Via Dolorosa

By Dimasilaw_101

4.1K 403 2.9K

Sa taong 1891, ang Bayan ng San Fernando ay nababalot pa rin ng mga kakaibang nilalang. Ano kaya ang magiging... More

PAUNANG SALITA
Kapitulo - I
Kapitulo - II
Kapitulo - III
Kapitulo - IV
Kapitulo - V
Kapitulo - VI
Kapitulo - VII
Kapitulo - VIII
Kapitulo - IX
Kapitulo - X
Kapitulo - XI
Kapitulo - XII
Kapitulo - XIII
Kapitulo - XIV
Kapitulo- XV
Kapitulo - XVI
Kapitulo - XVII
Kapitulo - XVIII
Kapitulo - XIX
Kapitulo - XX
Kapitulo - XXI
Kapitulo - XXII
Kapitulo - XXIII
Kapitulo - XXIV
Kapitulo - XXV
Kapitulo - XXVI
Kapitulo - XXVII
Kapitulo - XXVIII
Kapitulo - XXIX
Kapitulo - XXX
Kapitulo - XXXII
Kapitulo - XXXIII
Kapitulo - XXXIV
Kapitulo - XXXV
Kapitulo - XXXVI
Kapitulo - XXXVII
Kapitulo - XXXVIII
Kapitulo - XXXIX
Kapitulo - XL
Kapitulo - XLI
Kapitulo - XLII
Kapitulo - XLIII
•Capítulo Especial•
Aún No Es El Final
Author's Note
Via Dolorosa

Kapitulo - XXXI

78 6 72
By Dimasilaw_101

"KUYA! Hintay!" Tawag ni Dolorosa kay Marco at patakbo siyang lumapit dito.

Napahinto naman si Marco at gulat na nakita ang kaniyang kapatid, "B-bakit ka narito sa bayan?!"

"Pumunta ako kina Immaculada," Pagsisinungaling pa niya sa kapatid. Nabigla na lamang siya nang hinila siya nito na parang hihiwalay ang kaniyang balikat sa katawan. Naninibago siya sa lakas ng kaniyang kuya.

"Tangina..." Anas pa ni Marco nang maramdaman ang hapdi sa kaniyang leeg.

Napalinga-linga pa si Dolorosa sa paligid, hindi niya maintindihan kung bakit sa isang madilim na eskinita sila nagtungo ng kaniyang kuya Marco, "Ano ba ang nangyari sa iyo, kuya? Patingin nga!" Akmang titingnan na sana ni Dolorosa ang leeg ng kaniyang kapatid ngunit lumayo ito.

"H-huwag kang lalapit! Por favor,  Dolorosa!" Balisang saad ni Marco, napapaigik na siya sa kaniyang nararamdamang kirot, dumodoble na ang kaniyang paningin na tila natatabunan na rin ng sapot ng gagamba.

Kinakabahan si Dolorosa sa nangyayari sa kaniyang kuya, nanginginig ang mga kamay nito habang pinipigilan ang pagtagas ng malapot na dugo nito sa leeg, "Kuya Marco! Magsabi ka ng totoo! Ano ang nangyari sa'yo?!"

"H-huwag mo akong isumbong kay ama, p-pakiusap" Hirap na hirap na tugon ni Marco. Napaluhod na lamang siya bigla at napahiyaw sa sakit ng ulo habang hawak hawak niya ito, parang mababasag na ito sa sobrang sakit.

Dahan-dahan na nilapitan ni Dolorosa ang kaniyang kuya Marco, "Kuya..."

"Umalis ka na lang!"

Bakas sa mukha ng dalaga ang pagkagulat nang iangat ni Marco ang mukha nito.

Nagbago na ang anyo ng binata, naging maputla ang balat nito. Kahit na ang busilig ay natatabunan na ng itim na kulay at samahan pa ng balintataw na naging kulay pula na rin.

Hindi makapaniwala si Dolorosa sa natuklasan, hindi ito ang totoong kaanyuan ng kaniyang kuya Marco kapag nag-aanyong taong-lobo. Sa kaniyang palagay ay nagiging kawangis na ito ng pinaghalong bampira at lobo na ngayon lamang niya nasumpungan, "Kuya!" Agad niyang inilabas ang matutulis na kuko at naging dilaw na rin ang kaniyang balintataw.

Hindi na makilala ni Marco ang kaniyang kaharap kung kaya ay sinugod niya ito.

Nag aabang din si Dolorosa sa pag-atake ng kaniyang kuya. Umangil siya at matalim na ang kaniyang tingin dito.

Bigla na lamang siyang napatihaya sa lupa nang madambahan siya ng kaniyang kuya Marco, "Kuya! Ako ito! Si Dolorosa!" Sinikap niyang pigilan ito at sakalin ngunit mas triple na ang lakas nito kaysa sa kaniya. Ginalaw niya ang kaniyang paa at sinipa ang kapatid sa tiyan.

Bahagyang tumilapon si Marco pero hindi iyon hadlang para siya'y matalo. Susugurin na niya sana muli ang dalaga ngunit may lagablab ng bolang apoy ang sumalubong sa kaniya. Bigla siyang napaiwas at galit na galit na napatingin sa lalaking parating.

Kitang-kita ni Dolorosa ang pagkalat ng apoy sa maliit at madilim na eskenita. Kitang-kita niya kung paano dumoble ang laki ng kaniyang kuya Marco. Ang pinagkaiba lamang ay wala na itong makakapal na balahibo na katulad ng dati.

Tumabi si Liyong kay Dolorosa at pinagmasdan nila si Marco na nagmamadaling makaakyat sa mataas na pader.

Napapunas na lamang ng dugo sa ilong si Dolorosa gamit ang likurang kamay at unti-unting nagbago ang kaniyang kaanyuan. Bakas din sa kaniyang mga mata ang namumuong luha, "Ang a-aking kuya Marco,"

Agad na niyakap nang mahigpit ni Liyong si Dolorosa habang nasa kalagitnaan sila ng malaking sunog.

Kahit na naririnig nila ang mga hiyawan ng mga tao sa paligid ay nanatiling nakatago ang dalaga sa bisig ni Liyong.

ISANG malakas na suntok at tadyak ang natanggap ni Marco galing kay Don Xavier nang maihatid ito ng nga cambiaformas sa tahanan. Napag-alaman ni Don Xavier mula sa mga ito na naamoy nila ang laway ng bampira sa leeg ng binata.

Kanina lamang ay pasuray-suray na naglalakad si Marco, inakala ng mga cambiaformas ay lasing lamang ito ngunit nang lapitan nila ay nabigla sila sa kanilang nakita. Nagkagutay-gutay ang tsaleko at nababahiran pa ito ng dugo.

"Isa na akong b-bampira!" Wala sa sariling saad ni Marco at tumatawa pa ito na tila nawawala na sa katinuan. Bigla na lamang siyang nadapa at sumuka ng napakaraming dugo.

Agad naman na tumulong ang mga cambiaformas at totoo ang sinasabi ng binata na isa na siyang bampira dahil naaamoy nila ang umaalingsaw na amoy na nanggagaling sa leeg nito.

Sinipa nang sinipa ni Don Xavier ang anak hanggang sa napaubo na ito ng dugo at dumudugo na rin ang ilong nito, "Isa kang kahihiyan, punyeta!" Galit na galit na saad niya pa.

Napahiga na lamang si Marco sa sahig at nanghihina, "A-ama,"

Kinuha ni Don Xavier ang isang matulis na espada na galing pa sa kongregasyon.

"Xavier! H-hayaan mong magpaliwanag ang iyong anak!" Bulalas na saad ni Doña Araceli at pumunta sa gawi ni Marco upang ipagtanggol ito.

Namumula ang mukha ni Don Xavier sa galit, "Ang isa sa mga alintuntunin sa ating balwarte ay ang tugisin ang mga kaaway at hindi magiging kakampi! Wala akong anak na kampon ng mga putanginang bampira! Ano na lang ang magagawa niyan? Hindi malabo na malalamon ng utak nito ang kasakiman!"

Napahagulhol si Doña Araceli at napaluhod na hinawakan ang isang kamay ng esposo, "Por favor, anak mo si Marco! Maaawa ka naman sa kaniya, b-bigyan mo ng pagkakataon, por favor"

Iwinaksi ni Don Xavier ang kaniyang kamay at seryosong tinanggal sa lalagyan ang mahabang espada, "Sumpain niyo man ako pero kinasusuklaman ko ang ganitong uri ng nilalang! Hindi siya ang aking anak!" Sabay taas niya ng espada.

Biglang bumukas ang pintuan at agad na napatakbo si Dolorosa sa gawi ng ama upang agawin ang espada na handa ng itarak sa kawawang katawan ni Marco.

Halos hindi makahinga si Adrian at Oliver sa nakita nang makapasok na sila sa loob ng tahanan. Kahit na si Agustin ay napatalikod na lang at hindi kayang tingnan ang kinakapatid.

"Dolorosa!" Singhal ni Don Xavier nang maagaw ng anak ang espada, "Anong kahibangan ito?!"

Hindi magkamayaw ang mga luha sa mga mata ni Dolorosa habang nakatitig sa kaniyang ama, "Isa lamang na biktima si kuya Marco, ama! H-huwag niyo po siyang paslangin, pakiusap! Alam kong hindi ginusto ni kuya ang nangyari sa kaniya,"

Napaigting ang panga ng don habang seryosong napatingin sa kanilang lahat. Hindi na niya maarok ang nangyayari sa kanilang buhay, tila sinusubok na siya ng panahon.

"Dolor..." Tumatangis na tawag ni Doña Araceli sa anak na ngayon ay nilapitan na si Marco at hinahawakan ang kamay nito.

"K-kuya Marco, huwag kang mawalan ng pag-asa... kakampi ka pa rin," Pabulong na saad ni Dolorosa sa kaniyang kapatid, "Gamitin mo ang bagong kakayahan na kalabanin ang gumawa sa iyo nito... naririnig mo ba ako, kuya?" Hindi na maawat ang mga luha niya sa pagpatak.

Marahang napatango si Marco at ngumiti, "S-salamat, D-dolor... i-ipinagtanggol m-mo ako k-kay ama," Nanghihina niyang saad bago mawalan ng malay.

"Huwag niyo na akong kausapin! Mierda!" Bulyaw ni Don Xavier at padabog na pumasok sa sariling opisina.

Napapikit na lamang si Doña Araceli at bahagyang nagulat nang malakas na isinarado ng esposo ang malaking pintuan.

KINABUKASAN, ay buong loob na pinasok ni Dolorosa ang silid ng kaniyang kuya Marco. Nagdala siya ng pagkain at gamot.

Nadatnan niya ang nakakatandang kapatid na namumutla at tuyong-tuyo ang labi nito. Napagtanto niyang hindi na pangkaraniwang pagkain ang nais ng kaniyang kuya kundi sariwang dugo.

"Dolor" Garalgal ang boses ni Marco nang sambitin ang pangalan ng bunsong kapatid, "M-mukhang hindi ako magtatagal. Mas pipiliin ko pang m-mamatay,"

Napahinga nang malalim si Dolorosa at napailing, "Maghihiganti tayo, kuya. Kung sino man ang may gawa sa iyo nito ay gugutay-gutayin ko ang laman hanggang sa magkalat ang utak nito sa uhaw na lupa,"

Napapikit si Marco, "Nakakakilabot k-kana t-talaga, bunso" Saad niya sabay umubo ng napakalakas na halos maghingalo na siya.

Nataranta naman si Dolorosa at agad na dinakip ang isang ibon na kasing-laki ng uwak. Agad niyang binalian ito ng ulo at hiniwalay sa katawan nito. Agad niyang pinainom sa kaniyang kuya Marco ang dugong tumagas.

Ininom naman iyon agad ni Marco na tila isang uhaw na uhaw na nilalang na hindi nakatikim ng tubig ng isang taon.

Pinagmasdan ni Dolorosa ang kaniyang kapatid na unti-unting bumabalik sa dati ang labi nitong mapula. Nawala rin bigla ang iilang mga pasa niya sa katawan at mukha.

"Salamat, bunso. Nawa'y bigyan pa ako ng lakas para makapaghiganti sa iyong, maestra"

Parang nabingi si Dolorosa sa narinig. Tila nanuyo ang kaniyang lalamunan sa sinabi ng kapatid.

PINAGMASDAN ni Liyong ang monasteryo, alam niyang pinaghahanap ng mga prayle si Dolorosa at bigyan ng pabuya ang sino man ang makakahanap nito. Sa kaniyang palagay ay hindi ito uubra dahil kamatayan lamang ang nakaabang sa mga nais dukutin ang dalaga.

Pumasok siya sa loob, sumalubong sa kaniya ang nakakabinging katahimikan. Hindi niya rin masumpungan si Myrna pero wala na siyang pakialam, mas mabuti na lang kung ito ay lumisan na.

Pagkatapos ay tinahak niya ang pasilyo patungo sa isang malaking silid na kung saan nadatnan niya na nagpupulong ang lahat ng mga prayle at maging ang obispo ay naroroon din.

"Hindi ako makapaniwala na anak pala ng gobernadorcillo ang nagpapanggap na katulong dito," Saad ni Prayle Sanchez.

"Masama ang kutob ko sa binatang iyon," Biglang sambit ng  obispo, "Bakit hindi niyo paslangin?"

"Nais kong ako ang papatay! Alam kong siya ay mapagkunwari," Mariin na pakli ni Prayle Castillo.

Biglang pumalakpak si Liyong, napansin naman niya ang pagkagulat ng mga prayle, "Ako pala ang paksa ninyo sa inyong pagpupulong. Magaling!" Sarkastikong saad niya pa.

"Sinvergüenza!" (Walanghiya!) Singhal ni Prayle Castillo, "Ano ang ginagawa mo rito?"

Napahinga nang malalim si Liyong at napaupo sa isang espasyo ng bintana at napa-de kwatro, "Makikinig ako. Kapag mali kayo sa aking pagkatao ay isa sa inyo ang masusunog," Sabay ngisi niya ng nakakaloko.

Padabog na lumapit si Prayle Castillo sa binata upang sakalin ngunit nabigla siya nang lumitaw sa mg kamay nito ang dagitab ng apoy.

"Masusunog kayo kasama ng mga santong kayo lang ang may gawa!" Giit ni Liyong. Biglang pumalibot ang apoy sa lokasyon na kung saan naroroon ang mahabang mesa. Ginamit niya ang isipan upang lumaglab ang apoy.

Hindi magawang tumakas ng mga prayle sa umaalon na apoy. Isa ito sa kanilang kahinaan.

"Nais kong maaga pa ay makaranas na kayo ng impyerno" Pilyong saad ni Liyong, sabay hagis ng bolang apoy sa kanila.

Naramdaman ng mga prayle ang nanunuot na init  at nagmamakaawa sa binata na alisin ang apoy, si Prayle Castillo naman ay seryoso pa ring nakatingin sa binata kahit na nasusunog na ang dulo ng kaniyang sutana.

Sa paningin ni Liyong ay isa itong kasiyahan sa kaniya. Napapangisi siya habang pinagmasdan ang mga prayle na natutunaw na parang kandila at natutupok na parang isang marupok na kahoy.

Napasindi na lamang siya ng tabako gamit ang apoy sa kamay at hinithit iyon. Napabuga siya ng usok at parang wala lamang sa kaniya ang lahat nang lumabas siya sa nasusunog na monasteryo.

Nakita niya naman ang nagkukumpulang tao sa labas at nakita niya rin ang matandang patpatin na walang nagawa kundi ang tingnan ang malaking apoy.

"Dios mio! Siguradong natusta na ang mga prayle sa loob," Bulalas ng isang lalaki.

"Ano kaya ang dahilan ng sunog, ano?" Tanong pa ng isang babae.

Nakihalubilo naman sa nagkukumpulang tao si Liyong na tila walang kinalaman sa pangyayari.

"Leopoldo,"

Napatingin si Liyong sa matandang patpatin. Bakas sa mukha nito ang kasiyahan at kaginhawaan.

"Hindi na ako muling maghihirap pa sa mga maalipustang domicano,"

Ngumiti na lamang si Liyong at inagbayan ang matandang patpatin kahit na hanggang dibdib niya lamang ito, "Malaya ka na, Mang Feliciano"

WALANG kinikibo si Don Xavier at walang nakikitang emosyon sa kaniyang mukha. Kanina lamang ay natanggap niya ang liham galing sa San Fernando dahil nababahala na si Timotheo sa sunod-sunod na pagkasunog ng mga gusali, marahil ay may taong-apoy na gumagambala.

Napatayo siya at lumabas ng opisina, dito na rin siya nakatulog kagabi dahil sa mga hindi kaaya-ayang kaganapan.

Nadatnan naman niya si Dolorosa na ginagamot ang leeg ni Marco, may pagsisisi siyang nararamdaman at naaawa sa kalagayan ng anak ngunit nilagpasan niya lamang ito na para lamang silang hangin.

"Hayaan mo, magiging maayos din kayo ni ama, kuya. Kakausapin mo na lang siya muli kapag hindi na mainit ang kaniyang ulo," Kalmadong saad ni Dolorosa.

"Siguro nga'y kinakarma na ako, Dolor. Marahil ito na ang kabayaran ng aking mga kasalanan," Sabi ni Marco habang nakasandal sa upuan at nakatingin sa kawalan, "Marami na akong pinaiyak na babae, iba rin talaga kapag ang karma na ang gumawa ng paraan para ipamukha ang kasalanan,"

Napangiti si Dolorosa, "Ibig sabihin ba niyan ay magbabago ka na, kuya?"

"Marahil ito na ang magsisilbing aral sa akin," Tugon ni Marco. Sa katunayan ay nababalot na siya ng pagsisisi at may namumutawing galit na rin sa kaniyang puso.
----------

Talaan ng salita:
Busilig- ang puting parte ng ating mga mata.

Talaan ng larawan:

(Visual sa paynetang regalo ni Liyong kay Dolor)

Continue Reading

You'll Also Like

160K 1.9K 13
Bella and Edward have twins.
1K 52 11
jake just wants to feel normal again. heeseung used to make him feel normal. ©sunverseee lowercase intended ✔️
1.2K 100 12
Veronica Weasley volunteers as tribute to save her little sister, Ginny. And she's not the only brave volunteer that day... A Hunger Games/Harry Pot...
1.6M 28K 98
Some games can end well. You just have to play the game right. Harry, Aria, and their friends are apart of the game life. Each chapter is the next le...