Kristine Series 06: Kapirason...

By Imperfect_Philozoic

21.4K 613 21

Anuman ang gawin ni Aura ay hindi niya mapaglabanan ang damdamin na naramdaman kay Miguel. Unti-unting nabubu... More

Amanda - Kapirasong Papel (Kristine Series 06)
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Nine
Chapter Ten - Finale

Chapter Eight

1.6K 50 1
By Imperfect_Philozoic


ILANG araw makalipas ay nagbalik ng Maynila si Aura. Isinubsob niya ang sarili sa trabaho gaya ng dati upang huwag magkaroon ng puwang sa isipan niya ang mga alaala ni Miguel.

Subalit kung gabi na'y inaatake siya ng pangungulila.

Naitanong niya sa sarili kung bakit nga ba ayaw niyang tanggapin ang alok na kasal ni Miguel pagkatapos na may mamagitan sa kanila?

At humantong siya sa conclusion na hanggang ngayo'y hindi pa rin niya kayang magtiwala sa mga lalaki pagkatapos ng panlolokong ginawa sa kanya ni Clark. Natatakot siyang muling magmahal at sa bandang huli'y mabigo.

Isang linggo na ang nakakalipas nang makatanggap siya ng tawag mula kay Krizelda. Kinukumusta siya nito, at sinasabing nasa mabuti na ang kalagayan.

"Aura..."

"Yes, Krizel? May sasabihin ka ba?"

"M-may sinabi sa akin si Miguel tungkol sa inyong dalawa."

Napipilan siya.

Nagpatuloy ang nasa kabilang linya. "H-hindi ko alam kung bakit ayaw mong tanggapin ang alok niya."

"Alam ko kung ano ang dapat, Krizelda."

"But it's not right, Aura!"

"And what is right, Krizelda? Ang muling magpaloko?" Napapikit siya. Hindi ba't nang may mamagitan sa kanila ni Miguel ay nagpaloko na siya? "I'm sorry, Krizel, pero hindi ako maaaring makipag-usap sa iyo nang matagal. Marami pa akong gagawin."

"All right, but listen to me first. Maligaya ako ngayon dahil sa tulong mo. And I want to see you happy, too."

"I am happy."

"No, you're not. And don't lie to me. Bye."

"Bye."

Nanlulumong napasandal sa executive chair si Aura matapos ibaba ang telepono. Parang sasakit ang ulo niya sa tuwing maiisip si Miguel.

Pumasok pa ang sekretarya niyang si Inez at nagpalista ng kanyang mga appointments. "You have a dinner meeting with Mr. Zeneroza at 7 o'clock this evening, Miss Fortalejo. And at 8:00, with Mr. Lee, 9:30 with Mrs. Schultz and—"

Pinutol niya ang pagsasalita ni Inez sa pamamagitan ng pagtataas ng isang kamay.

"Cancel all my appointments, Inez, I'm not feeling well."

Si Inez, na noon lamang naringgan na nagpapakansela ng appointment ang lady boss ay takang-taka.

"What's the matter?" napakunot-noong tanong niya nang makita ang reaksyon nito.

"Well— ah... I'm just surprised, Miss Fortalejo. This is the first time that you cancel your appointments."

"And this is the first time that I am not feeling well, Inez. Nakapagtataka nga dahil katatapos lang ng bakasyon ko."

"Maybe you need another vacation. I mean an out-of-the-country vacation."

"That won't be necessary." Tumayo siya sa kinauupuan at dinampot ang shoulder bag. "See you tomorrow, Inez."

"See you tomorrow, Miss Fortalejo."

NAGPAHATID si Aura sa Aurora Condominium nang bigla na lamang maisipang silipin ang unit na iniregalo ni Aurora kina Gabriel at Krizelda. Inookupa ng unit ang kabuuan ng 24th floor at kasunod noo'y ang penthouse na.

Walang tao sa penthouse na pag-aari ng kapatid na si Ismael kundi ang butler sapagka't kasalukuyan itong nasa ibang bansa.

Binati siya ng mga empleyadong nadatnan sa ground floor ng condominium.

Papaitaas na ang private elevator na humihinto lamang sa 24th at 25th floor nang kabahan siya. Isang kabang hindi niya mawari.

Atubili siya nang bumukas ang elevator sa 24th floor dahil sa kabang nararamdaman.

Strange, sa sarili ay bulong niya.

Kinuha ni Aura ang plastic card sa bag at isinubo sa security lock. Nang bumukas ang pinto ay pumasok siya.

Inilapag niya ang bag sa ibabaw ng bar at naglabas ng isang bote ng alak, nagsalin sa kopita.

Sumimsim siya ng alak bago pumasok sa kuwarto. Agad ay sinalubong siya ng pabangong panlalake. Tumindi ang kaba sa dibdib niya.

Ang alam niya'y walang tao roon kaya saan galing ang pabango?

Sinundan ng ilong niya ang pinang-gagalingan ng amoy at huminto siya sa tapat ng pinto ng banyo.

Nang pihitin niya ang doorknob ay hindi iyon naka-lock. Binuksan niya ang pinto at nanggilalas siya sa nakita.

"A-anong ginagawa mo rito?"

Naroroon si Miguel, wearing only his birth suit, nakatapat sa shower. Ito man ay hindi nakahuma nang makita si Aura.

Nang makabawi sa pagkabigla'y di-sinasadyang nagbaba ng tingin ang dalaga.

"Oh!" bulalas niya nang makita ang tanda ng pagiging lalaki nito. Nag-init ang mukha niya't hiyang-hiya sa sarili.

Bagkus na maalarma'y nagtawa pa si Miguel. "Wanna join me, sweetheart?" nanunuksong tanong nito.

"Que bruto!" Iyon lang at mabilis siyang lumabas ng banyo.

Nakaupo si Aura sa isa sa mga stool sa bar nang lumabas ng kuwarto si Miguel na nakatapis lamang ng tuwalya. Tumutulo ang basang buhok nito.

Iniiwas ng dalaga ang tingin dito.

Kumuha ng kopita si Miguel at nagsalin ng alak. Bottom's up nang uminom.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Ano ang ginagawa mo rito?" Upang maikubli ang pagkailang ay naggalit-galitan siya.

"Mayroon akong permiso mula sa mag-asawa. Maaari akong magpunta rito kung kailan ko gusto."

Walang nasabi sa kanya si Krizelda, at hindi niya alam kung sinadya ng kapatid upang magkita sila ni Miguel.

"Well, wala akong magagawa kung gayon. I'd better go."

Akmang tatayo sa kinauupuang stool si Aura nang hawakan ni Miguel ang braso niya. "Please stay. I'll cook dinner for us at gusto kong magkakuwentuhan tayo."

Tumitig siya sa nakikiusap na mga mata ni Miguel. Nagtatalo ang isip kung pagbibigyan ito.

"Promise, I'm not going to touch you. Gusto lang kitang makausap, please."

Sa bandang huli'y napahinuhod din siya nito.

Nagbihis si Miguel ng boxer shorts at sando. Sisipol-sipol ito habang naghahanda ng pagkain.

Unti-unting nare-relax si Aura habang pinagmamasdan si Miguel.

"So, you can cook," komento niya, wala lang masabi.

"Yeah. Sanay na ako nang walang ibang nag-aasikaso sa akin."

Makalipas ang kulang isang oras ay magkaharap na silang nakaupo sa bilog na mesa sa dining room.

"Hmn, it's delicious," puri niya matapos tikman ang soup na niluto nito.

"Puwede na ba akong mag-asawa?" nakangiting biro ni Miguel.

Napalis ang ngiti sa mga labi ni Aura.

"So, how are you?" tanong ng binata upang mawala ang tensyong namamagitan sa kanila.

Isang kibit ng balikat ang itinugon ni Aura. Nagkunwa siyang seryoso sa pagkain.

"The offer still stands..."

"Please, Miguel," sansala niya sa tinutumbok nito. "I don't want to talk about it."

Pagkatapos kumain at makapagkape ay lumabas sila sa terrace. Mula roo'y matatanaw ang kaganapan sa ibaba, ang mga karatig-building at ang ilaw ng mga establishments na kumukutitap sa malayo.

"We're lucky, hindi ba?" ani Aura na nakatingin sa malayo. "Nalulungkot ako kapag naiisip ang mga taong halos hindi na kumakain ng tatlong beses isang araw... samantalang tayo'y sobra-sobra pa."

"Yes, mapalad tayo."

"Gusto kong magtayo ng isang foundation na tutulong sa mahihirap na tao."

Nakangiti at may paghangang tinitigan ni Miguel si Aura. Minasdan nito ang mahabang buhok niyang nililipad ng simoy ng hangin.

"Kumusta na nga pala si Vivian?" tanong niya.

Asiwa ang ngiting sumilay sa mga labi ng binata.

"Kung mayroon mang babaeng dapat mong alukin ng kasal, Miguel, si Vivian iyon."

Napabuntong-hininga si Miguel at ikinatang ang mga braso sa bakal na barandilya.

"She's just a friend," anito, nakatuon sa malayo ang mga mata.

"Don't you want to marry a friend? They say, friends can be lovers, but lovers can't be friends."

Napailing si Miguel. "Pakakasalan ko si Vivian, bakit hindi... kung mahal ko siya. Pero ikaw ang mahal ko."

"Tinanong mo na ba ako kung mahal kita?"

Lumapit si Miguel at hinaplos ang kanyang pisngi. "Hindi na kailangang itanong kung nararamdaman mo na."

Hindi nakasagot si Aura, at hindi siya nakatutol nang angkinin ni Miguel ang mga labi niya.

Pinanabikan niya ang mga halik na iyon.

"Please, marry me."

"It's a little awkward, don't you think? To beg and..."

"Luluhod ako kung kailangan, tanggapin mo lang ang alok ko."

Ibig matawa ni Aura sa sinasabi nito ngunit ayaw niyang ma-offend ang binata, kaya pinigil niya ang sarili.

"If I will accept your offer, ano ang sasabihin ng pamilya mo. Kapatid ko si Krizelda, at kapatid ka ni Gabriel."

"So? I don't get your point."

Napabuntong-hininga si Aura. Humakbang siya papasok sa condo ngunit nahawakan ni Miguel ang kanyang braso.

Nakulong siya sa mga bisig ng binata, at bago pa niya namalayan ay tinutugon na niya ang mga halik nito.

Hanggang buhatin siya ni Miguel papasok sa kuwarto'y magkahinang pa rin ang kanilang mga labi.

"Make me feel what I felt before," bulong niya habang tinatanggal ng binata ang pagkakabutones ng kanyang blusa. "Take me to that place again, Miguel."

Ipinasok niya ang mga kamay sa suot na sando ni Miguel, touching his bare chest, taking pleasure in the feel of his hard, rippled muscles.

They were both naked nang ihiga siya ni Miguel sa kama. She was moist, heated, achingly ready for him. She touched him and Miguel sighed.

Hindi naghihiwalay ang kanilang mga mata as she guided him into her.

"I haven't been able to think of anything but you," bulong ni Miguel. "You've put a spell on me, bewitched me."

"Oh, Miguel..."

The needs that she had denied and subjugated had been brought to the surface by Miguel.

She touched him and moaned softly with her own pleasure.

At habang paulit-ulit siyang inaangkin ni Miguel ay hinahagkan nito ang mga labi niya. Nakadadarang ang init na nagmumula sa katawan nito, tumutupok sa init na nararamdaman niya.

The heat of Miguel's body — not merely the secret places where he touched her or she touched him, but his totality — suffused every pore of her skin, missing nothing, flowing like molten gold to gild every contour of her body and soul with priceless pleasure.

Magkayakap silang nakatulog ni Miguel matapos ang mahiwagang sandaling iyon.


                                                      **********

Continue Reading

You'll Also Like

31.6K 797 12
"Isusulat mo ito sa nobela mo, Maxine... 'She opened to him like a flower drinking in rain. Her mouth was soft and inviting. His tongue slid between...
445K 6.2K 24
Dice and Madisson
55.8K 1.3K 18
"Sweetheart, I'm yours. And I'll be yours hanggang sa matuyo ang dagat sa San Ignacio. In other words-until I die..." Si Miles ang first crush ni Nad...
58.6K 1.4K 23
Madeline was foolish to have accepted a job from a strange old man. Ang trabaho ay nasa bayang nilisan niya may limang taon na ang nakalipas at ipina...