An Old Summer Daydream (Old S...

Por 4reuminct

9.6M 290K 398K

OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate compe... Mais

PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
EPILOGUE
sunny note

13

266K 9K 11.5K
Por 4reuminct


"Kinakabahan ka na ba para sa finals?"

Nakasandal ang pisngi ko sa may notebook habang nakaharap kay Yori. Nasa library kami at nag-aaral para sa exam mamaya. May lollipop siya sa bibig niya at naka-focus sa pagbabasa ng libro. Tapos na ako kaya nangungulit na lang ako sa kanya. 

"Which one?" tanong niya. 

"Parehas." Dalawa nga pala ang lalabanan niya. Siguro mas nakakakaba 'yon, lalo na at magkasunod pa. 

"I'm not nervous about the e-games," mayabang na sabi niya. "I can hard carry if I have to." 

"Ang yabang mo!" Pabiro ko siyang tinulak sa braso. "Eh, sa debate? Huwag mong sabihing bubuhatin mo ako. Duh! Ikaw pa ang buhatin ko!" 

"Lakas mo naman," sarkastikong sabi niya. 

"So, pagkatapos na pagkatapos ng e-games competition mo, aalis ka na, 'no? Paano ka pupunta sa venue ng debate kung maiiwan 'yong mga teammates mo roon?" Kasi isa lang iyong service nila kaya hindi naman niya pwedeng dalhin 'yon. 

"The other coach has a motorcycle. Ihahatid daw niya ko. Mas mabilis," sagot niya habang nagbabasa pa rin. 

"Huwag kayo masyadong magmadali," paalala ko sa kanya. 

Bumalik na rin kami sa klase para sa exam. Madali lang naman. Hindi naman ako masyadong nahirapan at pakiramdam ko ganoon din si Yori kasi ang bilis niyang natapos. Parang hindi na nga siya nag-double check ng sagot at nagpasa na kaagad. Na-pressure tuloy ako! Binilisan ko ang pag-check ng mga sagot ko at nagmamadali ko ring pinasa. Hindi na kami nagsasabihan ng score. Nalalaman ko lang ang score niya kapag may exchange papers. 

Hindi ko pa rin nga maalis sa isip ko kung sino ang magiging top one sa class. Nakyu-curious ako kung mas mataas ba si Yori sa akin... Siyempre, mahalaga pa rin sa akin 'yon kasi running for class valedictorian ako sa graduation. Iyon na ang goal ko... pero hindi ko naman masabi kay Yori dahil ayaw niya ngang nakikita ko siya as my rival. 

Simula noong napunta kami sa ganitong set-up, nabawasan na ang pagiging competitive ko sa kanya, pero hindi pa rin naalis sa akin ang pagiging grade-conscious, siyempre. Kailangan ko 'yon. Kailangan ko ng magandang academic standing. Mahalaga pa rin sa akin ang grades ko, iyong academic excellence ko. Hindi ko naman maaalis 'yon. Hindi ko lang malabas dahil baka magalit siya. 

Hindi roon umiikot ang mundo ko dahil nariyan si Yori. Pinapahalagahan ko siya pero malaking parte pa rin ng buhay ko ang acads. Hindi ko pa alam kung paano ko siya kokontrolin... kung tama ba ang ginagawa ko... kung nawawala na ba ako sa sarili ko. Minsan, napapaisip ako kung ako pa ba 'to dahil alam kong nagbabago na ako. 

"Ano'ng iniisip mo?" tanong ni Yori habang naghihintay kami sa labas ng debate room. Wala pa ang trainer namin, eh. 

"Wala naman..." Hindi ko masabi sa kanya. Iniiwasan ko na lang ang acads na topic dahil hindi ko alam kung alin ba roon ang ayaw niyang marinig. 

Dumaan ang linggo na wala namang nagbabago sa routine ko. Pagkatapos ng klase, may training dahil nga nalalapit na ang finals. Hindi naman ako napapagod sa school, pero habang mas lumalapit ang competition, parang mas bumibigat ang pakiramdam ko. Siguro sa kaba na rin kaya ganoon. Iyon na, eh. Iyong pinapangarap ko.

"Mommy, Daddy, December 12, ha! Punta kayo sa competition ko!" paalala ko sa kanila habang kumakain kami ng dinner. Ang alam ko may gagawin sa school si Kye noon kaya hindi siya makakapunta. 

"Of course, we will go. We can't miss that," sabi ni Dad.

"Galingan mo, bebe ko! Proud na ako sa 'yo, ngayon pa lang!" Pinisil ni Mommy ang pisngi ko. 

"Hindi ka talaga makakapunta?" tanong ko kay Kye. 

"I have something in school, sorry... Good luck." He gave me a small smile, and that was enough for me! 

Ang bilis dumaan ng araw, hanggang sa isang araw na lang ay competition na! Tambay na ako sa library para magbasa ng kung ano-ano, just in case magamit ko sa debate. Si Yori, busy lalo dahil nga dalawang event ang sasalihan niya. Hindi na nga kami masyadong nakakapag-usap.

"Dali na, habang naghihintay, laro tayo," aya ko sa kanya. Nasa debate room kami pagkatapos ng klase. Inaaya ko siyang makipaglaro na sa akin dahil nakapag-practice naman ako mga tatlong beses. 

"I'll just switch accounts," sabi niya.

"Aba, bakit? Takot ka siguro na maapektuhan iyong win rate mo!" reklamo ko. 

"We can't play because you have a lower rank. That's why I have to switch accounts," paliwanag naman niya. 

Sus! Hinintay ko siyang magpalit ng account bago kami naglaro ng Rank mode. Pinili ko iyong cute na character dahil iyon lang naman ang ginagamit ko. Si Yori, ang daming pinagpipilian. 

"Gusto ko 'yong magkasama tayo!" sabi ko. "Support ako, oh." 

Tumango siya at nag-lock na ng character. Noong nagsimula na ang laro ay tahimik na siya habang ako ay sigaw nang sigaw tuwing nakakakita ng kalaban.

"Yori! Yori! Pinapatay na ako! Hoy!" Hinampas-hampas ko ang braso niya.

"I don't have an item yet, wait," kalmadong sabi niya.

"Wala na, namatay na ako! Hinayaan mo lang ako!" inis na sabi ko. 

"I told you not to go near." 

Sinamaan ko siya ng tingin kaya natawa siya at nilagay ang isang kamay sa tuktok ng ulo ko. Nakaka-stress naman 'tong laro na 'to! 

"I'll avenge you," sabi niya sa akin.

"Ayan, ayan! Omg, dali! Ayan, mamamatay na sila!" pag-cheer ko habang pinapatay ni Yori iyong tatlong kalaban. Pinagtulungan ako noong tatlong 'yon! 

Napakunot ang noo ko noong mabasa ko iyong chat ng kalaban. 

'target locked sa support hahaha'

"Luh!" reklamo ko. Tumingin ako kay Yori na nagta-type din. "Inaaway ako!" 

'try mo ko'

Iyon ang sinabi ni Yori bago pumunta roon sa nag-chat noon. Parang tatlong hit lang ay napatay niya kaagad iyong character. Hindi pa siya nakuntento, pinatay niya rin iyong tatlo pa. Pagkatapos, nag-chat ulit siya.

'warm up' 

Sumunod na lang ako sa kanya para mag-heal. Kung saan-saan siya pumupunta at sumusunod lang ako sa likod niya. Noong nabuhay na ulit lahat ng kalaban, sumugod ulit siya at napatay niya lahat. Nag-type ulit siya.

'ez' 

Natawa ako nang mag-end ang game at nanalo kami. Ang galing ni Yori! Ang taas ng score niya, habang ako iyong pinakamababa. Binuhat niya lang ako. 32 kills and 2 deaths lang siya. Binaba niya ang phone niya na parang wala lang sa kanya at uminom ng tubig. 

Umuwi na rin ako pagkatapos ng training namin. Parang wala pang tao sa bahay pero may pagkain na sa may table. 

"Kye?" Kumatok ako sa kwarto niya. "Kakain na."

Binuksan ko iyong pintuan at nakitang natutulog siya. Aalis na sana ako nang makita iyong isang papel sa may sahig. Pinulot ko iyon at nakita ang event invitation.

Young Artist Awards 

December 12, 1:00 PM

Binuksan ko ang invitation at agad kong nakita ang pangalan niya. First place sa painting. Napaawang ang labi ko at binalik ang tingin kay Kye na natutulog. 

It looked like a big event... Why didn't he say anything? 

December 12... Iyon din ang date ng competition ko. Kaya ba hindi niya sinabi? 

Napakagat ako sa labi ko at sinubukang pigilan ang luha ko. Nilapag ko ulit ang invitation at lumabas na ng kwarto niya dahil hindi ko na napigilan umiyak.

Niyakap ko ang tuhod ko, hindi alam ang gagawin. Tumigil lang ako sa kakaiyak nang marinig ko ang katok ni Kye sa labas.

"Ate, kakain na," sabi niya.

Pinunasan ko ang luha ko bago lumabas. Nagkatinginan kaming dalawa. Binigyan ko siya ng malawak na ngiti bago inakbayan.

"Tara, kain na!" 

Dumating na rin sina Mommy at Daddy galing trabaho. Napakagat ako sa ibabang labi ko habang nag-uusap-usap sila. Kinukumusta nila si Kye sa school. Wala talaga siyang balak sabihin. Kahit banggitin lang na sumali siya sa competition na 'yon ay hindi niya ginawa. Why... Why was he being so considerate towards me? Alam niya namang hindi ko naman kailangan sina Daddy sa competition. 

"Mommy, Daddy," tawag ko. Napalingon silang dalawa sa akin. "Bukas, may-" 

"Wait, Nat..." May sinagot na tawag si Daddy at lumabas saglit. Hindi ko tuloy nasabi iyong tungkol sa awarding ni Kye. Isa-suggest ko pa naman sana na roon sila pumunta, o kaya kung ayaw nila ay maghati sila para naman mayroong magulang na naroon sa event ni Kye. Hindi ko naman kailangan, eh. Sanay naman ako na ako lang. 

Pagkabalik ni Daddy, napamasahe siya sa sentido niya. 

"Nat, I'm so sorry, I can't go to your competition. They rescheduled a very important meeting for that day. I'm trying to push it back, but the client is not available-"

"Dad, it's okay!" pagputol ko sa sasabihin niya. "Actually, uhm, bawal daw parents sa competition kaya no worries!" pagsisinungaling ko.

"Huh?! Bawal?!" gulat na tanong ni Mommy. "Kailan pa?!"

"Oo, Mommy. May nabalitaan din ako kay Kye. Nakita ko sa Facebook! May awarding pala siya sa day na 'yon kaya doon ka na lang pumunta, Mi!"

Mabilis na napalingon sa akin si Kye, nagsasalubong na ang kilay. 

"'Di ba?" sabi ko sa kanya. "Nanalo siya sa art competition!" 

"What?" naguguluhang tanong ni Daddy. "Why didn't you say so?"

Hindi alam ni Kye ang sasabihin niya. "I forgot," sabi niya lang at inayos na ang utensils sa plato. Tapos na raw siyang kumain kaya umakyat na siya sa kwarto niya. Sumunod naman ako sa kanya. 

"Kye!" Hinabol ko siya sa hallway. "Bakit hindi mo sinabi kina Mommy? It was such a big achievement! Congratulations!" masayang sabi ko.

"You lied," galit na sabi niya sa akin. 

"Huh?" Kumunot ang noo ko.

"Parents not allowed in the competition? You lied! You just want Mom to go to my event," he hissed. 

"And so? Awarding 'yon! Mas mahalaga 'yon! I don't need them in my competition! Baka... Baka ma-distract lang din ako kaya okay na 'yon!" 

"It's not even a big deal." Napailing siya at papasok na sana sa kwarto niya pero hinawakan ko ang braso niya. 

"Big deal 'yon sa akin, Kye! Ayaw kong mag-isa ka! Ikaw ang mas may kailangan sa kanila. Huwag mo akong intindihin dahil kaya ko ang sarili ko. Sanay na akong wala sila! Ikaw, hindi pwede. Bata ka pa. You need a lot of support!"  

"Stop it! I don't need Mom! I don't need Dad! I don't need you!" 

"Kye!" Sinara niya ang pinto at ni-lock iyon. Napabuntong-hininga ako, pinipigilan ang luha ko. Ano ba ang ginawa kong mali? Bakit ba siya nagagalit? Bakit ba nagkakagulo ngayon kung kailan may competition ako bukas? 

Bababa na sana ulit ako nang makita si Mommy at Daddy sa may gilid. Napaawang ang labi ko nang ma-realize na narinig nila ang usapan namin ni Kye. Agad tumakbo paalis si Mommy habang umiiyak. 

"Mommy!" Sinubukan ko siyang habulin pero pinigilan ako ni Daddy.

"Nat..." tawag niya. "I'm... I'm so sorry. I didn't know you were feeling that way."

Lumingon ako sa kanya, hindi alam ang sasabihin. "Dad, it's fine. Mas kailangan mong kausapin si Kye. He's younger. Mas kailangan niyang maintindihan 'yong sitwasyon. Ako, naiintindihan ko naman." 

I never held grudges. Wala naman na sa akin 'yon... Kapag hindi sila nakakapunta. Alam ko namang palagi nilang tina-try ang best nila i-clear ang schedule nila. Hindi lang talaga pwedeng all the time ay available sila. Kapag competition naman, sanay naman akong mag-isa. Ako lang naman ang lumalaban, eh. Hindi ko naman sinasama ang magulang ko sa stage kaya okay lang. 

Hindi ako nakatulog nang maayos. Hindi ako sanay na parang magkakalayo kami sa bahay. Hindi ko sinasadyang masaktan si Mommy sa narinig niya. Alam kong hindi rin 'yon sinasadya ni Kye. Lahat naman kami, hindi sinasadya lahat ng 'to. It was life. It just happened. Ganoon talaga, eh. 

Nag-send lang ako ng good luck message kay Yori para sa e-games competition bago ako pumasok sa school. Sa sasakyan na ako nag-breakfast. 

Nakatulala lang ako habang nasa byahe papuntang venue. Kasakay ko ang debate team sa school bus. Ang dami kong iniisip kahit mas kailangan kong mag-focus na lang sa competition. 

"Okay ka lang, Nat?" tanong ng instructor namin. "You need to focus later. Don't worry, makakaabot naman si Yori."

Tumango lang ako. Hindi ko na nga iyon masyadong iniisip. I trusted Yori. Kahit gaano kagulo sa bahay ngayon, I knew Yori would never disappoint me. Alam kong hindi siya dadagdag sa problema. 

Nagsimula na ang welcome ceremony. Nakaupo lang ako roon at hindi nakikinig. Pagkatapos noon ay pupunta na kami sa may standby area. Tumingin ako sa orasan bago minessage si Yori. 

To: Yori

saan ka na?

Hindi siya nag-reply. Tumayo na kami at naglakad na papuntang holding area. Naroon lang kami sa may likod ng stage, naghahanda na para sa debate. 

From: Yori

On the way.

Nakahinga ako nang maluwag nang mabasa ang reply niya. May thirty minutes pa naman. Umupo muna ako at pinikit ang mga mata ko para ayusin ang paghinga ko. Kailangan kong mag-focus. 

Pumunta kaya si Mommy sa event ni Kye? Alam kaya niya kung saan? Nag-usap na ba sila? 

Baka naman hindi... Paano kapag mag-isa na naman si Kye? 

Galit pa rin kaya siya sa akin dahil sinabi ko? Pero... para rin naman sa kanya 'yon. Bakit niya kasi tinago? Achievement 'yon. Siguradong matutuwa naman sina Mommy at Daddy roon.

"Estella!" Natauhan ako nang marinig ang instructor namin. Mukhang kanina pa niya ako tinatawag. "Yori got into a motorcycle accident, pero-"

"Po?!" Tumayo kaagad ako. 

"Pero papunta na siya! Pupunta raw siya!" dagdag niya.

"Nasugatan po ba siya?!" Ang bilis ng tibok ng puso ko. Mukhang... Mukhang okay naman siya, 'no? Sabi niya ay pupunta pa rin siya. Nakakalakad pa naman siya 'no? 

"Hindi ko alam, eh. Basta, tumawag siya. Sabi niya ay pupunta raw siya kaya wait lang daw. Nag-request na rin ako ng kaunting delay sa event organizer. They can only wait for another twenty minutes dahil unfair daw sa contestants na on time." 

Napaupo ulit ako at napahawak sa ulo ko. Pinanood ko ang pagtakbo ng oras sa relo ko. I bit my lower lip and closed my eyes. Yori... he's okay, right? He's probably okay. No... Paano kapag pinipilit niya lang dahil nangako siya sa akin?

Kinuha ko ang phone ko para mag-type ng message.

'Yori, you don't need to go...' Natigilan ako sa pagta-type. Tumingin ako sa audience sa labas... The debate. We will be disqualified. Iyong... pangarap kong manalo. 

I... dreamed about this day for so long. I prepared so much for this day. Ang layo na ng narating ko. Iyong oras na nilaan ko sa pagte-training... Iyong pagod ko. 

But Yori...

Nag-init ang mukha ko at napatakip ulit sa mukha ko. I waited for a few more minutes... hanggang sa natapos ang twenty minutes. 

I was so selfish. Why was it so hard to send that message?

"Nat, they will deduct points, but you can go on stage alone. They have to keep the event going," sabi sa akin ng instructor ko. 

Huminga ako nang malalim at tumayo para pumunta sa stage mag-isa. Dalawa silang kalaban ko. Mag-isa lang ako. We were supposed to be disqualified. Pinagbigyan lang... dahil sayang ang pinunta ng mga tao rito. Sayang ang hinanda ng kabilang team. 

Alone. I can do this alone. Hindi ba ang sabi ko... sanay naman na ako? 

Tumayo ako sa stage mag-isa, sa tapat ng microphone. Hindi ko na marinig ang introduction na sinasabi ng host dahil sa rami ng iniisip ko. 

Napaangat lang ang tingin ko nang may makita akong lalaking tumatakbo pababa sa may aisle ng mga upuan. Nag-init kaagad ang mukha ko at naramdaman ko ang nagbabadya kong luha sa gilid ng mga mata ko. 

Yori went up on stage... habang sugatan ang braso at may naka-tape na patch sa may gilid ng ulo. May bakas pa iyon ng dugo. 

Hingal na hingal siya nang makarating sa tapat ko.

"I... I ran here," paliwanag niya. "I'm sorry... I was... late." 

Tuloy-tuloy nang bumagsak ang luha ko. Napuno naman ng pag-aalala ang mukha niya at pinunasan kaagad ang luha ko. 

"I told you... I won't let you compete alone." 

Kinailangan kong punasan ang luha ko at ayusin ang sarili ko dahil nagsimula na ang debate. May deduction na kami dahil nga late... pero sinubukan pa rin namin. 

I was trying my best to focus. I was trying my best to do what I could at that time... but I knew I was not in the best state to compete. 

"Miss Estella?" tanong ng judge nang hindi ako nakasagot.

"Nat, it's okay..." Hinawakan ni Yori ang kamay ko. 

I cleared my throat before talking. Ni hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. 

Pagkatapos ng competition, bumalik na kami sa holding area. I immediately broke down and started crying.

Because it was shit.

I knew I did not do my best. Everything went down the drain. All my hard work... The time and effort I poured in so I could reach the finals... Sinayang ko lang lahat ng 'yon. 

Yori was better than me. He went through all of that, but he still managed to do well. He was better than me. 

He always was. 

I did not even expect anything when the results were announced. "Natalo tayo pero okay lang 'yon! Ang layo ng narating n'yo at sapat na 'yon para maging proud sa mga sarili n'yo, okay?" sabi ng instructor namin.

Kinuha ko ang jacket ko at naglakad palabas ng room para makauwi na. Naghihintay na ang driver ko. Hindi na ako sasabay sa bus pauwi. 

"Nat, we still have the awarding ceremony!" sabi ni Yori habang hinahabol ako. 

"I don't care!" Humarap ako sa kanya, hindi na napigilan ang emosyon ko. "It doesn't matter, Yori... I lost."

"We lost," he corrected what I said. "It was not your fault. It was mine too."

"No, no..." Napahawak ako sa ulo ko. Tuloy-tuloy nang bumagsak ang luha ko. "It was my fault... I ruined everything. Ako 'yong may kasalanan. Sobrang selfish ko... Hindi na sana kita pinapunta dahil alam kong mahihirapan ka lang, pero hindi ko sinend 'yong message because I was selfish. I am the worst, Yori... Hinila lang kita pababa." 

"Nat, don't say that. Ako ang nagpumilit pumunta. I promised you. Tinupad ko lang ang pangako ko. Wala kang kasalanan."

"I know I didn't do my best, Yori! I couldn't do my best in something I thought I was best at. Sobrang ironic. Ikaw, galing ka na sa isang competition, naaksidente ka na, tumakbo ka na papunta rito, pero ang galing mo pa rin kanina. Ako? I was too emotional... too distracted. Natalo tayo dahil sa akin! Huwag mo nang i-sugarcoat, Yori! I could not even talk properly!"

"I was late. They deducted points because I was late. You did well-"

"Stop lying, please!" 

"Ano ba ang gusto mong marinig? Dalawa tayo rito. We're partners, remember? We win together... and we lose together. We both contributed something to our wins... and it's the same with our losses!" he said, frustrated. "Don't shoulder everything. I'm right here!" 

He was better than me. In all aspects. Ngayon... tanggap ko na 'yon. 

"Together..." ulit ko. Napayuko ako at pinunasan ang luha ko. "I'm sorry, Yori... I don't think we're meant to be together."

"Dahil natalo tayo, iyon ba?" galit na sabi niya. "Nat... You're emotional right now. Saka na tayo mag-usap tungkol dito." 

"I am emotional... pero alam ko ang sinasabi ko. I can't be with you, Yori... because you're better than me. Kapag nanatili ako, palagi ko lang ikukumpara ang sarili ko sa 'yo. Ayaw kong mangyari 'yon. I'm sorry." 

Pumasok ako sa kotse at sinara ang pinto. Nanatiling nakatayo roon si Yori habang palayo nang palayo ang kotse. Napahawak ako sa dibdib ko at umiyak nang umiyak. Mabuti na lang at walang sinabi ang driver. 

Nagpababa na lang ako sa playground ng village dahil gusto kong mapag-isa. Umupo ako roon sa gitnang swing at nilabas ang phone ko para mag-message kay Lai at Seven.

Estella: san kayo

Lyonelle: Training

Seven: Training

Estella: oh okay

Itatago ko na sana ang phone ko nang makitang tumatawag si Seven. I cleared my throat before answering.

"Where are you?" seryosong tanong niya. 

"Playground... The usual," sagot ko.

"Okay, stay there." 

Binaba niya kaagad ang tawag. Napayuko ako at tinago ang phone ko. Nakatingin lang ako sa sahig. Ang bigat-bigat sa pakiramdam. Ngayon ko lang naramdaman 'to.

Hindi ko na napansin ang oras. Nakayuko lang ako, hinahayaang tumulo ang luha ko para naman malabas ko ang sakit na nararamdaman ko. Napaangat ang tingin ko nang may magluhod ng isang tuhod sa harapan ko. 

"Why are you crying, pretty?" Lyonelle gave me a comforting smile before wiping my tears with his thumb. 

Napalingon din ako kay Seven na yumakap sa leeg ko mula sa likod at hinaplos ang buhok ko. "Ice cream?" tanong niya at pinakita sa akin iyong binili niyang isang pack ng favorite kong ice cream. 

Mas lalo akong napaiyak sa presensya nilang dalawa. Tumayo ako at niyakap silang dalawa. Umiyak lang ako nang umiyak habang tinatapik nila ang balikat ko. 

"Akala ko may training kayo?" tanong ko habang pinupunasan ang luha ko. Medyo kumalma na ako. 

"It's just training." Nagkibit-balikat si Lyonelle. "Right, Seven?"

"Of course." Seven gave me a small smile. "You needed us." 

Umupo ako sa gitnang swing at doon naman sila sa magkabila ko. Noong bata pa kami, dito na kami tumatambay at nasa gitna ako palagi ng swing. Kinwento ko sa kanila lahat ng nangyari, simula sa problema sa bahay, hanggang sa pagkatalo namin sa debate, at ang huli, iyong kay Yori. 

"Pero sa tingin ko, kailangan lang namin mag-usap as a family, tapos okay na. May tiwala naman akong maaayos namin 'yon. Iyong debate... Wala naman na akong magagawa roon, eh. Iyong kay Yori..." Hindi ko na masundan ang sasabihin ko.

"Iyong kay Yori... Ano?" tanong ni Seven.

"Tapos na 'yon." Tumango-tango na lang ako. "He doesn't deserve someone like me."

"But you're the one he likes," sabi ni Lyonelle. 

"Gusto ko rin naman siya... pero hindi ko na mapigilang ikumpara ang sarili ko sa kanya. Ganoon pa rin, eh... Hindi pa rin mawala sa isipan ko. I still see him as my rival. Unfair para sa kanya 'yon."

"Ending it like that is also unfair to him," Seven said. 

"Alam ko... pero nasabi ko na ang gusto kong sabihin. Kung gusto niyang mag-usap ulit kami, willing naman ako, eh. Papakinggan ko siya... pero ayaw ko na talaga. Natalo ako sa debate kaya kailangan kong mag-focus na lang sa acads. Baka sakaling doon, manalo ako. Class valedictorian. Iyon ang goal," sabi ko. 

Totoo ako sa sinabi ko. Kung gusto ni Yori na pag-usapan ulit namin 'yon... Papayag naman ako. Makikipag-usap naman ako.

Pero isang linggo na ang nakalipas... hindi na niya ulit ako kinausap. Naging sobrang busy namin sa finals week. Palagi siyang nag-aaral tuwing nakikita ko siya, at ganoon din ako. Nag-uusap lang kami kapag may filming para sa short film, pero casual na lang iyon.

Balita ko nanalo sila sa e-games competition last time. Hindi ko na siya na-congratulate.

"Okay, yakap!" sigaw ng direktor namin. 

Lumapit ako kay Yori para yakapin siya pero dahil hindi ko magawa, siya na ang humakbang palapit sa akin at niyakap ako. Binaon ko ang mukha ko sa dibdib niya at niyakap siya pabalik. 

Hinigpitan niya ang yakap niya sa akin na para bang nagpapaalam na siya... na parang huling beses na iyon. 

Ganoon na lang nawala iyong... koneskyon naming dalawa. 

It was like a daydream. Parang nagising na lang kaming dalawa. 

Naramdaman din ng mga kaklase namin na wala na... kaya mas lalong naging awkward sa filming. Magkatabi pa rin naman kami sa room, pero hindi na kami nag-uusap. Hindi naman kailangan ng closure... kasi hindi naman kami nagsimula. 

"Ano 'to?" tanong ko kay Kye nang bigyan niya ako ng mga maliit na star na ginawa niya mula sa papel.

"Peace offering." Umiwas siya ng tingin. "I'm... sorry." 

Napangiti kaagad ako at tumakbo sa kanya para yakapin siya. "Ang bebe ko! I'm sorry rin, ha? Love ka ni Ate!" 

"I can't... breathe!" 

Binitawan ko siya nang kumatok si Daddy sa kwarto ko. Nasa likod niya si Mommy at may hawak siyang box. Napakunot ang noo ko nang abutan nila ako ng isang trophy. 

"You're a winner for us, Nat," sabi ni Daddy. 

"Aww, Daddy! Mommy! Sorry sa mga sinabi ko!" Gusto ko tuloy umiyak. "You're the best Mom and Dad for me!" 

"Okay lang, anak. Naiintindihan naman namin na may mga pagkukulang din kami... We will do better. Kapag may event, sabihin n'yo kaagad, or kahit wala, kahit magkwento lang kayo sa araw n'yo, makikinig kami palagi, okay?" sabi ni Mommy. 

Ganoon kami naging okay ng pamilya ko. Dumaan ang birthday ni Lai, ang Christmas, at New Year... hanggang sa second sem na. Nagpalit na ng upuan. Doon nakaupo si Yori sa dulo malapit sa bintana, habang nasa kabilang dulo naman ako. 

Napalingon ako sa kanya habang nakatingin siya sa labas. Tumatama ang sinag ng araw sa mukha niya. Nang lumingon siya sa gawi ko ay agad akong umiwas ng tingin at umaktong may sinusulat. 

Dumaan ang second sem na wala kaming masyadong interaksyon, maliban na lamang kapag nagtatalo sa recitation. Hanggang doon lang. I was back into being his rival and vice versa. Nakapasa pa rin ako sa dream university ko... and I heard he also got accepted into his dream program kahit hindi kami nanalo sa debate. 

Masaya ako para sa kanya. 

"Paano 'yan? Pareho pa 'ata kayo ng university na papasukan," sabi ni Ollie.

"Hmm, wala. Ano naman, 'di ba?" nakangiting tanong ko. "Wala naman na 'yon. Eh di kapag nagkita kami... Hello na lang."

"Wala na ba talaga? Sayang naman! Parang ang bilis. You were so good together," sabi ni Caitlyn.

"Mas okay kami individually. Ako... Mas okay sa akin ang mag-isa," sagot ko naman. "Kapag magkasama kami, hinihila ko lang siya pababa o kaya nasasaktan ko lang siya dahil sa selfishness ko." 

Inayos ko na ang gamit ko at sinukbit ang bag sa balikat ko. Nagmamadali kaming lumabas dahil nilagay na sa bulletin board ang final standing ng class. 

Nakatingala ako habang binabasa ang nakalagay sa papel. 

Class valedictorian: Estella Nataleigh V. Martinez - 98.65

Class salutatorian: Yoritsune K. Alanis - 98.64

"Congratulations, class valedictorian." 

Napalingon ako kay Yori na nakatayo pala sa tabi ko at nakatingin din sa papel. I cleared my throat before answering.

"Thank you. Congrats din..." nahihiyang sabi ko. Tumango lang siya at umalis na pagkatapos mabasa iyon. 

Wait... Hindi pa... May gusto pa akong sabihin.

"Yori!" sigaw ko. Nakita kong natigilan siya sa paglalakad. Tumakbo ako palapit sa kanya at hinawakan siya sa braso. "Wait lang..."

Lumingon siya sa akin. "Nat." 

"Thank you..." sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya. "Sa lahat... sa pagiging parte ng buhay ko. Thank you... and I'm sorry." 

He stared at me for a long time before his lips formed a small smile. "Alright... Good luck. I hope you achieve your dreams," sabi niya. 

Nang bitawan ko siya ay naglakad na siya paalis. Nanatili ako sa kinatatayuan ko habang pinapanood siyang lumayo sa akin. 

Nagulat ako nang humarap ulit siya sa direksyon ko at mabilis na naglakad pabalik sa akin. 

"Bakit?" naguguluhang tanong ko. "May nakalimutan ka bang sabihin?" 

"I love you, Nat." 

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig iyon. Huh?! Bakit ngayon pa?! 

"I just wanted to let you know. I don't want to leave this school without telling you that." 

Hindi ako nakapagsalita. Mukhang hindi rin naman siya naghihintay ng sagot ko. Nilabas niya lang ang cellphone niya at pinakita sa akin ang pag-delete niya ng number ko sa phone niya. Grabe! 

"You better hide yourself well. The next time I see you on the university campus... I won't let you go again," sambit niya bago naglakad paalis. 

________________________________________________________________________________

:)

Continuar a ler

Também vai Gostar

Trouble is YOU Por Cher

Ficção geral

161K 7.2K 21
Andres Birada's story - also known as the times Andres Birada thought he will die. Alpha Series # 14
2.3M 152K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
6.8K 39 2
Long gowns. High heels. Runways and the spotlight. All glitz and glamour. That is how Rose Amethyst is living her brand new life. Malayo sa buhay na...
713K 25.2K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...