Hold Me Into Fading

By PenroseRaegan

2.7K 88 4

(A Stand Alone) Vioreliese La Clava Del has no idea as to why she seems to be spoiling her grandfather's whim... More

Hold Me Into Fading
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas

Kabanata 3

92 4 0
By PenroseRaegan


Kabanata 3

Memories





"I got stolen pictures of her. Puwede kong i-send para kay Lolo.

"My email is open. You can send it now. Kasama ko naman si Lolo."

Kumurap ako dahil sa liwanag ng screen. I readied the photos I gathered for the past few days. Mga nakaw na kuha ko kay Agustina Solera sa bawat lakad. These are pretty simple captures but I know how Lolo would react.

Ipinadala ko na kay Vior ang lahat ng litrato. Ilang sandali ring naghintay bago ko natanggap ang reaksyon ni Lolo.

I smiled on the screen when I saw how all of my expected emotions registered on my grandfather's face.

"Tulad pa rin siya ng dati," aniya habang abala pa sa litratong tinitingnan.

"As to what I can remember of her, yes, she is still Agustina Solera of your past."

Sinilip ni Vior ang litratong tinitingnan ni Lolo.

"Timeless beauty, indeed," he commented that I can just agree.

Nag-angat ng tingin sa akin ang kapatid ko.

"How did you know her before, Ate?"

I smacked my lips. "It's quite hard to tell but it just happened."

"How is she doing?" si Lolo matapos ng ilang sandali.

"She's fine. Maraming ginagawa sa buong araw pero kasama naman ako kaya nababantayan ko pa rin kahit paano. She is fond of making hand fans, Lolo."

Kumawala ang aliw at mahinang tawa ni Lolo.

"Laging ganyan ang ginagawa ni Agustina kahit noon pa."

"And you still remember?" si Vior na tingin ko'y may parehong reaksyon ni Aliegher.

Lolo looked at him, smiling.

"How can I forget? Minsan ko rin siyang minahal, Vior."

"And so you haven't moved on?"

"Is that it?" Lolo said without humor.

Gusto kong matawa sa reaksyon ng kapatid ko.

Lumunok si Vior at saglit na napaisip.

"You have to forget everything for you to move on. That's my stand on it. Getting over someone is impossible unless you forget."

"Getting over someone doesn't really require forgetting. You just have to loss the love and make a step moving forward," sabi ko.

Ngumiti si Lolo sa akin. He's getting my point.

"And continue walking forward until all you can do is to look back without aching at the pain," dagdag ni Lolo sa pinupunto ko.

Siyempre, natalo namin ang sentimento ni Vior!

We don't intend to weigh sentiments, though. Only that Lolo and I stood firmly with our perspective about moving on. And I uphold whatever he has told my brother. Kaya lang, sa huli, may kanya kanya pa rin kaming pinapaniwalaan.

Hindi ako gaanong naghanda para sa araw na 'to. Bibisita kami sa hotel dahil walang trabaho si Aliegher. Balita ko pa, nasa hotel din si Treti kaya magpapang-abot kami ro'n.

"It's hot," reklamo ko habang nagpupunas ng pawis sa noo.

Itinuloy ko ang pagdidilig ng halaman sa harap ng bahay. Flowers in the foyer started to falter at the scorching sun. Mas mainit ngayon kumpara sa mga nakalipas na araw. At dahil ngayon lang din ako nagtagal sa bahay, ngayon ko lang napagtuonan ng pansin ang mga bagay bagay.

Makulit na tumatagos sa maliliit na butas ng straw hat ko ang sinag ng araw. Mainit ang halik ng hangin sa katawan kong pilit inaalo ang aking pawis. Ramdam ko na rin ang maliliit na tubig sa likod ng wayfarer ko. It's misting behind my shades.

"Reel..."

I flinched at the sudden call. Nilingon ko ang entrada at nakita si Aliegher na nakatayo ro'n at tila hinihintay na ako.

"Maaga pa para sa lakad," I pointed out.

Pinatay ko na muna ang gripo bago inayos ang hose sa tabi. Muli ko siyang binalingan. Sumilip pa sa likod niya sa baka sakaling kasama niya si Nanay.

"Nasaan si Nanay?"

"Nasa hotel na. Pinasabay ko kay Gabo para hindi na mapagod sa paglalakad."

Marahan akong tumango. "So that means we'll just walk?"

Tumango si Aliegher at sinipat ang relong pambisig.

"Maghahanda ka pa ba?" sabay gapang ulit ng tingin niya sa akin.

Bumaba ang tingin ko sa suot. My long flowy skirt and crochet bralette top complement the setting. I mean, I don't look scandalous for this errand so...

Ibinalik ko ang tingin sa kanya.

"I'm fine with my look. Isasara ko lang ang pinto, then we are off to go."

Tumango ulit si Aliegher. Tahimik lang akong pinanood na gawin ang lahat ng kailangan kong gawin bago ako hinayaang tumabi sa kanya.

"Will this be a long trail?"

Sa kalagitnaan ng lakad, nagtanong na ako. Hindi naman ako sa nagrereklamo. Gusto ko lang malaman kung ilang minuto pa kami rito sa daan.

"Mga limang minuto pa. Pagod ka na ba? O gusto mong tumigil na muna?"

"No, it's fine. Tumuloy nalang tayo sa lakad. Baka naghihintay na rin si Nanay."

Napalingon ako sa malapit na kapatagang nadaanan namin. I can see horses from here. May naalala tuloy ako saglit.

"I just wonder why we didn't get a horse for this," baling ko ulit kay Aliegher.

Nilingon niya ako saglit.

"This trail has the most beautiful view of Primavera's sceneries. You might want to capture some."

"How did you assume that I might be interested in taking pictures?" tanong ko, namamangha.

"Pansin kong madalas kang kumuha ng litrato. Palihim mo pang kinukunan si Nanay," aniya.

Namilog ang mga mata ko. Uminit din ng kaonti ang mga pisngi dahil sa biglang pagpupunto no'n ni Aliegher.

I nodded understandingly. Sa kagustuhan kong makawala sa kaonting hiya, dinala ko ang tingin sa kung saan. When Aliegher said that we got the most beautiful view of Primavera here, I would not want to oppose.

"So you noticed?" balik ko sa usapang ilang sandali ring nabitin sa ere.

Naglabas ako ng cellphone para kumuha ng ilang litrato. Now I regretted a bit that I sold my camera. Maganda naman ang kuha ng cellphone ko pero mas maganda at mas detalyado kung iyong camera ang gamit ko.

"Oo. Para saan ang mga kuha mo kay Nanay?" tanong niya pero may hinala akong alam niya kung para kanino ang mga kuha ko.

I clicked to capture the mini falls along the road. Saglit kong ibinaba ang cellphone para balingan si Aliegher.

"Para kay Lolo," I was honest.

Saglit kaming nagkatinginan. Ako nga lang din ang unang nag-iwas para kumuha ulit ng litrato.

"Tell me if you don't want me taking stolen shots of Agustina Solera. I'd be respectfully obeying you."

"Hindi naman kita pagbabawalan. Kung makakatulong iyon sa sadya mo rito, ituloy mo lang."

A small smile crept in my lips.

"Why are you letting me pursue whatever I am doing even if it would disrespect your grandfather's memory?" tanong ko na nagpatahimik kay Aliegher.

Aliegher has been quiet. Only that his silence right after that question is screaming deep meaning. Or it resonated because of a purpose.

Alam kong nag-iisip pa siya kaya hindi ko rin minadali ang sagot.

"Bakit kita pipigilan kung pwedeng gano'n rin ang ginagawa mo sa ala-ala ng iyong Lola?" he made sense.

Dinala ko ang tutok ng cellphone sa harap ni Aliegher. He was not alert to block his face from the shot. Samantalang mabilis ang kamay kong pinindot ang capture button.

"Why would I stop you from doing the things that may be beneficial for both parties?" dugtong niya sa sinasabi at tila hindi na inintindi ang pagpipicture ko sa kanya.

Tumango ako. I have to ponder on that. Pero mamaya na. Kailangan ko pang i-appreciate ang ganda ng hotel at tingnan kung saan ko mahahanap ang sarili.

"Nasa lobby silang dalawa," bungad ng lalaking tingin ko'y kaibigan ni Aliegher.

Umalis din agad ang nagbigay ng direksyon. He's probably an attendant of this hotel.

Sumunod ako kay Aliegher na mukhang alam na ang pasikot sikot sa lugar. At nang nahinto kami sa dapat na tungo, nadatnan ko nga si Nanay at isang babaeng maputi na ang buhok. She must be Treti.

"Oh! Here they are!" si Treti nang nabalingan kami ng atensyon.

She smiled warmly. Gumanti na rin ako ng ngiti habang lumalapit sa kanila.

"Your guest is beautiful," nangingiti niyang sabi kay Nanay.

"Oo naman. Vioreliese is as blooming as those flowers."

It snapped me. Right! Flowers!

"Thank you," ngiti ko kay Treti. "It would be such an honor to join the talk and know you formally, Madame. But may I excuse myself for a moment? I have to go to the powder room."

Treti seems to know about girl codes. Hindi na rin ako pinigilan at mukhang naintindihan pa ang naging paalam ko.

"Sure! I will have you accompanied by one of our attendants to guide you."

I smiled and shook my head lightly.

"I'll be fine. I somehow know the turns and paths of this hotel."

Kumunot ang noo ni Treti.

"Have you been here?"

"This is my first time to be here. But someone has told me about your hotel and shared a bit of its lay out so I know."

Nagkatinginan agad kami ni Aliegher. Alam kong may hinala na siya kung sino ang tinutukoy ko. Pero hindi niya ako kinastigo tungkol do'n.

Akala ko may sasabihin siya pero nakompirma ko rin na wala nang sumabay siya sa dalawa na umalis ng lobby. I will be meeting them at the diner.

Umalis na rin ako para simulan ang paggala sa buong lugar. Ang totoo niyan, hindi nabanggit ni Lolo ang tungkol sa hotel. May iba akong pinanghahawakan at doon ko binabase ang bawat hakbang ko patungo sa likod ng hotel.

The diner is in the right wing. Sa left wing naman ay ang pool. Maliit ang hotel sa loob pero malawak ang sakop ng labas.

My gaze wandered around me to see a familiar hint. Or at least the view of the coconut tree is enough to confirm that I am taking the right path.

Tumuloy tuloy na ako sa lakad. Sa dulo ng daang ito ay ang maliit na hardin ng hotel. Napangiti ako. This is what I am looking for.

Inilabas ko ulit ang cellphone ko para kunan ulit ang ilang bahagi ng Primavera. I took a step back that I found myself under the shade of the hotel's shadow. Umatras ulit ng isang hakbang para makuha ang kabuuan ng hardin.

Dalawang kuha pa lang, napilitan na akong makuntento. Tumikhim ako at dahan dahang ibinaba ang kamay nang napansin ang presensya ni Aliegher.

"You could've excused yourself earlier. Sabay na sana tayong pumunta rito," sabi ko at tiningnan ang mga kuha.

Lumapit si Aliegher sa akin at kalmadong tumigil sa tabi ko. Malayo ang inaabot ng tingin niya pero alam kong nasa akin ang atensyon.

At nang lumuwag sa disposisyon at pinakawalan ang sarili sa maraming iniisip, nilingon ako.

"You stand in the middle of the garden. Kukuhanan kita," aniya sa kalmadong tono.

Naglahad siya ng kamay para sa cellphone ko.

Ngumiti ako at ibinigay sa kanya ang phone. Suminghap bago ako lumakad patungo sa gitna ng hardin. Aliegher watched me with my every move. Naging handa sa pagkuha sa akin nang tumayo ako at ngumiti sa kanya.

The sun is striking its glory not that intense as what it was earlier. Biglang gumaan sa balat ang tama ng araw at lumamig rin kaonti ang hangin.

I have done poses for my modeling stint before. Pero naisip ko na hindi iyon para rito. Poses like those aren't for situations like this.

Bumanayad ang ihip ng hangin sa mga bulaklak sa paligid ko. A stem of a growing sunflower bent a little that it almost kissed my feet. Bumagsak ang tingin ko ro'n at sandaling napatulala.

Its petals are of the sunray. Dilaw. Matingkad. Maganda.

I heard several clicks but I couldn't ignore the flower's beauty. Hindi ko nilingon ang banda ni Aliegher at basta nalang na bumaba para tingnan ng mas malapit ang bulaklak.

Nanatili ang tingin ko sa mirasol pero unti unti nang lumalayo sa kung saan ang isip ko.

Isang kuha pa ang ginawa ni Aliegher. The sound of the click is trying to make sense of out its nonsensical existence. And something dawned on me.

"Aliegher," baling ko sa kanya.

I saw him stall from his activity. Sinilip ako sa likod ng camera.

"Reel..."

"What is your sentiment about memories?"

Pansin ko ang gulat niya para sa tanong ko. Hindi agad dumating ang kanyang sagot.

"Memories live until life snaps itself out of existence," si Aliegher sa mahinang boses.

Ganunpaman, narinig ko pa rin.

Pinag-isa ko ang mga labi. Yumuko saglit para pitasin ang mirasol na tinitingnan ko kanina.

"Gusto kong malaman ang sa 'yo," Aliegher said.

Ibinagsak ko ang tingin at nag-isip. Bumuga ako ng hangin.

"Memories sometimes revive the feeling. It breathes life to the bygones. A hug of past to the present."

Unti unting nanlabo ang mga mata ko dahilan para mahirapan akong aninagin ang hawak kong mirasol.

Hindi ko ikinahiya ang biglang panlalabo ng mga mata ko. Imbes ay nagawa pang balingan si Aliegher. His shut brows told me of his confusion.

Lumapit ako sa kanya at iniabot ang mirasol na pinitas ko. I asked for my phone. Nagpalitan kami ng hawak. Siya na ibinalik sa akin ang phone ko at ako naman na ibinigay sa kanya ang mirasol.

I started checking my pictures. All are in good angle. Not the best shots but probably the nicest angle. May isang nakaagaw ng atensyon ko.

It was the last picture. It is blur. But if you know the view behind the picture, hindi ka mahihirapang makita iyon sa kabila ng malabong kuha.

It dawned on me again. That realization...

"Pictures hold the memories," sulyap ko kay Aliegher. "But paintings chain the memories and feelings together."

Nahanap ko ulit ang sarili na nawawala sa huling kuha ni Aliegher sa akin.

Tipid akong ngumiti sa kanya.

"We will live as memories someday. And it is sad that time will blur us and hold us into fading."

Sabay kaming napalingon sa bumuntonghininga. Nadatnan ng tingin ko si Agustina Solera. Nanghihina ang ngiti at may kaonting luha sa mga mata. Hindi makawala pero nagbabantang tumulo kapag hinayaan.

"Nandito lang pala kayong dalawa," aniya sa mahinang boses.

"Hindi ako umalis."

Continue Reading

You'll Also Like

1M 75.2K 38
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
1.1M 29.4K 41
While moonlighting as a stripper, Emery Jones' mundane life takes a twisted and seductive turn when she finds herself relentlessly pursued by reclusi...
5.5K 185 42
The meaning of friendship for Phoebe Charis Espeja doesn't involve a romantic feelings. In terms of that, she values more the relationship that she c...
11M 254K 60
𝐅𝐫𝐨𝐦 𝐄𝐧𝐞𝐦𝐢𝐞𝐬 𝐭𝐨 𝐋𝐨𝐯𝐞𝐫𝐬 Enzo Mariano is known for being nothing but ruthless. He is feared by all in the Italian mafia. He kills on...