Filay (one shots)

由 Trois24

8.1K 249 172

Compilation lang ito ng iba't-ibang kantang narinig ko at ayun, bigla nalang nabuo sa utak ko itong mga kwent... 更多

Umuwi ka na baby
Naliwanagan
Mga babae nga naman
Lahat gagawin para saiyo
Nahuhulog na ako, pero bakit? (part 1)
Nahuhulog na ako, pero bakit? (part2)
Mahiwaga
Nahuhulog na ako, pero bakit? (part3, sa wakas!!)
Mga Paandar at pasabog
Señorita
Mga pag-aalinlangan ng puso
Binibini
Mga kaganapan at kaguluhan
Pahabol na kilig
Hawak kamay
Paadd Po ng extra 2k
A date in NeverLand
Nahuhulog na ako, pero bakit? (supposedly another ending)
Peter losing Wendy
Kailan mo naramdaman?
Ngayon, ako naman

Sa'yong sa'yo at laging ikaw

422 12 15
由 Trois24

"Binibining Klay, magandang umaga."
"Magandang umaga din naman Elias."
"May problema ba Klay? Tila balisa ka?"
"Ha? Ah hindi ah. Nga pala, nakita mo ba si ate Lucia? Wala kasi sya dun sa kubo nya."
"Si Lucia? Umalis siya at nagtungo sa kanyang nakatatandang kapatid na si Pablito. Bakit?
"Ah ganun ba? Ok."
"Maganda umaga sainyo pinuno, Binibining Klay."

Lumapit sa kanilang kinatatayuan si Hernando.

"Ah hello kuya Hernando. Eh, Elias, si Helena ba nakita mo?"
"Binibini, si Helana ba ang iyong hanap? Ay kaaalis lamang niya patungong bayan. May kailangan ka ba sa kanya?" Ani ni Hernando.
"Bakit Klay, may problema ba?"

Tinignan ni Klay ang dalawang lalaki. Alanganing napangiti, napaisip kung sasabihin ba nya ang kailangan niya pero nagdesisyon na lang din na hindi na lang sabihin.

"Si Fidel? Nasan sya?"


"Ahchoo!!"

Napabahing si Fidel.
Kinusot niya ang kanyang ilong.
Hindi naman ganoon kalamig ang panahon para siya ay sipunin. Sa katunayan ay nainom pa siya ng salabat habang mag-isang tinatanaw ang kagandahan at kapayapaan ng kalupaan dito sa itaas ng burol.

Humigop siya ng kanyang inumin.
Hanggang ngayon ay hindi maiwasan ni Fidel na mapaisip kung sino ba o ano ba talaga ang tunay niyang pagkatao o ang kanyang ginaganapan dito sa nobelang tinutukoy ni Klay.
Kahit nakailang ulit na niyang binuklat ang libro ay hindi niya makita ang kanyang pangalan.

"Fideelll!!"

Napalingon siya sa dilag na patakbong umaakyat papunta sa kanya habang isinisigaw ang kanyang ngalan.

Parang isang diwata na biglang lumitaw sa kanyang harapan. Ang mga buhok na kumakawala ay parang sumasayaw sa hangin.

Kay gandang pagmasdan.

Ang tinig kung pano niya bigkasin ang kanyang pangalan ay tila ba nagiging  liriko sa isang kundiman at nagiging musika sa tuwing sinasabi ito ng babaeng kanyang iniirog.

Kay sarap pakinggan.

Napahigop siyang muli ng kanyang salabat.

"Fidel! Anong ginagawa mo dito? Kanina pa kita hinahanap eh! Andito ka pala. hooh! Kahingal umakyat ah!'

"Klay, bakit? May nangyare ba? Gusto mo ba ng maiinom upang mapatid ang iyong uhaw?"

"Ah sige thank you!"

Kinuha nito ang baso ng salabat sa kamay niya at tinungga. Napatulala lang si Fidel sa kilos na ginawa ng dalaga. Ang balak sana niya ay salinan sa sariling baso ngunit napangiti na lang siya sa paraan na ginawa nito.
Ibinalik naman agad ni Klay ang inumin sa kanyang mga kamay at saglit niyang sinipat ito.
May bakas pa ng mga labi ng dalaga ang parte kung saan ito uminom.
Palihim niyang Inikot  iyon papunta sa direksyon niya.

"May kaganapan ba sa kuta kaya ka napahangos dito?"
"Ah wala naman, kaso may kailangan ako sayo."
"Ano iyon aking Binibini? Kahit ano. Alam mo namang gagawin ko ang lahat para saiyo."
"Kaso medyo nakakahiya eh."
"Nakakahiya? Wala kang dapat ikahiya saakin binibini. Lahat ng hilingin mo saakin ay ibibigay ko mapasaya ka lamang."
"Ay grabe naman Fidel! Wag ka nga! Bumabanat ka pa eh! Kinikilig nako kaya wag ka na mag-alala plus points ka na sakin!"

Hindi man mawari ni Fidel ang mga terminolohiya ni Klay pero mukhang pumapabor sa kanya ang mga winika nito.

"Magpapasama sana ako sayo."
"Saan naman Klay? Ngayon na ba? Saglit lamang at uubusin ko lamang ang aking salabat."

Humihigop siya ng kanyang inumin ng magpatuloy ito sa pagsasalita.

"Magpapasama sana ako sayo dun sa may batis para maligo-"

Nabuga ng hindi inaasahan ni Fidel ang kanyang salabat at naubo sa pagkasamid.

"Uy Fidel! ayos ka lang ba? Anyare??"

Pinunasan niya ang kanyang ilong at bibig. Pakiwari niya ay lumabas sa kanyang ilong ang iniinom na salabat.

"Paumanhin Klay, nabigla lang ako sa iyong winika."

"Ay sorry, wala kasi sila Lucia eh, sa kanila sa ako magpapasama. Ayoko namang magpasama kay Elias or Hernando."

"Doon sa dalawang iyon?"

"Ngi! Ekis no! Mas gusto ko naman sayo kesa sa iba pa no! Mas tiwala naman ako sayo."

Lihim na nagalak ang puso ni Fidel sa mga narinig.

"Isang linggo nakong pawiskwisik lang. Nangangati nako. Kailangan ko nadin maglaba ng mga undies ko, naubusan na ko ng pamalit."

"Un-dies?"

"Underwears."

Maigsing sagot ni Klay.

Bahagyang napaiwas ng tingin si Fidel nang mapagtanto ang tinutukoy ng dalaga.

"Ano? Sasamahan mo ba ako?"

Tumango na lang si Fidel senyales ng pagsang-ayon.




Fidel, Sasamahan mo lang si Klay. Hindi ibigsabihin ay kasama ka nyang maliligo.
Ani ni Fidel sa loob loob niya.

"Oh dito mo na lang ako hintayin Fidel."

May halos tatlong metro pa ang layo ng batis pero huminto na sila sa tapat ng isang malaking puno.

"Ha?"
"Dito mo na lang ako kako hintayin."

Napakamot ng ulo si Fidel.
Humarap sa kanyang ang dalaga at nagpamewang.
Ngumis ito at naningkit naman ang mga mata.

"Bakit Fidel? Ano bang akala mo nung sinabing kong magpapasama ako sayo dito? Hmmm?? Ikaw ahh!"

Panunudyo nito sa kanya. Iniwas niya ang kanyang mga mata ngunit hindi naman niya napigilan ang pamumula ng pisngi.

"Walang katotohanan iyan Klay, wala akong ibang iniisip nang ayain mo ako dito. Dalisay ang aking isipan Binibini."
"Wala naman akong ibang sinabi ah, nagtanong lang ako. Bat ang defensive mo? Hahaha Napaghahalataan ka tuloy eh."

Kinuha nito ang kanyang buslo sa kanya at lumakad.

"Dyan ka lang ah! Tignan mo kung may biglang dadating."

Saad nito.
"...Bantayan mo lang ako pero bawal manilip ah?"

Dagdag pambubuyo pa nito.

"FYI Klay-"
"Aba san mo natutunan yan?"
"Edi sayo, sino pa ba ang may kakaibang mga salita at terminolohiya dito."
"Hahaha ayos ah."
"Gaya nga ng nais kong sabihin, ano pa ba ang itatago mo saakin binibini? Baka nalimutan mo na naghubo ka na noon sa harap ng maraming tao."
"Ay oo nga pala no!- Hoy! FYI din Fidel, hindi ako naghubo nun! May suot akong shorts nun! Grabe antagl na nun ah, ikaw ah!"
"At ano na naman iyon Klay? Sino ba naman hindi makakalimot ng kaganapang iyon?"
"Ok ok. Sige na, gorabels nako. Dyan ka lang ah. Next time na tayo magsabay. Char!"
"Masusunod aking binibini-Ha??"

Gusto pa sanang klaruhin ni Fidel ang huling winika ng dalaga ngunit nakalayo na ito. Iiling Iling na lang siyang naupo sa paanan ng malaking puno.
Nang may ilang minuto na ang lumipas ay narinig niya ang tinig ni Klay.

"Omg! Anlamiggg!!!"

Biglang siyang napatingin sa kinaroroon ni Klay at nanlaki ang mga mata. Mabilis din niyang iniwas ang kanyang tingin nang maisip na naliligo nga pala si Klay at naroon siya upang bantayan lamang ito. Ngunit sa isang segundo na iyon ay nahagip ni Fidel ang napakaputing balat ng dalaga.
Napalunok siya ng kanyang laway.

"Fidel, umayos ka! Isa kang maginoong lalaki!"

Sabik nang mahalikan, mayakap ka't masayaw sa ulan
Ang mundo'y gagaan
Mundo ko'y gagaan
Maligaw man ng landas ay hahanapin ang kalsada
Patungo sa'yo
Ikaw ang daan
Dumilim man ang paligid ay ikaw parin ang ilaw ko
Oh, oh, oh, oh, oh
Oh, oh, oh, oh, oh
Bakit uhaw sa'yong sayaw? Bakit ikaw?
'Di bibitaw, sa'yong sa'yo, laging ikaw
Ako'y giniginaw, halika rito
Dito ka lang sa tabi ko
Mananatiling uhaw, uhaw, uhaw

Narinig niyang umaawit si Klay.
Kay sarap sa tenga pakinggan ang himig nito.
Naalala pa ni Fidel ang araw kung kailan niya nasabing hinahangaan na niya ang kakaibang babae. Iyon ay ang araw na nasa ilog ng San Diego sila. Napakaraming kaganapan ng araw na iyon ngunit iyon ang mga nagsilbing daan upang mapagtanto ni Fidel ang tunay niyang nararamdaman kay Klay.

"Syang tunay aking binibini. Napakatagal na nga nang pangyayaring iyon, simula noon at hanggang ngayon ay ganoon padin ang aking nararadaman saiyo. Minamahal parin kita hanggang ngayon."

Nakangiting sambit ni Fidel sa sarili.

Tuloy tuloy padin sa paghimig si Klay nang bigla na lang ito sumigaw.

"Ahhhh!!! Fidelll!!"

"Klay!"

Napabalikwas ng tayo si Fidel at mabilis na tumakbo papunta sa batis. Ngunit paglapit niya doon ay bigla siyang natigilan sa nakita.

Nakatayo sa gitna ng malaking bato si Klay. Walang saplot- Mali, may mga tapis naman ang mga pribadong parte ng katawan nito ngunit halos nakikita na ni Fidel ang lahat.

"Hoy Fidel! Anong nangyari sayo dyan! Wag ako titigan mo!Bilis! Palapit na sakin yung buwaya!!"

Napakurap si Fidel. Buwaya?
Mabilis niyang inihanda ang kanyang baril at lumusong sa tubig. Hinanap ang sinasabing buwaya nang mahagilap niya ito at tinutukan ay bigla siyang pinigil ni Klay.

"Wait saglit Fidel!"

Napadako muli ang tingin ni Fidel kay Klay. <sa katawan ni Klay, sa napakaputi at napakakinis na katawan ni Klay> Ngunit mabilis din siyang nag-iwas.

"Bakit Klay?"
"Wag mong papatayin yung buwaya!"
"Ha?"
"Wag mong papatayin! Kawawa naman! Baby crocodile lang sya eh."

Naguluhan si Fidel sa sinasabi ng dalaga kaya napatingin na naman siya dito ngunit sa mga mata na siya nakatingin sa pagakaktaong ito. <Upang hindi siya muling magkasala ng tingin>

"Ngunit Klay anong nais mong gawin ko? Baka ikaw ay kaganitin niyan!"
"Bugawin or itaboy mo lang basta wag mong papatayin! Bilis! ayan na palapit na sakinnn!!!"

Hindi man mawari ay nagmadaling naghanap ng bato si Fidel ay ibinato sa maliit na buwaya upang ito'y itaboy. Sa awa naman ng Diyos ay kusa na itong umalis.

Lumapit siya ka Klay upang alalayan ito.

"Oh bat di ka makatingin ngayon sakin? Pero kanina titig na titig ka."
"Ha? Hindi ah! Nagulat lang ako. .pagkat akala ko'y wala kang saplot."
"Hoy FYI may bra't panty akong suot no! Bench yan uy!"
"Damit pa bang maituturing iyan? Eh halos kitang kita ko na ang lahat saiyo."
"Oh ibigsabihin tumingin ka talaga sa katawan ko!"
"Paanong hindi ako mapapatingin eh sadyang napakaputi at napakakinis-

May narinig silang kumaluskos sa mga halamanan. Mabilis na iniharang ni Fidel ang katawan niya sa katawan ni Klay upang walang ibang makakita sa ayos ng babae. Kapag may ibang tao ang nakakita sa dalaga ay baka kung ano pa ang isipin nito sa kanila. Mas mahirap pa ay kung mga kalaban ang nariyan sa likod ng mga halamanan. Ngunit kung ano pa man ay handang ibuwis ni Fidel ang kanyang buhay para sa iniibig na binibini.

Ang isang kamay ni Fidel ay nakayakap sa katawan ni Klay ang isang kamay naman ay hawak ang baril patungo sa pinanggalingan ng ingay.
At doon napansin ni Fidel na tanging mga baro lang niya ang pumapagitan sa kanilang mga katawan.
Kumabog ang dibdib ni Fidel ngunit mabilis din niya itong iwinaksi.
Maya maya ay pa ay may lumabas na isang maliit na kuneho sa likod ng halaman.
Pareho silang nakahinga ng maluwag.

"Jusme! kuneho lang pala! Wooh!!"

Salamat sa Diyos. Ani ni Fidel sa sarili niya.
Sa totoo lang hindi niya alam anong ipanagpapasalamat niya. Ang kuneho ba o yung napigil niya ang sarili niya.

Kinabukasan.

Naroon muli si Fidel sa itaas ng burol, humihigop ng salabat habang tinatanaw ang malawak na lupain sa ibaba.

"Fidelll!!!"

Napalingon si Fidel sa boses na tumawag sa kanyang pangalan.

Si Klay.

Patakbong umaakyat papunta ito.
Kay gandang pagmasdan talaga ang kagandahan nito lalo pa ngayon na nakita- Fidel! Umayos ka! Huwag mong limutin na isa kang maginoong lalaki. Saad niya sa kanyang utak.

Lumapit si Klay.

"Sabi ko na andito ka ulit eh. Fav spot mo to eh no."
"Bakit Klay, anong problema? Magpapasama ka na naman ba?"
"Uy grabe haha hindi no. Ayoko na ulit maligo dun sa batis na yun. Mahirap na baka mommy crocodile na makita natin doon."
"Mommy crocodile? Natin? Ibig mo bang sabihin ay kasama muli ako?"
"Ayaw mo ba?"
"Napakaeskandalosa mo talaga kahit kelan Klay."
"Sus charot mo! Halos lumuwa nga mata mo sa katawan ko."
"Cha-rot?" Naiiling na lang si Fidel.
"..Pero pwede ba Klay, kung nanaisin mo mang maligo ulit sa batis o sa kung saan pa man, maaari ba ay magtapis ka naman o magsuot ka ng damit na-"

Napahilamos nalang si Fidel ng palad sa kanyang mukha kapag naaalala ang nangyari.

"Anong klaseng ligo naman yun kung balot na balot ka?-"
"Paano na lamang kung may ibang tao o lalaki ang makakita sayo? Iniisip ko pa lamang ay kumukulo na ang dugo ko. Subukan lang nila at dudukutin ko talaga ang mga mata nila kapag nagkataon."

Natatawa naman sa kanya si Klay. Uminom siya ng salabat niya upang pakalmahin ang damdamin.

"Wala namang dumating na ibang tao kahapon saka ano naman kung makita nila, ikaw lang naman balak kong patikimin nito."

Sabay kindat sa kanya na muli niyang ikinasamid at ikinaubo. Sa pangalawang pagkakataon lumabas ang salabat sa kanyang ilong.

"Ayos ka lang ba Fidel? Hahahahahhaha."

Notes:
Me rn:


Hello everyone gusto ko poagpasalamat kasi naka 1k views na itong Filayfics ko grabe, nung una may magview lang talaga sa gawa ko masayang masaya nako hahaha kaya ngayon super happy ako. Kaya dinadagdagan ko nadin ng konting images and  gifs para mas ma visualize nyo yung story.
Salamat sa paghihintay. (sorry mejo inaabot ng 1week ang update busy po sa life eh🙇☺️)
Again sana po ay mag enjoy kayo dito sa story nato.

https://open.spotify.com/track/47OFMuRu5lzJHRbtEXPBbs?si=GsuRgxi6S5icvQ0vtoIxVQ&utm_source=copy-link

继续阅读

You'll Also Like

307K 6.8K 35
"That better not be a sticky fingers poster." "And if it is ." "I think I'm the luckiest bloke at Hartley." Heartbreak High season 1-2 Spider x oc
1.1M 48.7K 95
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
1.5K 153 50
shut up, I know this sucks shit
72.5K 2.9K 37
Hanabi, the wielder of the demonic Higanbana, stepped out from their small village to seek vengeance over the assassination of her father. However...