My Happy Crush

By AndreaMaxima

1.2K 94 58

Description: Para sa teenager na katulad ko, normal lang ang magka-crush at maging hopeless romanti... More

Dedication
My Happy Crush
Chapter 1: First Page
Chapter 2: Paningin
Chapter 3: School Year
Chapter 4: English Book
Chapter 5: Checked By
Chapter 6: Last Dance
Chapter 7: Ceejay & Maica
Chapter 8: Panyo
Chapter 9: Magaling Ka
Chapter 10: Proud
Chapter 11: Sunsets
Chapter 12: Crush
Chapter 13: Group Chat Confession
Chapter 14: Private Message
Chapter 15: Lilipas
Chapter 16: Bukas na Libro
Chapter 17: Sunrise
Chapter 18: Comfort
Chapter 19: Red Letter
Chapter 20: Onion Rings
Chapter 21: Happy Birthday
Chapter 22: Bumalik
Chapter 23: Salamat
Chapter 24: Sikreto
Chapter 25: Happy New Year
Chapter 26: Tula
Chapter 27: Isang Taon
Chapter 28: Cedrick
Chapter 30: AkosiCaptain

Chapter 29: No Regrets

12 1 0
By AndreaMaxima


CHAPTER 29

No Regrets

Sa lahat ng bagay na ginagawa ko, palagi na lang akong may doubt. Tuwing nasa kalagitnaan ako ng pagtupad, saka naman ako umuurong para umatras. Marami akong iniisip. Marami akong kinatatakutan pero sinubok na rin ako ng panahon. Sinubok na ako ng lahat ng pinagdaanan kong hirap, sakit at pighati sa buhay.

"Sure ka na ba talaga sa desisyon mo?"

Mahina akong natawa at inilapag ang letter. "Sir, matagal kong pinag-isipan 'to. I think this is the right time for me to explore new things."

Kaibigan ko si Arthur at study buddy na rin simula first year. Simula nang nag-graduate ako with flying colors, ni-recommend niya na ako sa accounting firm ng family niya. Maliit lang iyon at maliit pa ang sahod ko noong una. Crucial para sa akin dahil marami akong pinapaaral pero hindi ko iniwan si Arthur. Napamahalaan naman niya nang maayos ang firm kaya namamayagpag na ang firm sa buong Pilipinas. Proud akong naging parte ng success ng company.

Umismid ang boss kong napakakulit. "Hindi ka pa nakapag-explore sa lagay na 'yan? You're a CPA, a published author, a social media influencer, business owner and an ambassador of a women organization. What do you want? I'll give it to you. You're one of the assets of my company. Nanghihinayang ako sa'yo."

Napangiti ako sa sinabi ng boss kong si Arthur. Alam ko ang mga narating ko. Hindi lang talaga ako sanay na marinig iyon mula sa ibang tao.

Kung dati, parang walang kuwenta pa ang tingin ko sa sarili ko. Gusto ko na lang palagi maglaho. Gusto ko na lang palaging ilayo ang sarili ko sa mga taong napapamahal ako dahil tingin ko, hindi ko sila deserve sa buhay ko. Pero ngayon, nabago lahat ng 'yon. Basta isang araw, naisip ko na lang na mahalin ang sarili ko... at ganito na ang nangyari, ito na ako ngayon.

"Sir, sa inyo na rin nanggaling. I have business. Lumalaki na iyon at nahihirapan na akong i-manage." Hinawakan ko ang kamay niya. "Arthur, I'm really thankful that you make me your friend. I love you."

Nangilid ang mga luha ni Arthur. "Gaga! Alam mo namang mahal kitang bakla ka. Bakit kasi kailangan mo pang umalis?"

"Don't worry! Sasama pa rin ako sa hang outs!"

Napairap siya. "Duda ako sa'yo. You're so workaholic. Baka lalong hindi na kita mahagilap."

Umiling ako. "Promise. Just call me. Promise, sasama ako."

"Sure 'yan, ah! Sa weekend. Bar hopping and man hunting!"

Natawa ako. "Alam mo namang hindi ako mahilig doon."

"Aba, Jessa Mae! You're already twenty eight. 'Yong ibang ka-batch natin, may anak na. Ikaw, kahit kalandian, wala!"

Napanguso ako. Hindi ko naman talaga kailangan ng lalaki sa buhay. Masama ba iyon o dahil nasobrahan lang ako sa pagmamahal sa sarili ko kaya kahit pangtanggap ng love sa opposite sex, parang impossible na sa akin?

"Sige na, lumayas ka na sa building ko at baka magbago pa ang isip ko!"

Natawa na lang ako at hinalikan siya sa pisngi. Pumunta ako sa office ko at kinuha ang mga gamit ko. Sumandal ako nang nakapasok sa elevator. Hindi ko alam kung bakit magaan ang loob ko kahit iiwanan ko ang trabahong humubog sa akin. Basta ang alam ko lang, this time, gagawin ko ang mga bagay na gusto ko—walang magdidikta, walang makikialam.

"Ma'am, thank you po! Ma-miss ka po namin!"

Napangiti ako sa sinabi ng guard sa entrance ng building. "Thank you rin po, Manong. Good luck po sa mga anak ninyo!"

Nang nakalabas ako, huminga ako nang malalim at tiningnan ang mga taong naglalakad sa labas. Sa panibagong desisyon ko, muli akong tatahak sa bagay na gusto ko. Muli akong susugal—bagay na hindi ko nagawa dati. Muli akong haharap sa mundo, mas matatag, mas malakas at mas may paninindigan kumpara noon.

******

"Aba, ikaw na bata ka? Kailan ba uuwi dine? Mag-birthday na papa mo sa isang linggo. Umuwi ka na dine sa isla."

Mahina akong natawa sa sinabi ni Mama sa kabilang linya. Uuwi naman talaga ako sa isla. Hindi puwedeng hindi ako umuwi. Siguradong magtatampo si Papa.

Simula nang nagkasagutan kami ni Mama, marami na rin ang nabago sa relasyon namin. Naging mas open kami sa isa't-isa. Sinikap niya na rin intindihin kaming magkakapatid. Nagsusugal pa rin naman siya pero sa bahay na lang, at hindi lulong katulad dati.

Si Papa naman, wala mang materyal na bagay siyang napundar sa pag-abroad niya. Ang makatapos ako, isang malaking tulong niya na para sa akin at sa pamilya namin. Naging mahirap sa akin noong unang dalhin ang responsibilidad sa pamilya pero determinado akong huwag na siyang mahirapan. Kaya nang nakasilip ng opportunity, sinunggab ko agad. Nag-ipon ako, nagpagawa ng bahay sa isla at nagtayo ng negosyo. Sa ngayon, iyon ang ginagamit ko sa pagpapaaral ko sa tatlo ko pang kapatid. Sa mga gamot at maintenance nina Mama at Papa, ang iba kong mga kapatid na nakatapos na sa pag-aaral ang bumibili ng mga iyon.

"Uuwi na po ako. May reservation na nga po ako ng ticket sa barko. May inasikaso lang dito sa office"

Medyo nagkaroon ng problema sa factory. Hindi rin dumating ang supplier ng balimbing kaya hindi matuloy ang operations. Hindi ko alam kung bakit balimbing chips ang negosyo ko at napasok ako sa food industry. Siguro dahil alam ko kung gaano kahalaga ang pagkain.

"Sa Tuesday po ng gabi ako uuwi pero babiyahe na po ako ngayon since may book signing po ako sa siyudad diyan. Mag-book na lang alo ng hotel room."

"Sige, basta huwag magpakapagod. Kumain ka sa tamang oras, Jessa Mae. Ang dami-dami mong ginagawa."

Napangiti ako. "Opo. I love what I am doing, Mama. Don't worry po."

"Oh siya! Umuwi ka dito! Kahit magsama ka ng lalaki, kahit asawahin mo na!"

"Mama!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Kulang na lang ay ibugaw niya ako. Sino namang isasama ko? Si Arthur? Baka mapikot nang wala sa oras ang baklang iyon.

Hindi ko alam kung bakit pinu-push nila akong mag-asawa. Okay pa naman akong mag-isa sa buhay...sa ngayon. Sige. Naghahangad din naman ako na magkaroon ng boyfriend or husband material na lalaki pero nasaan?

May mga naka-date ako pero hindi na umulit. Masyado raw akong intimidating. Parang lahat ng lalaki, turn off agad sa mga bagay na kaya kong gawin. Paano 'yon? Masyado kong mahal ang sarili ko para itapat ang sarili ko sa standard nila.

"Oo nga pala, itong bunso apo ko

Gusto ng Jollibee. Wala namang puwedeng sumama. Busy 'yong kapatid mo. Alam mo namang walang Jollibee dito sa isla."

Napangiti ako nang naalala ang cute kong pamangkin. "Sige po, dadaan ako. Mamaya na po ulit. Tapusin ko po muna 'to."

"SINONG NAG-ABOT NITO?" tanong ko sa facilitator.

Malapit nang magsimula ang book signing event. Sa mga ganitong okayson, palagi na lang akong may natatanggap na isang bungkos ng sunflowers. Walang palya iyon. Tuwing may bago akong release na book, palagi akong may natatanggap.

"Delivery boy lang po."

Gumuhit sa dibdib ko ang disappointment. Nang nakaalis ang facilitator, agad kong binasa ang card na nakasipit doon.

Good luck with your book signing. Can't wait to have your signature

– AkosiCaptain

Napanguso ako. "Can't wait ka diyan? Hindi ka naman nagpapakita."

Bumuntong-hininga ako at itinabi sa gamit ko ang mga bulaklak. Gusto ko siyang makilala. Ang alam ko lang, reader ko siya pero wala akong ideya kung sino siya. Gusto ko pa namang malaman kung paano niya ako na-discover.

Nag-start na ang event kaya umupo na ako sa harap ng long table. Napangiti ako nang kumaway ang admins ng pages ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Nakilala ang mga akda ko. Naka-inspire ako nang maraming tao.

Parang hinehele ako. Kahit paulit-ulit na akong nagkaroon ng book signing event, parang laging bago pa rin sa akin ang lahat. Ang appreciation na lagi kong hinahanap noon, ngayon natatamasa ko na kahit sa mga taong hindi ko kilala.

Happy crush. Siya ang pinakamatinding happy crush ko. Marami ang nasayang pero dapat ba talagang panghinayangan? Marami akong natutuhan sa buhay. Marami akong napagtanto simula nang nawala siya.

Napangiti ako muli nang naalala ang isang taong naging bahagi ng success na 'to. "No regrets. Thank you for trusting me, Ceejay."

Continue Reading

You'll Also Like

22.3K 58 6
This is a work of fiction. Not suitable for young readers below 18. Read at your own risk and please do not report🔞
22.8K 1.1K 50
He is Alexander Ryan Valdez, my bestfriend. Bakit kaya kung kailan alam ko nang mahal ko na siya? Tsaka naman siya nagmahal nang iba? I'm Maximilli...
111K 2.8K 28
GXG
91.9K 523 6
Cyan Bernardo, Isang babaeng simple maganda at maraming kaibigan, isang babaeng nainlove sa isang lalake na sya lang nakakita? Mahal nya ito at maha...