Isang Daang Piyesa

By miss_reminisce

1.8K 198 19

Likha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako a... More

01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90

15

48 3 2
By miss_reminisce


Mapagbirong Abril

Narito muli ako sa hardin.
Ang lugar na napuno ng ating hangarin.
Hindi na ako makapaghintay na muli kang masilayan
Sapagkat nanabik na akong ikaw ay aking mahagkan.

Hawak ko nang mahigpit ang regalong ihahandog ko saiyo.
Laman nito ang isang kwintas na ninanais mo.
Matagal mo na itong nais noon pa man.
Subalit ngayon lamang ako nagkaroon ng lakas loob upang ikaw ay aking bilhan.

Napangiti ako nang matamis nang ikaw ay mahanap ng aking mga mata.
Bagay saiyo ang suot mong puting bestida.
Mas lalong lumabas ang iyong angking ganda.
Na naging rason upang ako'y mapaibig mo aking sinta.

Hindi na ako makapaghintay pang muli kang mahagkan.
Kung kaya't hinakbang ko aking paa patungo sa iyong kinaroonan.
Nais kumawala ng likido sa aking mga mata.
Subalit pinigilan ko iyon dahil hindi ko nais na ito'y iyong makita.

Ngumiti ka nang matamis sa akin.
Sanhi upang ako'y matunaw sa iyong tingin.
Isang hakbang na lamang ang agwat ko saiyo.
At hindi na ako nagsayang pa ng oras na lumapit sa iyo.

Hinawakan ko ang iyong makinis na kamay.
Wala pa ring pagbabago, ikaw pa rin ay walang kapantay-pantay.
Ang kaninang likido na pinipigilan ko ay kusang umalpas.
Hindi ko na kayang pigilan pa ang pagtangis ko nang kay wagas.

"Nagkita na muli tayo, aking mahal"
Iyon ang bulong mo sa'kin.
Batid kong sa'ting pagmamahalan ay wala nang sagabal.
Dahil ako'y narito na rin sa iyong harapan at tila ang oras ay bumabagal.

Ngumiti ako nang matamis at binalak na ikaw ay halikan.
Subalit isang malakas na tinig ang ating naulinigan.
"Gumising ka na Marcus! Buwan na ng Abril, Huwag kang magsayang ng oras kung ayaw mong ikaw ay paglaruan ng Abril.

Minulat ko ang aking mata at muli kong napagtanto.
Oo nga pala, walang tayo, at ikaw lamang ay buhay sa panaginip ko.

miss_reminisce

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 161K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
14.3K 63 5
Emma, an 18 year old school girl, lost her brother's cat due to negligence. Edward, the 20 year old older brother, was upset at first until he realiz...
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
3M 61.2K 58
Caroline Vixelle De Carlo, a 23-year-old woman, finds herself heartbroken after being dumped by her first boyfriend. Seeking solace, she drink alcoho...