PAINTED CANVAS (Under Revisio...

By aerxxn

913 160 18

[Soon to be Published] BLURB Eve I. Meneses, a principled fourth year Architecture student and an artist who... More

DISCLAIMER
Prologue
Chapter 1: Persistence
Chapter 2: Nerve-wracking
Chapter 3: Paolo Jace Alarcon
Chapter 4: Captivated
Chapter 5: Lose
Chapter 6: Familiar Thing Almost Forgotten
Chapter 7: Memories, Madness and Longings
Chapter 8: Show What's Hidden
Chapter 9: Fond Feelings
Chapter 10: To Get Closer
Chapter 11: Kiss
Chapter 12: Best Friends
Chapter 13: A Lonely Way To Live
Chapter 14: Cherophobia
Chapter 15: Like A Stranger
Chapter 16: Outburst
Chapter 17: Vulnerable
Chapter 18: Darlene Pearl
Chapter 19: Crescent
Chapter 20: Home Visit
Chapter 21: Last Bloom
Chapter 22: Scathed
Chapter 23: Daylight Gloom
Chapter 24: Waning
Chapter 25: Broken Promises
Chapter 26: Shaded by Cruelty 1
Chapter 27: Shaded by Cruelty 2
Chapter 28: Contrast
Chapter 29: The Present
Chapter 30: I'm the Worst
Chapter 31: A Man's Thing
Chapter 32: Forgiveness
Chapter 33: Someone to be with
Chapter 34: Frail
Chapter 35: The Unsend message
Chapter 36: Vivid Revelations
Chapter 37: Behind her smile
Chapter 38: News
Chapter 39: Nightmares of guilt
Chapter 40: If this is the last time
Chapter 41: Faint Gleam
Chapter 42: Emptiness & reconcilation
Chapter 43: A pathernal love
Chapter 44: The aftermath
Chapter 45: Fading moonlight
Epilogue
Acknowledgements

Chapter 46: New Beginning

15 2 0
By aerxxn

Theo's POV:

Ilang taon na ang lumipas, ngunit ang mga kaganapan limang taon na ang nakakaraan ang siyang tumatak sa isip ko. Masyadong masalimuot kahit na sa katunayan, hindi ako ang nakaranas ng mga pangyayaring iyun. Naging saksi lamang ako sa kwento nina Meneses, Darlene at Paolo. Hindi ako makapaniwalang nangyare iyun sa tatlong magkakaibigan.

Iba-iba talaga ang sitwasyon ng bawat tao. Siguro ay nakadepende sa kakayahan ng taong tumanggap ang antas ng problema nitong kakaharapin. Wala naman yatang ibinigay na problema na hindi kayang masolusyunan, maliban na lamang kung kamatayan ang pumagitna sa tao, maging ang mapaglarong tadhana ng mundo.

Ibinaba ko na ang dala kong bulaklak sa mismong puntod. Taon-taon akong bumibisita kagaya ng nakasanayan.

"Huwag kang mag-alala. Nasa magandang pangangalaga lahat ng naiwan mo. Inaasikaso ng kaibigan mo..." wika ko sa puntod na nilumaan na ng panahon.

Siguro, kung buhay pa siya, nasa parehong antas ko rin siya ngayon. Nakapagtapos at may magandang trabaho kagaya ko. Nakakapag-enjoy rin naman sa edad na ito, stress din sa trabaho at ang malala ay maaaring pareho rin yata kaming namomroblema sa lovelife. Welcome to the bachelor's club, sawi sa pag-ibig edition.

I check my wristwatch. Matagal-tagal rin akong naghihintay. Wala pa rin siya. Naupo na lang ako sa damuhan at nagbunot bunot ng mga dahon ng damo. Ganiyan kapag nabuburyo na.

"Hindi ko alam na may lahing kabayo ka rin pala, stray dog."

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang dumating na siya.

"Am i going to call you stray horse starting today?" nang-aasar na tanong niya habang bumababa sa sinakyan niyang bisikleta.

"Oh? Akala ko hinimatay ka na naman sa daan, Mr. Successor." balik na asar ko. Ngumisi lamang siya bago ituon ang atensyon sa puntod ng kaibigan niya.

"Balita ko pupunta ka ng Maldives." wika niya.

"Yeah. I want to breath, mag-iisip isip na rin doon."

"I'll bust your peace of mind. If you have a spare time, kindly check Daylight..." anya na ikinasimangot ko.

"HUH? Bakit ako pa mag-aasikaso ng Hotel & Resort mo 'ron?"

Ngumisi lang uli ito at hindi na sumagot. Para namang may iba akong pagpipilian. Sa huli gagawin ko pa rin.

Akala talaga namin noon na iiwan na kami nitong supladong ito. Totoong nawalan siya ng hininga nung mga oras na 'yun. Sa isip ko noon habang nakikita ko ang kalagayan niya, i knew that he won't last already. Hindi ko na halos siya makilala sa binagsak ng pangangatawan niya. Ngunit sa mga oras na talagang bumigay na siya, hindi ko na rin maiwasan maging emosyonal. Naging kaibigan ko na siya kahit papano, na kahit lagi kaming nagbabangayan at nang-iinsultuhan sa isa't isa.

It's a miracle that time that he opened his eyes after some minute. Mas lalong umapaw noon ang emosyon nang malaman naming nagbalik siya.

Biglang nagring ang cellphone ko. Nang malaman kung sino ito, kaagad akong lumayo kay Eve para hindi niya marinig ang usapan sa tawag.

Habang papalayo ay may nakasalubong akong mag-ina na mukhang pamilyar sa akin. Siguro ay nakita ko na sila noon dito, isang beses nung bisita ko kasama si Meneses.

____________________________________

"How's there, Pao?" I asked and kneel down to remove the grasses pulled by Theo.

The gentle wind passes. Iniisip ko nga lagi na paraan niya iyun ng pagsagot sa'kin.

I'm here and alive. Malaki ang pagpapasalamat ko na binigyan pa ako ng pagkakataong mabuhay ng matagal. I can barely remember what happened that night. I knew that I saw the light, then I saw a glimpse of their faces, Paolo and my mom. They're both smiling at me from a distance bago lumabo ang imahe at matanto kong ang puting kisame ulit ng ospital ang makita ko.

It took me another year of medication para tuluyang maging cancer survivor. Hindi sumuko si dad sa pagpapagamot sa akin kahit pa halos maibenta na nya ang mga ari-arian maging ang kompanya niya.

"Mama, may tao po..." rinig kong sabi ng isang batang lalaki mula sa likuran ko.

Tiningnan ko kung sino iyun at bahagyang nagulat ako ng makilala sila. Tatlong taon na ang lumipas nang huli ko silang makita. I smile warmly as I turn my back to face them.

"Si Tito Eve mo kaya 'yan, di mo nakikilala?" natatawang sabi ni Sheena sa anak niya na ngayon ay nagtatago sa likuran niya. I chuckled and squated.

"Come here, Paul..." tawag ko sa bata. Tumitig muna ito ng matagal bago nagdesisyong lumapit.

I pat his head and pinch his cheeks. Malusog na bata. Now that I see this 6 year old lad, para nga silang pinagbiyak na bunga.

"Kamusta na kayo?" I asked Sheena. Ngumiti siya at bumuntong-hininga.

"Ayos lang naman. Kaso medyo mahirap magpalaki ng bata lalo kapag mag-isa lang. Ang kulit pa naman ngayon kapag ganyang edad..." then she chuckle and caressed his son's hair.

"Ganun talaga. Why don't you try to fall in love again? Give your heart another chance to have a relationship? Lumalaki na'tong bata, mahihirapan ka lalo kung wala kang katuwang." suhestiyon ko.

"Siguro kapag handa na ako. Sa ngayon kasi masaya na ako, kahit kaming dalawa lang ni Paul."

I hum and looked back at Paul na titig na titig pa rin sa akin, kagaya noong karga ko siya sa ampunan.

"Bibisitahin niyo ni mama ang papa mo?" tanong ko at tumango ito ng dalawang beses.

"Opo. Lagi po, lalo po kapag birthday ni papa, birthday ni mama tsaka birthday ko po. Minsan din po kapag may honors ako sa school." magalang niyang sagot.

"That's a good lad. Aral ka ng mabuti para matuwa si papa sa heaven."

Ngumiti siya at tumakbo. He started playing around, chasing on some fireflies. Napansin rin nito ang dala kong bisikleta at panay ang titig niya roon.

Paul is Paolo's son. Nagbunga ang isang beses na iyun sa kanila ni Sheena. Sa sobrang kalasingan ay hindi nito maalala ang nangyari sa kanila. It's sad that he didn't had the chance to know the child. Dahil rin sa takot ni Sheena ay tinago niya ang bata noon, at dinala muna sa ampunan.

This is the biggest mistake I had done to Paolo. Hindi ko alam noon, na ang plinano kong ipaampon sa mga dayuhan ay mismong anak ng best friend ko. Hindi na iyun mawawala, at hanggang ngayon ay isang bagay na pinagsisisihan ko.

"Paano kung doon mo na lang pag-aralin yung bata sa Ilarde Academy? I'll prepare his full scholarship hanggang college." suhestiyon ko.

"Hmmm... siguro kapag high school na siya. Sobrang layo kasi, tsaka bata pa siya. We're not ready to change our residence kasi maiiwan din mga naipundar namin dito. Di ko rin maiwan si mama na may sakit na ngayon..." sagot niya.

I respect her decision. Kung sabagay nga ay mas maaalagaan niya ng maayos ang bata dito sa probinsya. Malalayo rin sila kay Paolo kung magkataon.

Kumaway na sa akin si Theo kaya't nagpaalam na akong aalis. Tinawag ko si Paul na kaagad ring lumapit.

"Yung bike na 'yun, sa papa mo talaga yun. Niregalo ko sa kaniya nung birthday niya. Tutal at malaki ka na, ikaw na ang bahalang mag-alaga niyang bike..."

"T-talaga po? Akin na y-yung bike ni papa?" masayang tanong niya. I nod my head mess his hair.

Nang matapos magpaalam sa mag-ina, I went back and hop inside Theo's car. I seated on it's backseat.

"Pinagmukha mo naman akong driver. Nga pala, sino yung mag-ina kanina?"

"You forgot? Si Sheena tapos si Paul, anak ni Paolo..." I nonchalantly told, and he overly reacted. The best reaction goes to him.

"Sana sinabi mo agad! Hindi ko tuloy nakamusta... may susunduin pa kasi ako ngayon..." aniya at pinaandar na ang sasakyan.

I shrug and drink from the bottled water nang magtanong ito.

"Mahal mo pa ba si Darlene?"

Halos maibuga ko ang tubig dahil sa tanong nya. Napasigaw sya sa nagawa ko dahil natapon ang ibang tubig sa couch ng kotse niya. I frown and throw a stuff toy at him na mas ikinainis nya.

"Huwag mong ibato si Pororo!"

Hindi na lamang ako kumibo at tumingin sa labas ng bintana.

"Ano na? Asan na sagot mo?" atat na tanong niya.

"Bakit ko naman sasabihin sa'yo? Ikaw ba si Darlene?" pamimilosopo ko.

"Hindi ka talaga matino kausap. Tinatanong ko lang, paano kung dumating ang panahon at maalala ka niya bigla tapos bumalik siya? Anong gagawin mo?"

"Then I'll court her..."

"Edi gawin mo na! Bakit hindi mo kasi hanapin? Puntahan mo sa England, anong silbi ng limpak limpak mong pera kung di mo man lang gagamitin sa pag-ibig na 'yan???" sermon niya sa akin.

"Bakit hindi 'yang sayo ang asikasuhin mo..." at binato ko uli sa kanya ang isa pang stuff toy na mukhang dinosaur.

I just sigh and think deeply. I tried finding her in England before. Walang nakakaalam na pumunta ako roon para hanapin siya, but I only had limited time to search for her. Ayoko lang din sayangin ang pera ko para maghanap ng wala man lang lead. I'd rather donate the money in the orphanage.

"Nagpatulong na ako 'nun kay dad para hanapin si Darlene, pero wala siyang nakuhang detalye. Maybe she's doing well and had a good career there, so why bother disturb her life?" I nonchalantly said but deep inside me, something is pricking me.

"Napaka stubborn mo..." sukong pagkakasabi niya. I chuckle and give him my smug look.

"I'm not Eve Meneses if I'm not stubborn." I said just annoying him but I'm not stubborn. Well maybe just a bit.



End of Chapter 46:
New Beginning

Continue Reading

You'll Also Like

6.4K 5.3K 63
In the whimsical setting of Kingdom College, a campus that resembles Disneyland, a love story unfolds between the quirky Rosena and the introverted A...
377K 8.2K 40
He treats the world as if it is his exclusive doll house and people as his prized dolls, treating human emotion as trash. Pulling the strings to join...
780K 23.4K 47
When we get mad, sad or happy, tears fall down our faces, but not Skyler. She doesn't know how to cry, nor why she couldn't cry no matter how ruthles...
3.9K 1K 32
Angel Celeste Ferrer is a dreamer. She dreams that one day, she will be a famous painter, but her dream fades away when her dad died. Her dream dies...