SWEETHEART 13: Someday My Pri...

Galing kay AgaOdilag

135K 2.5K 180

He would be hers... someday Walong taong gulang si Delaney Williams nang iuwi ng kanyang ama ang isang labimp... Higit pa

First Page
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE

CHAPTER THIRTEEN

4.4K 90 2
Galing kay AgaOdilag

NANG magtapos ng kolehiyo si Delaney ay hindi na niya inaasahang dadaluhan ni Prince ang graduation niya.

Sa nakalipas na limang buwang mahigit ay iniwasan nito ang kahit magkausap man lang sila sa telepono. Sa tuwing tumatawag ito mula sa istasyon ng telepono sa Sta. Esperanza ay tinitiyak nitong nasa unibersidad siya.

Kaya naman nagulat siya nang sabihin ni Nana
Mameng na darating ito.

"Alas-tres y media na, Nana. Sa palagay ba ninyo ay darating pa si Prince?" Insecurity laced her voice. Tatlong oras siyang nagpa-parlor. Gusto niyang maging maganda siya sa muli nilang paghaharap.

"Malayo ang biyahe, hija. Huwag kang mainip at darating iyon," wika nito. "O siya, mag-ayos ka na at maliligo na ako." Tinungo na nito ang banyo.

Subalit hanggang sa umalis sila ng bahay ay hindi dumating si Prince. At natapos ang commencement exercises na hindi niya nakita ang anino nito. Nakisiksik siya sa maraming estudyante upang tunguhin ang kinauupuan ni Nana Mameng. Yayakagin na niya itong umuwi na sila.

"Congratulations, Delaney," bati ni Jordan na
humarang sa daraanan niya. Isang maliit na kahon ang iniabot nito sa kanya. "The best gift in the world is wrapped in a small package."

Nginitian niya ito at tinanggap ang regalo. "Thanks, Jordan. I'll treasure this pen." Nagtapos si Jordan ng abogasya at kasalukuyang naghihintay ng resulta ng Bar.

Napaangat ang kilay nito. "How did you know it is a pen?"

"Mali ba ako?"

"Oh, well.." he grinned, napakamot sa ulo.

"Thanks again. I promise to treasure this. See you."

Bago siya nakatalikod ay napigil nito ang braso niya. "Hey, could I invite you to have dinner with me? Sort of a celebration tonight."

Sandali siyang natigilan. Bakit nga ba hindi? Kaysa naman magmukmok siya sa bahay at sumama ang loob dahil hindi dumating si Prince.

"Why not?" she said. "Teka at magsasabi muna
ako kay Nana Mameng. Where's Carly anyway?
Kasama ba natin siya?"

Nilingon nito ang umpukan ng kapatid at ng mga barkada nito. "I don't think so. Mukhang kasama niya ang bagongmanliligaw niya. Ihatid na muna nating pareho si Nana Mameng sa bahay."

"Okay."

Sinalubong siya ni Nana Mameng na sumisinghut-singhot pa. "Nagtapos kang may karangalan, Delaney. Kung narito lang sana sina Zach at-"

"Nana..."'she warned. "Ayoko ng drama, ha?"

"Pero hindi ba at oras naman talaga ngayon ng
drama?" came the deep and familiar voice. "If only Zach and Kaila were here tonight."

Her heart leaped. Pero marahan at aral ang ginawa niyang paglingon."Prince." She acknowledged him with studied coolness, a fixed smile on her face.

Nakangiti si Prince. "Ipinagmamalaki kita, Miss Cum laude," he said huskily and planted a soft kiss on her temple.

"You're late," she accused mildly.

"We had a flat. Naghanap pa kami ng vulcanizing shop." Yumuko ito at hinagkan si Nana Mameng sa noo.

"Hello, Nana. Nagtapos na ang alaga mo. Tumatanda ka nang talaga."

Ngiti at singhot ang isinagot ni Nana Mameng at nagpunas ng mga mata. Samantalang si Delaney ay agad na gumana ang isip.

We had a flat... Bago pa marehistro nang husto
ang plurality ay napuna niya si Cleo na nakatayo sa likod ni Prince. Isang printed blouse ang suot nito na nakatali sa laylayan. Bukas lahat ang mga butones at sa ilalim niyon ay tube blouse. The blue jeans that she wore emphasized the voluptuous body.

At isang nababagot na ngiti ang nasa maganda nitong mukha. "Congratulations, Delaney.." Sa kamay nito ay ang regalo at iniabot: sa kanya. "Mula sa amin ni Prince"

Pinilit niyang ngumiti. "T-thank you." Tinanggap niya ang regalo at mahigpit na hinawakan dahil may palagay siyang gmabibitiwan niya iyon anumang oras.

Mula sa amin ni Prince...

She turned to Prince but he refused to meet her eyes. "Nagpa-reserve sa ltalian Village si Prince, Delaney," patuloy ni Cleo. "Tayo na roon. You drive your car. Sumunod kayo ni Nana Mameng sa amin,"

"Do you want me to drive for you?" tanongni Prince nang manatili siyang hindi tumitinag. He was staring at her with concern in his eyes.

"Kaya niyang magmaneho, Prince," Cleo answered for her. Ikinawit nito ang braso sa braso ni Prince. "Let's go."

Nawala na sa pagitan ng mga estudyante ang dalawa ay nanatili siyang nakatayo roon. Kahit nang kuhanin sa kanya ni Nana Mameng ang regalong inilagay ni Cleo. Sa mga kamay niya ay hindi siya kumilos. Hindi siya makapaniwalang may kasamang iba si Prince sa gabing iyon!

"So, what is it?" untag ni Jordan na hindi niya
namalayang nasa harap i na niya. In fact, she had totally forgotten about him.

"Jordan, I am sorry but-"

Tumangu-tango ito. "Okay, I understand. Natanaw ko si Prince. Tomorrow perhaps?" he asked hopefull.

"Sure. Pero tumawag ka muna." Tumalikod na siya kasunod si Nana Mameng.

"ANO BA ang nangyayari sa iyong bata ka?" tanong ni Nana Mameng nang pabalandra niyang ihagis sa likod ng sasakyan ang toga niya. "Sa ibang pagkakataon ay isipin kong nagseselos ka kay Cleo."

She was jealous with Cleo! Gusto niyang aminin dito iyon subalit hindi niya magawa. Paano niyang ipaliliwanag kay Nana Mameng na mahal niya si Prince hindi bilang nakatatandang kapatid... hindi bilang hinirang na tagapangalaga sa kanya ng kanyang ama... kundi bilang babae sa isang lalaki?

"Iniisip kong tayo-tayo lang ang magsi-celebrate ngayon, Nana. Hindi ko inaasahang may kasamang iba si Prince. This is supposed to be a family affair."

"Naisip ko rin iyon. Pero may hinala ako kung bakit kasama ni Prince si Cleo."

May kabang bumundol sa dibdib niya sa sinabi ito. "A-ano ho ang ibig ninyong sabihin?"

Nagbuntong-hininga ito. "Nasa hustong gulang na sí Prince, Delaney. Katunayan ay matagal ko nang inaasahang magsasabi siyang mag-aasawa na."

"Hindi niya magagawa iyon, Nana!" she cried
vehemently, kasabay ng apak sa preno dahil muntik na niyang masuro ang sasakyang nasa unahan niya.

"Kailangang tanggapin natin ang bagay na iyan, Delaney," mahinahong sabi ni Nana Mameng. "Maraming taon na rin naman ang ginugol ni Prince sa pangangasiwa a sa naiwan ng mga magulang mo. Ang ginawa niya'y hindi kayang gawin ng ibang tao. Isinakripisyo niya ang sarili niya para sa iyo. Alam mo bang hindi niya natapos ang pag-aaral?"

"W-what?"

"Matapos ang ikatlong taon ni Prince sa kolehiyo ay huminto na siya, Delarney. Ipinagtapat niya sa akin iyon noon mismong huminto siya. Hindi niya gustong sabihin ko sa iyo upang hindi ka mag-alala. Hindi niya kayang hatiin ang sarili sa pagitan ng pag-aaral at pangangasiwa sa farm nang sabay."

"But... why? I dont understand.'"

"Kailangan ni Prince ng lahat ng panahong maiuukolbsa farm at hindi ng Sabado at Linggo lang. Bukod doon,nkailangan ng pondong malilikom upang makapagpatuloy ang farm. Atiyon ang kulang tayo. Hindi sapat ang salapi at walang tauhan at walang mahuhusay na mga hayupan. Ang salaping inilaan ng ama mo para sa pag-aaral ni Prince ay ginamit niya sa farm. Isa iyan sa mga dahilan kung bakit nagtatrabaho si Prince kay Don Enrique ng dalawang beses sa isang linggo."

"No..."" nanlulumong usal niya.

"Iyon ang totoo, Delaney. At kahit iyon man ay hindi Sapat. Naantala ang pagkayari ng ipinagawa niyang bahay sa farm dahil mas ninais niyang bilhan ka ng sasakyan. Alam niyang kailangan mo ang kotse pagpaparoo't parito sa unibersidad.."

Gusto niyang bumulalas ng iyak. "Hindi niya dapat ginawa iyon, Nana."

"Huwag mong ligaligin ang sarilimo roon, " wika ni Nana Mameng nang makita ang panlulumo sa mukha niya. "Bukal sa loob ni Prince na gawin iyon. Isa pa'y para na rin namang nakapagtapos si Prince sa kakayahan niyang pamahalaan ang farm. Ang karanasan ang pinakamahusay na guro, Delaney. At sa nakalipas na limang buwan mula nang naroon tayo ay nakakuha ng kontrata si Prince para sa mga abaka. Ang mga manukan man ay hindi dumanas ng peste nitong nakalipas na mga buwan. Sana'y tuluy-tuloy na ang magandarng takbo ng farm."

Wala siyang alam tungkol doon. Ni hindi
pinagkaabalahang ipakipag-usap ni Nana Mameng sa kanya ang bagay na iyon. She was pampered and was sent to good schools. Prince saw to it that she never lacked anything, tulad din noong nabubuhay pa ang mga magulang niya.

"At ngayong nakapagtapos ka na ay huwag mo
sanang ipagdamdam kung asikasuhin naman ni Prince ang sarili niya, hija," pagtataposni Nana Mameng.

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Nagsisikip ang lalamunan niya sa pinipigil na pag-iyak. Guilt wasnconsuming her.

"Ipakikipag-usap ko kay Attorney Rosales na ilipat sa account ng k Kaila Farm ang trust fund ko, Nana. Hindi ko kailangan iyon ngayong nakatapos na ako. I'll find a job soon."

ALAS-ONSE pasado na ng gabi at madilim na sa buong kabahayan at tulog na si Nana Mameng. Subalit nanatili siyang naroon sa duyang bakal sa labas ng bahay, sa kapirasong hardin. Kung nasa silid siya ay maririnig ni Nana Mameng ang pag-iyak niya dahil manipis lang naman ang dingding na nakapagitan sa dalawang maliit na silid.

Sa madilim na hardin ay malaya niyang iniyakan ang lahat ng sakit ng damdamin niya. Isang oras na siya roon subalit tila walang katapusan ang sakit na nadarama niya. Kung paano niya natagalan ang dalawang oras sa restaurant kanina ay hindi niya alam.

When Prince cruelly announced his engagement to Cleo, she almost died. Kung hindi sa patiunang pahiwatig ni Nana Marmeng sa sasakyan na maaaring mag-isip na si Prince na mag-asawa ngayong nakatapos na siya ng pag-aaral ay baka nabigyan niya ng kahihiyan ang sarili.

"This is actually a double celebration, Delaney," wika ni Cleo, smiling.

"D-double celebration?" usal niya, ang dibdib niya'y gusto nang sumabog sa malakas na kaba.

Nilingon ni Cleo si Prince. Nasa pagkain ang
atensiyon nito gayunman ay nararamdaman ni Delaney ang tensiyon mula rito. Katunayan, mula nang dumating siya sa lobby ng hotel at makitang naroroon ito naghihintay sa kanila ay gasino na itong kumibo.

"Tell them, Prince." Cleo nudged Prince's am with her elbow.

Prince forced a smile. Kinuha ang linen napkin at nagpunas ng bibig. Si Delaney ay nakatitig dito, at halos di niya gustong huminga.

Dalawang beses tumikhim si Prince bago nagsalita. "Magkasintahan na kami ni Cleo, Nana Mameng... Delaney."

Bumulalas ng masayang pagsang-ayon si Nana Mameng. Dahilan upang magkaroon ng pagkakataon si Delaney na maitago ang matinding pagkabigla at panlulumong naramdaman.

"Tama ka, Cleo," dagdag pa ni Nana Mameng,
igkop nga na doble ang selebrasyong ito."
Dobleng selebrasyon? How come she felt like
dying... not celebrating? The pain she felt when her parents died paled in comparison to what she was feeling right at that moment. Tila unti-unti siyang tinatakasan ng hininga ng buhay. Everything was a blur. Wala siyang
maintindihan sa usapang namamagitan sa paligid niya.

Kung hindi pa siya siniko ni Nana Mameng ay hindi niya malalamang kinakausap siya ni Cleo.

"Y-you're saying something?" Sinikap niyang itago ang panginginig ng tinig niya. Her tears were held at bay.

"Ang sabi ko ay kung bakit tahimik ka?" wika ni Cleo, her eyes probing.

"O-oh, I'm fine. N-nabigla lang ako. This is supposed to be my night, pero nakihati kayo ni Prince sa limelight." She made it sound like ajoke, pinilit ang sariling ngumiti. Sinulyapan niya si Prince, sinisikap na basahin ang damdamin sa mukha nito. There was no sign of joy in his face. No flash of dashing smile.

Cleo laughed. A womanly and sensual laugh.
Matanda lang ito sa kanya nang dalawang taon pero may palagay siyang tila siya munting bata sa harap nito.

Iyon lang ang naging contribution niya sa usapan sa loob ng mahigit isang oras sa restaurant. Atnang matapos ang pinakamatagal na sandali sa buong buhay niya ay halos takbuhin niya ang patungo sa parking lot.

Only her pride saved her from bursting into tears and making a fool of herself. Pagtatawanan siya ni Cleo sa sandaling malaman nito ang damdamin niya. At kaaawaan siya ni Prince at ni Nana Mameng. She couldn't take that.

Mula sa pagkakasandal sa sandalan ng swing ay nag-angat siya ng katawan nang may pumarang taxi sa harap ng gate. Sa ilaw sa poste ay naaninag niya ang pagbaba ng pasahero niyon. Si Prince.

Hindi agad siya nakakilos. Hindi niya inaasahang uuwi ito. Pagkagaling sa restaurant ay binalak nitong ito ang magmaneho ng kotse niya upang ihatid sila ni Nana Mameng. Subalit nagpilit si Cleo na ihatid ito ni Prince sa tinutuluyan nitong hotel.

Mabilis niyang pinahid ang mga luha sa pisngi niya. She inhaled and exhaled to ease the tension n and compose herself. Kahit madilim ay alam niyang nagulat si Prince nang maaninag siya sa swing. Sandali itong nahinto sa paglakad sa gitna ng driveway bago nagtuloy patungo
sa kinaroroonan niya.

"Hindi ko inaasahang gising ka pa..." banayad nitong sabi. Bahagyang gumalaw ang swing nang maupo ito sa tabi niya. He was so close she could catch his scent. Tulad ng dati, he wore no expensive cologne, yet there was a pleasant scent about him.

"Ano'ng ginagawa mo rito, Prince?" she asked in a distant voice, hoping he wouldn't notice how his nearness had set her legs trembling. Hindi niya gustong isipin nitong ito ang dahilan kung kaya gising pa siya hanggang sa oras na iyon.

"Bukas pa ng hapon ang balik namin sa Sta. Esperanza, Delaney. May ipinaaasikaso si Don Enrique kay Cleo. Dito ako magpapalipas ng gabi." Nahihimigan niya ang kapaguran sa tinig nito. Inihilig ni Prince ang ulo sa sandalan ng swing at itinaas ang dalawang paa sa kabilang bahagi ng upuan.

"Why, that's surprising!" Hindi niya mapigilan na mabahiran ng panunuya ang tinig niya. "Hindi ko mapaniwalaang ang isang tulad ni Cleo ay old-fashioned, Prince. She won't sleep with you unless you're married?"

"Delaney." His weary voice held warning.

"Nakalimutan ko nga palang batiin kayo kanina. Congratulations... " wika niya sa eksaheradong pinasiglang tinig. "Have you decided the wedding date? O hindi ko lang narinig kanina iyon?"

May ilang sandali ang pinalipas ni Prince bago sinagot ang tanong niya. "Hindi pa namin napag-uusapan ang takdang petsa."

Delaney wasn't so sure if it was agony she hinted in his voice. Pero marahil ay nagkakamali siya. At hindi niya alam kung ano ang susunod na sasabihin. Hindi siya nakatitiyak na hindi siya bubulalas ng iyak kung magsasalita siya. Lahat ng pangarap na binuo niya sa sarili para sa kanila ni Prince mula pa noong bata pa siya ay gumuhong lahat.

Narinig niya ang paghugot nito ng malalim na hininga. Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila bago muling nagsalita si Prince. Umangat ang likod nito at nilingon siya.

"Malamig na, Lana. Tayo nang pumasok sa loob..."

"Sa bahay sa farm ba kayo titira sa sandaling
makasal kayo?" tanong niya sa gumagaralgal na tinig. "K-kaya ba i nagpagawa ka ng ganoon kalaking bahay?"

"Lana, alam mong sa iyo ang bahay na iyon," mariin nitong sabi. "Ipinagawa ko ang bahay na iyon para sa iyo."

"P-pero ano ang silbi ng bahay na iyon kung... kung wala ka roon? Ano ang mangyayari sa akin ngayon?" Sumasakit ang lalamunan niya sa pinipigil na pag-iyak.

He took a sharp breath. May ilang sandali ang lumipas bago ito sumagot. "Hindi ako mawawala, Lana, naririto pa rin ako. Pangangalagaan pa rin kita kung paanong iyon ang ginagawa ko sa nakalipas na mga taon."

She raised her face to him. "Paano mong magagawa iyon kung kasal na kayo ni Cleo, Prince? At paano ang farm?"

"Mananatili akong nagtatrabaho sa Kaila Farm
hanggang hindi ka nag-aasawa o hanggang sa kailangan mo ako. Naiintindihan ni Cleo iyon."

Kailangan kita sa lahat ng sandali ng buhay ko,
Prince... "Maiintindihan din ba niya kung malaman niyang mahal kita?" Gumagaralgal na ang tinig niya. Hindi niya alam kung paano lumabas sa bibig niya iyon. Ipinagkanulo niya ang sarili. Wala nang natitirang iba pa sa kanya.

"Ofcourse," sagot nito, an edge in his voice. "She knows you look up to me like the big brother you never had."

"Huwag mong sikaping ilihis ang damdamin ko, Prince," she said. "Alam mong hindi iyon ang nararamdaman ko para sa iyo. Mula pagkabata ay-"

"Huwag, Lana!" he cut her oft. "Ang nararamdaman mo para sa akin ay hero worship. Huwag mong ipagkamali iyon sa damdaming gusto mong paniwalaan."

Gusto niyang tanggihan ang sinasabi nito; na higit kanino man ay siya ang nakakaalam sa damdarmin niya. Subalit ang karahasan sa tinig nito'y humihiwa sa dibdib niya.

She took a deep painful breath and looked up. And for a fleeting moment his gazed moved from her eyes to her lips. At iglap ding ibinalik sa mga mata niya na tila ba ang sandaling kahinaang iyon ay isang napakalaking kasalanan para dito.

What she saw in his eyes caught her breath in an agonizing hope. She could be wrong. Prince rejected her once. But she could still stop his engagement if she played it well.

"Tama ka, nararamdaman ko na ang lamig na
nanunuot sa katawan ko," aniya at tumayo. "Mauuna na ako sa iyo sa loob." Halos takbuhin niya ang papasok sa bahay. Inilapat niya ang pinto at ilang sandaling sumandal doon.

She inhaled and exhaled. Nag-ipon ng sapat na lakas ng loob upang makaya niyang gawin ang binabalak. Kung hindi niya gagawin ito, Prince would be lost to her forever.

At hindi niya mapapayagang mangyari iyon.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

57.1K 1.4K 21
Tinanggap ni Carlene ang round-trip ticket to Europe mula sa granduncle niya upang maibsan ang lungkot na sanhi ng sabay na pagkawala ng kanyang mga...
82.2K 1.8K 23
Nakaplano ang pagpapakasal ni Nicole sa kasintahang si Rico. At kuntento siya sa relasyon niya sa kasintahan. Then out of the blue, dumating sa eksen...
462K 4.5K 13
Pinilit si Celine na dumalo sa isang masquerade ball--- ang Party of Destiny. Ayon sa host na si Lolo Kupido, doon makikilala ni Celine ang lalaking...
68.3K 1.4K 21
Nang sa palagay ni Rand ay unti-unti na niyang natatanggap ang pagkawala ni Regina ay saka naman dumating sa buhay niya si Faith Bengson. She looked...