LOVEBRARY

By Elizammer

341 29 5

More

Author's Note
~ONE~
~TWO~
~FOUR~
~FIVE~

~THREE~

40 5 0
By Elizammer

“old room?” bulong ko

Napaisip ako bigla sa sinabi ko at bigla kong naalala ang kaisa-isang old room na tinatawag ng mga estudyante dito at yun ang lumang silid na matatagpuan sa pinakalikod ng library.

Alam ko ang lugar na ito dahil dito ko minsan nakita si “Miguel, my crush” na natutulog. Para kasi itong isang bodega kung saan tinatambak ang mga lumang libro at di na ginagamit na mga libro. Halos naging tambayan na nga daw ito ni Miguel dahil sa wala masyadong tao ang pumupunta dito.

Kahit ako nga isang beses lang nakapunata sa old room na iyon kasi bali-balita raw na may nakatirang multo dito. Kung di ko nga lang sinundan noon si Miguel eh di ko malalamang may nag e-exist pa lang ganito sa library.

Tumakbo ako agad papuntang old room at lubos na umaasang makikilala ko na rin sa wakas ang lalaki sa likod ng mesteryong ito.. hahahaha.. natatawa naman ako sa mga pinagsasabi ko.

At nang marating ko ang old room, nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi. Kasi nakita ko lang ang malahaunted nitong pintuan parang ayaw ko ng pumasok. Nakaramdam ako ng kilabot sa buong katawan ko kaya nagdecide akong huwag na lang buksan ang silid.

Papaalis na sana ako nang tinawag ako ng librarian namin.

“Ms. Dimas! Mabuti naman at nakita kita. Iuutos ko lang sana na dalhin mo ito sa loob kasi nagmamadali ako pinatawag kasi ako ng principal” Sabay abot sa akin ng librarian ng mga lumang librong dala-dala niya.

“po?” reklamo ko

“Hay, sige na, bye-bye.”

“Pero po mis-”

Hindi ko na natapos ang dapat kong sabihin dahil nagmadali na itong umalis.

Hay kung minamalas ka nga naman. Ayaw ko na sanang pumasok sa old room pero parang kailangan ko talaga.

“Kaya mo ‘to Celine.” Pag-eencourage ko sa sarili ko

Wala na talaga akong choice kaya dahan-dahan akong pumasok sa loob ng silid. Medyo madilim ito sapagkat walang ilaw tanging sinag lang ng araw sa dulo ng silid ang nagbibigay liwanag dito. No doubt talaga na old room ang tawag sa silid na ito sapagkat marami kang makikitang web sa mga sulok-sulok.

Di naman siya masyadong madumi kasi may nag-lilinis naman na janitor dito tuwing linggo pero may mga parte talagang puno ng mga web ng spiders.

“Lord gabayan niyo po ako sa aking pagpasok dito.” Mahinang dasal ko

Papunta ako sa pinakadulong bookshelf kasi doon ko daw ilagay ang mga librong dala-dala ko sabi ng librarian kanina. Medyo malayo pa ako kasi malawak-lawak naman kasi itong old room eh, kaya nga scary kasi sa sobrang lawak at tahimik tanging tunog ng sapatos ko lang ang aking naririnig.

Habang naglalakad ako, narinig kong parang may bumagsak na mga libro malapit sa akin. Naging bato ako sa sobrang kaba at grabe ang panginginig ko.

Pinikit ko ang aking mga mata nang may isang kamay ang nakahawak sa aking balikat mula sa aking likuran.

Huminga ako ng malalim bago ako humarap sa aking likuran at….

“ahhhhhhh!!!!”

“Celi-”

“ahhhhh!!! Spirit ng mga libro, layuan niyo po ako. Wala po akong ginagawang masama sa mga librong nakatago dito maliban lang po noong first year college ako, sinulatan ko po yung isang aklat dahil sa sobrang inis ko po sa teacher namin. Sorry na po di na po mauulit. Promise!!! Cross my heart!”

“Celine”

Tama kayo kaharap ko ngayon ang kaluluwa ng mga libro, ang siyang tagabantay ng mga libro dito, iyon kasi ang sabi ng aking mga friends. Eh sa naniniwala ako eh.

 Ang pinagtataka ko lang kung bakit ako kilala nito, eh hindi naman ako yong president ng Book Lovers Club ha.

“Celine”

At ayan tinawag na naman ako. Dahan-dahan kong dinilat ang aking mga mata at nakita ang spirit ng mga libro na nakasalamin. Teka, nagsasalamin ba ang mga spirits? Akala ko kasi mala white lady ang peg ng mga spirits. Hmmm..

Kinusot-kusot ko ang aking beautiful eyes at teka…

“Celine, hindi a-ako mul-multo.”

“Teka nga, hindi ka spirit?” tanong ko.

Tama nga kayo hindi multo ang nakita ko. Hay, ang OA ko lang si Mr. nerd lang pala. Remember niyo yung naka-eyeglasses na nakatingin sa akin noong time na nag-aaral ako sa library, basta, hindi ko kasi kilala name niya.

“O-oo.”

“Ganun ba, bakit ka ba nandito. Alam mo bang grabe yung takot ko akala ko kasi multo ka. Sorry ha.”

“O-okay lang. nandito ako ka-kasi inutusan akong ilagay yung mga lumang libro dito. Kaya lang nalaglag lahat.”

“Kaya pala may narinig akong malakas na pagbagsak kanina. Teka asan ba yong mga libro?”

“Nandoon.” Sabi niya sabay turo sa mga libro

Agad naman naming pinuntahan ang mga naglaglagang libro. Pinatong ko muna sa malapit na mesa ang mga dala-dala kong books at tinulungan ko si Mr. nerd sa pag-aayos.

“Teka, ang dami naman nito. Bakit ikaw lang mag-isa?” tanong ko sa kanya

“Kasi nagkataong nandito ako kaya nautusan ako.”

“Ahh.. palagi kang pumupunta dito?” tanong ko uli

Naalala kong bigla ang kaninang pakay ko kaya napasugod ako dito.

“Baka siya nga yong nagbigay ng letter sa akin.” Bulong ko

“ano?” tanong niya

Kailangan kong itanong sa kanya.

“Ikaw ba yong nagsulat sa libro?”

“Ha? Anong libro?”

Nabigla ako sa sagot nya. Baka di talaga siya kasi di niya magets mga sinabi ko.

“Bakit may hinahanap ka bang tao kaya ka nandito?” tanong niya

“Ahh.. parang ganoon na nga.”

“Sorry hindi kita matutulungan kasi di ko naman alam sino yong tinutukoy mo. Di naman kasi ako palagi dito. Pero may alam akong tumatambay dito.”

“Talaga! Sino?”

…………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………

Same setting…

Nandito ako ngayon at kaharap ko ang taong sinabi ni Mr. nerd sa akin na tumatambay dito. Si….

“BAKIP AMONG KAILANGAM MO?” tanong niya habang nguya-nguya ang burger niya

Pwede bang kumain dito?

Hay.. sino sa tingin niyo ang taong kaharap ko ngayon? Walang iba kundi..

“Ahh.. palagi ka ba dito?” tanong ko kay biik.

..remeber biikworm? Basta yung baboy sa library

Kung nagtataka kayo kung nasaan na si Mr. Nerd, umalis na siya pagkatapos niya akong ihatid dito. Gusto nga sana niyang tulungan ako sa mga librong dala-dala ko kaso sabi ko kaya ko na.

Medyo kinakabahan ako ngayon kasi baka si Mr. pig iyong mystery guy na nagbigay sa akin ng sulat. Ayoko namang maging bad pero assume ko kasi gwapo si letterman. Hehehehe :p

(Letterman na lang para di masyadong mahaba.)

“Hmm.. dito ako tumatambay kapag kumakain ako kasi bawal sa library.” Sagot niya

Ang takaw naman niya.

Kahit na medyo doubtful pa ako kung i-aask ko kung siya ba si letterman bigla ko nalang siyang tinanong.

“Ikaw ba yong nagsulat sa libro?” diretsong tanong ko

“Hindi ako nagsusulat ng libro.” Sagot niya

Sabi ko nga. Ano ba namang klaseng tanong iyon.!! TSK!!

“Hmmmm.. ang ibig kong sabihin .. eh kung ikaw ba iyong tao na nagbigay sa akin ng sulat…”

(-00-) --> Mr. pig (NO REACTION)

(-.-) --> Ako (patience Celine)

“Iyong nakadikit sa upper part ng shelf”

Pagpapatuloy ko.

(-00-) --> Mr. pig (still NO REACTION)

(-.-)++ --> Ako (kaya mo iyan Celine, MORE PATIENCE!!)

“O di kaya iyong mga kung anu-anong bagay na nakasulat sa Math book na palagi kong ginagamit…”

Dagdag ko pa.

(-00-) --> Mr. pig (FOREVER NO REACTION!!)

(-.-)+++++ --> Ako ( grrrrr…!! MAGALIT KA NA CELINE!! WALANG PASEPASENSYA!!!)

Sa lahat ng sinabi ko kanina ito lang ang tanging sagot niya..

“Natikman mo na ba iyong turkey sandwich sa canteen?”

*Krukrukrukrukrukrukrukrukru*

(-0-) --> ako .. SHOCKED!!

“Ahhh..”

“Hindi pa eh..” sagot ko na lang

Hay.. kong wala lang akong kailangan sa kanya, lelechonin ko na ito!!! Grr..

Nakakadagdag ng wrinkles!!

“Ahhh.. ganun ba.. sayang naman. Teka ano nga iyong tanong mo?” Sabi ni mr. pig.

“So all the time hindi ka nakikinig sa akin.?!! Wow lang ha!! gusto mo bang tusokin kita ng matulis na kahoy, igrill sa mainit na apoy, lagyan ng apple sa bibig at ihain sa mesa?!”

Pero syempre sa isip ko lang sinabi iyon. Mahirap na baka kainin ako nito ng buhay.

“Ahh.. kung ikaw ba iyong sumulat ng mga kung anu-anong bagay sa Math book na palagi kong ginagamit?”

“Ah.. kung ako ba iyong taong sinasabi mong sumulat ng mga kung anu-anong bagay sa Math book na palagi mong ginagamit..”

Inulit lang?!.. parang echo lang..!!!

“Ganun na nga.” Sabi ko

“Hmmm.. hindi eh. Hindi naman kasi ako mahilig magsulat, pero iyong turkey sandwich sa canteen talagang masarap iyon.. try mo minsan.”

Kung maka segway si taba wagas.. maisingit lang ang turkey sandwich niya!! Isang malakas na TSK!!!..

“Okay sige” walang buhay kong sagot.

“Ay wait last question!” dagdag ko

Syempre lulubos-lubosin ko na ang pagtatanong sa kanya.

“Palagi ka ba dito?”

Tanong ko.

“Hmm.. hindi naman masyado.. dito lang ako tumatambay pag gusto kong kumain kasi bawal sa library eh..”

Sagot niya.

“..at tsaka tahimik dito …. wala masyadong tao, walang manghihingi ng pagkain ko” dagdag pa niya.

“Ahh ganun ba. Sige salamat na lang” malungkot kong sabi

Medyo nakahinga ako ng malalim sa kadahilanang di siya ang taong hinahanap ko.

Pero at the same time parang nawawalan na ako ng pag-asang makilala pa kung sino talaga ang tunay na letterman.

Habang nagpapaka EMO ako, bigla kong naalala ang mga librong dala-dala ko.

Kaya agad kong naisip na humingi na lang ng tulong kay Mr. pig.

At nang humarap ako sa kanya……

No sign of him… tanging plastic na lang ng burger na kinain niya kanina ang naiwan.

Meaning……

Ako na lang mag-isa dito

“Oh my G!!” bulong ko

Kahit takot na takot ako, no choice kailangan kong gawin ang inutos sa akin.. kaya

Lakad….lakad…lakad… Lakad….lakad…lakad…Lakad….lakad…

Habang naglalakad ako meron akong naririnig na parang may gumagalaw na ewan.

At palakas ng palakas ito habang palapit ng palapit ako sa pinakadulo ng silid.

Kahit to the highest level na ang takot ko, patuloy pa rin akong naglalakad.

Di ko na lang iniisip ang mga naririnig ko pero parang di effective kasi natatakot pa rin ako.

Lakad parin ako ng lakad hangang sa narating ko ang dulo ng silid.

May nakita akong isang mahabang lamesa sa gilid.

Habang inaayos ko ang mga lumang libro, may naririnig akong footsteps na palapit ng palapit sa akin …

Hangang sa narinig kong huminto ito sa kinaroroonan ko..

…sa likuran ko mismo..  (0_0)

Napapikit akong bigla ng dahan-dahang pinaikot nito ang kanyang mga braso sa aking bewang…

Butterflies in my stomach!!! AY ESTE…

GOOSEBUMPS!!!

At di pa siya nakontento..

Pinatong niya ang kanyang chin sa may leeg ko at inamoy-amoy ito..

Nakakabaliw… ay

Nakakatakot pala….

Parang lahat ng dugo ko napunta na sa aking mukha nang halikan niya ang leeg ko habang sinasabi niya ang mga linyang…

“I thought you’re not coming”

He said with a serious tone in his voice.

(0__0)--> ako

I know this voice, this husky, sweet voice of him. It’s him who owns it.

“I’m glad you’re here Celine”

His voice now sounds sad as if he’s really longing for me.

I still can’t believe it, how come it’s him?

“Letterman?”

Bigla kong nasabi.

Continue Reading

You'll Also Like

123K 2.7K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
372K 11.4K 34
Date Started: April 30 2023 THE TWO RED FLAGS MET!🚩🚩 Isa lang akong ordinaryong babae na di alam kung anong patutunguhan sa buhay. Tahimik lang nam...