Via Dolorosa

By Dimasilaw_101

4.1K 403 2.9K

Sa taong 1891, ang Bayan ng San Fernando ay nababalot pa rin ng mga kakaibang nilalang. Ano kaya ang magiging... More

PAUNANG SALITA
Kapitulo - I
Kapitulo - II
Kapitulo - III
Kapitulo - IV
Kapitulo - V
Kapitulo - VI
Kapitulo - VII
Kapitulo - VIII
Kapitulo - IX
Kapitulo - X
Kapitulo - XI
Kapitulo - XII
Kapitulo - XIII
Kapitulo - XIV
Kapitulo- XV
Kapitulo - XVI
Kapitulo - XVII
Kapitulo - XVIII
Kapitulo - XIX
Kapitulo - XX
Kapitulo - XXI
Kapitulo - XXII
Kapitulo - XXIII
Kapitulo - XXIV
Kapitulo - XXV
Kapitulo - XXVI
Kapitulo - XXVII
Kapitulo - XXVIII
Kapitulo - XXIX
Kapitulo - XXX
Kapitulo - XXXI
Kapitulo - XXXII
Kapitulo - XXXIV
Kapitulo - XXXV
Kapitulo - XXXVI
Kapitulo - XXXVII
Kapitulo - XXXVIII
Kapitulo - XXXIX
Kapitulo - XL
Kapitulo - XLI
Kapitulo - XLII
Kapitulo - XLIII
•Capítulo Especial•
Aún No Es El Final
Author's Note
Via Dolorosa

Kapitulo - XXXIII

77 5 56
By Dimasilaw_101

KINAUMAGAHAN umuwi si Don Xavier sa balwarte dala ang masamang balita at mga nalaman.

Nang masumpungan ang asawa na sinusuklayan ang buhok ng apo na si Luna ay agad siyang pumasok ng tahanan, doon ay nadatnan niya ang mga anak na nagpupulong sa mahabang mesa sa may kusina.

Biglang napatayo si Doña Araceli, "Mahal? B-bakit hindi ka nakauwi kagabi?" Pag-aalalang tanong niya.

Narinig naman iyon nila Oliver na kasalukuyang nagpupulong patungkol sa mga nangyari kagabi.

Biglang napayakap si Don Xavier sa asawa na ipinagtaka naman ni Doña Araceli dahil mukhang may dala itong mabigat na pasanin.

Agad naman na unang lumapit si Dolorosa sa ama at pinagmasdan ang mukha nitong hindi niya mawari kung malungkot ba ito o seryoso lamang.

Napahinga nang malalim si Don Xavier nang mahiwalay sa pagkakayakap sa esposa, nagawi rin ang kaniyang tingin kay Luna at sa suot nitong pulang hiyas, "Alam kong magugulat kayo, p-pero nawa'y panatalihin ninyo ang pagiging kalmado kahit mahirap,"

Tahimik lamang ang lahat na nag-aabang sa nais sasabihin ng kanilang padre de pamilya.

"W-wala na si Marcelo," Saad ni Don Xavier sa kanila.

Biglang nanghina ang tuhod ni Doña Araceli at muntikang matumba, mabuti na lamang at naalalayan siya ng kaniyang esposo, "H-hindi," Anas niya pa.

Hinagod naman ni Dolorosa ang likuran ng ina, hindi niya rin mapigilan na mapatulo ang kaniyang luha.

Napatingala na lamang si Adrian upang pigilan ang luha, hindi niya maarok ang pagkawala ng kaniyang paboritong tiyo. Samantala, si Marco naman ay bumitaw ng mabigat na hininga dahil naninikip ang kaniyang dibdib sa narinig.

Kahapon nang mahatid nila si Marcelo sa morgue ay hindi mapigilan ni Don Xavier na magpaiwan,  pumasok siya sa loob ng silid na kung saan nilalagyan ng pormalina ang mga bangkay. May nais siyang matunghayan sa katawan ni Marcelo.

"Don Xavier, mukhang hindi po nagpakamatay si Señor Marcelo" Nababahalang saad ng embalsamador, "May bakas ng kagat ang kaniyang dibdib,"

Tiningnan naman iyon ni Don Xavier, nakita niya na bumakat ang dalawang maliit na butas sa dibdib ni Marcelo, nangingitim na iyon at nalilibutan ng mga maliliit na bakas ng maitim na ugat.

Napaisip nang malalim ang don at pilit na pinagtatagpi ang maaaring naganap. Unang pumasok sa kaniyang isipan ay totoong nagpakamatay si Marcelo dahil hindi nito matanggap ang nangyari at isa iyong kalapastanganan ang mapabilang sa mga bampira lalo na at ang tiyahin ay isang taong-lobo. Ang pangalawang konklusyon na kaniyang naisip ay ang mga bampira na mismo ang nagbigti kay Marcelo upang palabasin na ito ay nagpakamatay dulot sa kalungkutan dahil sa pagpanaw ng ina. Kung alin man sa dalawa ay sisiguraduhin niya na mamamatay sa kaniyang mga kamay ang pumaslang kay Marcelo.

"Grabe na talaga ang nangyayari, hindi na makatarungan. Kagabi naman dito ay sumugod ang berbalang, mabuti na lamang at nandiyan si Marco" Seryosong saad ni Oliver, "Muntikan ng makuha ang hiyas,"

Kasalukuyan silang nagpupulong na pamilya, maliban kay Dolorosa at Doña Araceli na gumawi sa bayan para puntahan si Doña Aryana.

Napatingin si Don Xavier kay Marco na ngayon ay nakaupo lang ng tuwid habang nakatingin sa mesa at nilalaro ang sariling kamay nito. Napansin niya ang malaking pagbabago ng anak sa kaanyuan at pati na rin sa ugali, minsan na lamang ito kumibo sa mga kapatid at hindi na nakakakitaan ng sigla sa mga mata---naging seryoso na ito na tila galit sa mundo.

Tumikhim ang don bago nagsalita, "Marco," Sambit niya sa ngalan ng anak, tumingin naman ito sa kaniya agad. "Mag-uusap tayo mamaya"

Napatango na lamang si Marco bilang tugon sa seryosong turan ng ama.

ABALA ang lahat ng mga tao sa bayan ng San Fernando, ang iba'y panay ang pagtinda ng mga buslo at mga gamit sa tahanan na gawa lamang sa abaka at ratan. Ang iba naman ay naglalako ng mga kakanin at saging para sa mga taong nais bumili, ngunit ang iilan ay nagsimula ng mag alsa-balutan para lumipat ng ibang nayon.

Naroroon si Dolorosa dala ang payong, hindi niya alam kung ano ang pinunta niya sa sentro ng bayan---marahil ay may hihintayin siya.

Sa kaniyang paglalakad ay biglang lumitaw ang isang punit na papel sa kaniyang paanan. Pinulot niya ito at binasa, "Es vienmēr tevi vēroju" Napakunot-noo siya na tila nabasa na niya ito noon pa, hindi niya lang matandaan kung saan at kailan.

Biglang umihip ang malakas na hangin na naging sanhi ng paglipad ng mga alikabok at mga dahon sa ere. Naging kulay abo na rin ang kalangitan. Nagpalingon-lingon si Dolorosa sa paligid, nakita niya kung paano nagkagulo ang lahat at ang tanging pwesto niya lamang ang hindi dinadaanan ng napakaraming mga tao. Nililipad na ang kaniyang buhok at marahas na dumadampi sa kaniyang mukha dulot ng napakalas na hangin, pati ang kaniyang hawak na payong ay hindi nakaligtas at tinangay nito.

Sa kalagitnaan ng ganoong eksena ay bigla na lamang lumitaw si Andrus. Hanggang balikat ang puti nitong buhok at nakasuot ng bahag na gawa sa bakal, marami ring patik ng iba't-ibang simbolo ang kaniyang katawan. Kulay asul ang kaniyang mga mata at may matutulis na tenga.

Gimbal na gimbal si Dolorosa sa kaniyang nakita, pilit niyang iwinawaksi ang kamay para lumabas ang kaniyang matutulis na kuko pero bigo siya. Walang nagbabago sa kaniyang kaanyuan.

"Sumama ka na sa akin, Dolor. Matagal na kitang inaasam na makasama, gagawin kitang prinsesa sa aking malaking kaharian" Ani Andrus, malalim ang kaniyang boses na tila nagmula pa sa ilalim ng lupa.

Napapaatras si Dolorosa, hindi niya akalain na nagmula pala kay Andrus ang mga katagang leviathan na nakasulat sa papel, "Mas pipiliin ko pang magpakamatay," Matigas na turan niya.

"Ako ang prinsipe ng mga dalakitnon, lahat ng nais mo ay ibibigay ko" Pagmamalaki pa ni Andrus, sabay lahad ng kaniyang mga kamay.

"Ayaw ko sa'yo! Nakakasuklam ka!" Ani Dolorosa habang umaatras hanggang sa naramdaman na lamang niya ang pagdampi ng kaniyang likod sa isang puno ng kahoy.

Papalapit na papalapit si Andrus habang nakangiti pero walang emosyon ang mga mata.

"Ayaw ko!" Sigaw ni Dolorosa at napapapikit, gusto niyang magtawag ng tulong ngunit hindi niya magawa na tila may pumipigil sa kaniya na gawin iyon, "Ayaw ko! Hindi!"

"Ayaw ko!" Napabalikwas ng bangon si Dolorosa, butil-butil ang kaniyang pawis sa noo. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid, napahinga siya nang malalim. Isa lamang pala iyong masamang panaginip. Naiisip niya ang nanunumbalik na mukha ni Andrus sa kaniyang diwa, may kakaiba siyang naramdaman na tila isang pahiwatig ito na hindi pangkaraniwang tao si Andrus. 

Nang dahil sa bigat ng kaniyang talukap dahil sa kaiiyak kanina kasama ang ina at tiyahing si Aryana ay hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya sa silid ng kaniyang tiyo Valentino.

Umalis na siya sa higaan at isinuot ang sariling bakya. Lumabas siya sa silid at nadatnan ang kaniyang tiyo Valentino na abala sa pagkukumpuni ng mga mahahalagang papeles sa may sala-mayor.

Napaayos ng salamin sa mata si Valentino nang maaninag si Dolorosa, "Gising ka na pala, Dolor. May nais ka bang kainin?"

Napailing si Dolorosa, "Saan po sila ina, tiyo?"

"Nagpaayos ng burol sa ibaba, mamaya lamang ay dadating na ang karwahe na lulan ang kabaong ng iyong tiyo Marcelo," Ani Valentino, pagkatapos ay ibinaling muli ang sarili sa mga nagkalat na papel. Sobrang apektado siya sa pagkawala ng kaniyang pinsan na kaniya ring matalik na kaibigan. Ayaw niyang paniwalain ang sarili na wala na si Marcelo.

NAPABUGA na lamang si Don Xavier ng usok na nagmumula sa tabako at napasandal sa pader malapit sa bintana sa loob ng silid ni Marco.

Si Marco naman ay nakaupo lamang sa higaan at nakatukod ang dalawang kamay sa kama habang nakayuko. Hindi niya magawang tingnan nang maayos ang ama dahil punong-puno na ng kahihiyan ang kaniyang pagkatao.

Kinuha ng don ang nakasilid na itim na payneta sa kaniyang bulsa, natagpuan niya ito sa higaan ng kubo na kung saan namalagi siya noong matapos ang pag-aasikaso sa bangkay ni Marcelo, "Amoy na amoy ko ang iyong naging presensya sa kubo, Marco. Hindi maitatangging may dinala kang babae roon,"

Nanatiling nakayuko si Marco, ngayon lamang siya nakaramdam ng matinding takot sa ama. Alam niyang likas na strikto ito pero ngayon ay nararamdaman niya ang bigat ng galit nito.

"Ang paynetang ito ay nakita ko na," Seryosong saad ni Don Xavier, "Hindi ako nagkakamali na kay Emilia ito? Hindi ba? Alam ko ang amoy ng babaeng iyon,"

Agad na naiangat ni Marco ang mukha, napalunok siya ng laway sa natunghayan.

"May namamagitan pala sa inyong dalawa? Naisahan mo ako, Marco. Sabagay, bantog ka sa bayan bilang isang tagahakot ng mga binibini" Ani Don Xavier, pinagmasdan niya ang anak na ngayon ay nakayuko ulit. "Nawa'y magsilbi itong aral sa iyo. Dati pa ako nagsasabing gamitin ang ulo sa itaas at hindi sa ibaba,"

"P-patawad, ama." Ang tanging naisambit na lamang ni Marco. Mula sa kaniyang pagkakaupo ay unti-unti siyang lumuhod, napakapit siya sa laylayan ng karsones ng ama. "Pinagsisihan ko na ho ang lahat" Hikbing pagkakasaad niya pa.

Seryosong napatingin si Xavier sa kalagayan ng anak, kaniya itong inalalayan upang makatayo, "Tama nga ang sabi nila, nasa huli ang pagsisisi" Sabay dampi ng kaniyang palad sa magkabilang balikat ni Marco, agad niya itong niyakap, "Gamitin mo ang iyong lakas sa mabuting gawa, ipagtanggol mo ang sarili at masuklam ka sa mga  kalaban. Tuso si Emilia, maging tuso ka rin" 

Nang maghiwalay mula sa pagkakayakap ay napapunas ng luha si Marco at napangiti, "Salamat, ama. A-akala ko'y tinatakwil mo na ako bilang kasapi rito sa balwarte, at akala ko'y hindi mo na ako kinikilalang anak,"

Napahinga nang malalim si Don Xavier, "Marahil ay nadala ako sa bugso ng aking galit at nasabi ko ang mga katagang iyon. Maraming salamat sa pagpaslang mo sa berbalang, ikaw na ang aking itatalagang magbabantay kay Luna"

Napatango si Marco, "Opo, ama. Walang problema iyon."

"Bueno, nararamdaman kong may mga bisita ka ngayong darating" Ani Don Xavier at tumungo na sa pintuan upang lumabas na.

HINDI mapigilan ni Adrian na mapasulyap minsan kay Andrus, maraming katanungan ang nasa isipan niya ngayon at nais niya ng kasagutan.

Kanina pa siya dinidisturbo ng mga kaibigan ng kaniyang kuya Marco dahil ilang araw na itong hindi nagawi sa bayan, wala siyang nagawa dahil sumama pa sa kaniya ang mga ito patungo sa balwarte.

"Baka naman nakabuntis na ang iyong kuya kung kaya ay hindi na lumalabas ng bahay?" Biro na saad ni Enrico sabay tawa.

"O baka naman may atraso na sa bayan, pinaghahanap na ng tatay ng binibining kaniyang nabiktima," Ani Crisantimo at sinabayan ang pagtawa ni Enrico.

"Siyang tunay," Pagsang-ayon pa ni Alexander at inagbayan si Enrico at Andrus.

Nanatiling walang kibo si Adrian habang tinatahak nila ang daan patungo sa barrio. Nararamdaman niya ang pagmamasid ng mga cambiaformas sa paligid kung kaya ay sinenyasan niya ang mga ginoo na manahimik.

Natigil naman sila sa pagtawanan.

Ilang minuto pa ay narating na nila ang mansyon.

"Umupo lamang kayo rito," Ani Adrian habang pinapagpagan ang mga silya, "Tatawagin ko lang ang aking kuya,"

Samantala, si Andrus naman ay panay masid sa paligid dahil nais niyang makita si Dolorosa.

"Palabas na ang aking kuya," Mahinahong tugon ni Adrian sa kanila.

Nang makalabas si Marco ay halos hindi maipinta ang mukha ng kaniyang mga kaibigan sa natunghayan. Tila nakakita sila ng isang multo.

"A-amigo? Anong nangyari sa'yo? M-may sakit ka ba?" Hindi makapaniwalang tanong ni Crisantimo.

"Mahabang kwento, amigo" Tugon ni Marco at akmang lalapit na siya sa kanila ngunit bigla na lamang silang napatayo at lumayo nang bahagya maliban kay Andrus na nanatiling kalmado sa kinauupuan.

"Wala siyang malubhang sakit," Depensa pa ni Adrian.

Bumalik naman ulit sila sa pagkakaupo.

Napatingin si Marco kay Adrian at napangiti na lamang, "Marahil ay hindi na talaga ako makakagawi sa bayan para mag-aliw. May mga misyon na akong dapat pagtuunan ng pansin," Saad niya pa.

"Bagong buhay na ba iyan, amigo?" Tanong pa ni Alexander.

"Ganoon na nga. Pagpasensyahan niyo na ako," Saad pa ni Marco sa kanila.

"Bueno, naiintindihan naman namin iyon. Nawa'y kakayanin mo ang tatahakin mong landas bilang isang taong-lobo," Ani Enrico, napatayo siya at inakbayan ang kaibigan, "Maaring kami na lamang siguro ang pupunta rito kapag may pagkakataon,"

"Ikaw lang naman ang may nais bumalik rito dahil kay Kahimanawari," Birong hirit pa ni Crisantimo.

"Huwag mo naman akong ilaglag, kaibigan" Saad pa ni Enrico.

Nagtawanan na lamang sila dahil sa mga hirit nilang puno ng kalokohan.

Si Andrus naman ay natigil sa pagtawa nang magtama ang kaniyang paningin kay Don Xavier na nakatingin lamang sa kanila mula sa itaas ng balkonahe. Seryoso lamang ito habang humihithit ng tabako.

SA isang malaking silid ay naroroon si Liyong na nag-aayos ng kaniyang kagamitan. Kanina pa niya napapansin si Emilia na parang balisa at mukhang wala sa sarili.

Hindi niya rin akalain na ang ibabang parte ng mansyon ay pinamumugaran ng mga mayayamang bampira na nagmula sa Europa. Sa kaniyang tansya ay nasa isang daan ang naroroon.

Napabagsak siya sa kaniyang higaan at napatingin sa kesame, bigla siyang nakaramdam ng pangungulila sa presensya ni Dolorosa kahit na halos araw-araw na niya itong nakikita.

Mayamaya pa ay nakaramdam na siya ng antok pero biglang bumukas ang pintuan. Nakita niyang pumasok ang isang dalaga na may dalang tasa.

"Pasensya na kung ikaw ay aking na disturbo,"

Ngumiti nang tipid si Liyong, ito yung dalagang unang lumapit sa kaniya at nagpakilala bilang Celia, anak ng isang bampirang dúke sa Europa.

"Dinalhan kita nito dahil alam kong nababagot ka na rito sa silid mo" Malambing na saad ni Celia. Kulay tsokolate ang buhok nito at may mga mata na parang inaantok dahil sa makapal na pilik-mata.

"Salamat," Ikling tugon ni Liyong, hindi niya muna iinumin ang dinala ng dalaga at wala siyang balak na inumin ito.

"Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka" Saad pa ni Celia.

"Huwag ka nang mag-abala pa sa akin, binibini. Kaya ko na ang aking sarili, nakakahiya naman sa'yo." Ani Liyong.

Napatango ang dalaga sabay ngiti at tumalikod na para umalis.

Napahinga nang malalim si Liyong at pasimpleng itinapon ang laman ng tasa sa bintana. Pagkatapos ay bumalik na siya sa pagkakahiga.

Ipipikit na niya sana ang kaniyang mga mata nang may narinig na naman siyang pagkatok, naiinis na siya at padabog na umalis sa higaan.

Nang mabuksan ang pintuan ay bumungad sa kaniya ang ama.

"Kumusta ka rito?" Tanong ni Alfonso sa anak.

"Ayos lang naman po, ama" Ikling tugon ni Liyong, "May kailangan po ba kayo sa akin?"

"Sa katunayan ay mayroon nga," Saad ni Alfonso, "Nais kong dukutin mo ang anak na babae ni Don Sarmiento,"

Natigilan si Liyong sa sinabi ng ama, tila nanuyo ang kaniyang lalamunan at hindi alam ang nais sabihin.

"Alam kong nakilala mo lamang siya sa maikling panahon. Impusible namang wala kang nalalaman patungkol sa kaniya?" Wika ni Alfonso at napahalukipkip.

"Susubukan ko po, hindi naman uubra ang aking kapangyarihan sa mga taong-lobo" Pagsisinungaling pa ni Liyong.

"Nais ko ring makuha mo sa kanila ang hiyas ng pulang buwan para manumbalik ang aming kakayahan para magbasa ng isipan at makita ang hinaharap," Seryosong saad ni Alfonso, napansin niya rin ang pagkabahala sa mukha ng anak. Ayaw niyang kalabanin ito dahil may kakayahan itong apoy, ito lang ang kanilang kahinaan, "Malapit na rin ang pagsilay ng buwan na matatabunan ng kadiliman,"

Napayuko na lamang nang bahagya si Liyong at nag-iisip na sa magiging plano. Alam niyang kalbaryo ang makaapak sa bayan ng San Fernando pero hindi na niya iyon iisipin pa.
-------

Continue Reading

You'll Also Like

4.3K 75 11
Yang Jeonghwa is a 20 year old girl who lives a normal life. Her brother introduced to her a friend who she becomes really close to. Everything was g...
48.6K 5.4K 57
This book contains spoilers for all other books in The Regal Eclipse Pack Series. I highly recommend reading those books first. Kyra Remington is in...
512K 20K 31
This book is a sequel to His Miracle Mate. *** **** *** Orla learns the secret of her ancestry, a secret that will make her a target if reveal...
113K 3.3K 25
In which the Mikaelson's, the scooby gang, the pack and past and future Hale's are brought to watch the life of Charlotte Stilinski Or in which trut...