The sun will soon to break. Nakatayo at nakatanaw lamang ako sa araw habang hawak ang stand ng dextrose. My feelings can't be explained, it's all in mixed at ang tangi kong nagawa ay tumulala sa kawalan.
The door opened, at may pumasok na kaagad akong tinabihan sa harap ng bukas na bintana at tumanaw sa labas.
"May nangyare ba? Ano 'yung sasabihin mo?" tanong ni Professor Jed. I look at him and did't expect to see how tired he look, tila wala itong pahinga.
Wala akong sinabi pa at ibinigay sa kaniya ang cellphone ni Paolo. Bakas sa naging reaksyon niya ang pagkagulat na pagkuwa'y kaagad namang napalitan ng seryosong mukha.
"Hindi ko maintindihan... sa huling pagkakataon, nagbago ang isip niya? A-anong ibig sabihin 'nun? Is it that he changed his mind but w-when I didn't answer, h-he came back to that cruel decision again?" frustrated kong tanong. Naikuyom ko ang kamao sa pagpipigil nang iba't ibang damdamin na nararamdaman ko.
"Hindi yata sa ganun... but this unsend message for you will be a proof that he didn't choose to end his life in the end... it's a good notion to be told..." aniya na hindi ko makuhanan ng lohika kung bakit niya nasabi, but what he said might be a good possibility to say which even triggered up my guilt on what happened.
"K-kasalanan ko... kung sana, sinagot ko noon ang mga tawag at m-mensahe niya... hindi sana umabot sa ganito..."
My jaw clenched because here i am again, breaking down for the same reason all over again. Hindi ko maiwasang magalit sa sarili ko dahil hindi ko magawang pigilan ang sakit... dahil siguro ay sobrang bigat nito na kahit isang kagaya ko ay kaya nitong pasukuin.
I felt a gentle tap on my head na ikinalingon ko kay Professor Jed. Ganoon pa rin ang reaksiyon niya, napakaseryoso at mahirap basahin kung anong tumatakbo sa isipan niya, o kung anong palagay niya sa mga nalalaman ngayon.
"Hindi 'yun sa ganun..." kagaya ng kanina ay iyun uli ang mga katagang nasabi niya. Marahas siyang huminga at tumitig ulit sa labas na ginawa ko na lang rin.
"Natatandaan mo noong may sinabi akong dapat nating pag-usapan?" out of the blue, he asked.
I nod my head as I remembered it. Sinabi niya iyun nang makailang ulit na hindi ko binigyang pansin noon.
"Sa mga ikinilos mo noon, maging sa tono ng pananalita mo ngayon, hindi mapagkakailang sinisisi mo ang sarili sa nangyare sa kaibigan mo... tandaan mong wala sa inyong may kasalanan. May nangyari lang noon na hindi inaasahan..."
Kumunot ang noo ko dahil doon. Alam niyang di sapat ang sinabi niya upang maintindihan ko iyun. Bumuntong hininga uli ito na tila ba nahihirapan sa sasabihin.
"Knowing that this incident was taking a toll to all of us, especially to you and Darlene... siguro ay ito na ang tamang oras para sabihin ko ang totoo..." wika niya na nagpakabog ng dibdib ko sa hindi malamang dahilan.
"A-anong totoo?" I asked impatiently that made him look at me again with uneasy eyes.
"Paolo didn't commit suicide. What actually happened might be a cause of an accident or perhaps an assault which lead to an unexpected turn..."
Gulong-gulo ang isipan ko at wala akong magawa kundi ang tumitig lamang sa kaniya. What he said won't sink in and doesn't make sense at all.
"What d-do you mean by just an accident or an assault?"
"Natatandaan mo noong meeting? You saw three students who approached me that time? That same day I am told by those three that Paolo didn't commit suicide... it's that... something happened before that incident occured." aniya na ikinalamig ng buong katawan ko.
"Those three, together with that one student were there. They intended to went to the rooftop at pakay nila si Paolo. They saw him seated at one of the benches there and this certain guy who's actually their classmate, had an argument with him..." kwento niya. Habang patagal ng patagal ay unti-unti nang pumapasok sa isipan ko ang mga sinasabi niya.
"Ayon rin sa kwento ng tatlo, bago sila lumabas ay nakita pa nilang itinulak nito si Paolo sa pool... and they left without knowing that the action did a horrible consequence..."
I grit my teeth and my tears finally fell. Hindi ko na mapigilang lumuha dahil sa mga nalaman ko na hindi mawari ng isipan na totoong nangyare. I shook my head and hit the glass window of the room in so much frustrations.
"Both of you were so devastated that day that I haven't told this certain information in the hospital. Ayon sa autopsy report, Paolo had a head trauma which they suspected na nakuha nito nang mauntog, which stimulated the rapid strangulation... but authorities weren't enlighted on the possibility of how he got the head trauma, yet the suicide letter cause the case to be closed without any further investigations... additionally, siya rin ang may pakana ng cheating issue. He set up Paolo..."
Professor Jed continued explaining everything but my mind stucked to the fact that he didn't end his life, at maaaring may mga taong nasa likod kung bakit nangyare iyun.
"S-sino yung taong yun?" I asked with a tone filled of madness.
Binanggit ni Professor Jed ang pangalan nito na mas ikinakulo ng dugo ko.
"Bakit ngayon mo lang s-sinabi ang mahalagang bagay na'to?"
Hindi ko mawari kung anong unang dapat kong maramdaman... galit? sakit? konsensiya? pagsisisi? Ni isa sa mga ito ay hindi ko na makayang dalhin.
"Ikaw na rin mismo ang umiiwas sa akin noon. At sa tingin ko ay tama na ngayon ko lang din sinabi---"
"PERO SANA PINILIT MO! H-HINDI YUNG PARA AKONG TANGA SA PANINISI NG IBA! EDI SANA HINDI KAMI MUKHANG ANGAG NA NANIWALA SA HINDI NAMAN KATOTOHANAN! EDI SANA YUNG NASISI AY YUNG MGA H*YOP NA 'YUN. ANONG IBIG MONG SABIHIN NA TAMA LANG NA HANGGANG NGAYON MUKHA KAMING TANGA?" hindi ko napigil ang mabulyawan si Professor Jed. In the end, what drives me is this, anger...
Pakiramdam ko ay mas nagmukha akong masama sa mga pinanggagawa ko noon. Nasisi ko ang mga professors sa university, pinakulong ko ang inain ni Paolo, hiniling na maubos ang mga ari-arian nila at maramdaman nila ang sobrang hirap. Sinaktan ko ng todo ang anak niyang si Sheena... na naging dahilan pa para saktan nito ang sarili at manganib ang buhay... at mas malala ay madamay ang isang batang walang kinalaman sa lahat nang nangyare... hiniling na mailayo ito sa magulang. Napakalaki ng kasalanan na nagawa ko kay Paolo... na alam kong hindi madaling mapapatawad. At isa pa, ang saktan si Darlene...
Hindi ko mapigilang magalit kay Professor Jed dahil rito. Hindi kalmado ang paghinga ko dahil sa puot na nararamdaman ko. Hindi ko lang inaasahan ang pagkainis rin niya na mas dumagdag pa sa galit ko.
"Mukha yatang baliko ang naging pagkaintindi mo sa nangyayare. Hindi ibig sabihin na ikaw o kayo ang mas nasasaktan ay kayo na ang magiging tama. Sa tingin mo ba, kapag sinabi kong lahat ito ay maibabalik pa si Paolo? Sa katunayan wala kang dapat ikagalit dahil pina-hold ko ang kaso at hinahanap ko ang nararapat na hustisya para sa kaibigan mo..." may bakas ng pagmamayabang sa tono niya na dumagdag sa pagkayamot ko. I'm about to say something when he spoke again.
"Maaari ngang naging mali na pinatagal ko pa bago ko sabihin, pero kung nalaman mo nga, noon pa, na siya ang may sala sa nangyare kay Paolo, anong naiisip mong maaaring mangyare? Sisisihin mo siya sa paraang hindi makatarungan gaya nang ginawa mo sa iba? Sisirain mong buhay nila? Lahat ng kasangkot sa nangyare ay idadamay mo... alam kong kaya mo 'yung gawin dahil sa impluwensiya mo at sa sakop ng kakayahan mo... salamat sa koneksiyon ng mommy mo at nagawa mo ngang gumawa ng hindi ayon sa nararapat. Tandaan mo rin, sinubukan kong sabihin sa'yo, pero anong ginawa mo? Mas nagpalamon ka sa galit tulad nang ginagawa mo ngayon..."
Para bang umurong ang dila ko sa lahat nang sinabi ni Professor Jed. Hindi ko magawang umangal dahil sa lahat nang mga nabanggit niya ay pawang katotohanan.
"I-i'm sorry..." at tahimik na lamang akong napaluha.
"I didn't intend to spout those things to humiliate you. Pasensiya na kung naging marahas man ang mga salita ko, pero minsan kailangan din ito para mas maintindihan mo ang naging kamalian mo. I won't sugarcoat these things, I'm aware of your pain, but I'm a professor, gawain kong magpaintindi... at lalo sa kadahilanang ako ang tumatayo mong kuya rito..."
I hum and sob. I felt a gentle pat on my head again that made me look down and cried my eyes out.
"Anong plano mo?" He asked after a couple of minutes of silence.
"Ituloy niyo ang kaso. Tell Paolo's relatives to take charge, tayo na ang bahala sa ibang detalye. If he's guilty of what he did, hayaan na nating ang batas ang humusga..." I replied.
Minutes had passed, Professor Jed left the room. Dala niya ang cellphone ni Paolo sa pagbabasakaling maging magandang patunay ito sa kasong pinabuksan niya. He said that there's no evident information to prove the notion. Ang maaaring maging witness sa kaso ay tumanggi dahil sa takot because the family of that suspected person is too influencial.
Nakatulala na naman sa kawalan habang nakaharap sa tapat ng bintana. Iyun ang naabutang eksena ni Darlene sa loob ng hospital room ko.
"Are you okay???" nag-aalala nitong tanong nang makalapit at hawakan ang mga pisngi kong bakas pa ang mga natuyong luha.
Akala ko nang mga sandaling iyun ay kaya ko nang pigilan ulit ang emosyon, but when she worriedly asked if I'm okay, my eyes teared again at wala akong ginawa kundi umiyak ulit sa tabi niya.
End of Chapter 36:
Vivid Revelations