Filay (one shots)

By Trois24

8K 249 172

Compilation lang ito ng iba't-ibang kantang narinig ko at ayun, bigla nalang nabuo sa utak ko itong mga kwent... More

Umuwi ka na baby
Naliwanagan
Mga babae nga naman
Lahat gagawin para saiyo
Nahuhulog na ako, pero bakit? (part2)
Mahiwaga
Nahuhulog na ako, pero bakit? (part3, sa wakas!!)
Sa'yong sa'yo at laging ikaw
Mga Paandar at pasabog
SeΓ±orita
Mga pag-aalinlangan ng puso
Binibini
Mga kaganapan at kaguluhan
Pahabol na kilig
Hawak kamay
Paadd Po ng extra 2k
A date in NeverLand
Nahuhulog na ako, pero bakit? (supposedly another ending)
Peter losing Wendy
Kailan mo naramdaman?
Ngayon, ako naman

Nahuhulog na ako, pero bakit? (part 1)

418 14 3
By Trois24


"Sir Ibarra, nandyan na pala kayo? Kamusta po yung lakad nyo?"
"Magandang tanghali sayo Binibining Klay, oo at kakarating ko lamang galing sa tahanan nila Maria at ayos naman ang aking naging pagpunta doon. Ikaw ba? Kamusta naman ang pananatili mo rito?"
"Ah ok naman sir. Tapos ko na mga gawaing bahay ko. Nakaluto nadin kami ni Mang Adong ng pananghalian. Hinihintay na nga lang po namin ang pagdating nyo."
"Ah ganoon ba? Hali na't nang tayo ay makakain na."
"Teka Sir, himala at.. kayo lang?"
"Ano ang iyong ibig sabihin Miss Klay?"
"Napansin ko lang wala ata yung kaibigan nyong pinaghanguang ng aircon sa hangin?"
"Aircon? ... Kaibigan? Si Fidel ba ang iyong tinutukoy Binibini?"
"Sino pa ba yung kaibigan nyong mahangin pa sa electric fan? Himala kasi at hindi sya nagpupunta dito?"
"Bakit? Hinahanap mo ba si Fidel Miss Klay?"
Napataas ng kilay si Klay.
"Uy sir Ibarra, bat ko naman hahanapin yun no?"
"Eh kung gayun ay bakit mo tinatanong kung nasaan ang aking amigo?"
"Hala Sir, issue ka ha? Napansin ko lang naman."
"...grabe sya." pahabol niyang bulong.
"Sa wari ko ay sobrang abala ngayon ng iyong manliligaw sa kanyang mga negosyo kung kayat hindi siya nakakabisita sa iyo Binibini."
Napaiwas siya sa mga tingin ni Sir Ibarra.
"Naku oks nga yun Sir eh. Tahimik yung mundo ko."
"Syang tunay nga ba Miss Klay?"
"Ay siguro gutom na kayo? kaen na kayo dun Sir. Sakto tinola ulam ng maliwanagan yang utak nyo. hehe"
Tumawa lang ito at tinignan sya bago lumakad papunta sa comedor.
Malakas din magtrip to si Sir Ibarra eh no, sa isip isip ni Klay.
Ngunit bago lumakad at sumunod sa loob ng bahay ay sinipat muna ni Klay ang labas na paligid.
At wala sa loob na napabuntong hininga na lamang.




Kinabukasan.

"Mang Adong! Nasaan po si Sir Ibarra? Nakaalis na po ba sya?"
"Ah opo señorita Klay. Kanina pa po nakaallis si Señor Ibarra. May kailangan po ba kayo?"
"Ha? Ah wala naman, kayo po ba? Anong gagawin nyo? San kayo pupunta?"
"Pupunta po ako sa pamilihan upang mamalengke. May gusto po ba kayong iutos sa akin señorita?"
"Pwede bang ako nalang Mang Adong ang mamalengke?"
"Ho?"
"Wala kasi akong magawa eh, tapos ko na lahat ng gawaing bahay. Nalampaso ko na lahat ng pedeng lampasuhin dito sa bahay ni Sir Ibarra kaya sige na Mang Adong. Please?"
"Please?"
"Ah, ano ba sa salita nyo yun? por- ah! por favor!"
"Ngunit señorita-"
"Wag ka mag-alala Mang Adong keribels ko ng mamalengke dito."
"Ke-keri bels?"
Naguguluhan man ang lalaki, sa huli ay nagawa ring pumayag nito sa pangungulit ni Klay.



Humigit kumalang dalawang oras bago natapos ni Klay ang pamamalengke, medyo nahirapan kasi syang hanapin yung ibang nasa listahan kasi hindi nya maintindihan.
Pauwi na siya nang may biglang may makasalubong nang hindi inaasahan.

Hindi nakatingin sa kanyang nilalakaran kung kaya ay nabangga niya ang lalaking nakahinto sa kanyang harapan. Muntik na niyang mabitawan ang hawak na buslo mabuti na lamang at mabilis na nahawakan ito ng lalaking nabangga niya

"Ay sorry po, hindi ko po sinasadya-"
"Miss Klay?"
"F-Fidel?"

Napatigil si Klay sa kanyang kinatatayuan.
Uy klay, sumagot ka? Bat kinakabahan ka? Si Fidel lang naman yang nasa harapan mo. Usap niya sa sarili

"Miss Klay? Ayos ka lang ba?"
"Sir..Sir Fidel?"
Bat nauutal gurl?
Ngumiti ang lalaki sa kanya na sya namang mas nagpabilis ng tibok ng kanyang puso.
"Namiss ko yan."
"Hmm? Na..miss mo ako? Tama ba ang narinig ko Binibining Klay?" Masayang turan ni Fidel.

Hindi inakala ni Klay na malakas pala nyang nabigkas ang nilalaman ng kanyang utak ngunit may pagkatotoo naman ang mga sinabi nya pero syempre deny si ate mong gurl.

"Hoy! Miss mo mukha mo! Hmp!"
Naisin mang magtaray ni Klay pero sadyang hindi nya maikubli ang galak na makita si Fidel kung kaya kahit gusto nyang suminangot ay hindi nya mapigilang mapangiti.

"Ano bang ginagawa mo rito Binibining Klay? Mag-isa ka lang ba?"
"Ha? Oo eh, Kakatapos ko lang mamalengke. Ikaw ba Sir Fidel? Anong ganap mo dito? Akala ko ba busy ka?"
"Tunay nga na ako'y abala pagkat may isang espesyal na okasyong akong pinaghahandaan. At sa katunayan nyan ay narito ako sa mercado dahil may hinahanap at kailangan akong bilhin.." Pagkukwento nito
"...Ngunit iba ata ang nais ipagkaloob sa akin ng tadhana at ikaw ang aking natagpuan."
Dagdag pa nito sabay kindat nito sa kanya.

Ramdam ni Klay ang pag-init ng kanyang mga pisngi kung kaya ay tumagilid siya ng bahagya upang hindi ito makita ni Fidel.

"Wow, banat ba yan? Ang corny ha. Saka pede mo namang iutos sa mga trabahador mo yan bat ikaw pa naghahanap kung talaga busy ka?"
"Nag-aalala kaba sa akin, aking Binibini?"
"Huy as if!"
"Well, nais ko kasing ako mismo ang pumili ng mga bulaklak na kakailanganin ko."
"Ah ganun ba? Ok."

Yun nalang ang nasagot ni Klay ngunit napapaisip siya sa mga sinabi ng binatang lalaki.
Bulaklak? Special occasion? para san kaya yun?
Tinignan niya ito at sinipat.

"Yes Miss Klay? May nais kabang sabihin saakin?"
"Wala. Uuwi nako. Baka naghihintay na sakin si Mang Adong "
"Ah Binibini, Maari ba kitang maihatid?" Alok nito sa kanya
"Hahatid mo ko eh mamimili ka pa kamo eh, oks lang ako kaya ko umuwi mag-isa." Pagtangi naman niya rito.
Maglalakad na sana si Klay ng magsalita ulit ito.

"Pagbigyan mo na ako Miss Klay sa aking kahilingan nang.. makabawi naman ako sa pagka..miss mo sakin."
Bigla siyang napalingon sa lalaki.
"Anoo raw?? Haha Yan gusto ko sayo Sir Fidel eh, anywhere and everywhere mahangin ka eh. Saka san mo nakukuha yang tibay ng hiya mo?"
Dire-diretsong saad ni Klay

"Gu-gusto mo ako? Sa pangalawang pagkakataon eh tama ba ang narinig ko Binibining Klay?"
"Hoy Sir Fidel, sobrang assuming ka ha. Nakakadalawa kana!"
Natatawang sabi ni Klay sa binata pagkat nabigla ata ito sa sinabi nya
"Expression lang yun no!"
"Expression?"
"Naku wala! Tara na nga kung ihahatid mo ko!"
Nauna na siyang lumakad at sumunod naman ang binata habang napapailing.

Siguro lagpas trenta minutos rin ang ginawa nilang paglakad hanggang sa marating nila ang casa ng mga Ibarra. Marami rami din silang napag-usapan at marami rami ring asaran ang naganap sa pagitan nilang dalawa.

"Ay andito na pala tayo. Gusto nyo bang pumasok muna sa loob? Nandyan na rin naman ata si Sir Ibarra."
Pag-alok ni Klay kay Fidel
"Nagagalak ako sa iyong imbitasyon Binibining Klay ngunit ipagpaumanhin mo pagkat may kailangan pa akong puntahan. Ninais ko lang talaga na maihatid ka ng ligtas dito sa tahanan ng aking amigo."
"Ah, ganun ba? Oo nga pala, may kailangan ka pa nga palang bilhin."
"Huwag ka ng malungkot aking Binibini pagkat sa mga susunod na araw ay makakabisita na ako muli sa iyo."
"Nakakaloka ka Sir Fidel. Pano mo naman nasabing nalulungkot ako. Ikaw na talaga pinaka assumerong nakilala ko." Natatawang sabi ni Klay.
"Hindi ko man maintindihan ang iyong mga winika ay nais ko ipabatid saiyo na masaya akong nakita kita ngayong araw Binibining Klay."
"Anlakas mo ring makasegway. Umalis ka nga ng magawa mo na yung gagawin mo!"
"Bueno at akoy mauuna na, pakisabi nalang sa aking amigo na napadaan ako dito. Sige paalam na aking Binibini."
"Sige Sir Fidel. Babu!"

Ngumiti ito at tumalikod papalayo.
Lumakad papasok narin si Klay ngunit hindi pa sya nakakadalawang hakbang ay muli niyang sinulyapan pabalik si Fidel at pinamagmasdan hanggang sa mawala na ito sa kanyang abot tanaw.

Sa ilang araw na hindi nagpakita si Fidel sa kanya aaminin nyang namiss nya talaga ang binata. Yung pangungulit at pang-aasar nito sa kanya. Kapag napikon sya dito pero pagkatapos ay hihingi ng sorry at lalambingin siya. Yung mga nakakaloko nitong mga ngiti. Yung mga titig nitong akala mo pati ang kaluluwa mo ay natatanaw ng kanyang mga nakakaakit at mapanuksong mga mata.
Aaminin niya, hinahanap hanap nya ito. Hindi parin nga niya lubos maisip na nagtapat ito sa kanya ng nararamdaman. Pero masaya siya sa totoo lang. Kung paano nya itinatago yung kilig every time maalala nya yung
kissing scene nila ni Fidel, ops mali pala, yung "hindi sinasadyang paghalik sa pisngi nya ni Fidel." pagtatama niya sa sarili, na kinailangan nya pang umiwas ng ilang araw dito dahil hindi niya alam ang gagawin.


Nahuhulog na sya.


Pero natatakot siya.

Oh Gawd.

Tangi na lang niyang nasabi sa sarili.


Kinagabihan habang siya ay nasa kanyang silid.

"Miss Klay?"
"Sir Ibarra? Ah may kailangan po ba kayo?"
"Nais ko lang ipaalala saiyo na bukas ay mayroon tayong pupuntahang piging at makakasama natin doon si Maria-"
Hindi pa man tapos magsalita ang lalaking kumakausap sa kanya ay pinutol nya na agad ito ng isang tanong
"Si Sir Fidel po ba aattend sa piging na yun Sir?"
Nabigla naman si Crisostomo Ibarra sa kanyang katanungan at bahagyang napangiti.
"Sa tingin ko ay naroon din ang aking amigo pagkat puro kilalang pamilya at negosyante ang mga imbitado sa piging na iyon."
"Taray, kabog naman pala... eh kaso sir wala pala akong isusuot, baka.. dito nalang ako."
"Huwag kang mangamba pagkat ito nga oh, ipinapaabot ni Maria. Gamitin mo raw ito para bukas."
Sobrang natuwa si Klay sa iniabot na kahon ng damit sa kanya ni Sir Ibarra.
"Wow Sir. Super thank you dito."
"Huwag ka saakin magpasalamat kundi kay Maria pagkat sa kanya galing ang damit na iyan."
"Sige sir bukas na bukas pagkakita ko agad sa kanya magpapasalamat talaga ako. Super nakakatouched naman."
"Oh kung gayon ay hindi na kita iistorbohin at nang ikaw ay makapagpahinga na. Magandang gabi sayo Miss Klay."
"Maraming salamat din po...Sir Ibarra."
Sabay isang matamis na ngiti na sinuklian din naman ng isang malumay na pagtango at tila pagtanggap sa kanya bilang isang nakababatang kapatid..

Hawak hawak ang bestida sa tapat ng salamin ay  naglalakbay ang imahinasyon ni Klay.

Ano kaya magiging reaksyon ni Fidel kapag nakita nya ako bukas. For sure super papansin na naman sakin yun. Ganda yarn? Hahaha

Kinikilig na kinakausap niya ang sarili, malawak ang mga ngiti sa labi habang tinitignan ang sariling repleksyon.

Bukas, promise di ko sya susungitan. Makikipag usap ako sa kanya ng masaya lang and ipaparamdam ko rin sa kanya na nagkakaroon na sya na pwesto sa puso ko.

Humiga na siya sa kanyang kama at umawit ng isang kanta  na bigla na lang pumasok sa kanyang isipan.

I don't know
But I think I may be fallin' for you
Dropping so quickly
Maybe I should keep this to myself
Waiting 'til I know you better
I am trying, not to tell you
But I want to,
I'm scared of what you'll say
And so I'm hiding what I'm feeling
But I'm tired of holding this inside my head
I've been spending all my time
Just thinking about ya
I don't know what to do
I think I'm fallin' for you
I've been waiting all my life
And now I found ya
I don't know what to do
I think I'm fallin' for you
I'm fallin' for you

Trip na trip nya itong lumang kanta nato pero di nya akalaing isang araw ay makakarelate na sya sa mismong kantang. Naglakbay pa ang isip ni Klay sa kung ano pang pwedeng mangayre bukas hanggang sa nakatulog siya na may kahilingan na sana ay maging maganda at masaya ang araw niya bukas.




Notes:
Hello, gusto ko lang ulit magpasalamat sa mga readers ng fanfic na ito. Sobrang nagagalak po akong malaman na nagbibigay saya sainyo itong mga kwento na'to. Super thank you po talaga❤️
So ito pong fic na ito ay pedeng karugtong ng kwentong "Naliwanagan" or pede ring hindi, kayo kung ano trip nyo? haha. And may part2 and/or part3 pa to tignan natin🤫, sakto ko lang ng muna ng 2k words para di naman sobrang haba. And so ayan lang po muna.
Maraming salamat po muli at sana matripan nyo ito❤️

https://open.spotify.com/track/3mJq2ZlI3ZN8hvmRSdzRy9?si=daA8_S3BS6K9rxx1b5KXHQ&utm_source=copy-link

Continue Reading

You'll Also Like

670K 33.2K 24
↳ ❝ [ ILLUSION ] ❞ ━ yandere hazbin hotel x fem! reader ━ yandere helluva boss x fem! reader β”• 𝐈𝐧 𝐰𝐑𝐒𝐜𝐑, a powerful d...
26.1K 1K 22
(Is Paved With Good Intentions) Conan accidentally becomes Shinichi on a case, and people find out who he is. The Black Organization decides to show...
72.5K 2.9K 37
Hanabi, the wielder of the demonic Higanbana, stepped out from their small village to seek vengeance over the assassination of her father. However...
847K 39.4K 61
Taehyung is appointed as a personal slave of Jungkook the true blood alpha prince of blue moon kingdom. Taehyung is an omega and the former prince...