Never Cry Murder

De Serialsleeper

3.4M 177K 120K

The Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love? Mai multe

Prologue
Chapter 1: Wretched Soul
Chapter 2 : On Duty
Chapter 3 : Love and other stuff
Chapter 4 : Seven days of nothing
Chapter 5 : Finding Serenity
Chapter 6: The price to pay
Chapter 7: The Haunt is on
Chapter 8: Samson
Chapter 9: Be Good
Chapter 10: Blasphemy
Chapter 11: She's a goner
Chapter 12: Pass the message
Chapter 13: Manifestations
Chapter 14: What really happened?
Chapter 15: Salvation
Chapter 16: Be rational not emotional
Chapter 17: A truce
Chapter 18: The Jemaima Program
Chapter 19: Breaking Point
Chapter 20: They found me
Chapter 21: Truth or Perish
Chapter 22: Visitors
Chapter 23: Alarmed
Chapter 24: Time to let go
Chapter 25: Decipher
Chapter 26: Parting Time
Chapter 27: Epilogue
Chapter 28: Prologue
Chapter 29: A new chapter
Chapter 30: The thing about you and I
Chapter 31: The words he longed to utter
Chapter 32: Collateral Damage
Chapter 33: Jorino
Chapter 34: You reap what you sow
Chapter 35: The Verdict
Chapter 36: Here comes goodbye
Chapter 37: The Dead Girl
Chapter 38: Scribbled
Chapter 39: Silver Lining
Chapter 41: Listen to the expert
Chapter 42: Your beliefs, Your principles
Chapter 43: Just a warning
Chapter 44: In times of desperation
Chapter 45: Kin
Chapter 46: Let's play numb and dumb
Chapter 47: Connivance
Chapter 48: The Monster she became
Chapter 49: Havoc and Farewell
Chapter 50: When tables are turned
Epilogue (Part 1 of 2)
Epilogue (Part 2 of 2)
Dear Bruh...
Special Chapter #1: First Words
Special Chapter #2: Stay Strong Jorino

Chapter 40: The Last Goodbye

60.8K 3K 1.2K
De Serialsleeper

40.

The last goodbye

Third Person's POV

"Jorino Jomomo Tirador?" Kunot-noong sambit ni Chief Hidalgo na namumula na ang mga mata sa antok. Ilang araw na itong hindi nakakatulog o nakakauwi dahil sa pag-iimbestiga.

"Oo! Yung mukhang malnourished tapos may topak, parati siyang may bitbit na mosquito swatter." Giit ni Ponzi na nalilito na dahil hindi niya mahanap si Jojo sa presinto.

"Hijo mula kaninang hapon, wala pa kaming nagiging bisita o complainant na dumating bukod sayo." Naguguluhang sambit naman ng hepe at muli na lamang binalik ang pansin sa mga papeles na na binabasa.

"Ha? P-paano nangyari yon? Sabi ni Jojo may pulis! May humahabol daw sa kanya kaya takot na takot siya pero nakakita siya ng pulis. Paanong hindi siya nakarating dito?!" Lalo lamang naguluhan si Ponzi.

"May humahabol? Anong ibig mong sabihin?" Tanong muli ng hepe.

"Hindi ko rin maintindihan pero sabi niya nakita niya daw na dinukot si Penny... Yung kaklase namin noon na nagpakamatay." Naguguluhang sambit ni Ponzi na nakakunot ang noo.

Napabuntong-hininga na lamang si Chief Hidalgo at binitawan na lamang ang hawak niyang helmet, "Hijo ikaw na mismo ang nagsabi, maloko tong kaibigan mo. Hindi kaya lango siya sa alak o droga? At isa pa wala pang bente-kwatro oras, hindi pa namin siya maituturing na missing. Hijo napakarami kong inaasikaso at sinusundang lead para mahanap ang programa, pangako pagkatapos ng bente-kwatro oras, kung wala parin siya sa bahay nila, agad akong magpapadala ng maghahanap sa kanya." Giit ng pulis na pagod na pagod na kaya nasapo na lamang ni Ponzi ang sentido dahil sa inis.

"Paano kung sa loob ng bente-kwatro oras, matagpuan siyang patay? Ano ganun nalang 'yon?" Napailing-iling na lamang si Ponzi, "Teka, chief ang lola niya, maaring isa sa mga nakaligtas mula sa programa ang lola niya ." Biglang sambit ni Ponzi nang maalala ito dahilan para agad na mapatayo ang hepe.

"Anong pangalan ng lola niya?" Tanong nito kaya agad na naingat ni Ponzi ang mga balikat niya bilang tandang wala siyang alam.

****

Matapos magtungo sa hepe ay agad na nagtungo si Ponzi sa ospital na animo'y may hinahanap.

Nang makita niya ang doktor ni Neo na nagkakape ay dali-dali at walang kagatol-gatol niya itong nilapitan.

"Anong kailangan mo? Ikaw yung kaibigan ni Borneo diba?" Tanong ng doktor kaya agad na tumango-tango si Ponzi.

"Kailangan ko po kayong makausap tungkol kay Serenity. Nakita ko ang naging reaksyon mo nang makita mo ang mga sugat niya. Doc anong ibig sabihin nun?" Naguguluhang sambit ni Ponzi dahilan para agad na mapatayo ang doktor saka nilibot ang mga paningin niya na animo'y sinisiguradong walang ibang nakikinig sa kanila.

Biglang nagsimulang maglakad ang doktor patungo sa kanyang opisina kaya naman agad na sumunod sa kanya ang binata.

***

"Electroconvulsive Theraphy." Sabi ng doktor sabay abot kay Ponzi ng isang folder na puno ng mga litrato ng pasyenteng may marka ng paso sa kanilang mga noo at sentido.

"Ano?" Naguguluhang sambit ni Ponzi.

"Karamihan sa mga may sakit sa pag-iisip ay sumasailalim sa ganyang proseso, pinapadaluyan ng kuryente ang mga utak nila pero isinasagawa lang ito sa mga pasyenteng hindi na tinatalaban ng mga gamot. Yung nakita kong marka sa sentido ni Serenity, hindi iyon normal na electroconvulsive theraphy na ibinibigay sa mga pasyente... Ang makinang ginamit kay Serenity, mukhang napakaluma na kung pagbabasehan ang mga marka sa sentido niya. Malayong-malayo sa ginagamit ngayon sa modernong Electroconvulsive theraphy na hindi masyadong masakit... Ang mga makalumang makina, iyon ay nagbibigay ng matinding sakit. Yung mga marka sa sentido niya, palatandaan iyon na araw-araw siyang kinuryente at malakas ang boltaheng ibinibigay sa kanya. Parang hindi na theraphy ang ginawa sa kanya kundi torture. Sigurado akong hindi isang doktor ang may gawa nun sa kanya dahil walang matinong doktor ang magmamalabis ng ganun sa pasyente niya." Paliwanag ng doktor kaya nasapo na lamang ni Ponzi ang ulo niya at napatingin sa sahig dulot ng panlulumo.

Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ng binata. Awang-awa siya sa sinapit ni Sisa lalo na nang maalala ang naging reaksyon nito nang makuryente ni Jojo.

"K-kaya ba biglang nagbago ang ugali niya at nawala ang alaala niya?" Nauutal na sambit ni Ponzi.

"Isa sa mga side effect ang short term memory loss. Oo nga't medyo malalang version ng electroconvulsive theraphy ang isinagawa sa kanya pero hindi naman sapat yon para makalimutan niya ang lahat ng alaala niya mula sa pinakaumpisa at biglang magbago na para bang isang computer na nireformat. Mas maniniwala pa ako kung wala siyang maalala hanggang sa puntong ni magsalita hindi na niya maalala paano gawin." Paliawang ng doktor dahilan para lalong maguluhan si Ponzi.

"Anong ibig mong sabihin?" Kunot-noong sambit ni Ponzi, "N-nagsisinungaling si Serenity?"

"Hindi ako ang dapat mong tanungin sa bagay na 'yan." Giit ng doktor kaya sa sobrang pagkalito ay muling nasapo ni Ponzi ng marahas ang ulo saka napabuntong-hininga na lamang.

"Ang mga mata niya... Bakit tiningnan mo ang mata niya noong wala siyang malay? Doc ano pa ang natuklasan mo?" Tanong na lamang ni Ponzi nang maalala ang naging kakaibang reaksyon ng doktor noong tinitingnan nito si Serenity.

"Walang senyales ng lobotomy ang mga mata niya. Hindi siya gaya ng iba..." Sabi pa ng doktor kaya lalo lamang naguluhan si Ponzi.

"Gaya ng iba?" Tanong ni Ponzi.

Tumango-tango ang doktor, "Ako lang ang nag-iisang Neurosurgeon dito sa Crimson Lake kaya nagulat ako nang magkaroon ako ng mga pasyenteng nasa-bingit na ng kamatayan dahil sa lobotomy. May mga nakaligtas at nabuhay... May mga bangkay ding natagpuan at isa sa mga nakita kong dahilan ng pagkamatay nila ay ang lobotomy. Nabahala ako sa dami ng mga natatanggap kong pasyente na sumailalim sa lobotomy kaya nagsumbong ako sa mga pulis pero bigla akong nakatanggap ng banta kaya wala akong magawa kundi magbulagbulagan nalang... Si Serenity lang ang nakitaan ko ng senyales ng electroconvulsion theraphy na hindi dumaan sa lobotomy, maswerte parin siya. Hijo kung ako sayo, wala kang ibang pagsasabihan ng nalalaman mo kasi hindi natin alam kung sino ang gumagawa nito." Paliwanag pa ng doktor gamit ang mahinang boses na animo'y natatakot na may ibang makarinig sa kanila.

Nagulat si Ponzi sa narinig, hindi nito inaasahan ang katotohang ibinahagi ng doktor, "May listahan ka ba ng mga pasyente mong sumailalim sa lobotomy? Iisang tao lang ba ang nag-opera sa kanila?"

"Hijo sinabi ko ang lahat ng 'yon sayo bilang babala. Kung tutuusin maswerte pa si Serenity kasi ganun lang ang dinanas niya at hindi siya gaya ng iba na namatay o nasiraan ng bait. Ilayo mo nalang si Serenity mula dito." Giit pa ng doktor.

"Kailangan ko ng mga pangalan!" Giit ni Ponzi kaya napabuntong-hininga na lamang ang doktor at kinuha ang isang envelope na nasa pinakailalim na bahagi ng kanyang cabinet.

"Listahan to ng mga naging pasyente kong nakitaan ko ng senyales ng lobotomy sa dalawang taon kong pagtatrabaho dito. Sila ang mga nabuhay. Ang mga pangalan sana nila ang ibibigay ko sa mga pulis kasi may kakayahan silang masabi kung sino ang gumawa nito sa kanila pero hindi ko na nagawa dahil sa natanggap kong mga banta." Paliwanag ng doktor saka inabot ito kay Ponzi.

Dali-daling tiningnan ni Ponzi ang listahan ng mga pangalan at laking gulat niya nang makita niya ang isang pamilyar na pangalan—Rodney.

Sa isang iglap ay dali-daling nagtungo si Ponzi sa opisina ni Chief Hidalgo upang maghanap ng impormasyon tungkol kay Rodney.

 ****

SISA

Its 5:30am pero andito na ako sa Crimson Lake Cathedral at nagdadasal. It's funny how everything happens so unexpectedly... Ni minsan hindi ko inakalang magiging ganito ka strong and mighty ang faith ko kay God. I admit, at first I doubted God dahil sa mga nangyari. I mean come on, I was tortured both physically and mentally, I saw my friends die, I met evil people and I think dadalhin ko ang trauma until afterlife but then again, I can't help but to thank God kasi sa kabila ng lahat, I had people who loved me for who I am and I found out the length they'd go through just for me.

There's always a silver lining in everything... Mahirap nga lang hanapin lalo na kung lagi kang nagfo-focus sa negativity at sufferings na nararanasan mo—Learned that from Pastor will. The old dude helped me open my eyes lalo na noong mga panahong nahihirapan akong magpanggap bilang good girl na Serenity.

Yuppydy yup yup, my faith in God is strong and mighty. But still, I can't deny the fact that I'm still hoping for Tatang's balls to fall off... or explode... Oh wait! That wouldn't happen because he doesn't have one, after all he's a coward whose continuing a legit crazy legacy—Alam ko kasi nabasa ko ang files ni Dustin tungkol sa Jemaima Program. Hay... what a crazy dude. I thought I was crazy pero turns out may mas malala pa pala sakin in a not so osum way.

I don't know what fate has in store for me now that the program has discovered my lies. I'm scared, 100% legit but I'm not running away. If I run away, they'll hunt me down at baka madamay pa ang mga taong mahal ko... I can't let that happen. Kung mamamatay ako, edi mamamatay. I lived an osum life anyways, well except sa part na nakuha ako ni tatangina and company.

Nakakainis, hindi ko parin maalala saan ko nakita si Tatang. Ang bakulaw na 'yon, nakita ko na talaga siya di ko lang matandaan. Ugh, nakakainis, sino pa ba ang kasali sa program besides kay Dexter-high-no-five at Rodney-rest-in-hell.

After contemplating about life and other crap, napansin kong padami na ng padami ang dumarating para sa morning mass kaya mas minabuti kong magtungo muna sa comfort room na nasa likurang bahagi ng cathedral. Hindi ko sasagutin ang tawag ng kalikasan, actually tatawagan ko ang parents ko just in case ngayon ako maisipang kunin ng program. Ugh, naiiyak na naman ako lechugas.

***

 Matapos kong ikulong ang sarili ko sa pinakahulihang cubicle ay dali-dali kong tinawagan si Mommy. It's a good thing mag-isa lang ako dito, sana naman walang pumasok. Magbi-bitch fit talaga ako, joke, nah im not joking either.

"Good morning mom, tell dad good morning din." Napaupo na lamang ako sa nakasarang toilet bowl habang pilit na pinipigilan ang luha ko.

My mom's voice is like music to my ears right now. Kahit sigawan niya ako ngayon, mag-eenjoy parin siguro ako.

"Nah, just called to remind you how much I love both of you." Tuluyang tumulo ang luha ko kaya napakagat na lamang ako sa labi ko. Shit, andami kong sinayang na oras, andami kong nasabi sa kanilang masasakit na salita noon. Wheres the undo button when I need one.

"Mom naman! Behave lang po kami ni Ponzi, promise." Hindi ko mapigilang matawa. Ang awkward talaga pag si Ponzi na ang topic ni Mommy. Pero I'm being honest, yes malandi kami ni Ponzi sa isa't-isa but hanggang sa make-out sesh lang naman kami mula pa noon. Na-trauma nga si Kikoy dahil samin... Wait I miss that kid.

"Mom, Dad... I love you. You know that right?" Muli kong paalala sa kanila sa huling pagkakataon.

Nang matapos ang tawag ay natagpuan ko na naman ang sarili kong umiiyak. Wala eh, cycle na talaga 'to. Buti nalang talaga di ako nade-dehydrate kaiiyak. Osum ko talaganess.

Lalabas na ana ako mula sa cubicle nang bigla kong marinig na sumara ang pinto ng CR na kinaroroonan ko na para bang may pumasok.

Agad akong nakaramdam ng matinding kaba nang makarinig ako ng mga mabibigat na yabag na para bang patungo sa cubicle na kinaroroonan ko. May tao nga at mukhang napakatahimik niya. Hmm, Dexter or Tatang? Either way tangina parin siya.

Nagsitayuan ang balahibo ko at bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot at kaba kaya naman huminga na lamang ako ng malalim at humawak sa pinto.

Sana talaga lumaki ng maayos ang baby ni Julia at wag niyang maranasan ang paghihirap namin ni Julia kung nasaan man siya ngayon. Sorry

Fuckydy fuck fuck fuck....

I guess this is it.....

Goodbye my dearest osum life...

Binuksan ko ang pinto ngunit laking gulat ko nang bumungad sa harapan ko ang walang kaemo-emosyong si Ponzi. Sa sobrang gulat ko ay hindi na ako nakagalaw pa lalo na nang bigla siyang pumasok sa cubicle na kinaroroonan ko at sinara ang pinto.

Sa isang iglap, natagpuan ko ang sarili kong nakatitig sa blankong mga mata ni Ponzi. Sobrang lapit namin sa isa't-isa lalo na't sobrang liit ng cubicle na kinaroroonan namin. Hindi parin nawawala ang kaba ko, siguro dahil hindi ako komportable sa katahimikang kapwa bumabalot sa amin.

"H-hey bruh? Hehe?" Basag ko na lamang sa nakakailang na katahimikan habang nakatingala sa kanya.

Hindi siya nagsalita, nanatili siyang nakatitig sakin na parang shunga. Wait, is he pissed or something?

"Agapituod Zosimonster what are yee doing?" Tanong ko na lamang uli habang pinipilit ang sarili kong ngumiti.

"Ako ang dapat magtanong sayo niyan Sisa." Matabang niyang sambit habang hinihinaan ang boses niya para walang ibang makarinig samin, "Ano ba talagang nangyayari?"

Napabuntong-hininga na lamang ako at napasandal sa dingding. What's the point of lying and denying kung alam nadin to ng mga kalaban ko.

"Please don't be mad at me. I don't want to fight. Please don't hate me." I sound so pathetic and it makes me want to kill myself. Ugh, this is why I hate feeling feelings, it makes me crack and cry. Who invented feelings?! I shall kill you to death!

Bigla akong niyakap ni Ponzi, "I can never hate you. I can't even stay mad at you for a minute."

"Ang cold mo kasi magsalita eh, ngiti ka nga. Yung labas gilagid ha?" Giit ko nalang habang pinupunasan ang luha ko.

This could be the last time that Ponzi and I will be together kaya ayokong mag-away kami. At least, our last memories together are happy ones.

"Gummy smile to Sisa, ano okay na ba?" Tanong ni Ponzi na ngayo'y nakangiti na ng napakalapad. Whatta sarcastic bitch this boy is.

"Oo na okay nalang." Pabiro na lamang akong napabusangot.

"Alam mo bang halos mabaliw ako kasi akala ko hindi mo ako maalala?" Aniya kaya agad ko siyang tinaasan ng kilay.

"Akala mo ikaw lang? Ponzi noong una tayong magkita sa simbahan, gustong-gusto kitang habulin nang kinaladkad ka ni Jojo palabas dahil sa page-eskandalo mo. Pinilit kong wag kang yakapin pabalik. Pinilit kong 'wag umiyak sa harapan mo. Masakit rin saking magpanggap na hindi ka nakikilala kahit deep inside miss na miss na kitang ulol ka." Gustong-gusto kong sumigaw pero pinilit ko na lamang na hinaan ang boses ko.

Nakita kong ngumiti si Ponzi, this time totoong ngiti na. "Mind explaining why you've been lying all this time?" Bulong sakin ni Ponzi pero this time mukhang di na siya naiinis.

"The less you know, the safer you'll be. Plus I can act naturally pag ako lang ang nakakaalam ng secret ko." Pabulong kong pag-amin sa kanya, "Ponzi I acted like the perfect girl the program wants me to be to find Julia's baby. I'm sorry kung hindi ko nasabi. Andaming mga mata ang nakapaligid sakin, hindi ko alam sino ang nagmamalasakit o nagbabantay sakin. Ayokong madamay ka." Giit ko.

Biglang hinawakan ni pisngi ko at hinalikan ako sa noo, "Tutulungan kita... tutulungan ka namin."

I'm a goner now Ponzi... Helping me won't save me, it will only make you a target.

"Let's just talk after the mass okay?" Sabi ko na lamang sa kanya nang marinig ko ang tunog ng kampana.

"Mamaya ka na lumabas, baka mamaya kung ano pa ang isipin ng makakakita satin." Giit ko na lamang at dali-daling lumabas mula sa cubicle bago pa man siya maka-react.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero bigla na lamang akong natigil sa paglalakad. Dali-dali akong bumalik sa loob ng cubicle at hinalikan si Ponzi sa huling pagkakataon, "Love you okay? Whatever happens you'll never lose me." Paalala ko.

Lalabas na sana ulit ako pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko at siya naman ang humalik sakin, "I won't lose you again." Aniya nang maglayo na ang mga labi namin.

"Wow we're so cheesy and disgusting." Hindi ko napigilang matawa at hinalikan nalang ulit siya.

"But you like how we're both cheesy and disguting." Nakangisi niyang sambit saka siya naman ang humalik sakin hanggang sa kapwa na naman kami nagtatawanan.

"Okay that's it. Goodbye Ponzi." Sabi ko na lamang at nagtatakbo na talaga ako palabas.

*****

THIRD PERSON'S POV

 

Habang nakatayo malapit sa altar at nagbabasa ng bibliya ay hindi mapigilan ni Sisa na mapangiti lalo na nang magtama ang tingin nila ni Ponzi na ngayo'y nakangisi na sa kanya.

Napakaraming tao sa loob ng simbahan kaya sa kanila na lamang itinuon ni Sisa ang atensyon niya.

Nang papatapos na ang misa ay bigla na lamang tumunog ang cellphone ni Ponzi kaya naman dali-dali siyang lumabas ng cathedral upang sagutin ang tawag na galing sa ina ni Sisa.

"Hi po Tita." Agad na bati ni Ponzi dito.

"Hijo nasaan si Serenity ba't hindi niya sinasagot ang tawag ko?" Nag-aalalang sambit nito.

"Tita may mass pa po kasi at kasali siya sa readers." Paliwanag na lamang ni Ponzi dahilan para agad na mapabuntong-hininga ito.

"Naku salamat. Pasensya ka na talaga sa abala, bigla kasi akong nakaramdam ng kakaiba. Para akong kinakabahan.... Pareho sa kabang naramdaman ko nung araw na nabalitaan kong nasangkot sa car accident si Serenity." Paliwanag pa ng ina nito kaya tumango-tango na lamang si Ponzi.

"'Wag po kayong mag-alala Tita, babantayan ko ho siya parati. Wala po kayong dapat ipag-alala." Giit ni Ponzi.

Nang matapos ang pag-uusap nila ay agad na napalingon si Ponzi sa napakalaking pinto ng nasimbahan. Nakita niyang tapos na ang misa at nagsisilabasan na ang mga tao kaya agad siyang pumasok at hinanap si Sisa.

Sa isang iglap ay bigla na lamang nakaramdam ng kaba si Ponzi nang hindi niya mahagilap si Sisa.

Hinanap niya ito ng hinanap ngunit sadyang bigla na lamang itong nawala na para bang bula.


END OF CHAPTER 40.

Note: To those peeps na curious talaga sa lobotomy, no worries guys, mae-elaborate rin yan as we go further. Malay niyo may masampolang character bwahahaha. Kidding... or was I? Lols. Kefet lengs.

Salamat sa inyong lahat na nagtatiyaga sa kwentong to. Hahahaha.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continuă lectura

O să-ți placă și

1.9M 102K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...
Our Deadly Pact De bambi

Polițiste / Thriller

5.8M 186K 55
Book 1 of the Pact Series (also known as Our Suicide Pact) (Warning: This story was written in 2013 when I was around 15-16 years old. A plethora of...
9.3M 391K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...
20.1M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...