The Kiss 1: The Wild Kiss

By Whroxie

150K 7.7K 1.2K

More

Teaser
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9

Chapter 2

12.2K 682 56
By Whroxie

Hello! Post ko na rito. Majority wins. Char! Haha! Pero kung may extra coins kayo or bet niyong maglustay ng salapi unlock niyo pa rin ang paid stories ko. Pang-kape. Haha!

***
"Ayos ka lang?" Mula sa tahimik na pagkain ng almusal ay nag-angat si Tisay ng tingin sa kapatid na si Sey. Patuloy ito sa pagkain, saglit na tumigil para tingnan si Tisay.

"Oo naman."

"Medyo maga mata mo."

"Hindi ako makatulog kaya nanood muna ako ng Kdrama. Nakakaiyak."

Umarko pababa ang mga labi ni Sey at nagkibit bago muling ipinagpatuloy ang pagkain.

"Hatid kita sa school?"

"Hindi na, Ate. Keri ko na. Magpahinga ka na lang."

"Sige. Maglalaba na lang ako."

Sumimangot si Tisay. "Pahinga nga, eh. Ako na lang gagawa niyon. Sa Sabado walang pasok."

Tinaasan niya ito ni kilay nang magpupumilit pa sana. Natawa na lang si Sey at sumang-ayon sa gusto ni Tisay. Hanggat maaari gusto niya siya na gagawa ng gawaing bahay. Pagod na sa trabaho ang kapatid niya tapos magtatrabaho pa sa bahay. Saka hindi lang pagsasayaw sa club ang trabaho nito. Marami pa itong ibang raket. Nagbebenta rin ito ng alahas at ng kung ano-ano pa.

"Bilisan mo nang kumain baka ma-late ka sa school."

Nang matapos mag-almusal ay naligo na si Tisay at nagbihis. Sa isang pribadong universidad sa Batasan Hills siya nag-aaral. Iyon ang gusto ng kapatid niya. Mura lang naman daw kasi tuition kasi galing siya sa pampublikong eskwelahan kaya mas malaki ang subsidy. Iyong 50 thousands na tuition nabawasan ng 50%. Kaya kailangan niya talagang pagbutihin ang pag-aaral niya. Nakakahiya sa kapatid niya.

Itinali ni Tisay ang kulay browan na buhok at naglagay lang siya ng sunscreen sa mukha. Ito ang bilin ng kanyang kapatid para raw hindi masira ang balat niya sa araw. Kapag hindi siya naglalagay nagagalit 'yon. Alagang-alaga siya ng kanyang kapatid. Ito ang tumayong nanay at tatay sa kanya mula ng makulong ang kanyang tatay at iwan sila ng kanilang kapatid na si Bogs. Bata palang ito sobrang pagtatrabaho na ang ginawa para lang suportahan siya.

Kinuha ni Tisay ang petroleum jelly sa tokador saka nagpahid ng kaunti sa labi. Ito ang malupit niyang sekreto para maganda ang labi niya. Natural na mapula at hindi nagbabakbak. Kinaiinggitan ng malditang si Margot, ang kanyang kaklase. Maganda pa ang kilay niya kaya naman meron siyang she woke like this beauty.

Inayos niya ang pagkakasuot ng itim niyang pleated skirt at puting long-sleeved blouse na pinatungan ng pinaghalo-halong kulay na pula, itim at puti na knitted vest. At syempre pinaresan niya ng puting converse sneakers na mukhang malapit nang bumigay. Nabili pa niya ito sa ukay. May bago naman siyang school shoes talaga pero paborito niya ito.

Nang makontento sa sariling ayos ay naupo siya sa gilid ng maliit na kama. Nakangiti niyang inabot ang unan kung saan naka-imprinta ang mukha ni Nognog. Hinaplos niya ang pisngi nito.

"Ang gwapo-gwapo mo talaga. Mag-behave ka rito, ah? Bawal mag-jakol, okay?" Umuklo siya at hinalikan ito sa labi.

"Tisay!" Napaigtad si Tisay sa gulat sa malakas na
Pagbalandara ng pinto sa dingding. Nakasimangot niyang nilingon si Tukyo.

"Ano ba, Tukyo. Nanggugulat ka, eh."

"Ang tagal mo. Nandiyan na si Cesar, ihahatid ka namin."

"Ito na. Tapos na. Tumayo siya at kinuha ang bagpack na nakasabit sa dingding at sinukbit iyon sa kabilang balikat. Muli niyang sinuri ang sarili sa salamin.

"Bakit parang pagod ka, Nognog? Pinagsamantalahan ka na naman ni Tisay kagabi?"

Binalingan niya si Tukyo na nakaupo sa gilid ng kama, nakadapa ang kalahati ng katawan nito sa unan at hinahaplos ng mahaba't pulang-pulang pekeng kuko ang labi ni Nognog. Hinawakan niya ito sa braso at hinilang patayo.

"Huwag mong didikitin si Nognog, Tukyo."

"Pinag-dry-humping-an mo na naman si Nognog 'no?"

"Magtigil ka nga! Natulog lang kami nang tahimik. Wala pang nangyayari sa amin ni Nognog. Hindi pa ako ready."

"Sus! Maniwala ako sa 'yo. Eh, bakit parang amoy kepyas?"

Pinaningkitan niya ito ng mata. "Bakit alam mo ang amoy ng kepyas? Nakatikim ka ng bakla ka 'no?"

"Ewww! Over my dead sexy body. Talongs lang ang titikman ko."

"Halika ka na mga malandi ka." Hinila na niya ito palabas ng silid. Pinauna na niya itong pinababa sa makipot na hagdan.

"Ate, una na kami," paalam niya kay Sey na nasa sala, nagpupunas ng mga gamit na naroon.

Tumayo si Sey mula sa pagkakaupo at inilapag ang basahan sa mesita.

"Kuha ako baon mo."

"Hindi na, ate. May pera pa ako."

"Sigurado?"

Tumango siya. "Bye-bye na." Nag-flying kiss lang siya rito at lumabas na kasama si Tukyo. Si Cesar ay tumayo mula sa kinauupuang mahabang silya sa tapat ng tindahan ni Dolor. Naroon si Dolor, nakadungaw sa miliit na bintana ng tindahan at todo pa-cute kay Cesar. Ito ang babaeng insecure sa kanyang kapatid. Dancer din ito sa club pero mas naging mabenta ang kapatid niya kaya ayan galit sakanila. Laging tsini-tsismis ang kapatid niya.

"Ihahatid mo na naman talaga ako, Cesar?"

"Hindi. Si Tukyo talaga ang ihahatid ko. Baka mabastos. Kabastos-bastos pa naman ang ganda ng kaibigan nating 'to."

Kunwang inipit naman ni Tukyo ang buhok sa likod ng tainga nito. Naka-headband pa ito ng ma-pearl na headband. Dati tanda niya Ariana Grande headband ang trip nito. Mahaba ang buhok nito dati pero pinagupitan nang matanggap sa trabaho sa ina-apply-ang restoran. Para itong kinakatay habang nagpapagupit. Bawat putol sa buhok ay sumisigaw at umiiyak.

Inakbyan ang dalawa ni Cesar at sabay-sabay na naglakad palabas ng medyo may kakiputang eskinita. Bata palang silang tatlo ay magkakaibigan ng matalik. Nagkahiwalay lang sila nang magkaroon ng sunog sa lugar nila na nagmula sa kanila. Halos isumpa sila ng mga kapitbahay nila dahil doon. Ang dami kasing nadamay na bahay. Ang pinakamasaklap ay nasamang nasunog ang kapatid niyang may sakit. Hindi nila nailigtas. Sinubukan ng kapatid niyang si Bogs iligtas ang kapatid niya noon pero hindi ito nagtagumpay.

Pinalayas sila ng mga kapitbahay nila. Nagpalaboy-laboy hanggang sa mapadpad sila sa Davao. Doon sila dinala ng mga umampon sa kanila. Tumakas lang sila ng kapatid niya noong dise sais anyos na siya. Hindi kasi maganda ang trato sa kanila. Namamalimos siya habang ang kanyang kapatid na si Sey ay ginamit sa pornograpiya. Bumalik sila sa kanilang lugar pero wala na sina Tukyo at Cesar sa lugar na iyon. Pero may nakapagsabi naman sakanila kung saan ang mga ito lumipat kaya muling nagkrus ang landas nilang magkakaibigan.

"Tisay, bakit kaya hindi ka magpakita kay Nognog? Baka matuwa 'yon kapag nakita tayo," ani Tukyo nang nasa jeep na sila. Magkakatabi silang. Nasa gitna siya ni Cesar at Tukyo.

"Gusto ko naman sana kaso lang natatakot ako. Alam mo naman."

"Comatose pa rin ang kapatid niya at balita rin na masyadong iniingatan si Purple dahil sa transplant. Hindi magandang ideya na magkita pa si Tisay at Nognog. Baka manumbat pa 'yon."

Biglang binalot ng lungkot ang puso ni Tisay dahil sa sinabi ni Cesar. Iyon din ang iniisip niya. Kahit ang kanyang kapatid pati na rin ang tatay niya kaya pinayuhan siyang huwag nang makipag-ugnayan sa pamilya de Ortouste.

"Kawawa naman kasi itong frenny natin. Mukhang in-love kay Nognog. Portrait pillow na lang lagi ang jinujurnak." Tinabig ni Tisay ang kamay ni Tukyo na nilalaro ang kanyang buhok.

"In love agad? Di pa nga nakikilala," kontra ni Cesar.

"Kilalang-kilala niya 'yon. Mabait at sweet na kapatid at anak si Nognog kaya nakaka-inlab talaga ang ganoon."

"Sa balita lang 'yon. Malay mo sa personal hindi naman talaga."

"Tabi lang po!" Natigil ang pagtatalo ng dalawa nang pumara si Tisay. Sumamang bumaba ang dalawa sa kanya. Si Tukyo ay nagta-trabaho sa isang restuarant na malapit lang din dito sa Hope Academy. Itong si Cesar wala namang trabaho sa umaga. Trip lang daw nitong ihatid siya ngayon saka may lalakarin din kaya sumabay na sa kanya.

"Oh, sige na. Salamat sa libreng pamasahe, Cesar. Dapat kasi hindi na kayo bumaba."

"Babu, frenny!" Nagbeso si Tukyo sa kanya. Nag-fistbump naman sakanya si Cesar bago niya iniwan ang dalawa. Kumaway pa siya mga kaibigan bago pumasok ng gate matapos i-swipe ang ID.

Wala pa masyadong tao sa classroom nang pagdating niya kaya pinili niyang umidlip muna. Ipinataong niya sa armrest ang bag at iyon ang ginawang unan. Pero napapapikit palang siya ay narinig na niya ang nakakaasar na boses ni Margot. Taga sa kanila rin ang babae. Sa may labasan. Magaganda ang bahay sa labasan nila. Mga may kaya ang ilang nakatira roon at isa ang pamilya ni Margot sa mga may kaya. Malaki ang bahay. Pero hindi naman sosyal talaga. May kaya lang. Kumbaga galing din naman sa hirap na umangat lang sa buhay. Jologs din na pilit nagpapakasosyal. Kaya nga bitter ang gaga kasi hindi matanggap na dito siya nag-aaral. Kaklase na niya ito noong high school.

"Antok na antok. Mukhang nakarami kagabi." Si Margo na sinundan ng tawanan ng mga kabarkada nito. Nasa kabilang row ito nakaupo. Katapat niya ng upuan si Margo kaya rinig na rinig ang ingay.

"Tisay." Kinalabit siya ni Klarity, ang mayaman at mahinhin pero mabait niyang klasmate na medyo nadedemonyo na yata nila ni Tukyo.

"Hmm. Nandiyan ka na pala. Antok ako," paungol niyang sagot sa kaibigan.

"Hoy, Tisay! Magkano tip sa 'yo ni Mr. Ching?" Bahagyang napakunot-noo si Tisay. Nanatiling nakayukyok ang ulo niya sa kanyang bag na tumingin kay Margot.

Tumaas ang kilay nito. "Pokpok!"

Para iyong tubig na bumuhos sa kanyang katawan at nahimasmasan siya. Umayos mula sa pagkakaupo si Tisay. Binuksan ang bulsa ng bag at kinuha mula roon ang chewing gum. Binalatan at kinain. Ibinalik niya ang balat sa bulsa ng bag. Baka sakaling makatulong para makalma siya. Aga-aga hina-highblood siya ng pota.

"Top or bottom?" Patuloy na pang-aalaska ni Margot pero hindi na ito pinansin pa ni Tisay.

"Grabe! Nasikmura mo talagang patulan si Mr. Ching?" Ano ba ang pinagsasabi ng babaeng ito. Taga kanila rin si Mr. Ching. Kaibigan ng ama nitong si Margot. Pero hindi niya alam kung ano ang pinagsasabi nitong pinatulan niya si Mr. Ching.

"Sabagay. Ganyan naman kayong mga pokpok kahit sino, kahit ano papatulan para sa pera. Parang ang kapatid mo. Nagsasayaw ng hubo't hubad at nagpapahimas para sa pera." Kumuyom ang kamay ni Tisay. Kapag ganitong idinadamay ang kapatid niya wala siyang pasensiya kahit na katiting.

Tumayo si Tisay at hinarap si Margot. Humakbang siya palapit dito habang nginunguya ang chewing gum.

"Ano ba ang problema mo? Bakit ba apektadong-apektado ka sa amin?"

"Salot ka kasi! Kayong magkapatid."

Ipinatong ni Tisay ang dalawang kamay sa armrest ng silya nito at tinitigan ito ng direkta sa mata.

"Bago ka mamuna ng dumi ng ibang tao tingnan mo muna ang sa 'yo at pamilya mo. Hindi mo ba alam na dati rin namang pokpok ang nanay mo."

Nanglaki ang mata ni Margot sa hindi inaasahang sasabihin ni Tisay lalo't wala rin itong alam sa totoong trabaho ng ina noon.

"Of-of course not! My mom is a kolehiyala. Kaya lang naman kami hindi umaalis sa lugar na 'yon dahil mahalaga kay mom ang lugar na 'yon."

"Girl, bakit hindi pa nagpapakasal ang mga magulang mo?"

"W-what?"

"Gulat ka? Alam ko. Alam ko rin na anak ka sa labas na gaga ka. Pangalawang pamilya lang kayo at kasal sa unang asawa ang tatay mo. Sa madaling salita salot din ang nanay mo. Home-- home-- maninira ng pamilya."

"It's not true--" Natigil ito sa pagsasalita nang idura ni Tisay ang nginunguyang chewing gum sa mukha ni Margot. Tumuwid siya ng tayo. Inismiran niya ito bago tinalikuran. Kinuha lang niya ang bag saka tuloy-tuloy na naglakad palabas. Kaya ayaw niyang pumasok talaga sa eskwelahan na ito. Mamatahin lang siya ng mga may kayang estudyente.

"Tisay!" Tumigil si Tisay sa mabilis na paghakbang nang marinig ang pagtawag ni Clarity.

"Are you okay?"

Nilinga niya ito. "Tingin mo?"

"I'm sorry. Paano kung ma-expel ka?"

"OA! Hindi naman ako nanapak."

"But how about this?" Niyuko ni Tisay ang phone ni Klarity. Tumibok nang mabilis ang puso niya nang makita ang nasa larawan. Agad niyang kinuha ang phone at pinakatitigan ito. Saan ito nanggaling? Larawan niya at ni Mr. Ching. Ito ang insidente sa club nang yakapin siya ni Mr. Ching.

"Saan ito galing?"

"Someone sent--"

"Magtagalog ka nga muna, Klarity. Wala akong panahon mag-focus para intindihan ang sinabi mo. Inactivate pa ang subtitle sa utak ko."

"I'm sorry. May nagsend nito sa group chat ng class natin."

"Ito lang. Wala ng iba?"

Umiling si Klarity. Napatiim ang mukha ni Tisay. Sinadyang kunan ang insidente pero inalis ang mga sumunod na nangyari. Siguradong may kinalaman ang bruhang si Margot.

"Paano kung makarating 'to sa head? Tisay, you might be kicked out of this school." Noon siya inatake ng pag-aalala. Hindi maaari. Ayaw niyang bigyan ng problema ang kanyang kapatid.

NANGYARI ang kinatatakutan ni Tisay. Napatawag siya sa discipline office dahil sa kumakalat na larawan nila ng Intsik na 'yon. Pinapatawag ang kanyang guardian. Nang sabihin niyang walang guardian na pupunta para sakanya ay sa kanya na sinabi ang desisyon ng eskwelahan para sa kanya. Expulsion. Hindi ng mga ito pinakinggan ang paliwanag niya. Expulsion agad ang hatol. Hindi niya tuloy alam kung paanong sasabihin sa kanyang kapatid.

Tumayo si Tisay mula sa pagkakaupo sa silya nang makita ang pagpasok ni Sey sa lockeroom.

"Tara na, Tisay."

"Bakit?"

"Wala na tayong trabaho. Hinayupak ni Mr. Ching 'yan. Pinatanggal tayo nina Cesar."

"Ano? Paano na 'yon?"

"Hayaan mo sila. Kawalan nila ako. Bahala sila sa buhay nila. Maraming club diyan. Ikaw, mag-aral ka na lang. Doon mo ituon ang atensiyon mo. Iyon lang ang ipapakiusap ko sa 'yo, Tisay. Naiintindihan mo?"

Hindi umimik si Tisay. Tahimik lang siyang nagyuko ng ulo at dahil kilalang-kilala siya ng kanyang kapatid ay alam agad nitong may hindi magandang nangyari.

"May problema ba?" Pinagsalikop ni Tisay ang mga kamay.

"Tisay?" May pagde-demand sa tinig nito. Napilitan si Tisay mag-angat ng tingin sa kapatid.

"Sorry, Ate!"

"Ano ang nangyari?"

"Na-expel ako."

"Ano? Bakit?" Agad na bumakas ang panlulumo sa mata ng kapatid. Doble ang sakit na makikita sa mukha nito kaysa sa naramdaman ni Tisay. Siya ayos lang naman talaga. Ang pinuproblema lang naman talaga niya ang kapatid niya. Iyon ang hindi ayos sa kanya.

"May picture kasi kami ni Mr. Ching na kumalat." Niyuko niya ang hawak na phone. In-unlock at hinanap ang larawan at ipinakita kay Sey.

"Ayaw nilang maniwala binastos lang ako ni Mr. Ching. Sorry, Ate. Pwede naman akong lumipat na lang sa public school. Mas--"

"Hindi. Pupunta ako sa eskwelahan niyo. Ako ang kakausap. Sino ang may gawa nito? Kilala mo ba?"

"Si Margot siguro." Bumakas ang galit sa mukha nito. Kilala niya ang kapatid niya kapag galit ito. Siguradong hindi nito palalagpasin ang nangyari.

"NANDITO KA PA RIN?" Hindi nag-angat ng tingin si Tisay. Nanatiling nakatuon ang tingin sa screen ng phone niya. FB-FB lang. Baka hindi siya makapagtimpi ay mabanatan na niya itong si Margot. Ayaw naman na talaga sana niyang pumunta rito sa school. Alam niyang wala namang mangyayari. Nakapag-desisyon na ang disciplinary officers at pinal na iyon. Lalo't sigurado siyang pinakiusapan ng pamilya ni Margot ang principal kaya wala ng pag-asa ito. Tapos nakakahiya na rin dahil pinag-uusapan na siya sa buong eskwelahan. Buong eskwelahan. Dahil kahit ang mga college ay pinagti-tsismis-an na siya. May mga lalaki pang nambabastos na sa kanya. Tingin na sa kanya ng lahat ay bayaran.

"Tisay!" Narinig niya ang tili ng kanyang kapatid. Noon lang siya nag-angat ng tingin. Ngumiti siya ay tumayo at nagkunwang hindi nag-e-exist si Margot kasama ang tatlo pang kaibigan nitong si Thea, Cherry at Melody.

"Tisay, ayos na. Pumunta ka na sa klase mo."

"Hindi na ako expelled?"

"Hindi na, naayos ko na."

"Oh! What a miracle!" Tumikwas ang kilay ni Margot na humalukipkip. May nang-aakusang ngisi rin ito sa labi.

"Ano ginawa mo, Aleksey? Katawan mo ang pinambayad mo ano?"

Bumukas ang mataray na mukha ni Sey na hinarap si Margot. "Ikaw namumuro ka na sa akin, ah? Kung ano-anong pinagkakalat mo tungkol sa kapatid ko. Umayos ka!"

Umismid lang ito.

"Huwag mo akong iniismiran! Bubutuin ko bulbol mo!" Tinitigan ni Tisay ang kapatid niyang nakikipagtarayan kay Margot. Paano nga ba nitong nakumbinsi ang principal na makabalik siya sa eskwelahan? Ayaw niyang pag-isipan ng masama ang kapatid niya pero mukhang tama si Margot. Sa lipstick palang nitong burado at nagkalat pa sa gilid ng labi ay alam na niya ang sagot. Agad na kinuha ni Tisay ang bag sa bench at nagmadaling naglakad palayo nang biglang mag-init ang kanyang mata.

"Tisay!" Tawag ni Sey.

"Sabihin mo pala sa tatay mo salamat sa tip niya. Jutay pero makapal ang bulsa." Nanggalaiti si Margot sa gawang kwento ni Sey.

"Tisay!" Tumakbo si Sey para habulin si Tisay na mabilis na naglakad palayo.

"Hoy, ano ba?" Hinawakan siya ni Sey sa braso kaya napatigil sa paghakbang.

"Saan ka pupunta? Pumunta ka na sa klase mo."

May akusasyon na tumitig si Tisay kay Sey. "Ano ang ginawa mo?"

"Tisay?"

"Ano ang ginawa mo para hindi ako mapatalsik sa eskwelahan? Ano, tama si Margot? Katawan mo ang kapalit?"

"Hindi na 'yon mahalaga. Ang importante makapag-aral ka."

"Ate Sey naman! Sabi ko naman sa 'yo pwede akong mag-aral sa simpleng public school. O kaya pwede namang hindi ako mag-aral!"

"Tumigil ka!" Hinila ni Sey ang braso ni Tisay.

"Ilang ulit nating kailangang pagtalunan ito? Mag-aaral ka!"

"At paulit-ulit mong ibebenta ang katawan mo kapalit ng ambisyon mo? Ayoko na! Tumigil ka na, Ate Sey! Hindi na ako masaya. Kahit gusto kong makatapos at abutin ang pangarap mo para sakin parang ayaw ko na dahil sa ginagawa mo."

"Ginagawa ko 'to para sa 'yo."

"Iyon na nga!" Tuluyang bumigay ang emosyon ni Tisay. Sunod-sunod na pumatak ang luha mula sa mata niya.

"Lahat ginagawa mo para sakin. Ibinebenta mo nang paulit-ulit ang katawan mo para sa akin. Hindi 'yon ang gusto ko. Tama na!"

Agad na nag-iwas ng tingin si Sey. Pinahid ang luha mula sa mata hindi pa man iyon bumabagsak. Pinilit na patigasin ang loob bago muling humarap kay Tisay.

"Kung gusto mo akong tumigil sa ginagawa ko. Magtapos ka. Titigil lang ako kapag maayos na ang buhay mo. Iyon ang ibayad mo sa lahat ng sakripisyong ginagawa ko. Huwag kang maging katulad ko." Pagkasabi nito niyon ay tinalikuran na siya nito.

Lumuluhang pinanood ni Tisay ang papalayong kapatid.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 24.3K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
301K 16.3K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.2M 86.2K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.