SWEETHEART 13: Someday My Pri...

By AgaOdilag

134K 2.5K 180

He would be hers... someday Walong taong gulang si Delaney Williams nang iuwi ng kanyang ama ang isang labimp... More

First Page
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE

CHAPTER SIXTEEN

5K 124 8
By AgaOdilag

DELANEY was too tired, too angry, and too jealous to even take the desired nap. Mula sa itaas sa master's bedroom ay naririnig niya ang tawanan ng dalawa at ang splashes ng tubig sa pool.

Nagrerebelde ang loob niya. Mag-asawa pa rin sila ni Prince at wala pa itong karapatang magkaroon ng ugnayan kay Cleo. Not to mention the fact that this was her house, her property! He had no right at all!

Mag-asawa kayo ni Prince sa pangalan lang.
Delaney, wika ng kabilang bahagi ng isip niya. At ano ang malay mo kung ano ang ginagawa nila sa nakalipas na panahong nasa ibang bansa ka?
Nagkataon lang na narito ka ngayon. You are the intruder.

Sukat sa naisip, ang unan na itinakip niya sa ulo niya upang hindi marinig ang mga tinig sa ibaba ay mabilis niyang binitiwan na tila iyon makamandag na ahas. Bumalikwas siya ng bangon at tumayo mula sa kama. Nanlalaki ang mga mata niya habang tinititigan ang four-poster king-sized bed.

This was Prince's bed. Hindi imposibleng isiping dinadala nito roon si Cleo at maaaring nagtatalik ang mga ito sa a mismong kamang iyon. Kasabay ng ganoong kaisipan ay mabilis na naglaro sa isip niya ang mga hubad na katawan nina Prince at Cleo sa ibabaw ng kama.

Tumaas ang kamay niya sa bibig upang mapigil ang pagkawala ng ungol. Angry tears welled in her eyes. Upang pagkatapos ay agad ding tumingala upang ibalik ang mga luha. She couldn't afford to be emotional. Wala siyang karapatang magalit. Wala siyang karapatan kay
Prince maliban sa pangalan nito. Pangalang kahit siya ay hindi rin naman niya makuhang gamitin.

Hindi siya nagtungo roon upang saktan ang sarili. She had to get hold of herself. Papipirmahan niya kay Prince ang mga papeles. And once he attached his signature to the documents any time this day, then she
could leave.

Pagkatapos ay malaya na niyang tatanggapin ang pag-ibig ni Jordan. Agad niya itong yayayaing pakasal. And Prince and Cleo could go to hell for all she care!

Humakbang siya palabas. Hindi niya kayang matulog sa kamang iyon.

THE DOOR creaked when Prince turned and pushed the door open. Subalit hindi nagising si Delaney. Nakadapa ito sa unan. Ang isang kamay ay nakabitin sa kama. She had changed into her oversized T-shirt. Her reddish brown hair still tied at the back of her neck, bagaman lumuwag na iyon at may mga kumawalang hiblang tumatabing sa pisngi nito.

Naisip niya ang anyo nito kaninang bago dumating si Cleo. Isang taong mahigit lang ang nakalipas mula nang huli silang magkita. But she was all grown up. She was so cool and sure of herself. And seemed to be out of his life. He didn't know if he could accept that.

At hindi rin niya alam kung tama ang ginawa niya.

Bumaba ang mga mata niya samga labi nito. They were slightly parted. Soft and inviting...

He closed his eyes and imagined her the way she had looked when she was nineteen. On the hill. She was standing before him in that tight jeans, with her cinnamon hair windblown...

"Aren't you going to say something, Prince?
Hindi mo man lang ba ako kukumustahin?"

Prince cleared his throat. Inalis ang sumbrerong buli mula sa ulo na nagbabadyang liparin ng hangin. Sinuyod ng tingin ang kaharap. Delaney Williams.

She was right. She was nineteen, nearly twenty.. taller and... lovelier. Lovelier than Kaila ever was. Lovelier than she was at sixteen. Nang una niyang mapunang may mga lalaki nang nagkakagulo rito. When he realized with a pain in his heart that sooner or later Delaney would meet another guy, isang lalaking mamahalin nito.

Her coloring was frankly exotic. Kombinasyon kulay nina, Zach at Kaila. Her reddish brown hair had traces of gold, na lalong nagiging prominente habang tinatamaan ng sinag ng panghapong araw. Perhaps it had been there when she was a kid, he just hadn 't noticed. Her soft bluish-purple eyes were long lashed. Kumikislap ang mga mata nito habang nakatingala at nakangiti sa kanya.

He looked into those eyes, unblinking and
mesmerized. He couldn 't remember seeing someone as exquisite. A woman who would turn more than a few heads.

Napakaraming alaala ang nakatago sa puso
niya para dito. Natatandaan niya kung paano nito pigilin ang pag-iyak nang magpaalam siyang babalik sa farm matapos niyang asikasuhin ang legalidad ng guardianship niya rito. Pinipigil siya nito na huwag niya itong iwan.

Strange, because much as he didn't care about
the spoiled girl, nakakabigat sa dibdib niya ang mga luhang pinipigil nitong pumatak. Nasa labas na siya ng bahay nang mag-atubili siya at binalak pumasok muli sa loob. Bagaman hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. He couldn 't take her back to the farm. Mahihirapan ito sa buhay roon.

Nararamdaman niya ang nararamdaman nito.
He was hurting, too. Subalit hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. He had been very young to cope with too many deaths. From Rebecca to Zach to Kaila. Lahat ng yon ay sa pagitan lamang ng mahigit dalawang taon.

Then all of a sudden, he was saddled witk
responsibilities.

Zach had been his lifeline. Nang mamatay ito ay hindi rin niya alam ang gagawin. At nang malaman niyang hindi rin magtatagal ang buhay ni Kaila ay tila siya malulunod at walang makakapitan.

May mga sandaling tila gusto niyang kamuhian ang mag-asawa sa ginawa ng mga ito sa kanya. But surprisingly, the legacy that Zach left him-Delaney and the farm-had also been the ones that kept him through.

At hindi siya iniwanan ni Zach at Kaila nang
walang-wala. He had the farm, staggering though. At kaunting salapi na maaari niyang gastahin kung kinakailangan sa tulong ng abogado.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib at muling
tinitigan ang ward. Tulad ng natatandaan niya noong labing-isang taong gulang ito, sa burol ding ito, ang mamula-mulang buhok ni Delaney ay inililipad ng hangin. Sa mga kamay nito 'y naroon ang kumpol ng mga ligaw na bulaklak.

Ang kaibahan ngayon, she wasn't eleven years
old anymore. She was as exquisite and as rare as the blue violet flowers that she laid in her parents'grave.

Flowers that matched the color of her eyes--amethyst.

Kanina pa siya nakatayo sa gilid ng burol at
pinagmamasdan si Delaney. Hinayaan niya ito ng ilang sandaling privacy sa harap ng puntod ng mga magulang.

But when she started to cry, it tore his heart.

Now, the bluish-purple eyes, so very like her
father 's were sparkling with happiness. He smiled hesitantly. Gazed into her sparkling eyes. "Let me guess, nineteen summers..."

She smiled coyly. "May kasalanan ka sa akin.
Hindi ka tumutupad sa usapang lagi akong
dadalawin, At hindi ka rin dumating noong debut ko. " Puno ng akusasyon sa tinig nito, pink lips pouted.

Again, he cleared his throat. Guilt crossed his
face. "May-mga trabahong hindi ko maaaring
iwan, Delaney. Naipit ako... " It was a lie. But he
couldn 't tell her that. He couldn't see her without exposing himself. Tulad nang malaman niyang nakipag-date ito sa isang manliligaw noong diecisiete años ito. Magkasamang paninibugho at galit ang nararamdaman niya.

Namangha siya sa sariling damdamin. Only to
realize that in the passing of time, he had kept in his heart a certain feeling for Delaney. Damdaming hindi nararapat para sa anak ng taong pinagka-kautangan niya ng loob; na pinangakuan niyang pangangalagaan.

"I forgive you, " she said magnanimously,
na nagpaputol ng daloy ng isip niya, And then Delaney smiled, "Anyway, narito na kami ni Nana Mameng. Dito namin gugugulin ang halos dalawang linggong semestral break. "

"Welcome to Kaila Farm, sweetheart, '" aniya at
ngumiti. Humakbang siya patungo sa damuhan at pumitas ng isang ligaw na bulaklak at inilagay sa likod ng tainga nito. "Leave it there for me to
appreciate,"

"Wild roses, remember?" she whispered.

Prince could see how pleased she was. Her eyes were bright with happiness. That would have pleased him, too. Pero hindi maalis sa isip niya ang uri ng halik na iginawad sa kanya ni Delaney kani-kanina lang. It wasn't just a smack of the lips. Though it was so brief, Delaney gave her a tongue kiss.

He felt a tingle in his spine like summer lightning by just remembering it. And then there was his body's reaction to the kiss. He certainly felt his groin harden.

At hindi niya dapat maramdaman iyon kay Delaney. She was his ward, for goodness' sake!

At kasabay ng damdaming iyon ay ang pag-aalala. Pumasok sa isip niya si Trisha. Higit na bata si Trisha noon nang yakagin siya nitong magtalik. And there were young boys of Delaney's age that might have--Iglap niyang pinutol ang daloy ng isip. Totoong nakikipag-boyfriend na ito sa murang edad pero tiniyak sa kanya ni Nana Mameng na hindi lumalampas sa dapat lampasan si Delaney.

"Delaney... " Nilagyan niya ng pormalidad ang
tinig. "Hrmp..." He cleared his throat. "Lagi bang ganoon kung salubungin mo ang isang... ang isang lalaking pinanabikan mo?"

Tumaas ang dalawang kilay nito, a little frown
on her beautiful forehead. She was staring at him thoughtfully-na tila ba hindi nito naintindihan ang sinasabi niya.

"Well, you know what I mean," patuloy niya nang manatiling nakatitig si Delaney sa kanya.
"Hindi mo hinahagkan ang-"

"I know what you mean, Prince, " wika nito.
"I'm glad you noticed that--kiss. Pero ikaw pa lang ang hinagkan ko. Yours were the first lips I ever kissed,"

Prince almost gasped. Muli siyang tumikhim. He didn 't want to entertain the pleasure he felt. Pleasure that had nothing to do with brotherly concern. Pleasure that was so--forbidden.

Delaney's moan snapped Prince back to the present.

HINDI alam ni Delaney kung ano ang nagpagisıng sa kanya. But she woke up nevertheless. She opened her yes to find Prince standing in the doorway. Nakasandal sa hamba ng pinto. Ang mga kamay nito ay nasa loob ng mga bulsa ng pantalong maong.

"H-how long have you been standing there?" tanong niya.

Nagkibit ito ng mga balikat. "Awhile."

"Where's Cleo?" she asked sharply.

"Long gone."

Noon lang napuna ni Delaney na malamlam na ilaw ang nagsisilbing liwanag sa silid mula sa lamp shade na nasa ibabaw ng side table. At nang ituon niya ang mga mata sa bintana ay madilim na sa labas. Muli siyang tumingala rito. "Anong... oras na?"

"Eleven."

"Eleven!" she parroted. Napabangon siya at naupo sa gitna ng kama. "I've slept that long!" Alas-diez ng umaga siya pumanhik at nahiga. Halos labintatlong oras siyang natulog.

"Magdamag kang nagbiyahe kagabi, Delaney. Puyat at pagod ka. It was expected," he said matter-of-factly. His eyes never left her face. "May pagkain sa ibaba, gusto mo bang ipanhik ko rito?"

Napatingin siya rito. Walang animosity sa mukha nito. Ifshe wasn't mistaken, what she saw in his eyes was tenderness. Para bang nasisilip niya ang dating Prince bago sila nagpakasal-thoughtful and kind. And protective of her.

The flash of nostalgia filled her heart with pain that was almost unbearable. Ang dating Prince ay naiwala na niya nang gabing planuhin niya ang pagpikot dito.

Umiling siya. "N-no. I am not hungry. Itutulog ko na lang ang natitirang oras sa magdamag."

"I'll make you a glass of milk. Masamang matulog nang walang laman ang tiyan."

"Don't bother, Prince," pigil niya rito nang mag-akma itong tatalikod. "Thank you. But I'd rather go back to sleep. Magbibiyahe pa ako bukas,"

Hindi nito kinomentuhan ang sinabi niya, sa halip ay: "Bakit dito ka natulog?" he asked softly.

Umikot ang mga mata niya sa kabuuan ng silid. The room was half the size of the master bedroom. It had two windows. Semi-double ang kama. May built-in closet at tokador. Ang wall panelling ay narra ply.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko."

"S-silid mo iyon," she said without looking at him. "Ako ang guest sa bahay na ito. Tama lang na ito ang okupahin ko."

"Totoong sa silid na iyon ako natutulog. But it had been a silent agreement na doon ka matutulog sa tuwing naririto ka sa farm. Mula sa pool kanina ay nakita ko ang anino mo sa likod ng kurtina sa master bedroom. Naroon din ang wristwatch mo sa ibabaw ng side table at ang shoulder bag mo. At gusot ang bedsheet. What made you change bedrooms?" He was studying her face closely.

Hindi niya alam kung ano ang isasagot doon. She couldn't tell him the truth. "Noon iyon, Prince. Nang wala pang ibang komportableng silid kaysa sa master bedroom. But this room-" Muli siyang tumingin sa buong silid "-is just as comfortable."

"Iniisip mo bang natutulog sa silid ko si Cleo?"

Napasinghap siya."B-bakit ko iisipin iyon?"

Prince sighed, suddenly looking very tired. "Give me a little credit for decency, Delaney. Hindi ako magpapanhik ng kahit na sinong babae rito. This house is yours."

"I-I-never meant that-"

Matabang na ngumiti si Prince. "You are so
transparent, Delaney."

Wala siyang mahagilap na salita. Muling nagbuntong- hininga si Prince. Itinuwid ang sarili mula sa pagkakasandal sa hamba at inabot ang doorknob. "Go back to sleep."

"Prince," tawag niya bago nito nailapat ang pinto. "N-nasa ibabaw ng bureau ang mga dokumento para sa annulment. Sign it tonight."

Walang emosyon ang mga mata nito nang tumingin sa kanya. "Night, Lana.." Tuluyan na nitong isinara ang pinto ng silid.

Naiwang nakatingin si Delaney roon. Hindi niya tiyak kung ano ang iisipin sa hindi pagkomento ni Prince sa topic ng annulment. Kanina man o ngayon. In fact, kaninang umagang naroon si Cleo ay ang tamang pagkakataon upang sang-ayunan nito iyon.

Gayunman, wala siyang makitang dahilan upang hindi pirmahan ni Prince ang annulment papers. It was to his advantage.

NANATILING nakatayo sa labas ng balkonahe si Prince at nakatitig sa kadiliman sa buong paligid.

He inhaled deeply and it seemed that Delaney's scent still lingered in his nose. That special Delaney scent-the scent he had never in his life associated with any other woman.
And if that sweet scent hadn't pushed him over the edge, then those wide amethyst eyes, which looked at him with adoration and tenderness, almost had.

Almost.

Magmula nang mamatay sina Zach at Kaila ay
isinumpa niya sa sariling pangangalagaan niya si Delaney. Higit sa lahat, mula sa kanya. And so far, he had been successful. Until that night.

Muntik na niyang makalimutan kung sino si Delaney. Desire, hot and rampant, had filled him, hardened him. Ang matinong kaisipan ay nilunod ng pagnanasa. Duty, responsibility, morality. To hell with all that.

It had taken that fear in her eyes to keep him from pulling Delaney down on the kitchen table and make love to her. Fear that Delaney was not even aware of. Natatabunan ng sarili nitong inosenteng paghahangad.

No, Delaney, I did not enjoy that kiss... I did it to
indulge you...

Nakita niya ang sakit na gumuhit sa mga mata nito. But he had to tell her that lousy lie to bring back his sanity.

Then Delaney did something devious he hadn't even in his wildest dreans thought she was capable of doing manipulation.

Not even Zach had done that... or Kaila. Kung
ginusto niyang huwag sundin ang responsibilidad na iniwan ng mag-asawa sa kanya ay magagawa niya. Kung utang-na-loob lang, he could have left and made a life ofhimselfaway from Delaney and the ranch when Delaney had turned eighteen.

Dapat sana ay tinanggap niya ang alok ni Don
Enrique na ipadadala siya sa ibang bansa upang pag-aralan nang higit pa ang pamamaraan sa cattle and horse breeding.

Willingly, he chose to stay. Pinili niyang magtrabaho sa Kaila Farm at iahon iyon sa sarili niyang pamamaraan. Hindi marahil iyon makapangangalahati man lang sa Rancho Gonzalo subalit nasisiyahan siya sa ginagawa niya. No one bossed him around. He was his own master.

Kung mayroon mang hangganan iyon ay sa
pagdating ng panahong mag-aasawa na si Delaney. Totoong ginawang legal ni Zach ang pananatili niya sa farm at pamahalaan ito hanggang sa panahong siya mismo ang magpapasya kung kailan niya tatapusin. Subalit hindi niya ninais na manatili sa sandaling nag-asawa na si Delaney.

Until that night when she had set that trap, The conniving bitch had manipulated him into marrying her. He had been angry at her--furious as hell.

She said she loved him. Ano ang alam nito tungkol sa pag-ibig? It was true that Dclaney adored him since she was a kid. But she had also tried unsuccessfully to manipulate him even then in her own small ways.

She was obsessed with him. Para kay Delaney ay isa lamang siyang laruang mahirap makamtan.

And now she wanted annulment.

Tila gustong madurog ng mga ngipin niya sa
pagtatagis ng mga bagang niya. Pumasok siya sa loob ng silid at tinapunan ng tingin ang ibabaw ng chest. Naroon ang mga dokumento. Humakbang siya at dinampot iyon, pahapyaw na dinaanan ng tingin ang bawat pahina. Humantong iyon sa pangalan ng abogadong
siyang nagrerepresenta kay Delaney.

Jordan Velasquez.

His mouth thinned into an angry line. So the teenage boyfriend was now a lawyer.

Damn her!

Continue Reading

You'll Also Like

620K 9.9K 12
PHR The gang; Lance Pierro Alvarez--- When Miss NBSB Meets Mr. Bully Randall Clark--- At First Sight Arthur Franz de Luna--- Paint My Love Jared Mont...
2.2M 48.5K 21
Teaser: Nasanay na si Karylle na mama lang niya ang kasama niya, nasanay siya na nakikita niya na puro babae ang nakapaligid sa kanya. At nasanay na...
82.2K 1.8K 23
Nakaplano ang pagpapakasal ni Nicole sa kasintahang si Rico. At kuntento siya sa relasyon niya sa kasintahan. Then out of the blue, dumating sa eksen...
240K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...