SWEETHEART 13: Someday My Pri...

By AgaOdilag

135K 2.5K 180

He would be hers... someday Walong taong gulang si Delaney Williams nang iuwi ng kanyang ama ang isang labimp... More

First Page
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE

CHAPTER ELEVEN

4.5K 108 0
By AgaOdilag

"THERE you are," ani Prince nang makita siya.
"Kanina pa kita hinahanap." Hinawakan siya nito sa braso. "Let's dance, Lana."

Nagagalit siya rito dahil sa nakita at narinig niya sa hardin ng mga Gonzalo. But his smile melted her anger. She smiled back and allowed him to lead her to the dance floor. Sa mga bisig nito ay saglit na nawala sa isip niya ang hinanakit at paninibugho.

"We are dancing the Vienna Waltz, Prince," she said grinning, "Alangang-alangan ang suot ko. In fact, nating dalawa."

"We can pretend," sabi nito, smiling at her
devastatingly. "Ipikit mo ang mga mata mo at kunwa'y nasa isang palasyo tayo sa Vienna. Isang sapin-sapın at mabigat na gown ang suot mo. At ako naman ay tuxedo. You are Princess Delaney and I am Prince Prince, remember?"

"Oh, yes." She smiled nostalgically. What Prince
suggested was too easy. She felt like a princess in his arms. Na sila lang dalawa sa bulwagan at wala ang mga taong nakapaligid.

Nanatili sa mga labi niya ang ngiting kaligayahan. Ang mga taon na hindi sila nagkita ay nabayarang lahat nang mga sandaling iyon. Nang sa pag-ikot sa kanyani Prince ay isang pares na mga mata ang matamang nakatitig sa kanya.

Si Cleo. Nakasandal ito sa isa sa mga arko ng
kabahayan. She was looking at her with contempt in her eyes that made her shiver.

"Hey, giniginaw ka ba sa dami ng tao rito?" tanong ni Prince nang maramdaman ang pagkabisala ng mga paa niya.

"What made you say so?" she asked innocently.

"I swear I felt you shiver."

Her smile was genuine. "I always shiver in your
arms, My Prince,"

Isang matunog na halakhak ang pinakawalan nito. May ilang katabing nilingon sila at nakingiti. "Young girls these days are very forward," Prince shook his head in amusement.

Delaney rolled her eyes. "Kung magsalita ka'y para bang ang gap ng edad natin ay dalawang dekada." Nang lingunin niya si Cleo ay wala na ito sa kinatatayuan.

"I am almost a decade older than you, Delaney,"
ani Prince. Nawala ang ngiti at sumeryoso."Sa maraming pagkakataon ay nag-aalala ako sa pagpapalit-palit mo ng boyfriend. At sa paraan mo ng pagsasalita, anyone would think that you are willing to be-"

Hindi niya pinatapos ang sinasabi nito dahil
nararamdaman na niya ang kasunod na sermon. He was taking his role as his guardian to the hilt. "I can take care of myself, Prince," naiiritang sabi niya, "I never allowed those boys to kiss me. Hindi ba at sinabi ko sa iyong ikaw ang kauna-unahang lalaking hinagkan ko?"

"Hush!" he hissed. Kinabig siya nito palayo sa ibang nasa dance floor. Pasayaw siyang iginiya nito sa isang sulok. Then he heaved a sigh."I wish I were two decades older than you, Lana.."

She made a face. "Why?"

"So I know how to deal teenagers like you."

Napaungol siya. "Prince, you're not my father! You don't have to treat me as if I were your daughter. Treat me like... like..." Bago niya nadugtungan ang sinasabi ay nakangiting mukha ni Cleo ang nasa tagiliran nila.

"Iba na ang tugtog, Delaney," wika nito, matamis na ngumiti sa kanya. "Maaari bang kami naman ni Prince ang magsayaw?"

Hindi agad niya makuhang sumagot. Napatingala siya kay Prince. "Ihahatid ko muna si Delaney sa mesa namin, Cleo," wika nito.

"C'mon, Prince. Hindi maliligaw si Delaney sa bahay namin." She laughed. Hinila na nito sa braso si Prince patungo sa gitna ng dance floor.

Lumingon si Prince at humihingi ng paumanhin ang anyo nito. Mabilis siyang tumalikod upang hindi nito makita ang galit sa mga mata niya. Inabot niya ang isang kopita ng champagne mula sa tray ng umikot na waiter at tiungo ang mesa nila at naupo. Diniretso niyang ininom ang champagne at kung hindi niya napigil ang sarili ay malamang na sunud-sunod na ubo ang ginawa niya.

Luminga siya sa paligid sa pag-aalalang may
nakakitang halos masamid siya subalit lahat ay abala o nagkunwang hindi siya napansin. Alam niyang maraming kabinataan ang kanina pa nakasunod ang tingin sa kanya.

Mula sa kung saan ay may lumitaw na lalaki sa
harap niya. Tall and lanky. He was young and attractive.

He reeked of expensive cologne. Wala kahit isang hibla ng buhok ang kumawala. He looked immaculately clean wearing a white Lacoste shirt. He reminded her of Jordan. Pero doon na natapos ang pagkakatulad ng dalawa.

"Hi. Puwedeng maupo?" Bago pa makasagot si
Delaney ay hinila na nito ang silya at naupo.

Gusto niyang mainis sa kapangahasan nito pero mas mabuti na iyong may kausap siya kaysa manatili siyang nakatitig kina Prince at Cleo na halos hindi naman tumitinag sa gitna ng dance floor. Magkayakap lang.

"Wala nang laman ang kopita mo..." puna nito at
kinawayan ang waiter na nang lumapit ay kumnuha ng bago at pinalitan nang may laman ang kopita niya. She noticed the well-manicured fingernails. "Ako nga pala si Manny." Inilahad nito ang kamay sa kanya.

"Delaney... Delaney Williams." Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. He held her hand longer than necessary. Binawi niya iyon.

"Ang papa ko ang mayor sa bayang ito." Nilinga
nito ang bahaging kinaroroonan ng ama na kasalukuyang kausap ni Don Enrique. "Narinig kong sinabi ni Don Enrique sa daddy ko na ikaw ang anak ng may-ari ng Kaila Farm. Kung gayon ay ikaw ang amo ni Prince. Nagbabakasyon ka ba rito?"

"Oo doon sa huling tanong mo," aniya, keeping the hostility from her voice. "At walang amo si Prince sa Kaila Farm dahil siya ang boss doon."

Tumaas ang mga kilay nito. She was sure he didn't believe her. Pagkatapos ay sinulyapan ang dance floor. "Balitang parehong kursunada ng mga dalaga ni Don Enrique si Prince," wika nito at paismid na ngumisi.

"Bakit mo sinasabi sa akin iyan?" she asked, iritated now. Nang muli siyang sumulyap sa dance floor ay si Teresa na ang kasayaw ni Prince. At halos nakayakap na ang una sa huli. Nagpupuyos na ibinalik niya ang tingın kay Manny.

"Mainit kasi ang mga mata mo habang nakatitig ka sa kanila. Parang nagseselos ka," sagot ni Manny. "Pareho lang tayo."

"H-hindi kita maintindihan..."

"Cleo's my on and off girlfriend... Pero nitong huli niyang uwi. at makita niyang laging magkasama sina Prince at Teresa ay nagsimula siyang mag-ukol ng sobrang atensiyon kay Prince. And knowing Cleo, she gets what she wants." Patuyang umiling ito. "Naiinggit ako kay Prince. Trabahador lang pero mga tagapagmana ang nagkakakursunada." Bumaba-tumaas ang mga mata nito sa kanya sa malisyosong paraan, pagkatapos ay ininom ang alak sa baso nito.

Delaney couldn't think clearly. She was confused, angry, and jealous as hell. Sinundan niya ang ginawa ni Manny at pinangalahati ang laman ng kopita niya.

"Tayo na lang ang magsayaw," anyaya nito.

"No, thank you," she refused coldly.

"Ang killjoy mo naman. Tara na." Tumayo ito at
akma siyang hahawakan sa kamay subalit mabilis niyang iniwas iyon.

"Please," pinakadiin-diinan niya ang salita. "Hindi
ko gustong sumayaw."

"Narinig mo ang sinabi niya, Manny. Hindi niya
gustong magsayaw," ani Prince mula sa likuran niya.

Kung nakamamatay ang tinging ipinupukol nito kay Manny ay malamang na natumba na ito.

"Okay.. okay... " Itinaas nito ang dalawang kamay,
nagkibit ng mga balikat at kinindatan si Delaney bago tumalikod at nakihalubilo sa ibang mga bisita.

Itinaas ni Delaney ang kopita subalit bago iyon
makarating sa bibig niya iyonay naroon na ang kamay ni Prince at pahablot na binawi sa kanya iyon.

"Pangalawa na iyan. Naglalasing ka ba?" Prince
said sharply. Lumigwak sa mesa ang a alak nang pabagsak nitong ibaba ang kopita roon.

"Bakit ko gagawin iyon?" sagot niya, namumungay ang mga matang tumingin dito. Paano nitong nalamang nakakadalawang goblet na siya? Had he been watching her?

Nagbuga ito ng marahas na hininga. "Ganito ba ang ginagawa mo sa Maynila, Delaney?"

Nagsalubong ang mga kilay niya roon."A-ano ang ibig mong sabihin?"

"Natitiyak kong naaanyayahan ka sa mga parties. Do you make it a habit to get drunk? No... No," agap nito nang mag-akma siyang sasagot, "huwag kang sumagot. Kakausapin ko si Nana Mameng. My god, you're not even twenty yet, pero mukhang sanay na sanay ka nang uminom ng alak."

Gusto niyang sabihin ditong iyon ang una niyang pagtikim ng alak. She also wanted to tell him that she didn't attend parties, too. Dahil hindi siya pinapayagan ni Nana Mameng na umuwi ng hatinggabi. At walang nagpa-party na umuuwi ng alas-dies ng gabi. Dahilan upang maging tampulan siya ng panunuya ng mga
classmates at kakilala niya.

But she was too dizzy to argue with him. Besides, Prince was madder than she thought.

"Tayo nang umuwi." Halos hilahin siya nito palabas.

"Well, it's about time," she slurred.

MABAGAL at maingat ang ginawang pagpapatakbo ni Prince sa motorsiklo. Ang buong bigat niya'y nakadagan o likod nito. He was so worried that she would fall from the bike any moment. Kaya naman ang dalawampung minutong biyahe ay lumampas pa sa kalahating oras.

Ang malamig at panggabing hangin na humahaplos sa mukha niya ay bahagyang nakapagpabalik sa huwisyo ni Delaney. Pagdating sa bahay ay bahagya na lang ang hilong nadarama niya. Subalit nagpilitsi Prince na alalayan siya papasok ng kabahayan. Sa kusina siya nito itinuloy at pinaupo. Tinimplahan siya nitong kape.

"Ubusin mo iyan," he commanded.

Hindi niya alam kung ang ikinagagalit nito ay dahil nalasing siya o dahil napilitan itong umuwi nang wala sa oras. Masama ang loob na inabot niya ang kape at dinala sa bibig. She wanted to hate him for treating her like an eight-year-old.

Marahan niyang hinigop ang kape habang nakamasid ito sa kanya. Ang init na naglandas sa lalamunan niya ay nagparamdam ng ginhawa sa kanya. Pinangalahati niya iyon.

"I'm fine now, Prince." Inilayo niya ang tasa at
tumayo. Hindi pa man siya nakakadalawang hakbang ay bumuway na siya.

Ang akmang pagkuha ni Prince ng sariling tasa ay napigil at naroon na ito bago pa siya bumagsak muli sa bangko.

"Anak ng-!" he swore.

"Oh, god, you're so angry with me!" she wailed
Masamang-masama ang loob. Then she burst into tears. Ang nararamdamang paninibugho rito at ang alak ay sapat upang tila nabuksang dam ang mga luha niya.

He muttered another expletives when she started crying. "Oh, don't cry, please," wika nito, nahahati ang damdamin sa pagitan ng galit at pag-aalala. "May dahilan para magalit ako, Lana..." Inalalayan siyang makatayo nang tuwid. "Hindi ko inaasahang maglalasing ka."

"I never meant to!" depensa niya. "At nagagalit ka dahil napilitan kang umuwi tayo nang maaga!" akusa niya.

"Dapat ay kanina pa tayo umuwi. Hindi ko lang
magawang makapagpaalam kaagad dahil-"

"Dahil parang tukong laging nakadikit sa iyo sina
Cleo at Teresa! Oh, god! Pinag-aagawan ka ng
magkapatid na iyon!"

Nagsalubong ang mga kilay nito, tinitigan siya. "Did Manny feed your mind with nonsense? Siya ang nagbigay Sa iyo ng alak."

"I don't care about him! Pinagbabasehan ko ang
nakikita ko!"

"Sshh! Ano ba ang pinagsasasabi mo? At huwag
mong lakasan ang boses mo, magigising mo si Nana Mameng..."

"Hindi ako bulag, Prince," patuloy niya. "Magka-
yakap kayong nakatayo sa dance floor!"

"You are exaggerating, Delaney," he said patiently. Magkaibigan kami ni Teresa. At si Cleo... huwag mo Siyang intindihin. She is a young girl pretending to be a Woman.

"If Cleo's a girl, then I am a new born baby, Prince!"

Prince swore an oath she didn't catch on. "Let's
stop this nonsense, Delaney. Madaling-araw na."
Hinawakan siya nito sa braso. "Pumanhik ka na at matulog."

Marahas niyang binawi ang braso. "Huwag mo
akong tratuhing parang bata!"

But Prince reached for her wrist again and heldit
a little tightly. His eyes raked over her body. May
nakiraan sa mga mata nitong hindi maipaliwanag ni Delaney. "Hindi ka na bata, tama ka. Pero kumikilos kang parang bata, Delaney. Na para bang aagawan ka lagi ng laruan."

Hindi siya tuminag sa pagkakasandal sa gilid ng
mesa. She bit the coner of her lips. Makalipas ang ilang saglit ay tumingala siya rito. "M-maganda ba ako, Prince?"

Prince groaned, almost at the end ofhis tether. "Ano bang klaseng tanong iyan?"

"Just answer me."

Tinitigan siya nito. Ang kunot sa noo ay unti-unting nahawi. Ang pagkabagot ay nahalinhan ng tenderness.

"Of course you're beautiful, Lana," he said huşkily, "exquisitely so." His gaze held hers for what seemed an etermity. Pagkuwa'y ipinilig nito ang ulo. Na tila ba pilit ginigising ang sarili mula sa pagkakahipnotismo.

"Higit na maganda kaysa kay Teresa o kay Cleo?"
she asked foolishly.

"Higit kang maganda kaysa sa dalawang iyon. And I mean it. And enough of this nonsense. Kung anu-ano ang sinasabi mo. Epekto iyan ng alak. Huwag mong gawiing uminom nang ganyan sa Maynila, Delaney." His voice held warning. "Kakausapin ko si Nana Mameng
bukas tungkol diyan."

"Then kiss me, Prince..."

"What--what are you--?

She took a single step closer. And before Prince
could finish his sentence, Delaney tiptoed and kissed him. Halik na kinapalooban ng lahat ng damdamin niya mula pa noong bata pa siya.

Continue Reading

You'll Also Like

245K 4.3K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
82.3K 1.8K 23
Nakaplano ang pagpapakasal ni Nicole sa kasintahang si Rico. At kuntento siya sa relasyon niya sa kasintahan. Then out of the blue, dumating sa eksen...
68.4K 1.4K 21
Nang sa palagay ni Rand ay unti-unti na niyang natatanggap ang pagkawala ni Regina ay saka naman dumating sa buhay niya si Faith Bengson. She looked...
5.6K 224 10
Nang makilala ni Isaac si Hazel Del Fiero, naniwala na siyang posible ngang maging dahilan ng giyera ang mukha ng isang babae. The woman takes his b...