Never Cry Murder

By Serialsleeper

3.4M 177K 120K

The Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love? More

Prologue
Chapter 1: Wretched Soul
Chapter 2 : On Duty
Chapter 3 : Love and other stuff
Chapter 4 : Seven days of nothing
Chapter 5 : Finding Serenity
Chapter 6: The price to pay
Chapter 7: The Haunt is on
Chapter 8: Samson
Chapter 9: Be Good
Chapter 10: Blasphemy
Chapter 11: She's a goner
Chapter 12: Pass the message
Chapter 13: Manifestations
Chapter 14: What really happened?
Chapter 15: Salvation
Chapter 16: Be rational not emotional
Chapter 17: A truce
Chapter 18: The Jemaima Program
Chapter 19: Breaking Point
Chapter 20: They found me
Chapter 21: Truth or Perish
Chapter 22: Visitors
Chapter 23: Alarmed
Chapter 24: Time to let go
Chapter 25: Decipher
Chapter 26: Parting Time
Chapter 27: Epilogue
Chapter 28: Prologue
Chapter 29: A new chapter
Chapter 30: The thing about you and I
Chapter 31: The words he longed to utter
Chapter 32: Collateral Damage
Chapter 33: Jorino
Chapter 34: You reap what you sow
Chapter 35: The Verdict
Chapter 36: Here comes goodbye
Chapter 37: The Dead Girl
Chapter 39: Silver Lining
Chapter 40: The Last Goodbye
Chapter 41: Listen to the expert
Chapter 42: Your beliefs, Your principles
Chapter 43: Just a warning
Chapter 44: In times of desperation
Chapter 45: Kin
Chapter 46: Let's play numb and dumb
Chapter 47: Connivance
Chapter 48: The Monster she became
Chapter 49: Havoc and Farewell
Chapter 50: When tables are turned
Epilogue (Part 1 of 2)
Epilogue (Part 2 of 2)
Dear Bruh...
Special Chapter #1: First Words
Special Chapter #2: Stay Strong Jorino

Chapter 38: Scribbled

53.4K 3K 4.5K
By Serialsleeper

38.

Scribbled

Third Person's POV

Unti-unting idinilat ni Serenity ang namumugto niyang mga mata at agad niyang nakita si Ponzi na nakaupo malapit sa kanya at hawak-hawak ang kamay niya. Kanina pa siya nito binabantayan at pinagmamasdan.

"P-ponzi..." Agad niyang sambit at hinawakan pabalik ang kamay nito.

"Mabuti at nakikilala mo na ako." Nakangiti man, bakas ang lungkot mula sa namumulang mga mata ni Ponzi.

"B-bakit? Anong nangyari?" Nauutal man at hilong-hilo pa, sinubukan ni Serenity na maupo sa kama kaya naman dali-dali siyang inalalayan ni Ponzi hanggang sa kapwa na sila magkaharap sa isa't-isa. Hindi nito maalala ang nangyari sa eskwelahan.

 "Serenity bigla kang naghysterical nang makuryente ka ni Jojo, pati ako hindi mo ako nakilala kanina. Takot na takot ka..." Nag-aalangang sambit ni Ponzi na animo'y hindi sigurado kung tama ba ang desisyon niyang sabihin ito.

"Ano?!" Biglang nataranta si Serenity sa narinig, "P-ponzi may nakakita ba sa nangyari sakin? Marami bang nakakita?" Nauutal nitong sambit na animo'y may kinakatakutan.

"'Wag mo nang alalahanin ang sasabihin ng iba. Magpahinga ka nalang." Giit na lamang ni Ponzi pero imbes na kumalma ay bigla na lamang tumayo si Serenity na animo'y may hinahanap.

"Ponzi nasaan ang bag ko?" Aligaga nitong sambit kaya agad na napakamot si Ponzi sa kanyang ulo.

"Naku sorry, naiwan siguro namin sa school kanina. Nagmadali na kasi kaming ihatid dito sa apartment, pasensya na talaga. Ano bang laman ng bag mo?" Tanong pa ni Ponzi pero imbes na sumagot ay bigla na lamang umiyak ng umiyak si Serenity dahilan para mataranta ang binata.

"Teka babalikan ko, 'wag ka nang umiyak, sorry talaga!" Natatarantang sambit ni Ponzi at lalabas na sana ng kwarto pero bigla na lamang hinawakan ni Serenity ang kamay niya dahilan para agad siyang mapalingon rito.

"Ponzi 'wag na." Umiling-iling si Serenity, "Dito ka nalang please?" Pakiusap nito sa pagitan ng kanyang mga hikbi.

"Sigurado ka ba? Ba't umiiyak ka parin?" Naguguluhan at nag-aalalang sambit nito saka muling naupo sa tapat si Serenity.

Huminga ng malalim si Serenity at pinunasan ang kanyang  luha gamit ang nanginginig na mga kamay, pinilit niyang ngumiti para kay Ponzi, "Zosimo naman eh! Iyakin talaga ako! Masanay ka na! Sige na, dito ka lang muna sa tabi ko!" Pamimilit nito na para bang isang batang naglalambing.

"Madali akong kausap." Napangisi si Ponzi at bigla na lamang niyakap si Serenity ng mahigpit hanggang sa kapwa sila matumba at mapahiga sa kama habang tawa ng tawa.

 "Ayan ka na naman eh, china-chansingan mo na naman ako eh!" Nakangiwing sambit ni Serenity nang kapwa sila magkaharap sa isa't-isa.

"Bakit? Ayaw mo?" Biro ni Ponzi habang nakabusangot.

"Gusto!" Biro naman ni Serenity habang nakangisi.

"Nawala man ang alaala mo, siraulo ka parin talaga. Pasalamat ka di ako manyak." Tumatawang sambit ni Ponzi at hinigit si Serenity upang mahiga sa balikat niya.

"Sa lagay nato hindi ka manyak?" Sarcastic sambit ni Serenity habang tumatawa, "Hoy kung hindi ka manyak dapat nasa sala ka at nagpapaka-gentleman!" Biro pa nito.

"Edi manyak na kung manyak." Pagmamalaki ni Ponzi at bigla na lamang niyakap si Serenity papalapit sa kanya hanggang kapwa na magkadikit ang mga noo nila.

"Hoy Agapito Zosimo Tanya..." Mahinang sambit ni Serenity habang tinititigan ang mga mata nito.

"Ano yun, Mary Serenity Samonte?" Tanong pabalik ni Ponzi habang may ngisi parin sa kanyang labi.

"Mahal kita kahit siraulo ka." Pagmamalaki ni Serenity pero ngumiwi lamang si Ponzi.

"Pwede bang ulitin mo tapos yung mas sincere pakinggan?" Nakabusangot na pasaring ni Ponzi.

"Sorry bruh, that's just how it is." Tumatawang sambit ni Serenity at walang kagatol-gatol na hinalikan si Ponzi.

Nagulat man sa ginawa nito, agad na napahawak si Ponzi sa pisngi ni Serenity at ginantihan ito ng malalim na halik. Tila ba nagkaroon ang dalawa ng sarili nilang mundo, kapwa nila pinadama sa isa't-isa ang pagmamahal sa pamamagitan ng bawat halik gaya ng parati nilang ginagawa noon pa.

Hindi na napigilan pa ni Serenity na mapaungol nang maramdaman ang pagbaba ng labi ni Ponzi patungo sa leeg niya samantalang ang kamay naman nito ay unti-unting humahaplos sa bewang niya.

Sa isang iglap ay bigla na lamang tumunog ang cellphone ni Serenity dahilan para kapwa sila mapabitaw ni Ponzi mula sa isa't-isa.

"Distorbo." Pabirong ngumiwi si Ponzi.

"Nope, more like sign ni God na kailangan nating mag-behave." Tumatawang sambit ni Serenity at naupo na lamang saka sinagot ang tawag na mula sa kanyang ama.

"Dad! I miss you po!" Bulalas ni Serenity habang pinipigilan ang luha niya.

Natuwa si Ponzi nang mapansin ang saya ni Serenity kaya maging siya'y napaupo din at napasandal sa dingding.

Nang makitang tapos na si Serenity sa pakikipag-usap sa kanyang ama ay agad na hinila ni Ponzi si Serenity dahilan para mapasandal uli ito sa kanya.

"Serenity may tanong ako sayo." Sabi pa ni Ponzi.

"Whatizit mukhang pakshit." Pabirong sambit ni Serenity sabay hawak sa kamay ni Ponzi na nakapulupot sa kanya.

"Bumalik na ba ang alaala mo? Yung ugali mo kasi ngayon..." Sabi pa ng nakangising si Ponzi dahilan para agad na ma-blangko ang ekspresyon sa mukha ni Serenity.

Umiling-iling si Serenity, "Pero Ponzi kahit na anong mangyari mahal kita. Tandaan mo 'yan parati okay?"

Agad na nawala ang ngiti sa mukha ni Ponzi at otomatiko siyang napabitaw kay Serenity dahilan para lumingon ito sa kanya habang nakakunot ang noo.

"May problema ba?" Tanong ni Serenity sa seryoso na ngayong si Ponzi.

"Serenity ako ang dapat magtanong sayo niyan may problema ba?" Tanong nito pero ngumiti lamang at umiling si Serenity.

"Ikaw ang problema ko, antok na antok na ako pero nilalandi mo ako." Biro ni Serenity at nahiga na lamang ulit.

"Oo na, goodnight na." Napabuntong-hininga na lamang si Ponzi saka muling pinahiga si Serenity sa balikat niya't niyakap ito hanggang kapwa sila makatulog.

****

"Tulong! Tulong!" Paulit-ulit na sumisigaw si Jojo habang kumakaripas ng takbo. Hindi siya lumilingon o humihinto kahit pa hirap na siyang huminga, isa lang ang importante sa kanya at iyon ay ang makalayo. Pati ang hawak niyang ice cream at mosquito swatter ay nabitawan na niya sa sobrang pagmamadali.

Oo nga't may iilan siyang mga nadadaanang mga bahay at establismento ngunit wala namang lumalabas mula sa mga ito para tulungan siya. Ayaw din naman niyang katukin ang mga ito sa takot na baka maabutan lamang siya ni Dexter.

Habang tumatakbo ay pilit siyang naghahanap ng matatawagan, gustuhin man niyang humingi ng tulong sa pamilya niya ay hindi niya magawa sa takot na baka malaman ito ng nanay niya kaya si Ponzi na lamang ang tinawagan niya.

"Bakit?" Inis na sambit ng antok na antok ng si Ponzi mula sa kabilang linya.

"Pre! Tulong! S-si Putol kamay! Kinuha niya si Penny!" Humahangos na sambit ng takot na takot nang si Jojo.

"Ano? Jojo hindi kita maintindihan!" Giit ni Ponzi, "Dahan-dahan lang!"

"Ayokong magdahan-dahan aabutan niya ako! Ayokong mamatay! May humahabol sakin! Si Putol kamay! Basta pre kung matagpuan niyo ang bangkay ko 'wag mong sasabihin sa nanay ko ang totoo, ang sabihin niyo inatake ako sa puso o kaya nabulunan lang ako ng laway!" Giit ng natatarantang si Jojo na sa sobrang takot ay hindi na alam kung anong gagawin pa.

"Jojo sandali! Ano ba talagang nangyayari?! Sinong Penny?!" Muling giit ng naguguluhang si Ponzi lalo na't paputol-putol ang naririnig niya dahil sa humahangos na pananalita ng tumatakbo at hingal na hingal na si Jojo.

"Si putol kamay! Nakita kong dinukot niya si Penny na buhay na akala natin patay! Tangina maniwala ka—" Nahinto si Jojo sa pagtakbo nang bigla na lamang dumaan ang isang police car at huminto ito malapit sa kanya dahilan para agad siyang makahinga ng maluwag.

"Holy Jomomo!" Napasigaw na lamang si Jojo sa tuwa sabay hawak sa dibdib niya. "Nevermind boy gilagid. May pulis na. Pakisundo nalang ako sa presinto at bayad na ang utang mo." Walang kagatol-gatol na sambit ni Jojo at bigla na lamang pinutol ang tawag.

Sa paglapit ni Jojo sa police car ay siya namang paglabas ng isang may-edad ng babaeng pulis mula dito.

"Hijo okay ka lang? Ikaw ba yung itinawag ng mga taga dito dahil nagsisisigaw at humihingi ng tulong?" Tanong ng babaeng pulis na bulag ang kaliwang mata.

Agad tumango-tango si Jojo na ngayo'y bahagya ng nahimasmasan.

"Tara sa presinto." Maotoridad na sambit nito kaya naman dali-daling pumasok si Jojo sa harapang bahagi ng sasakyan at kinabit ang seatbelt niya.

Nang maupo sa loob ng sasakyan ay agad na napapikit si Jojo at napasandal sa kinuupuan. Napahawak siya sa dibdib niyang napakalakas parin ng tibok dahil sa sobrang kaba at paulit-ulit siyang huminga ng malalim.

"Anong pangalan mo hijo?" Tanong ng pulis nang maupo ito sa driver's seat.

"Jorino Jomomo Tirador pero parang-awa niyo na po, wag niyo pong tatawagan ang mga magulang ko lalo na ang nanay ko. May sakit po siya sa puso." Pakiusap ni Jojo na nakapikit parin at pinipilit ang sariling kumalma.

"'Wag kang mag-alala Jorino, walang talagang ibang makakaalam."

Otomatikong naidilat ni Jojo ang mga mata nang marinig ang pamilyar na boses ng isang lalake mula sa likuran niya. Dahan-dahan siyang napalingon at napanganga na lamang siya nang makita si Dexter na nakangisi habang hawak-hawak ang isang notebook na pagmamay-ari ni Serenity.

Napasinghap ng napasinghap si Jojo na mistulang hirap na sa paghinga dahil sa labis na gulat at takot. Gamit ang nanginginig niyang mga kamay ay sinubukan niyang tanggalin ang seatbelt niya ngunit natigil siya sa paggalaw nang narinig niya ang pagkasa ng isang baril.

Napalingon si Jojo sa katabing babaeng pulis at tuluyan siyang naiyak nang makitang may hawak itong isang baril at ngayo'y nakatutok na ito sa kanya.

"'Wag kang matakot. Tutulungan ka ni Tatang na maging isang mabuting tao." Walang emosyong sambit ng babaeng pulis.

Hindi na nakapanglaban si Jojo nang bigla na lamang itinakip ni Dexter ang isang panyo sa bibig niya hanggang sa ilang sandali pa'y tuluyang nawalan ng mala yang binatang si Jojo.

"Tara na Ate Rachel, Ihatid na natin sila." Nakangiting sambit ni Dexter kaya agad na pinaandar ng babae ang sasakyan.

"Pero hindi siya pinapakuha ni Tatang, yung si Penny lang." Walang emosyong sambit ni Rachel.

"Oo pero nakita niya ako at isa pa baliw rin kasi to at nangangailangan ng gabay ni Tatang." Giit ni Dexter saka ngumiti kaya tumango-tango na lamang si Rachel sa kanya at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Napabuntong-hininga si Dexter at muling pinagmasdan ang nakuhang notebook mula sa bag ni Serenity na siyang naiwan nito kanina sa eskwelahan.

Napangisi na lamang at napailing-iling si Dexter nang makita ang mga nakasulat dito.

PONZI WAG KANG MAGPACUTE UTANG NA LOOB!

LECHE KA JOJO! PAKYU WITH SUPERNATURAL FEELINGS YOU SUPERNATURAL ENTITY!

PAKAKAININ KITA NG BAWANG HAYOP KA!!!

JOJONGGOY

JORINUNO SA PUNSE

MAKAKAGANTI RIN AKO JOJO

KILL ME NOW!!!

 TANGINA MO PONZI!

FUCKYDY FUCK FUCK! WAG NIYO AKONG PATAWANIN!

PAKNYU ALL!!!

JORINO JOMOMO WTF?! HAHAHAHAHA JOMOMO JOMAMA JOMUMU

TANGINANG BANGS TANGINANG LIFE PANGIT MO JURINU JUMUMU

AGAPATOTOYSKI

PONZILITA WHY SO CUTE?!!!!

BHAHAHAHAHA! BUTI NGA SAYO DEXTER! HIGH FIVE!!!

NO MORE FAPPING FOR DEXTER! BOO FUCKING YAH!

SAMPUNG MGA DALIRI TANGGAL ANG LIMA, HAYOP KASI, AYAN TULOY, DEDO KANG DEXTER KA.

FUCK FUCKYDY FUCK FUCKSSS

TO DO LIST: DRINK 100 BOTTLES OF ALCOHOL

 

Walang ibang laman ang notebook ni Serenity kundi mga mura at mga reaskyon niyang napakatagal niyang kinikimkim. Halos mapunit na ang ilan sa mga pahina dahil sa sobrang diin ng pagkakasulat niya dito.

"Patay ka ngayon kay Tatang." Tumatawang sambit ni Dexter.







END OF CHAPTER 38.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT

Continue Reading

You'll Also Like

692K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
4M 168K 39
Ripper series #1: Envied for her almost perfect life, Tamara Consulacion has everything a girl could ever ask for. But what happens when the good gir...
963K 45.8K 35
Sixteen-year-old Agatha, a famous author and high achiever in school, had everything to live for. That's why when she jumps to her death, her best fr...
4M 173K 33
"My name is Maddieson Paredes but everyone calls me Maddy. I'm an 18-year old college student. I go to school by day and I work at a convenience stor...