Zeny's POV
Dumating ulit si Zyra kasama ang lalaking hinanap siya kanina. He must be special to my daughter and vice versa. Nadala niya dito ang anak ko na hindi na galit pero medyo masama pa rin ang loob. At least, nagpapasalamat ako dahil handa na siyang makinig sa amin ng Dad niya.
Nandito kaming lima sa sala. Magkatabi si Zyra at Zac habang kaharap naman nila kami ni Rico. Si Ellen ay nasa likod namin.
"Go. Explain," sabi ng anak ko. Nag-aatubiling napatingin naman kami kay Zac.
"Tss... He knows. Alam niya daw ang sasabihin niyo sa akin ngayon," wika ulit ni Zyra. Ngumiti naman si Zac sa amin.
"Sorry po at nakikialam ako. Ako nga po pala si Zac Ken Rain. Mag bestfriend daw po kayo ng Mama Kelly ko, Tita. At si Papa Xander naman po ay... lawyer niyo daw po, Tito Rico. I unintentionally heard them talking about it," he explained.
"Lawyer ni Daddy ang Papa mo?" nagugulohang tanong ni Zyra kay Zac. Nagkatinginan kami ng asawa kong si Rico.
Oras na para malaman ni Zyra ang nangyari kay Rico seven years ago.
"Anak... ganito kasi ang nangyari."
Flashback...
Rico's POV
"Mahal, unti-unti ng nalulubog ang kompanya natin dahil sa ninakaw na funds ng gagong 'yon!" Napabuntong-hininga ako sa frustration.
May kaibigan kaming pinagkatiwalaan namin ng sobra. Siya pa nga ang ginawa naming Vice President ng kompanya. Pero hindi namin inaasahan na nanakawin niya ang pera ng kompanya at umalis ng bansa. Wala na kaming nagawa ng hindi ma-trace kung saan siya nagpunta.
"Paano ba 'yan Rico, magha-highschool na si Zyra. Gusto pa naman niya doon sa sikat na university mag-aral. Ang mahal ng tuition doon. May binabayaran pa tayong utang dahil sa gago rin iyon na nilagay pa sa pangalan natin. Ginawa pa ngang collateral itong bahay e," naiiyak na pahayag ng asawa ko.
Napakalaking problema nitong kinakaharap namin. Naaawa na nga ako sa asawa ko, nagtatrabaho na rin siya ng sobra para makatulong sa akin.
"Huwag ka ng mag-alala, may naiisip na akong paraan."
"Ano namang paraan, Rico? Baka ikapahamak mo na naman 'yan."
"May kakilala akong binigyan ako ng side-line. Malaki-laki rin daw ang kita doon."
"Nagtiwala ka na naman, Rico."
"Huwag ka nga munang mag-isip ng mali. Ang importante ay mabigyan natin ng magandang buhay ang anak natin," sabi ko sabay yakap sa asawa ko.
...
"Pare, ano ba kasi itong trabaho natin? Talaga bang malaki ang kita dito?" tanong ko sa kasama ko. Lima kaming lahat at ang sabi ay itim ang isuot.
Mukha kaming mga goons nito. Pero mukha akong mastermind, ako lang kasi ang gwapo.
Tss... Nagawa ko pang magloko. Kinakabahan kasi ako. Nalilito ako kung bakit gabi kami magtatrabaho tapos papunta pa kami sa may mga cargo malapit sa pantalan.
"Tinanong mo pa! Malaking salapi ang makukuha natin sa raket na ito. Basta ang dapat mo lang gawin ay maging alerto."
"Alerto? Bakit? Ano ba talaga ang gagawin natin?"
"Huwag ka ng matanong. Andito na sila."
Bigla nagtago ang mga kasama ko sa mga cargo ng may dumating na dalawang van. Nakita ko ang pagbaba ng mga sakay mula doon.
Nanlaki ang mga mata ko ng may dala silang mga baril.
"Shit! Umalis na tayo dito!" aya ko sa mga kasama ko.
"Tumahimik ka Rico kung ayaw mong mamatay ngayon dito."
"Tangna ka pare! Wala sa usapan natin 'to! Masama 'to!"
"Wala akong pakialam pare basta may pera lang akong makuha dito. At wala ka nang magagawa kundi ang ipagpatuloy 'to. 'Di ka na pwedeng bumalik dahil makikita ka nila."
"This is bullshit! Siguraduhin mo lang na walang mangyayaring masama!"
"Ano ka ba, kukunin lang natin ang dala nilang malaking bag kapag umalis na 'yong iba. Isa nalang ang matitira kaya madali nalang gawin 'yon."
"Hindi niyo ba siya sasaktan?"
"Ano ka ba?! Syempre hindi! Pero kung magmamatigas siya... katapusan na niya."
Nanindig ang balihibo ko sa huli niyang sinabi. Binulong niya iyon kaya akala niya hindi ko narinig.
Hindi ito tama!
Hindi na lang ako nagreklamo pa at sumabay nalang sa plano. Pinagpapawisan na ako ng malagkit.
Diyos ko po. Patawad pero wala na akong magagawa pa. Ayaw ko man itong gawin pero buhay ko rin ang nakataya. May pamilya akong naghihintay sa akin. At ang anak ko po...
Nagsialisan na nga ang iba at isang tao nalang ang natira na may dalang bag. Parang may hinihintay siya...
"Oras na," sabi ng isa kong kasama.
"Teyka, sandali! Parang may mali—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla silang sumugod. Wala na rin akong magawa kundi ang sumunod.
Nag-aagawan na sila sa bag... Hindi na ako nakisali at lumingon-lingon sa paligid. May kakaiba akong nararamdaman.
"Ibigay mo na kasi sa amin 'yan kung ayaw mong masaktan!" sigaw ng kasama ko.
Pero matigas ang lalaki at hindi pa rin binibitawan ang bag.
"ITAAS NIYO ANG MGA KAMAY NIYO AT WALA NG GAGALAW!" Biglang may sumigaw.
"Shit! May pulis! Takbo na!"
Tatakbo na sana ako ng hindi ko akalaing babarilin ng kasama ko ang lalaki para makuha agad ang bag.
"Rico! Alis na!"
Pero hindi ako nakinig sa kanya dahil sa pagkabigla.
"Bahala ka na nga diyan!" Mabilis na siyang umalis.
Agad akong lumapit sa nakahandusay na lalaki.
"Patawad... Pasensya na! Dadalhin kita sa ospital."
Pero hindi ko na nagawa iyon nang may bakal na biglang tumama sa batok ko at nawalan na ako ng ulirat.
End of flashback...
"Paggising ko ay nasa selda na ako. Tapos ang mama mo nasa labas at iyak ng iyak," kwento ni Rico habang hinahawakan ang kamay ko. Naiiyak ako habang naalala ko ang araw na iyon.
"Ang masakit pa doon anak ay sa ibang bansa ikukulong ang Daddy mo. Dayuhan ang nagsampa ng kaso. Dahil siya lang ang nahuli, sa kanya pinataw ang lahat ng kasalanan na hindi niya naman ginawa. Napakalaki pa ng pyansa na ipinataw sa kanya," dagdag ko naman at humagulhol.
"Bakit hindi kayo nagbayad?" tanong ni Zyra.
"Kahit lahat man ng ari-arian natin ay hindi magkakasya. At sa panahon na iyon ay lubog pa tayo sa utang at nanganganib pa ang kompanya. Kung gagawin rin naman ng mama mo iyon, saan nalang kayo pupunta? Saan na kayo pupulotin?" sagot ni Rico.
"So, mas iniisip mo ang kapakanan natin sa halip na tulongan si dad?!" galit na baling ni Zyra sa akin.
"No, Zyra! Ako ang nagsabi sa Mommy na 'wag gawin iyon dahil nga sa inyo. Humingi na rin kami ng tulong sa Daddy ni Zac para maging lawyer ko. Kaya kung gaano katagal ako doon, ganoon din siya katagal nagtiis na malayo sa pamilya niya para lang tulongan akong makalabas. Kahit nga maliit lang ang porsyentong mananalo kami sa kaso. Nawalan na nga ako ng pag-asa noon pero hindi pa rin tumigil si Xander na lutasin ang kaso ko." Tumingin si Rico sa binata. "I am very proud of your father, Zac. And I'm very sorry if naging pabigat kami sa inyo," paumanhin ng asawa ko.
"Don't be, Tito. My father said that kagustohan niya ring tulongan kayo." Ngumiti siya sa amin. Kay bait ring bata, maganda ang pagpapalaki ng bestfriend ko sa anak niya.
Sa isipang iyon naman ako napatingin kay Zyra.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin agad ang lahat ng ito?" naninising tanong sa akin ni Zyra habang umiiyak.
"Natatandaan mo pa ba? Simula ng umalis ang papa mo, hindi mo na ako kinakausap. Lage mo nalang akong pinagtatabuyan at iniiwasan. Paano ko sasabihin sa'yo kung labis na ang galit mo sa akin? Naiwan na nga ako ng asawa ko... parang nawalan pa ako ng anak na sana ay ang kaisa-isang meron ako na pagkukunan ko ng lakas para hindi sumuko."
Napaiyak ulit ako sa labis na pagdaramdam at yinakap naman ako agad ni Rico.
"Alam mo bang ang sakit sakit ng mga pinaggagawa mo, anak? Nasasaktan na nga ako sa nangyari sa papa mo na hindi ko man lang natulongan dahil mas pinili naming unahin ka, tapos binabaliwala mo pa ako? Hindi mo rin alam ang hirap na naranasan ko para bigyan ka ng magandang buhay. Mag-isang kong itinayo muli ang kompanya natin. Todo kayod ako para lang may pandagdag bayad sa utang na hindi naman sana amin. Araw-araw gumagawa ako ng paraan para may mapadalang perang pangpyansa sa Daddy mo. Araw-araw gumagawa ako ng paraan para mapatawad mo ako sa kadahilanang hindi ko pinigilan ang pag-alis ng Daddy mo. Kung may magagawa lang sana ako dapat ay ginawa ko na. Sino ba naman kasi ang may gustong iwan ng asawa? Tiniis ko ring hindi mabisita ang Dad mo dahil nandito ka at hindi kita kayang iwan. Lage mo pang iniisip na wala akong oras sa'yo pero alam mo bang araw-araw pinupuntahan kita. Tulog ka, wala ka, ayaw mo akong makita, busy ka, paano mo mabibigyang pansin iyon kung hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon?"
Naninikip na ang dibdib ko dahil sa pag-iyak at sakit ng loob. Mahigpit naman akong niyakap ng asawa ko. Umiiyak na rin si Zyra habang yakap at inaalo rin siya ng nakangiting si Zac.
"Kita mo na? Ikaw itong masama e. Ayaw mo kasing makinig sa akin," narinig kong sabi ng binata sa anak ko.
Sa loob ng pitong taon ay napalabas ko na ang hinanakit ko na matagal ko ng kinikimkim. Pero hindi ko naman magawang sisihin si Zyra kung bakit siya nagkaganoon sa akin. Naiintindihan ko siya dahil anak ko siya at mahal na mahal ko pa.
"Mommy..."
Napaiyak ako ng marinig ang pagtawag niya sa akin at mabilis ko siyang niyakap agad. Iyak lang kami ng iyak habang magkayakap.
"Sorry po... Sorry, sorry, sorry! Patawad po talaga, My. Sorry po sa pagiging maldita, narrow-minded at ma-pride ko."
"Uy, 'yan ang tinawag ko sa'yo ah?" sabat ni Zac.
"Epal ka! Sinisira mo ang moment namin!" Natatawang binatakuan naman ito ni Zyra.
Nakangiting tumingin ako sa asawa ko. Nakita ko ang pagkindat niya.
At alam ko ang ibang niyang sabihin...
May prospect na kami para maging son-in-law.
"Kapal talaga ng mukha mo, 'di ka na nahiya sa parents ko," saway ulit ni Zyra. Tumatawa lang naman si Zac.
"Bakit naman ako mahihiya? Sa gwapo kong ito? 'Di ba Tita, Tito?" tanong pa niya sa amin at natatawang tumango naman kami.
"Feeling close ka, 'tol? Tss... Bahala ka nga diyan." Inirapan ni Zyra ang katabi at humarap sa amin.
"Group hug!" sigaw ng anak namin at lumapit sa amin. Naiiyak na naman ako. Pero dahil sa saya na ngayon.
Kompleto na ang pamilya ko, okay na rin kami ng anak ko. Kahit maraming taon ang nasayang, at least hindi pa huli ang lahat upang bumawi.
"Iho, group daw. Maki-hug ka na rin sa amin," sabi ng asawa ko.
"Sure, Tito? 'Di na po... 'Di na po dapat patagalin!"
Natawa kaming lahat. Gusto ko talaga ang batang ito.
Group hug nga ang sinabi namin pero si Zyra lang naman ang niyakap. Tapos siniko-siko naman siya ng namumulang anak namin.
Nakakakilig naman silang tignan. Parang kapanahunan lang namin ni Rico.
Nang biglang may humalik sa pisngi ko.
"Ano ba? Matanda ka na pero nakiki-pbb teens ka pa rin!" saway ko kay Rico na niyakap ako mula sa likod.
"Halika Zy, back hug rin kita!"
"Ito e-back hug mo! Nakakarami ka na ah?!" Tumatawang umiilag naman si Zac sa mga batok ng anak ko.
"Oh mamaya na 'yang lambingan niyo! Out of place ako dito!" reklamo bigla ni Ellen na nagpatawa sa aming lahat.
"Marami na akong nagawang pagkain para mag-celebrate tapos kayo... ay naku... makalabas na nga. Nang-iingit kayo!"
Tumatawang sumunod naman kaming lahat sa paglabas ni Ellen.