Path of a Lost Flower

By Ms_CoffeeBean

75.6K 3.9K 1.4K

Si Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang k... More

Umpisa
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ika-tatlong Kabanata
Ika-apat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ika-anim na Kabanata
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ika-siyam na Kabanata
Ikasampung Kabanata
Ika-labing Isang Kabanata
Ika-labing dalawang Kabanata
Ika-labing tatlong Kabanata
Ika-labing apat na Kabanata
Ika-labing limang Kabanata
Ika-labing anim na Kabanata
Ika-labing Pitong Kabanata
Ika-labing Walong Kabanata
Ika-labing Siyam na Kabanata
Ika-Dalawampung Kabanata
Ika-Dalawampu't Isang Kabanata
Ika-Dalawampu't dalawang Kabanata
Ika-Dalawampu't tatlong Kabanata
Ika-Dalawampu't apat na Kabanata
Ika-Dalawampu't limang Kabanata
Ika-Dalawampu't anim na Kabanata
Ika-Dalawampu't pitong Kabanata
Ika-Dalawampu't walong Kabanata
Ika-Dalawampu't siyam na Kabanata
Ika-tatlumpung Kabanata
Ika-Tatlumpu't Isang Kabanata
Ika-Tatlumpu't dalawang Kabanata
Ika-Tatlumpu't tatlong Kabanata
Ika-tatlumpu't apat na Kabanata
Ika-tatlumpu't limang Kabanata
Ika-tatlumpu't anim na Kabanata
Ika-tatlumpu't pitong Kabanata
Ika-tatlumpu't walong Kabanata
Ika-tatlumpu't siyam na Kabanata
Ika-apatnapung Kabanata
Ika-apatnapu't isang Kabanata
Ika-apatnapu't dalawang Kabanata
Ika-apatnapu't tatlong Kabanata
Ika-apatnapu't apat na Kabanata
Ika-apatnapu't limang Kabanata
Ika-apatnapu't anim na Kabanata
Ika-apatnapu't pitong Kabanata
Ika-apatnapu't walong Kabanata
Ika-apatnapu't siyam na Kabanata
Ika-limampung Kabanata
Ika-limampu't isang Kabanata
Ika-limampu't dalawang Kabanata
Ika-limampu't tatlong Kabanata
Ika-limampu't apat Kabanata
Ika-limampu't limang Kabanata
Ika-limampu't anim na Kabanata
Ika-limampu't pitong Kabanata
Ika-limampu't walong Kabanata
Ika-limampu't siyam na Kabanata
Ika-animnapung Kabanata
Ika-animnapu't isang Kabanata
Ika-animnapu't dalawang Kabanata
Ika-animnapu't tatlong Kabanata
Ika-animnapu't apat na Kabanata
Ika-animnapu't limang Kabanata
Ika-animnapu't anim na Kabanata
Ika-animnapu't pitong Kabanata
Ika-animnapu't pitong Kabanata
Ika-animnapu't walong Kabanata
Ika-animnapu't siyam na Kabanata
Ika-pitumpung Kabanata
Ika-pitumpu't isang Kabanata
Ika-pitumpu't dalawang Kabanata
Ika-pitumpu't tatlong Kabanata
Ika-pitumpu't apat na Kabanata
Ika-pitumpu't limang Kabanata
Ika-pitumpu't anim na Kabanata
Ika-pitumpu't pitong Kabanata
Ika-pitumpu't walong Kabanata
Ika-pitumpu't siyam na Kabanata
Ika-walumpung Kabanata
Ika-walumpu't isang Kabanata
Ika-walumpu't dalawang Kabanata
Ika-walumpu't tatlong Kabanata
Ika-walumpu't limang Kabanata
Ika-walumpu't anim na Kabanata
Ika-walumpu't pitong Kabanata
Ika-walumpu't walong Kabanata
Ika-walumpo't siyam na Kabanata
Ika-siyamnapung Kabanata
Ika-siyamnapu't isang Kabanata
Ika-siyamnapu't dalawang Kabanata
Ika-siyamnapu't tatlong Kabanata
Ika-siyamnapu't apat na Kabanata
Ika-siyamnapu't limang Kabanata
EPILOGUE
PLUG PLUG PLUG!!!

Ika-walumpu't apat na Kabanata

853 41 27
By Ms_CoffeeBean

-IRENE-

"Irene" rinig kong boses habang may tumatapik sa balikat ko. Unti unti kong minulat ang mata ko at nakita ko si Manang na nasa harap ko.

"Manang" mahinang wika ko. Ngumiti ito sa akin na para bang nagsasabi na magiging okay din ang lahat kaya mabilis na nangilid ang luha ko.

"Manang a-ang tanga tanga ko. Im the worst" wika ko habang pinipigilan na wag umiyak.

"Sshhh, don't say that 'rene. Its not true" wika niya at niyakap ako.

"Manang mas gumulo lang pamilya namin. Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko rin naman makausap ng maayos si Greggy"

"Susubukan kong kausapin siya para magkaayos na kayo. Hindi mo kayang ayusin ang pamilya niyo ng mag-isa, kailangan niyong pagtulungang mag-asawa ito" wika niya.

Pagkabitiw niya ay pinagkwento niya ako kung ano ba ang nangyari kaya nagkwento ako.

Mahigit isang oras na iyakan ang lumipas ay napagpasyahan namin na magtungo na sa Kusina para magluto ng hapunan dahil magtatakil silim na.

"Wala pa rin ba sila Zia? Maggagabi na ha"

"Late silang umuuwi manang, she keeps herself busy dahil masama ang loob niya"

"Did you try to talk to her?"

"Umiiwas manang eh, just like greggy" mahinang wika ko.

Nagpatuloy na kami sa pagluluto at baka magkaiyakan nanama kami

Mag aala syete na ng gabi nang mapansin namin na may sasakyang huminto sa harap ng bahay, ilang sandali pa ay nakita namin si Zia na papasok.

"Tita? Mabuti po at nakadalaw kayo rito kahit papaano ay nabigyang buhay ang bahay na ito" wika niya nang mapansin kami. Lumapit siya rito at ngiting ngiting binati si Manang at nung natapat na siya sa akin ay nawala ang ngiti nito pero bumeso parin sakin

"Ikaw ha, you always keep yourself busy parati ata kayong wala dito sa bahay niyo" wika ni Manang.

"Kailangan po ng pagkakaabalahan eh" simpleng sagot niya.

"Okay go to your room first, bumaba ka pero kaagad dahil malapit na itong maluto" tumango si Zia at agad na umalis para magtungo sa kwarto nito.

After few minutes nakita namin si Zia na pababa na, nakabihis na ito ng pambahay sakto naman na nakaprepare na lahat ng pagkain sa mesa.

"Tita Are we not going to wait dad?" Tanong nito kay Manang.

"Ahm anak busy ang daddy mo, baka late nanaman siya makauwi" sagot ko. Tumahimik naman si Zia at tumango nalang.

Nang kumakain na kaming tatlo nila Manang ay sila lang ang nagkikwentuhan panay ang sarili ni Manang sa akin pero panay rin ang tahimik niya tuwing nababanggit ako kaya mas minabuti ko nalang na manahimik.

Nang matapos kaming kumain ay saktong nakita namin si Greggy na papasok ng bahay.

Himala di siya inabot ng hatinggabi ngayon.

"Dad" bati ni Zia sabay lapit sa tatay nito para bumeso.

Ngumiti si Greggy kay Manang at dumiretso na ito palayo

Di man lang ako pinansin.

"You okay? Sorry I know its not pero nagtatanong parin ako. You want me to talk to him" bulong ni Manang. Isa isang tumutulo nanaman ang luha ko.

"Manang---" wala akong ibang mabanggit kundi ang pangalan nito, yumakap na ako sakanya at umiyak.

"I'll go to my room na po" wika ni Zia at tumakbo papaalis.

--------

-ZIA-

"Oh Zi, what are you doing here anak? You need anything?" Tanong ni Daddy pagkapasok ko sa Guestroom kung saan siya natutulog.

"Dad hindi pa ba kayo okay ni Mommy? Ni hindi mo man lang siya pinansin kanina, and you're still staying here imbes na sa room niyo" huminga ito ng malalim.

"Wala ba kayong balak ayusin ang problema niyo?" Dagdag ko.

"Come here Zi" wika niya kaya lumapit ako. He caressed my hair at tinap ang shoulder ko.

"Honestly I badly miss your mom but Everytime na maalala ko yung nagawa niya bumabalik yung galit ko"

"Dad kahit ilang beses siyang itulak palayo ni Mommy kung talagang gusto niya sa atin magistay siya, can we please forget her?"

Napakunot ang noo ni Daddy

"Why are you saying that Zi? Parang nung isang araw lang you want us to bring her back here"

Nagkibit balikat ako, "I just realized na we are not that important to her. We don't deserve to be treated that way. She already made up her mind to go back to her old life so please let's all move on and just act like nothing happened. Hindi natin siya natagpuan, hindi natin nalaman na totoong buhay si Vianne and wala tayong nakilalang lily" mariin na wika ko.

"No Zi, we're not going to forget your sister--"

"Wala akong ibang kapatid kundi si kuya Alf and Kuya Lui lang. Yung kapatid kung si Vianne matagal ng wala" wika ko. Umiling iling si Daddy.

"No anak, don't be like that. Maayos pa natin ito, In fact tatawagan ko na si Lily mamaya and ask her to come back here. Almost week is enough for her to breathe away from us, its time to for her to go back here"

"Dad masasaktan lang tayo kung ipagpipilitan natin ang sarili natin sa taong hindi naman tayo pinapahalagahan. We deserve better, best rather. Kaya please stop chasing people who doesn't want to be with us" wika ko at tumayo na.

I can't take this, bakit ganun? Ang unfair unfair. Kami itong nagbibigay ng lahat, Effort and Love sakanya pero di man lang niya masuklian yun. Puro sakit ang binibigay niya.

"Let's stop this conversation Im going to my room na. Please talk to mom and try to fix the problem you have" malamig na wika ko. Bumeso ako kay daddy at lunabas na ng guestroom at nagtungo sa kwarto ko.

---------

-IRENE-

"Oh Luis you're here na pala" wika ko nang makita ko si Luis sa may Sala pagkababa ko.

"Hey Mom, you're so early today ha" wika niya naman sabay lapit sa akin at humalik.

"Yeah, I need to go to School kasi eh. Alam mo na month from now start na naman ng klase"

"What about you? Napaaga ang uwi mo?   Wala ka ng magawa dun sa Ilocos noh?"

"Nah, Kuya Alfie called me and he want me to help him to our business abroad. Mukhang problemado na siya kaya tulungan ko na"

"So kasama mo ang daddy mong pupunta abroad?" Umiling ito.

"Alf called me 'coz daddy don't want to go to abroad muna. Aasikasuhin niya daw muna ang problema dito which is our family"

"Aasikasuhin? Eh pinapabayaan niya nga lang ang problema naming mag-asawa eh" bitter na sagot ko.

"Di pa kayo okay? Dati rati 1 to 2 days lang kayong nag-aaway pinakamatagal na 3 days and now more than week na oh" napahinga nalang ako ng malalim.

"Kaya na akong tiisin ng daddy mo" mahinang wika ko, naiiyak nanaman ako pero nginitian ko ito.

"You're making me cry Lui ano ba!"

"Mom do you want me to help you first before going abroad?"

"No need anak, Im just giving your dad some space for the mean time bago ko siya kakausapin" tinanguan naman ako ni Luis.

"Everything will be okay Mom" wika nito at niyakap ako.

----

"Good Morning Ms. Irene" rinig kong mga boses kaya napalingon ako sa may pintuan ng room ko sa school at nakita ang mga former students ko.

"Oh Emily, Patricia anong ginagawa niyo rito? Wala pang enrollment" wika ko.

Natawa ang dalawa sabay lapit sa may desk ko.

"Galing po kami diyan sa Malapit at nalaman namin na nandito ang mga teachers ngayon kaya dumalaw po kami" sagot nila. Napatango naman ako.

"Miss niyo ako noh?" Biro ko sabay tawa ng mahina.

"Syempre Miss, mags-senior high na po kami pero until now gusto namin bumalik para maginh advisory mo ulit"

"Sus as if I know pinaguusapan niyo ako dahil masungit ako" biro ko ulit

Natawa naman sila

"Masungit naman po talaga kayo pag discussion, nakakatakot kaya miss" biro rin nila.

Nagkakwentuhan kami at tumagal iyon, nahinto lamang nang makita ko si Ma'am Roda. Aalis sana ito nang makitang may kausap akong iba pero tinawag ko na.

"Oh Emily and Patricia, tama ba?" Tumango sila

"Hi Ma'am" bati naman nila dito.

"Sorry if nadisturb ko ang masayang kwentuhan niyo, babalik nalang ako Mamaya"

"Ay Ma'am Roda wag na po, aalis na rin po kami"

"Hala sure ba?"

"Opo, saglit lang po kami rito pero napatagal dahil sa sayang makipagkwentuhan. Miss Alis na po kami salamat po sa time, dadalaw po ulit kami sa susunod"

"Okay Girls, magiingat kayo pauwi. It was nice seeing the both of you again" wika ko at nakangiting tinitignan sila habang naglalakad palayo.

Nabaling ang tingin ko kay Ma'am Roda nang mapalingon ako sakanya. Oo nga pala andito pala siya.

"Maupo ka Ma'am" wika ko

"Di na ako magpapaligoy ligoy pa Ma'am Irene, I came here because I want to ask you things" mukhang seryosong wika niya.

"About what?"

"Lily" agad nawala ang galak sa mukha ko nang marinig ang sinabi niya.

"What about her?"

"Sorry about last time, hindi talaga namin alam na pinapauwi ni siya that time---"

"Kalimutan nalang natin yan Ma'am, its all in the past na" tumango ito.

"How is she?" Tanong niya. Napakunot ang noo ko.

"Why are you asking me that?"

"We know na may problema siya at ayaw niyang magkwento. The last time we hear about her is when she was asking Steph to get her here"

"Alam naming nagtatampo ang bata sa amin, we want to be with her pero alam rin namin na mas kailangan niyo siya para maayos kayo kaya tinanggihan namin ang gusto niya na magstay muna sa amin, kahit na kay Yen"

"Is she okay now? Kamusta siya?"

Hindi ko alam kung paano sasagutin ang mga tanong niya dahil kahit ako ay wala balita sakanya.

"Sorry Ma'am but As much as i want to answer your question hindi ko rin alam eh"

"What do you mean Ma'am?"

"We had an arguement days after Na madischarge ako sa hospital. Hindi talaga kami okay simula nung mahospital ako, ang daddy niya lang ang nakakausap niya"

"Until now di kayo naguusap?"

"Wala na siya sa bahay. Hindi ko rin alam na umalis siya pero aminado ako na kasalanan ko yun dahil tinulak ko siya papalayo sa amin. Sa daddy niya siya nagpaalam na aalis muna sa amin, gumising nalang ako isang umaga and greggy told me na umalis na siya" halos maluha kong wika.

"So you mean wala na siya sa bahay niyo? Kailan pa? Do you know kung saan siya pumunta? Sinabi ba sainyo?" Umiling ako.

"I don't have an idea sorry" napayuko na wika ko.

"Are you kidding me? How come na wala kang maisagot sa mga tanong ko? Hindi ka ba nag-aalala sa anak mo?" Medyo lumakas na ang boses nito.

"Its almost a week na simula nung umalis siya. Wala siyang sinabi kung saan siya pupunta, I tried to ring her phone yesterday pero unattended ito"

"I can't believe this, saan naman kaya pupunta iyon" nag aalalang wika niya.

"Sorry"

"Ayokong magbitiw ng masamang salita pero Ma'am remember this, Once na may mangyaring masama sa bata kayo ang mananagot" wika niya sabay alis

------

"Oh Irene mukhang pagod na pagod ka anak" wika ni Manang Estela pagkauwi ko ng bahay.

"Marami lang hong ginawa manang, si Zia po andito? What about greggy?"

"Si Zia nasa kwarto niya hindi lumabas ng bahay ngayong araw, si Greggy naman hindi pa umuuwi" tumango naman ako at ngumiti kay Manang.

Bago ako tumungo sa kwarto ko ay dumaan muna ako sa kwarto ni Zia. Kumatok ako at agad niyang binuksan ang pinto, medyo nagulat pa ito nang malaman na ako yung kumakatok.

"P-pasok po" mahinang wika niya

Pumasok ako at naupo sa may mini sofa nito.

"You okay?" Tanong niya nang mapansin na tahimik ako.

"Can you hug mommy? I really need one right now" emosyonal na wika ko, kita ko sakanya na nag-aalangan pa ito pero lumapit rin naman sa akin at yumakap

Agad na nagtubig ang mga mata ko ng yakapin ako ni Zia, hindi nagtagal ang yakap pero masaya na ako dun, sapat na sa akin na niyakap niya ako kahit saglit lang.

"Sorry If im a bit emotional" wika ko sabay punas ng mga luha.

"What happened?"

"Nothing, I just realized na ako nga ang may kasalanan ng lahat. Sorry Zi, sorry if Im not the best mom. Promise I am doing my best but I know its not enough"

Hindi ito sumagot, at medyo yumuko lang.

"Naisip ko lang naman na baka nasasakal na natin si Vianne na mas gusto niya talaga sa dati niyang buhay pero napipilitan siyang iwanan ang mga ito dahil sa atin. you can't blame me anak, genuine happiness ang nararamdaman Vianne when she's with them. Try to look at their picture and compare it with us, ibang iba ang ngiti niya tuwing kasama sila"

"Zi masakit para sa akin iyon, ang hirap bitawan nung mga salitang sinabi ko kasi alam ko sa sarili ko na hindi ko gusto iyon, hindi ako pabor na iwanan niya ulit tayo, na after all these years na pangungulila sakanya mahahanap siya pero mapupunta rin sa wala. Pero anak hindi ko rin naman kayang ikulong siya sa dito, na ilayo siya sa mga taong nagpapasaya talaga sakanya" iyak ko.

Unti unti ng lumuluha si Zia pero panag ang punay niya rito.

"Nagsisisi na ako Zi, sana pala di ko nalang sinabi ang mga iyon. Sana pinili ko nalang maging selfish, kasi sa ginawa ko mas marami kayong nasaktan. Lahat tayo nasaktan, and worst mas naging magulo tayo. Ni hindi ko nga magawang maayos ang problema namin ng daddy mo eh. Anak sorry, hindi ko magawang gampanan ng maayos yung pagiging nanay ko sainyo" halos humagulgol na ako sa harapan ng anak ko.

"Iniisip ko lang naman ang kapakanan niyo eh pero everytime na gumagawa ako ng desisyon palaging nagffailed. Im sorry anak, Im sorry Zi. Patawarin niyo si Mommy"

Naramdaman ko nalang na may yumakap sakin, mas lalo akong naiyak dahil dun

"Sshh mom, sorry too. Ang sama ng loob at lungkot lang namin ang inintindi namin, hindi ka namin naisip. Hindi ko naisip na nasasaktan ka rin sa nangyayari. Im sorry mommy"

"Its okay anak, I understand" nagiiyakan kami ni Zia sa kwarto. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat ng loob na dinadala ko.

After a couple of minutes tumahan na kami. Nagstay pa ako ng ilang minuto sa kwarto niya bago magpaalam muna na magbibihis.

Nang matapos na akong magbihis sa kwarto ay nakita ko si Greggy na pumasok ng kwarto namin, seryoso ang mukha nito

"G-greg" tawag ko sakanya.

"What happened? May p-problema ba?" Kinakabahang tanong ko.

"Really Irene? You're asking me that? Are you for real?" Sarxastic na tanong nito.

"Sino bang may sabi sayo na wala tayong problema? Ganyan ka ba kawalang pakialam sa pamilya natin ha? Are you not aware of what is happening in our family?" Galit na tanong nito.

"Greg calm down, let's talk about this in a nice way"

"Ano? Talaga bang magpapanggap ka nalang na para bang hindi natin nakilala si Vianne ha? Na para bang walang Lily na dumating sa buhay natin ganun? Irene naman"

"Nakakasawa Irene, napapagod na akong ayusin yung mga gusot na ikaw mismo ang may gawa"

"Really greg? Pagod ka na? Okay Fine, Sorry. Alam ko naman na kasalanan ko eh. Pasensiya ka na, this is all my fault. Happy?"

"Mukha ba akong Masaya ha? Nakangiti ba ako o tumatawa ngayon?"

"Greggy kung napapagod ka na, napapagod na rin ako. Ni minsan ba naisip mo rin ako? Akala mo ba ayos lang sa akin lahat ng nangyayari sa pamilya natin? Ayos lang sa akin na kayong lahat ay iwas sa akin? Na kesyo busy, may gagawin, may lakad at kung ano ano pang palusot basta hindi lang ako makasama rito sa bahay ha? Na ayos lang sa akin na hindi mo ako pansinin at parang hangin lang kung lagpasan mo?"

"Greggy Syempre hindi, hindi ayos sa akin yun pero lahat ng iyon tinitiis ko dahil aminado akong kasalanan ko lahat. Ginusto ko ito eh edi panindigan ko, pero somehow do you think na sumusobra rin kayo? May pakiramdam ako greggy, nasasaktan din ako" hagulgol ko.

Kakatapos ko lang umiyak kanina, heto nanaman. Wala na bang katapusang iyakan ito. Nakakasawa na.

"Mom, Dad? What's happening there?" Rinig naming boses sa labas ng kwarto

"We're fine Zi, dun ka muna sa room mo" sagot ko kahit na garalgal na ang boses ko kakaiyak.

Nagpunas ako ng luha at muling hinarap si Greggy.

"Kung nasasaktan ka man ngayon kasalanan mo yun. We are all suffering because of your wrong decision. Sana man lang kasi you consult me about this. Irene mag-asawa tayo, tayo ang magulang ng mga anak natin so before you make a decision try to ask me first kasi hindi ka nag-iisa, dalawa tayo eh"

"Kaya nga kasalanan ko diba, pasensiya ka na. Pasensiya na kung palpak lagi kung magdesisyon yung napangasawa mo"

Hindi ito sumagot.

"Sinusubukan ko namang itama lahat---"

"Sinusubukan? Now tell me kung anong move ang ginagawa mo para makausap si Vianne, para mahanap siya ha?"

"I trier to call her pero unattended"

"See? That's the problem Irene. Hindi ko rin macontact si Vianne, I try to talk to Ma'am Roda and Ma'am Yen pero hindi pala nila alam na umalis na ito sa atin, kakaalam lang nila nung tinanong sayo ni Ma'am Roda kaninang umaga. I tried to look at her sa dati niyang tinitirahan pero her neighbours told me matagal na siyang di nagagawi dun, I also went to Her tita Helen's house pero pareho lang na matagal na siyang di napadpad dun. Now tell me kung saan natin siya hahanapin, na kung sino ang cocontact-in natin para mahanap siya, na kung saan siya pumunta" problemadong wika nito.

Agad na kumabog ang dibdib ko sa kaba na nararamdaman ko.

"I d-don't know too greg, sorry. I know that this is all my fault. Sorry, hindi ko alam na ganito ang kakalabasan sa mga desisyon ko. Sorry greg" iyak ko.

"Walang magagawa yang mga luha mo Irene, walang maitutulong ang pagiyak mo. Tulungan mo akong hanapin siya dahil hindi ko alam ang magagawa ko kapag may nangyaring masama sa anak natin"

"Napapagod na ako Irene, unti nalang susuko na ako. Nauubos na ako, pagod na pagod na ako Irene" wika niya bago maglakad palabas ng kwarto namin.

Naiwan naman akong umiiyak at mas lalong sinisisi ang sarili sa mga naiisip na posibleng mangyari kay Lily.

Kasalanan mo to lahat Irene, Kasalanan mo kaya magdusa ka.

°°°°°°°°

Happy weekend everyone!

Kamusta kayo? I hope you're all doing fine.

I guess medj may mga free time ako sa mga susunod na araw kaya if you're feeling down and need someone to talk to pwede ako, just message me here on wattpad or in tiktok @iyaaaheli .

Keep safe y'all, mwuahps.

Continue Reading

You'll Also Like

9.6K 285 63
Note: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)
208K 6.4K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
7.3K 472 15
AD in parallel universes. NOTE: All works are fiction. Please separate fiction from reality.