Kristine Series 55: MONTE FAL...

By AgaOdilag

119K 2.5K 177

Gustong makilala nang lubusan ni Meredith si Andrea Monte, ang babaeng buong buhay niya ay pinagseselosan ng... More

First Page
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
EPILOGUE

CHAPTER TWENTY-THREE

3.5K 76 3
By AgaOdilag

"ANAK ka ni Cornelia!" hindi makapaniwalang
bulalas ni Meredith. "lsa kang Monte, Tristan!"

"Falco, Meredith. Monte at Falco," pagtutuwid
ni Tristan sa tinig na puno ng emosyon. "Tristan Monte Falco! Kailan man ay hindi maghihiwalay ang dalawang pangalang iyan ng mga magulang ko!" The intensity and passion in his voice shook Meredith.

"W-what happened to your brothers?" Nalilitong tanong niya. Napakaraming lihim ang bulubunduking ito ng Monte Falco--bahagya siyang napasinghap. Hindi niya sinasadya ang pagkakaugnay sa dalawang pangalan sa isip niya.

And it seemed right. Tristan's obsession and passion over the whole place affected her so much. Nang ituon niya ang paningin dito ay
naroon ang matinding lungkot sa mga mata nito. Matinding lungkot na iglap ding naglaho at hinalinhan ng galit at poot.

"Walang nakakaalam kung nasaan sina Leandro at Jose Luis. Nang mamatay ang mga magulang ko ay lumuwas ng Maynila si Andrea upang ipakupkop ako sa mag-asawang dati niyang kamag-aral sa kolehiyo at sandaling naging kaibigan. Si Andrea ang tumutustos sa lahat ng pangangailangan ko. Pati na ang pag-aaral ko..."

"Pagkatapos niya akong iwan sa mag-asawang Leoncio at Julieta ay tumuloy si Andrea sa ospital kung saan nakaratay si Leandro. Subalit wala na ito roon. Nasunog ang ward ng mga bata tatlong araw mula nang iwan nina Itay at Inay ang kakambal ko roon. At nang ipagtanong ni Andrea ang nurse na pinagbilinan ng Inay kay Leandro ay walang makapagsabi kung sino ang nurse na iyon. Walang nangyari sa pagtatanung-tanong ni Andrea. Hindi na muling nakita si Leandro..." Isang pagkalalim-lalim na hininga ang hinugot nito.

"A-ang bunso ninyong kapatid?"

"Hindi alam ni Andrea kung saan nagtatrabaho
si ltay bilang hardinero. Kahit ang mga kapitbahay nila ay wala ring nakakaalam. Ayon sa kanila ay hindi naman makuwento si Inay at lagi lang nasa loob ng barung-barong. lsa pa'y unti-unti nang kinakapos sa pera si Andrea. Nagsisimula nang maghinala si Don Claudio sa maraming pinagkakagastahan nito at ang matagalang pananatili sa Maynila..." His jaw clenched in anger.

"Oh, god..." usal niya. No wonder this man was so bitter and angry. Sabay na nawala rito ang mga magulang at mga kapatid dahil lamang
sa kalupitan ni Don Claudio. Nang bigla ay may maisip siya. "S-sabi mo ay si Mommy ang
tumutustos sa iyo sa kabila ng ipinaampon ka
sa dating kamag-aral?" Isang tango ang isinagot ni Tristan. "B-bakit hindi ka nakatapos? Pinutol ba ni Mommy ang pagtustos sa iyo..." Hindi niya namamalayan, subalit may galit na nakiraan sa tinig niya para kay Andrea kung iyon nga ang ginawa nito.

Umiling si Tristan. "Huwag mong sisihin si Andrea," anito na tila nahuhulaan ang laman ng isip. "Walang palya ang pagdating ng sustento ni Andrea sa akin. Labis-labis pa nga. Mula sa buwanang bayad niya sa mga kumupkop sa akin at sa panggastos ko sa aking pag-aaral..."

"Then why-"

"Nakapag-aral ako sa unang semestre sa unang taon sa kolehiyo at magpapa-enroll na sana para Sa susunod na pasukan nang malaman kong hindi na mapag-aaral ng mga kumupkop sa akin ang panganay nilang anak..." Sinulyapan siya nito "Tatlo ang anak ng mag-asawa. Kaya lingid sa kaalaman ni Andrea, ang sustentong ipinapadala niya sa akin ay siyang ipinagpaaral ng panganay na anak ng mag-asawa..."

"Y-you sacrificed your education for... for them..." she whispered in disbelief. Her heart went out to this hard man, subalit may pusong sinlaki ng buong isla.

"Bilang pagtanaw ng utang-na-loob sa pagkupkop nila sa akin. Ang sarili kong dugo ay itinanggi ako hanggang sa kamatayan." Muli ang pagtigas ng tinig nito, muli ay ang galit na dumaan sa mga mata.

"A-alam ni Don Claudio na apo ka niya kay
Cornelia?"

"Marahil. Wala sa aming dalawa ang gustong
magtanong at magsabi. Subalit nararamdaman
kong alam niya ang tunay kong pagkatao. Ayon kay Andrea ay magkaugali kami ni Don Claudio at kung tititigang mabuti ay magkahawig kami," matabang nitong sabi.

Muli nitong pinuno ng hangin ang dibdib.
"Ang galit niya sa mga magulang ko ay ipinasa ni Don Claudio sa akin. Sa maraming pagkakataon ay alam kong gumagawa na lamang siya ng mga dahilan upang magalit sa akin. Subalit hindi niya ako mapayuko..."

"You are a Monte as much as a Falco, Tristan. And as stubborn and as proud as your
grandfather. That was why you clashed and
argued all the time!" she said excitedly. Bumakas sa tinig niya iyon at nilingon siya ni Tristan sa nagsasalubong na mga kilay.

Nagpatuloy siya. "On... on his deathbed... isinumpa mo kay Don Claudio na mapapasaiyo
ang Rancho Monte... ang buong lupain..."

Tumalim ang mga mata ni Tristan. "Hindi walang kabuluhan ang mga salitang iyon, Meredith. Narito na ang mga ninuno ko mula pa sa simula. Dito sila nabuhay at nangamatay. Hindi binili ni Don Claudio ang lupain at bulubunduking ito. Ito ay ini-homestead ng mga magulang niya sa gobyerno..."

"At dahil galing sila sa kilala at masalaping
angkan sa kabayanan ay napasakanila ito.
Pinatituluhan. Inaring legal; inaring tauhan ang
mga taong dinatnan. Pinasuweldo nang kakaunti sa mabibigat na trabaho upang pakinabangan ng mga Monte!"

"Y-yes," she said, subalit wala sa mga sinasabi nito ang laman ng isip niya kundi ang pangyayari sa ospital bago binawian ng buhay
si Don Claudio. "lsinumpa mong babawiin mong muli ang lupaing ito mula sa kanya; na aarin mo ang buong Monte..." She smiled excitedly.

"Ano ba ang gusto mong sabihin?" nairitang tanong nito. "At para saan ang ngiting nasa mga labi mo?"

"On his deathbed, Don Claudio acknowledged
you, Tristan! Not with words because he was too weak and perhaps too proud to say it. But I saw him smile before he died. He actually smiled nang isumpa mong mapapasaiyo ang buong Rancho Monte. Nang bitiwan mo siya ay nilingon ka niya... ang kamay niya'y iniaaabot niya sa iyo..."

"Ano ba ang pinagsasasabi mo?"

"Tristan, I saw it! I even thought at first he was mocking you. Papaano nga namang mapapasaiyo ang Rancho Monte? Now I know,
it was an acknowledgment and acceptance! Hindi niya gustong mauwi sa Mommy ang lupain ng mga Monte dahil hindi niya ito kadugo. At isa kang Monte, Tristan, hindi man niya natanggap iyon. Ibinigay niya sa iyo nang araw na iyon ang karapatang angkinin ang buong Monte!"

"Meredith..."

"And then his eyes sparkled and he smiled. And when he died... hindi mo na siya muling tinignan pa, pero naroon ang kapayapaan sa mukha ni Don Claudio. Nakita kong lahat iyon, Tristan!"

Kapagkuwa'y napahakbang palapit kay Tristan si Meredith. She could not contain her
excitement. "He muttered something, too! He
said something like 'bles...!' Oh, god! He was
trying to say that he was giving you his blessing!"

"Gumagana ang imahinasyon mo, Meredith."
he sneered angrily.

"I swear, Tristan," giit niya. "What else could he mean by that unfinished word? It sounded 'bles...' Iyon ang narinig ko. I saw him smile and
his hand trying to reach out to you. Subalit abala ka sa sarili mong poot at hinanakit. And when Don Claudio died, he was at peace. Na hindi umaangkop sa galit niya sa mommy ko sa mga sandaling iyon. Ibinigay mo kay Don Claudio ang kapanatagang iyon nang isumpa mong mapapasaiyo ang Rancho Monte."

"Kung may katotohanan man ang suposisyon
mong iyan, sabihin mo kay Andrea!"

Napakunot ang noo niya. Nawala ang excitement. "Ano ang ibig mong sabihin?"

Umungol si Tristan. "Nang isumpa kong hindl
ko íiwan ang rancho ay alam kong masasagasaan ko si Andrea. Malaki ang utang-na-loob ko sa kanya. At sa kanya ipinamana ni Don Claudio ang buong Monte. Hindi ko ipinagdaramdam iyon. May karapatan siya bilang legal na ampong anak ng mga Monte."

"At hindi rin naman birong hirap ang dinanas
niya sa piling ni Don Claudio. Subalit hindi ko
sasang-ayunan ang ano mang pamamalakad
na gagawin niya na labag sa aking pananaw at
pamantayan. Lalo na kung ang nasasangkot ay ang kapakanan ng mga tauhan!"

"You don't trust people, Tristan, do you?" she
said softly. A faint smile was on her lips. "Hindi
kita masisisi. llang tao na ba ang nanakit sa iyo? But you are such an idiot if you believe that my mother would do such a thing. Higit mo siyang kilala kaysa sa akin. In fact, you are almost her child than I am." Hinawakan niya ito sa mga balikat at dinampian ng halik ang balikat nito.

"Walang katiyakan ang bukas sa akin, Meredith..." Abot-kamay nito ang langit subalit
naroroon pa rin ang takot, ang walang-kasiguruhan.

Nakita ni Meredith ang insekyuridad sa mukha
nito. She said gently. "Sadyang walang katiyakan ang buhay, Tristan," she said philosophically. "Life isn't even a bed of roses. More than anybody else, you should know that. And it doesn't matter who we are... who our parents are. Ang mahalaga ay ang ngayon. Kahit nga ang bukas ay hindi ko muna gustong tanawin. Sapat nang narito ka sa akin ngayon. Let's live one day at a time, my darling."

Out of the semidarkened yacht, he grinned.
"Kung ganoon ay huwag muna nating isipin ang bukas, eh." His eyes were suggestive as he
wrapped her in his arms.

Meredith groaned in frustration. Napakabilis
ng pagpapalit nito ng mood. "Bakit sa ganito
nauuwi ang ipinakikipag-usap ko sa iyo?"

"Kanina pa tayo nag-uusap, Meredith. Kalimutan na natin si Don Claudio," he murmured in her mouth. "Mahal mo ako at naniniwala ako. Iniibig din kita at gusto kitang ibigin ngayon..."

Ang ano mang sasabihin niya ay nilunod ng
mga labi nito. Mahal niya ito at gusto niya ang
ginagawa nito sa kanya. Subalit higit pa roon
ang inaasahan niya. Mas gusto niyang marinig
mula rito na nakahanda itong harapin ang buhay kasama siya.

Subalit lahat ng agam-agam ay muling pinawi
ng mga halik ni Tristan. Unti-unti ay ibinababa
siya nito sa mga tabla ng deck. Mahina na
lang sa pandinig niya ang tunog ng tambol at
halakhakan mula sa mga nagkakasayahan sa
di-kalayuan. Mas higit niyang naririnig ang tibok ng puso nilang dalawa.

TAHIMIK na ang dalampasigan nang bumaba
sila ni Tristan mula sa yate. May ilang kalalakihan siyang nakitang natutulog sa paligid ng siga. Baga na lang ang naroroon at nagsisilbing init sa mga naroroong natutulog.

"N-nasaan ang mga kadalagahang sinabitan
ng lei?"

Ngumisi si Tristan. Isa sa mga bibihirang
gawin nito. "Hindi mo gustong malaman."

Her eyes widened. Pero hindi ba at iyon din
mismo ang ginawa lang nila?

"Papakasalan ba ng mga boyfriends ang mga
girlfriends nila?"

"lyon ang kaugalian. Walang lalaking
magsasabit ng lei sa dalaga kung hindi niya
to iniibig. At ang gagawin nila pagkatapos ay
nasa babae na kung gugustuhin niya. Hindi
iyon ipinipilit. Ang ibang dalaga ay maaaring
gustuhing manatiling birhen hanggang sa
gabi ng kanilang kasal." Inakbayan siya nito at
hinapit. Bahagyang nabawasan ang lamig na
nararamdaman niya kani-kanina lang.

"Well, that's good to hear. Akala ko ay basta sinabitan siya ng lei ay wala na siyang
magagawa."

"Hindi isang kulto ang selebrasyong ginanap
kagabi, Meredith."

Tumango siya. "Babalik ka ba sa cabin?"

"Kulang ba ang ginawa ko at gusto mo akong
anyayahang matulog sa silid mo?" tukso nito,
hinagkan siya sa tainga.

Huminga nang malalim si Meredith. She
loved him this way. Walang galit sa mga mata.
Nakangiti. Nanunukso. Masaya. Subalit hanggang saan?

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Tristan nang
makita ang lungkot at kalituhan sa mukha niya.

"May problema ba? Hindi mo gusto ang sinabi ko?"

She laughed drily. Ikinawit ang braso sa baywang nito habang naglalakad sila sa gitna
ng dilim.

"Kanina, sabi mo ay hindi mo gustong gawin
sa akin ang ganito. You are right. It would be
unfair if we... if we keep on having sex any time
we feel like doing it."

"Sex?" ulit nito sa pormal na tinig.

"Sex... lovemaking. Whatever you want to
call it," she said wearily. "A-ayoko ng ganito,
Tristan. I will not allow myself to be corrupted
by misguided ardour..."

Nahinto ito sa paghakbang. "lyon ba ang iniisip mong ginagawa ko?" he asked in a dangerous calm.

"Tristan, please. Alam mo ang ibig kong sabihin. Kanina pa natin pinag-uusapan ang
bagay na iyan. I am having a premarital affair
with you. Bagay na minsan man ay hindi ko
binalak na gawin bago kita nakilala."

"Balang-araw ay pasasalamatan mo ako na
hindi ka natali sa isang magbubukid na tulad ko, Meredith." Kasinlamig ng hanging humahampas sa katawan niya ang tinig nito. Nais niyang pangikigan. "Pumanhik ka na sa silid mo. May tatlong oras pa bago sumikat ang araw."

Again, she stared at his retreating back.
And again, she felt like bursting into tears.

HAPON na siya nang magising kinabukasan.
Sa ibaba ay sinabi ng katulong sa kanya na
hinihintay siya ni Andrea sa library. Na naroroon ang matandang abogado ng pamilya.

"Pakidalhan mo ako roon ng kape," utos niya
sa kasambahay.

"Ay mayroon nang kape roon, ma'am.."

Tumango siya at dumiretso sa library. Naroon
si Andrea at kausap ang isang lalaking sa tantiya niya ay nasa setentang mahigit na ang edad bagaman matikas pa ring tingnan. Nakalatag ang brief case nito sa coffee table.

"Morning, Mommy..." Tinanguan niya ang
bisita bilang pagbati. Natuon ang pansin niya
Sa coffee nook. Tinungo niya iyon at nagtimpla
ng kape at pagkatapos ay lumakad pabalik
Sa dalawa. May kape nang nasa harapan ng
abogado at kasalukuyan nitong hinihigop.

"Good morning, hija. Mabuti at narito ka na
Nilingon nito ang kausap. "Si Atty. Sioson, hiia
siya ang abogado ni Papa. Attorney, ang aking
anak, si Meredith."

Bagaman bahagyang nagsalubong ang mga kilay ay hindi nagkomento ang abogado sa salitang "anak." Tumayo ito at kinamayan si
Meredith.

"It's a pleasure meeting you, Miss Monte."

Ngumiti si Meredith. Hindi itinama ang
pangalang binanggit ng abogado. Humigop siya ng kape bago nag-angat ng paningin sa ina. "May pag-uusapan ba kayong pribado, Mom?"

"Nothing private, hija. Come and sit down."
Itinuro nito ang bakanteng sofa sa kanan nito.
"Babasahin ni Attorney ang testamento ni Papa."

"Don't you think this should be between you
and Tristan?"

Mabilis ang paglingon ni Andrea sa kanya. Nagsalubong ang mga kilay.

Continue Reading

You'll Also Like

348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
620K 9.9K 12
PHR The gang; Lance Pierro Alvarez--- When Miss NBSB Meets Mr. Bully Randall Clark--- At First Sight Arthur Franz de Luna--- Paint My Love Jared Mont...
119K 1.8K 30
Tamara Alba was a pretty fifteen-year-old girl from the other side of town. Her family was an outcast, itinuturing na yagit at basura sa bayang iyon...
957K 30.6K 40
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...