Kristine Series 55: MONTE FAL...

By AgaOdilag

120K 2.5K 177

Gustong makilala nang lubusan ni Meredith si Andrea Monte, ang babaeng buong buhay niya ay pinagseselosan ng... More

First Page
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
EPILOGUE

CHAPTER TWENTY

3.5K 74 5
By AgaOdilag

MEREDITH was awakened by the sound of drums. Sinundan iyon ng pag-ihip ng budyong. Sa tatlong linggong pananatili niya sa rancho ay pamilyar na sa kanya ang tunog ng budyong. Ang budyong ay isang higanteng shell na kapag hinihipan ang pinakabuntot ay tumutunog na tila trumpeta at umaalingawngaw sa buong kabundukan.

Ginagamit iyong pantawag sa mga tauhan
kung kakain na sa tanghalian. At nakapagtatakang naririnig na niya ang budyong gayong maaga pa lang. At ang tunog ng mga tambol ay bago sa pandinig niya. Gustuhin man niyang bumalik sa pagtulog ay hindi siya patutulugin uli ng ingay.

Minabuti niyang bumangon na lang. Pumasok
Siya sa banyo at nagmadaling maligo at
pagkatapos magbihis ay bumaba.

Sa dining room ay naroroon si Andrea at
nagkakape.

"Good morning," bati nito. Tinawag ang isang
katulong upang ihanda ang almusal niya

"'Morning. Ano ang mga ingay na iyon?"
tanong niya kasabay ng paghila ng silya at
naupo.

Napangiti si Andrea. "Sa kabila ng kalilibing
lang ng Papa ay hindi niyon napipigil ang
selebrasyon ng mga tauhan, hija. Budyong at
tambol ang naririnig mo."

"Selebrasyon? Para saan?" Umusal siya ng
pasasalamat sa katulong matapos nitong salinan ng kape ang tasa niya. Umabot siya ng krema at asukal at tinimplahan ang kape.

"Taun-taon, nagsasagawa ang mga tauhan ng
selebrasyon bilang pasasalamat sa mayamang
pananim, magandang ani, at sa saganang
inilalabas ng dagat. Ginaganap iyon sa buwang ito tuwina." Inilapit nito sa kanya ang bandehado ng pagkain "Eat your breakfast, Meredith. Huwag kang masanay na kape lang ang laman ng tiyan sa umaga."

She almost rolled her eyes. "Napakasinauna
naman yata, Mom," banayad niyang komento.
Dinala sa bibig ang tasa ng kape at humigo
nang marahan. Pagkatapos ay kumuha ng
sinangag at naglagay sa pinggan, sinundan
niya iyon ng sunny-side up. "Parang isang uri ng ethnic celebration. May drums at budyong pa."

"Tulad din ng Moriones festivities, hija. Ang
mga taal na tagarito ay may sariling tradisyon.
Pinasasalamatan nila ang dagat, lupa, at gubat
sa mga saganang inilalabas nito. At ang araw na ito ang pinakahihintay nila. Higit kaysa sa mga fiestas at traditional celebrations." Humigop ito ng kape.

"Why? What is so special about today?" Andrea smiled. "Sa mga ganitong pagkakataon naipahahayag ng binata ang pag-ibig niya sa isang dalaga."

"Wow! Really?" Napukaw ang interest niya.
"Paano, Mommy?"

"The boyfriend will give her a lei of flowers and
then the girlfriend will dance for him during the celebration night," nakangiting sagot ni Andrea. Umabot ito ng pagkain at nagsalin sa pinggan. Flowers symbolize the man's love to her woman while dancing symbobilizes acceptance and sex."

Nabitin sa ere ang serving spoon niyang may
lamang ginisang corned beef. "How primitive!"
she said amazingly.

"Sa ganitong paraan naipahiwatig ni Eliseo ang pag-ibig niya kay Cornelia. Hindi pinapayagan nina Papa at Mama si Nel na makihalubilo sa selebrasyon taun-taon subalit Iingid sa kaalaman ng aming mga magulang ay taun-taon ding tumatakas mula sa silid niya ang kapatid ko."

"Primitive and romantic!"

"Yes." Andrea smiled at her. "At ang mga
matatandang babae sa mga sandaling ito ay
gumagawa na ng mga leis mula sa iba't ibang
uri ng mga bulaklak para sa mga anak nilang
binata. And the wWomen are excited and looking forward to the celebration tonight."

Sumubo muna si Meredith ng pagkain.
Makalipas ang ilang sandali ay ibinalik ang tingin sa ina. "C-could we attend the celebration?"

"Sure. Mamayang gabi sa tabing-dagat,
di-kalayuan mula sa wharf..." Nananantiya ang tinging ibinigay sa kanya ni Andrea, bago,
"Tristan will be there, too."

Sapat na ang pangalan ni Tristan upang lalo siyang naging determinadong daluhan ang
selebrasyon, maging iyon man ay voodoo ritual.

KUNG kaya lang niyang hilahin ang mga oras
upang magkita na silang muli ni Tristan ay ginawa na ni Meredith. Kinainipan niya ang buong maghapon. Makapananghali ay nagpasama siya sa ina sa kabisera upang makausap ang daddy niya.

Naririnig niya ang pagkabasag ng tinig ni
Danilo nang sabihin ni Meredith dito na alam na nito ang katotohanan tungkol sa totoong
pagkatao niya. Tiniyak niya sa ama na wala
siyang resentment kay Andrea at bagkus
ay ikinatuwa niyang ito ang kanyang ina.
Pagkatapos nilang mag-usap ay hinayaan niyang mag-usap ang daddy at mommy niya nang pribado at hinintay si Andrea sa parking lot.

Bandang alas-siyete ng gabi ay ginagayak
na siya ni Andrea para sa isusuot niya sa
selebrasyon.

"Mommy, what is this?" Manghang itinaas
niya ang isang Hawaiian print na tapis na ibinigay ni Andrea upang siya niyang isuot.

"Tapis' ang tawag niyan dito. 'Malong' sa
Mindanao at 'sarong' naman ang tawag sa
Maynila niyan. I think it's a traditional Malaysian garment. Sarong din ang tawag sa Malaysia niyan." Andrea was laughing softly. "lyan ang isusuot mo ngayong gabi sa pagtungo natin sa tabing-dagat para sa selebrasyon. Here, take off your clothes and let me show you how to put this garment on."

Nang makapaghubad ng damit si Meredith
ay tinulungan siya ni Andrea na isuot ang tube
cloth. Ipinaikot nito iyon sa katawan niya ang
isang bahagi ay itinali sa isang balikat.

Excited na tiningnan ni Meredith ang sarili sa harap ng malaking salamin. She laughed Imerrily. Umikut-ikot kasabay ng pose.

"Alin na lang sa dalawa, Mommy, mukha akong Hawayana o mukha akong maglalaba sa ilog."

"You are so lovely, my darling. Walang
magkakamaling maglalaba ka sa ilog nakangiting papuri ni Andrea. "Here, put this
orchid in your hair." Inipit nito ang isang orkidyas na ang petals ay may kulay na pinaghalu-halong dilaw, violet, at pula, sa kabilang bahagi ng buhok ni Meredith.

Masuyong tinitigan ni Andrea ang anak.
"Perfect. Umaasa akong sasabitan ka ni Tristan
ng lei ngayong gabi."

Gumuhit ang lungkot sa mga mata niya.
"Hindi ko naiintindihan ang lalaking iyon..."
Sadya niyang ibinitin ang sinasabi at saka
lumabi.

"Huwag mo siyang piliting intindihin, hija."
sagot ni Andrea. "He loves you. Natitiyak ko iyon. Gawin mo ang lahat ng paraan upang patunayan sa kanyang mahal mo rin siya." Andrea paused and stared at her. "You love him, don't you?"

"Yes," she whispered.

"Then tame the wind and smooth the waters,
Meredith. Tristan won't let you but don't give up on him, Sweetheart. Buong buhay ni Tristan ay pawang pait, hinanakit, at galit ang namamahay sa dibdib niya."

Napatitig sa ina si Meredith. Buong buhay
niya ay hindi sila nakapag-usap nang ganoon
ni Agatha. Not even as friends. At ikinagagalak niyang kahit sasandali pa lang silang nagkakasama ay lagi nang ginagawan ng paraan ni Andrea na maging palagay ang loob nila sa isa't isa.

Inabot ni Andrea ang kamay niya. "Let's go.
Nagsisimula na ang mahaharot na tambol ng
drum at gitara."

Napahinto siya sa paghakbang nang makita
ang suot ng ina."You're wearing jeans!"

Andrea smiled at her daughter. Ngiting nagtatago ng lungkot na nararamdaman. She
was thinking of Danilo... sa isang malayo nang
kahapon.

"Walang magsasabit sa akin ng lei, hija."
Meredith looked at her mother thoughtfully.

"Nakausap natin si Daddy, di ba?" aniya
na waring nahuhulaan ang nasa isip ng ina. Then she sighed. "My father will move heaven
and earth para mapadali ang paglalabas ng legal separation nila ni Agatha. Natitiyak kong ipinangako niya sa inyo iyan kaninang nagkausap kayo."

"Paano kung hindi makipag-cooperate si Agatha, Meredith?" Lumukob ang lungkot sa
mukha nito.

"We have witnesses, Mommy. At nabanggit  na ni Daddy sa akin minsan na may mga larawan
siyang kuha kay Agatha kasama ang iba't ibang lalaking pinatulan nito. So, cheer up. Lahat ng pagtitiis ninyo ni Daddy ay magkakaroon ng magandang katapusan. Natitiyak ko iyon, Mommy. Naghintay kayo ni Daddy nang twenty-two years. Ano na lang ang ilang buwang paghihintay?"

Andrea indulged her daughter with a smile
that reached her eyes. "Thank you..."

NASA kalagitnaan na ang pagsasaya at marami
nang tao sa baybayin nang makarating doon
ang mag-ina. May mga pagkaing nakalagay sa
malalaking dahon ng saging na nakalatag sa
mahabang mesang yari sa kawayan at may mga boteng sa tingin ni Meredith ay local wine. Sa di-kalayuan, maliban sa liwanag na nanggagaling sa buwan ay may malaking siga sa gitna.

May ilang kadalagahang nagsasayaw sa
gitna at may mga nakasabit na lei sa leeg. Tulad niya ay nakatapis ang mga ito.

Some women were dancing boldly, some
shyly. Ang mga kabinataan ay nakapaligle
at hubad ang pang-itaas. Masuyo ang mga tinging ipinupukol para sa mga kadalagahang
nagsisipagsayaw sa harap ng mga ito at may
mapanuksong mga ngiti sa mga labi.

"Nasaan ang mga partners nila, Mommy?"

"Kung sino ang kanilang sinasayawan ay iyon
ang naglagay ng lei sa kanila, Meredith."

Humagikgik si Meredith. "Napaka-erotic naman ng sayaw, Mom. Seduction is the name
of the dance."

Natawa si Andrea. "Come, let's join them."

Lumakas ang tunog ng tambol nang
matanaw ng mga tumutugtog ang mag-ina
mula sa niyugan na papalapit. Dumiretso si
Andrea sa isang matandang lalaki na agad na
nagmagandang-gabi rito. Nakisanib sa tunog ng tambol ang pagbati rin ng marami. Nasa mga mukha ang kasiyahang makitang dumalo an mag-ina.

"Magandang gabi, Doña Andrea, at sa
magandang dalagang kasama ninyo."

"Magandang gabi rin sa inyo, Mang Kardo.
Hindi ba ninyo kasama ang asawa ninyo?"

Inginuso nito si Aling Santa na inaayos ang
Pagkain sa mesang kawayan. Kumaway ito sa
Kanila at napuna ni Meredith na kahit ang mga
Kasamang babae nito ay nakatitig sa kanya.
Nasa mga mata ang curiosity. Gumanti ng kaway si Andrea.

"Hija, si Mang Kardo, ang isa sa mga katiwala
sa rancho. Tristan's seCond hand in cormmand
Nakikita ninyo si Meredith sa mansiyon tatlong
linggong mahigit na ngayon, Mang Kardo, Siya
ay aking anak..."

Hindi matiyak ni Meredith kung kinakitaan
niya ng pagkabigla ang mukha ng matandang
lalaki. Subalit ngumiti ito at bahagya siyang
tinanguan.

"Ikinagagalak ko ang pagdalo ninyo sa aming
selebrasyon, Señorita."

Gumanti siya ng ngiti. Pati na sa mga naroroong nakapaligid. Mga matatandang
magbubukid at mga kababaihan ang nakikita
niya. Ang mga kabinataan ay hindi miminsang
sinulyaparn si Meredith nang may paghanga.
Ang ngiti sa mga labi niya ay unti-unting
naglaho nang mapuna ang malaking bultong
tumayo mula sa umpukan ng mga taong
nangakaupo sa buhanginan.

Si Tristan.

Tulad ng halos lahat ng kabinataan ay wala
ring pang-ítaas na suot si Tristan. Pantalong
maong na nakatupi sa laylayan at nakayapak
ito sa buhangin. Bahagyang magulo ang buhok nito dahil sa lakas ng hangin sa tabing-dagat. Humakbang ito patungo sa kanya. Nais niyang manghina sa matinding kabang nararamdaman. Ang tibok ng puso niya ay nakikipagpaligsahan sa tunog ng drum.

Tinanguan ni Tristan si Andrea bilang
pagbati bago inilipat ang mga mata sa kanya.
"At dinaluhan ng taga-Maynila ang selebrasyon ng mga taga-rancho, eh.." Tumaas ang sulok ng bibig nito. Kung sa panunuya o sa ngiti ay hindi matiyak ni Meredith.

Bahagya itong yumukod sa harap niya.
"Magandang gabi, magandang señorita."

Now she knew he was mocking her. "Bakit wala ka yatang dalang lei, Tristan?" tanong ni Andrea.

"Baka masayang lang, Andrea," sagot nito
bagaman ang mga mata ay hindi inaalis sa
pagkakatitig kay Meredith. "Anak mo si Meredith subalit hindi nangangahulugang katulad mo siya."

Hindi maunawaan ni Meredith ang ibig
nitong sabihin. Pero namamalikmata siya sa
naglalarong anino ng apoy samukha ni Tristan.
Pinamumula niyon ang mukha nito. And the fire made him look like some kind of a demigod.

"Dalawa ang kahulugan ng lei at pagsasayaw,
Andrea," patuloy ni Tristan na hindi naman
tumitingin sa nakatatandang t babae kundi
kay Meredith. "Ang lei ay para sa pag-ibig.
Ang sayaw ay para sa pisikal na ugnayan ng magkasintahan..." Humagod ang mga mata nito kay Meredith. Something in his eyes suggested eroticism. "Sayawan mo ako, Meredith."

Napakurap siya. "W-what?"

"Sayawan mo ako, magandang señorita."
pag-ulit nito sa sensuwal na pag-uutos.

Ang utos na iyon ay nagpahayag lamang sa
mga tauhang naroroon sa ugnayan nilang dalawa. Wala itong dalang lei upang ipahayag ang pag-ibig sa kanya. Subalit iminumungkahi nitong magsayaw siya--katunayan ng paghahayag ng pag-aangkin sa katawan niya.

Gusto niyang mainsulto at magalit. How dare
him tell these people about their affair!

Sa nagpupuyos na damdamin ay sinulyapan
niya si Andrea. Wala siyang alam tungkol sa
ritwal na ginaganap ng mga ito. Hindi niya
gustong magkamali ng kilos sa harap ng mga
taong ang mga mata ay nakatuon lahat sa kanya at naghihintay ng gagawin niya.

Isang tipid na ngiti at bahagyang tango ang
ginawa ni Andrea. Nagtanguan din ang mga
matatandang lalaki.

She almost groaned in frustration.

"Naghihintay ako, Señorita." Tristan
smiled suggestively. Kapagkuwa'y naupo
buhanginan, malapit sa siga.

She gritted her teeth. Nakikipagpaligsahan
ang apoy ng galit sa mga mata niya sa apoy ng
siga sa gitna. And she sWore she saw Tristan's
eyes dancing in merriment.

Pinamaywangan niya ito. "Nangako kang
minsang iparirinig sa akin isang awitin, Tristan," aniya, raising her chin. "Ang kantang iyon ang gusto kong isayaw."

Sandaling nagsalubong ang mga kilay nito
bago ikiniling ang ulo at ngumiti. Sinenyasan
ang may hawak ng gitara sa grupo. Lumapit ito ibinigay rito ang gitara.

Manghang niyuko ito ni Meredith. Nakatingala
ito sa kanya at nakangiti. Ngiti ng paghamon.
Kapagkuwa'y tinipa nito ang gitara. Humina ang tambol ng mga drums. At unti-unting huminto ang usapan at tawanan. Ang mga nagsisipagsayaw na mga kadalagahan ay huminto sa pagsasayaw at natuon ang pansin kay Tristan nang magsimula itong umawit.

Continue Reading

You'll Also Like

154K 3.4K 14
"I'll wait forever if I have to." Published Under PHR 2016 xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox ...
4.6K 261 49
Hindi inasahan ni Laura na may epekto pa rin sa kanya si Lance makalipas ng mahigit isang taon na hindi nila pagkikita. Napagtanto niya iyon nang mul...
60.1K 1.1K 13
Pagkatapos ng dalawang disastrous relationship, ipinangako ni Lilia sa sarili na ang pakikipag-boyfriend ang kahuli-hulihang maaari niyang isipin. Ha...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...