Poems #1

By altheaflorence

4 1 0

All kind of poems that suddenly started rolling in my mind especially if I am stressed.. Hope you will like i... More

I LOVE YOU

Saan nagsimula..

4 1 0
By altheaflorence

Saan ba nagsimula ang lahat ng ito...
Ang pagkakamiss ko sa iyo...
Mga pag aamo mo kapag malungkot ako...
Ay sa tuwina naaalala ko.

Saan ba nagsimula ang paghuhumaling ko sa'yo...
Dahil ang alam ko magkaibigan lang tayo...
Ngunit sa hindi inaasahan may nabuo sa puso ko...
Isang pakiramdam na napaka misteryoso.

Kaya ako tuloy ay nalilito?
Kaibigan lang ba talaga ang gusto ko sa iyo?
O mas may mahigit pa akong motibo?
Na hindi ko mawari kung ano?

Saan ba nagsimula ang pagkagusto ko sa'yo...
Dahil ba sa mga pag aalaga na ginawa mo...
Nang  nagkakasakit o may problema ako...
Baka naman matagal kona itong nararamdaman sa'yo.

Minahal kita sa hindi inaasahan...
Tinanggap mo ang pag ibig ko na walang pag alinlangan...
Dahil doon abot langit ang aking  kasiyahan...
Dahil pareho pala ang ating nararamdaman.

Ngunit isang araw ako ay iyong nakalimutan...
Anong sakit ang aking nararamdaman...
Nawala lang ako ng ilang buwan...
Pag ibig ko ay iyong pinakawalan.

Madaming tanong sa aking isipan...
Anong nagawa ko sa iyong kasalanan...
At ako'y basta basta mo nalang pinalitan...
Kaya ngayon alala mo nalang ang aking pinanghahawakan.

Mga sandaling kay hirap kalimutan...
Lalo na kung laging nakatatak sa aking puso't isipan...
Mga alaala ng kasiyahan...
Noong ikaw ay nasa aking kandungan .

Continue Reading

You'll Also Like

11K 578 103
collection of shayaris of all popular Shayars like Faiz Ahmad Faiz,Ahmad Faraz, Jaun Elia, Mirza Ghalib Sahab and some of my work....hope you enjoy i...
1.7K 392 18
This collection of poems delves into the depths of heartbreak and loneliness. It explores a myriad of emotions that are all too familiar, offering so...
21.1K 448 49
Just a few bits and pieces of poetry I've written over the years. |On-going|