Hidden Pages

Chencheniah

4 3 0

ANDRIANA KATE HERMOSA slash Bookworm. Babaeng handang ipagpalit ang lahat para lang sa libro. Parang baliw na... Еще

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17

CHAPTER 8

0 0 0
Chencheniah

CHAPTER 08

Nawala ako sa sarili ko kanina. Dahil siguro sa sama ng loob kaya bigla na lang akong dinala ng mga paa ko rito sa sementeryo. Napadalaw ako kay papa ng hindi pinaplano. Ngayon, gusto ko nang bumalik sa bahay dahil panigurado hinahanap na nila ako.

Malapit lang naman ang sementeryo sa bahay namin. Isang kanto lang ang pagitan kaya medyo walking distance lang. Sanay naman na akong maglakad mula rito hanggang bahay dahil parati ko itong ginagawa noon. Noong bago pa lang nawala si papa sa amin ay halos araw-araw ko siyang dinadalaw. Pakiramdam ko kasi, nag-iisa na lang si papa at iyon ay dahil sa akin.

T-Tita, baka po may alam po kayo na lugar kung saan parating pinupuntahan ni Andriana. Hindi pa man ako tuluyang nakapasok ng bahay ay alam ko nang boses iyon ni Venzyl.

Hijah, matanda na iyon. Kaya na niya ang sarili niya, rinig kong sagot ni mama.

Pero, tita, delikado po kasi para kay Andriana na mag-isa.

Hayaan na ninyo iyon. Kumain na lang kayo riyan ng hapunan habang hinihintay ninyo ang lakwatserang kaibigan ninyo.

Napabuntong-hiniga na lang ako dahil sa mga sinasabi ni mama. Hanggang ngayon ay may sama ng loob pa rin siya sa akin, sabi ko na lang sa sarili ko saka tuluyang pumasok at nagkunwaring walang narinig. Nandito na po ba si mama? tanong ko pa kay ate kahit alam kung nandito na nga si mama.

Oo, kanina pa. Nandoon siya sa kwarto niya. Nag-aalala ang mama mo sa iyo. Saan ka ba nanggaling? wika pa ni ate. Hanggang ngayon ay sinasadya pa rin niyang magsinungaling para hindi malayo ang loob ko kay mama.

Doon lang sa labas. Nagpapahangin lang po ako, sagot ko saka nilagpasan siya. Dumiretso ako rito sa kusina at nadatnan ko naman ang dalawa na kumakain. Pagkatapos ninyong kumain ay aalis na tayo. Kumuha pa ako ng bottled water sa refrigerator dahil tila nanunuyo ang lalamunan ko.

Where have you been? kalmadong tanong sa akin ni Trevor pero hindi ito nakatingin sa akin. Nakatutok lang siya sa baso niya na walang laman na tubig.

Ibinalik ko pa muna ang bottle sa refrigerator saka muling lumingon sa kanya. Nagpapahangin, maikling sagot ko.

Hmm Sinabayan pa niya ng pagtango. For 5 hours? aniya at hindi ko mahuhula kung sarkastiko ba iyon o simpleng tanong lang. You know what, were looking for you for almost f*cking 5 hours. We are all worried, dont you know that? We almost call a police just to ask for their help to find you. Kalmado lang ang boses niya pero parang may kasamang galit o paninirmon.

Ikaw lang naman iyong gustong tumawag ng pulis, Trevor, kaagad na dugtong ni Venzyl pero hindi siya pinansin nito at sa akin lang ang nakatuon ang kanyang paningin.

Im sorry. It was not my intension na mag-aalala kayo. Sa bahay kasi na ito, hindi ako nasanay na may mag-aalala. Iyon lang at saka iniwan sila.

Gusto kong puntahan si mama sa kwarto niya pero hanggang titig na lang ako sa kanyang pinto. Nami-miss ko siya, sobra. Sobra kong nami-miss ang paraan ng pagtrato niya sa akin noon. Minsan pa nga noon ay roon ako matutulog sa kwarto nila pero ngayon, hanggang dito na lang ako sa labas. Hanggang titig na lang ako at hindi na pwedeng pumasok. Kahit nga pagsama sa hapagkainan ay hindi na pwede.

Andriana, saan ka ba—

Venzyl, kung maninirmon ka rin naman pwedeng huwag muna ngayon? pakiusap ko rito sa kaibigan ko at wala na siyang ibang nagawa kung hindi ang mapasandal na lang sa pinto nitong kwarto ko. Hindi na siya nagsasalita at tinititigan lang ako habang pinagkrus ang kanyang braso. Mag-ready na kayo. Babalik na tayo sa apartment natin, sabi ko na lang kaya inayos naman niya ang kanyang mga gamit. Pakitawag na lang si Trevor, dugtong ko pa saka pumasok rito sa banyo.

Iyong parang tinatakwil na ako ng pamilya ko pero hindi pa rin ako nag-iisa dahil kay Venzyl. Hindi man niya alam ang nakaraan ko pero parang naiintindihan niya pa rin ako. Minsan nga nakukunsensya ako kapag nadadamay siya sa init ng ulo ko. Siya na nga lang mayroon ako pero minsan inaaway ko pa.

Saan siya? rinig kong tanong ni Trevor kay Venzyl. Kung hindi mo lang ako pinigilan kanina, ako na mismo ang maghahanap sa kanya.

Sus! Parang kabisado mo naman ang lugar na ito no? sarkastikong sagot naman ni Venzyl sa kanya.

Napailing na lang ako saka lumabas nitong kwarto at nagkunwari na namang hindi ko naririnig ang kanilang usapan. Tara na? alok ko sa kanila at diretsong kinuha ang bag saka lumabas. Napapansin ko namang sumunod na rin sila sa akin.

H-Hindi ka ba magpapaalam sa mama mo? tanong pa ni Venzyl nang nandito na kami sa salas.

Tulog na iyon, tanging sagot ko. Ate, aalis na po kami, paalam ko pa kay ate na naghuhugas ng mga plato.

Gabi na. Dito na lang kayo matulog.

Hindi na ho. May aasikasuhin pa po ako bukas ng umaga eh, tanggi ko at tanging tango na lang ang naisagot niya. Sige po, ate. Pakisabi na lang din po kay mama na salamat, Iyon lang at nagpaumuna na ako sa kanilang lumabas.

Kahit sa byahe ay wala pa ring kibo itong mga kasama ko. Siguro hinihintay lang nila ako na magsalita o ano. Basta sa ngayon, parang wala pa akong gana na ibuka ang mga bibig ko. Tinatamad ako kahit isang letra ang isambit. Pakiramdam ko ay sobra akong napagod kahit wala naman akong masyadong ginagawa. Ramdam ko pa rin ang bigat sa loob ko.

FLASHBACK

Hindi ko alam kung bakit ako napadpad rito. Basta ang alam ko lang ay masama ang loob ko at nasasaktan ako. Hindi pa rin ako nilulubayan ng konsensya ko kahit ilang taon na ang nakalilipas. Gusto ka na sanang limutin ngunit may mga tao pa ring patuloy na nagpapaalala sa akin.

Hi, pa. Napadalaw po ako sa inyo ng wala sa oras. Paano ba naman, sobra akong nasaktan sa sinabi ng kapatid ko. Si mama, hindi pa rin ako pinapansin. Papa, buong buhay ko pong dadalhin itong sama ng loob at pagsisisi sa sarili ko. Naiintindihan ko po sila kung bakit galit sila sa akin, kung bakit kinakamuhian nila ako. Alam ko naman po kung gaano kalaki ang kasalanan ko, lalo na po sa inyo. Huminga pa ko ng malalim kasabay ang pagpahid ng mga luha na walang tigil sa pagpatak. K-Kung hindi po ako naging pasaway sa inyo, siguro po hindi tayo maaksidente noong time na iyon. Sana po ako na lang iyong napuruhan at nawala. Kasalanan ko naman iyon lahat eh. Kinuha ko pa ang mga dahon na nasa ibabaw ng kanyang puntod. Pero malapit na rin po naman akong pumunta riyan sa kinaruruonan mo po. Ang sa ngayon po, gusto ko sanang magkaayos kami ng kapatid ko at ni mama. Ayoko pong mawala nang hindi ko pa po muling masisilayan ang ngiti nila. Nami-miss ko sila, pa. Sobra-sobra. Hindi ko na mapigilan pa ang paghikbi dahil sa sikip ng dibdib ko. Gusto kong sumigaw pero tilay nawalan ako ng tinig.

END OF FLASHBACK

Isang malalim na buntong-hiniga ang pinakawalan ko saka ako tumayo at bumaba nitong bus. Para akong lutang na naglalakad sa daan papunta sa apartment namin. Akala ko, makakabalik ako rito ng masaya. Iyon pala, lungkot ang ibinalik ko. Nasaksihan tuloy ng mga kaibigan ko kung gaano kasaya ang pamilya namin. Tsk!

Good night, paalam ko saka bubuksan na sana ang pinto nitong kwarto ko nang bigla akong pinigilan ni Trevor.

You have to eat your dinner first before you go to bed, aniya at hindi pa man ako makasagot ay marahan niya akong hinila papunta rito sa kusina at pinaghila ako ng upuan. Sit down, wika pa niya kaya kunot-noo ko naman siyang tiningnan. Ipagluluto kita. Madali lang ito.

Busog pa ko, tanggi ko at tatayo na sana ako nang hawakan niya ang aking magkabilang braso. Talagang nanlaki ang mga mata ko nang isang palad na lang ang pagitan ng aming mga mukha. Nakakaduling nga dahil sa sobrang lapit.

Huwag na matigas nag ulo, bulong niya na siyang dahilan kung bakit tumatayo ang mga balahibo ko. Adobong pusit is your favorite, right? aniya saka umayos ng tayo.

Paano mo nalaman? kalmadong tanong ko.

Nabasa ko sa kwento mo na nakasulat sa libro, biro pa niya habang nakangiti.

Tsk! Baduy mo, pasiring na sabi ko saka nag-iwas sa kanya ng tingin.

Narinig ko naman siyang tumatawa pero kunwari hindi ko pinapansin. Nakita ko siya sa gilid ng aking mga mata na sinimulan na niyang lutuin ang pagkain. Ayoko nang tumanggi pa at hinahayaan ko na lang. Hindi pa man ako gutom pero sige lang, pagbibigyan ko siya.

Kung papupuntahin ko rito si Zyrel tapos lulutuan ako, siguro kikiligin ako. Hindi ba, Trevor? biglang sulpot ni Venzyl sa likod ko at napailing na lang ako dahil alam kong mang-aasar na naman ito.

Kaya nga. Pero itong kaibigan mo, ang hirap pakiligin eh. Tinuro-turo pa ako ni Trevor kaya tinaasan ko siya ng kilay. Oh kita mo na? Nagmamaldita pa, aniya habang umiiling-iling.

Matatawag na siguro akong maswerte sa lagay na ito. Kung hindi kaya sila dumating sa buhay ko, anon a kaya ang nangyari sa akin? Kung hindi ko sila nakilala, sasaya ba kaya ako ng ganito?

Продолжить чтение

Вам также понравится

HE'S INTO HER Season 1 maxinejiji

Любовные романы

372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
122K 5.4K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
Twisted Reincarnation Nam Garcia

Любовные романы

148K 3.6K 54
What will you do if you end up in someone else body?
4.1M 114K 43
THIS IS A BL STORY!