Never Cry Murder

By Serialsleeper

3.4M 177K 120K

The Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love? More

Prologue
Chapter 1: Wretched Soul
Chapter 2 : On Duty
Chapter 3 : Love and other stuff
Chapter 4 : Seven days of nothing
Chapter 5 : Finding Serenity
Chapter 6: The price to pay
Chapter 7: The Haunt is on
Chapter 8: Samson
Chapter 9: Be Good
Chapter 10: Blasphemy
Chapter 11: She's a goner
Chapter 12: Pass the message
Chapter 13: Manifestations
Chapter 14: What really happened?
Chapter 15: Salvation
Chapter 16: Be rational not emotional
Chapter 17: A truce
Chapter 18: The Jemaima Program
Chapter 19: Breaking Point
Chapter 20: They found me
Chapter 21: Truth or Perish
Chapter 22: Visitors
Chapter 23: Alarmed
Chapter 24: Time to let go
Chapter 25: Decipher
Chapter 26: Parting Time
Chapter 27: Epilogue
Chapter 28: Prologue
Chapter 29: A new chapter
Chapter 30: The thing about you and I
Chapter 31: The words he longed to utter
Chapter 32: Collateral Damage
Chapter 33: Jorino
Chapter 34: You reap what you sow
Chapter 35: The Verdict
Chapter 37: The Dead Girl
Chapter 38: Scribbled
Chapter 39: Silver Lining
Chapter 40: The Last Goodbye
Chapter 41: Listen to the expert
Chapter 42: Your beliefs, Your principles
Chapter 43: Just a warning
Chapter 44: In times of desperation
Chapter 45: Kin
Chapter 46: Let's play numb and dumb
Chapter 47: Connivance
Chapter 48: The Monster she became
Chapter 49: Havoc and Farewell
Chapter 50: When tables are turned
Epilogue (Part 1 of 2)
Epilogue (Part 2 of 2)
Dear Bruh...
Special Chapter #1: First Words
Special Chapter #2: Stay Strong Jorino

Chapter 36: Here comes goodbye

57.3K 3.2K 4.1K
By Serialsleeper

36.

Here comes goodbye

Third Person's POV


Sa pagdilat pa lamang ni Serenity, agad niyang kinuha ang cellphone habang may ngiti sa kanyang labi. Nakahiga man, sabik niyang tiningnan ang kanyang cellphone upang basahin ang araw-araw na mensaheng ipinapadala sa kanya ni Ponzi ngunit sa pagkakataong ito ay agad na nawala ang ngiti sa mukha niya nang makitang hindi pa ito nagpapadala ng mensahe sa kanya.


Nakangiwing napakamot si Serenity sa kanyang ulo pero sa kabila nito ay siya na lamang ang nagpadala ng mensahe dito.


To Agapatotoyski: Good Morning! Nauna ako magising kesa sayo :P


Matapos makaligo at makapaghanda ay muling tiningnan ni Serenity ang cellphone niya ngunit wala na namang mensahe mula kay Ponzi.


To Agapatotoyski: Gumising ka na :P

Halos hindi maialis ni Serenity ang tingin sa kanyang cellphone habang naghihintay ng reply. Kahit na habang nag-aagahan ay hindi niya ito magawang bitawan. Dahil hindi sumasagot, siya na lamang ang parating nagpapadala ng mensahe dito.


Para malihis ang atensyon ay binuksan na lamang ni Serenity ang telebisyon ngunit laking gulat niya nang bumungad sa kanya ang isang balita tungkol sa parusang ipinataw kay Dustin.


To Agapatotoyski: Have u seen the news about Dustin?!


Dali-daling nagbihis si Serenity at nang makitang wala parin siyang mensaheng natatanggap mula kay Ponzi ay dali-dali na siyang nagtatakbo palabas ng tinitirhan upang magtungo sa ospital kung saan naroroon si Dustin.


****


Paulit-ulit na sinusubukang tawagan ni Serenity si Ponzi ngunit hindi parin ito sumasagot kaya nagpatuloy na lamang siya sa pagpapadala ng mensahe dito. Unti-unti na siyang nakakaramdam ng kaba dahil sa pananahimik ng binata ngunit pilit niyang iwinawakli ang masasamang naiisip.


To Agapatotoyski: Why aren't u answering my calls? :(

Reply ka please :(

Tulog ka pa ba?

Galit ka ba?

Pssst

Huy

Here at Dustin's. Di na kita nahintay. Punta ka dito ha?

Kung pogi ka reply :P

Panget ka talaga...

Panget...

Pssst :)

<3

Ang di magreply paggising bukas magiging kamukha na ni Jojo


Itinago na lamang ni Serenity ang kanyang cellphone saka pumasok sa kwartong tinutuluyan ni Dustin. Ngunit hindi niya nadatnan si Dustin sa kwarto nito kaya naisipan niyang maupo nalang muna.


Habang naghihintay ay paulit-ulit siyang nagpapadala ng mensahe kay Ponzi, umaasang makukulitan ito sa kanya at tuluyang makakareply. Tatawagan niya ulit sana ang binata nang mapansin niya ang isang makapal na folder sa upuan at may nakalagay ditong 'confidential'.


Hindi na nagdalawang isip pa si Serenity at dali-dali niyang binuksan ito. Laking gulat niya nang makakita siya ng ibang dokumentong patungkol sa pagkawala niya at ng iba pa, at lalo na ng tungkol sa Jemaima Program. Hindi maiwasan ni Serenity na maluha habang binabasa ang bawat impormasyon.


Makalipas ang higit isang oras ay bumukas ang pinto at pumasok si Dustin. Gulat na gulat si Dustin nang maabutan si Serenity na nagbabasa ng mga dokumento, dali-dali niyang inagaw ang folder mula sa dalaga ngunit huli na dahil halos matapos na nitong basahin ang lahat.


"Serenity ba't mo pinapakialaman to?!" Inis na sambit ni Dustin.

"Ha? Bakit ano ba 'yan?" Pagmamaang-maangan ni Serenity.

"Kanina ka pa ba nandito?" Tanong ulit ni Dustin kaya agad na umiling-iling si Serenity.

"Kararating ko lang, nalaglag kasi kaya agad kong pinulot. Wag mo nga akong pagtaasan ng boses, nakakasakit ka na ah!" Giit ni Serenity kaya napabuntong-hininga na lamang si Dustin saka sinapo ang kanyang ulo.


"S-sorry..." Sambit na lamang ni Dustin at naupo sa dulo ng kama niya. "Nga pala anong ginagawa mo dito?" Tanong pa nito.

Napabuntong-hininga si Serenity, "Makukulong ka na daw kasi. I just want to check on you." Nag-aalalang sambit ni Serenity dahilan para bahagyang matawa si Dustin.

"'Wag kang maniniwala sa balita kanina, mali 'yon. Hindi ako ikukulong, ipapasok lang ako sa isang rehabilitation center. Ayon sa judge maayos ang lugar na iyon, masasarap ang pagkain, may snacks, may tv, may movie every month kaso yun nga lang walang wifi. Nakakainis kasi bawal din ang bisita pero pwede naman daw ang emails at phone calls. 'Wag mo akong masyadong ma-miss ah?" Pabirong sambit ni Dustin dahilan para makunot ang noo ni Serenity.

"Bawal ang bisita? That's too much! How could you participate in a bible sharing activity? May pari ba dun? Ano ang pangalan ng judge kakausapin ko siya!" Giit ni Serenity na agad na napatayo dahil hindi nito nagustuhan ang magiging buhay ni Dustin sa rehabilitation facility.

Muling tumawa si Dustin, "Serenity baka lalong bumigat ang parusa ko kung gagawin mo 'yan, galit sayo ang judge matapos mo siyang sampalin at ipahiya sa harap ng lahat."

Nanlaki ang mga mata ni Serenity sa narinig, "N-no... I'll talk to him. This is unfair."

"Serenity 'wag na. Kung tutuusin mas okay pa tong sentensyang ipinataw sakin kumpara sa nararapat kong makuha. Abala rin ang judge kasi nawawala ang anak niya kaya balewala kung susubukan mo siyang kausapin."


Napabuntong-hininga na lamang si Serenity at nasapo ang ulo niya, "M-missing?"

"Teka sigurado ka ba talagang wala kang nabasa sa mga files nato?" Muling tanong ni Dustin sabay turo sa folder na hawak niya pero binalewala lamang ito ni Serenity.

Napatingin si Serenity sa mga mata ni Dustin, "So this is goodbye then?"

Tumango-tango si Dustin at ngumiti, "See you in a few months or years."

"What about Ponzi, hindi mo ba—" Natigil si Serenity nang maalala ang binata. Muli siyang napatingin sa kanyang cellphone at lalo siyang nag-alala at kinabahan nang makitang wala parin siyang kahit na anong natatanggap na sagot mula kay Ponzi kahit tanghali na.

"Kanina ka pa napapatingin sa cellphone mo. May problema ba?" Tanong ni Dustin pero imbes na sumagot ay nasapo lamang ni Serenity ang kanyang ulo at hindi na napigilan pa ang luha sa pagtulo.

"D-Dustin mauna na ako. Medyo masama lang talaga ang pakiramdam ko." Paalam na lamang ni Serenity at dali-daling umalis upang magtungo sa bahay ni Ponzi.


****


Nang makarating sa subdivision kung saan nakatira si Ponzi ay dali-daling nagtatakbo si Serenity patungo sa bahay nito. Subukan man niyang maghanap ng rason ay hindi niya parin maalis sa sarili niyang mag-alala at kabahan para rito.


Lalong tumindi ang naramdamang kaba at takot ni Serenity nang makitang naiwang nakabukas ang gate at pinto ng bahay ni Ponzi. Nang pumasok siya sa loob ay mistulang huminto ang mundo niya nang madatnan ang napakagulong bahay at mga bubog na nagkalat dulot ng iilang mga vase at salaming nabasag.


"Ponzi!" Tuluyang napahagulgol si Serenity nang makita ang bahid ng dugo sa sahig. Nanginginig man at hindi na halos makahinga kaiiyak ay natatarantang hinalughog ni Serenity ang buong bahay sa pag-asang nasa bahay lamang ang binata.


Sa isang iglap ay bigla na lamang tumunog ang cellphone niya at nang tingnan niya ito ay nakita niya ang isang mensaheng galing sa numero ni Ponzi.


"UMUWI KA NA"

 

Nasapo na lamang ni Serenity ang kanyang ulo. Hindi na niya alam anong gagawin kaya wala siyang magawa kundi mapatili na lamang dahil sa labis na loob. Nagtatakbo siya palabas ng bahay at nilibot ang paningin sa paniniwalang napapanood siya ng kung sino mang nagpadala ng text sa kanya ngunit wala siyang nakitang tao.


"Ponzi sorry..." Napahagulgol na lamang si Serenity at kahit labag man sa kanyang kalooban ay nagtatakbo na lamang siya palayo.



****


Habang mag-isang nakasakay ng elevator paakyat sa palapag kung saan siya nakatira ay tuluyang napaupo si Serenity sa sahig at walang ibang ginawa kundi umiyak ng umiyak habang sapo ang puso. Hirap na hirap na siyang huminga sa labis na paghikbi at paghagulgol, subukan man niyang patahanin ang sarili ay hindi na niya magawa pa.


Nang makarating sa destinasyon ay huminga na lamang siya ng malalim at pinilit ang sariling tumayo. Sa kabila ng lahat, pilit niyang nilalakasan ang loob sa pamamagitan ng pananalig sa Diyos.


Hirap man at nanghihina na, napahawak na lamang si Serenity sa dingding bilang alalay sa kanyang paglalakad.


Papasok na sana si Serenity sa unit niya nang bigla na lamang bumukas ang pinto sa likuran niya't may marinig siyang pamilyar na boses mula sa loob nito.


"Hoy kapitbahay, buti naman naisipan mo pang umuwi."


Agad na napalingon si Serenity nang marinig ang boses ni Ponzi na animo'y inis na inis sa kanya.


"Ponzi!" Humahagulgol na napatakbo si Serenity papasok sa unit ni Ponzi at niyakap ito ng napakahigpit.

"Teka bakit ka umiiyak? Anong nangyari sayo?" Nag-aalalang sambit ni Ponzi at isinara na lamang ang pinto.

Hindi sumagot si Serenity at sa halip ay ibinaon na lamang ang mukha sa balikat ni Ponzi at umiyak ulit ng umiyak na para bang isang batang ayaw tumahan.

"Anong problema? Andito lang ako, tahan na." Giit ni Ponzi habang niyayakap ito pabalik at hinihimas ang likod nito.

Makaraan ang ilang sandali ay bumitaw si Serenity kay Ponzi at humakbang ng isang beses paatras. Pulang-pula na ang mukha at mata nito kaiiyak at hindi narin ito halos makahinga sa kakahikbi bagay na labis na ikinabahala ni Ponzi.

"Serenity breathe," Hinawakan ni Ponzi ang magkabilang pisngi nito at bahagyang iniyuko ang ulo upang mas maging magkapantay sila ng dalaga, "Serenity please just breathe. Everything's going to be okay. Ano ba kasing nangyari?"

Napalunok si Serenity at napahawak sa kamay ni Ponzi, pilit siyang humihinga ng malalim ngunit sadyang ayaw paring tumigil ng luha niya dahil sa labis na takot.

"Y-you wouldn't answer my calls... Akala ko... Akala ko..." Nauutal na sambit ni Serenity sa pagitan ng kanyang mga hikbi at paghangos.

Natawa ng bahagya si Ponzi, "Serenity sorry, busy lang kasi ako sa paglilipat ng mga gamit ko mula sa bahay papunta dito sa unit na katabi mo. Hindi narin ako nag-reply kasi ang cute ng mga text mo sakin, pag nag-reply ako alam ko kasing titigil ka na sa pangungulit sakin. 'Wag ka ng—"

 "Putangina! Sa tingin mo ba isa lang 'tong malaking biro?!" Biglang sigaw ni Serenity na ngayo'y nagngingitngit na sa galit habang patuloy paring lumuluha.

Gulat man, dali-daling umiling si Ponzi at napahawak sa magkabilang braso ng nito, "Serenity hindi sa ganun—"

"Fuck! How could you do that to me?!" Muling napahagulgol si Serenity at winakli ang mga kamay ni Ponzi, "You scared the shit out of me, alam mo ba yon?! You fucking prick! Porke ba alam mong mahal kita, paglalaruan mo na ako ng ganito?! Ang sama mo! Ang sama sama mo!" Pagwawala ni Serenity kaya naman pilit siyang niyayakap ni Ponzi upang kumalma. Agad na-blanko ang ekspresyon sa mukha ni Ponzi nang makita ang dugo sa sahig na animo'y galing sa paa ni Serenity.

"Let go of me you fucking creep!" Sigaw ng sigaw si Serenity habang pilit na nagpupumiglas  ngunit sadyang ayaw siyang bitawan ni Ponzi kaya paulit-ulit na lamang niyang pinaghahampas ang dibdib nito, "Gumaganti ka ba sakin?! Ano Ponzi?! Ito ba ang parusa mo sa mga kalokohan ko sayo?! Oo na andami kong kalokohan at parati kitang pinagt-tripan pero 'wag mo naman akong patayin sa takot at pag-aalala!" Kahit na anong gawin ni Serenity na pagpupumiglas at paghampas ay sadyang hindi siya nilalayuan ni Ponzi na animo'y tinitiis ang bawat sakit kaya wala na siyang magawa pa kundi mapaupo na lamang sa sahig at umiyak ng umiyak.

"Ponzi kung gaganti ka, 'wag naman sanang ganito... Hindi ko kaya..." Lalong napahagulgol si Serenity na ngayo'y pagod na pagod at hinang-hina na. Wala na siyang lakas pang magwala kaya nanatili syang nakaupo at umiyak na lamang ng umiyak.

Maging si Ponzi ay naupo rin sa sahig at hinawakan ang mga kamay ni Serenity na naninigas at labis ang panginginig, "Sorry, hindi ko

Hinawakan ni Ponzi ang pisngi ni Serenity at tiningnan ito sa mga mata, "Sorry, hindi ko talaga intensyong takutin ka ng ganun. Mahal na mahal din kita, alam mo 'yan."

"Tarantado ka parin." Mahinang sambit ni Serenity sa pagitan ng kanyang mga hikbi kahit pa halos wala ng boses na lumalabas mula sa bibig niya.

"Oo, tarantado talaga ako." Sabi pa ni Ponzi at niyakap si Serenity ng mahigpit saka ito pinasandal sa balikat niya.

"Sorry Serenity... Sorry." Paulit-ulit niyang sambit hanggang sa mapansin niyang nakatulog na ang dalaga habang nakasandal sa balikat niya dahil sa matinding pagod.


***


Unti-unting idinilat ni Serenity ang kanyang mga mata at naguluhan siya nang mapagtantong kapwa sila nakahiga ni Ponzi sa sofa. Nakahiga ang ulo niya sa balikat ng natutulog pang si Ponzi at nakayakap pa ito sa kanya.

Itinaas niya ang paa niya at nagtaka siya nang makitang may benda na ito.


"Matulog ka na ulit." Mahinang sambit ni Ponzi na nakapikit parin at mas hinigpitan pa ang yakap sa kanya.

"Hindi parin tayo bati." Giit ni Serenity gamit ang malamig niyang boses.

"Okay lang, mahal mo parin naman ako." Sabi pa nito habang nakapikit saka ngumisi.

"Panget ka parin." Tugon ni Serenity at unti-unti nalang ding pumikit.

"Serenity..." Wika ni Ponzi.

"Ano na naman?" Pikit-matang tanong ni Serenity.

"Bumalik na alaala mo?" Tanong pa ni Ponzi.

"Konti pa lang..." Giit si Serenity.

"Gaya ng?" Hindi sumagot si Serenity kaya idinilat na lamang ni Ponzi ang mga mata niya, "Hoy wag kang magtulug-tulugan, alam kong gising ka pa. Ano? Magsasalita ka o hahalikan kita?" Banta pa nito.

"Tayo... nasa isang nasusunog na kwarto, sinusubukan mo akong tulungan. Hanggang dun lang." Iritadong sambit ni Serenity.

"Ba't ka sumagot?!" Nakabusangot na tanong ni Ponzi.

"Hindi pa tayo bati, wag kang malandi." Mahinang tugon ulit nito.

"Sisa ikaw na ba 'yan?" Paniniguro ni Ponzi.

"Ayan ka na naman sa Sisa. Serenity ang pangalan ko. Hindi ako si Sisa." Giit nito.



*****


"Jojo anak, pakiakyat nga muna 'to doon kay Lola mo at Pastor Will. Ingat sa hagdan, baka madapa ka na naman habang umaakyat." Malambing na pakiusap ng nanay niya sa kanya kaya napangiwi na lamang si Jojo.


"Ma ang ganda niyo po pero ayoko po, baka mamaya may madatnan akong X-rated. Inosente po utak ko." Giit ni Jojo dahilan para manlisik ang mga mata ng nanay niya.


"Anong kalokohan na naman 'yan? Si Pastor Will ang nawawalang kapatid ni Lola Maima mo!" Giit ng ina niya kaya napangiwi lalo si Jojo.


"Nananalantay ang banal na dugo sa katawan ko? My whole life is a lie?" Mangiyak-ngiyak na sambit ni Jojo dahilan para batukan siya ng kuya niya.


"Ma si Jorino Jomomo natotopak na naman!" Biro ng kuya niya.

"Ma si Toshino Tororo may putok na naman!" Ganti ni Jojo sabay takbo upang magtago sa likuran ng nanay niya.

"Pero ma, kung si Lola may sapak, edi doble din ang sapak ni Pastor will?" Tanong ni Jojo kaya nasapo na lamang ng kanilang ina ang ulo niya dahil sa sama ng loob.

"Saang bitamina ba ako nagkulang sayo Jo?" Paghihimutok na lamang ng ina niya.



END OF CHAPTER 36.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

186K 7.6K 9
Vander #2 Cooler Vander 01042020 Genre: action, romance Cover image not mine. Credits to the rightful owner.
61.1K 2.6K 47
Jupiter Ashtyn Hayes is simply watching in amazement as Cataleya Lily Abadino keeps up with her peers despite having an average lifestyle. Will they...
Hidden By Ann Lee

Mystery / Thriller

799K 23.8K 10
Standalone novella || Because real messages are sometimes hidden.
1.3M 45.7K 17
Vertigo was published last 2014, under Life is Beautiful Corp.