Prince of Time: Memories From...

By Hazel_KYJ

501 119 5

A Story of a Couple that is about to get married. One day, an unfortunate event put their happily ever after... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 32

4 1 0
By Hazel_KYJ

Samantala...

Di na mapakali sa Mateo, dahil hindi pa rin nya mahanap si Aliya, dumating si Patricio kasama si Reymundo na isang tagabantay rin ng mansyon ng Abelino..

"Ano? Nakita nyo si Aliya?" bungad agad ni Mateo sa dalawang caretaker ng bahay nya

"Paumanhin senyor, ngunit di po talaga namin makita ang senyorita!" yumuko si Reymundo at Patricio

"Mga tonto!!! Mga walang silbi, naturingan kabisado nyo na ang pasikot sikot ng bahay na ito, naisahan pa kayo ng mujer!!!" sigaw ni Mateo sa mga katiwala nya

"Paumanhin senyor!" segunda ni Patricio

"Ano pang tinatayo tayo nyo dyan!!? Paghanap pa kayo!! At wag kayong babalik dito ng di nyo dala si Aliya intyendes!!!" babala ni Mateo kila Reymundo at Patricio at nagsikaripas na ng alis ang dalawa upang ipagpatuloy ang paghahanap kay Aliya

"Elena!!!" tawag ni Mateo kay Elena agad naman itong lumipat

"Bakit po senyor?" sambit ni Elena

"Ipahanda ang karuwahe!! Dudulog na ako sa Alferez upang mas mapabilis ang paghahanap kay Aliya!!" agad na tumayo ang senyor at dumeretso sa kanyang silid upang magbihis

"Naku po, delikado ang lagay ni Aliya at ng mabuting ginoo!" sambit ni Elena sa kanyang sarili

Natapos ng mananghalian sila Liam, Aliya at Lolo Generoso sa tabing ilog at nagpasya na silang bumalik sa munting kubo ng matanda..

Habang naglalakad pabalik..

"Oo nga pala, bakit ka nga pala nagpapasalamat sa akin?" tanong bigla ni Liam habang buhat buhat ang isang lalagyang may laman na huling isda

"Di ba tinulungan mo akong makalayo sa meserableng bahay na yun at salamat kahit papaano naranasan kong maging malaya, walang pagbabawal, nagagawa kong maglakad ng ganto na walang bantay, nakakapagluto ako ng ako lang, at salamat din dahil --" napahinto si Aliya sa kanyang bibigkasin

"Dahil?" tanong ni Liam sa kanya

"Dahil pakiramdam kapag kasama kita, ramdam ko na para akong isang prinsesa sa isang istorya na merong prinsipe handa kang tulungan at ingatan kahit mapanganib! Salamat Liam!" ngiting sambit ni Aliya kaya Liam, sinuklian naman ito ng isang ngiti rin mula sa binata

"Ngayon alam ko na kung bakit ayaw mo na sa bahay na yun dahil nasasakal ka na sa paghihigpit ng kinikilala mong asawa!" sambit ni Liam kay Aliya habang patuloy silang naglalakad pauwi

"Alam mo, di ko talaga magawang makalabas sa loob ng mahigit isang taon namin pagsasama ni Mateo, di ko alam kung bakit pero parang pakiramdam ko ayaw nya akong mawala ganon" kwento ni Aliya

"Ayaw ka nyang hayaan matuklasan ang katotohanan!" bulong ni Liam sa kanyang sarili

"Hindi ko nga maintindihan bakit napakabigat para sa kanya na lumabas ako at makita ang mundo!" medyo naiinis na si Aliya sa pagkukwento nya tungkol sa paghihigpit sa kanya ni Mateo

Nagpatuloy ang kwentuhan nila ni Liam, nang biglang --

"Kumalma ka nga Aliya!" sambit ni Liam sabay akbay kay Aliya, nabigla naman si Aliya sa ginawa ni Liam

"At ano na naman ibig sabihin ng akbay na yan?" sabay tingin kay Liam ng matalim

"Pampakalma ng kumukulong ulo ng babae, yun!!" sabay sipol sa malayo ni Liam

"Kumukulong ulo pala ah!" ngumiti ng nakakatakot si Aliya at bigla na lang--

*Pak*

"Aliya, bakit na naman?" paika ika maglakad si Liam ng apakan ng malakas ni Aliya ang paa nito

"Liam, wag paranoid!!" kinindatan lang ni Aliya si Liam at nagpatuloy na sa paglalakad

"Si Aiyana ka talagang babae, mestizang biyolente hay!" sambit na lang ni Liam na ika-ikang maglakad

Sa Bahay ng Punong Alferez...

Nakarating na si Mateo sa bahay ng Alferez..

"Doktor Mateo Abelino, ano't tila yata napadpad ang tanyag na doktor ng Santa Cecilia sa aming munting tahanan?" pagbati ng Alferez sa senyor

"Butihing Alferez, tila yata abala ka sa pag-inom ng vino!" umupo si Mateo sa upuan harapan ang Alferez na lulong sa vino

"Ano pa bang ibang gagawin ko kung di magsaya at samantalahin ang kapayapaan ng Bayan ng Santa Cecilia, saluhan mo ako senyor Mateo, lagyan ng baso ang senyor madali!!" agad na pinaglagyan ng isang baso ng vino si Mateo

"Alferez, hindi ako naparito para makipagsaya sa iyo, narito ako para hingin ang iyong tulong upang mahanap ang aking nawawalang asawa" tugon ni Mateo, natawa ang Alferez

"Aba, aba! Ang mestizang si Maria Aliya ay nawawala? Tila nagsawa na ang iyong asawa sa kagaspangan ng iyong ugali senyor!" tinawanan lang Alferez ang pakay ng senyor Mateo

"Alferez, seryoso ako sa aking sinasabi, nais kong hingin ang tulong mo at ng guwardya sibil upang mahanap siya!" halatang nagpipigil ng inis at galit si Mateo sa mahangin na Alferez

"Marami kang kineksyon senyor Abelino, bakit sa akin pa? Mukhang wala pa naman bente kuwatro oras na nawawala ang iyong asawa, mabuti pa ay bumalik ka na lang mamayang gabi senyor para mapatunayan nating nawawala nga nag senyorita Aliya o marahil ay nakarami ka rin ng vino kaya ika'y tila nahihibang na!" tinawanan muli ng Alferez ang senyor

Hinampas ng senyor ang lamesa ng kanyang kamao na naging hudyat ng pagtapon ng mga baso sa lapag, napatigil sa pagtawa ang Alferez

"Senyor Mateo! kung gusto mong manira ng gamit ay mabuti pa ay umalis ka na!" mando ng Alferez sa senyor

"Alferez, di mo kilala ang kinakanti mo!" tumingin ng matalim ang senyor sa Alferez ngunit di pa rin ito nasindak

"Kilalang kilala kita Senyor Mateo na tila bay may tinatago kang lihim!" sambit ng Alferez sa senyor

"Kilalang kilala rin kita Alferez, baka sa akala mo di ko nalalaman ang mga ginagawa mong kawalang hiyaan sa mga tao rito sa Santa Cecilia, kayang kaya kita isuplong sa Alkade or di kaya sa Gobernador upang ang iniingat ingatang mong posisyon ay tuluyang mawala sa iyo, gusto mo ba iyon?" banta ng senyor sa Alferez, tumayo bigla ang Alferez sa kanyang kinauupuan

"Huwag mo akong hahamunin Doktor Abelino, sinasabi ko sayo!" nanggigigil na sambit ng Alferez

"Ano Alferez? Tutulungan mo ba ako mahanap si Aliya o gusto mong tuluyan mamaalam sa posisyong kinatatayuan mo?" muling pagbabanta ng  senyor Mateo sa Alferez..

Matapos ang mahabang lakaran ay mapayapang nakarating sila Lolo Generoso, Liam at Aliya sa munting tahanan..

====================================

Next: Chapter 33



Continue Reading

You'll Also Like

13.2K 683 36
Annyeong! kung may readers man ang 'Lucky ARMY' by: MaeHyung95, hey it's me your author. This is my new account. Dito ko na po itutuloy thank you for...
627K 38.3K 103
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...
191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
578K 12.9K 40
In wich a one night stand turns out to be a lot more than that.