Four Of Us

By Iaeious

797 64 14

Steel Cassius Zander is a closeted gay man who has kept his sexuality a secret for fear of judgement from soc... More

Four of Us
Prolouge
Drunk
Depart
Mystery Guy
Earthquake
Lucius
Soup
Realization
4M

Kiss

22 0 0
By Iaeious

Chapter 9

"THANK YOU, Mr. Zander. You can now sit!"

The teacher applauded me for answering her questions. I need to make a positive impression on teachers lalo na't unang araw ko ngayon sa klase.

And good thing ay hindi naman ako gano'n ka makakalimutin sa lessons dati.

Hindi rin katalihuan but not also poor in academics. Just average.

At matapos kong sumagot ay sinamaan naman ako ng tingin ni Margaux na may kasamang pag-irap. I can really sense that she hates my existence.

I hope I can find a way to fix it since I don't want someone to hold a grudge against me.

Natapos ang klase at umalis na ako sa room since hindi ko nakakayanan ang presensya ni Margaux na parang mangangain na ng buhay.

I walked along the hallway, and an unexpected moment happened. I bumped into someone... a familiar figure.

"Steel?"

"Pan-Pan?"

Walang pasabing bigla na lang kaming nagyakapan dalawa at tinapik ang aming mga balikat. This is unexpected.

"Dito ka pala nag-aaral? Good to see you!" pagsalita ko matapos ang aming yakapan.

"Ako rin. Akala ko kasi sa public school ka nag-aaral. Pupunta ka na ng work?"

Tumango naman ako, "Yes. Sabay na tayo."

"Ah, s-sige na nga." As he answered, I was quite confused since hindi siya gano'n kasigurado sa kanyang sagot.

"Bakit? May problema ba?"

"B-Baka kasi makita natin 'yong pinagkakautangan ko."

"Edi, tago ka sa akin. 'Tsaka libre ko ang pamasahe sa trabaho. And if ever makita ka niya, ako babayad sa utang mo."

"Naku! Huwag na. Nakakahiya naman."

"Okay lang naman sa akin. Kahit ilang buwan pa bago mo mabayaran. Magkano ba utang mo?"

He shyly scratched his nape and said, "Ah, mga higit sa dalawang libo na."

I smiled at him and said, "Okay. I can pay. Sabihin mo lang sa akin kung nandiyan na siya."

"Grabe, ang bait mo talaga, Steel! Hindi pa nga tayo close, pero pinapautang mo na ako."

"Ano ka ba? Tulungan ang kailangan tulungan..."

Hindi ko namalayan na nasa labas na pala kami ng university kakalakad. At nag-aantay na lang ng masasakyang tricyle.

Mabilis kong nakagaanan ng loob si Pan-Pan dahil na rin siguro sa basa ko na ang ugali niya. No awkward moments, kahit may mga times na tumatahimik kaming dalawa.

When we were both waiting for a vehicle, tatlong malalaking lalaki ang papalapit sa amin. Nakakatakot ang mga hitsura nito na parang nangangain ng tao.

Then I remember the night when a guy was beaten to death by three big guys. Hindi rin kaya sila 'to? O same vibes lang?

"Pan-Pan!" sigaw nito para magulantang ang lahat ng mga tao sa paligid namin. Kaya naman pala takot si Pan-Pan sa mga pinagkakautangan niya. Malaki pala at mukhang papatay na sa tingin pa lang.

"Radon," he whispered. Radon? Table element number 50 with the elemental symbol Rn. "S-Steel, p'wede b-bang t-tumakbo na tayo..." kinakabahang sambit ni Pan-Pan at kita ko pa ang ilang beses nitong paglunok ng kanyang sarilig laway.

"Magbabayad---"

Isang malakas na suntok ang naging dahilan para matigil sa ere ang kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ako ng malakas na pagkatumba sa aking gilid.

Dahan-dahan kong ginalaw ang aking ulo at nabungaran si Pan-Pan na nakahimlay sa semento na may dumudugong ilong.

Sa hindi rin malamang dahilan ay bigla na lang nanginig ang kalamnan ko at naikuyom ko ang aking kamao sa galit.

Kita ko kung gaano nahihirapan si Pan-Pan sa kanyang paghinga at pilit nitong tumayo kahit alam niyang mahirap 'yong gawin.

"'Di ba ang sabi ko magbayad ka na----"

"Hoy!" sigaw ko rito at malakas na bumitaw ang aking kanang kamao. Tumama ito sa kanyang leeg at wala pang segundo ay napaatras na ang lalaki habang hawak ang kanyang leeg. Bigla na lang nandilim ang paningin ko, hindi ko na nakikitang tao 'tong kaharap ko. "P'wede mo namang kausapin. Pero bakit mo sinuntok nang hindi nagpapaliwanag!"

Mabilis akong lumapit dito at sa muling pagkakataon ay sinuntok ko ulit ito sa kanyang mukha. Mula sa nanggigil kong kamao, nang natumba sa semnto ang lalaking may pangalamg Radon, pumaibabaw ako sa kanyang dibdib at makailang beses na inulan ng suntok ang kanyang mukha.

"S-Steel! Tama na! Baka mapatay mo siya!" pagpigil sa akin ni Pan-Pan dahilan para kumalma na rin ako.

"Sa susunod, kausapin mo nang maayos ang tao. Hindi 'yong bigla mo na lang susugurin!" humablot ako ng pera sa aking bulsa at nilapag ito sa kanyang tabi. "Siguro naman bayad na si Pan-Pan sa'yo? Dinagdagan ko pa 'yan at lubayan mo na ang kaibigan ko!" Inis kong sigaw rito at muling binalikan si Pan-Pan na nanghihina ngayon kahit nakatayo lamang siya.

Agad kong kinuha ang dala kong tissue sa bag at inabot 'yon sa kanya.

"Makakalakad ka ba? Kakargahin na lang kita."

"Hindi na. Ang laking abala ko na sa'yo." Rinig kong kinakabahan pa rin siya dahil sa nangyari.

Hindi sana ganito ang nangyari kung umiwas na lang kami. Eh ako kasing bida-bida, sabi babayaran ko kaya ayan tuloy nasuntok siya nang wala sa oras.

I should be careful next time.

◦•●◉✿✿◉●•◦

I EXCUSED Pan-Pan from work today because of what happened kanina. I even bring him to the clinic. Lalo na't nag-aalala ako sa kondisyon niya. Ang lala no'ng nangyaring pagdurugo ng ilong niya kanina.

Natapos ang shift ko sa restaurant at kauuwi ko lang din ngayon lang.

Dumaan na rin ako sa isang stall ng mga gulay since hindi pa naman sila nagsara at sila lang din ang nagtitinda ng mura at magagandang klase ng gulay rito.

Pagbukas ko ng pinto ay pansin ko agad ang patay na ilaw at halata ring hindi pa nakakauwi si Lucius.

Agad na akong kumilos at nagluto na ng hapunan para sa aming dalawa dahil hindi pa pala tapos ang kontrata ko sa mokong na 'yon.

Mabilis lang ang pagluto ko since nakabili ako ng isang supot ng hiwang gulay na niluto ko ito sa chopsuey.

Lumipas pa ang isang oras at lagpas alas nuwebe na ng gabi nang napagpasyahan kong kumain na matapos ang pag-half bath.

Nilantakan ko na ang niluto ko lalo na't gutom na rin ako kanina pa.

I can't help but get exhausted this day. Ang dami ko nang problema ngayong araw.

Si Margaux na hindi ko malaman kung anong plano sa buhay niya lalo na't halata sa kanyang hitsura na may plano itong kalokohan para sa akin at si Pan-Pan, 'yong binugbog ko.

Hindi pa naman siya nagsusumbong sa pulisya pero parang ramdam kong isang araw ay dadamputin na ako ng mga pulis. Isa pa sa problema ko ay ang mga nakabugbugan ko sa hallway.

Nakilala kaya nila ako?

Kinakahaban na ako sa posibleng mangyari sa susunod na araw. I wish my stay here would be peaceful as soon as possible.

Nagitla ako nang may bigla akong narinig na katok sa pintuan.

Mabigat sa loob kong umalis ng lamesa at binuksan ang pinto.

Hindi ko pa man tuluyang nabubuksan ang pinto nang isang malakas na pwersa ang naging dahilan ng pagkatumba ko. In a blink of an eye, I saw myself lying on the ground, and it really shocked me because...

... Someone is on top of me.

And he's k-kissing me...

What the hell?

He's really kissing me.

I can feel his soft lips, which smell like mint and liquor. Hindi na rin matigil ang lakas ng tibok ng dibdib ko nang sandaling gumalaw ito at mas lalo tuloy nadiinan ang kanyang paghalik sa akin.

Dito na ako natauhan nang may maalala.

Siyete! Mali 'to. This feels good, but not right.

I pushed him right away after my realization, and to my surprise, si Lucius pala ang lalaking nakahalikan ko.

I checked my lips as I reminisced about that accidental kiss, and now I'm shaking. Gosh!

"Lucius! Tara sa k'warto mo. Ihahatid na kita."

Patayo na sana ako para alalayan siya papuntang k'warto nang bigla na lang itong gumalaw. Nagulat pa ako nang iangat nito ang kanyang ulo at halata sa hitsura nito pilit niyang inaaninag ang aking hitsura. Ramdam ko ang pag-init ng aking pisnge nang makailang beses ang pagtaas baba ng kanyang kilay.

"S-Steel... b-babishy wap koh!"

What? Is he murmuring spells? He's crazy when drunk.

"Ano? Halika ka na. Malamig ang sahig. Baka kung ano pang mangyari sa'yo."

Hihilahin ko na dapat ang kamay niya nang matigil ako dahil sa isang iglap lang ay hawak na niya ang kamay ko. Nakaupo pa rin ako sa sahig habang naman ay nakadapa at nasa paanan ko lang.

"S-Steel..." he hiccups. "Mahar mow akoy. M-manlelogew akoy sayo!" Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niya pero ang cute niyang tingnan.

"Lucius, mamaya na 'yan. Halika ka na. Ihahatid na kita sa k'warto mo---"

At sa muling pagkakataon, hindi ko namalayan kung paano niya nagawa 'yon pero muli niyang inangkin ang aking labi sa ikalawang pagkakataon.

Dilat ang mga mata ko habang nakatingin kay Lucius na nakapikit ang mga mata. I find myself drowning in his kisses, and I can't help but taste the mixture of sweet and mint flavors.

Agad akong kumalas nang habol ko na ang aking paghinga. Lumayo na ako sa kanya at inalalayan ito sa kanyang pagtayo sabay hatid sa kanyang k'warto.

Mapapa-act fool talaga ako neto. Hindi ko alam kung anong mararamdaman nang gawin 'yon ni Lucius na lulong sa alak.

Kahit mabigat ay kinarga ko siya nang pa-piggy back at maingat na nilapag sa kanyang kama.

I just found this night so random after a long, tiring day. Kumbaga parang plot twist lang ang nangyari ngayon.

Nigel might have been my first kiss. But my second and third were magical with a roommate who was just an acquaintance to me.

Sana hindi hindi niya maalala bukas.

I sighed and took off his shoes and socks. Kahit ang suot niyang jeans ay hinubad ko na rin lalo na't kita ko ang pagpapawis niya dulot ng epekto ng alak.

He also wore soggy pants and a shirt that I slowly wore off. I'm glad he still wears boxers.

Bumungad agad sa akin ang kanyang matipunong abs at hindi ko napigilan ang sarili kong mapatitig sa kanyang baba.

Biglang uminit ang aking pisnge lalo na no'ng makita ang malaking umbok sa kanyang boxer.

Siyete!

Ramdam kong naiinitan na ako rito kaya dali-dali akong lumabas at kumuha ng planggana at tuwalya para punasan siya.

Kumuha na rin ako ng damit niyang pambahay. Isang Hawaiin shorts at plain black sando lang ang kinuha ko mula sa kanyang closet.

As my hands traveled on his body with my wet towel, hindi na matigil at mabilang kung ilang beses na ba akong napapalunok sa nakikita ko.

I can't deny Lucius' well-built body. He's not that type of big guy; he's tall and skinny-looking, but he really has an attractive one.

But no! Steel, this is wrong! Be good, be good, be good!

Pagkausap ko sa aking sarili habang patuloy pa ring nilalandas ang basing tuwalya sa kanyang katawan.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga at seryosong pinagpatuloy ang pagpunas sa kanya na wala nang malisya.

Natapos ako sa aking ginawa at hirap na pasuotin ito ng damit lalo na't ang bigat ng ulo niya. Pero buti na lang at natapos din. Kinumutan ko ito bago ako lumabas ng k'warto niya dala ang mga gamit ko.

---

As morning came, I prepared breakfast and even made it more special since I knew he still had a hangover from last night.

Bukod sa heavy meal, I also cooked a warm and pantanggal hangover na may kasama na ring kape.

I even put a note on the table na initin niya na lang ang ulam kung matagal siyang magising.

Napangiti ako habang naglalakad papaalis ng apartment.

I hope that guy recovers quickly from his hangover.

Nang makarating ako ng university ay hindi ko inaasahan ang sumunod na nakita ko. I saw Pan-Pan na parang may inaantay.

The moment his eyes caught mine, he waved his hand at me as quickly as possible. "Steel! Sabay na tayo!"

Lumapit naman ako sa kanya at nagtaka nang iabot niya sa akin ang flyer... When I read it, it was about a singing contest.

School singing contest? May gano'ng klase pala ng contest dito sa school?

"Kamusta ka na pala? 'Tsaka bakit mo naman ako binigyan ng flyer?" Nagtataka kong tanong dito.

He sighed, "Thank you pala kahapon. Kung hindi dahil sa'yo baka nagulpi na ako nang tuluyan. Salamat din sa pagbayad kay Radon. Huwag kang mag-alala babayaran kita. Hindi nga lang ngayon." Nahihiya nitong sagot.

"It's okay, Pan. I understand. So, what's with this flyer? Sasali ka rito?"

"Anong sasali? A-akala ko ikaw ang sumali?"

Napatingin ako sa direksyon ni Pan-Pan nang malito ako sa kanyang sinabi.

"What? Hindi ko nga alam na may ganitong contest. Hindi ako sumali."

"Eh, bakit nasa listahan 'yong name mo? 'Di ba, Steel Zander ka? Kakakita ko lang sa bulletin kanina. May song piece ka na ba? 'Tsaka marunong ka pa lang kumanta? "

Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang tanong.

Listahan? Bakit nasa listahan ako? Wala akong form na fill-out kagabi. Paano nangyari 'yon?

When I was about to enter the building, a familiar figure appeared, and she was chewing gum at the moment. Mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy ni Pan-Pan.

"Hi, Mr. Zander. Good luck with the contest. I wish you sang well."

◦•●◉✿✿◉●•◦

Continue Reading

You'll Also Like

468K 6.6K 25
Dice and Madisson
3.3M 300K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...