The Lady Behind the Phoenix

Galing kay MidoriVerde

138K 3.7K 95

Ano ang gagawin mo kung ikaw ang napiling tagapagligtas? Ipinanganak para magligtas. Ang cool diba? Pero paan... Higit pa

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6 (Short Chapter)
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
PROMOTION!
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
End Note
End Note II
HORA'S PUNISHMENT
BLACK AND BLUE
SCRIBBLES
I Fell In Love With A Writer
IMPORTANT NOTICE

Chapter 1

12.3K 259 8
Galing kay MidoriVerde

Red's POV:

*Smash*

*Woosh*

*BOOM*

Yan ang mga ingay na maririnig mo pagdumaan ka sa kalsadang kinaroroonan ko ngayon.

Abala ako sa pakikipag-laban sa bwis*t na mga ito.

Tatlo silang nanloob sa isang pawnshop, ang kakapal ng mukha doon pa talaga sila nagnakaw sa pawnshop na pinagsasanglaan ko ng kwintas ko. Naku! Pag-nakita kong bit-bit nila yung kwintas ko siguradong tutuluyan ko itong mga 'to!

"Ano? Isa pa?" pananakot ko sa tatlo, na kung saan-saan na tumilapon.

"Hindi na po Miss Red huhuhu!" sabay nilang sabi habang namimilipit sa sakit.

Sabay ko silang pinalutang papunta sa mga pulis na kanina pa nanonood sa amin. Taga-kulong na nga lang ang trabaho ng mga yan dito eh tch.

"Whhooo! Yehey!"

"Mabuhay si Miss Red!"

"Miss Red ROCKS!"

"We love you Miss Red!"

Sabay-sabay na sigaw ng mga tao sa paligid.

Yan lagi ang maririnig niyo sa tuwing natatapos ang isang pag-huli.

Yung mga tao rito ay kampante dahil alam nilang andito ako para iligtas sila. Isang maliit lamang na syudad ang inaalagaan ko kaya hindi ganoon kahirap sa akin. Limang taon ko na pinapanatiling ligtas ang syudad na ito. Nung una natakot ako, pero wala eh nakasanayan ko na.

Naging parte na ata ito ng buhay ko. Hindi na kukumpleto ang araw ko kung wala akong binabatukan na mga pasaway ng lipunan.

"Salamat Miss Red. Maaasahan ka talaga." Sabi sa akin ni PO2 Jimmy

"Walang ano man, sige kita kits na lang." sabay lipad ko sakay ng tila bolang apoy. Yung tulad ng kay heat blast ng Ben 10.

"Whoooo! Salamat Miss Red!" Sigaw ulit ng mga fans ko.

Kung iisipin, mukha lang akong action star o artista sa kasikatan ko. Pero hindi parin, isa akong hero na tinatawag nilang Miss Red. Yun lang at walang iba. Ano pa ba ang dapat kong sabihin?

Dapat pa bang sabihin na isa akong babaeng naka plain red jumpsuit na tulad ng kay Spiderman, naka- red heeled sandals, naka-red lipstick. People! Hindi na kailangan dahil pangalan ko palang red na. I really love wearing this costume, I look stunning and sexy, well sexy naman talaga ako. Ang itim kong buhok na hanggang balikat lang ang haba ang tanging na iiba sa akin.

This is Miss Red, age unknown, and address unknown. Real name, UNKNOWN.

Status unknown, powers, a lot. Gender, female Miss Red nga diba.

Five times stronger than a normal man Hero magazine's model, a supernatural and uh... uhm? Siguro yun lang?

See? Wala kayong makukuhang matinong sagot sa akin. Lahat Unknown, basta ang klarong sagot lang ay "I am a hero"

They call me Miss Red.

I save people in this City, I am their pride. Hindi man nila ako kilala talaga, at kilala lang nila ako bilang babaeng naka-suot ng superhero costume at walang takot na naninipa at nambabatok ng mga masasamang loob. Pero kahit ganun man, at least nagkaroon parin ako ng pagkaka-kilanlan dahil sa totoo lang kahit ang isa ko pang pagkatao ay hindi man nagkaroon ng pagkakataon para malaman kung sino ba talaga siya.

Pasikreto akong lumapag sa isang eskinita at doon nagbago ng anyo bilang ako. People! Maaari na ako ngayong magpakilala, siguro wala kayong nakuhang matinong impormasyon kay Miss Red. Kaya sinisiguro ko na may makukuha kayo sa akin.

This is Red Sapphire Fresco, 20 years existing. I'm living in a small apartment malapit lang sa school at pinagtatrabaho-an ko. Ang pangalan nga pala ng mommy ko is Miss Sapphire Fresco, yan alam niyo na kung saan nag mula ang pangalan ko. Kay daddy naman is Mark Fresco. Ang mga impormasyon na 'yan na lang ang natatandaan ko tungkol sa kanila, pati nga mukha nila nakalimutan ko na rin.

Aish! Bakit ba ako napunta sa kanila?

Let's talk about me, okay *cleans throat* tulad nga ng sinabi ko kani-kanina lang, nakatira ako sa isang maliit na apartment malapit lang sa school at pinagtatrabaho-an ko. Nagtatrabaho ako para mabuhay at makapagtapos ako ng pag-aaral, kasalukuyang nasa 2nd year college na ako ngayon. 'wag na kayong magulat kung bakit sa gurang kong ito nasa 2nd year college pa ako, like hello! People! Mahirap bumuhay ng sarili! May dalawa akong pagkatao. Ang isa sikat, ang isa hindi. Malakas, maganda, matalino, at kinatatakutan, yan si Miss Red. Pero ako? Hindi, normal lang ako. Naka-eye glasses, oily face at minsan tamad mag suklay for short magulo ang buhok ko, yan ako. Nasa likod ng simpleng pagkataong ito ang isa pang pagkatao na hindi mo akalaing meron ako. Sabihin na lang natin na ang mga bagay na nabanggit ko ay ang disguise ko to hid my identity! Alter ego nga kung baga. Kasi kunting pagkukulang lang sa mga disguise kong iyon ay matutukoy mo na agad na ako si Miss Red. Like People! Ayaw kong magsuot ng nakakahilong maskara tulad ni Spiderman.

Teka! Anong oras na ba? Tanong ko sa sarili.

Patakbo akong sumilip sa isang tindahan ng TV sa daan, at saktong may orasan ang balita na pinapalabas sa TV. Hala ka! Malapit ng mag-7. Tch, bakit ba kasi uso ang nakawan sa madaling araw? Yan tuloy umaga ang hulihan.

Mabilis naman akong tumakbo papunta sa dereksyon ng school ko.

Naku! Baka mahuli ako, 4 minutes na lang kasi at 7 na. People! kapag ikaw nagka-power hindi mo naman kailangang gamitin lang ito para sa pangangailangan ng iba, minsan dapat ginagamit din ito para sa sarili mo. Not because I'm being an opportunist or selfish I'm just being practical, you know.

So that, I have decided to do accelerates. Yeah~ I can do that. Wala namang makakakita sa akin lalo na siguro sa bilis kong ito. Halos liparin ang lahat ng bagay na dinadaanan ko.

"Oops! Sorry!" sigaw ko nang muntik nang matumba ang batang na daplisan ng konti dahil sa pag daan ko. Huminto ako sa garden ng school at doon nagpagpag at inayos ang sarili. Tapos naglakad na lang papuntang classroom ko.

Dito sa school na ito hindi ako sikat, kaya walang nambubully sa akin, walang bashers at walang haters...dati. Nagbago lang ang lahat nang makilala ko si Slater Anthony Memoir, ang mayabang na anak mayaman na feeling-clan-leader ng feeling-clan nilang grupo dito sa school. Nakakainis nga eh, ginulo niya ang tahimik kong pagkatao. Magulo na nga yung isa, ginugulo pa niya ang isa pa. Edi ang gulo-gulo na!

Simple lang ako, nandito ako para mag-aral at maging normal.

"Good morning Ma'am."

Magalang kong bati sa prof. namin.

"Good morning, get inside."

Phew! Buti nga sakto lang ang pagdating ko.

Pumasok na ako ng classroom at umupo na sa upuan ko sa pinakadulo. Madalas kasi akong dito na uupo, dahil sa height ko.

"Okay class, I will be announcing the Top 10 of our class this semester."

"Whooo!" Sigawan ng mga kaklase ko.

"Oh my! I'm so excited!"

"As in, today na!?"

"Gosh! I'm so nervous!" Kanya-kanyang reaksyon ng mga ito. Feeling naman nila ikamamatay nila ang hindi pagsali sa Top 10.

"And aside of the Top 10, I will be also announcing the Bottom 10. Okay?"

"Yes! Ma'am!" masiglang sagot ng lahat.

Tahimik lang akong nakinig sa mga tinatawag na pangalan, pakialam ko ba sa kanila. Ito namang mga ito, akala mo may Rock Concert sa loob ng classroom sa kasisigaw nila. Kanya-kanyang congratulate, don't tell me they will also congratulate the Bottom 10.

Nag nap position na lang ako sa mesa ko para maidlip saglit. Mukhang matagal pa bago matapos 'to. Consistent Top 1 ako nung high school, kaso nga lang nawalan na ako ng gana simula ng na realize ko na sa lahat ng mga top students na umaakyat sa stage ako lang ang walang kasamang magulang. Kaya anong sense?

"Okay for the Bottom 10 na . I want these people to stand up."

Kaya ayun, isa -isa nang nagtawag si ma'am ng mga pangalan. This time tahimik ang lahat, mukhang kinakabahan sila.

Pipikit na sana ako uli nang binanggit ni ma'am ang pangalan ko.

"And for our Bottom 1 we have Red Sapphire Fresco. Ms. Fresco, I want to ask your parents about this. I want to talk to them."

Talk with my parents? Seriously?

"Kung ganun po, you have to die." Plain kong sabi habang humihikab.

"W-what? Ms. Fresco! I'm seriously talking with you! Don't be such a rude!" Inis nitong sabi.

" Sorry ma'am but, you really have to."

"And why?" galit na nitong tanong.

"C-coz they're dead."  Sh*t naiinis ako pag ganito!
Natahimik ang lahat. Walang kumibo. Magsasalita na sana siya ulit nang tumayo ako at lumabas ng classroom. Pumunta akong rooftop at doon umupo sa sulok.

Dito walang taong makakakita sa akin.

Naiinis ako sa tuwing pinapatawag ang mga parents na yan sa school. Wala kasi akong nadadala, pag may meetings naman ang amo ko na lang ang pinapapapunta ko. Buti nga mabait si Tita Victoria. Sa apartment niya ako rumerenta, sa kanya rin ako nagtatrabaho bilang waitress ng restaurant nila. 3rd year high school ako nang nagsimula ako sa kanila.

Mahirap ang buhay alam ko. Pero wala naman tayong magagawa kung hindi ang makisabay sa agos nito.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

2M 39.5K 113
Status : COMPLETED Editing Status: COMPLETED ~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~ Isang Prinsesang 👑 binigyan ng buhay para iligtas ang buong kaharian niya. P...
102K 3.6K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
303K 10.4K 62
What happens when you found out that you are not what you think you are? And you belong into some magical world, would you cope up or just let it be...