Kristine Series 55: MONTE FAL...

By AgaOdilag

120K 2.5K 177

Gustong makilala nang lubusan ni Meredith si Andrea Monte, ang babaeng buong buhay niya ay pinagseselosan ng... More

First Page
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
EPILOGUE

CHAPTER FIVE

3.6K 85 3
By AgaOdilag

PARA silang pumapanhik sa Baguio habang
tinatalunton ang daan patungo sa bahay sa itaas ng burol. Ang kaibahan nga lang, sa Baguio ay matatarik na bangin ang nasa gilid. Sa dinadaanan nila'y orchard ang nakikita nila. At sa naaabot ng kanilang tanaw ay may mangilan-ngilang bahay silang nakikita sa ibaba.

At napuna nì Meredith na isa rin iyong grazing
ground. Nagkalat ang mga baka at kabayo sa
paligid. Sa itaas na bahagi ng burol ay may
natanaw pa siyang isang tao na nasa ibabaw
ng kabayo at itinataboy ang mga nanginginaing baka. Kung saan patungo ay hindi niya alam.

"Wow, Meredith!" bulalas ni Alana na sadyang inilabas ang ulo sa sasakyan at tinanaw ang ibabang bahagi sa kanan nila. "Dagat! Dagat
ang kabila ng bundok na ito."

"It makes sense," ani Margie na nakidungaw na rin. "Saan ba tutungo ang ilog kanina kundi
sa dagat."

"An island in the sun!" ani Meredith nanggigilalas na tinig. Inikot niya ng tingin ang buong paligid.

Ang burol ay nasa pagitan ng ilog at dagat.
Kung tutuusin ay tila isla though she was sure na may bahagi ng burol na mababa at karugtong ng lupa. Kung nasaan man iyon ay natitiyak niyang malalaman at malalaman niya sa durasyon nila rito. Binagalan niya ang pagpapatakbo at tinunghayan ang karagatan sa ibaba. Nagre-reflect ang iba't ibang kulay ng papalubog na araw sa tubig.

"Sunset in this place is marvelous. At kung
may dagat sa ibaba ay tiyak na may ibang daan maliban sa hanging bridge."

"You're right," sang-ayon ni Alana. "Sa palagay mo, hindi kaya tayo nagkamali ng pagliko kanina?"

"Possible," she agreed. "And look at those islets, girls!" Itinuro niya ang tatlong isla sa gitna ng laot. Isa roon ay dobleng higit ang laki kaysa sa dalawa.

"May naninirahan kaya diyan sa mga iyan?"
tanong ni Alana sa excited na tinig. "Sa palagay mo, Mer, may pag-asang marating natin ang mga islang iyan sa bakasyon nating ito?"

ILANG sandali pa ay nasa itaas na sila ng burol, sa isang malawak na clearing na walang makikita kundi pawang berde at malalaking puno. Sa gitna ng clearing ay ang mansiyon.

Walang gate ang paligid ng bahay. It didn't
need one. May matatanda at malalaking puno ng narra na nakapaligid. Nagpahungot sa hininga nila ang disenyo at arkitektura ng tatlong palapag na mansiyon. May portico. Apat na columns ang nasa harapan niyon bago ang entrada.

Puti ang pintura, contrast sa terra-cotta
na bubong. Ang mansiyon ay tila ba lumabas
galing sa pahina ng Architectural Digest, isang
mamahaling magasin ng mga disenyo ng mga
bahay sa ibang bansa ng mga kilalang tao.

May mga bulaklak at orkidyas kahit saan mo ibaling ang paningin. Iba't ibang kulay. Ang pagkakaayos at pagkakatanim ay produkto ng
Isang mahusay na hardinero. Hindi Bermuda
grass ang nakikita niyang nakalatag sa hardin
kundi well-trimmed carabao grass.

"This Andrea woman must be filthy rich!"
bulalas ni Margie.

"A three-storey mansion with real porticos,
huh." Mayaman ang mga magulang ni Alana
Subalit hindi nito maiwasang humanga sa facade ng mansion. Nagbukas ito ng pinto at bumaba ng sasakyan kasunod si Margie. Sa four-car garage ay naroon ang pamilyar na pulang Wrangler Jeep, isang family van, at pickup truck.

Meredith didn't share her friends enthusiasm.
Pero hindi ibig sabihin niyon ay hindi siya
humahanga sa mga nakikita niya. Pag-aari ng
pamilya ni Andrea ang malawak na lupain na
kanilang dinaanan kanina at hindi iyon maliparan ng uwak, ganoon din ang burol na ito na tila nakapagitan sa dagat at ilog.

Hindi sinabi ng ama sa kanya na ganito
kayaman ang pamilya ni Andrea. At sa hindi
mawaring kaba ay nararamdaman niya sa
sandaling iyon na may bahagi ng buhay niya
ang mag-iba.

"..isa lang ang totoo sa mga sinabi sa iyo ng
mama mo, Meredith. Na mahal kO si Andrea..
noon at hanggang ngayon...at mamahalin
magpakailanman.. "

That was so romantic and sad at the same
time. Her father had loved one woman and
married another. May bahagi ng dibdib niya ang nagnanais na alamin ang kasaysayan ng ama niya at ni Andrea.

Hindi kailangang aminin ng daddy niya
sa kanya ang pag-ibig nito kay Andrea dahil
magsisilbi lang iyong justification sa plano nitong ipawalang-bisa ang kasal nito kay Agatha.

Subalit pagkatap0S ng nalaman niyang mga
kasalanan ni Agatha, may bahagi ng puso ni
Meredith na naghahangad na sana ay malagyan ng tuldok ang pag-ibig ng daddy niya sa babaeng iniibig.

Ang kayamanan ba ng mga magulang ni Andrea ang dahilan kaya hindi natuloy ang pag-ibigan ng dalawa? Hindi ba itinuring ng mga magulang ni Andrea na karapat-dapat ang ama niya sa anak nila?

Alam niyang galing sa hirap ang ama. Scholarship ang tumulong upang makatapos ng pag-aaral si Danilo. Nang kumuha ng Bar exam ay isa sa mga topnotchers ang daddy niya. At sa pagkakaalam niya, Danilo married Agatha a month after he passed the Bar exam. At hindi naman iglap ang pag-angat ng buhay nila. Unti-unti at mga taon ang binilang bago sila naging maalwan sa buhay.

Bakit pinakasalan ng daddy niya ang mama
niya kung kung wala itong pag-ibig kay Agatha? A million-dollar question. Humugot siya ng hininga at bumaba ng sasakyan. Hanging-dagat na humalo sa eksotikong samyo ng mga bulaklak ang nalanghap niya. She softly filled her lungs with air.

"Meredith!"

Mula sa loob ng mansiyon ay nakatawang lumabas si Andrea. Very pretty in a printed
Summer dress.

"Bakit hindi ka man lang tumawag na ngayon
kayo darating? laabiso agad sa akin iyan sa
kabisera kung tumawag kayo." Lumipat ang mga mata nito sandali sa mga kaibigan niya at
nginitian sina Margie at Alana. Pagkatapos a
ibinalik sa kanya ang paningin. "Nang huli kong makausap ang daddy mo ay bukas pa kayo dapat na narito."

"We decided to come earlier," aniya. "Darating
ang mommy ni Alana bukas from the States
Baka biglang i-override ang pagpayag ng daddy niya. I hope we haven't inconvenienced you."

"Oh, no. Not at all. Lamang sana'y napasalubong ko man lang kayo sa bukana ng rancho." Lumapit ito sa kanya at hinagkan siya sa pisngi.

"It's okay, Tita Andrea." Itinago ng ngiti niya
ang panginginig ng tinig nang biglang maisip ang hanging bridge at ang ginawa niyang pagtawid doon. "Natunton namin ang daan sa ibaba..."

"And we made it through the hanging bridge.
mahinang sabi ni Alana.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Andrea.
"Sa llaya kayo nagdaan?"

"M-may ibang daan ba?" Meredith asked stupidly. Nahinuha na niya kaninang may ibang daan. But then she had to ask.

"Of course," sagot ni Andrea na alanganing
ngumiti. "likot nga lang kayo pabalik. Mula sa
llaya ay isang oras pa uli ang biyahe patungo
sa daan sa ibaba. Nalampasan ninyo ang main
road patungo rito. Anyway, ang importante ay
narito na kayo."

Nagsalubong ang mga kilay ni Andrea nang
mapuna ang bahid ng mga natuyong putik sa
mukha at panga ni Meredith. Hinawakan nito ang mukha niya at sinipat. "Ano'ng nangyari? Bakit may putik ka sa mukha at..." Bumaba ang tingin nito sa braso niya, "at pati sa braso?"

"We met this-" Hindi naituloy ni Margie ang
sasabihin dahil sa matalim na sulyap na ibinigay ni Meredith dito.

"Oh, it's nothing. Inakala kong malambot
ang gulong namin at..." Her voice trailed away.
Kaswal na nagkibit. "... you know..."

"It rained last night. Nagpuputik ang mga daan." Nasa tinig nito ang paumanhin. "Halina kayo sa loob," anyaya nito sa tatlo. Ikinawit nito ang braso sa braso ni Meredith at lumakad papasok sa mansiyon.

"You have a lovely place, Tita Andrea. On a
hilltop, overlooking the sea," komento ni Meredith at nilingon ang dagat.

"This mansion was my sister's idea. Dating
nasa ibaba sa llaya ang bahay namin, And
I'm glad you like the place, she said, pleaser
"hahatid ko muna kayo sa silid ninyo, so all of
you can freshen up. Pagkatapos ay bumaba kayo at ipakikilala ko kayo kay Papa."

Nilingon nito ang isang matandang lalaking
pumapanhik sa isang hagdanan mula sa dulo ng hardin. "Mang Arsenio, pakidala ang mga gamit ng ating mga bisita sa loob." Inakay na siya nitonpapasok sa kabahayan.

Nahinto sa lalamunan niya ang pagsinghap
sa paghanga sa kabahayan. State-of-the-art
furniture and fixtures. The chandelier itself
was worth a king's ransom. Ang karaniwang
measurement ng taas mula sa ground floor at
second floor ay eight feet. Subalit hindi ang bahay na pinasok nila. It was even more than ten feet na lalo lamang nagpangyaring tila napakalawak ng pagitan ng bahay at ng second floor.

"Beautiful!" hindi niya naiwasang papuri
kasabay ng pag-ikot ng tingin sa buong
kabahayan.

Napangiti si Andrea. Napuno ng kasiyahan ang magandang mukha. "I'm glad you like it, Meredith. My sister designed this whole house when she was fourteen. Loob at labas. Just plain sketching, walang measurements. lginuhit niya ito mula sa alaala ng napanood niyang pelikula. Ang Love Story nina Ali Macgraw at Ryan O'Neal. Or maybe the sequel of that movie. Can't remember anymore. Kaya naman kumonsulta ng arkitekto ang aming mga magulang."

"She is a genius," Meredith said sincerely.

"Was," pagtutuwid ni Andrea. Bahagyang
nabahiran ng lungkot ang kasiyahan. "She died many years ago. She could have been an architect had she lived."

"I'm sorry."

"Oh, that was a long time ago and let's not
talk about it." Muling bumalik ang ngiti sa mukha nito.

Tuluy-tuloy ang hagdan patungo sa third floor na ang pagitan ay malaking landing. Sa ikalawang palapag siya inakay ni Andrea. Isang
malaking sitting room ang bumulaga sa kanya.
Maliwanag at maaliwalas dahil sa salaming bintana na siyang nagsisilbing pinakadingding
sa isang bahagi ng landing at sitting room. May mga wicker chairs and sofas na may malalambot na kutson at throws na ang mga cases ay flowery prints.

Sa gitna ay isang coffee table na yari sa cane
materials. Sa ibabaw niyon ay isang flower vase na ang mga bulaklak ay sariwang yellow African daisies with baby's breath flowers. Soft Ming rug ang nasa ilalim ng coffee table.

One French door led to the veranda. Iginiya
sila ni Andrea patungo sa malaking pasilyo.

"llang silid mayroon ang bahay na ito?" Meredith asked curiously.

"Three guest rooms, isang library-cum-study
room, workout room, ang silid ni Papa, at family room sa ibaba. Limang malalaking silid naman dito sa itaas at ang pinaka-third floor ay ang attic at may isang bedroom at isa pang silid na taguan ng kung anu-anong abubot," sagot ni Andrea.

Sinulyapan nito sina Margie at Alana na binusog ang mga mata sa kakatingin sa buong paligid.
"Do you want to share rooms o gusto ninyong
hiwalay?"

Nagkatinginan sina Alana at Margie at saka parehong tumingala sa itaas. "W-would you mind if... if we chose to occupy the attic bedroom?"

Lumapad ang ngiti ni Andrea. "No. Choose the first door to your left. I'll meet you downstairs later." Nang akmang babalik sa pinanggalingan ang dalawa upang gamitin ang malaking hagdan ay inawat sila ni Andrea. "There's a flight of stairs down the hallway. It leads to the attic. And, oh, ang toilet and bath sa attic bedroom ay sa dulo ng pasilyo, sa ilalim ng hagdan at bababa pa kayo. Is it okay with you, girls?"

Margie grinned. "No problem, ma'am."
Bahagyang siniko nito si Meredith. "See you."

Napapailing na sinundan ni Meredith ng
tingin ang mga kaibigan. "This is a large house."

Ngumiti at tumango lang si Andrea, itinulak
ang pinto ng isang silid pabukas. "Ito ang
magiging silid mo."

"Oh."

Hindi niya napigilan ang mapahugot ng
hininga. Soft yellow ang wallpaper na may
malilit na bulaklak na kung hindi lalapitan ay
hindi agad mapapansin. Ang makintab na sahig ay malalapad na tablang narra. May gold rug sa paanan ng double brass bed. Bedsheets and feather-soft pillow cases were in yellow, blue, and green flower prints.

Sa isang maliit na study table ay may
nakapatong na malaki at mataas na crystal
vase, dilaw na carnations at lily of the valley ang naroroon sa magandang pagkakaayos.

"L-lovely!" she exclaimed softly. "Yellow's
one of my favorite colors."

"I know. Sinabi ng daddy mo sa akin."

"Oh. At... at pinagkaabalahan mong ihanda ang ganitong uri ng kulay? Or I shouldn't be so arrogant about that?" She smiled shyly.

Andrea chuckled, "Nang itawag ng daddy mo
sa akin na magbabakasyon kayo rito ay agad-agad kong pinabaklas ang lumang walpaper at pinapalitan ng bago. At nagmadali akong magpatahi ng dilaw at berdeng bedsheets and pillowcases."

She was puzzled. "But why? Bakit nag-abala
kayo ng ganito?"

Nagkibit si Andrea. "You graduated Cum laude. Pinakaregalo ko sa iyo ang bakasyon mo
rito. Congratulations.."

"Thank you..." she whispered shyly.

"lsa pa ay mga kaibigan ko ang mga magulang mo. Matagal ko nang inimbitahan silang magbakasyon dito... kasama ka. Pero ayaw ni Agatha at ang daddy mo ay laging abala."

Alam niya kung bakit ayaW ng mama niya.
Muli ay parang gusto niyang mainis sa babaeng ito na sa buong panahong pagsasama ng mga magulang niya ay pinagseselosan ng ina. But Andrea was too sweet to entertain even the tiniest animosity. Besides, hindi kailanman binigyan ni Andrea ng dahilan si Agatha na pagselosan ito. Ang insekyuridad ng mamâ niya ang gumawa niyon dahil na rin marahil sa kaalamang inibig ito ng daddy niya.

At kaya siya naririto ngayon ay upang kilalanin
si Andrea. Magkaroon ng sariling impresyon para dito. Kung tama ngang paniwalaan niya ang ina na ito ang sanhi ng kaguluhan ng pagsasama ng mga magulang. O mas dapat nang maging maligaya ang daddy niya.

Alanganin siyang ngumiti. "S-salamat sa
lahat ng abalang ito." She looked around her
appreciatively.

"It's nothing. I enjoyed decorating this room.
Actually, my sister and I could have been a
good pair. She the architect, and I, the interior
designer."

Kumislap ang mga mata ni Meredith.
"Sinabi ba sa iyo ni Daddy na mahilig akong
mag-design?" She paused, bago makasagot si
Andrea ay dinugtungan niya ang sinabi. "Hindi
nga lang ng mga bahay at building kundi ng
mga damit."

"Really?" Nasa mukha ni Andrea ang interest.
"Paanong ang tinapos mo ay komersiyo gayong fashion designing ang hilig mo?"

Bahagyang sumimangot si Meredith sa tanong na iyon. Talagang ginusto niyang mag-aral ng fashion designing. But Agatha was against it. "Si Mama ang may gustong iyon ang tapusin ko. And I wanted to please her." Nagkitbit Siya.

It was out of Agatha's whims kaya hindi siya
to pinayagang kumuha ng fashion designing.
Gayunman, para kay Agatha ay wala siyang kay Andrea. Because it would be an act of mabuting ginawa. At hindi niya iyon masasabi betrayal to her mother despite of what Agatha had done.

"What about you, you could have had a
career."

Malungkot na ngumiti si Andrea. "Yes. Ginusto kong magkaroon ng sariling pangalan sa daigdig ng interior designing. I am good at it. Pero nang mamatay si Mama'y hindi ko maiwan ang Papa. Hindi niya gustong iwan ko siya kaya tuluyang naisantabi ang pangarap ko. Humakbang na ito patungo sa pinto. "Nariyan ang banyo, mag-shower ka at magpahinga sandali. Ipatatawag na lang kita sa hapunan."

Sa labas ng pinto ay naroon ang nga gamit
niya. Ipinasok iyon ni Andrea. Pagkatapos ay
kinabig pasara ang pinto ng silid. Nagtuloy na
siya sa banyo upang maligo. And she smiled
when she saw baby yellow towel on the rack.

Continue Reading

You'll Also Like

29.8K 604 16
Cain and Terry were married seven years ago. But because it was just an arranged marriage at puno ng teknikalidad ay napawalang-bisa ang kasal nila...
127K 2.4K 11
Labinlimang taon si Amparo nang maramdaman ang unang pag-ibig at matikman ang unang halik. Si Piolo ang kanyang hinangaan, sinamba at pinangarap na m...
19K 197 32
Angela, an incoming 2nd year BS Architecture student transferred to a university in Baguio. In her new journey, she looked for a place where she coul...