Nez, ako ang kasama mo. Huwag mong hanapin si Harry. Si Harry ayun umuwi na. Hayaan mo siya."

"Why are you pouting then?" Tanong ni Nez.

"Ang sama mo." Sabi ni Rowan na parang naninisi. "Ako ang kasama mo tapos hinahanap mo ang wala rito."

Umirap si Nez. "Concern lang ako sa tao. Siya ang lagi mong kasama and he seems loyal to you so you should take care of him."

"He can take care of himself." Sabi ni Rowan. Kinuha niya ang kutsara saka nagsimula ng kumain. "Hmm... pwede na rin."

Ngumiti si Nez. "I search from the internet. Ang dami pala doon. I should cook more. I wanted to learn."

"Okay naman ang lasa." Sabi ni Rowan.

"Here. Eat more." Itinulak ni Nez ang isa pang box na nasa harapan niya patungo kay Rowan.

"How about you?"

Umiling si Nez. "Mamaya na ako sa bahay kumain."

"No, you should eat. Here. Say, ah."

Automatikong bumuka ang bibig ni Nez upang tanggapin ang isinusubo sa kaniya ni Rowan. Kapagkuwan may narealize siya, natakpan niya ang sariling bibig. That was an indirect kiss.

Continue Reading

You'll Also Like

460K 10.8K 46
-- Thank you for the awesome cover @yanariks. A Rogue's Mate Iyon ang iniiwasan ni Yhuna. Kaya mas ginusto niyang mag-imagine na isang Alpha ang...
1.8M 53K 56
Isang Alpha King na matagal ng ninanais na magkaroon ng mate pero sadyang hindi yata madinig ng Dyosa ng Buwan ang kanyang mga panalangin dahilan par...
315K 7.4K 50
"Our strings are connected all along.." Highest Ranking 🏆: #4 in Romance Highest Ranking 🏆: #4 in Teen Fiction Highest Ranking 🏆: #8 in Action 🏷:...
66K 3.4K 112
EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang kanilang fated mate. Pero papano kung n...