Stalking the Gangsters [2nd H...

By missfacile

552K 7.5K 1.3K

2nd Half of Stalking the Gangsters :) More

Stalking the Gangsters [2nd Half]
CHAPTER 73 - ASHMILLE MOMENT
CHAPTER 74 - LOVE IS AS DIFFICULT AS PHYSICS
CHAPTER 75 - LOVE IS FULL OF SURPRISES
CHAPTER 76 - IN A RELATIONSHIP
CHAPTER 77 - GOOD BOYFRIENDS and HIS POV
CHAPTER 78 - LONG TIME NO SEE
INVITATION FOR EMPIRE ACADEMY'S JS PROM
CHAPTER 79 - EPIC FAIL PLAN
CHAPTER 80 - PUMUPUSONG ARAW part1
CHAPTER 80 - PUMUPUSONG ARAW part2
CHAPTER 81 - START OF A NEW TIRING WEEK FOR MORONSX
CHAPTER 82 - OUR SCHOLATISTIC PARTNERS
CHAPTER 83 - A DAY FOR POSTE AND ULAP
CHAPTER 84 - FUN TIME WITH THEM
CHAPTER 85 - OMG!
CHAPTER 86 - SUPERVISORS
CHAPTER 87 - THIS I PROMISE YOU
CHAPTER 88 - SWEET CHEEZYCAKES
CHAPTER 89 - CRAZIER
CHAPTER 90 - LAST SCHOLASTIC COMPETITION
CHAPTER 91 - HAPPILY INLOVE
CHAPTER 92 - QUITTING
CHAPTER 93 - SECRET PLACE
CHAPTER 94 - RAINING
CHAPTER 95 - HAPPY AND CONTENTED
CHAPTER 96 - FIERCE GANGSTERS
CHAPTER 97 - WTH!
CHAPTER 98 - PAIN
CHAPTER 99 - IT ENDS HERE
EPILOGUE
An extraordinary sequel posted :)

CHAPTER 72 - LOVING YOU SINCE DAY ONE

36.9K 552 124
By missfacile

MILLE'S POV

I'm worried! Nagaalala talaga ako kay Ash. Bakit ba kasi hindi nalang nila ako hinayaang sumama?

"Hey Mille, okay lang yun si Ash." sabi bigla ni Micah

"Sana nga."

"Wag ka ng mag emo dyan. Hindi bagay." sabi naman ni Lhei

"I know. Hehe. Pero pagbigyan niyo na ako ngayon, kinakabahan kasi talaga ako."

"Bakit ka naman kinakabahan?" tanong naman ni Carse

"Kasi, hmmmmm---"

"Sasagutin mo na si Ash noh?!" sabi bigla ni Daryll

"Oh talaga? Matutuwa yun sigurado." sabi naman ni Jesx

"Oo, sasagutin ko na siya mamaya. Sana nga dumating siya sa sinabi kong lugar."

"Dadating yun. Loves ka nun eh." sabi naman ni Aliss

"Natatakot lang naman ako na baka gaya noon, hindi rin siya dumating."

"Anu ka ba Mille? Dati, one sided love lang, ngayon alam mo ng mahal ka niya kaya dadating yun." sabi ulit ni Micah

Buti nalang nandito ang mga kaibigan ko taga cheer. Kailangan ko yan ngayon dahil baka di ko kayanin ang kaba na nararamdaman ko.

This is it! Sasagutin ko na si Ash. Grabe! Sasagot nalang ako ng oo kinakabahan pa ako. Ganito ba talaga ang epekto ng lalaking yun sa akin? Bumabalik ang lahat. *sigh*

"Oy tama na yan pageemo mo. Uuwi na kami dahil mukhang di naman kami mahahatid ng mga boyfriend namin ngayon." sabi ni Daryll

"Hindi niyo ba ako sasamahan?"

"Kaya mo na yan!" sabi ni Jesx

"Bye Mille! Aja! Payting!" sabi nilang anim na nakapagpangiti sa akin.

Oh siya! Kayang kaya ko na to. Kung dati nga na walang kasiguraduhan nagawa ko. Ngayon pa kayang sigurado na? AJA! Hwaiting!

Nagpunta na ako sa lugar kung saan ko siya ulit pinapunta.

"Napakaganda pa rin talaga dito."

Ito nanaman ang puno na to.

~ March04 I will forget everything about you ~

Napapangiti nalang ako ngayong nakikita ko to. Siguro masasabi ko namang nagawa ko yun kahit papaano.

"5pm na. Siguro papunta na yun."

*inhale*

*exhale*

*inhale*

Hindi ako dapat kabahan. Naman eh! Hindi ko pa nga alam kung anung sasabihin ko.

Siguro naman okay na yung, tayo na Ash? Pwede na ba yun? KYAAAAAAAAAHHHH! Nakakastress naman talaga!

5:30 na, wala pa rin siya? Naibigay na ba ni Max? Baka mamaya hindi niya naman nabigay. *sigh*

6pm na pero wala pa rin siya. Think positive Mille. Dadating yun.

Nakaupo lang ako dito sa bench sa tabi ng puno. Hindi naman ako mabibigo ulit ngayon hindi ba? Hindi naman ulit.

*sigh* Wag kang iiyak Mille! Dadating nga sabi siya.

Hindi ko na napigilang di umiyak nang makita kong wala ng tao dito sa park. Nagiisa nalang ako at 9pm na.

Para nanaman akong sira dito na naghihintay sa wala.

Ganitong ganito din dati. Naiwan akong mag-isa dito na naghihintay sa taong di ko naman alam kung dadating.

Bakit ba hinayaan ko nanamang umiyak ulit ako? Bakit ba hinayaan ko nanaman maghintay ako?

Umaasa pa rin pala ako hanggang ngayon.

Entrance exam para sa full scholarship sa Empire Academy noon. Bago magstart ang exam, nagpunta ako sa restroom. Ang maling ginawa ko lang noon hindi man lang ako nagpasama sa kahit kanino sa mga kaibigan ko. Confident kasi ako na maaalala ko pabalik sa room kung saan kami mageexam, pero nagkamali ako.

Paglabas ko ng room, hindi ko alam kung saan ako babalik.

Nagpanic na ako ng di oras dahil hindi ko alam saan pabalik.

May lalaki akong nakita noon. Siya lang yung nagiisang taong nakita ko ng mga oras na yun.

Agad akong sumunod sa kanya at agad akong humawak sa braso niya. Nagulat siya sa ginawa ko pero nagmakaawa ako agad sa kanya na samahan ako papunta sa exam room.

Nung una, ayaw niya akong samahan. Gulat lang siyang nakatingin sa akin. Ginagalaw galaw ko siya pero nakatingin lang talaga siya sa akin.

Siguro nakulitan siya at bigla niya nalang akong hinawakan sa kamay na kinagulat ko. Hindi siya nagsasalita pero dinala niya ako sa exam room.

Nagumpisa na ang exam. Mukhang masungit pa naman yung proctor.

"Miss, mageexam din siya." sabi nung lalaki

"Miss, bakit ka late?" tanong sa akin nung proctor

"Hmmm kasi po--"

"Nagkita kami saglit. Kaya nga kasama ko siya. Kargo ko siya kaya imbis na tanungin mo siya ng tanungin, papasukin mo na siya para makapagexam na."

"Ah si-sige, miss pumasok ka na." sabi nung proctor na parang nasindak sa sinabi nitong lalaki

Papasok na sana ako pero napansin kong parang ayaw yatang bitawan nung lalaki ang kamay ko.

"Mister, yung kamay ko po?"

Halata namang nagulat siya sa sinabi ko kaya napabitaw siya bigla tapos napatingin sa kung saan.

"Salamat mister." sabi ko tsaka na ako pumasok

Yung lalaking yun, siya si Ashton Empire, ang anak ng may-ari ng Empire Academy. Ang leader ng Fierce Gangsters.

Nalaman ko yun pagkatapos kong makapasok sa school na yun.

He's my first crush and my first love. Siguro kasi nagmukha siyang knight in shining armor ko. Wala nga sa akin nun kung siya ang leader ng Fierce Gangsters.

Basta ang alam ko, gusto ko siya. Never ko na siyang nakausap ulit nun. Nagnanakaw lang ako ng tingin sa tuwing nakikita ko siya.

Until dumating yung time na naglakas ako ng loob na sabihin sa kanyang gusto ko siya. Gaya ngayon, binigyan ko rin siya ng sulat nun na nagsasabing pumunta siya sa park na to.

Pinaabot ko lang yun sa isang lalaking nakaclose na kaclose din niya. Si Dust yun. Teka, Dust? Dust? Dustin? Bakit ngayon ko lang naisip na yung lalaking si Dust na kaclose ko nun ay si Dustin?

Gaya ngayon, naghintay lang ako ng gabi yun. Pero hindi siya dumating. Kaya nga naiukit ko dun sa puno na kakalimutan ko nalang lahat tungkol kay Ash.

*Sigh* Hindi ba ako titigil sa pag iyak? Hindi na siya dadating. Hindi na ako dapat maghintay pa dito.

***

ASH'S POV

D*mn! Bakit ko ba nakita pa yun? I saw her hugging Dustin. Nakita ko siyang masayang nakayakap kay Dustin. Hinawakan niya rin ang kamay niya.

Masaya siya. Nakita ko siyang masayang masaya kanina dahil kay Dustin. Bakit ganun? Bakit mas masaya siya sa kanya?

"Ash, wag ka ng uminom." sabi ni Lei sa akin pero bakit ba nila ako pinapakealaman?!

"Tigilan niyo ko!" sigaw ko sa kanila

"Ash, wala naman mangyayari kung maglalasing ka." sabi ni Blue

"Diba kayo nga ang nagsabi sa akin na maglasing para makalimutan ko ang nararamdaman ko? Bakit ngayon umaasta kayong mga kontrabida sa paglalasing ko?!" sigaw ko ulit sa kanila

"Bakit ba ayaw mong basahin yang sulat ni Mille?" tanong ni Max

"Para anu pa? Alam ko na ang nakasulat dyan. Sinasabi niya lang dyan na si Dustin ang pinili niya."

"Sigurado ka ba Ash?" tanong ulit ni Max

Sapat na yung nakita ko kanina.

"Ako na nga lang magbabasa." sabi ni Lei tsaka kinuha yung sulat

"Kung babasahin mo yan, wag mo ng ipaalam sa akin ang laman. Wala akong pakealam pa dyan!"

"Anung oras na?" tanong bigla ni Lei pagkabasa niya nung sulat

"9:30pm na." sagot sa kanya si Eli

"Sh*t! Ash, kanina ka pa niya hihintay!" sigaw ni Lei

Ako hinihintay?

"Bakit? Para sabihin niya sa akin ng personal na sila na ni Dustin?"

"Pinapapunta ka niya sa park, 5pm. Kaya malamang, kanina pa siya naghihintay dun." kanina pa siya naghihintay? Hihintayin nga ba niya ako?

"Saan park yan?" tanong ni Max

"Yung malapit sa school." sagot ni Lei

Napangiti naman si Max. Anu nanaman ba ang iniisip ng lalaking to?

"Puntahan mo na siya." sabi ni Max sa akin

"Wala na yun dun."

"Hihintayin ka nun. Hindi ka ba nagtataka Ash, kung bakit sa park na yun makikipagkita si Mille at kung bakit sa parehong oras?"

"Anung sinasabi mo?"

"Naaalala mo yung may pinaabot na sulat sayo dati. Yung hindi mo rin napuntahan. Diba 5pm sa park na yun din?" naaalala ko pa yun.

Isa yun sa araw na dapat talaga pupunta ako dun para malaman kung sino yung babaeng gustong makipagkita sa akin kaso may nangyari nang araw na yun kaya hindi ako agad nakapunta pero dumating ako doon. Wala na nga lang siya tsaka ko nakita noon yung nakaukit sa puno.

"Hindi kaya si Mille yun?" biglang sabi ni Yvo

"Posible nga yun." sabi naman ni Cloud

Kung siya ang babaeng dapat makipagkita sa akin noon. Ibig sabihin--

"Sh*t!" napatayo ako at agad lumabas

Sumakay ako agad sa motor ko para makapunta agad sa park kung nasaan siya.

Sana nandun pa siya. Sana hindi pa siya umaalis. Sana maabutan ko pa siya.

"Mille!" sigaw ko nang makarating sa park pero wala siya, hindi ko na siya makita dito.

Nasaan ka na?

May narinig akong umiiyak sa kabilang side ng puno at nakita ko dun si Mille.

"Mille."

"Ash? Dumating ka." tumayo siya tsaka yumakap sa akin. Patuloy siyang umiiyak habang nakayakap sa akin. Niyakap ko rin siya. Sobra ko siyang nasaktan, nararamdaman ko yun.

"Sorry Mille. Sorry kung naghintay ka ng ganito katagal."

"Dumating ka naman Ash. Dumating ka na ngayon, hindi na gaya dati."

"Dati? Ibig sabihin, ikaw nga yung babaeng nagpabigay sa akin ng sulat noon."

"Oo. Ako nga. Siguro nga hindi mo na naaalala ang pagtulong mo sa akin noon."

"Naaalala ko lahat. Yung unang araw na nakita kita. Hindi ako dapat magaaral sa Empire nun, pero nang malaman kong sa Empire ka magaaral. Pumasok ako dun."

yung araw na yun, dun ko nalaman ang salitang love at first sight.

Minahal ko siya agad. Madalas akong nakatingin sa kanya noon. Hindi ko hinayaang may lalaking makalapit sa kanya.

"Naaalala mo? Pero hindi mo ko pinapansin."

"Dahil alam kong takot ka sa akin. Nakatingin ako sayo pero hindi ka makatingin sa akin."

"Nakakainis naman eh! Ibig sabihin noon pa mutual ang feelings."

Kung pumunta pala ako agad nang gabing yun. Ibig sabihin, matagal na kaming magkasama ni Mille. Noon palang pala.

"Bakit kasi hindi ka dumating noon? Nakakainis ka naman Ash!"

"Yun yung gabing namatay si Dad."

Napabitaw naman siya sa pagkakayakap sa akin.

"Sorry."

"No, its okay. Ang mahalaga ngayon, tayo. Nasayang yung ilang taon. Siguro naman hindi na masasayang ang ngayon." sabi ko sa kanya ng nakangiti

Mahal ko talaga ang babaeng to. Siya lang ang babaeng minahal ko mula noon hanggang ngayon.

"Tama ka. Pero nakakainis ka pa rin na pinaghintay mo ko."

"Akala ko kasi kayo na ni Dustin. Nakita ko kayo kanina."

"Kasi naman po, nalaman na ni Dustin na ikaw ang mahal ko kaya ayun. Sinabi niya rin na ikaw si blackstar."

"Blackstar?"

"Sayo tong bracelet diba?" hinawakan niya naman yung wrist band ko at nilihis

"May tattoo ka nga."

"Ako nga yung tumulong nun sayo."

"Nakakainis naman Ash!" sabay hampas niya sa akin

Napapangiti naman ako sa ginagawa niyang paghampas. She's just the girl I'm really inlove with.

"I love you Mille."

"I love you too Ash." hindi ako makapaniwala sa narinig ko. This time, sinabi niya nga talagang mahal niya rin ako.

"Mahal na mahal kita Mille. Hinding hindi na kita pakakawalan." pagkasabi ko nun.

Hinalikan ko siya sa labi niya. Ang babaeng pinakamamahal ko na mahal rin ako.

February 6 -- ASH <3 MILLE    

Continue Reading

You'll Also Like

3M 83.9K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...
1.1M 39.1K 110
Rank #1 in BTSFANFIC ❤ Sabi nila, OPPOSITE ATTRACTS. Paano kung pareho sila ng ugali? parehong masungit? parehong arogante? parehong insensitive? May...
27.4K 672 14
Pano kung tamaan ka ng pana ni kupido? Handa ka ba para panindigan at ipaglaban ay iyong nararamdaman?? Pano kung subukin ka ng pagkakataon? Maka...
19.9K 634 22
Si Maerian Garduce ay isa lamang sa mga babaeng naniniwala sa forever, noon. Naniwala siya at hinanap ang ka-forever gamit ang susi na simbolo ng isa...