Via Dolorosa

By Dimasilaw_101

4K 403 2.9K

Sa taong 1891, ang Bayan ng San Fernando ay nababalot pa rin ng mga kakaibang nilalang. Ano kaya ang magiging... More

PAUNANG SALITA
Kapitulo - I
Kapitulo - II
Kapitulo - III
Kapitulo - IV
Kapitulo - V
Kapitulo - VI
Kapitulo - VII
Kapitulo - VIII
Kapitulo - IX
Kapitulo - X
Kapitulo - XI
Kapitulo - XII
Kapitulo - XIII
Kapitulo - XIV
Kapitulo- XV
Kapitulo - XVI
Kapitulo - XVII
Kapitulo - XVIII
Kapitulo - XIX
Kapitulo - XX
Kapitulo - XXI
Kapitulo - XXII
Kapitulo - XXIII
Kapitulo - XXIV
Kapitulo - XXV
Kapitulo - XXVI
Kapitulo - XXVII
Kapitulo - XXVIII
Kapitulo - XXIX
Kapitulo - XXX
Kapitulo - XXXI
Kapitulo - XXXIII
Kapitulo - XXXIV
Kapitulo - XXXV
Kapitulo - XXXVI
Kapitulo - XXXVII
Kapitulo - XXXVIII
Kapitulo - XXXIX
Kapitulo - XL
Kapitulo - XLI
Kapitulo - XLII
Kapitulo - XLIII
•Capítulo Especial•
Aún No Es El Final
Author's Note
Via Dolorosa

Kapitulo - XXXII

92 6 73
By Dimasilaw_101

NAG-AANTAY si Adrian sa labas ng panciteria na matapos ni Aina ang ginagawa nito. Napag-alaman niya na wala na itong gagawin sa tanghali dahil araw ng kapahingahaan.

"Ayos na, bukas na naman ako babalik rito" Saad ni Aina nang makalapit sa binata dala ang isang buslo na naglalaman ng prutas, "Para nga pala sa'yo"

Napangiti si Adrian, "Nag-abala ka pa, binibini."

"Tanggapin mo na, minsan lang 'to" Ani Aina at inangat nang bahagya ang buslo, "Pinaghandaan ko talaga iyan, tatlong araw ka ring hindi nagawi rito sa amin"

Tinanggap na lamang ni Adrian ang buslo, "Maraming salamat, saluhan mo na lamang ako nitong mga prutas. Mamasyal na lang tayo"

"Saan?" Nagtatakang katanungan ni Aina. Nakita niyang napangiti ang binata.

"Basta," Maikling tugon ni Adrian.

Ilang oras ang lumipas ay narating na nila ang isang gubat at sa dulo nito ay isang napakalinaw na ilog, may malalaking bato rin sa mismong tubig. Mahinang rumaragasa ang daloy nito patungo sa isang talon.

Maririnig ang mga nagkakantahang ibon at mga paru-parong malayang nakakadungaw at nakakadampi sa mga kulay puti at kahel na mga bulaklak.

Manghang-mangha si Aina sa nakita, "Sobrang napakaganda sa lugar na ito. Hindi ko akalain na may nakatagong lugar dito sa San Fernando na ganito kaganda at nakakagaan pa sa pakiramdam,"

Napaupo si Adrian sa isang malaking putol na sanga, "Siyang tunay. Dito ako pumupunta kapag nalulungkot,"

Napalingon naman si Aina sa gawi ng binata. Hindi niya mapigilan na humanga rito, nababagay ang kasuotan nitong kulay puting pormal na damit at ang karsones na mahahalintulad sa kulay ng tsokolate, "Ibig sabihin ay malungkot ka ngayon?"

Napakibit-balikat si Adrian, naitukod na lamang niya ang kaniyang siko sa kaniyang tuhod at napasalong-baba. "Malalagpasan lamang namin ito,"

Napaupo na lamang si Aina sa isa ring putol na sanga, "Gaano ba kahirap maging taong-lobo?"

Napatingin si Adrian sa dalaga na ngayon ay binabalatan ang hinog na mangga, "Mahirap pero nakagisnan na namin. Lahat ng kaguluhang nagaganap ay aming responsibilidad. Siguro kung wala ang lahi namin ay marahil hindi malala ang gulo sa San Fernando."

"Paano na lang kung hindi kayo nailikha? Mga masasama lamang ang nalikha? Siguro ay mabubura sa mapa ang San Fernando," Ani Aina, ibinigay niya naman kay Adrian ang nabalatang mangga.

Mahinang tumawa si Adrian at agad na tinanggap ang mangga, "Kung sabagay, ito na talaga ang daloy ng buhay ko. Nabuhay bilang taong-lobo, mamamatay din na taong-lobo."

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Tanging agos ng rumaragasang tubig lamang ang naririnig.

Napahinga nang malalim si Adrian bago magsalita, "Dinala kita rito dahil nais mong malaman mo na..."

Kinakabahan si Aina sa maaring sabihin ng binata sa kaniya kung kaya ay nakaabang na lamang siya sa susunod na mga kataga.

"Iniibig kita," Maikling saad ni Adrian, bahagyang napayuko siya na tila nahiya sa tinuran.

Napaawang ang bibig ni Aina, hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Adrian. Kung panaginip lamang ito ay nanaisin niyang hindi na magising sa tunay na mundo, "A-alam mo ba ang sinasabi mo?"

Napasulyap si Adrian sa dalaga at napangisi, "Mukha ba akong nagbibiro? Totoo at alam ko ang aking sinasabi,"

Napatuwid nang bahagya ang pag-upo ni Aina at tumikhim, rinig na rinig na niya ang kabog ng kaniyang puso, "Iniibig din naman kita," Diretsong saad niya. Hindi niya maalis ang kaniyang paningin sa binata.

"Liligawan kita," Ani Adrian at ngumiti.

"Ah- hindi na kailangan ng ligaw. Sasagutin naman kita," Ani Aina.

Natigilan si Adrian at napatawa na lamang, "Kamangha-mangha, binibini"

Tumawa naman si Aina nang mahinhin, "Pasensya na, parehas lang naman tayo ng nararamdaman"

"Bueno, ngayong araw na ito ay hindi ko malilimutan. Araw-araw kitang liligawan kahit na tayo'y mag-irog na," Ani Adrian, hindi niya mapigilan ang mapangiti, kahit papaano ay naibsan ang kaniyang kalungkutang nadarama.

BUMABA si Don Xavier sa sinakyang kabayo na si Maharlika nang makarating sa Municipio de San Fernando, pagkatapos ay naglakad na siya patungo sa loob upang makipagpulong kay Alcalde Timoteo at sa ibang opisyales pa ng San Fernando.

Seryoso lamang ang kaniyang mukha na umakyat ng hagdanan. Nang makarating sa isang silid ay nadatnan niya roon si Timoteo na nakaupo sa gitnang dulo ng mesa.

"Ninong, umupo ka na rin." Pakli ni Timoteo at tumayo upang salubungin si Don Xavier.

Napa-antanda pa ang isang cabesa de baranggay nang makita ang pinuno ng mga taong-lobo na seryosong nakatingin sa kanila ngayon.

Nang makaupo si Don Xavier sa kabilang dulo ng mesa ay inilabas niya ang tabako at agad na sinindihan iyon. Binuga ang usok at napasandal sa upuan.

"Bueno, simulan na natin ang ating pagpupulong" Saad ni Timoteo, agad niyang inilatag ang isang nakarolyong papel.

Nakita nilang lahat kung ano ang nakaguhit sa papel.

"Ang kailangan natin na unang mawala sa San Fernando ay ang nag-iisang berbalang na ngayon ay gumagambala sa sementeryo ng ibang sitio rito sa bayan," Dagdag pa ng Alcalde.

Napatitig lamang si Don Xavier sa papel na nasa mesa at ni wala man lang binitawang salita o nagbigay ng suhestyon. Patuloy lamang ang kaniyang paghithit ng tabako.

"Ang susunod naman ay ang taong pasimuno ng pagsunog sa piitan at maging sa monasteryo. Maraming pari ang nasunog sa loob na tila walang kalaban-laban," Sabay iling ng Alcalde. "At ang panghuli, ang pasimuno sa likod ng pagkawala ng mga dala---"

"Mga bampira," Biglang sambit ni Don Xavier. Sa wakas ay nagkaroon na siya ng pagkakataon na magsalita, "Sila ang may gawa sa lahat ng pagkawala ng mga kawawang dalaga,"

Bakas sa mga tao sa loob ng silid ang pagkabigla sa sinabi ni Don Xavier na ngayon ay seryoso pa rin.

"Maaring si Marcelo ang kukunin kong tagapagsiyasat ng mga bangkay na natagpuan sa talahiban para lang makuha ang dugo upang matingnan mo, ninong" Ani Timoteo.

Napaisip saglit si Don Xavier sa tinuran ni Timoteo, kung sakaling gagawin iyon ay dapat kasama siya, "Mabuti ang naisip mo, Timoteo"

"Bueno, dapat na sabihan ninyo ang bawat tao na lagyan na lamang ng asin ang paligid ng bahay, maaaring hindi malabo na gagambalain tayo ng berbalang kapag nagsawa na ito sa mga bangkay sa sementeryo," Seryosong saad ni Timoteo sa mga kasamahan.

PAGKATAPOS ng pagpupulong ay sinamahan ni Alcalde Timoteo at Heneral Fortalejo si Don Xavier sa mansyon ni Marcelo.

Naninibago sila dahil sobrang tahimik na ng mansyon na hindi katulad ng dati ay hindi ito nawawalan ng musika na nanggagaling sa piyano, gawain ito ni Marcelo kung siya'y nababagot pero ngayon ay tila wala silang naririnig.

Pagtapak pa lamang ni Don Xavier sa isang baitang ng hagdan ay nakaamoy na agad siya ng nabubulok na daga. Nakiramdam siya sa paligid na animo'y may nais malaman.

"Naku, mukhang napabayaan na talaga ni Ginoong Marcelo ang bahay na ito, paano, walang esposa" Nalulungkot na turan ni Heneral Fortalejo.

Gamit ang nakasabit na bakal sa pintuan ay ginamit ni Don Xavier ito para ipangkatok, "Marcelo? Narito kami,"

Nagkatinginan si Heneral Fortalejo at alcalde Timoteo dahil wala man lang tugon.

Ang tanging nagawa na lamang ni Don Xavier ay ang buksan ang malaking pintuan ng mansyon gamit lamang ang isipan.

"Wala bang katulong dito si Marcelo? Umaalingasaw na ang amoy sa bahay na ito," Ani Heneral Fortalejo at napatabon ng panyo sa ilong.

Masama na ang kutob ni Alcalde Timoteo at Don Xavier dahil mukhang may hindi tama sa pamamahay ni Marcelo.

"Mukhang nanggagaling sa silid ni Marcelo ang mabahong amoy," Ani Timoteo.

Pinuntahan nilang tatlo ang silid ni Marcelo, nakauwang lamang ang pintuan nito. Habang papalapit sila ay mas lalong tumatapang ang amoy ng nabubulok.

Nang mabuksan ng malaki ni Don Xavier ang pintuan ay ganoon na lamang ang kanilang pagkagulat.

Parang napako ang don sa kinatatayuan sa natunghayan kay Marcelo. Nakabigti na ito. Ang lubid na ginamit ay halos nanuot na sa leeg ng kawawang si Marcelo. Nakadilat pa ang mga mata nito na tila hindi natanggap ang nahantungang kamatayan.

"M-mukhang ilang araw ng nakabigti si Marcelo," Hilakbot na saad ni Heneral Fortalejo.

Nilapitan pa ni Alcalde Timoteo ang nakabigting si Marcelo. Nagtataka na siya sa mga ugat na bumakat sa balat nito dahil kulay itim. Napatingin siya kay Don Xavier na tumabi sa kaniya habang nakatingala at pinagmamasdan ang bangkay.

Napailing si Heneral Fortalejo, "Kailangan kong magtawag ng mga guwardiya-sibil upang kunin ang kawawang ginoo,"

Napatango si Alcalde Timoteo sa sinabi ni Heneral na agad din na lumabas ng silid.

Samantala, si Don Xavier naman ay siniyasat ang higaan ni Marcelo. Natagpuan niya sa ilalim ng unan nito ang rebolber at isang rosaryo. Nababakasan din ng talsik ng dugo ang mga kumot nito kung kaya ay napasingkit ang kaniyang mga mata. "May hindi tama,"

Napatingin ang alcalde sa gawi ng kaniyang ninong, "Ganoon din ang aking iniisip,"

Napatiim-bagang si Don Xavier at hindi na makatiis na harapin ang may pakana sa pagkamatay ni Marcelo.

KINAGABIHAN, nagsusuklay lamang ng buhok si Dolorosa habang nakaharap sa malaking bintana ng silid, nais niyang masilyan ang ama na umuwi dahil malapit na maghapunan ngunit hindi pa ito umuuwi. Nababahala na siya na baka ano na ang ginawa nito sa bayan.

Mayamaya pa ay nakarinig siya ng mahinang pagsitsit sa gawing punong kahoy malapit sa kanilang pintuang daan, naaninag niya naman si Liyong. Nakasuot ito ng sombrero at kulay itim ang suot na tsaleko.

Agad na napalabas siya ng silid at nagmasid pa kung may tao ba sa sala mayor pero wala naman siyang masumpungan kung kaya ay lumabas na siya ng tahanan.

"Magandang gabi, kamahalan" Agad na bati ni Liyong nang makalapit sa kaniya ang dalaga. Nabigla naman siya nang hinila siya nito patungo sa isang madilim na parte.

"Bakit ka pumunta rito? Naku! Liyong" Nababahalang saad ni Dolorosa, "Paano na lang kung may nakakita sa iyo na mga cambiaformas?"

Hinawakan ni Liyong ang kamay ni Dolorosa upang pakalmahin, "Huwag kang mag-aalala, hindi nila ako mapapansin. Naparito ako dahil nangulila lamang ako sa iyong presensya,"

"Eh, p-paano kung si ama ang makakita sa'yo?" Tanong pa ni Dolorosa, nababakasan sa kaniyang mukha ang pagkabahala.

Tumungo si Liyong sa may ilaw na bahagi malapit sa pintuang daan.

"Liyong!" Mahina ngunit mariin na saad ni Dolorosa nais niyang pigilan ang binata.

"Mas ayos iyon kung makikita ako ng iyong ama, nang sa gayon ay malaman niya na interesado akong ligawan ka" Seryosong saad ni Liyong.

Napasingkit ang mata ni Dolorosa, "H-hindi pa naman kasi ito ang tamang pana---"

"Dolor? Sino ang kinakausap mo diyan?"

"Liyong, Magtago ka! Nandiyan si kuya Adrian!" Ani Dolorosa at itinulak pa niya si Liyong sa madilim na parte.

Ngunit hindi natinag si Liyong.

"Magtago ka,"

"Ayaw ko"

"Magtago ka na, por favor"

Ngumisi lamang si Liyong, hindi siya nagpatinag sa pagtulak sa kaniya ni Dolorosa.

"Liyong naman," Reklamo pa ni Dolorosa.

"O? Liyong. Narito ka pala," Ani Adrian at agad na nakipagkamayan siya sa binata, "Bakit hindi ka nagsabi na may panauhin tayo?" Saad niya pa sa kapatid na ngayon ay nakakakitaan na parang balisa.

"Magandang gabi, ginoong Adrian" Bati ni Liyong at itinapat ang sombrero sa dibdib.

"Pasok na tayo sa loob. tamang-tama, may nakahandang hapunan na si ina" Paanyaya pa ni Adrian.

Tumango naman si Liyong at napasulyap siya kay Dolorosa na ngayon ay napahinga nang malalim na parang walang nagawa sa eksena.

Nang makapasok sila sa loob ay agad na nagbigay galang si Liyong kay Doña Araceli, "Magandang gabi po, doña"

"Magandang gabi, hijo. Dito ka na lang maghapunan. Siya nga pala, hanap mo ba ay akin na esposo?" tanong ng doña sa binata.

Napasulyap naman si Liyong kay Dolorosa, nakita niya naman itong pinandilatan siya ng mata na tila sinasabing tumango na lamang siya.

Naghihintay naman ang doña sa tugon habang naghahanda ng mga pinggan sa mesa.

"Opo," Ani Liyong sabay tango.

"Siya'y masyadong abala," Ikling tugon ni Doña Araceli, "O siya, tayo na at maghapunan. Dolor, tawagin mo na ang iyo na kuya Marco"

Tatawagin na sana ni Dolor ang kuya nang lumabas na ito mula sa silid. Kitang-kita nila ang pagiging maputla nito na mahahalintulad sa isang labanos.

Bahagyang napayuko si Liyong dahil baka maaalala at makilalang siya ang nagtapon ng bolang apoy kay Marco.

"May panauhin tayo, si Leopoldo" Saad pa ni Doña Araceli.

Ngumiti nang tipid si Marco at napatango na lamang bago napaupo sa bakanteng upuan katabi ni Dolorosa.

Samantalang si Liyong ay hindi maiwasan na mapasulyap kay Marco. Hindi niya akalain na pwede palang mahalo ang dugo ng bampira sa dugo ng taong-lobo. Samakatuwid, maaring isang uri na ng hibrido si Marco.

ANG pagsilay ng kalahating buwan na nagbabadyang maging buo na sa susunod na mga araw ay tila isang babala sa lahat na darating ang panahon na may mas madugong labanan na naman ang mangyayari. Nasisilayan iyon ni Marco habang siya'y nakalubog sa malapit na ilog sa kanilang barrio. Matapos ang hapunan ay nakaramdam na lamang siya ng pang-iinit sa katawan kung kaya ay nagpasyahan niyang magbabad.

Napapikit siya habang pinakikiramdaman ang malamig na tubig sa kaniyang katawan.

Mayamaya pa ay may naririnig na siya na tila isang pagaspas ng isang pakpak. Nakikita niyang sinasayaw ng hangin ang mga dahon ng puno sa may dakong gubat.

Umalis sa tubig si Marco at pinulot ang mga kasuotan na nakatihaya sa malaking bato. Sinuot niya ang kaniyang karsones at pagkatapos ay hinawi ang buhok na basa at ang damit na may mataas na manggas ang kaniyang ginamit para punasan ang katawan. Napatalikod siya sa malaking bato, pinagmasdan niya ang patag na bahagi ng gubat at ang ilog na payapang umaagos lamang.

Pagkatapos ay lumingon muli siya sa malaking bato na nilagyan lamang niya kanina ng mga damit. Natigilan na lamang siya nang makita ang isang nilalang na nakatalungko sa ibabaw ng bato habang nakabuka ang malapad na pakpak na mahahalintulad sa isang paniki.

Gumagalaw ang ulo nito na tila kinikilatis ang binata sabay ngisi. Sumilay naman ang maiitim at matutulis na ngipin nito at may kulay dugong balintataw.

Napaatras nang kaunti si Marco sa natunghayang nilalang. Sa kaniyang palagay ay ito ang tinutukoy na berbalang na gumambala sa sementeryo ng San Fernando.

Ipinagaspas ng berbalang ang pakpak upang makalipad, naaamoy niya ang halimuyak na nanggagaling sa isang mansyon.

Napatingala si Marco sa berbalang na lumipad papalayo sa kaniya. Unti-unting binago niya ang kaanyuan upang habulin ang kahindik-hindik na nilalang.

Sa kabilang dako, sa isang silid, naroroon at walang kasama na si Luna habang mahimbing na natutulog. Hindi naman namalayan nito ang pag-ilaw ng pulang buwan sa kaniyang kwintas na animo'y nagbabadya ng isang babala na may paparating na kaaway.

Samantala, ipipikit na sana ni Oliver ang kaniyang mga mata ngunit bigla siyang nasukot sa narinig na kaluskos sa kabilang silid na kung saan natutulog si Luna. Napabangon siya bigla at hindi na ginising ang esposa na mahimbing na ang tulog.

Nang makarating sa harapan ng pintuan ay agad niyang binuksan at pumasok sa loob. Nadatnan niya na roon ang berbalang na nakatalungko sa ibabaw ng bintanang nakabukas. Nakita niya naman si Luna na nasa ilalim ng higaan at nagtatago habang palihim na tumatangis, "Putangina mo!" Sinugod niya ang halimaw at biglang lumabas ang kaniyang matutulis na kuko. Agad niyang nakalmot ito sa bandang binti.

Pinagaspas naman ng berbalang ang pakpak nito at lumayo ito sa bintana.

Agad na kinuha ni Oliver ang anak na nasa ilalim ng higaan, bigla ring dumating ang esposa nito, napayakap ito sa kanila.

"Ano'ng nangyari, mahal ko? Ayos ka lang ba, anak?" Tanong pa ng esposa ni Oliver. Nakita niya naman na marahang tumango si Luna pero nababakasan pa rin ang takot nito sa mata.

"Lumusob dito ang berbala---" Natigil si Oliver nang makita na wala ang kwintas sa leeg ng anak, "Luna, s-saan ang pulang hiyas?"

Humikbi nang mahina si Luna, "K-kinuha po ng halimaw, s-sabi niya, sa kaniya raw iyon"

Napatiim-bagang si Oliver, "Bantayan mo nang maigi ang anak natin, kung maaari ay doon kayo sa isang silid at isirado mo nang mahigpit ang pinto," Ani niya sa esposa, napatango ito at agad na binuhat si Luna.

NANG makita ni Marco ang berbalang sa ere ay labis ang kaniyang pagkasuklam lalo na at naaninag niya ang umiilaw na kwintas na hawak na ngayon ng kalaban.

Umalulong siya nang malakas at agad na tumungo sa malaking bato upang doon lumundag para maabot ang berbalang.

Sa kabilang banda, masaya na sana ang pag-uusap ni Dolorosa, Adrian, at Liyong sa may sala-mayor nang makarinig sila ng isang alulong.

"Mukhang may nangyayaring hindi maganda sa may bandang ilog!" Ani Dolorosa nang makalapit sa bintana.

Agad na napatayo si Adrian at Liyong at nakiusyuso na rin sa sinabi ni Dolorosa.

Napalingon naman silang tatlo nang bumukas ang isang silid, lumabas doon si Doña Araceli na tila nadisturbo sa alulong.

"Puntahan natin," Saad pa ni Liyong, "Baka may lumulusob na bagong nilalang"

Bakas sa mukha ni Adrian ang pagkabahala lalo na at wala ang kanilang ama na siyang nangunguna parati sa pagpuksa ng mga kalaban.

SAMANTALA, si Marco naman ay napalundag sa ibabaw ng malaking bato upang abutin ang paa ng berbalang na tila siya'y tinutukso nito mula sa ere.

Nahila niya ang berbalang at napabagsak ito sa lupa. Kaniya itong dinambahan kahit na nagpupumiglas ito.

Kitang-kita ng berbalang ang kakaibang mga mata ng kalaban na tila isang kakaibang uri ng taong-lobo. Naglalaway ito na tila walang pinapatawad sa kung sinong nilalang ang masasagupa.

Walang anu-ano'y kinagat ni Marco ang leeg ng berbalang. Kinagat niya ito nang kinagat na halos sumasama at sumasabit na sa matutulis na pangil ng binata ang laman nito at mga litid ng ugat na nahihila at napuputol. Tumatalsik din ang mapulang dugo ng berbalang sa kaniyang mukha.

Umuungol sa sakit ang berbalang at halos wala ng lakas ang kaniyang mga pakpak na gawing panangga sa kalaban. Pagkatapos ay bigla siyang napaigik sa sakit nang bumaon ang matutulis na kuko sa kaniyang tiyan na halos hakutin na ang lahat ng lamang-loob.

Ang mga cambiaformas naman na nasa paligid ay walang nagawa dahil napaslang na ito ng isang dambuhalang halimaw na parang isang taong-lobo pero hindi naman makapal ang balahibo, may mga tenga na matulis at kulay abo ang balat.

Umalulong muli si Marco habang hawak ang atay ng berbalang. Puno na rin ng dugo ang kaniyang bibig.

Bigla siyang napalingon nang makita sa gawi ng masukal na kagubatan ang kaniyang dalawang kapatid at si Liyong na kaniyang naaalala na ito ang nagtapon sa kaniya ng bolang apoy. Tumakbo na lamang siya papalayo.

Walang nagawa ang tatlo nang makita si Marco na patakbong umalis sa harapan ng napaslang na berbalang. Nagpasyahan na lamang nila na lapitan ang nilalang.

Biglang napatabon nang bibig si Dolorosa nang makita ang nilalang na unti-unting nagbabago ang anyo, "M-myrna?!"

Biglang napaubo si Myrna nang napakaraming dugo, kahit na hirap na siya ay napakapit siya kay Dolorosa, "S-si A-andrus" nang masambit ang pangalan ni Andrus ay bigla na lamang itong nalagutan ng hininga.

Nagkatinginan si Liyong at Dolorosa, kahit na si Adrian ay hindi maarok kung bakit kilala nito si Andrus.

Dumating na rin si Oliver, hindi nawawala ang kaniyang pulang balintataw sa galit habang nakatitig sa babaeng nakatihaya sa lupa, agad niyang hinablot ang kwintas ng pulang buwan sa kamay nito.
----------

A/N: Sana nag enjoy kayo sa pagbabasa :))

Talaan ng larawan:

(Luna Sarmiento)

Matagal-tagal din ang paghahanap ko sa maging visual ni Luna. 😆✌️

Talaan ng salita:
Antanda- Sign of the cross

Continue Reading

You'll Also Like

3.1K 190 6
Morgan who was just shot opened her eyes and found herself in a strange world. A koala took her in and taught her about the world she now live in, tu...
103K 2.1K 54
Please read the Book 1 first.
541K 11.9K 59
A girl who is terrified of the creatures who made themselves known and a possessive Alpha who has waited all his life for his mate.
14.5K 100 12
A Steve harrington love story Falling in love with a henderson is not what he expected. S2 - FINISHED DESCLAIMER ///I do not own any of the character...