SWEETHEART 13: Someday My Pri...

Von AgaOdilag

135K 2.5K 180

He would be hers... someday Walong taong gulang si Delaney Williams nang iuwi ng kanyang ama ang isang labimp... Mehr

First Page
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE

CHAPTER NINE

4.4K 106 3
Von AgaOdilag

HOW SHE missed her parents. Their deaths had left a void in her heart. Kung wala si Nana Mameng, she wouldn't know how to cope.

And ofcourse, there was Prince. Though she hadn't depended on him emotionally-not for the lack of trying, but he isolated himself-he took care of the financial aspect of her life. Bagaman kay Prince ibinabatay ni Nana Mameng ang pasya na may kinalaman sa kanya.

Isang buwan matapoS ang libing ng mommy niya'y sama-sama silang bumalik sa Maynila. Sa tulong ng abogado ng daddy niya'y bumili sila ng bagong bahay saisang di-kilalang subdivision sa Quezon City.

It was a two-bedroom bungalow. Dalawang silid na sa palagay niya'y higit pang malaki ang servant's quarter sa dating bahay nila. At isang maliit na dining room na Sa ilang hakbang lang ay naroon na rin ang maliit na living room.

And to her horror, with only one small toilet and bath!
It was a doll's house! She wanted to scream.

Sa tingin niya'y papasok ang bahay na iyon sa loa ng dati nilang bahay. And she couldn't imagine how some people could move around in such a small house.

Ininda niya nang labis ang magkakasunod na
pagkawala ng mga magulang niya, gayundin ang lahat ng mahahalagang bagay sa buhay niya. Ang mga sasakyan nila; ang ilan sa mga mahahalagang kasangkapan na pag-aari na ng mga magulang hindi pa man siya ipinapanganak ay naroon na; ang mga kaibigan at ang mga classmates niya sa Montessori.

Subalit nang basahin ng abogado ang testamento ng mga magulang niya na hinirang ng mga itong guardian niya at tagapamahala ng natitirang ari-arian ng mga Williams si Prince ay naibsan ang pamimighati niya.

She had a terrible crush on him, kahit na n0ong unang ipakilala ng daddy niya si Prince sa kanila. Kaya naman lagi siyang nakabuntot dito kung wala rin lang klase.

At naisip niyang magkakasama sila sa iisang bahay... sa isang maliit na bahay kung saan walang sandaling hindi niya ito makikita. Sa kauna-unahang pagkakataon ay na-appreciate niya ang kaliitan ng bahay na nilipatan nila.

Only to find out na hinintay lang nitong maka-graduate siya sa elementarya at agad itong nagpaalam kay Nana Mameng na babalik sa farm.

"Y-you can't leave me, Prince... " nakatingala siya rito, nag-iinit ang sulok ng mga mata sa nagbabadang mga luha.

"Lana, hindi ako maaaring manatili rito.
Kailangan kong sajarm mamirmihan at pagyamanin ang naiwan ng mga magulang mo, para sa iyo, "

"Then let me go with you, " she begged.

He sighed heavily. "Hindi ang farm ang buhay
para sa iyo, Lana. High school ka na sa pasukan, at nasa kabisera ang mataas na paaralan. Kung sa Sta. Esperanza ka mag-aaral ay isang oras na pahirapang biyahe paroon at isang oras din pauwi. "

"It doesn't matter, as long as I'm with you!"

"Lana, nakikiusap ako. Paano ang bahay na
ito? Binili ito para sa iyo... "

"You can sell this back!" git niya sa insolenteng
tinig. "I'm your ward now. You are responsible for me!"

"Hindi ko tinatalikuran iyon. Kaya nga
magtatrabaho ako," he said impatiently. "Nariyan si Nana Mameng, hindi ka niya pababayaan."

Dinampot na nito ang knapsack at isinabit sa likod. "Sisikapin kong dalawin ka rito sa lahat ng librengnpagkakataon," sabi nito bago tuluyang lumabas.

Nasa labas na ng pinto si Prince nang sumigaw
SI Delaney. "I hate you, Prince! I swear, I really hate you!"

Subalit ni hindi lumingon si Prince.

If only Prince knew how it had hurt her. Ilang gabi siyang umiiyak nang tahimik sa maliit niyang silid. She had lost her parents, at si Prince ay iiwan din pala siya.

Sa loob ng high school days niya ay regular ang pagdating ni Prince bagaman malalayo ang agwat. At sinikap niyang makontento roon. Itinuon niya ang pansin sa mga binatilyong aali-aligid sa kanya. Subalit nitong
tumuntong siya ng kolehiyo ay minsan lang silang nagkita. And that had been three semesters ago.

But it didn't matter. She was here now.
Magkakasama silang muli kahit sa loob ng dalawang linggong semestral break. Umalis siya mula sa pagkakatayo sa balkonahe at pumasok sa silid, bumaba at lumabas ng bahay. Bahagya na niyang nilinga si Nana Mameng na naidlip sa silyang tumba-tumba.

Tinungo niya ang burol. It was October and the wild flowers were in bloom. In variety of colors. Habang pumapanhik siya sa itaas ng burol ay paisa-isa siyang namimitas ng mga ligaw na bulaklak sa dinadaanan.

Naghahabol siya ng hininga nang makarating sa itaas Malakas ang hangin at inililipad niyon ang hanggang balikat niyang buhok. Lumakad siya patungo sa libingan ng mga magulang. Sa dalawang magkatabing tombstones, hinati niya ang mga bulaklak-parang at parehong inilagay sa mga iyon.

"I miss you, Daddy.. Mommy..." gumagaralgal ang tinig na sabi niya. Pagkatapos ay naupo sa damuhan, niyakap ang mga binti. Ipinatong ang baba sa tuhod at sa isang mahabang sandali ay nanatili siya sa ganoong ayos, nakatitig lang sa dalawang lapidang marmol.

Then after awhile she said, "I graduated
valedictorian i in high school, Dad. Prince pinned me my medal. He was so proud of me but I wish you were there for me... you and Mom. Pero inihandog ko sa inyo ni Mommy ang... ang valedictory speech ko." She paused as her voice broke. "And you were not there for my first dance when I celebrated my eighteenth birthday. That was so unfair, Dad, because you promised me that first dance when I was a kid. And Prince wasn't there either..." She gave in to her tears. And it was into her silent weeping that she felt a hand touched her shoulder gently.

Tumingala siya. "Prince!"

"Lana." The nickname, na tanging si Prince lamang ang gumagamit, was a reverent whisper.

Mabilis niyang pinahid ang luha sa mga pisngi at ngumiti. "Well, I'm glad you still remember my name!"

Prince smiled faintly. Iniabot nito ang kamay sa
kanya. Hinawakan niya iyon at nagpahila siyang patayo.

Then her arms went around his neck. "Oh, Prince, I miss you so much!" buong pananabik niyang sabi at pagkatapos ay tumingkayad at mariin itong hinagkan sa mga labi.

Sa kabiglaanan ay hindi agad nakakilos si Prince.

The kiss lasted a couple of seconds bago nito hinawakan sa magkabilang balikat si Delaney at inilayo. There was a frown on his forehead and he looked as if lightning had struck him.

Unperturbed, Delaney dimpled at him.

Pagkatapos ay umikot sa harapan nito. "Here I am, Prince. Three years older, taller and prettier," she said as she dimpled at him.

He swallowed. "Kailan kayo dumating?"

"Fifteen... twenty minutes ago," sagot niya, sinabayan ng kibit ng mga balikat. Pagkatapos ay buong paghangang pinasadahan niya ito ng tingin.

He was nearing twenty-eight now. Taller and darker. Dati na itong magandang lalaki at ang batang katawan ay dati na ring may muscles. Memories of their first meeting came in a nostalgic flush, dragging her back eleven years ago. How could she ever forget the day her father brought home a handsome young man?
No. She thought he was more than just handsome. He was very dashing-and very hostile. And he was seventeen.

"This is my daughter, Prince, " pagpapakilala ng papa niya. "Delaney, hija, this is Prince. He'd
stay with us... for a while. "

Delaney was dumbstruck as she surveyed him
from head to toe. The boy was handsome, sa kabila ng luma at kupas na damit.

Napuna niya ang dalawang pulgadang sariwang sugat sa gilid ng mukha nito malapit sa tainga, sugat na mag-iiwan ng pilat. But Delaney was certain the scar would not mar his beauty.

Sa mismong sandaling iyon, lahat ng mga crushes niya ay biglang naging malabong alaala na lamang.

Nakita niya ang pagkailang sa mukha nito sa
ginagawa niyang pagtitig dito. May ilang beses itong tumikhim. Kitang-kita niya ang iritasyon sa mukha nito.

She smiled at him prettily. She knew she was very pretty when she smiled. Everybody told her so.

"Prince...hmm, "she murmured. "Is that your name?" Bahagya nang tumango ang binatily0. Ang pagsasalubong ng mga kilay ay tila nakaukit na sa noo. Kahit anino ng ngiti ay hindi masilip ni Delaney.

She couldn't believe that her smile hadn't charmed him. But she kept her smile in place nevertheless.

"Of course, all princes are cute. Tulad ng mga
nasa fairy tales, di ba, Daddy?" tanong niya sa
ama bagaman ang mga mata 'y nanatiling nasa mukha ni Prince. At hindi niya hinintay na sumagot ang daddy niya, mabilis niyang idinugtong. "Welcome to my palace, Prince Prince, " she said, curtsying a little. "I promised that when I grow older, you and I will--" Her voice trailed off.

Tinitigan niya ang ama na nakangiting nakataas ang mga kilay, hinihintay ang kasunod niyang sasabihin. Pero hindi niya mapapayagang marinig ng ama ang sasabihin niya rito. Tumuntong siya sa sofa upang maabot ang tainga ni Prince at bumulong dito.

"Someday My Prince, you and I will be together forever..." she whispered, then she jumped from the sofa giggling, picked up her school bag and ran towards the huge stairs.

Sinusundan siya ng malakas na halakhak ng
ama. Sandali siyang napahinto sa paghakbang.
Narinig ba nito ang bulong niya? Nang mag-angat siya ng tingin ay nasa tabi na niya si Nana Mameng, nakangiti rin. Kinuha nito ang schoolbag sa kamay niya.

She rolled her eyes. Some whisper she made.

At ngayon sa paglipas ng panahon, the handsome features were more pronounced. He was devastating and dashing. His thick, dark hair windblown. Ang whiskers sa mukha nito at ang malabong pilat sa gilid ng pisngi ay nagdagdag lamang sa tila misteryosong pagkatao nito. And those eyes that locked on her own was dark and penetrating.

His muscles were more defined now, mula sa
mabibigat na trabaho sa farm. Kung ito ay object ng paghanga ng mga kababaihan noon, lalong higit ngayon.

She gazed up at him. "Aren't you going to say
something, Prince? Hindi mo man lang ba ako
kukumustahin?"

"Okay," he said smiling. "Ilang beses kang nagpalit ng boyfriend sa nakalipas na dalawa... tatlong taon?"

She pouted. Ikinawit ang braso sa braso nito.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

40.7K 910 17
It was a "forced" marriage. Nagpakasal si Marianne kay Victor dahil kailangan. Kahit ang mahal niya ay ang kapatid nitong si Rogel, tinanggap niya s...
1.2M 44.7K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
151K 3.9K 41
Girl to girl story.. "Huwag mo akong susubukan" -Gabrielle "Bakit hindi natin subukan... Kiss me" -Chelsea
118K 2.4K 23
Trace Lavigne was SEAL. His code name: Condor. A bird of prey. A hunter. Dangerous and majestic. Uncapable of love... of tenderness. He was angry and...