She Loves Me ✔

By _zero4

1.1M 44.4K 13K

R18+ ✔ Juztine Claire Arden is the youngest daughter of her parents, despite being rich and surrounded by lov... More

Note
Prologue
Chapter 1 - Arden
Chapter 2 - Cake
Chapter 3 - Sweet Sixteen
Chapter 4 - My day
Chapter 5 - Practice
Chapter 6 - Vacation
Chapter 7 - Good job
Chapter 8 - Close
Chapter 9 - Feelings
Chapter 11 - Proud
Chapter 12 - Party
Chapter 13 - Flower
Chapter 14 - Done
Chapter 15 - Mistake
Chapter 16 - Step away
Chapter 17 - Free
Chapter 18 - Present
Chapter 19 - Stop
Chapter 20 - Call
Chapter 21 - Pointless
Chapter 22 - Friend
Chapter 23 - Engagement
Chapter 24 - Choice
Chapter 25 - Taste
Chapter 26 - Ride
Chapter 27 - Type
Chapter 28 - You
Chapter 29 - Night of fire
Chapter 30 - Sick
Chapter 31 - Sail
Chapter 32 - Unforgettable
Chapter 33 - House blessing
Chapter 34 - Trouble
Chapter 35 - Crossover
Chapter 36 - Blow
Chapter 37 - Bad girl
Chapter 38 - Secret
Chapter 39 - Blessing
Announcement!
Epilogue (Part I)
Epilogue (Part II)

Chapter 10 - Stare

17.1K 777 116
By _zero4





"Mom! I'll be leaving now!"- I shouted through the hallway while fixing my belongings.

Nakumpleto ko naman bilhin kahapon yung mga kailangan ko para sa art na gagawin ko at ngayon nga ay maaga din akong nagising para maaga din akong makaalis.

"Wait, anak!"

Narinig ko ang yabag ni mama, mukhang hinahabol ako.

"Dalhin mo ito. Bigyan mo din ang ate Rein mo, okay?"

I look at the banana bread she made. Kahit may takip iyon ay amoy na amoy ko pa din ang bango niyon. Sobrang dami din ng toppings at mukhang masarap.

"Kumakain ba sya nyan?"

"Malamang, anak. O sige umalis ka na at nag aantay na yung driver natin. Galingan mo ha."

Hinaplos nya ang buhok ko at hinalikan ako sa pisnge na ikinangiwi ko.

"Mama naman.."- ungot ko at napalingon sa bandang kusina dahil may napansin akong dumaan. "Who's that?"

"Ah, she's the daughter of our maid. Lucille is her name."

"Why is she here?"

"She'll live here from now on. Now stop asking questions and go. You don't want to be late."

Napangisi ako. Ako malate? E ako nga yung hindi nagsabi kay Addison na maaga akong pupunta.

Dinampot na ng driver yung mga dala ko at pinasok sa kotse. Actually yung canvass lang naman yung malaki pero hindi naman ganuon kabigat. Nagbaon lang ako ng damit aside sa mga paintings materials na dala ko kaya may dala din akong bag.

Pumasok na ako sa kotse at umandar na ito pero bago ako tuluyan makalabas sa compound namin ay nakasalubong namin ang kotse ni Dad. Nagbusina lang ito at lumampas na.

Nandun din siguro si Kuya. Busy naman sila lagi sa business e. Mabuti nalang talaga hindi ako mahilig sa ganyan.

I arrive at their mansion, and as usual, I am greeted by the people around me.

"Good morning, hija."

Napahinto ako at tinignan ang babaeng bumati sa akin. Sya yung mama ni Addison at nakaupo ito sa couch habang nainom ng tea.

"Morning... po."- pagbati ko at bahagya din akong yumuko ng kaunti.

"Have a seat. Are you here for my daughter?"

I nodded my head as I settled myself on the couch in front of her. 

"Do you want to eat or drink something?"

"No, thanks. I'm still full, Mrs. Elin."

She smiled. "Tita nalang. Masyado kang formal."

My lips twitched, but I stayed quiet in my seat.

"Hindi ko akalain na close pala kayo ng anak ko."

Umiling lang ako habang seryoso ang mukha. Hindi kami close. May kailangan lang ako sa kanya kaya ako nandito ngayon.

"She's probably still sleeping because we came home late last night. Alam ba nya na ngayon oras na ito ang dating mo?"

"No. Can I wake her up?"

Gusto ko lang talaga makaalis dito. Bukod sa hindi ako sanay kausap ang mama nya ay hindi ko din alam kung ano ano pa ang maaaring itanong nito sa akin.

"I can ask someone to wake her up, hija."

She looked around, probably looking for a maid she could order to go upstairs, but I cleared my throat, which caused her to look back at me. 

"Ako nalang po. Just tell me where her room is."

She looked at me intently before giving me consent.

"The brown door on the left hallway. Knock first, okay?"

"Okay. Thank you, t-tita."

Tumayo na ako at pumanhik sa taas. Kahit hindi ako lumingon ay ramdam ko ang pagsunod ng tingin sa akin ni Mrs. Elin.

Alam kong madami syang gustong itanong sa akin pero dahil nga hindi naman ako palasalita kahit nagkita na kami nuon ay nangangapa pa sya at mukhang hesitant na kausapin ako ng matagal.

Nakita ko na yung pinto na sinasabi nya. Huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok ng tatlong beses sa pinto. Nag intay ako ng ilang minuto pero walang nagbukas ng pinto.

Muli akong kumatok pero wala pa din. Kaya naman pinihit ko ang doorknob at nalaman na bukas iyon.

I peek my head inside her wide, spacious room. She's like a Barbie in a fairytale. Though her room doesn't have a shade of pink, still, her things scream woman. The smell in the air was also very sweet.

I stood in front of the door and closed it slowly behind me. There's no one on the bed. Where is she?

Nilibot ko lang ang paningin ko at napangiti ng bahagya dahil ang linis linis ng room nya. May study table din sya at may ilang sticky notes na nakadikit sa gilid ng mesa. Yung ilang libro nya ay maayos din na nakalagay sa maliit na shelf. Sa may tabi naman ng kurtina malapit sa floor to ceiling glass ay may halaman.

May mga ilan ilan pictures din akong nakita at nawala lang ang ngiti ko dahil nakita ko din na may picture sila ni kuya na magkayakap.

The doors on the right side open and close. I heard a gasp, and that's when I decided to look, which I eventually regretted. 

Mabilis akong tumalikod para makaiwas sa hindi kanais nais sa paningin.

She's just wearing a small towel, for Pete's sake!

"Claire? Ang aga mo yata? Hindi pa ako tapos——"

"I'll see you downstairs."- maagap na sabi ko at lumabas na ng kwarto nya.

Pinagpawisan ako duon at sobra sobra din ang kaba ko. Mabuti nalang hindi nagising ang alaga ko dahil pinilit kong wag isipin ang nakita ko sa kwarto nya.

Makalipas ang ilang oras ay nakita ko na syang pababa ng hagdanan. Wala na yung mama nya, bumalik kasi ito kanina sa room nito matapos akong maka kwentuhan kanina.

"I'm sorry to keep you waiting. You should've told me you were coming this early."- she said this while fixing her small purse. 

"I forgot."

Tumayo na ako at inantay sya dahil tinawagan pa nya ang mama nya para magpaalam na aalis na kami.

"I want a magical setting."- I uttered.

She glanced at me with furrowed eyebrows. We're already inside the car, driving away from their home.

"Do you know a place where you will look like a goddess?"- I spoke again.

"I always look like a goddess."

Umangat ang sulok ng labi ko at nahihiya naman syang nag iwas ng tingin matapos ma realize kung gaano kahangin ang sinabi nya.

"Ano? May alam ka?"

"Yes. Are you okay walking in the woods?"

"I should be the one asking you that. You're wearing heels."

Sinilip naman nya yung paa nya at ngumuso. Napailing nalang ako saka may kinuha sa isang paper bag sa gilid.

"Here, wear this."

Crocs iyon pero hindi ko pa naman nagagamit. At sa tingin ko ay bagay naman iyon sa suot nyang dress na medyo mahaba.

After a two-hour drive, we stop in front of a guard house. She went out for a moment to talk with the guard, and later on, the guard opened the gate for us. 

Sa kanila ang lugar na ito at ito yung sinuggest nyang place dahil sabi nya maganda daw dito.

Pumasok na ang kotse hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang maliit na bahay.

Maliit sya pero halatang mamahalin ang mga ginamit na materyales dahil ang ganda ng pagkakagawa nito.

"This place is perfect if you want to breathe fresh air. There's a lake here as well. "- she said and gave me a small smile.

"Nakapunta na ba dito si Kuya?"

"Hindi pa."

Lumabas na kami at kinuha ko na yung mga dala ko.

"What do you want to eat for later?"

Dahil sa tanong nya ay naalala ko na may pinadala nga pala sa akin si mama.

"Oorder ka?"

"Yes. May gusto ka ba?"

"Ikaw."

"Huh?"

I looked away and chuckled. "Ikaw bahala."

"Alright."

Nagsimula na syang mag dial sa phone nya kaya umalis na ako dala ang mga gamit ko. Binaybay ko yung daan na nakita ko hanggang sa matanaw ko yung sinasabi nyang lawa. Nagtingin pa ako ng magandang pwesto hanggang sa mapatigil ako sa tapat ng isang puno.

Malinis din ang damo dito kaya binaba ko na yung mga gamit ko at naupo muna ako.

Ang cute lang kasi sa likod ng puno ay tanaw ang lawa, ang ibang bundok at ang sinag ng araw ay tumatagos sa mga sanga kaya napaka magical ng dating nito sa paningin ko. Maganda din ang kulay ng langit ngayon at may iilan ilan ibon din na nalipad sa himpapawid at nag iingay sa mga puno.

"You didn't wait for me!"- masungit na sabi ng babae sa likuran ko.

Nilabas ko nalang yung banana bread na dala ko at sinenyasan syang maupo sa tabi ko.

"Are you for real?"- she asked, surprised after seeing what I'm doing.

"Eat with me. My mom told me to give you some."

Nawala ang pagkakunot ng noo nya at nagbuntong hininga. Uupo na sana sya pero pinigilan ko.

Hinubad ko muna yung jacket ko at nilatag para may maupuan sya ng maayos. Baka mangati sya, e naka dress pa naman sya.

She's just looking at me weirdly, but I just shrugged my shoulders and continued on eating the bread. 

Ang sarap sarap.

"It's beautiful here."- komento ko na kahit ako ay nagulat.

Kailan pa ako natuto mag initiate ng usapan?

"I know a lot of beautiful places. But yes, you're right. It's beautiful here."

Napalingon ako sa kanya at nakatitig din sya sa akin habang dahan dahan na ngumunguya.

"Can I borrow your phone?"

"Why?"

"I will take a picture of you."

Inabot nya sakin yung phone at pinindot ko yung camera. Tumayo ako at pumwesto sa likuran nya.

At first, it was only her hair and the background in front of her, but I decided to make her change her seat. 

Pinahubad ko sa kanya yung crocs at pinaupo sya sa gitna. Naka side view sya at nakaharap sa magandang view sa harapan nya.

I made sure the angle was perfect before I took the shot. My lips parted when she looked up while closing her eyes. The sunrays striking her face made my lips part. She's glowing under the sunlight, and her skin looks so soft because it's slowly turning pink as seconds pass by. 

"Are you done?"- she asked, sparing me a glance over her shoulder. 

I swallowed hard and nodded my head. I turn my back on her to prepare the canvas and the painting materials I bought. 

Once I'm done, I settle myself on the grass and start to draw some lines. I saw in my peripheral vision that she sat near the tree trunk and leaned there.

"Water?" - I asked and raised my hand, which was holding a bottle of water. 

She looks comfortable in her seat, which is why I decided to stand up and go to her to hand her the water. 

Mukhang nagulat na naman sya dahil sa kinilos ko. Hindi ko din alam kung bakit pinagsisilbihan ko sya.

Bumabait na yata ako. Hindi na ito maganda.

Tahimik akong bumalik sa harap ng canvass at naupo na ulit para ipagpatuloy ang pag pipinta ko.

Hindi naman nya ako ginulo na ipinagpapasalamat ko dahil kailangan kong mag focus. Dapat maganda ang kalabasan nitong gawa ko.

Nag mix ako ng mga kulay. Ito ang isa sa mahirap kapag nag pepaint. Dapat makuha mo yung tamang kombinasyon ng kulay para magmukhang totoo at kaakit akit sa paningin ng tao.

Inabot ako ng halos isat kalahating oras sa pagpipinta. Nagpunas ako ng pawis sa noo at nag inat dahil nangalay talaga ako. Nahirapan kasi akong idrawing sya. Siniguro ko kasi na sya yung unang mapapansin kapag tinignan itong painting ko.

"Ubos na?"- bulong ko at ngumuso. Wala na palang laman yung tubigan ko.

Tumingala ako at sinuklay ang buhok ko saka inipitan.

"Ma'am Juztine, eto po yung pagkain pina deliver ni ma'am."

Tinignan ko ang driver ko at ang mga dala nito. Maingat nyang nilapag yung mga pagkain sa tabi ko ganuon din ang inumin.

"How about you?"

"Nakuha ko na po yung sa akin. Sa sasakyan nalang po ako kakain. Ay wow, ang ganda po ng gawa mo."

Napansin nya kasi ang painting ko. Yumuko naman ako at dinampot na yung mga ginamit kong brush.

"Sige ma'am, alis na po ako."- paalam nya nang mapansin na wala akong balak magsalita.

Pagkaalis nya ay nilingon ko na ang babaeng kasama ko. Nakita ko na nakaidlip na pala ito duon sa tabi ng puno.
Tahimik akong lumapit dito at lumuhod sa tabi nya. Pinagmasdan ko ang maamong mukha nito at marahan hinawi ang ilang hibla ng buhok nito na hinahangin.

She looks like a baby while sleeping. My eyes travel from her forehead down to her chin. She has a perfect face. Her eyebrows, eyelashes, nose, and lips perfectly suit her whole face. I feel like I'm looking at a real work of art. 

Her collarbone is also visible on the neckline of her dress, and her shoulder blades are on fire as well.

I smiled when I heard her snore a little. Hindi nakaka turn off. Ang cute kasi.

Her eyebrows furrowed, and after a moment of silence, she slowly opened her eyes. 

My heart quickened, and I don't know what to do because she caught me staring at her. 

It feels like everything becomes slow motion, and all I can hear right now is my freaking heart beating when she reaches my face. 

"You've got paint on your cheek."- saad nya.

Napaiwas naman ako at napakurap ng ilang beses. Hinawakan ko ang pisnge ko at pinunasan. Tumayo na din ako habang hawak ang mga paint brush.

"Hugasan ko lang to. Nandyan na pala yung pagkain."- maagap kong sabi at tumalikod na.

"Claire..."

"I'll be right back, Addison."

Tuluyan na akong lumayo at dumiretso sa lawa para magbanlaw at para makahinga din ako ng maayos dahil ang sakit na naman ng dibdib ko sa bilis ng tibok ng puso ko.

I can't believe that a simple stare could shake my world. If she didn't speak about the paint on my cheek, I might get lost in those eyes of her and forget about the world we're living in.

She's indeed an example of enchantress.







++++++

Han So Hee as Rein Addison Elin.
basta sya yung naiimagine ko sa pagiging mahinhin gumalaw at magsalita ni Addison. 😂

Kay Claire naman nahihirapan ako mag imagine. I mean, iba kasi sense of humor nitong bata na to e kaya ang hirap isipan ng portrayer.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 30.3K 21
Kilala siya bilang isang magaling na abogada, istriktong haciendera, at isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa. She's better known for being heart...
460K 11.3K 36
COMPLETED (written in taglish) Started: June 22, 2023 End: August 21, 2023 Violet Belle Villamor is a young military doctor and the youngest daughter...
3.7M 126K 65
LINE AVERY ALEJANDRO, 27 year old. A new Professor in North High University. A respectable and professional teacher. Despite of her aloof and cold he...
808K 23.6K 29
R-18. Language: Tagalog. G!P Levie, an intersex, who is having a vacation after years of hardwork in the fashion industry met the most random woman...