Kristine Series 55: MONTE FAL...

Oleh AgaOdilag

120K 2.6K 177

Gustong makilala nang lubusan ni Meredith si Andrea Monte, ang babaeng buong buhay niya ay pinagseselosan ng... Lebih Banyak

First Page
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
EPILOGUE

CHAPTER TWENTY-TWO

3.3K 82 14
Oleh AgaOdilag

"ANO ANG ginagawa mo rito ?" gulat na
tanong ni Andrea nang sa pagpasok niya sa
silid niya ay makitang nakaupo sa gilid ng kama niya si Cornelia. "Sino ang nakakita sa iyo nang pumanhik ka rito?" Lumingon siya sa labas ng silid at pagkatapos ay dali-daling isinara ang pinto.

"Si Yaya Berta lang, Ate Andrea." Puno
ng agam-agam ang tinig nito. Ang dating
magandang mukha ay hapis na ngayon. "Hind
niya ako isusumbong kay Papa."

Agad na niyakap ni Andrea si Cornelia
Nahahabag sa anyo ng kapatid. "Ano ba ang
ginawa mo sa buhay mo? Bakit hindi ka na lang tumelegrama sa akin ? Sana ay hindi ka na lang nagkagasta sa pagparito. Napakalayo nito sa Maynila, Nel..."

"Gusto ko pa ring subukang magmakaawang muli sa Papa, Ate Andrea," humihikbing sabi nito. Hindi para sa akin kundi para sa maa bata..."

"Iniwan mo ba kay Eliseo ang mga bata?"
Inilayo niya ang kapatid mula sa pagkakayakap
dito at hinagod niya ito ng nababalisang tingin. Hinawi niya patalikod ang buhok na bumabagsak sa noo nito.

Patuloy ito sa paghikbi. Tumayo si Andrea at
kinuha ang tissue box sa tokador at iniabot dito. "K-kasama ko si Eliseo at... si Tristan..."

Napamulagat si Andrea. "Kasama mo ang
asawa mo at si Tristan!"

"Gusto niyang dalawin ang pinaglibingan ng
mga magulang niya. Hindi ko siya kayang pigilin doon. Alam kong labis siyang nagdamdam sa nangyari sa mga magulang niya. Galit na galit siya kay Papa. Gusto niya itong sugurin subalit pinigil siya nina Mang Kardo at Aling Santa, at ng dalawa niyang kaibigan."

Napaungol si Andrea. "Sana ay mag-isip na
mabuti si Eliseo. Mabuti naman at nagpapigil."
Umiling siya. "Ang dalawa mo pang anak? Kanino mo iniwan? Bakit hindi mo na rin isinama?"

Lalong lumakas ang iyak ni Cornelia. llang sandali muna ang pinalipas bago muling
nagsalita. "Si... Leandro ay iniwan ko sa ospital.
May sakit ang kakambal ni Tristan, Ate Andrea. Ipinagbilin ko siya sa isang nurse na naging
kapalagayang-loob ko habang nasa ospital kami. lyan ang isa sa mga dahilan kung bakit kami narito. Kailangan ni Leandro ng gamot. May pulmonya siya."

"Ang bunso mo?" Lumakad siya patungo sa
isang chest of drawers. Mula roon ay inilabas
niya ang isang maliit na steel box. Sinusian at
binuksan.

"Iniwan namin ni Eliseo sa amo niya."
Pinahiran nito ng tissue ang mga luha at
bahagyang napangiti. "Tuwang-tuwa nga, eh,
dahil may mapaglilibangan daw sila. Walang
anak ang mag-asawang pinagtatrabahuhan ni
Eliseo, Ate, bilang hardinero. Nakapangutang
na rin kami roon ng ilang beses at hiyang-hiya
na si Eliseo."

Napailing si Andrea sa sinasabi ng kapatid.
Mula sa steel box ay inilabas niyang lahat
ang naroroong pera at ibinigay kay Cornelia
"Dalawang libong mahigit ang halagang iyan.
Nel. Kung kulang pa ay ipadadala ko sa koreo.
Kailangan ko munang mag-isip ng dahilan upang makahingi ng salapi kay Papa.

Muling umiyak si Cornelia sa habag sa sarili.
Pinipigil ni Andrea ang sariling umiyak upang
huwag nang makadagdag pa ng habag
nararamdaman ng kapatid sa saili nito.

Tumingala si Cornelia sa kanya. "Ate, gusto
nang bumalik ni Eliseo rito. Narito ang buhay
niya. Ang trabahong kinasanayan niya..."

Natigilan si Andrea. "Hinihingi mo ba ang
opinyon ko sa bagay na iyan?"

Nagyuko ito ng ulo at umiling. "Buo na ang
pasya ni Eliseo, Ate. Kapag nailabas namin si
Leandro sa ospital ay bibiyahe kami pabalik ng
San Angelo."

"Hindi mo alam ang sinasabi mo, Cornelia!
Papatayin siya ni Papa sa sandaling malaman
niyang narito sa Rancho Monte ang asawa mo!"

"Hindi naman mismo sa loob ng lupain ng
mga Monte, Ate Andrea. Kahit saang bahagi
ng San Angelo. Ang among babae niya ay aalis
na sa susunod na buwan patungong America
dahil madedestino ang asawang sundalo sa Iraq. Mahihirapan siyang maghanap uli ng trabaho. At nahihirapan na rin kami ng mga bata. Hindi kami maaaring habambuhay na umaasa sa iyo. Alam kong nahihirapan kang ipunin ang perang ito mula sa mga binibili sa pangangailangan dito sa bahay..."

Huwag mo akong intindihin, nakahanda akong tulungan ang mga pamangkin ko sa abot
ng aking makakaya," aniya. "Pero iyong iniisip
nyong bumalik dito ay paghahamon kay Papa.
San Angelo... Rancho Monte. Pareho lang iyon, Nel. Pag-aari ni Papa ang halos buong bayang
ito at abot ng kapangyarihan niya ang alin mang bayan at karatig-baryo sa lalawigang ito. Alam mo iyan. At hindi maaaring hindi makarating kaynPapa ang balitang narito kayo."

Tumigas ang mukha ni Cornelia, "May karapatan din ako sa bahay na ito dahil anak
niya ako! At lalong may karapatan si Eliseo sa
lupaing ito dahil hindi pa man inari at binayaran ng mga magulang ni Papa sa gobierno, ang pagho-homestead sa bulubunduking ito ay narito na ang mga ninuno ni Eliseo! Kinamkam ng mga magulang ni Papa ang bulubundukin at lupaing ito sa legal na paraan, Ate Andrea!"

"Oh, god!" bulalas ni Andrea. Nakita na naman
niya ang katigasan ng loob sa nakababatang
kapatid. Unti-unting umahon ang kaba niya.

"Kakausapin ko si Papa, Ate." Pagkasabi niyon ay nagmamadaling lumabas ng silid si Cornelia.

"Nel, nakikiusap ako," awat niya rito. "Alam
mong hindi mo mapapahinuhod si Papa!"

Subalit tila walang naririnig si Cornelia at
tuluy-tuloy ito patungo sa silid ng ama. Tila
ipinako sa kinatatayuan si Andrea sa takot at
kaba. Anim na taon na ang lumipas mula nang
sumamang magtanan si Cornella kay Eliseo
subalit hindi nagbago ang damdamin ni Don Claudio. Ni hindi nito pinahintulutan ang anak na sulyapan man lamang ang libing ni Doña Aniceta noong mamatay ang mama nila.

Nanlalambot ang mga tuhod na lumabas ng
silid si Andrea upang sundan ang kapatid. Mula sa pasilyo ay naririnig niya ang malakas na tinig ni Don Claudio dahil iniwan ni Cornelia na bukas ang pinto ng library kung saan naroroon ito, tulad ng nakagawian.

"Wala akong pakialam!"

Napahugot siya ng hininga. Kinakabahang
nanatili siya sa may labas ng pinto at sumisilip.
Kaduwagan mang matatawag pero hindi niya
sasagupain ang galit ni Don Claudio. Tanging
si Cornelia lamang ang kayang gumawa niyon.

"Hindi iyo ang bundok at gubat at dagat,
Papa!" Sumisigaw na rin si Cornelia. Sunud-sunod ang agos ng mga luha. "Wala kang karapatang pagbawalan kaming tumira rito!"

Lalong nagsindi ng apoy ng galit kay Don
Claudio ang mga sinabi nito. "Ipapapatay
ko si Eliseo sa sandaling tumuntong siya
sa San Angelo o sa Rancho Monte o kahit
sa karatig-baryo, Cornelia! At ni hindi ako
mapagbibintangan. Tinitiyak ko sa iyo iyan!"
Humihingal ito sa galit. "Kung hindi dahil sa
kanya ay buhay pa sana ang aking asawa... ang pinakamamahal kong asawa!"

Napaatras si Cornelia. Hindi nagbibiro ang anyo ng ama nang sabihin iyon. Subalit ginantihan nito ng galit ang poot na nagliliyab
sa mga mata ni Don Claudio.

"lsinusumpa ko, Papa!" marahang sabi niya
sa nag-iigting na mga bagang. "Hindi ko alan
kung sa paanong paraan sa ngayon, subalit
muling maibabalik kay Eliseo ang bulubunduking ito... ang isla... ang lupain... ang dagat ng Rancho Monte!"

"Lumayas ka! Lumayas ka ngayon din! At huwag ka nang babalik pa kailanman! Para sa
akin ay matagal ka nang patay!"

Sinalubong ni Andrea ang nanginginig na
kapatid nang lumabas ito sa silid at inilayo sa
mansiyon noon din.

"Hindi ka naniwala sa akin," umiiyak na sabi
niya. Awang-awa rito. "Hindi ilang beses kong
ipinagmakaawa kay Papa na patawarin ka,
alang-alang sa mga apo niya, subalit bingi siya, Nel. Nagagalit pa nga sa akin..."

"Malupit ang ating ama, Ate Andrea." Hupa
na ang mga luha nito. Ang naroroon ay galit para sa ama.

"Hindi mo ba sinabi sa kanya ang tungkol sa
tatlong apo niya?"

Tumiim ang mga bagang ni Cornelia. "Sinabi
ko. Pero wala raw siyang pakialam. Wala akong maaaring sabihing makapagpalubag sa galit
niya. Kahit nang sabihin kong may sakit ang isa sa kambal. Problema ko raw iyon."

Napakagat-labi si Andrea upang híndi
kumawala. ang malakas na hagulhol. Tuluy-tuloy sila sa likod ng mansiyon pababa. Nagpasama si Comelia sa kubo ng katiwalang si Kardo at Santa kung saan naroroon si Eliseo at naghihintay. Gayon na lamang ang gulat ni Andrea nang makita si Eliseo. Wala na ang dating masigla, masayahin, at makisig na magbubukid.

Ang naroon ay isang yayat na lalaki, humpak
ang pisngi, at nanlalalim ang mga mata. Mga
matang puno ng pagdaramdam at kapaitan. At
dalawampu't limang taon pa lang si Eliseo pero
tila tinakasan na ng sigla sa buhay dala ng hirap na pinagdaanan ng pamilya.

Nang makita ni Eliseo si Cormelia ay nahulaan
na nitong bigo ang asawa sa pagmamakaawa
kay Don Claudio. Sinalubong nito ng nahahabag na yakap si Cornelia.

"Ikinalulungkot kong ako ang may sanhi ng
lahat ng ito, Nel.." buong kapaitang sabi nito.

"Hindi ko pinagsisisihang minahal kita, Eliseo.
Nalulungkot ako para sa mga bata." Nilingon
nito ang limang taong gulang na si Tristan na
nakaupo sa may hagdanang kawayan ng kubo.

Nakamasid lamang ito sa mga magulang, may
kislap ng nag-aambang luha sa mga mata,
Nilapitan ni Andrea ang bata at kinalona
at hinagkan sa ibabaw ng ulo. Kapagkuwa'y
tumingin sa mag-asa wa. "Hindi ako maaaring
magtagal, Cornelia... Elise0. Hahanapin ako
ng Papa lalo at kagagaling lang ni Cornelia
sa mansiyon. Sa sandaling malaman ni Papa
na tinutulungan ko kayo ay baka lalo siyang
maghigpit."Pagkatapos ay itinuon niya anig mga mata sa mag-asawang Kardo at Santa. "Baka pati sina Kardo at Santa ay madamay."

"Tutungo ako sa isla, Andrea," ani Eliseo.
"Gusto kong madalaw man lang ang pinaglibingan sa aking mga magulang."

Napakagat-labi si Andrea. Alam niyang
tanging mga tanda lamang ang naroroon.
Iniutos pa niya iyon nang lihim sa ilang
mapagkakatiwalaang mangingisdang tauhan.

"Hindi kayo maaaring pumalaot ngayon,
Eliseo. Madilim ang langit.. " Tumingala siya
upang bigyang-din ang sinabi. "Baka abutin
kayo ng unos sa laot,"

"Hindi kami magtatagal, Ate," determinadong
sagot ni Cornelia na gustong pagbigyan ang
asawa. "Maiiwan ko muna sa inyo si Tristan,
Kardo... Santa..."

Tumango si Kardo. "Huwag kang mag-alala,
Señorita Cornelia. Walang isa man sa mga
tauhan ang magkakanulo na narito si Tristan..."

"Paano ka nakatitiyak?" Puno ng takot ang
tinig ni Santa. Kapag nalaman ni Don Claudio
ang pagtulong nila sa mag-asawa ay baka sila
man ay itaboy din sa lupain nila.

Hinawakan ni Kardo ang balikat ng asawa.
"May tiwala ako sa ating mga kasamahan,
Santa. Isa pa, hindi nila kakalabanin si Señorita
Andrea." Inabot nito si Tristan mula sa kanya.
Sige na, Señorita Andrea. Kami na ang bahala
kay Tristan.

Humikbi ang bata nang mawala sa kandungan
ni Andrea. Tumingin sa mga magulang na
papalayo na. Nakakailang hakbang na si Eliseo
nang lumingon. Kapagkuwa'y mabilis na
lumakad pabalik. Kinuha ang anak mula kay
Kardo at itinaas.

"Nakikita mo ba ang gubat at lupaing ito,
Tristan ?" Inikot nito ang bata upang ipakita
ang buong lupain, kagubatan, at abot-tanaw
na karagatan. "Lahat ng ito ay sa inyo ng mga
kapatid mo. Sa inyo nina Leandro at Jose Luis!
Balang-araw. ay muling mapapasakamay ng mga Falco ang lupaing ito na minana pa ng aking mga magulang mula sa kanilang mga ninuno."

Namamanghang nahinto sa paghakbang
si Andrea at nilingon si Eliseo. Nananayo ang
balahibo niya sa determinasyon at katigasan
ng tinig nito habang itinataas sa ere ang anak.
Kasabay niyon ay gusto niyang bumulalas ng
iyak dahil sa kabila ng matigas nitong tono ay
nasa mukha nito ang kawalan ng pag-asa.

"Isumpa mo, Andrea, na ano man ang
mangyari, ay hindi mo ipagkakait sa mga anak
ko ang lupaing ito! Isumpa mo!"

"Eliseo, bakit ka nagsasalita nang ganyan?"
Humihikbing nilapitan ni Cornelia ang asawa at niyakap mula sa likod.

"Isumpa mo, Andrea..." Gumagaralgal ang
tinig nito. Tila mauupos na ibinaba ang anak
na agad namang inabot ni Kardo. Si Tristan ay
puno na ng luha ang mga mata subalit hindi
pumapatak ang mga iyon. Nakatitig lamang sa
mga magulang.

"I-isinusumpa ko, Eliseo. Isinusumpa ko..."

Sa wari ay may batong naalis sa mga balikat
ni Eliseo sa sinabi niyang iyon. Inakbayan ang
asawa at muling lumakad patungo sa bangkang naghihintay sa baybayin. Nilingon ni Cornelia si Tristan at kumaway nang bahagya.

lyon ang huling pagkakataong nakita ni Tristan ang mga magulang dahil hindi na nakabalik mula sa isla ang dalawa. Ang unos sa karagatan ang kumitil sa buhay ng mga ito sa
mismong sandaling pabalik na sila sa Rancho
Monte. Bangkang de-sagwan lamang ang gamit ng mga ito na pinaglaruan lamang ng mga higanteng alon.

Tatlong araw bago natagpuan ang katawan
nina Cornelia at Eliseo sa baybayin din mismo ng Coral Island nang lihim itong ipahanap ni Andrea. Ni hindi natigatig si Don Claudio sa kinasapitan ng anak nang sabihin niya rito ang nangyari. Ang pangyayaring iyon ang naging dahilan upang alisin ni Andrea sa Rancho Monte si Tristan at ipakupkop sa dati nitong kaibigan at kamag-aral na maagang nag-asawa.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

191K 4.5K 14
published under PHR 2012 (Modified version) Natanim sa isip ni Daphne ang hula sa kanilang mag-ina noong bata pa siya. Bakit ba hindi, eh lagi...
82.5K 2K 13
PHR #1623 Rico and Audrey were best of friends. Click na click sila sa isa't isa. Maglaitan man sila mula ulo hanggang paa, o mag-away man sila na d...
11.2K 221 11
Tatanggapin mo pa ba ang isang ex na minsan nang nanakit sa iyo? CINDA BROKE MARYMAE'S HEART LAST CHRISTMAS. AT KAHIT NAMAN AMINADO SI MARYMAE NA HOP...