Via Dolorosa

Dimasilaw_101 द्वारा

4.1K 403 2.9K

Sa taong 1891, ang Bayan ng San Fernando ay nababalot pa rin ng mga kakaibang nilalang. Ano kaya ang magiging... अधिक

PAUNANG SALITA
Kapitulo - I
Kapitulo - II
Kapitulo - III
Kapitulo - IV
Kapitulo - V
Kapitulo - VI
Kapitulo - VII
Kapitulo - VIII
Kapitulo - IX
Kapitulo - X
Kapitulo - XI
Kapitulo - XII
Kapitulo - XIII
Kapitulo - XIV
Kapitulo- XV
Kapitulo - XVI
Kapitulo - XVII
Kapitulo - XVIII
Kapitulo - XIX
Kapitulo - XX
Kapitulo - XXI
Kapitulo - XXII
Kapitulo - XXIII
Kapitulo - XXIV
Kapitulo - XXV
Kapitulo - XXVI
Kapitulo - XXVII
Kapitulo - XXVIII
Kapitulo - XXIX
Kapitulo - XXX
Kapitulo - XXXI
Kapitulo - XXXII
Kapitulo - XXXIII
Kapitulo - XXXIV
Kapitulo - XXXV
Kapitulo - XXXVI
Kapitulo - XXXVII
Kapitulo - XXXIX
Kapitulo - XL
Kapitulo - XLI
Kapitulo - XLII
Kapitulo - XLIII
•Capítulo Especial•
Aún No Es El Final
Author's Note
Via Dolorosa

Kapitulo - XXXVIII

61 6 78
Dimasilaw_101 द्वारा

NAPANSIN ni Liyong ang liwanag na nanggagaling sa ilog na patungo ngayon sa kalangitan na kung saan unti-unting bumabalik ang buwan sa dati nitong kulay.

Si Don Xavier na nakatunghay ay nanghina at nangingilid ang luha pero hindi niya ito pinahalata "I-ikaw na ang bahala sa aking unica hija, sa tingin ko ay nasa gawing ilog ang kaniyang katawan." Saad niya nang makapagpalit ng anyo.

Magsasalita pa sana si Liyong ngunit biglang umalis ang Don at nagtungo sa asawa nito na walang malay.

Wala siyang nagawa kundi sundin ang sinabi ni Don Xavier. Bumibigat ang kaniyang pakiramdam habang papalapit sa gawing ilog. Hindi maiwasan na mangilid ang kaniyang luha. "Nagkakatotoo ang sinabi ng pulang libro. . ."  Saad niya sa isipan.

Nakalubog na ang kaniyang dalawang paa sa tubig at tinungo ang malaking bato na kung saan may umiilaw na kalaunan ay nawala rin.

At doon ay natunghayan niya ang  kaniyang sinisinta na nakasandal  sa malaking bato at walang malay. Agad niyang nilapitan ito at kinalong sa kaniyang bisig, "Dolor..." Sambit pa niya. Nanginginig ang kaniyang isang kamay habang hinahawi ang iilang hibla ng buhok na tumatabon sa mukha ng dalaga. Tumambad sa kaniya ang nagdurugong noo nito, pagkatapos ay pinakiramdaman niya ang pulsong nanghihina na ang pagpitik.

Agad na binuhat niya si Dolor na tila isang prinsesang natutulog lamang sa kaniyang mga bisig. Hindi niya maiwasang mapaluha sa nangyayari, "Lumaban ka, aking sinta." Saad niya sa dalaga.

KINABUKASAN, kalat na kalat sa buong San Fernando ang pagkatalo ng mga taong-lobo laban sa mga bampirang sumalakay sa Barrio Querrencia. Hindi sila makapaniwala na nagawang paslangin ng mga bampira ang dalawang anak ni Don Xavier.

Samantala, sa Barrio Querrencia, halos hindi na maitsura ang naging kondisyon dito. Natupok sa sunog ang kalahati ng gubat at nagkalat pa rin ang mga patay na katawan ng iilang cambiaformas at bampira.

Naalimpungatan na lamang si Liyong nang makarinig ng paglapat ng tasa sa mesa na kaniyang natulugan. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa pagbabantay kay Dolorosa buong gabi. Inunat niya ang kaniyang katawan habang nakaupo at ramdam na niya ngayon ang sakit sa likuran dahil sa posisyon ng pagkakatulog.

"Ginawa ko ang tsaa na iyan para magkaroon ka ng lakas. Sinabi rin sa akin ni ama na kung gusto mong kumain ay pumunta ka lang sa kusina." Seryosong saad ni Adrian.

Napangiti nang tipid si Liyong at sabay sabi, "Salamat, Ginoong Adrian." Kitang-kita niya ang pagluluksa sa mukha ng binata.

"Maiwan na muna kita, Ginoong Liyong." Ani Adrian sabay talikod para umalis ng silid.

Napahinga nang malalim si Liyong sabay idinapo ang tingin kay Dolorosa na payapang  nakahiga sa malambot nitong kama na wala pa ring malay. Hinawakan niya agad ang kamay nito, hindi niya maiwasan na mapaluha muli. Halos galos na ang katawan ng dalaga pero kahit ganoon ay nangingibabaw pa rin ang maamong mukha nito.

Nang mahimasmasan ang binata ay napalingon siya sa gawing pintuan at nakita niya roon si Doña Araceli. May benda ito sa bandang tiyan at namumutla.

"Hindi ko lubos maisip na wala na ang aking dalawang anak," Biglang sambit ni Doña Araceli, garalgal ang kaniyang boses na tila kagagaling lamang sa isang hagulhol. "Hindi ko rin maarok kung bakit kami ngayon ay nalulugmok."

Batid ni Liyong ang hirap na natatamasa ngayon ng pamilya Sarmiento. Sa totoo lang ay akala niya noon na masyadong mabagsik ang pinuno ng mga taong-lobo at halos hindi mahingian ng tulong pero taliwas iyon dahil may mga mabubuting puso ang mga ito.

"Sunod-sunod ang mga dagok na dumating sa aming buhay, pero, ito na yata ang aming kapalaran." Ani doña, pagkatapos ay agad na lumapit sa higaan ni Dolorosa. Inalalayan naman siya ng binata na makaupo.

Napahinga nang malalim si Liyong, masyadong mabigat ang araw na ito para sa lahat at tila isang panaghoy na lamang ang balwarte na kung dati ay may sigla.

SA kabilang dako, sa dating tahanan ng mga Romualdez ay doon nakahimlay ang walang buhay na katawan ni Agustin at Oliver.

Tulala lamang si Kalayaan na nakatitig sa kaniyang ama na ngayon ay nakahiga sa isang maputing kama na katabi lamang ng kaniyang tiyo Oliver. Si Kahimanawari naman ay nagmukmok sa kwarto at hindi lumalabas.

Samantala, si Luna naman ay nakasandal lamang sa dibdib ng ina at namumutla. Hindi nila nalabanan ang mga bampirang lumusob sa tahanan nila kagabi at tuluyang nakuha ang pulang hiyas.

Si Don Xavier naman ay nakaharap at nakatayo lamang sa paanan ng dalawang anak. Sukdulan na ang kaniyang galit. Nagawi ang kaniyang paningin sa asawa ni Oliver, kitang-kita niya ang sugat ng kalmot sa leeg nito na ngayon ay nangingitim na. Kanina lamang ay sinubukan niyang gamutin ito ngunit tumanggi lamang at nais na lang din na mamatay.

Mayamaya pa ay napalingon silang lahat nang biglang bumukas ang malaking pintuan. Tumambad sa kanila si Marco, wala itong saplot sa itaas na bahagi ng katawan at tanging karsones lamang ang suot.

"A-ano 'to? A-anong nangyayari?" Hindi makapaniwalang tanong ni Marco. "Ama?"

Natigilan naman si Don Xavier sa kinikilos ng anak. Marahil ay nawala ito sa sarili kagabi dahil sa duyog. "Wala na sila."

Biglang napaluhod si Marco sa gilid ng kama na hinihigaan ng dalawang kapatid, "H-hindi!" Napahawak siya sa laylayan ng tela at iniyukom ang kamao. "Magbabayad sila!"

Napapikit si Kalayaan sa ganoong eksena. Dumaloy sa kaniyang mukha ang isang butil ng luha. Sobrang kirot sa puso ang ganitong eksena. Isa sa mga pinakakatakutan niyang pangyayari sa buhay ay nangyari na. Hindi niya mapatawad ang sarili dahil kahit siya ay biglang nanghina kagabi.

"Uubusin ko silang lahat! Papatayin ko sila!" Sigaw ni Marco. Hindi maawat sa kaniyang mga mata ang mga luhang kumakawala.

Sa unang pagkakataon ay nakita ni Don Xavier kung paano umiyak sa galit ang anak na kung dati ay walang pakialam at isang hamak na binata na puro pambabae lamang ang alam.

Kaniya itong nilapitan at agad na napayakap dito. Bilang ama at pinuno ng balwarte ay kailangan niyang maging mas matatag at mas maging matapang.

SAMANTALA, narating ni Liyong ang likuran ng kaniyang silid. Napasyahan niyang umuwi muna at kunin ang mga iilang kagamitan para makaalis na sa puder ng kaniyang ama.

Maingat siyang sumuot sa mga halaman para hindi siya makita at mahuli ng mga gwardiya. Pagkatapos ay dahan-dahan din siyang umakyat sa pader patungo sa bintana ng kaniyang silid.

Nang makabakod ay nadatnan niya roon si Olimpia na nakasilip sa maliit na butas ng pintuan.

Nagitla naman ang dalaga at muntik nang mapasigaw sa gulat dahil sa biglang pagdating ni Liyong. Mabuti na lamang at natakpan ng binata ang kaniyang binata.

"Tatakas na tayo rito," Bulong ni Liyong sa dalagita. "Dadalhin muna kita sa Barrio Querrencia."

Agad na napatango si Olimpia at tinulungan na si Liyong na magligpit ng gamit.

Sa kabilang banda, sa ilalim ng mansyon ay naroroon si Alfonso habang nakatitig sa pulang hiyas na nakalatag sa malambot at kulay pulang unan.

Malapad na ngiti ang namumutawi sa kaniyang bibig. Sa wakas ay maibabalik muli ang kanilang kakayahan na makabasa ng hinaharap. "Ito! Ito ang kailangan natin! Sapagkat mababasa na natin ang mangyayari at mangyayari pa." Aniya sabay tayo sa kaniyang trono at halos hagkan na ang hiyas ng pulang buwan dahil sa sobrang napaka-elegante nito.

"Pero, ¿qué hay de su hijo Leopoldo? Definitivamente será una amenaza especialmente para nosotros y es obvio para él que está del lado de los hombres lobo."  (Pero paano na ang iyong anak na si Leopoldo? Tiyak na magiging banta ito sa atin lalo na at halata naman sa kaniya na kakampi siya ng mga taong-lobo.) Biglang saad ng isang Dúke na ama ni Celia.

Natigil si Alfonso sa ginagawa at nagawi ang kaniyang paningin sa Dúke. Naningkit ang kaniyang mga mata, "¡Ya no me preocupo por él! Lo importante es que conseguimos lo que queríamos. ¡Esta es la señal de que seremos los más fuertes de todas las criaturas!" (Wala na akong pakialam sa kaniya! Ang importante ay nakuha na natin ang ating nais. Tayo na ang magiging mas malakas sa lahat ng nilalang!) Mariin na saad niya pa. Pero sa kaniyang kalooban ay kailangan niyang paslangin ang anak dahil isa rin ito sa mga balakid lalo na at may kapangyarihan itong apoy.

Si Emilia naman ay nasa gilid lamang at nakaupo sa isang silya. Kanina pa siya nahihilo at nagsusuka. Tama nga ang sinabi ni Liyong na siya'y nagdadalang-tao at si Marco ang ama. Kagabi lamang ay nagtataka siya dahil hindi lang man siya sinugod ni Marco para paslangin, bagkus ay umiiwas ito sa kaniya.

DAHAN-DAHAN na naglakad si Liyong at Olimpia sa isang masukal na kagubatan. Nagkaroon ng kaginhawaan ang kalooban ng dalaga dahil sa wakas ay nakalaya na rin siya sa masalimuot na buhay.

"Kuya Liyong, paano na lang po ang ibang kasamahan ko?" Hindi mapigilang tanong ni Olimpia sa binata.

Napahigpit ang hawak ni Liyong sa dalang tampipi, "Ako na ang bahala sa kanila. Huwag kang mag-alala, Olimpia." Aniya.

"Salamat po, tinatanaw ko ho ito ng utang na loob." Pakli ng dalaga, "Kung kayo po ay may nobya at kapag kayo ay magpapakasal na, kunin niyo na lang ako bilang katulong."

Napangisi si Liyong sa sinabi ni Olimpia, "Mag-aaral ka. Hindi pwedeng habang-buhay kang maninilbihan. Huwag kang mag-alala, tutulungan kita kapag natapos na ang lahat ng problema sa lipunan na ito."

Ngumiti si Olimpia at napatango.

Iilang hakbang pa lamang ang kanilang nagawa para makalayo sa mansyon ay bigla silang tinambangan ng apat na kalalakihan at isang babae. Lahat sila ay nakasuot ng mga talukbong.

Nanghilakbot si Olimpia at napatago sa likuran ni Liyong.

"Sino naman ang nagsabi na makakalabas pa kayo ng buhay dito?" Saad ng babae sabay hawi ng talukbong sa ulo.

Nagulat si Liyong sa nakita, "Celia?!"

"Ako nga, Leopoldo. Hindi namin hahayaan na maging isang banta ka sa amin! Kung kaya ay kailangan kang paslangin!" Buwelta ng babae, "Sugurin sila!'

"Heto na naman tayo," Bulong ni Liyong sa sarili, "Sa likod ka lang, huwag kang lalayo sa akin." Aniya sa dalagita.

Nagulat na lamang si Olimpia nang makita na lumiyab bigla ang mga kamay ni Liyong. Gayundin ang mga kalaban na inaakalang pangkaraniwang tao lamang ang binata.

Napaatras kaunti ang mga bampirang lalaki dahil sa gulat. Hindi nila makakaya ang ganitong kakayahan dahil kahinaan nila ang apoy.

"Talagang magiging banta ako sa lahi ninyo kung hindi niyo kami hahayaang makatakas dito." Kalmadong saad ni Liyong sa kanila.

Napatiim-bagang si Celia sa inis, namumula ang kaniyang balintataw habang nakatitig sa binata.

"Ano? Patatakasin niyo kami o magiging abo kayo ahora mismo?" Pagbabanta ng binata.

Ilang segundo pa lamang ay may nagtangkang sumugod sa gawi nila ni Liyong.

"Kuya!" Sigaw ni Olimpia.

Hindi nagdalawang-isip ang binata na tapunan ng bolang apoy ang sumugod na kalaban.

Kitang-kita nilang lahat kung paano ito nalusaw na tila isang yelo sa gitna ng apoy habang sumisigaw sa sakit. Hanggang sa naging abo ito.

"Sinong susunod? Bilis na!" Tamad na saad ni Liyong.

Dahan-dahan na umatras ang panig ni Celia pabalik sa mansyon.

Tulala lamang si Olimpia sa pangyayari. Halos hindi na tuloy siya makagalaw sa kinatatayuan.

"Hindi man lang ako napagod," Pagmamaktol pa ng binata. "Halika na, Olimpia. Malayo-layo pa ang lalakarin natin."

Hindi na lamang umangal ang dalagita at sumunod na lamang sa binatang kakaiba.

KINAGABIHAN, sa sala mayor ay naroroon si Don Xavier na ginagamot ang esposa.

Kanina lamang ay nagpasyahan niya na mananatili muna si Marco sa isang silid na may mga rehas na nakakapaso. Naaalala niya tuloy ang kaniyang pinakamatalik na kaibigan na si Sebastian.

Ngunit hindi pa siya sigurado kung tatalab ba ang ganoong istilo sa isang hibrido.

"Salamat, mahal ko." Nanghihinang saad ni Doña Araceli.

"Huwag kang magbuhat ng mga mabibigat o kumilos na maaaring makapagpalala sa iyong sugat," Saad ng Don. Pagkatapos ay napasulyap siya sa dalagang si Olimpia na maalam na nagtutupi ng mga damit ni Dolorosa. Naaawa siya dito kung kaya ay walang pagdadalawang-isip na tinanggap ito kasama si Liyong.

"Maayos na po ang mga damit ng inyong unica hija. Ano pa po ba ang gagawin?" Magalang na katanungan ni Olimpia sa mag-asawa.

Napangiti nang tipid si Don Xavier, "Magpahinga ka na, sa silid ka na lamang ni Adrian matulog. Sasabihan ko na lamang iyon na matutulog silang dalawa ni Liyong sa silid ni Marco."

Napatango si Olimpia, pilit niyang inaarok sa sarili na nasa loob siya ng tahanan ng mga taong-lobo. Pero kahit ganoon ay magaan ang kaniyang kalooban at alam niyang ligtas siya sa panig ng mga taong-lobo.

"SA wakas ay tapos na rin." Pakli ni Patricio nang maihagis ang huling bangkay ng bampira sa isang malaking butas ng lupa.

Napapunas ng pawis si Liyong sabay tingala sa buwan na ngayon ay nagiging pula dahil sa ikalawang duyog.

"Hindi ko napansin na nagiging kulay pula ang buwan bago maging itim ito," Saad ni Adrian nang makita si Liyong na napatingala sa kalangitan.

Napahinga nang malalim si Liyong at nilagyan ng apoy ang sulo, "May paliwanag ba ang mga iyan?"

Napataas ang isang kilay ni Adrian at ibinaling ang paningin sa mga bangkay, "Siguro'y may kinalaman ang agham dito. Sila lamang ang may kakayahan na ipalawanag ang mga bagay-bagay."

"Eh, ang pagpapalit niyo ng anyo tuwing kabilugan ng buwan, may kinalaman ba ang agham?" Seryosong tanong ni Liyong. Sa ganitong pagkakataon ay nakita niyang napangisi si Adrian.

Si Patricio naman ay napailing sa katanungan.

"Sumpa ito sa amin," Ani Adrian.

Saglit na nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nilang tatlo.

"Kahit agham ay hindi kayang maipaliwanag iyan. Ang daigdig ay puno ng misteryo,'' Pagputol ni Liyong sa nakakabinging katahamikan. Pagkatapos ay pinaliyab niya ang kaniyang kamay upang makabuo ng bolang apoy, "Kahit nga ito." Sabay hagis niya ng apoy sa gawi ng mga bangkay.

"Mabuti na lang talaga at kakampi ka namin." Wika ni Patricio na siyang itinalaga na ni Don Xavier bilang pinuno ng mga cambiaformas.

"Talagang magiging kakampi iyan si Liyong. Iniibig ba naman ng kapatid ko," Saad pa ni Adrian.

Hindi na lamang umimik si Liyong at ibinaling ang sarili sa natutupok na mga bangkay ng bampira. Palihim na napangiti na lamang siya.

"Malalim na ang gabi, kayo'y magpahinga na."

Napalingon ang tatlo sa isang malalim na boses.

Napaiwas si Liyong nang mapansin niyang nakatingin sa kaniya ang Don.

"Kumusta ho si Dolor, ama?" Nag-aalalang tanong ni Adrian.

"Wala pa rin siyang malay, sa aking pakiwari ay maaring isang linggo pa siya magiging ganoon bago magkaroon ng malay," Napahinga nang malalim si Don Xavier, "O maaaring hindi na niya maimumulat muli ang kaniyang mga mata at magiging ganoon na lamang habang buhay." Malungkot na saad niya sabay sulyap sa binatang si Liyong. Ilang libro na ang kaniyang nabasa patungkol sa duyog. Lalo na sa nabasa niya noong nakaraan patungkol sa parating na duyog na kung saan may mawawala at may sisibol muli. Nabalot siya ng pagsisisi sapagkat ipinagpatuloy pa niya ang lahi ng taong-lobo na naging sanhi ng pagkasawi ng karamihan. Mas naging punterya ang bayan sa lahat ng nilalang dahil sa kanilang presensya.

Samantala, si Liyong ay hindi na maipinta ang reaksyon sa kaniyang mukha. Parang gustong sumabog sa kirot ang puso niya sa narinig, "P-pero, Don Xavier. . . H-hindi pa naman sigurado na hindi na siya magigising 'di po ba?" Garalagal ang kaniyang boses.

"Sa ngayon ay maghahanap ako ng ibang paraan. Ayaw kong may mawala pa sa akin." Tugon ni Don Xavier. Kitang-kita niya sa mukha ng binata ang labis na pag-aalala. Nakikita niya ang sarili dito.

Napayuko na lamang si Adrian sa narinig. Muling namuo ang luha sa kaniyang mga mata.

DUMAAN pa ang mga ilang araw ay ganoon pa rin ang kalagayan ni Dolorosa, nakahiga at hindi pa rin nanunumbalik ang ulirat nito.

Halos hindi rin umaalis si Liyong sa tabi ng dalaga. Araw-araw niya itong sinasamahan, kahit na para na siyang baliw na kinakausap ang sinisinta kahit walang tugon. Araw-araw din ay tinutugtugan niya ito ng pluta, nagsasalita ng mga tula sa harapan ng dalaga at minsan ay giniguhit niya pa ang mukha nito sa isang papel.

Hindi maiwasan na mapaluha ni Doña Araceli habang pinagmamasdan si Liyong na hindi kailanman nagkaroon ng pagsasawa na samahan ang anak na walang malay at tila mahimbing lamang na natutulog sa kama nito.

Tatlong araw na rin ang dumaan mula noong nailibing ang mga nasawing cambiaformas at mga kaanib na taong-lobo, kasama na rin doon si Oliver at Agustin.

Sa kabilang dako, sa silid pagamutan ni Don Xavier, ay naroroon ang apo na si Luna. Kaniya itong ginagamot at nakikita niyang bumabalik na ang sigla nito nang masalinan niya ng sariling dugo ang bata.

"Lolo, magiging malakas na muli ako?" Inosenteng tanong ni Luna.

Hinawi naman ni Don Xavier ang buhok ng apo at ngumiti dito, "Oo, magiging malakas ka--- kasing-lakas ng iyong ama."

Namutawi muli ang lungkot sa mukha ni Luna, "Babalik pa po ba si ama, lolo? Makakapaglaro pa po ba kami sa batis?"

Hindi makasagot ang Don at tinapik na lamang ang balikat ng apo. Pagkatapos ay dahan-dahan na tinanggal ang maliit na tubo na nakakonekta sa pulsuhan ni Luna.

Hindi naman umimik ang bata na para bang hindi na bago sa kaniya ang ganitong eksena.

DAPITHAPON na nang mapagpasyahan ni Liyong na maligo sa ilog. Nakita niya rin si Marco na patungo sa kaniyang gawi kung kaya ay kinawayan na niya ito.

"Kanina ka pa rito?" Tanong ni Marco nang makarating sa ilog.

"Bago lang, maliligo ka ba?" Tanong pabalik ni Liyong, habang nawiwili siya sa pagtampisaw at palutang-lutang sa ilog.

"Ganoon na nga." Saad ni Marco sabay hukas ng kaniyang damit at agad na tumalon sa ilog.

Lumipas ang mga oras at marami ring napag-usapan ang dalawa patungkol sa kanilang mga sarili.

"Naisahan talaga ako ng babaeng 'yon" Saad ni Marco kay Liyong. Tinutukoy niya si Emilia na naging dahilan kung bakit naging hibrido siya.

Nagtaka naman si Liyong dahil kanina pa niya napapansin si Marco na hindi man lang nilalantad ang pangalan ng babae, "Maaari ko bang malaman kung sino ang babaeng iyan?" Hindi niya mapigilang tanong, "Baka kilala ko ang iyong tinutukoy. Matagal din akong namalagi sa puder ng mga bampira,"

"Si Emilia," Diretsong saad ni Marco.

Natigilan si Liyong sa narinig. Nanghilakbot siya at halos hindi makagalaw.

"Ayos ka lang ba, Liyong? Baka pinulikat ka na?" Nag-aalalang tanong ni Marco sa kaharap.

"B-buntis si Emilia-" Hindi natapos ni Liyong ang sasabihin nang biglang may humila sa kaniyang paa na ikinalubog niya.

Biglang nanlaki ang mata ni Marco sa gulat at agad na sumisid sa ilalim ng ilog.

Panay ang sipa ni Liyong sa ilalim, "Putangina naman!" Mura niya sa sarili. Kahit na malabo ang tubig sa ilalim pero nakikita niya kung ano ang humihila sa kaniya. Parang isang baging na korteng kamay.

Namalayan na lamang niya may humihila sa kaniya pataas. Kahit na malapit na siya maubusan ng hininga ay sinikap niyang sipain ito nang malakas hanggang sa kumalas ito.

"Muntik na 'yon!" Saad ni Marco nang mahila si Liyong patungo sa gilid ng ilog.

Hinahabol naman ni Liyong ang kaniyang hininga habang sapo ang dibdib, "Ano kaya 'yon?"

Seryosong napatitig si Marco sa ilog. Nanatili itong kalmado. "Mas mabuti pa ay ipagbigay alam natin ito kay-" Hindi na niya natapos ang pagsasalita nang biglang may nangyayaring pagbukal ng tubig sa kalagitnaan ng ilog.

Napatayo si Liyong sa nasaksihan, kahit na si Marco ay napaatras nang kaunti.

Mula sa ilalim ng ilog ay bumulwak ang walong baging na tila isang kugita. Lahat ng ito ay may korteng kamay ng kalansay.

Maging ang tubig sa ilog ay naging kulay dagtum.

Nagkatinginan si Marco at Liyong at nagkatanguan na isang senyales na kailangan nila itong labanan.

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

1K 52 11
jake just wants to feel normal again. heeseung used to make him feel normal. ©sunverseee lowercase intended ✔️
49.2K 535 76
Sighs here we fucking go again a actual story that I'm going to write instead of just setting them into drafts CW; sex, alcohol mentioning, drugs men...
1.6M 28K 98
Some games can end well. You just have to play the game right. Harry, Aria, and their friends are apart of the game life. Each chapter is the next le...
59.2K 3K 90
Seraphina Allen has been struggling through life, trying to make ends meet. But the more she lives, the more she wants to die. Everything seems to pu...