Filay (one shots)

By Trois24

8.1K 249 172

Compilation lang ito ng iba't-ibang kantang narinig ko at ayun, bigla nalang nabuo sa utak ko itong mga kwent... More

Umuwi ka na baby
Naliwanagan
Mga babae nga naman
Nahuhulog na ako, pero bakit? (part 1)
Nahuhulog na ako, pero bakit? (part2)
Mahiwaga
Nahuhulog na ako, pero bakit? (part3, sa wakas!!)
Sa'yong sa'yo at laging ikaw
Mga Paandar at pasabog
Señorita
Mga pag-aalinlangan ng puso
Binibini
Mga kaganapan at kaguluhan
Pahabol na kilig
Hawak kamay
Paadd Po ng extra 2k
A date in NeverLand
Nahuhulog na ako, pero bakit? (supposedly another ending)
Peter losing Wendy
Kailan mo naramdaman?
Ngayon, ako naman

Lahat gagawin para saiyo

448 14 10
By Trois24


Klay.

Ang tahimik naman.
Sa isip ni Klay.
Walang ingay,
walang kwentuhan, walang tawanan. Wala.

Kadalasan kapag ganitong oras ay nagsasalo-salo na ang lahat ng kasamahan at masayang nagkukwentuhan ngunit ngayong gabi lahat ay nagluluksa.
Ang lahat ay malungkot.

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng salungatan ang grupo ni Fidel sa bayan laban sa grupo ng mga guardia civil at dalawa sa kasamahan nito ay napaslang sa nasabing engkwentro.

Inikot ni Klay ang tingin sa buong paligid ng kuta. May iilang tao, mga taong nakatakdang magbantay sa gabing iyon na paligid ligid at nagmamasid.
Napabuntong hinga siya.
Naisip niyang tumungo sa kubo ni Fidel.

Kamusta na kaya yun?

Pagpasok niya sa loob ay inabutan niya itong nakaupo, tahimik at nakatulala. Walang expression ang mukha.
Sa lahat ng nagluluksa ngayon si Fidel ang pinakanaapektuhan.

"Fidel?"
"Klay."
Nilingon siya nito, may ngiting sumilay sa mga labi ngunit bakas ang lungkot sa mga mata.
"Nagugutom ka ba? Gusto mo handaan kita ng pagkaen? or timplahan kita ng kape."
Pero hindi ito sumagot.
Tumayo ito at pumasok sa loob ng kanyang kwarto. Bahagya namang nagulat si Fidel ng makitang sumunod siya rito at naunang maupo sa kanyang papag.

"Klay."
Bakas ang pagkairita sa boses nito.

"Alam ko stressed ka 'lika dito, higa ka sa lap ko." She smiled as she patted her lap but Fidel furrowed his face.
"Easy, 'di kita pagsasamantalahan kung yan ang pinapangamba mo." Pagbibiro niya sa lalaki.
"Please? Let me do this for you."

Siguro may dalawang minuto rin bago nagreact si Fidel, bumuntong hininga muna bago lumapit at marahang inilapat ang sarili sa kanyang kandungan.

"Just stay still, be quiet at pikit mo lang ang mga mata mo."

Utos niya sa lalaki. Nang maramdaman niyang kumalma na ito ay sinimulan na ni Klay hilutin ang noo nito. Una, sa gitnang bahagi, sumunod ay sa pagitan ng mga kilay at huli ay sa may sintido. Paulit ulit na proseso.
Marahan, magaan at maingat.

"Fav bonding namin ni Mama to, yung hihilutin ko sya noon tapos kakantahan ko rin sya hanggang sa makatulog na sya. Gusto mo kantahan din kita?"

Hindi ito sumagot. Siguro ay payag ito sa sinabi nya.

Tell me something
When the rain falls on my face
How do you quickly replace it
With a golden summer smile?

Tahimik lang si Fidel kaya ipinagpatuloy niya ang ginagawang paghilot at pagkanta.

Tell me something
When I'm feelin' tired and afraid
How do you know just what to say
To make everything alright?

Napangiti si Klay kapag naiisip na eveytime na masama ang loob nya kasi may nangyaring hindi maganda sa araw nya, timing lagi na naroon si Fidel at inaabutang syang umiiyak.  Sa mga padalos dalos nyang desisyon na kadalasang ikinapapahamak nya, sa mga panahong hinusgahan siya ng taong bayan, yung litong lito at pagod na siya kakaisip dahil hindi niya sigurado kung anong mangyayare sa kinabukasan. Naroon lagi si Fidel upang hawakan ang mga kamay niya at para tulugan sya.

I don't think that you even realize
The joy you make me feel when I'm inside your universe
You hold me like I'm the one who's precious
I hate to break it to you, but it's just the other way around
You can thank your stars all you want
But I'll always be the lucky one.

Ngayong may pinagdaraanan ni Fidel, sisiguraduhin nya na naroon sya upang sya naman ang maging sandalan at lakas sa twing nanghihina ang kanyang loob. Sisiguraduhin nyang sa mga panahong naliligaw at nawawalan ito ng pag-asa, sya ang magiging liwanag ni Fidel sa dilim. Gusto ni Klay na sa oras na tumulo ang mga luha ni Fidel ay sya naman ang mag-aabot ng panyo para dito, ang handang magpatahan, at papalitan niya ng mga ngiti at saya ang lungkot na nadarama nito. Gusto at gagawin din ni Klay ang kahit ano para sa lalaking kanyang minamahal.



Fidel.

Mapanglaw ang nadarama ngayon ni Fidel.
Sa kapabayaan niya ay mayroong mga buhay na nawala at dahil iyon sa mapusok at walang ingat niyang pagdedesisyon.
Hindi siya nararapat tawagin na isang pinuno.
Napakuyom siya ng kanyang palad.
Ano na lamang mukhang kanyang ihaharap sa mga kasamahan, sa pamilyang naiwan nito at gayun din sa babaeng kanyang pinakamamahal. Kung hindi niya kayang protektahan ang mga kasamahan ay papaano pa niya magagawang protektahan ang taong pinakamahalaga sa kanyang buhay.
Napabuntong hininga siya.

"Fidel."

Bakit ngayon pa narito si Klay. Kung kelan wala siyang mukhang maihaharap dito. Hindi nya kayang harapin ang babae kung kaya pumasok na lamang siya sa loob ng ng kanyang kwarto ngunit laking gulat nya na sumunod pala ito.

"Easy, 'di kita pagsasamantalahan kung yan ang pinapangamba mo." Napalunok siya sa simambit ng dalaga. Kung sa mata ng ibang tao ay napakaiskandalosa ng hilihiling nito ngunit nawala sa kanyang isipan, na hindi nga pala ito kagaya ng mga kababaihan dito sa kanilang lugar. May sarili itong paniniwala at paninindigan sa buhay.
Hindi man niya alam ang balak nito ay sumunod nalang siya tutal ipipilit parin nito ang gusto niya. Sa isip isip ni Fidel.

Ginhawa.
Yan ang naramdaman ni Fidel kasabay ng marahan at may tamang diing pagdampi ng kamay ni Klay sa kanyang balat.
Umawit ito at tila ba sya ay hinehele.

Tell me something
When I'm 'bout to lose control
How do you patiently hold my hand
And gently calm me down?
Tell me something
When you sing and when you laugh
Why do I always photograph
My heart flying way above the clouds?

Bumangon si Fidel at tinignan sa mga mata ang dalaga.

"Patawarin mo ako Klay nang dahil saakin-
"Fidel."
"...Hindi ako karapat dapat maging pinuno! Hindi ko sila nagawang protektahan!"
"Hindi totoo yan Fi-"
"Kung hindi ko sila nagawang iligatas paano pa kita magagawang protektahan Kla-"

Nanlaki ang mga mata ni Fidel ng bigla na lamang lumapat ang malalambot na labi ni Klay sa kanyang labi. Napakurap siya sa pagkabigla.

"Yan lang pala makakapagpatahimik sayo eh. Pede ba Fidel pakinggan mo yung sasabihin ko ok? Una sa lahat, walang katotohanan yang sinasabi mo. Pangalawa wag mong sisihin ang sarili mo. Alam ko, ginawa mo lahat ng makakaya mo, Ok?-"
"Pero Klay, may mga buhay ang nawala ng dahil sa kapabayaan at kakulangan ko. Wala akong kwenta! Hindi ako nararapat tawaging pinuno-"
"Fidel. Hindi ka Diyos. Tao ka lang. Hindi mo hawak ang kapalaran nila! Saka san naman nanggaling yang thought na wala kang kwenta? Ano tawag mo sa mga bagay na ginawa mo para sakin? Wala lang? Kung sayo wala pero sakin meron... Lahat ng iyon nagsilbing lakas at gabay kong magpatuloy rito sa loob ng libro. Hindi ako bumitaw kasi alam ko nandyan ka sa tabi ko para suportahan at tulungan ako. Masaktan man ako, lumuha man ako, ayos lang dahil alam ko nariyan ka. Hindi ako natatakot dahil alam ko kakampi kita. Kung wala lang sayo yun Fidel sakin napakahalaga ng mga iyon at tunay akong nagpapasalamat dahil masaya akong sa lahat ng iyon kasama kita."

Hindi nakaimik si Fidel sa madamdaming paglalahad ni Klay ng saloobin sa kanya.
Tumayo ito at pumuwesto sa kanyang harap. Binuhat ang kanyang mga braso at iniyakap sa mismong katawan kasabay din ng pagyakap nito sa kanya. At dahil hindi naman katangkaran si Klay ay inihilig niya ang kanyang ulo sa dibdib ng dalaga. Doon ay rinig niya ang bawat pagpintig ng puso ng minamahal na dalaga.

"Fidel, kung nalulungkot ka, nagagalit, nagdadalamhati ka, kung masama yung loob mo.. Wag mong itago. Wag mong sarilinin. Nandito ako Fidel. Handa akong damayan ka sa kahit anong pinagdaanan mo. Hindi mo kailangang itago yung nararamdaman mo, hindi mo rin kailangang ikahiya yung mga luha mo. Tanggap ko. Tanggap ko ang lahat ng iyon Fidel, gaya ng pangtanggap mo saakin noon."

Pumatak ang mga luha sa mata ni Fidel. Talagang kakaiba ang babaeng nasa kanyang mga bisig. Sa isang iglap lamang ay nagawa nitong buksan ang nakakandadong kahon ng kanyang mga inililihim at pinakatatagong kahinaan at kalungkutan. Nagawa itong palayain ni Klay at buong loob na niyakap. Mas lalong humigpit ang kapit niya sa katawan ni Klay. Habang bumubuhos ang ulap ng mga luha na matagal na namuo at naipon. Bumubuhos ang ulan sa mga tama niya habang sya namang pagkampay ng mga mapagmalasakit na haplos si Klay sa likod ni Fidel.

Ilang minuto rin sila sa ganoon estado at ang mga hagulgol ay paunti-unting nawala.

You can thank your stars all you want
But I'll always be the lucky one

Himig nito.

"Kamusta ang iyong pakiramdam?"

Pinahid niya ang mga luha sa mukha.

"Aaminin ko na nalulungkot parin at nagdadalamhati sa pagkawala ng ating kasamahan ngunit nais kitang pasalamatan dahil narito ka upang ako'y damayan. Maraming salamat Klay."

"Walang anuman yun Fidel. Malakas ka sakin eh. Saka lagi mong tatandaan na hindi ka nag-iisa. Nandito ako. Si Elias at ang buo nating kasamahan. Lahat kami karamay at kakampi mo dahil laban nating lahat ito. Ok? at dahil sabi mo nga medyo nalulungkot ka padin sige lilibre kita."

"Libre?"
Naguluhan siya sa sinabi nito?

Hinalikan nito ang kanyang noo. Hindi siya nakaimik.

"Ano nalulungkot ka padin ba?"
"Klay, ano bang ginagawa mo?" naguguluhang tanong niya sa babae.
"Wala bang epek? Yan!" Sabay halik sa kanang pisngi
"Yan ba ang tinutukoy mong libre?"
"Oo, libre ngayon ang mga halik ko."
"Alam kong gusto mong pagaangin ang loob ko per-
"Pero ayaw mo sa kiss ko?"
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin." mabilis niyang tugon
"Oh yun naman pala eh!"
Sabay halik sa kaliwa naman niyang pisngi na kanya ng ikinatawa.
"Kunwari ka pa eh gusto mo naman pala, bahala ka minsan lang to kaya kung ako sayo grab mo na hahaha."
"Ngunit mas gusto sa mga labi ko mismo."
Napahinto ang dalaga.
"Ay nagdemand pa talaga ah?"
"Bakit hindi ba maaari?" Sambit ni Fidel habang unti unting pinuputol ang distansya ng kanilang mga labi.
"Eh pano kung hindi pwede?"
"Sya bang tunay mahal ko?"
"Syempre hindi."
At doon parehas nagtagpo ang kanilang mga labi.

Magaang. Maingat. Malambot at halos malasutla.
Marahan at mahinhin sa umpisa ngunit bahagyang naghiwalay sila, upang magbigay pahintulot sa mga dilang nais madampian ng isa pa.
Mas maalab at mas lumalim.
Mainit at puno ng pagmamahal.
Muli ay kusang lumingkis ang kanyang mga braso sa maliit na bewang ng dalaga. Ang mga kamay naman ni Klay ay nakaalalay sa kanyang mga leeg upang sya'y alalayan at gabayan.

Pareho silang kinapos ng hangin matapos ang halik.

"Sarap."
Natawa siya sa sinabi ni Klay.
"Syang tunay aking Binibini. Hindi talaga maitatanggi na napakasarap ng aking mga labi."
"Ano raw??" Natatawa ring tugon ni Klay.
"...Sa tingin ko Ok kana. Yumabang kana ulit eh."
"Aba'y nagsasabi lang ako ng katotohanan."
"Osya osya. Pagbibigyan na kita dyan sa isang yan, basta isa pa.."
Nakangiting sabi nito

Hindi naman niya ipinagkait pa ang hiling ng babaeng tinatangi. Wala ng salita ay muli ay niya itong hinila palapit sa kanya at dalawa nilang pinagsaluhan ang isang mainit at mapusok na halik.

Hindi man sigurado ang bukas ngunit hanggat nasa tabi nila ang isa't-isa ay siguradong kakayanin nila ang lahat. Sa ngalan ng pag-ibig makakaya nilang harapin ang lahat ng pagsubok at kahit hindi man sabihin ni Klay, lahat ay gagawin nya para rito.




Notes:
Sa totoo lang dito talaga sa kantang 'to nag-umpisa ang lahat eh, kung bat naisipan kong gumawa at magsulat. Ito yung unang kanta na nagawan ko ng fanfic ni Fidel at Klay, matagal nakatengga sa drafts ko to pero ewan ko bat nahuli? Siguro kasi medyo naghesitate ako? Ewan. Basta. So ito salamat naman at natapos din. Medyo Seryoso ata tong one shot nato and pure Filay lang. Sana ay matripan nyo at muli ay buong puso akong nagpapasalamat sa mga makakabasa nito❤️
Kita kits na next update ☺️

https://open.spotify.com/track/7vWHppvllFJXdXf0xplZum?si=z9h-3EoCRWWr1-z53m9Etw&utm_source=copy-link

Continue Reading

You'll Also Like

72.5K 2.9K 37
Hanabi, the wielder of the demonic Higanbana, stepped out from their small village to seek vengeance over the assassination of her father. However...
29.1K 451 15
UNEDITED Shinichi finally showed himself to Ran, but when he saw her, he saw something that will scar him for life. I DO NOT OWN DETECTIVE CONAN, I O...
26.2K 1K 22
(Is Paved With Good Intentions) Conan accidentally becomes Shinichi on a case, and people find out who he is. The Black Organization decides to show...
3.8K 210 18
We all make mistakes. Sometimes Gods are not perfect. Sometimes we try to do things for the right reasons. There are times where ordinary mortals fin...