Filay (one shots)

Da Trois24

8.1K 249 172

Compilation lang ito ng iba't-ibang kantang narinig ko at ayun, bigla nalang nabuo sa utak ko itong mga kwent... Altro

Umuwi ka na baby
Naliwanagan
Mga babae nga naman
Lahat gagawin para saiyo
Nahuhulog na ako, pero bakit? (part 1)
Nahuhulog na ako, pero bakit? (part2)
Nahuhulog na ako, pero bakit? (part3, sa wakas!!)
Sa'yong sa'yo at laging ikaw
Mga Paandar at pasabog
Señorita
Mga pag-aalinlangan ng puso
Binibini
Mga kaganapan at kaguluhan
Pahabol na kilig
Hawak kamay
Paadd Po ng extra 2k
A date in NeverLand
Nahuhulog na ako, pero bakit? (supposedly another ending)
Peter losing Wendy
Kailan mo naramdaman?
Ngayon, ako naman

Mahiwaga

372 12 8
Da Trois24

"Basilio, ilang taon na nga ba ulit ang iyong ate Klay?"
"Ha?"
Napatingin sa kanya ang kaibigan. Ngumiti naman siya rito.
Humawak ito sa kanyang baba at nag-isip..
"Sa wari ko, at kung titignan ang wangis ni ate Klay ay nasa kaparehong edad lamang natin siya pero ang sabi nya ay nasa trenta anyos o mahigit pa sya. Magkaiba raw ang oras natin sa oras ng kanyang mundo kung kaya't hindi nagbago ang kanyang anyo.. Ewan ko Isagani, naguguluhan ako. Alam mo namang may hiwagang bumabalot sa pagkatao ni ate Klay."

"Ganoon ba?" Patangu-tango niyang pagsagot.


Kapag katanghalian..

"Binibining Klay, nais mo bang tulungan kita sa pagsisiga niyan?"
"Oh Isagani! Sige nga, ikaw nga magpaningas nito at hirap akong gawin kapag walang lighter or posporo. Kelan ba kasi mauuso ung lpg dito. Natatagalan tuloy ako magluto."
Saad nito habang binigyang daan siya nito patungo sa lutuan.
"Thank you ah!" Pagpapasalamat nito na may kasamang matamis na ngiti.
Napatulala naman si Isagani sa ganda ng ngiting ipanapakita sa kanya ng dalaga. Napakurap siya, madaling ginising ang sarili sa muntikang pananaginip at sinimulang paningasin ang lutuan

Nagtungo naman si Klay sa mesa upang ipagpatuloy ang paghihiwa ng mga gulay nang marinig niya itong umawit.

 Napapangiti mo ako
Kahit 'la ka namang ginagawa
Parang di na to nakakatuwa
Nahuhulog na sayo
Tadada
Tadada
Tadada
Tadadadada


Flashback

"Ayos ka lang ba Isagani? Bat mag-isa ka dito? Umiiyak ka ba? Siguro nag-eemote ka no?"

Napalingon si Isagani sa kanyang likod ng marinig ang boses ni Binibining Klay. Pinahid agad niya ang luha sa mga mata upang hindi ito makita ng dalaga.

"Hindi no! At bakit naman ako luluha? Para saan?"

Inabutan siya nito ng salabat at umupo ito sa kanyang tabi.

"Ah Binibining Klay, maaari bang magtanong?"
"Oh sure, kahit ano basta keri ng powers ko."
Nakunot ang muka niya sa mga salitang binitawan ng dalaga na hindi mawari ngunit hindi na niya iyon pinansin.

"Nang magkawalay kayo ni Ginoong Fidel, ano ang iyong naramdaman?"

"Hmm?! Why so serious ang tanong natin sir? mukhang matindi pinagdadaanan natin ah?"
"Tsk! Huwag na nga lang, akala mo siguro ay nagbibiro ako."
"Hahaha init ng ulo. Joke lang naman, kala ko kasi puro ka lang kalokohan may serious mode ka rin pala...pinapatawa lang kita."

Sinamaan niya ito ng tingin ngunit ngumiti lang ito at sumenyas ng gamit ang dalawang daliri.

"Peaacee?"
"Ganyan ba ang tingin mo saakin Binibining Klay?"

Walang emosyong saad niya.
Sumeryoso rin ang mukha ng dalaga

"Sabi ko nga seryoso ka..."

Tahimik lang siyang humigop ng salabat.
Nagsimula itong magsalita muli.

"Sabi ko nga senyo, iba yung timeline sa mundo ko. Kaya isang linggo lang para sakin nag isang dekada pero yung pakiramdam na mawalay or isipin na hindi mo na makikita yung taong mahal mo is masakit para sakin. Nakakatakot. Nakakabaliw..."

"...pero minsan may mga taong pinagtagpo lamang pero hindi itinadha para sa isat-isa..Siguro sinuwerte lang din ako dahil pinagbigyan pa ako ng tadhana, kaya di ko sasayangin yung pagkakataong ibinigay sakin."

Tumayo ito at hinawakan ang kanyang kanang braso sabay ngumiti.

"Oks lang yan, bata ka pa naman."

At saka umalis.

Pinagmasdan niya itong lumakad patungo sa lugar ni Ginoong Fidel at Ginoong Taga usig at nakipag-usap.
Humigop syang muli ng salabat.

"Matamis."

Matapos ang hapunan ay napag usapan na bago matulog ay hahandugan sila ng isang awitin ni Binibining Klay. Nakagawian na ito sa kuta kung kaya inabutan ni Ginoong Hernando ng gitara ang dalaga at nang makapwesto ay nagsimulang umawit

Napapangiti mo ang aking puso
Giliw 'di mapigil ang bugso ng damdamin ko
Mukhang mapapa-amin mo amin mo
Giliw nagpapahiwatig na sa'yo
Ang damdamin kong
Napagtanto na gusto kita
Gusto kita
Gusto kita
Gusto kita
Gusto kita
Ano'ng salamangkang meron ka
Binabalot ka ng mahika
Ano'ng salamangkang meron ka
Ako'y nabihag mo na
Ako na nga'y nabihag mo na

Habang umaawit ito ay nagtagpo ang mga tingin ni Isagani kay Binibining Klay at ngumiti ito sa kanya.

Pumintig ang puso niya.

Ano ito? Kaba?
Kinabahan siya?
O lumukso ang puso niya?

Umiwas siya sa tingin ng babae at lumikod kay Basilio. Tinignan naman siya ng kaibigan.

"Bakit?" Asik niya
"Wala naman." Sagot ng amigo

Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Isagani.
Isang ngiti mula sa isang dalaga ang gumugulo sa kanyang gunita.
Napaupo siya sa pagkakahiga.

"Bakit?! Hindi maaari!"


Kinabukasan, oras ng almusal.

"Magandang umaga Basilio..
..Isagani, good morning."

Kay ganda at aliwalas ng kanyang mukha aniya sa loob loob. Napasimangot siya.

"Oh bakit?"
"Wala!" Pagmamaangan ni Isagani.

Isang hapon naman.

"Isagani, nasan ang iyong amigo na si Basilio?"
"Mang Hernando, Bakit humahangos kayo? Wala si Basilio, nagtungo siya sa bahay ni Kapitan Tiago."
"Naku po, paano ito."
Pag-aalalang sambit nito

"Kuya Hernando, bakit? Anyare?"
"Binibining Klay, mabuti at nariyan ka! Madali! Kailangan namin ng iyong tulong."

Dali dali silang nagtungo sa lugar kung saan naaksidente ang isa nilang kasamahan.
Nilapitan agad ito ng dalaga at binigyan ng paunang lunas.
Walang paki sa dugo at sugat sa kanyang harapan.

"Nakamamangha."
Bulong ni Isagani sa sarili.

End of Flashback

Halata na ba
Na pinagmamasdan kita, sinta
Paligid ko'y humihinto
Tuwing lumilingon sa iyo
Ayoko sanang
Palipasin pa ang oras na
Di ko masabi sayo
Etong nararamdaman ko
Pero itatanong ko muna kung
Di ka ba nababahala na
Unti unti
Na akong nahuhulog sa iyo
Baka di gusto pero
Napapangiti mo ako
Kahit 'la ka namang ginagawa
Parang di na to nakakatuwa
Nahuhulog na sayo

"Napakaganda ng awiting iyong kinakanta Binibining Klay...isa ba itong awitin tungkol sa isang taong may lihim na pagtingin?"

"Oo. ang cute ng meaning ng kanta no? simple lang yung mga liriko nya pero parang nasasabi nya yung nararamdaman ng isang taong umiibig ng palihim.."
"Syang tunay Binibini."

Tahimik lang na nakikinig si Isagani sa pag-awit ng dalaga.
Masaya ang kanyang nararamdaman.
Tanging sila lamang ang narito na nagbibigay ng kaunting kaba sa kanyang dibdib.
Siya at ang babaeng lihim niyang...

"Klay? Narito na kami."
At syang pagdating ni Ginoong Fidel at Basilio.

"Fidel. Basilio. Kamusta lakad nyo?"

Malapad ang ngiti ng babae sa lalaking kaharap nito. Pinanuod niya ang pag-uusap ng dalawa.
Tumayo siya sa kanyang inuupuan at lumabas na ng kusina.
Hindi pansin na may isang pares ng mga mata ang nakamasid sa kanyang ikinilos.

"Isagani "

Nakatayo siya, pinagmamasdan ang paligid nang marinig nag tinig ng kaibigan. Sinundan pala siya nito.

"Basilio."

Tumayo din ito sa kanyang tabi. Hindi nagsalita at pinakiramdaman lamang siya.

"Alam ko may nais kang sabihin amigo."

"Akala mo bay hindi ko napapansin?" Panimula nito.
"...alam mo namang hindi na maaari, hindi ba?"

"Alam ko Basilio.. alam kong hindi na maaaari pero isang araw hindi na lang namalayang sinusundan na pala sya ng aking mga mata. Na isang araw bigla na lang ang mga ngiti niya ang nagbibigay kulay sa araw ko. Na sa tuwing magtatagpo ang aming mga mata ay tila humihinto ang oras at nawawala ang lahat ng tao sa paligid."

".. Pinigilan ko naman pero talagang nabighani na ako sa kanyang angking kahiwagaan. Sa tapang at mga paniniwala niya bilang isang babae. Tunay na napakahiwaga ni Binibining Klay...kung kaya't hindi ako magtataka kung bakit ganoon na lamang ang pagmamahal sa kanya ni Ginoong Fidel na kahit naglaho man ito ng isang dekada ay hindi niya naialis ito sa kanyang puso."

Malungkot siyang napangiti.

"Amigo.." Hinawakan nito ang kanyang braso.

"Huwag kang mag-aalala amigo, wala naman akong balak ipaalam itong nararamdaman ko sa iyong Ate Klay. Masaya na akong ganito... Masaya na akong makitang masaya siya.."

Maluha luha niyang pag-amin.

"Hindi ko sasabihing pigilan mo ang iyong damdamin dahil kahit kailan ay hindi naman nauutusan ito ngunit mapaano pa man ay narito lang ako upang ikaw ay damayan sa oras na kailangan mo ng kaibigan..."
"...at iiyakan."

"At bakit naman ako iiyak kaibigan? Mukang mali ang pagkakakilala mo sa akin amigo!"

Pag-iiba niya ng paksa na siyang ikinatawa nilang magkaibigan

"Basilio! Isagani! Narito pala kayo, kanina ko pa kayo hinahanap! Tara na at oras na nang panaghalian, magdali kayo kung ayaw ninyong masermunan ng inyong ate Klay!"
"...Ano bang pinag-uusapan ninyo at dito pa talaga kayo sa taas ng burol."

Saad ni Ginoong Fidel na medyo hapo sa paglakad paakyat sa kanila. Nagkatinginan sila ni Basilio.

"Ahm wala naman ho Señor Fidel...tungkol lang ito sa aming mga aralin sa susunod na semestre."
Palusot ng kaibigan.
"Tama ho ang sabi ni Basilio. Tungkol lamang ito saming mga aralin.."

Tumakbo na si Isagani at iniwan ang amigo at Ginoo

"...Mauuna na ako sainyo, ayokong mapagalitan ni Binibining Klay. Sasabihin ko na ang tagal ninyong kumilos."

"Aba lokong bata ito ah. Hintay Isagani!"

Paghabol naman ni Ginoong Fidel at sya na ring pagsunod ni Basilio.

Tama nang nakatagpo ni Isagani ang isang mahiwagang babae sa buhay niya at masaya na siya sa kung anong meron sila ngayon. Siguro kung pagbibigyan ng tadhana ay makakahanap rin, ulit siya ng taong mamahalin niya at mamahalin din siya.






Notes:
Naisip ko lang, what if magkaroon ng feelings si Isagani kay Klay.. Huhu ngalang alam natin na hanggang ganun na lang yun.
Sana ay maibigan ninyo ito.

https://open.spotify.com/track/0EFa7HXaZUAzu9q1UdVPBR?si=oim9gDBEQIePhWAHI44ZOQ&utm_source=copy-link

https://open.spotify.com/track/47sq83n5WN22ZzYnGn8aTy?si=VyXFHFgSQ42CIf79F2aTvA&utm_source=copy-link

Continua a leggere

Ti piacerà anche

7.6K 335 8
Levi Ackerman grew obsessed with video games, and continued to play online with friends. But... he meets an unexpected gamer. A gamer who was a girl...
72.5K 2.9K 37
Hanabi, the wielder of the demonic Higanbana, stepped out from their small village to seek vengeance over the assassination of her father. However...
1.5K 153 50
shut up, I know this sucks shit
3.8K 210 18
We all make mistakes. Sometimes Gods are not perfect. Sometimes we try to do things for the right reasons. There are times where ordinary mortals fin...