Lost In The Weather (Lusiento...

By Ayanna_lhi

2K 101 15

When Thalia Channel Lastimosa found out that Yijin Lorenzo- the almost perfect guy everyone is dreaming of ha... More

YANNA
PROLOGUE
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
EPILOGUE

CHAPTER 24

50 3 1
By Ayanna_lhi

CHAPTER 24   | Rain |

I stared at Yijin’s message. Nanginginig ang kamay ko at natatakot ako na baka mali ang maging reply ko. I tried to slap my face kasi baka nananaginip lang ako pero obviously hindi!

I can feel the heat on my face, I am not dreaming! I calmed myself before replying to him.

Thalia Channel Lastimosa:

Hi! Oo, nakauwi na ’ko. Ikaw ba?

I bit my lower lip before clicking the sent button, tama naman yata ang reply ko ’di ba?

Yijin Lorenzo:

Okay good. Mabuti at hinatid ka ni Cruzel.

Yijin Lorenzo:

Nakauwi na rin ako : )

My eyes widened after reading it. I immediately took a screenshot kasi baka e-unsent. Totoo ba ’to? Si Yijin ba ’to?

Gusto kong magtatalon, pakiramdam ko may kung ano ang nangungulit sa tiyan ko. Wala sa oras akong napahiga sa kama, gusto kong tumilhi pero baka pagalitan ako ni mama!

“Oh, my gosh! Is this Yijin?” Tiningnan ko ang cellphone at nag-type.

Thalia Channel Lastimosa:

Bakit, selos ka?

Of course, I didn't sent it, agad kong di-nelete at nag-type ng panibagong reply.

Thalia Channel Lastimosa:

Hindi naman ako hinatid ni Cruzel sa bahay, hanggang kabilang building lang. But I’m safe, ikaw? Malakas ang ulan.

Yijin Lorenzo:

I’m safe as well. . .

Thalia Channel Lastimosa:

That’s good, btw. . .  ’yung lyrics ba? Yes may copy ako, saglit lang send ko sa ’yo.

Bumangon ako sa kama at tinungo ang study table para hanapin ’yung copy ko ng lyrics. I took a photo of it and sent it to him.

Yijin Lorenzo:

Maraming salamat!

Thalia Channel Lastimosa:

Welcome. . .

I turned off my phone after our quick conversation. Huminga ako nang malalim at pilit na ikinalma ang sarili. Gusto ko talagang sumigaw pero hindi ko magawa. Nagpagulong-gulong na lang ako sa kama sa sobrang kilig ko.

Pero bago pa ’ko magkasakit ay naligo na ’ko at kinain ang hinanda ni mama.

“Kailan po kayo matatapos sa work?” I asked my mother. Ang tinutukoy ko talaga ay ang pag-alis-alis niya.

“Okay naman na siya, may konting finalization na lang. Last na siguro next week.”

“Gano’n po ba? Mag-ingat po kayo lagi kasi masama ang panahon.” I smiled at her. Ngumiti naman si Mama at tumango sa ’kin.

“Oo naman po,” malambing na aniya.

Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya hindi ako na-late sa klase ko. It’s our chill week, pero sigurado next week hectic na naman kami. Lalo na’t may paparating na moving exam at maraming summative tests. I enjoyed my week with my classmates and friends and did the best I can para mag-enjoy. Kasi next week, iba na naman ang pagkakaabalahan namin.

Maganda ang naging mood ko buong week dahil maganda ang nangyayari sa paligid ko. Nang mag Sabado ay syempre, simbahan ang punta ko para sa mga activities.

We’re going to do DIY book marks putting our finger prints on it. I’m standing beside a table where the paints are, abala ako sa ginagawa nang biglang lumapit si Yijin. Our eyes met each other like it’s a magic. He smiled at me and I swear! My heart felt warmth.

“Yijin. . .” I said his name like it’s the very first time.

“Patingin nang sa ’yo,” aniya. Ang tinutukoy niya ay ang book mark na pinagkakaabalahan ko ngayon. I showed him mine and he also showed his to me.

“Mabuti pa sa ’yo ang linis ng gawa mo,” ani ko. Napailing naman siya.

“Yours looked nice too. Pwede ba ’kong maglagay ng finger print marks ko rito? You can put yours on my book mark as well.” Napaawang ang labi ko sa sinabi niya, shock was very evident on my face. Kung hindi niya pa ’ko tiningnan ay hindi ako agad na makakabawi.

“Oh, s-sure! Ano bang color ang gusto mo? Red!” natataranta kong ani. Madali kong nilublob ang thumb ko sa paint, he did the same kaya aksidente kong nahawakan ang kamay niya. Sa gulat ko ay madali kong binawi ang kamay, kaya lang ay biglang may tumalsik na paint sa mukha ko.

“Oh, gosh!” Nakakahiya! Agad akong napaatras kay Yijin, muntik na siyang matalsikan ng paint dahil sa ginawa ko! “I’m sorry Yijin,” natataranta kong ani. Hahawakan ko sana ang mukha ko para kunin ang tumalsik na paint kaya lang mabilis na hinawakan ni Yijin ang kamay ko para pigilan ako.

“Huwag, kakalat ang paint. Saka may paint din ang kamay mo.”

“Okay. . .” I sighed heavily. Sinubukan kong kumalma pero natataranta na ’ko kay Yijin!

Yijin smiled at me and tap my shoulder, “Chill. Kukuha lang ako ng tissue,” aniya. He jogged outside the hall to get some tissue, madali lang siyang nakabalik.

He’s still jogging nang makabalik, bitbit na niya ang tissue. Sinalubong ko siya para kunin ang tissue sa kamay niya, inabot ko na ang kamay para sa tissue pero nagulat ako nang dumeritso siya sa mukha ko. He didn’t lend me the tissue.

I swear! My heart doubled in beat when Yijin suddenly wiped the paint on my face. Sobrang lapit niya sa ’kin! Ito na yata ang pinakamalapit naming distansya sa isa’t isa!

Sobra akong kinakabahan na pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa dibdib. I stared at Yijin’s face, ang matangos niyang ilong, maamong mga mata at namumulang mga labi, mas gwapo siya sa malapitan. He has that little scare beside his eyebrows but that doesn't lessen his handsomeness. Para talaga siyang anghel na hinulog sa langit.

Seryoso si Yijin sa ginagawa kaya nagka-oras ako na titigan siya. Nagulat nga lang ako nang bigla niyang sinalubong ang tingin ko. We stared at each other’s eyes and I felt like the time stopped for me. His eyes were so pure and genuine, habang tinititigan ko iyon. . . pakiramdam ko ay nalulunod ako.

“Uy ano ’yan!” Seri suddenly arrived on the scene. Nagulat ako roon at madaling napaatras kay Yijin. Pagtingin ko sa kanila ay nakatutok na ang cellphone sa ’min, napatingin ako sa kasama ni Seri.

Madaling umiwas si Vion nang tingnan ko siya. “Kayong dalawa, ah! May milagro kayong ginagawa rito!”

“Seriah naman!” angil ko. Napailing lang ako at natawa sa kanya. “Okay na ba? Thank you ah,” ani ko nang balingan si Yijin. I printed my finger print on his book mark and he also did the same to mine. Inasar pa kami nina Seriah st Chloe, wala lang naman akong ibang ginawa kun’di tumawa.


Umaga pa lang ay nasa simbahan na ’ko. I told Seri and Chloe to be early as well pero alam ko namang maaga talaga si Chloe. As for Seri, mahirap gisingin ’yon.

Chloe and I were talking some random stuffs habang on the way pa lang si Seri.

“Ewan, ang hirap at minsan hindi ko na rin maintindihan ang lahat,” pailing-iling na ani Chloe. Alam ko naman na nagkakamabutihan sila ni Rio pero hindi ko alam na may ganitong sitwasyon. I didn’t expect na darating sila sa ganitong level. I sighed heavily, hindi ko alam ang buong kwento tungkol sa kanila pero somehow naintindihan ko si Chloe. The feeling of being confused and not knowing what to do? I know that feeling well.

Nakakapagod nga ’yung gano’n. Nakakapagod umasa.

“Hayst, huwag na nga nating pag-usapan! Baka mamaya bigla na lang sumulpot ’yon dito!” natatawang aniya habang umiiling. Inilibot ko ang tingin sa paligid, hindi para hanapin si Rio kun’di tingnan kung nandito na si Yijin. He’s still not here.

“Seri chatted, sunduin daw natin siya sa labas.” Tumango ako sa sinabi ni Chloe at tinulongan siyang tumayo.

“Tara. . .” Naglakad kami palabas ng gate ngunit pareho kaming natigilan ni Chloe nang pagliko namin ay pareho naming nakita  si Vion at Yijin na magkaykap.

Parang. . . tumigil ang mundo sa ibang klaseng paraan. Hindi ako nakagalaw sa ’king kinatatayuan. I was so shocked that my lips parted. Unti-unting bumigat ang dibdib ko, staring at them while hugging each other tightly feels like lighting struck me.

Para akong kinulong sa isang isolated na lugar at ang hirap huminga.

“C-chantal,” gulat na ani Chloe. She looked at me worriedly. I immediately grab myself and tried to stay calm as possible. Chloe sighed heavily when she saw that Yijin raised his arms to embrace Vion as well. Great! Para kaming nanonood ng live romantic film.

“Tara na Chloe!” I grabbed Chloe’s hand and immediately passed by Vion and Yijin. I didn’t look back, hindi ko kayang tingnan ang reaksyon ni Yijin. I’m sure we disturbed them dahil sa pagdaan namin pero wala na ’kong pake. My knees were trembling at pakiramdam ko anytime matutumba na ’ko.

“Chantal. . .” si Chloe na hindi alam ang sasabihin nang makarating kami sa gate.

“N-no, don’t talk about it Chloe. Huwag mo ring sabihin kay Seri.” Nagulat ako nang bigla na lang tumulo ang luha sa mga mata ko. Nanlaki rin ang mga mata ni Chloe at halatang nag-panic na siya.

“Chantal I’m sorry, dapat hindi na tayo lumabas.”

“N-no! I’l be okay,” ani ko habang pinapalis ang luha sa ’king mga mata. Ang sakit! Ang bigat ng dibdib ko at ang hirap huminga! “Chloe I should go, pake sabi kay Seri sumama ang pakiramdam ko.” Nagmamadali akong pumara ng trycycle. Sinubukan akong pigilan ni Chloe pero wala na siyang nagawa.

Napahawak ako sa ’king dibdib, pakiramdam ko ay kinukurot ang puso ko. Hindi ko maintindihan ang sarili, hindi ko maintindihan ang mga nangyayari.

Pagdating sa bahay ay iniyak ko ang lahat, masama ang loob ko dahil natatangahan ako sa sarili ko. Dapat talaga nag-move on na lang ako, eh!

Pagkatapos kong iiyak ang lahat ay nakatulog ako sa pagod. I turned off my phone and didn’t bother to see their chats. Alam kong nag-aalala na si Chloe sa ’kin. Nakita niya ang lahat, nakita niya paano ako nasaktan. I cried pathetically in front of her!

Nang makarating ako sa school kinabukasan ay tulala lang ako. Sobrang laki nang epekto sa ’kin nang nakita ko kaya hindi ko mahugot ang sarili ko. Palagi kong naiisip ang nakita ko kahapon, parang sirang plaka na nagpa-flashback sa utak ko.

Inaantok ako sa classroom at gusto ko na lang matulog. Nang mag-moving exam kami ay bigla akong nagka-mental block. Nag-aral naman ako pero nataranta ako at hindi ko maisip ang sagot sa loob ng 30 seconds.

I failed the test. I failed the test because I’m bothered of something! Oh, please! Gusto ko na lang talagang matulog. Ang bigat-bigat na ng lahat.

“Fix your half ponytail,” ani sa ’kin ng kaklase ko pagkatapos ng klase namin. “It’s okay Channy, sometimes gano’n talaga. Normal lang ma-failed.” Tumango ako at pumunta ng salamin. Sobrang haggard ng mukha ko, napakagulo rin ng pagkakatali ko sa buhok.

I always tied my hair in a half ponytail. I like it that way dahil nagmumukha akong inosente at tahimik. I want to perceived myself that way kaya bagay sa ’kin ang half ponytail.

I sighed heavily, I untie my hair and combed it. Hindi ko na tinalian at hinayaan na lang na nakalugay.

Ayaw ko pang umuwi kaya nagdesisyon akong tumambay saglit sa library. Hinahanap ako nina Seri kaya sinusubukan ko silang iwasan. Ayaw ko pang makipag-usap. Sa tagal kong nasa library, hindi ko napansin ang oras.

Tulad noong mga nakaraang Linggo, hindi pa rin mahulaan ang takbo ng panahon. Sobrang init sa umaga at tanghali, tapos uulan nang pagkalakas-lakas sa hapon. Tulad ngayon, watching the rain fall from the roof feels so nostalgic, the loud noise of the rain that comforts me and the coldness that hugs me is now familiar. Palagi na lang kasing ganito, last week pa na ganito ang panahon.

Iba nga lang ngayon dahil walang estudyante na palakad-lakad sa hallway at nag-iingay, walang mga tao sa paligid na dahilan kung bakit basa at maputik ang hallway.

I closed my eyes for a brief moment, it’s bawling and it’s hurting. Sa kaiiyak ko ay masakit na ang mata at ulo ko. Malapit ng dumilim pero mukhang walang balak ang ulan na pauwiin ako.

I sighed and finally decided what to do. Without thinking anything, I stepped forward and immediately the cold rain hit my face. Tumingala ako at dinama ang sunod-sunod na patak ng ulan na tumatama sa mukha ko.

Masakit ang talamsik ng ulan sa mukha ko pero hindi ko maintindihan kung bakit gusto ko ang pakiramdam na dinudulot nito sa ’kin.

I started walking in the rain and floody patio. Wala na ’kong pake kung basa na ang sapatos ko, siguro, lalabhan ko na lang pag-uwi.

“Naku bata ka! Ba‘t ka naliligo sa ulan!” suway sa ’kin ng guard nang nasa gate na ’ko. Ngumiti lang ako sa kanya at kumaway.

Honestly, my heart right now felt so broken and empty. Pagod na pagod ako sa lahat ng bagay to the point na wala na ’kong pake kung mukha na ’kong basang sisiw ngayon.

I don’t know what’s happening with my life right now. Wala na ’kong maintindihan. Pakiramdam ko, may malaking hallow space sa puso ko at kahit na ano’ng gawin ko ay hindi ko kailanman iyon mapupunan.

I’m sad right now not just because of what happened earlier. I’m sad and lonely right now because everything piled up and it seems so heavy. Gusto kong umiyak, magandang pagkakataon ito ngayon dahil walang makakapansin. Umuulan nang malakas at aakalain lang ng mga tao na patak lang ng ulan ang nasa mukha ko. Kaso ang problema, hindi ako naiiyak. Hindi ko magawang umiyak! And it’s more frustrating!

Gusto kong ilabas lahat pero bakit ang hirap naman yatang gawin?

Ngayon ko lang na-realize kung ano ang pinakamahirap na kalaban sa mundong ito. Iyon ay ang mismong sarili natin.

“Chantal, bakit ka ba nagpapa-ulan? Ano ba’ng ginagawa mo!” Muntik na ’kong mapatalon sa gulat nang bigla na lang may humila sa braso ko. Pagtingin ko ay si Yijin.

May dala siyang payong pero basa pa rin ang balikat at buhok niya sa lakas hangin at ulan. Pinayongan niya ’ko habang ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala.

I smiled upon seeing him. I can’t lie, my heart skipped a bit because of the sudden warmth I felt on my arm when he touched me. Nakangiti kong tiningnan ang kamay niya sa braso ko bago ko inilipat ang tingin sa kanyang mga mata. His eyes looked soulful and genuine, I’m sure I can’t mirror those kind of eyes to myself right now.

“Bakit ka nagpapa-ulan? Chantal, magkakasakit ka sa ginagawa mo.” Mukhang na-realize niyang nabigla ako kaya binitiwan niya ang braso ko. Mas naging malumanay rin ang boses niya nang sabihin niya ’yon.

Hindi ako nakapagsalita, nanatili lang akong nakatayo sa gitna ng ulan habang tinititigan siya. May ngiti sa mga labi ko pero alam ko sa sarili kong mapait iyon na ngiti.

“Wala kang kasama? Hindi ka ba susunduin ni Tita?” He closed the distance between us para mas lalo niya ’kong mapayungan. Nang magtama ang mga mata naming dalawa ay napailing ako sa sarili. Uminit rin ang sulok ng mga mata ko at unti-unting pumatak ang luha sa mga mata ko.

Ito na ’yon, ’yung hinihintay kong maiyak ako. Pero bakit kailangang sa harap mismo ni Yijin?

“Chantal okay ka lang? Hey?” nag-aalalang tanong niya. Hindi ko ?magawang sumagot kaya inilagay niya ang kamay sa braso ko upang tapikin ako. “Chantal!”

“Yijin,” I whispered and stepped backwards. I saw how his eyes widened because of what I did. He stepped forward so that he can cover me with his umbrella kaya muli akong umatras. Uulitin niya pa sana ang paghakbang kaya itinaas ko na ang dalawang kamay at umiling sa kanya.

“Stop there Yijin!” nanginginig kong ani. Not because I’m cold but because of the battling feeling inside me. I used the back of my hand to wipe my tears away, I can’t stop myself right now. I’m literally having a break down in front of him, in the middle of the street while raining and while the wind is cold. Wow! What a scene.

“M-may problema ba Chantal? What’s wrong with you?” Nakita ko kung paano gumuhit ang takot sa mukha niya. Mukhang gusto niyang lumapit pero hindi niya magawa dahil sa sinabi ko.

“May problema?” Natawa ako sa sarili kong tanong. Huminga ako nang malalim kasi ang sikip-sikip na ng dibdib ko! Ang hirap huminga! Para akong sinasakal sa katotohanang isa siya sa pinaka rason kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon.

“Chatal—”

“No, Yijin! Don’t use that tone to me! Don’t call my name like that!” I almost shouted just to stop him. Kita ko ang gulat at pagkalito sa kanya. It seems like he’s starting to panic on how to handle me.

“Chantal, I’m just concern of you. Kung may gusto kang pag-usapan o sabihin, sumilong muna tayo—”

“Yijin,” I cut him off. “Pwede bang tumigil ka na?” He stopped moving after hearing what I said.

“C-chantal. . .” 

Pumatak na naman ang luha sa mga mata ko kaya pinalis ko iyon. I sighed again for the nth time, my heart is really breaking right now.

“Na appreciate ko naman ang pagiging concern at mabait mo sa ’kin Yijin. Kaya lang, ang sakit na kasi ng concern mo.”

Yijin dropped the umbrella he’s holding. Ngayon ay pareho na kaming nakatayo sa gilid ng kalsada at nagpapaulan. The umbrella was carried by the wind, tiningnan ko iyon saglit pero hindi man lang nag-abala si Yijin na habolin ang payong niya.

“I know. . . I know Yijin!” Pagak akong natawa sa sasabihin. “You’re a good guy, mabait ka, gentleman, almost perfect at parang lahat nasa sa ’yo na! Everyone knows that you’re a big deal kasi nga parang nasa sa ’yo na ang lahat. But despite of it, you remained humble and so good to everyone!” I pointed my hand at the back na para bang nandoon ang tinutukoy ko. “Pero Yijin, sa sobra mong bait nakakasakit ka na.”

“I’m sorry,” tulalang aniya na inilingan ko.

“Huwag kang mag-sorry, hindi pa ako tapos. Hayaan mong sabihin ko ang mga gusto kong sabihin hangga’t kaya pa ng sarili ko na sabihin sa ’yo ’to ngayon.”

He nodded, “Okay, I’m listening.”

“Yijin, ano ba talaga ako sa buhay mo? Kasi ako? Nalilito na rin ako kung ano ka ba dapat sa buhay ko? Kung hanggang kailan at hanggang saan ka ba dapat sa buhay ko?”

“Chantal, you’re. . . precious to me. K-kaibigan kita.” Sinubukan niyang lumapit pero umatras ako. Napayuko na lang siya at natulala dahil sa ginawa ko.

“Yeah right, kaibigan mo ’ko! Pero alam mo ano’ng na-realize ko ngayon? That I never really looked at you as just a friend. We got closer together because everyone is teasing us, and having that people around us. . . I can’t tell that you’re just a friend in my eyes. Even before, na wala pa ’kong nararamdaman para sa ’yo. And then you confessed, I know it’s indirect pero hindi naman siguro ako gano’n kabobo ’di ba para hindi ko ma-gets. Matalino ako Yijin, eh! Sa sobrang talino ko nga napaka-advance ng pag-iisip ko.” I said the last sentence sarcastically.

“After you confessed, tell me. . . how can I look at you as just a friend? You’ve been so good to me, you showed me things I’ve never seen before, you did some things someone didn’t do for me. So, tell me? How can I not fall for you?”

“Y-you fall for me.” I heard him whispered that.

“I am not holding you responsible why I fall for you. Kasi choice ko ’yon, eh. Choice ko ang magpadala sa mga pang-aasar nila, choice ko ang mahulog sa ’yo! Pero Yijin. . . ” Humugot ako nang malalim na buntonghininga. “Okay! Given naman na mabait ka sa lahat, eh. Kay Seri, Chloe, Vion, Avah, at sa marami pang iba! Pero sa sobra mong bait sa ’kin Yijin hindi ko na maintindihan! Kung mabait ka lang ba talaga o may gusto kang ipahiwatig sa ’kin?” Natawa na lang ako sa sarili ko, gosh! I looked so desperate and helpless right now.

“Ikaw ’yung unang nagpahiwatig, eh! Ang tanga ko lang kasi nag-assume ako. Pwede bang huwag mo ng gawin ’to Yijin? Pwede bang huwag kang masyadong mabait sa ’kin? Because you’re giving me mix signals! Tingnan mo, dahil tanga ako aasa na naman ako sa ’yo bukas! Kakainin ko na naman ang mga sinabi ko sa sarili ko.”

“I didn’t mean—”

“Parang-awa mo na Yijin, huwag kang masyadong mabait. Huwag mong ipakita ang concern mo, huwag mong ipakita ang pagiging gentleman mo sa ’kin. Because I can never look at you as just friend. Kasi kahit ano’ng gawin mo? Even the simplest things you do for me, nabibigyan ko ’yon ng meaning. Umaasa ako roon! Huwag kang maging mabait sa ’kin kasi aasa ako.”

“I’m s-sorry Chantal. . .” he whispered. “I didn't know you will feel this bad. Ang tanga ko.”

“Kung pwede lang din, iwasan mo muna ako Yijin. Iwasan muna natin ang isa’t isa. Kasi ayokong mabaliw, ayokong ma-excite sa ’yo tapos kinabukasan parang dinudurog ang puso ko. Ayaw kong aasa ako sa ’yo ngayon tapos bukas wala naman pala akong pag-asa. Ayaw kong mag-akala na ako ang gusto mo tapos bukas hindi naman pala. Alam ko naman na hindi mo kayang panindigan ang nararamdaman ko para sa ’yo, I properly googled what's the difference of admire to crush, like, and love. Kaya pakiusap ko na ’to sa ’yo, don’t be so good to me.” I stared at him, nakayuko lang siya at mukhang gulat sa lahat ng mga sinabi ko.

Alam kong bukas pagsisisihan ko ’to na sinabi ko ’to sa kanya pero masaya ako ngayon dahil nasabi ko kung ano ang nasa loob ko.

I waited for him to say something but he didn’t. Nakatayo lang siya na parang hindi maproseso ang lahat ng mga sinabi ko. I smiled bitterly and walk passed him.

“Chantal!” He tried to held my hand pero madali ko iyong binawi.

“I told you Yijin, huwag kang maging mabait sa ’kin. Kasali na roon na huwag kang maawa sa ’kin.” I looked into his eyes and saw a tear escaped on it. I bit my lower lip and sighed. With aching heart, I turned my back on him.

Naglakad ako at sinalubong ang malamig na hangin. Sunod-sunod ang patak ng mga luha ko habang papalayo ako sa kanya. I tried so hard to bit my lower lip to stop my stiffles but I can’t. My shoulders are moving because of crying and if Yijin is looking at my back, he will know that I’m crying.

Binilisan ko na lang ang paglalakad habang umiiyak hanggang sa makaliko ako sa isang eskinita. I stopped walking to sit down. I cried harder and put my heart to cry. Pakiramdam ko sumabog ako sa lahat. Kahit ano'ng gawin kong iyak, hindi mawala ang kirot sa dibdib ko.

I cried for a couple of minutes until I heard a ring from my bag. Umiiyak kong binuksan ang basa kong backpack at kinuha ang cellphone doon. Basa na ang mga notebook ko, gano’n din ang cellphone pero mukhang okay pa naman siya dahil nag-iingay pa.

I wiped my tears, my eyes were blurry kaya hindi ko makita nang maayos ang screen. I saw an unknown number calling.

I had a hard time clicking the green button to answer the phone dahil pumapatak ang ulan sa screen ng cellphone ko at basa rin ang kamay ko.

“H-hello,” I said after finally answering it.

“Are you Mrs. Thrala Lastimosa’s daughter?” Kumunot ang noo ko sa hindi pamilyar na boses. The voice on the other line seems like in a hurry.

“Y-yes po, bakit ano po’ng nangyari kay Mama?”

“Your mother is in the hospital right now. She got into an accident.”

Continue Reading

You'll Also Like

337K 7.8K 49
(La Carlota #3) Sea, sand, sun, and waves, it was Delilah and Loki's childhood. Just like the waters Delilah's dreams were vivid, clear, and touchabl...
639 78 40
Amanda Gabrielle is a girl who had a traumatic childhood. She was neglected by her own family, which led her to be the girl who only finds comfort in...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
167K 4K 35
Baguio Entry #3 [Completed] Desiree Solaina Pascual student from University of Sto.Thomas: a "ghoster" decided to transfer at Saint Louis University...