More Than Words

By AtashiaBliss

1.6K 162 2

Everyone is craving for love. And what we want is to have someone who can be our peace amidst of all the chao... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Epilogue

Chapter 22

36 5 0
By AtashiaBliss

Clarizette Marie's

"Nasaan ba si Hans?! Kanina pa yung nawawala ah" takang tanong sa'kin ni Andrea.

Narito kami ngayon sa reception ng binyag ni Arielle. Pagkatapos kasi ng ceremony ay ihinatid lang kami ni Hans dito sa venue tapos ay nagpaalam siyang pupuntahan sa ospital si Rebel.

One week na mula nung nasundo ni Hans ang mag-ina sa Australia pero kanina habang nasa simbahan kami ay nakatanggap si Hans ng tawag na nagseizure na naman daw ang bata kaya kailangan itong isugod sa ospital. Syempre, nataranta si Hans at kahit mahalagang araw ito para sa anak namin ay nagawa niyang umalis.

"May inasikaso lang" tipid na sagot ko kay Andrea at binalingan na si Isla tahimik na kumakain sa tabi ko. Kanina pa rin kasi niya hinahanap ang Papa niya.

Napapalatak pa si Andrea pero hindi ko na siya pinansin. Tumayo na ako sa kinauupuan ko para hanapin si Arielle. Kinuha kasi ito ni Miguel kanina dahil inasikaso ko ang mga bisita. Hindi naman ako nag-aalala para sa bata dahil hindi naman ganun kadami ang mga bisita. Pamilya at mga kaibigan lang namin ang naririto. Mas gusto kasi namin ni Hans na intimate lang ang celebration para mas solemn.

Nang makita ko namang hawak ito ng Daddy ni Hans ay hindi na ako nangahas na kunin ang anak ko. Hanggang ngayon kasi ay naiilang pa din ako sa mga magulang ni Hans. Kahit kasi mabait sila sa'kin ay hindi ko pa naman sila lubos na nakikilala. Saka natatakot talaga ako sa Daddy ni Hans based na rin sa mga naririnig kong kwento mula sa asawa ko.

Napabuntong hininga ako. Asawa ko, pero ibang babae ang kasama sa mga oras na ito. Sa araw pa talaga ng binyag ng anak namin.

Lumabas ako ng venue para magpahangin. Itong lugar na ito ay isa sa mga resort nina Hans. May malawak na garden kaya may pwedeng tambayan. Hindi naman ganun kainit ang sikat ng araw dahil na rin siguro sa lilim ng mga puno sa paligid. Masarap din ang simoy ng hangin dahil siguro malapit kami sa dagat.

Naupo ako sa isang swing na naroon. Sa harapan ko ay tanaw na tanaw ang asul na karagatan. Ang paligid ko ay may nakapalibot na napakaraming bulaklak. Actually, bukod sa dagat na may puting puti at pinong buhangin, infinity pool at malaking venue para sa mga event ay ito talaga ang dinadayo ng mga tao dito. Ang mga bulaklak na napakakulay at may kanya-kanyang ganda. Bukod pa doon ay may mga kubo din na pwedeng tuluyan ng mga bisita. Napakapayapa ng lugar at walang kabakas-bakas ng kahit na anong polusyon.

Sabi ni Hans ay dito kami magsstay buong weekend para daw makapagpahinga kami pero parang kami lang mga bata ang mamalagi dito ngayon.

"Akala ko may pabinyag ka? Bakit nandito ka?" napasinghap ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Kaagad akong tumayo, hinarap ang nagsalita at dinamba siya ng yakap. Namiss ko ang gagong ito. Ang tagal ko rin siyang hindi nakita.

Nang makabawi na ako sa pagkabigla ay kumalas na ako sa yakap at malakas na hinampas siya sa dibdib. "Akala ko di ka pupunta!"

Napangiwi siya at hinilot ang parteng hinampas ko. "Tsk. Sadista ka talaga. Nasaan ang inaanak ko?"

Nginisihan ko siya. Hindi kasi siya official na ninong ni Isla dahil hindi pa naman kami close nung unang beses na nagpabinyag ako kaya kay Arielle ko na lang siya pinagninong.

"Nasa loob" pinaningkitan ko siya ng mata "Bakit nga pala late ka? Hindi ka nakaabot sa ceremony!"

Sarkastikong tumawa siya. "Sorry ha. London pa kasi yung pinanggalingan ko. Wala pa nga akong pahinga pero dumeretso na ako dito. Di ka na lang magpasalamat"

Inirapan ko siya at kinurot sa braso. Hindi ko talaga alam kung magpapasalamat kong dumaldal na siya ngayon. "Oo na! Halika na, kumain ka muna sa loob. Nakakahiya naman sayo"

Magsasalita pa sana siya pero nahila ko na ang kwelyo niya. Bago pa kami tuluyang makapasok sa venue ay pinalis na niya ang kamay ko at inayos ang damit niya habang iniirapan ako. Natawa na lang ako sa reaksyon niya.

"OMG! Papa Trev!" Tili ni Andrea nang makita si Trevor kaya kaagad niyang nakuha ang atensyon ng mga tao. Sa sobrang saya niya ay nagtatakbo pa ito lumambitin ng yakap sa leeg ng lalaki. Nang madako ang tingin ko sa asawa niya ay nakasimangot ito at masama ang tingin kay Andrea kaya bago pa magtatrums si Lynard ay hinila ko na si Andrea palayo kay Trevor.

"Kumalma ka nga. Tingnan mo, malapit nang manapak yung asawa mo!" saway ko kay Andrea habang pinanlalakihan siya ng mata.

Ngumisi lang ito sa'kin at saka bumaling sa asawang nakasimangot pa rin at nagflying kiss. "Don't worry, di mananapak yan. Takot na lang niyang matulog sa guestroom"

Napailing na lang ako nang mamula ang mukha ni Lynard dahil sa kagagahan ng asawa niya.

Muling bumaling si Andrea kay Trevor at ngumuso. "Papa Trev, kanta ka please. Namimiss ko na ang boses mo"

Magaang hinila ko naman ang buhok niya. "Tigilan mo nga si Trevor! Mahal ang talent fee nyan. Wala akong ipambabayad diyan!"

Hindi makapaniwalang tumingin ito sa'kin. "Sa yaman ng asawa mo?! Wag ka ngang kuripot!"

Inirapan ko na lang siya at muling hinila si Trevor patungo sa isang bakanteng table. Kaagad naman siyang inasikaso ng mga waiter. Nakaramdam ako ng awa dahil parang gutom na gutom siya. Mukhang totoo ang sinabi niyang fresh from London pa siya.

At dahil nga sa kagagahan ni Andrea kanina, maraming nakakilala kay Trevor. And take note, akalain mong fans pala niya ang mga magulang ni Hans kaya napakanta siya nang wala sa oras. Parang wala lang naman kay Trevor na pinagbigyan ang request ng mga tao kaya parang naging mini-concert ang binyag ng anak ko.

Pagkatapos ng kasiyahan ay unti-unti na ring nagpaalam ang mga bisita. Maging ako at ang mga bata ay naghahanda na rin para umuwi dahil ayokong magstay dito habang wala si Hans. Isa pa, nandiyan naman si Ryan at ang iba pang mga tauhan ni Hans kaya hindi ako natatakot ibyahe ang mga anak ko.

"Mama, nasaan si Papa?" tanong ni Isla habang isinisilid sa bag ang mga feeding bottles ni Arielle. Kasalukuyan kasi akong nagpapabreastfeed kaya siya na ang nagliligpit ng gamit bago kami umalis.

"Busy" tipid na sagot ko at saka dahan-dahang idinapa si Arielle para padighayin. Pagkadighay ng bata ay binuhat ko na ito at tumayo. "Okay na yung mga gamit?"

Tumango naman si Isla at binuhat na niya ang bag na naglalaman ng mga gamit ni Arielle. Ako naman ay binuksan na ang pinto ng tinutuluyan naming kubo. Napataas ang kilay ko nang makita ko si Trevor sa labas ng kubo na parang hinihintay kami. "Anong kailangan mo?"

Inirapan lang ako nito at inagaw ang bag na dala-dala ni Isla. Pumasok pa siya sa kubo at kinuha ang iba pa naming mga gamit. Nang lumabas siya ng kubo ay tinaasan ko ulit siya ng kilay. "Anong ginagawa mo?"

"Ihahatid ko muna kayo. Tara na" sagot niya at nauna nang maglakad. Napabuntong hininga na lang ako at sumunod sa kanya. Sinenyasan ko na lang si Ryan na kay Trev kami sasabay kaya sumaludo ito sa'kin.

"Nasaan ba ang asawa mo?" tanong sa'kin ni Trev pagkasakay namin sa sasakyan niya.

"Bakit ba lahat na lang ng tao, iyan ang tinatanong sa'kin ngayong araw na 'to?" inis na tanong ko pabalik habang inaayos ang pagkakahiga ni Arielle sa baby car seat niya.

"Ah, kasi hindi normal na wala yung asawa mo sa binyag ng anak ninyo?" patanong na sagot niya sa'kin habang inaayos niya ang seatbelt ni Isla. Ito kasi ang katabi niya habang kami naman ni Arielle ay nasa backseat.

"Psh. Busy siya e. Anong magagawa ko?" hindi ko na itinago ang hinanakit sa boses ko. Kahit kasi gaano ko palawakain ang pag-iisip ko ay hindi ko pa rin maisip kung bakit may responsibilidad ang asawa ko sa anak ng ibang babae.

Oo, naaawa ako sa bata dahil sa sitwasyon niya ngayon pero bakit kailangan laging naroon ang asawa ko? Bakit kailangan ang asawa ko ang mag-alaga sa kaniya?

Tahimik lang kami sa byahe. Si Arielle ay mahimbing na natutulog samantalang si Isla ay busy sa cellphone niya. Si Trevor ay nagpasak na lang ng AirPods sa tenga para siguro malibang.

Pagkarating namin sa bahay ay napabuntong hininga ako nang makitang madilim pa ang buong kabahayan. Ibig sabihin ay hindi pa rin nakakauwi si Hans.

Bumaba ako sa sasakyan at ganun din siya. Inalalayan niyang makababa si Isla samantalang ako naman ay maingat na binuhat si Arielle. Pagkatapos noon ay tipid na nginitian ko si Trevor "Thanks, Trev. Ingat ka pauwi"

Umismid ito at nagulat ako nang hapitin ako nito para yakapin. "Cheer up, Lizzie. Hindi ako sanay na matamlay ka"

Sa hindi malamang dahilan nangilid ang mga luha ko. Bumitaw lang si Trevor nang gumalaw si Arielle at umiyak. Natatawang dinutdot nito ang pisngi ng bata. "Chill, princess. I was just comforting your Mom"

Ngunit sa halip na tumahan ay lalong lumakas ang iyak ni Arielle kaya naiiling na isinayaw-sayaw ko ito at pinupog ng halik sa pisngi. Nung medyo kalma na ang bata ay nginitian ko ulit si Trev. "Salamat ulit sa paghatid. Let's have some coffee next time. Marami kang utang na kwento"

Natawa ito at ginulo ang buhok ko. Hinalikan niya pa ang mga bata sa noo. "Alright. Bye, girls. Good night"

"Night night, Tito Trev! Take care" masiglang sagot naman ni Isla habang kumakaway-kaway bago pumasok si Trev sa sasakyan.

Nang makaalis si Trev ay pumasok na rin kami ng mga bata sa bahay. Dumeretso kami sa kwarto at inutusan ko na si Isla na magpalit ng damit bago matulog. Ako naman ay pinunasan si Arielle para presko ang pakiramdam niya.

Hatinggabi na at mahimbing na rin ang tulog ng mga bata pero ako ay gising na gising pa rin ang diwa. Hindi pa rin umuuwi si Hans at hindi man lang tumatawag o nagtetext. Nagsisimula na naman akong mainis pero may part pa rin sa'kin na nag-aalala na baka kung ano nang nangyari dun kaya hindi nagpaparamdam.

Naalimpungatan ako nang bumukas ang pinto ng kwarto ni Isla kung saan kami nagtutulog na mag-iina ngayon. Mumukat-mukat na bumangon ako para tingnan kung sino iyon at napataas ang kilay ko nang makita ko si Hans. Naroon siya sa may crib ni Arielle at inaayos ang pagkakahiga ng bata. Bahagyang yumuko pa ito para siguro halikan ang anak.

Mukhang kanina pa siya nakauwi dahil nakapagbihis na siya ng pambahay. Nang tingnan ko ang oras sa alarm clock ni Isla ay nakitang kong 3 am na. Hindi ko tuloy alam kung anong oras ako nakatulog. 

Ibinalik ko ang tingin sa kanya at saktong nakasalubong ko ang mga mata niya. Mukhang pagod na pagod siya pero nagawa pa rin niyang ngitian ako. Lumapit siya sa kama at hinalikan si Isla sa noo bago siya pumunta sa kabilang side ko at doon humiga.

Nang makahiga na siya at dahan-dahang hinila niya ako hanggang sa makaunan ako sa dibdib niya. "I'm sorry, Love. How was the event?"

Napabuntong hininga na lang ako. "Okay naman. Dumating si Trev at nahiritan ng parents mo na kumanta kaya parang naging mini-concert ang binyagan"

"Sabi nga ni Ryan. Siya din daw ang naghatid sa inyo pauwi" pormal na saad niya kaya tumango ako.

Natahimik kaming dalawa. Ang mga kamay niya ay humahaplos sa buhok ko habang paulit-ulit na kinintalan ng halik ang tuktok ng ulo ko. Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay naibuka ko na ang bibig ko para magtanong. "B-bakit ngayon ka lang umuwi?"

"I'm sorry. Hindi ko lang maiwan mag-isa si Hannah. She's at her lowest point. Si Rebel ang pinakamahalagang tao sa buhay niya at sa sitwasyon ni Rebel ngayon ay kailangang-kailangan niya ng karamay" nakagat ko ang ibabang labi ko dahil nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko.

Bakit ganun? Asawa ko na siya pero hindi pa rin ako makampante? Parang may parte pa rin sa'kin na nagsasabing hindi ko pa rin siya pagmamay-ari ng buong-buo.

"Kailangan mo ba talagang gawin yan? Hindi pa ba sapat na sinamahan mo na sila sa Australia?" puno ng hinanakit na tanong ko sa kaniya. Pakiramdam ko kasi kanina at mas mahalaga pa ang mag-inang iyon kaysa sa amin ng mga anak niya kaya niya nagawang iwan kami kanina.

Sinapo niya ang mukha ko sapilitang pinatingin sa kanya. "Clariz, please understand me. Hindi ko sila pwedeng pabayaan. Kargo ko silang mag-ina"

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. "Bakit nga? Kaano-ano mo ba sila? Umamin ka nga sa'kin, anak mo ba ang batang yun?!"

Napalakas ang boses ko kaya kaagad niya akong niyakap at isinubsob sa dibdib niya. "Shush. Calm down. Magigising ang mga bata"

Sa inis ko ay itinulak ko siya at pinilit ang sariling tumayo. Dire-diretsong lumabas ako sa kwarto ni Isla. Hindi rin naman nagtagal at sumunod siya sa'kin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako hanggang sa makarating kami sa kwarto naming dalawa.

Pagkapasok namin sa kwarto ay nagpumiglas ako para makawala sa pagkakahawak niya. Sinuntok ko siya sa dibdib. "Sagutin mo yung tanong ko! Anak mo rin ba ang batang iyon?!"

"Hindi! Hindi ko anak si Rebel. Please, Love. Calm down. Pag-usapan natin 'to pag kalmado ka na" pagpapakalma niya sa'kin habang pilit na inaabot ang kamay ko pero pilit ko ring iniiwas iyon.

Pagak na natawa ako. "Bakit pa? Para maiwasan mo na naman?" Matapang na hinarap ko siya. "Sabihin mo nga, Hans. Bakit pinakasalan mo ako nang biglaan? Bakit pinakasalan mo pa ako kung may ibang babae ka namang prayoridad?!" hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. Punong-puno na ako.

Natigilan siya at napayuko. Napasabunot siya sa buhok niya at napabuntong hininga. "Clariz, wag ngayon please. Wala pa akong matinong pahinga"

"Hindi! Sagutin mo lahat ng tanong ko ngayon din, Hans! Kailangan ko ng sagot kasi nasasaktan na ako! Pakiramdam ko, nakikihati ako pagdating sayo! Bakit?!" sumisigaw na talaga ako. Buti na lang talaga at soundproof itong kwarto ni Hans kaya hindi kami maririnig ng mga bata kahit magpatayan kami dito.

Sinalubong niya ang tingin ko. Bahagya pa akong napaatras nang makita ko ang sakit sa mga mata niya at ang nangingilid na mga luha. "Gusto mo talagang malaman? Gusto mong malaman kung bakit pinilit kitang magpakasal? Iyon ay dahil natatakot ako! Natatakot akong baka isang araw, magising na lang akong hindi na ikaw ang mahal ko. Natatakot akong mahulog nang tuluyan kay Hannah kasi Clariz, iba na yung nararamdaman ko"

Napaluhod ako dahil sa masasakit na salitang narinig ko. "H-hindi ka sigurado sa'kin?"

Lumuhod din siya sa harapan ko at sinapo ang mukha ko. "Sigurado akong mahal kita"

Mapait na napangiti ako. "Pero may nararamdaman ka rin sa kanya"

Dahil sa sinabi ko ay napayuko siya. Hindi man lang niya itinanggi kaya lalo akong nadurog. Tuluyang kaming napaupo sa sahig. Niyakap ko ang mga tuhod ko at hinayaang bumuhos ang lahat ng mga luha ko. Ang sakit sakit ng dibdib ko.

Pinilit ko ang sariling kumalma. Nang siguro naubos na ang mga luha ko ay muling inangat ko ang ulo ko para tingnan si Hans. Gaya ko ay nakaupo na rin siya sa sahig habang nakayuko. Umaalog din ang balikat niya tanda ng pag-iyak.

"Hans?" tawag ko sa kaniya at agad naman siyang nag-angat ng tingin. Mapait na ngumiti ako. "Uuwi muna kami ng mga bata sa probinsya. Please, wag mo na akong pigilan this time"

Lalong gumuhit ang sakit sa mga mata niya. "I-iiwan niyo ako?"

"We both need space and you need time to think at lalo ka lang maguguluhan kung lagi mo pa rin akong nakikita" lumapit ako sa kaniya at sinapo ang mukha niya. "Hans, hindi ko kaya ng may kahati sayo"

Hinawakan niya ang kamay kong nakasapo sa pisngi niya. Nagsusumamo ang mga mata niya "Love, ikaw ang asawa ko. Wala kang kahati"

Tipid na nginitian ko siya. "Timbangin mo munang mabuti yung nararamdaman mo. Kung ako talaga ang mahal mo, alam mo kung saan ako pupuntahan. At kung hindi naman ako .. h-handa akong palayain ka at ipinapangako kong hindi ko ipagdadamot ang mga bata"

Tuluyang napahagulhol siya at kinabig ako para yakapin nang mahigpit. "Please don't do this, Love. Hindi ko kayang malayo sa inyo ng mga bata"

"Kailangan, Hans. Ayokong habambuhay kang maguluhan sa nararamdaman mo" muli kong sinapo ang mukha niya. "Mabuti kang ama sa mga anak natin at bilang kapalit, hinding-hindi kita pagdadamutan. Kung marerealize mong siya talaga ang mahal mo, ipapaubaya kita. Ganun kita kamahal, Hans"

Hinalikan ko siya sa noo at saka pilit na yumalas na ako sa pagkakayakap niya. Pinilit ko ang sariling tumayo at lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko ay napasandal ako sa pinto at napadausdos ng upo. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi marinig ng mga bata ang pagtangis ko.

Nang kumalma ako ay bumalik ako sa kwarto ni Isla para tawagan si Trevor. Sa kanya ako magpasundo dahil nahihiya ako sa mga tauhan ni Hans.

Inayos ko ang gamit ng mga bata at hinintay na lang na magising si Isla. Pagkagising ni Isla ay kaagad ko itong pinakain at pinaligo. Habang naliligo si Isla ay binihisan ko naman si Arielle. Ang bigat pa rin ng dibdib ko pero said na ata ang mga luha ko.

Natigilan ako nang mula sa likod ko ay may mga bisig na pumulupot sa bewang ko. Kahit hindi ako lumingon ay alam kong si Hans iyon kaya mahinang siniko ko siya. "Hans, ano ba? Kailangan na naming umalis"

Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa'kin. "Promise me that you will wait for me. Aayusin ko lang yung sarili ko tapos susunduin ko kayo ulit"

Napabuntong hininga ako at hinarap siya. "Wag mong isipin na may naghihintay sayo. Hayaan mong maging malaya yung sarili mong tuklasin ang tunay mong nararamdaman para hindi ka maguluhan"

Tipid na ngumiti siya at inayos ang ilang hibla ng buhok kong nakatabon sa mukha. "You're my wi --"

Maagap na inilagay ko ang hintuturo ko sa may labi niya para pigilin ang sasabihin niya. "Shush. Wag mong isipin na asawa mo ako. Baka kaya ka nagkakaganito ay dahil nasanay ka lang sa'kin at may mga anak tayo." hinaplos ko ang pisngi niya. "Wag kang mag-alala. Kung ano man ang maging desisyon mo, hinding-hindi magbabago ang pagiging ama mo sa mga anak natin"

Saktong lumabas na rin si Isla ng CR kaya hindi na nakahirit si Hans. Lumayo ako sa kaniya at lumapit kay Isla para suklayan ito. Si Hans naman ay binuhat si Arielle at ilang beses na hinalikan.

Nang makatanggap ako ng text kay Trevor na nariyan na siya sa labas ay ihinatid pa kami ni Hans sa may gate. Si Isla ay kanina pa nagtatanong kung bakit hindi kasama ang Papa niya pero si Hans na ang nagpaliwanag. Hinayaan ko na lang silang dalawa na mag-usap.

"Kay Isla ka na lang tumawag pag gusto mong kamustahin ang mga bata" bilin ko kay Hans bago ako sumakay sa sasakyan ni Trevor. Muli na namang gumuhit ang sakit sa mga mata niya pero tumango naman siya.

Hinalikan pa niyang muli ang mga bata sa noo bago niya tuluyang isara ang sasakyan.

Habang papalayo kami sa bahay ni Hans ay pabigat nang pabigat ang dibdib ko at nangingilid na naman ang luha sa mga mata ko.

Once again, binitawan ko na naman ang taong pinakamamahal ko.

...

Continue Reading

You'll Also Like

15.3M 435K 73
"๐–๐ก๐ž๐ซ๐ž ๐ญ๐ก๐ž ๐ก๐ž๐ฅ๐ฅ ๐ก๐š๐ฏ๐ž ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐›๐ž๐ž๐ง ๐š๐ฅ๐ฅ ๐ฆ๐ฒ ๐ฅ๐ข๐Ÿ๐ž?" "๐๐จ๐ญ ๐ข๐ง ๐ก๐ž๐š๐ฏ๐ž๐ง, ๐ญ๐ก๐š๐ญ'๐ฌ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ฌ๐ฎ๐ซ๐ž." Nothing in life...
6.2M 207K 40
#1st in werewolf #1st in confessions and fighter #1st in humor #5th in romance Hayley Hood is a 17 year old girl who has gone through so many things...
1.2M 21.3K 53
BETRAYAL SERIES #1 COMPLETED Clementine Indra Acker is a simple girl that only wish a good life but what if Zyair Keanu Huxley ruined everything in h...
555K 39.9K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the faรงade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...